You are on page 1of 9

t DAILY Quarter 3 Grade Level 6

LESSON
PLAN Date February 27, 2023 Monday Learning Area Filipino

Banghay Aralin sa Filipino 6


I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling
ideya, kaisipan, karanasan at damdamin
Pamantayan sa Pagganap
Nakapagbibigay ng isang panuto.
B. Pamantayan sa Pagkatuto
Nagagamit nang wasto ang mga pangatnig. (F6WG-IIIg-11)
II. Nilalaman ng Pagkatuto
A. Paksang Aralin:
Gamit ng Pangatnig
B. Sanggunian:
 Filipino – Ikaanim na Baitang Learner’s Packet (LeaP) Week2 - Gamit ng Pang-
angkop at Pangatnig
 Filipino – Ikaanim na Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong
Markahan_Modyul-5: Paggamit ng Wastong Pang-angkop at Pangatnig Unang
Edisyon 2020
C. Integrasyon: ESP; AP
D. Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa Kapwa; Paghahanda sa mga Sakuna
III. Kagamitan
Tsart; powerpoint presentation
IV. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Padiktang Pagsulat
a. Pumunta ako sa bahay nila ngunit nakaalis na siya.
b. Dumating ang nanay at tatay niya mula sa palengke.
2. Balik-aral
Basahing mabuti ang sumusunod na teksto at gumawa ng lagom.
Nanaig ang Ateneo Blue Eagles kontra karibal na De La Salle Green Archers para
masungkit ang kampeonato sa University Athletic Association of the Philippines o UAAP
Season 80 men’s basketball tournament nitong Linggo.
Umpisa pa lang ng laban, agad ipinakita ng Blue Eagles ang determinasyon.
Lumamang pa sila ng 10 sa pagtatapos ng unang kwarter. Nagtapos ang unang half sa
iskor na 45-38, lamang ang Ateneo. Nagtapos ang mainit na labanan sa iskor na 88-86. Ito
ang unang kampeonato ng Ateneo sa nakalipas na limang taon nang tuldukan ng De La
Salle ang kanilang five-peat domination.
3. Pagwawasto ng Takdang Aralin

B. Gawain sa Pagkatuto
1. Pagganyak
Tunghayan natin ang wastong gamit ng mga pangatnig. Tandaan na kailangan
nating lagging maging mapanuri sa lahat ng bagay.
2. Paglalahad
Pansinin ang mga sumusunod na mga salita
1. o, ni, maging
2. at, saka, pati
3. ngunit, subalit, datapwa’t
4. sa, bagkus, sakali, kaya,kapag, samantala, anupa’t

3. Pagtalakay
1. Ano ang tawag sa mga salitang ito?
2. Ano-ano ang gamit ng mga salitang ito?

Ang mga Pangatnig ay ginagamit sa pag-uugnay-ugnay ng mga pangungusap at


sugnay. Sa pamamagitan nito, napagsusunod-sunod natin nang tama ang mga pangyayari
sa isang lathalain ayon sa tamang gamit nito. Pangatnig ang tawag sa mga salitang nag-
uugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay na ginagamit sa pangungusap.
Uri ng Pangatnig
1. Pamukod- ginagamit sa pagbukod o pantangi gaya ng: o, ni,
maging, at man.
Halimbawa: Maghahanda ba tayo sa kaarawan mo o kakain na lang sa labas?
2. Panubali-nagsasabi ito ng pag-aalinlangan, gaya ng, kung,
kapag, pag, sakali, sana.
Halimbawa: Kung uulan, hindi matutuloy ang ating palatuntunan.
3. Paninsay-kapag sinalungat ng unang bahagi ng pangungusap
ang ikalawang bahagi nito. Gaya ng: ngunit, datapwat, subalit, bagaman,
samantala, kahit
Halimbawa: Maganda nga ang kaibigan mo ngunit suplada naman.
4. Pananhi-nagbibigay ito ng dahilan o katuwiran para sa
pagkaganap ng kilos. ANg mga ito ay: dahil sa, sanhi sa, sapagkat, mangyari.
Halimbawa: Nagkasira-sira ang bahay ni Aling Myrna dahil sa bagyo.
5. Panapos-nagsasabi ito ng nalalapit na katapusan ng pananalita, gaya ng:
upang, sa lahat ng ito, sa wakas, at sa bagay na ito.
Halimbawa: Makukuha ko na rin sa wakas ang pangarap kong promosyon sa
trabaho.
6. Panlinaw-ginagamit ito upang ipaliwanag ang bahagi o kabuuan ng isang
banggit : kung gayon
Halimbawa: Nagkasundo na ang mga trabahador at mayari, kung gayon ay
magbubukas na ang planta.
7. Panimbang-ginagamit sa paghahayag ng karagdaganng impormasyon at
kaisipan, gaya ng at, saka, pati, kaya, anupa’t
Halimbawa: Pati ang aso ay kanyang inampon.
8. Pamanggit-gumagaya o nagsasabi lamang ng iba tulad ng: daw/raw, sa
ganang akin/iyo, di umano.
Halimbawa: Di umano, mahusay umawit si Lesly.
9. Panulad-tumutulad ng mga pangyayari o gawa tulad ng: kung sino, siyang,
kung ano, siya rin, kung gaano, siya rin.
Halimbawa: Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin.

4. Pagsasanay
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Punan ang patlang ng wastong pang-angkop at pangatnig sa bawat pangungusap.
ngunit nang kaya raw gaya
1. Nalungkot ang Datu _______ mawala ang kanyang anak.
2. Hinintay ng Sultan ang pagbabalik ng kanyang anak _____ di ito dumating.
3. Si Sari ang nag-iisang anak ng Sultan _____ mahal na mahal niya ito.
4. Ang mahiwagang ibon ay naghugis-anyo_________ ng tao.
5. Kinuha ng mahiwagang prinsepe si Sari dahil siya ______ ang inalagaan at
minamahal nito.

b. Malayang Pagsasanay
Piliin sa panaklong ang angkop na pangatnig o pang-angkop upang mabuo ang
pangungusap.
1. Mahalagang pagtuunan ng ibayong pansin ang agham at teknolohiya (dahil,
upang ngunit) ____umunlad ang ating bansa.
2.Dahil sa pag-unlad ng transportasyon at industriya (kaya, ngunit, saka)
___________may problema sa polusyon.
3. Ang agham (at, o, na) _________teknolohiya ay pag-aaral tungkol sa isang tiyak
na mapaglikhang karunungan ng tao.
4.Umalis pantungo (na, g, ng) ____________probinsiya ang mag-anak.
5. Ipinangako niya sa sarili (g, ng, na) ________lalo siyang
magsisipag sa pag- aaral.

c. Pangkatang Gawain
Sumulat ng talatang naglalarawan o nagsasalaysay tungkol sa larawan. Salungguhitan
ang mga pang-angkop at pangatnig na ginamit sa inyong talata.
Group 1: Group 2:

Group 3: Group 4:

5. Paglalahat
Ang pangatnig ay mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita at
parirala. Nakatutulong ang mga pangatnig na ito sa pagbubuo ng diwa sa
buong pangungusap.
Ginagamit ang mga pangatnig na o, ni, maging bilang pamukod.
Pinagbubukod ng mga ito ang mga kaisipang pinag-uugnay.
Halimbawa: Ayaw kitang madapa ni makagat ng lamok noong
maliit ka pa.
Ginagamit naman ang at, saka, pati kapag may idaragdag na salita ,
panimula, o sugnay.
Halimbawa: Ang mga lumang bote at papel ay maaari pang
mapakinabangan.
Kapag sinalungat ang ikalawang kaisipang unang ipinahayag na
kaisipan, pangatnig na ngunit, subalit, datapwa’t, at iba pa ang ginagamit.
Halimbawa: Dumating ako sa tagpuan natin ngunit
wala ka na.
6. Paglalapat
Isulat ang tsek (/) kung tama ang ginamit na pangatnig sa mga sumusunod
na mga pangungusap, ekis (X) naman kung mali ang paggamit.
_______1. May kaisa-isa na anak na dalaga ang sultan ng Maranao sa
Lanao.
_______2. Isang malaking piging sa kanilang malawak na bakuran ang
inihandog ng sultan sa kaniyang anak.
_______3. Kinuha ng prinsepe ang dalagang kaniyang minamahal.
_______4. Ang sarimanok raw ay gintong ibon na ayon sa iba ay siyang
nagdala sa mga tao sa pulo ng Mindanao ng maraming biyaya.
_______5. Lumipad ang mahiwagang tandang at kinuha ang dalagang si
Sari.
V. Pagtataya
Basahin at suriin ang talata sa ibaba. Tukuyin ang mga pang-angkop at pangatnig
na ginamit dito.

Napakayaman ng Lungsod ng Cavite sa kagandahang naipagkaloob ng kalikasan,


tulad ng magandang tanawin, malalago at masaganang pananim Dahil dito, maraming
turista ang mga dumarayo. Lalo na ang mga Pilipinong naninirahan sa ibang dako ng
bansa upang maipakita ang suporta bilang pagtangkilik sa sariling atin.

VI. Takdang Aralin


Sumulat ng isang maikling talatang naglalarawan tungkol sa alinman sa
sumusunod. Pumili lamang ng isa. Gumamit nang mga pangatnig sa iyong talata.
 paboritong laro
 hinahangaang tao
 lugar na nais puntahan
 gadget na nais bilhin
DAILY Quarter 3 Grade Level 6
LESSON
PLAN Date Learning Area Filipino

Banghay Aralin sa Filipino 6


I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at napapalawak ang
talasalitaan.
B. Pamantayan sa Pagganap
Nakabubuo ng isang nakalarawang balangkas.
C. Pamantayan sa Pagkatuto
Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto gamit ang sariling salita.
II. Nilalaman ng Pagkatuto
A. Paksang Aralin:
Pagsasalaysay muli ng Napakinggang Teksto Gamit ang Sariling Salita
B. Sanggunian:
 Filipino - Grade 6 Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan_Modyu1-6:
Pagsasalaysay muli ng Napakinggang Teksto Gamit ang Sariling Salita/ Unang
Edisyon 2020
C. Integrasyon: ESP
D. Pagpapahalaga: Pagmamahal sa Pamilya

III. Kagamitan
Tsart; powerpoint presentation
IV. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Padiktang Pagsulat
a. Isa siyang abogado na kilala sa pagsulat ng mga artikulo.
b. Ipinagpatuloy niya ang gawaing sa pagsulat.
2. Balik-aral
Bumuo ng bagong salita mula sa salitang nasa loob ng panaklong upang mabuo
ang pangungusap.
_____1. Si Liza ay (punta) sa bukid ng kanyang lolo sa probinsya.
_____2. Maraming mga bata ang gusting (aral) sa paaralan sa kabila ng banta ng
pandemya.
--------3. Ugaliing (hugas) ng kamay gamit ang sabon at tubig.
_____4. (Talon) ang aso sa mataas na bakod ng kapitbahay.
_____5. Dumalo sa (handa) ang pamilya ni Mang Jose.

3. Pagwawasto ng Takdang Aralin

B. Gawain sa Pagkatuto
1. Pagganyak
Ang pakikinig at pagsasalita ay ilan lamang sa mga kasanayan na dapat matutunan.
Sa paglinang ng kasanayang ito ay malayang naibabahagi o naisasalaysay ang mahalagang
impormasyong napakinggan. Malaki ang maitutulong ng paggamit ng sariling salita
upang Madali itong maunawaan at nang maging epektibo sa pagkukwento.

2. Pagpapalawak ng talasalitaan
Basahin ang mga sumusunod na pangungusapp. Ibigay ang kahulugan ng mga
salitang may salungguhit batay sa gamit nito sa pangungusap.
1. Sa isang simpleng bahay kami nakatira ng aking Nanay at Tatay.
2. Ang aming hapag-kainan ay napupuno ng tawanan sa pagkukuwentuhan namin
ng mga pangyayari sa buong maghapon.
3. Ang problema ay nagiging magaan dahil na rin sa pagmamahalan namin.

3. Pagganyak na Tanong
Bakit mahalagang mamuhay ng simple?

4. Pamantayan sa Pagbasa
1. Intindihing mabuti ang binabasa.
2. Mata ang gamitin sa pagbabasa.
3. Itikom ang bibig

5. Paglalahad

Ang Aming Simpleng Pamilya

Sa isang simpleng bahay kami nakatira ng aking nanay at tatay. Ang aking tatay
Pio ay isang simpleng kawani ng gobyerno. Si nanay Conching naman ay isang guro
sa paaralang aking pinasukan. Tatlo lamang kami sa aming bahay. Pero ang lahat ng
gawain ay nagiging Madali dahil sa aming pagtutulungan. Ang aming hapag-kainan ay
napupuno ng tawanan sa pagkukuwentuhan namin ng mga pangyayari sa buong
maghapon. Kapag may libreng oras at may sobrang pera, namamasyal din kami sa
kung saan-saang lugar. Sa panahon naman na may problema, ito rin ay nagiging
magaan dahil na rin sa pagmamahalan namin sa isa’t isa at sa pagtitiwala sa Poong
Maykapal.
6. Pagtalakay
1. Tungkol saan ang kuwentong napakinggan ?
2. Ilarawan ang bumubuo ng pamilya ni Mang Pio ?
3. Sa inyong palagay, bakit ang pamagat ng kuwento ay “Ang Aming Simpleng
Pamilya “ ?
4. Magbigay ng inyong sitwasyon sa inyong tahanan na maihhalintulad sa
kuwento, Bakit ninyo nasabi ito ?
5. Isalaysay muli ang kuwento gamit ang iyong sariling sali

7. . Pagsasanay
Basahin ang teksto.

Si Marcelo H. del Pilar ay tinaguriang Dakilang Propagandista. Isa siyang


abogado na kilala sa pagsulat ng mga artikulo laban sa pang-aabuso ng mga
paring Espanyol. Ipinagpatuloy niya ang gawaing ito sa Espanya kung saan
nagging patnugot at tagapaglathala siya ng La Solidaridad. Sa kakulangan ng
pera at pangungulila sa pamilya, nagkasakit siya at namatay sa Espanya.

Sagutin ang mga tanong.

1. Ano sa palagay mo ang nabanggit sa La Solidaridad ?


2. Sa iyong palagay, bakit sa Espanya ipinagpatuloy ang pagsulat sa La
Solidaridad ?
3. Isalaysay muli ang teksto gamit ang iyong sariling salita.

8. Paglalaha

V. Pagtataya

VI. Takdang Aralin


DAILY Quarter 3 Grade Level 6
LESSON
PLAN Date March 1, 2023 Wednesday Learning Area Filipino

Banghay Aralin sa Filipino 6


I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggaN
B. Pamantayan sa Pagganap
Naisasagawa ang mga hakbang o panutong napakinggan.
C. Pamantayan sa Pagkatuto
Naiisa-isa ang mga argumento sa binasang teksto (F6PB-IIIe-23)
II. Nilalaman ng Pagkatuto
A. Paksang Aralin:
Pag-iisa-isa ng mga Argumento sa Binasang Teksto
B. Sanggunian:
Filipino – Ikaanim na Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan –
Modyul 3:
 Pag-iisa-isa ng mga Argumento sa Binasang Teksto
 Pagsusuri kung ang Pahayag ay Opinyon o Katotohanan
Unang Edisyon, 2020
C. Integrasyon: ESP
D. Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa Kapwa

III. Kagamitan
Tsart; powerpoint presentation
IV. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Padiktang Pagsulat
a. Maraming suliranin ang idinulot ng coronavirus sa mga tao.
b. Maraming kompanya at pabrika ang nagsara.
2. Balik-aral
Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagbibigay ng argumento?
3. Pagwawasto ng Takdang Aralin
B. Gawain sa Pagkatuto
1. Pagganyak
Ang argumento ay ang paglalatag ng mga dahilan at ebidensya upang maging
makatuwiran ang isang panig. Kinakailangan ang malalim na pananaliksik at talas ng
pagsusuri sa proposisyon upang makapagbigay ng mahusay na argumento.

2. Pagpapalawak ng talasalitaan
Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Ibigay ang kahulugan ng mga
salitang may salungguhit batay sa gamit nito sa pangungusap.
1. Nagdulot ng malaking dagok sa kalusugan at buhay ng mga tao ang pandemya.
2. Maaaring lumobo ang bilang ng mga apektado ng pandemya.
3. Ang pagsuspinde ng biyahe ng mga eroplano at sasakyang pandagat ang naging
dahilan ng pagkaantala ng pag-uwi mga Pilipino.

3. Pagganyak na Tanong
Bilang isang kabataang nakaranas ng pandemya, ano-ano ang naging epekto nito sa
iyo at sa iyong pamilya?

4. Pamantayan sa Pagbasa
1. Intindihing mabuti ang binabasa.
2. Mata ang gamitin sa pagbabasa.
3. Itikom ang bibig.

5. Paglalahad
Ang mabilis na pagkalat ng sakit sanhi ng coronavirus ay nagdulot ng malaking
dagok sa kalusugan at buhay ng mga tao. Walang pinipiling dapuan ang virus na ito.
Bata man o matanda, mahirap man o mayaman ay maaring mahawa nito. Maraming
suliranin ang idinulot ng coronavirus sa mga tao. Naging banta ito sa kalusugan lalo na
sa mga bata at matatanda. Maaring mamatay ang dapuan ng virus lalong lalo na kapag
mahina ang “immune system” ng isang tao.
Noong Marso 15, 2020 nag-umpisang ipatupad ng pamahalaan ang Community
Quarantine dito sa Pilipinas sa pangambang maaaring lumobo ang bilang ng mga
apektado. Simula rin ito ng maraming suliraning dinaranas ng mga Pilipino.
Hindi lamang buhay at kulusugan ang apektado ng COVID-19 kundi maging ang
ekonomiya ng bansa. Dahil sa pagkalugi ng mga negosyo, maraming kompanya at
pabrika ang nagsara kaya maraming Pilipino ang nawalan ng trabaho at naghirap.
Ang pagsuspinde ng biyahe ng mga eroplano at sasakyang pandagat ang naging
dahilan ng pagkaantala ng pag-uwi mga overseas contract workers sa kanilang mga
probinsya.

6. Pagtalakay
1. Ano-ano ang mga naidulot ng pandemic sa buhay ng mga Pilipino?
2. Ano-anong mga argumento ang nakita mo sa talata?

Ang argumento ay ang paglalahad ng mga dahilan at ebidensya upang maging


makatuwiran ang isang panig. Kinakailangan ang malalim na pananaliksik at talas ng
pagsusuri sa proposisyon upang makapagbigay ng mahusay na argumento. Proposisyon
ang tawag sa mga pahayag o argumento tungkol sa isang paksa. Sa pagpapahayag ng mga
argumento, nagagamit natin ang ating mga opinyon batay sa ating paniniwala o karanasan
na maaaring makaantig sa iba. May mga pahayag namang talagang makatotohanan dahil
ito ay napatunayan na ng nakararami. Ngunit anupaman, kailangan din nating matukoy
kung aling pahayag sa argumento ang opinyon o katotohanan.

7. . Pagsasanay
Punan ng tamang sagot ang talaan ng impormasyon mula sa binasang teksto.
Mga suliraning Mga dahilan ng suliranin
nabanggit dahil sa pandemya

8. Paglalahat
Ang argumento ay ang paglalahad ng mga dahilan at ebidensya upang maging
makatuwiran ang isang panig. Kinakailangan ang malalim na pananaliksik at talas ng
pagsusuri sa proposisyon upang makapagbigay ng mahusay na argumento. Proposisyon
ang tawag sa mga pahayag o argumento tungkol sa isang paksa. Sa pagpapahayag ng mga
argumento, nagagamit natin ang ating mga opinyon batay sa ating paniniwala o karanasan
na maaaring makaantig sa iba. May mga pahayag namang talagang makatotohanan dahil
ito ay napatunayan na ng nakararami. Ngunit anupaman, kailangan din nating matukoy
kung aling pahayag sa argumento ang opinyon o katotohanan.

V. Pagtataya
Panuto: Basahing mabuti ang sanaysay. Kopyahin ang mga argumento na makikita sa
teksto.

Edukasyon sa Panahon ng Pandemya

Sa kabila ng hirap na dinaranas natin ngayong may pandemya, hindi pa rin natin
maisasantabi ang pangangailangan ng mga mag-aaral sa edukasyon. Maihahatid nga ba sa
mga mag-aaral ang nararapat na aralin gayong mahigpit na ipinagbabawal ang mga bata sa
pagpasok sa mga paaralan?
May mga paraan upang ipagpatuloy ang pagkatuto ng mga bata kahit na hindi sila
pormal na makapasok sa paaralan. Isa na rito ang pagkatutong modyular na siyang
ginagamit ng karamihan. Mayroong pagkatuto gamit ang radyo at telebisyon.
Sa mga may koneksiyon sa internet ay maaaring mag “online learning”.
Anumang uri ng pagkatuto ang mahalaga ay maipagpagtuloy ang edukasyon ng
mga mag-aaral sa gitna ng pandemya.

VI. Takdang Aralin


Punan ang patlang ng angkop na mga salita upang mabuo ang diwa ng talata.

Ang argumento ay isang 1._______________ ng pangangatwiran. Ito ay ang


paglalatag 2. ________________ o _________________upang maging makatwiran ang
isang panig.

You might also like