You are on page 1of 23

PANITIKANG ASYANO:

TULA NG PILIPINAS
Bb. Rossana L. Bongcato
PICTURE-PUZZLE
Mekanismo:
1. Ang klase ay mahahati sa 2 dalawang
pangkat.
2. Buuin ang mga pira-pirasong papel.
3. Ipaliwanag kung ano ang
ipinahihiwatig ng larawang nabuo.
MGA LAYUNIN:
• Naiuugnay ang sariling damdamin sa damdaming
inihayag sa napakinggang tula. F9PN-Ie-41
• Nailalahad ang sariling pananaw ng paksa sa mga tulang
Asyano. F9PB-Ie-41
• Natutukoy at naipaliliwanag ang
magkakasingkahulugang pahayag sa ilang taludturan
F9PT-Ie-41
• Naisusulat ang ilang taludtod tungkol sa pagpapahalaga
sa pagiging mamamayan ng rehiyong Asya. F9PU-Ie-43
mag-ikit sumubsob

dagit guryon
kiling
ANG GURYON
Ni Ildefonso Santos
Tanggapin mo, anak, itong munting guryon
na yari sa patpat at papel de Hapon;
magandang laruang pula, puti, asul,
na may pangalan mong sa gitna naroon.

Ang hiling ko lamang, bago paliparin


ang guryon mong ito ay pakatimbangin;
ang solo’t paulo’y sukating magaling
nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling.
Saka pag sumimoy ang hangin, ilabas
at sa papawiri’y bayaang lumipad;
datapwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak,
at baka lagutin ng hanging malakas.

Ibigin mo’t hindi, balang araw ikaw


ay mapapabuyong makipagdagitan;
makipaglaban ka, subali’t tandaan
na ang nagwawagi’y ang pusong marangal.
At kung ang guryon mo’y sakaling madaig,
matangay ng iba o kaya’y mapatid;
kung saka-sakaling di na mapabalik,
maawaing kamay nawa ang magkamit!

Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,


dagiti’t dumagit, saanman sumuot…
O, paliparin mo’t ihalik sa Diyos,
bago pa tuluyang sa lupa’y sumubsob!
Sagutin natin:
• Paano mo maiuugnay ang iyong sariling
damdamin sa damdaming inihayag sa
napakinggang tula?
• Bilang isang kabataang mag-aaral, ano ang
iyong pananaw hinggil sa naging paksa ng
tulang napakinggan?
TULA
Ang tula o panulaan ay isang masining na
anyo ng panitikan na naglalayong
maipahayag ang damdamin ng makata o
manunulat nito. Kilala ito sa malayang
paggamit ng wika sa iba’t ibang anyo at
estilo. Nagpapahayag ito ng damdamin at
magagandang kaisipan gamit ang maririkit
na salita. Ito ay matalinghaga at
kadalasang ginagamitan ng tayutay.
Ang tula ay binubuo ng mga saknong at
ang mga saknong ay binubuo ng mga
taludtod. Karaniwan itong wawaluhin,
lalabindalawahin, at lalabing-animing
pantig. Ang kalipunan ng mga taludtod ay
tinatawag na taludturan o saknong.
Mga Elemento ng Tula
1. Anyo
Tumutukoy sa kung paano isinulat ang tula. Ito ay
may apat (4) na anyo.
1. Malayang taludturan – walang sinusunod na sukat,
tugma, o anyo. Ito ay karaniwang ayon sa nais ng
manunulat. Ang mga tulang isinulat ni Alejandro
Abadilla ang halimbawa ng mga tulang nasa anyong
malayang taludturan.
2. Tradisyonal – may sukat, tugma, at mga matalinhagang
salita. Ang ilan sa mga halimbawa ng tulang nasa anyong
tradisyonal ay ang mga tulang isinulat ni Dr. Jose Rizal, isa
na dito ang “Isang Alaala ng Aking Bayan“.
May sukat na walang tugma – mga tulang may tiyak na bilang
ang pantig ngunit ang huling pantig ay hindi
magkakasingtunog o hindi magkakatugma.
Walang sukat na may tugma – mga tulang walang tiyak na
bilang ang pantig sa bawat taludtod ngunit ang huling pantig
ay magkakasintunog o magkakatugma.
2. Kariktan
Ito ang malinaw at hindi malilimutang impresyon na
natatanim sa isipan ng mga mambabasa. Ang kariktan ay
elemento ng tula na tumutukoy sa pagtataglay ng mga
salitang umaakit o pumupukaw sa damdamin ng mga
bumabasa.
3. Persona
Ang persona ng tula ay tumutukoy sa nagsasalita sa tula.
Kung minsan, ang persona at ang makata ay iisa. Maari rin
naman na magkaiba ang kasarian ng persona at makata.
Maaari rin na isang bata, matanda, pusa, aso, o iba pang
nilalang.
4. Saknong
Ito ay tumutukoy sa grupo ng mga taludtod ng tula. Ito ay
maaring magsimula sa dalawa o higit pang taludtod.
5. Sukat
Ito ang bilang ng pantig ng tula sa bawat taludtod na
karaniwang may sukat na waluhan, labing-dalawahan, at
labing-animan na pantig.
6. Talinhaga
Kinakailangan dito ang paggamit ng mga tayutay o
matatalinhagang mga pahayag upang pukawin ang
damdamin ng mga mambabasa.
7. Tono o Indayog
Tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng bawat taludtod ng
tula. Ito ay karaniwang pataas o pababa.
8. Tugma
Ito ay ang pagkakasingtunog ng mga salita sa huling pantig
ng bawat taludtod ng tula. Sinasabing may tugma ang tula
kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod
ay magkakasintunog. Nakagaganda ito ng pagbigkas ng
tula. Ito rin ang sinasabing nagbibigay sa tula ng angkin
nitong himig o indayog.
Mga Uri ng Tula
1. Tulang Liriko
Ang tulang liriko o pandamdamin ay uri ng tula kung saan
itinatampok ng isang makata ng kanyang sariling damdamin,
iniisip, at persepsyon. Puno ito ng masisidhing damdamin ng
tao tulad ng kalungkutan, pag-ibig, kaligayahan, kabiguan at
iba pa. Sa kabila ng pagiging maikli, ito ay sapat upang
maipahayag ang damdamin ng manunulat. Ang halimbawa
ng tulang ito ay ang Florante at Laura na isinulat ni Francisco
Baltazar.
2. Tulang pandulaan
Ang tulang pandulaan ay karaniwang itinatanghal sa mga
entablado at ang mga linyang binibigkas ng bawat karakter
ay patula. Ito ay naglalarawan ng mga tagpong lubhang
madula na maaring makatulad, makaparehas, o maiba sa
nagaganap sa pang araw-araw na buhay.
3. Tulang pasalaysay
Ito ay nagsasalaysay o naglalarawan ng makulay at
mahahalagang pangyayari sa buhay na matatagpuan sa mga
linya o berso na nagbabahagi ng isang kwento. Ang
halimbawa ng tulang ito ay ang Ibong Adarna ni Jose dela
Cruz o mas kilala sa tawag na “Hoseng Sisiw”.
4. Tulang patnigan
Ang tulang patnigan ay kilalang tulang sagutan sapagkat ito
ay itinatanghal ng mga nagtutunggaliang makata ngunit
hindi sa paraang padula kundi sa paraang patula na tagisan
ng talino at katuwiran ng mga makata. Karaniwan itong
tinatawag na balagtasan kapag itinatanghal sa entablado.
PAGTATAYA
Takdang-aralin

Bumuo ng dalawang saknong


na tula tungkol sa
pagpapahalaga sa pagiging
mamamayan ng rehiyong Asya.
Ilagay ito sa malinis na papel.

You might also like