You are on page 1of 2

Filipino Turkish Tolerance Baitang/Antas Baitang 8

Paaralan (School) School


(Grade Level)
Asignatura
Guro (Teacher) JOMAJ F. DELA CRUZ Filipino *
(Learning Area)

Petsa/Oras (Teaching Setyembre 13, 2021


Markahan Ikalawang Markahan
Date & Time) (Quarter)

I.LAYUNIN (Objectives)

Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:

 Naibibigay ang kahulugan ng tayutay gayundin ang mga uri nito.

 Nailalahad ang mga uri ng tayutay


 Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng pangungusap ayon sa mga uri nito
 Napangangatwiranan kung saang uri ng tayutay naaangkop ang pahayag o pangungusap
 Nakalalahok sa talakayan nang mgay kawilihan

II.NILALAMAN (Content)

Paksa: URI NG TAYUTAY

Sanggunian: Wow, Filipino! 8 nina Rodolfo G. Reyes III, Christened Arbee C. Pasion, Jan Henry M.
Choa, Jr., Ian Mark P. Nibalvos, at Alvin Ringgo C. Reyes
III. KAGAMITANG PANTURO (Learning Resources)

Awit, Powerpoint Presentation


IV.PAMAMARAAN (Procedures)

A. Panimulang Gawain
1. Pagpili ng isa sa mga mag-aaral na pangunahan ang maikling panalangin
2. Pagpuna sa kalinisan, kaayusan ng upuan at ng mag-aaral

3. Pagbibigay pansin sa mga liban at pumasok sa pamamagitan ng pagtawag sa


pangalan.

B. Pagganyak

Paano nga ba nanliligaw ang mga lalaki NOON at NGAYON?

A. Activity: Ipapaawit sa buong klase ang awiting NARDA ng Kamikazee


( Group Singing)
Tumalon kaya ako sa bangin,para lang iyong sagipin
Ito ang tanging paraan para mayakap ka
Darating kayasa dame ng ginagawa
Kung kaagaw ko sila paano na kaya?
Awit na nananawagan,baka sakaling napakikinggan,
Pag ibig na palaisipan sa kanta na lang idadaan
Nag-aabang sa langit, sa mga ulap sumisilip
Sa likod ng mga tala,kahit sulyap lang darna

B.Analysis (Brainstorming) Tatanungin ang mga mag-aaral :

1. Ano ang napapansin ninyo sa mga pahayag na nakapula?


Magkaroon ng maikling talakayan ukol dito.

1. Tatalakayin ng guro ang tungkol sa konsepto ng Uri ng Tayutay.


C.Abstraction: (Lecturette)
A. Tayutay=Ito ay mga salita o mga pahayag na ginagamit upang bigyan-
diin ang isang kaisipan o damdamin

B. Uri ng Tayutay:
1. Pagtutulad (simile)
2. Pagwawangis (metaphor)
3.Pagsasatao(personification)
4. Pag-uyam (irony)
5. Pagsalungat (epigram)
6.Paglilipat-wika(transferred epithets)
7. Pagtanggi (litotes)
8. Pagtawag (apostrophe)
9. Pagmamalabis (Hyperbole)
10. Pagpapalit-saklaw (Synecdoche)

D.Application: Direksyon: Basahin ang mga sumusunod na mga pahayag at piliin ang
(Pop Quiz) tamang sagot.

1. Sa panahong ito, masama ang siyang mariwasa at ang mabuti ang siyang
maralita.
a. paglilipat-wika
b. pagsalungat
c. pag-uyam

2. Ang kanyang pisngi ay talulot ng rosas na ibig kong hagkan.


a. pagtutulad
b. pagsasatao
c. pagwawangis

3. Hinalikan ako ng malamig na hangin.


a. pagtawag
b. pagsasatao
c. paglilipat-wika

4. Ang tulin mong maglinis, wala ka pang nayayari.


a. pag-uyam
b. Pagsalungat
c. Pagtanggi

5. Ang nagmamakaawang tsinelas ay tinangay ng aso.


a. pagsasatao
b. pagwawangis
c. paglilipat-wika

V. Ebalwasyon:
(Self- Assessment) Bakit mahalaga ang Tayutay?

VI. Takdang- Aralin/  Pumili ng 5 uri ng tayutay at magbigay ng isamg halimbawa


Kasunduan bawat isang tayutay.

Inihanda ni:
JOMAJ. F. DELA CRUZ

You might also like