You are on page 1of 108

Pagtuturo at Pagkatuto

ARALIN
3
Pagpaplano ng Instruksyon
sa Makabayan

Mga Hakbang sa Pagpaplano ng Instruksyon

D. Pagtasa
(Assessment)
Pagtaya
(Evaluation)
C. Paggamit ng
Akmang
Estratehiya sa
Pagtuturo
B. Pag-oorganisa
ng Nilalaman ng
Instruksyon

A. Pagsulat ng
mga Layuning
Instruksyunal

Laging isaalang-alang ang apat na komponente sa pagpaplano ng instruksyon sa


Makabayan. Dito nabibilang ang (A) Layunin, (B) Nilalaman ng Instruksyon, (C) Estratehiya, at
(D) Pagtasa (Assessment) at Pagtaya (Evaluation). Ito ang tinatawag na kontinum sa pagkatuto
(learning continuum).

[1]
Pagtuturo at Pagkatuto

ARALIN
3A
Pagsulat ng mga Layuning
Instruksyunal

I. Introduksyon
Suriing muli ang mga hakbang sa pagpaplano ng instruksyon sa pahina 19. Di ba’t
nangunguna sa kontinum sa pagkatuto (learning continuum) ang mga layuning
instruksyunal? Paano’y gabay ang mga ito sa bawat gawain (tasks) sa pagsasagawa
ng mga aralin sa silid-aralin. Gabay ang mga layuning instruksyunal sa pag-oorganisa
ng nilalaman ng instruksyon (content of instruction); sa pagpili ng akmang
estratehiya sa pagtuturo; at sa pagsulat/paghahanda ng mga materyales sa pagtasa
(assessment) at pagtaya (evaluation) ng mga gawain para sa aralin na tinatalakay. Sa
katunayan ang tagumpay sa pagtuturo ay nasusukat sa pag-abot (attainment) sa
mga layuning instrusyunal para sa bawat aralin.

II. Mga Layunin


Ang mga guro sa pagtalakay ng Aralin 3A ay:
1. malalaman ang kahulugan, katuturan at kahalagahan ng mga layuning
instruksyunal sa pagpaplano ng instruksyon para sa Makabayan;
2. maiisa-isa at maikakategorya ang mga pandiwa (verbs) na magagamit sa pagbuo
ng mga layunin sa alinmang domain: kognitibo, apektibo, at saykomotor;
3. makasusulat ng mga layuning instruksyunal para sa isang paksang-aralin sa
alinman sa mga komponente ng Makabayan; at
4. makasusulat ng mga layuning behebyural (behavioral) para sa isang yunit na
tematiko (thematic unit) sa Makabayan.

[2]
Pagtuturo at Pagkatuto

III. Mga Babasahin Para sa Aralin 3A

Babasahin 1: Mga Layuning Instruksyunal

Ang layuning instruksyunal (instructional objective) ay ang inaasahang


kalalabasan ng pag-aaral (outcomes of learning) na ipinapahayag sa mga termino ng
namamasdang kilos (observable behavior) o gawain na isinasagawa ng mga mag-
aaral. Karaniwan na ang mga kilos na namamasdan pagkatapos ng aralin ay bagong
kilos o kaya’y ekstensyon ng kasalukuyang gawi o kilos.
Karaniwan din na ang pinagkukunan ng mga layuning instruksyunal ay ang
kurikulum, batayang aklat at mga paksang aralin ng mga institusyong edukasyunal.
Subalit masusuri na ang mga layuning instruksyunal ay salamin sa pagpapahalaga ng
kultura ng mga tao sa lipunan na kanilang ginagalawan. Sa madaling salita, ang mga
layuning instruksyunal ay mga pagpapahalaga tungkol sa aralin na pinag-aaralan at
pamamaraan kung paano ito ituturo. Kaya’t masasabi na ang mga layuning
instruksyunal ay ang praktikal na aplikasyon ng mga aralin. Sa ganitong paraan
naipahahayag ang mga pagpapahalaga ng layunin at teorya sa pagkatuto sa silid
aralan. Maidadagdag na ang mga layuning instruksyunal ay ang mga pangungusap
(statements) tungkol sa tiyak na kilos ng mga mag-aaral na kailangan na
maobserbahan at masukat ng guro bilang indikasyon na may proseso ng pagkatuto
na naganap sa mga mag-aaral. Sa kabuuan, sa paggamit ng mga layuning
instruksyunal lalung naliliwanagan ang mga guro sa mga pagbabago na maaaring
maganap sa kilos ng mga mag-aaral na nagpapatunay sa tagumpay ng instruksyon at
pagkatuto.
A. Mga Layuning Behebyural (Behavioral Objectives)
Batay sa mga naturang talakayan tungkol sa mga layuning instruksyunal,
karaniwan na gumagamit ang mga guro ng mga layuning behebyural (behavioral
objectives) sa pagpaplano ng instruksyon. Sa pamamagitan ng mga layuning
behebyural madaling natutukoy ng mga guro ang kalalabasan (outcomes) ng
instruksyon. Gayundin naman, ang mga layunin ay ginagamit na basehan sa
pagpili ng mga materyales na instruksyunal at gawain (activities).
Ang mga layuning behebyural ay ang pangungusap (statement) tungkol sa
mga gawain na dapat isagawa ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagsunod
sa instruksyon. Samakatuwid ginagabayan ng mga layuning behebyural ang mga
mag-aaral sa pagsasagawa ng mga tiyak na kilos. Sa paggamit ng mga layuning
behebyural ang mga guro ay natutulungan sa:

[3]
Pagtuturo at Pagkatuto

1) pagtukoy at pagpili ng mahalagang hangarin (goals) sa pagkatuto ng mga


mag-aaral;
2) pagtuturong epektibo tungo sa pagkamit ng hangarin;
3) pagsukat sa natutunan ng mga mag-aaral tungkol sa pagkamit sa mga
naturang hangarin (goals); at
4) paghahanda ng mga akmang materyales na instruksyunal para sa mga
kaakibat na gawaing instruksyunal.

B. Pagsulat ng mga Layunin


Nabubuo ang mga layuning behebyural ng tatlong komponente: (1) kilos
(behavior); (2) paksang tinutukoy (object) ng kilos at (3) ang kondisyon
(condition) kung paano isasagawa ang nakatakdang gawain. Nailalahad ang kilos
sa paggamit ng mga pandiwa (action words) para maobserbahan kung
natugunan na ang mga layunin. Ang paksang tinutukoy (object) ay ang nilalaman
ng instruksyon, kasanayan o pagpapahalaga na dapat mapag-aralan o matalakay
ng mga mag-aaral. Ang kondisyon naman sa pag-aaral ay ang pagtungo sa mga
pangangailangan sa pagtalakay sa aralin tulad ng lugar, oras sa paggawa, at uri
ng gawain na dapat maisagawa ayon sa itinakdang pamantayan ng guro.

Mga Halimbawa

Kilos Tinutukoy Kondisyon sa Paggawa Krayterya sa


Paggawa
(Behavior) (Object) (Task Condition)
(Criteria)

Mapaghahambin ang uri ng pamahalaan sa paggamit ng Venn sa loob ng


g dawalang bansa sa Asya diagram sampung
minuto

Masusuri ang mga isyu/suliraning sa pamamagitan ng sa loob ng


panlipunan na kinakaharap prosesong pag- isang sesyon.
ng dalawang pamahalaan sa aanalisang panlipunan
Asya

1. Mapaghahambing ang uri ng pamahalaan ng dalawang bansa sa Asya sa


pamamagitan ng paggamit ng Venn diagram sa loob ng sampung minuto.
2. Masusuri ang mga isyu/suliraning panlipunan na kinakaharap ng dalawang
pamahalaan sa Asya sa pamamagitan ng paggamit ng pag-aanalisang panlipunan sa
loob ng isang sesyon. [4]
Pagtuturo at Pagkatuto

Babasahin 2: Mga Layuning Kognitibo, Apektibo at Saykomotor

Maikakategorya ang mga layuning instruksyunal sa tatlong domain: kognitibo, apektibo


at saykomotor. Narito ang mga halimbawa:
A. Mga Layuning Kognitibo (Cognitive Objectives)
1. Kaalaman (Knowledge): ang lebel ng pag-ala-ala sa kaisipan; pagkolekta ng
impormasyon
matatandaan masasabi
mapipili matutukoy
maisasaayos mapapangalanan
maleleybelan maisasaayos
2. Komprehensyon (Comprehension): ang lebel ng diskripsyon sa kaisipan,
nagpapatunay/nagpapatotoo sa impormasyon
mailarawan maipaliliwanag
mababago maikakategorya
mapaghahambing matatalakay
mahahanap mabubuo
maiuugnay maiuulat
3. Aplikasyon (Application): ang lebel sa paglalapat ng aralin; paggamit sa impormasyon
maisasadula magagamit
maihahanda masusukat
makakakolekta maipapakita
malulunasan mailalapat
4. Pagsusuri (Analysis): ang lebel ng paghihimay sa kaisipan; paghihiwalay ng kaisipan
mapagsasama maihihwalay
maaanalisa mapatotohanan
makakakalkula mapupuna

[5]
Pagtuturo at Pagkatuto

maitatanong makapananaliksik
5. Pagbuo (Synthesis): ang lebel ng pagsasama-sama ng kaisipan; pagbubuo
mapagsasama makalilikha
maihahalo maiproprodyus
makabubuo mapaplano
makapaglalahat maiuugnay
maididisenyo madedebelop
6. Pagtaya (Evaluation): lebel ng paghahatol sa kaisipan; nagtatasa; nagpapatotoo
matataya masusuportahan
mapupuna mapapatutunyan

B. Mga Layuning Apektibo (Affective Objectives)


1. Pagtalima (Attend) : ang lebel na tumatanggap; pagdinggin
mahahanap makokontrol
maibabahagi mahaharap
makikinig mapapansin
matutukoy maitatanong
2. Pagtugon (Respond) : ang lebel na tumutugon; sumasagot
matatanggap makasusunod
masasagot makapagsasanay
makalalahok makagagawa
makatutugon mahaharap
3. Pagpapahalaga (Valuing) : ang lebel na nagpapahalaga; nagsasaloob; naisasapuso
makikipagtalo matatanggap
mangangako mapupuri
mapapasalamatan magugunita
maipipilit maipapahayag

[6]
Pagtuturo at Pagkatuto

4. Pag-oorganisa (Organization) : ang lebel na nagsasaayos ng kaisipan


mapaghahambing makapangangatwiran
makabubuo madidisisyunan
maipakikita maisasaayos
mapaghahambing makapipili
5. Pagbibigay ng Katangian (Characterization) : ang lebel ng pagbibigay sa kaisipan
maisasaloob matatanggihan
maipipilit mailalahad
maipagtatanggol masusuring muli
matitiyak
C. Mga Layuning Saykomotor (Psychomotor Objectives)
1. Paggaya (Imitation) : ang lebel sa naggagaya
makokopya magagaya
madadakma mababantayan
makapagsasanay magagawang muli
maisasaisip magagawan ng kaparis
2. Manipulasyon (Manipulation) : ang lebel ng pagsasagawa ng gawain
mababasa makasusunod
makikinig mababago
masisimulan maidudugtong
makapagsasanay makapag-eeksperimento
3. Presisyon (Precision) : ang lebel ng paggawa ng gawain na mas di tinutulungan
maitatama maitutumpak
mapagagaling mapagbubuti
magagaya maisasagawa na nag-iisa
4. Artikulasyon (Articulation) : ang lebel sa pagsasagawa ng gawain na mabilis at wasto
ang pagkakasunod-sunod

[7]
Pagtuturo at Pagkatuto

Mailalahok
Maiuugnay
Makakaya
5. Naturalisasyon (Naturalization) : ang lebel na pagsasagawa na paulit-ulit na walang
kamalian
mabibilisan madadalian
mapagbubuti madadalian sa pagsasagawa
maisasagawa kaagad ekspertong maisasagawa

Gawain 1: Talakayan

Direksyon: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa talakayan:


1. Ano ang layuning instruksyunal?
2. Kailangan ba ang mga layuning instruksyunal sa pagpaplano ng instruksyon? Bakit?
3. Anu-ano ang mga pinagkukunan ng mga layuning instruksyunal? Magbigay ng mga
halimbawa.
4. Ano ang layuning behebyural?
5. Papaano natutulungan ang mga guro ng mga layuning instruksyunal sa pagpaplano ng
instruksyon?
6. Anu-ano ang mga komponente ng mga layuning behebyural? Magbigay ng halimbawa.
7. Anu-ano ang mga domain ng mga layunin na ginagamit sa pagplaplano ng instruksyon?
Magbigay ng mga halimbawa.

[8]
Pagtuturo at Pagkatuto

Gawain 2: Pagsulat

1. Sumulat ng mga layuning behebyural na base


a. domain na kognitibo
b. domain na apektibo
c. domain na saykomotor
2. Pumili ng isang paksang-aralin. Sumulat ng anim na layunin para dito.
a. kognitibo (dalawa)
b. apektibo (dalawa)
c. saykomotor (dalawa)

Aralin 3B

Pag-Oorganisa ng Nilalaman ng
Instruksyon

I. Introduksyon
Malaking hamon sa guro ang pag-oorganisa ng nilalaman ng instruksyon (content
of instruction) lalo na sa Makabayan na karaniwang binubuo ng apat o limang
komponente. Iminumungkahi ang paggamit ng yunit tematiko (thematic unit ) sa
pag-oorganisa ng nilalaman ng instruksyon para sa Makabayan. Ang yuniiit
tematiko ay maaring iproseso sa silid-aralan sa loob ng tatlong araw o sa loob ng
isang lingo. Naisasagawa ito sa pamamagitan ng pagtukoy at pagbuo ng tema
(theme) para sa integradong aralin na isasagawa ng mga guro na nagtuturo ng mga
komponento ng Makabayan. Lahat ng naturan ang tatalakayin sa Aralin 3B.

[9]
Pagtuturo at Pagkatuto

II. Mga Layunin


Ang mga guro sa pagtalakay ng Aralin B ay:

1. maipaliliwanag ang kahalagahan ng pag-oorganisa ng nilalaman ng


instruksyon;
2. maiisa-isa ang mga elemento na dapat maging bahagi ng yunit tematiko;
3. matatalakay ang mga elemento na napapaloob sa istruktura ng kaalaman
(structure of knowledge);
4. magkakaroon ng kakayahan at kasanayan sa pag –oorganisa , pagsasaayos,
paglalapat ng nilalaman ng instruksyon ; at
5. makapipili ng paksang aralin na magagamit na tema sa pagsulat ng yunit
tematiko para sa Makabayan.

III. Mga Babasahin Para sa Aralin 3B

Babasahin 1: Mga Substantibong


Kaalaman (Substantive Knowledge)

Madaling maorganisa ang nilalaman ng instruksyon sa pamamagitan ng paggamit


ng mga kaalamanang substantibo (substantive knowledge). Nabibilang sa mga elemento
ng kaalaman (knowledge) na tatalakayin; ang mga kakayahan (competencies) na
lilinangin; ang mga kasanayan (skills) na idedebelop; at ang mga saloobin (attitude) na
isasaloob ng mga mag-aaral na magiging katotohanan (reality) sa pamamagitan ng
pagpaplano ng instruksyon ng guro. Narito ang mga substantibong kaalaman na
magagamit ng guro sa pagpaplano ng Makabayan:

1.) Mga Salita (Words). Ang mga asosasyong arbitrary, pangalan o leybel na
ibinibigay sa bagay, pangyayari, kalidad at proseso.

Halimbawa:

silya lindol bundok

[ 10 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

duyan dagat digmaan

lupain bagyo pagkain

2.) Mga Katotohanan (Facts). Ang datos o impormasyon na nakikita, nagaganap


o naganap na. Karaniwang nauukol ang mga ito sa lokasyon ng mga lugar,
dimension ng mga bagay, gawain ng mga indibidwal o pangkat at petsa ng
mga pangyayari. Ang mga patotoo sa mga katotohanan ay nasasalalay sa mga
ebidensyang empirical.
 Ang Pilipinas ay matatagpuan sa rehiyon ng timog Silangang Asya.
 Nabubuo ang timog Silangang Asya ng sampung bansa.

3.) Mga Konsepto (Concepts). Ang mga konsepto ay mga ideya (ideas) at mga
abstrak (abstract) na kategorya ng mga kahulugan. Laging iniuugnay ang mga
konsepto sa mga kahulugan. Ang mga salita ay leybel lamang. Sa medaling
sabi, ang mga konsepto ay ang mga abstraksyon (abstraction) na nauukol sa
isang pangkat o kategorya ng mga bagay o gawain na may magkakatulad na
katangian.

May mga konsepto na nauukol sa mga lugar, tao, bagay, institusyon o


pangyayari.

Halimbawa:

kasuotan kapatagan

tahanan kabundukan

bansa simbahan

simbahan digmaan

labanan lambak

[ 11 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

May mga konsepto na abstrak (abstract) na gawi tulad ng pag-iisip,


damdamin o pagkilos.

Halimbawa:

demokrasya tungkulin

katapatan hidwaan

kalayaan nasyonalismo

katanungan pag-aasahan

pagtutulungan kapayapaan

4.) Klaster ng mga Konsepto (concept cluster). Nabubuo ang klaster ng mga
konsepto ng pangunahaing konsepto (major concept) at ng mga sub-concepts
nito. Ginagamit ang concepts cluster sa pag-oorganisa ng mga paksanga-
aralin; sa pagtukoy sa mga nauugnay na konsepto; at sa pagpapangkat ng mga
impormasyon, karanasan, ideya, opinyon at iba pa.

Mga Salik ng Produksyon Mga Proseso ng Pamahalaan


 lupa (land)  lehislatibo (legislative)
 paggawa (labor)  ehekutibo (executive)
 kapital (capital)  hudisyal (judicial)
 pamahalaan (government)

5.) Ang Paglalahat (Generalization). Mga pangungusap (statement) na


naglalaman ng dalawa o mahigit pang konsepto. Mga pagbubuoo ito na may
malawak na aplikasyon sa iba pang gawain. Karaniwang ipinapahayag ang
paglalahat bilang pangunahing ideya, prinsipyo, tuntunin, batas o konklusyon.

Halimbawa:

 Ginagamit ng mga mamamayan ang batas na gabay sa makatarungang


pamumuhay.
 Ang Konstitusyon ng Pilipinas ang supremong batas sa ating bansa.

[ 12 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

6.) Tema (Themes). Ang tema ay ang paksang-aralin na hango sa isang aralin o
yunit tematiko na karaniwang nabubuo ng dalwa o mahigit pang konsepto.
Nabubuo ito ng isang parirala (phrase) na nagngangalan na set ng isang
pangyayari, paksa o kalakaran. Karaniwang gingamit ang tema na pagbibigay-
diin sa partikular na aralin ng isang sanaysay, kwento, teksto o yunit ng
instruksyon. Ginagamit din ang tema bilang pokus sa aralin.

Halimbawa:
 Katarungan sa Pgalilingkod sa Bayan
 Pagmamahal sa Inang Bayan
 Pandaigdigang Kapayapaan
Babasahin 2: Pagsulat ng balangkas ng Nilalaman
(writing the Content Outline)

Malaki ang naitutulong ng balangkas ng nilalaman (content outline) sa


pagpaplano ng instruksyon. Naktutulong ang balangkas sa lohikal na presentasyon
ng aralin na tatalakayin sa silid-aralan. Mahalaga sa pagsulat ng balangkas ang
pagtukoy sa paksa, mga pagunahing ideya at mga sumusuportang ideya.

Halimbawa:

Mga Pamahalaan sa Asya

A. Mga Bansang Asyano


1. Sa Timog Silangang Asya
2. Sa Timog Asya
3. Sa Silangang Asya
4. Sa Timog Kanlurang Asya
B. Mga Kategorya ng Pamahalaan sa Asya
1. Batay sa Bilang ng Namumuno

1.1 Pamunuan ng Isa

1.2 Pamunuan ng Ilan

[ 13 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

1.3 Pamunuan ng Marami

2. Batay sa Separasyon ng Kapangyarihan ng mga Sangay ng


Pamahalaan

2.1 Presidensyal

2.2 Parliamentaryo

3. Batay sa Distribusyon ng Kapangyarihan

3.1 Unitaryo

3.2 Federal

4. Batay sa Limitasyon ng Kapangyarihan

4.1 Autoritaryanismo

4.2 Totalitaryanismo

4.3 Sosyalismo

4.4 Komonismo

4.5 Demokrasya

Saklaw ng Aralin

Maipapakita rin ang saklaw ng aralin sa pamamagitan ng webbing. Isa na


rito ay ang tinatawag na factstorming web tulad ng halimbawa sa ibaba

[ 14 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

Parliamentary Pamunuan ng
oyo Marami
Pamunuan
Presidensya ng Isa
l

Ayon sa Bilang Pamunuan


Ayun sa Separasyon ng Namumuno ng Ilan
ng Kapangyarihan

Mga Uri ng
Pamahalaan sa Unitaryo
Asya

Autoritaryanism
o Demokrasy
a Ayon sa
Distribusyong
Ayon sa Heographical
Kapangyarihan

Komonism
o
Totalitaryanism
o
Sosyalism Federal
o

[ 15 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

(Factstorming Web)

Maari ring maghanda ng ilang batayang kaisipan na hango sa integradong


aralin na tatalakayin sa Makabayan.

Mga Batayang Kaisipan

Halimbawa:

1. Ang bawat bansa sa Asya ay may pansariling pamahalaan.

2. Nasasalalay sa pamahalaan ang katatagan, katahimikan, kapayapaan at


kagalingan ng uri ng pamumuhay ng mga mamamayan sa isang bansa.

3. Ang mga bansang Asyano ay may iba-ibang ideolohiya at patakaran sa


pamamalakad.

Gawain 1: Talakayan

Direksyon: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa talakayan.

1.) Ano ang substantibong kaalaman? Mahalaga ba ito? Bakit?

2.) Anu-ano ang mga element ng substantibong kaalaman? Isa-isang


ipaliwanag sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa.

3.) Mahalaga ba ang balangkas ng nilalaman (content outline)? Bakit?

4.) Ano ang batayang kaisipan? Magbigay ng mga halimbawa.

5.) Ano ang webbing? Mahalaga ba ito sa pagpaplano ng instruksyon? Bakit?

Gawain 2: Organisasyon ng Aralin

[ 16 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

1. Pumili ng isang paksang-aralin. Organisahin ang nilalaman (content) nito ayon sa

A. Tema

B. Paksa

C. Mga Konsepto

D. Balangkas

E. Mga Batayang Kaisipan

F. Babasahin (Hango sa Teksto)

G. Mga Kagamitan

2. Ilahad sa klase ang nilalamaan ng napiling aralin.

[ 17 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

ARALIN 3C

Pagtuturo ng mga Kasanayan (Teaching Skills)

I. Introduksyon

Mahalaga ang pagtuturo ng mga kasanayan (skills )sa pagtuturo at pagkatuto ng mga
mag-aaral. Kung ang mga guro ay nangangailangan ng mga kasanyan sa pagtuturo, gayundin
naman ang mga mag-aaral para makasiguro sa epektibong instruksyon. Kailangan na ituro ang
mga kasanyan nang sa gayo’y lalung mapagaling ang pag-aaral at pagkatuto. Higit na magiging
kapakipakinabang ang mga kasanayan kapag ang mga ito’y may paglalapat ang Gawain na
makabuluhan.

II. Layunin

Ang mga guro sa pagtalakay ng Aralin 3C ay:

1. malalaman ang kahulugan at katuturan ng kasanayan(skills) sa pagpaplano ng instruksyon.


2. maipaliliwang na isa-isa ang mga katangian ng kasanayan;
3. malilinang ang mga kasanayan sa Araling Panlipunan na mailalapat sapagtalakay sa mga
kompenente ng mgaMakabayan;
4. matutukoy ang mga kasanayan na magagamit sa pag-aaral at pagtuturong Makabayan; at
5. mapahalagahan ang paggamit ng mga kasanayan sa pagpaplano ng instruksyon sa
makabayan.

III. Mga Babasahin Para sa Aralin 3C

Babasahin 1: Pagtuturo ng mga mkasanayan (Teaching Skills)

A. Ano ang Kasanayan?

[ 18 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

Ang kasanayan ay ang kakayahan na magamit na magaling ang


pansariling kaalaman at mabilis na maisasagawa ito. Ito ang kakayahan ng
indibidwal na isagawa ang Gawain sa abot ng pinakamagaling niyang
makakayanan. Ang pundasyon ngn atutunan ng mag-aaral sa paaralan ay mga
kasanayan. Ang kawalan o kakulangan ng mga ito ay magbubunga ng di
pagkatuto ng mga mag-aaral ng mga Gawain sakanilang sarili. Gamit din ng mga
mag-aaral ang mga kasanayan sa pagbuo ng kaalaman para maharap ang
iba’tibang sitwasyon. Maidadagdag din na ang kasanayan ay instrument sa
paglinang sa kakayahan sa pag-iisip na replektibo (reflective teaching).

Karaniwan na nabubuo angmga kasanayan na sub-skills o iba pang


kaugnay na kasanayan na magagamit kung kinakailangan. Alalahanin na
napapagaling ang kasanayan sa pamamagitan ng pagsasanay. Magagamit ang mga
kasanayan sa iba-ibang pagkakaataon.

B. Mga Katangian ng Kasanayan


Narito ang mga katangian at gamit ng mga kasanayan ayon kina Dynneson
at Gross (1995):
1. Ang kasanayan ay proseso ng pisikal, emosyonal at intelektwal.
2. Kailangan ng kasanayan ng kaalaman subalit hindi sapat ito para
makatiyak sa pinakamagaling na proseso sa paggawa.
3. Magagamit ang kasanayan sa iba-ibang sitwasyon.
4. Mapabubuti ang mga kasanayan sa pamamagitan ng pagsasanay.
5. Na bubuo ang kasanayan ng ilang sub-skills o mga nag-uugnay na
kasanayan na magagamit saiba-ibang paraan.

C. Mga Kasanayan sa Araling Panlipunan(Social Studies Skills)

[ 19 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

Narito ang mga kasanayan sa Araling Panlipunan na magagamit din sapag-aaral


salahat ng mga kompenente ng Makabayan na eksperto sa“Essentials of the
Social Studies” Social Education,45,3 (Marso 1991)

1. Mga Kasanayan sa Pangongolekta ng Datos(Data Gathering skills)


1.1 Pangongolekta ng impormasyon sa pagmamasid
1.2 Paghanap ng impormasyon sa iba-ibang babasahin
1.3 Pag-iipon, pagsasaayos at pagtaya sa impormasyon
1.4 Pagkuha at pagpapakahulugan sa impormasyon
1.5 Pakikipag-ugnayan na pasalita at pagsulat
2. Mga Kasanayang Intelektwal(Intellectual Skills)
2.1 Paghahambing ng mga bagay, ideya, pangyayari at sitwasyon batay sa
mga pagkakatula at pagkakaiba-iba
2.2 Pagkakategorya ng mga aytem
2.3 Angkop na pagtatanong
2.4 Pagbuo ng konklusyon o paghahalaw mula sa mga ebidensya
2.5 Pagbibigay ng mga panlahat na ideya.
2.6 Pagbuo ng mga prediksyon na hango sa mga paglalahat.
3. Mga Kasanayan sa Paggawa ng Desisyon(Decision-making skills)
3.1 Pagsasaalang-alang sa mga alternatibong desisyon
3.2 Pgsasaalang-alang sa kahihinatnan ng bawat solusyon
3.3 Paggawa ng mgadesisyon at pagpapatunay nito sa pagkakaugnay sa mga
demokratikong prinsipyo
3.4 Paggawa ng mga hakbang batay sa mga naturang desisyon
4. Mga Kasanayang Interrpersonal (Interpersonal skills)
4.1 Nakikita ang mga bagay ayon sa pananaw ng iba
4.2 Pag-unawa sa damdamin, paniniwala, kakayahan at pagkukulang at
kung paano maaapektuh ang mga natural nang relasyon sa iba
4.3 Paggamit ng pangkatang paglalahat nang di nagsasayang ng
stereotyping at arbitrasyong pagkakategorya ng mga indibidwal
4.4 Pagkilala sa pagpapahalaga sa mga indibidwal na napapaiba sa sarili at
mga pangkat na napapaiba sa sarili.

[ 20 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

4.5 Pakikilahok ng epektibo sa iba at gayundin sa mga kasaping pangkat


4.6 Pagbibigay at pagtanggap ng konstraktibong pagpuna
4.7 Pagtanggap ng tungkulin at paggalang sa mga karapatan at pag-aari ng
iba
5. Mga Kasanayan sa Pakikilahok ( Participation Skills)
5.1 Paggawa ng epektibo sa mga pangkat pag-oorganisa, pagpaplano,
pagbuo ng desisyon at pagsasanay ng aksyon
5.2 Pg-organisa ng koalisyon ng interes sa ibang pangkat
5.3 Paghikayat, pagkompromiso, at pakikipagsundo
5.4 Pagiging pasensyoso at matiyaga sa paggawa para sa iba
5.5 Pagdebelop sa karanasan sa mga sitwasyon na cross-cultural
6. Mga Kasanyang Sosyal (Social Skills)
6.1 Paggalang sa karapatan ng ibang tao
6.2 Pagiging sensitibo sa damdamin ng iba
6.3 Pagtulong sa iba kung kinakailngan
6.4 Pagbahagi sa iba
6.5 Pagpaplano kasama ng iba
6.6 Paglahoksa iba sa gawain ng kanilang pangkat
7. Mga Kasanyan sa Pag-aaral (Study skills)
7.1 Pagtatanong (questioning)
7.2 Paraphrasing
7.3 Pagbuo ng balangkas (outlining)
7.4 Pagmamapa (mapping)
7.5 Paggamit ng advance organizer
7.6 Paggawa ng desisyon (decision-making)
7.7 Paglutas ng suliranin (problem-solving)
7.8 Kasanayan sa pag-iisip (thinking skills)
7.9 Pagmamasid (observation)
7.10 Eksplorasyon (exploration)
7.11 Klasipikasyon / kategorisasyon
(Classification/categorization)

[ 21 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

8. Mga Kasanyan sa Pagbasa (Reading Skills)


8.1 Pag-unawa sa organisasyon ng nilalaman
8.2 Pagbasa sa pangunahing ideya
8.3 Pagbasa para maisaisip ang mga katotohanan (facts)
8.4 Pag-unawa sa malawak ng bokabularyo sa pamahalaan, pulitika,
ekonomiks, batas at sosyolohiya.
8.5 Pagkilala sa katotohanan o opinyon
8.6 Pag-unawa sa terminong abstrak (abstract) tula ng demokrsya,
sibilisasyon at iba pa.
8.7 Paghahambing
8.8 Pagbasa ng mapa at globo

Kailangan ng mga mag-aaral ang kasanyan sa pag-aaralng Mkabayan. Nararapat na ituro


ang mga kasanyan para makapag-sagawa pa ng mga Gawain sa pagkatuto at sa paggawa ng
aksyon. Subalit palaging tandaan na di makahulugan ang pagtuturo at pagdedebelop sa mga
kasanayan kung di magagamit sa makahulugang paraan. Higit na makakahulugan ang mga
kasanayan kapag ito’y gagamitin sa pagbuo ng desisyon at sa pagsagawa ng aksyon.

Ang sistematiko at sosyal na debelopment ng mga kasanyan ay mahalaga sa pag-aaral at


pagkatuto ng mga mag-aaral. Isang katotohanan na ang mga kasanyan ay kasankapan na
magagamit ng mga mag-aara para maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Tandaan na ang hindi magaling na bunga sa pag-aaral ng Makabayan at Araling


Panlipunan sa particular ay dahil sa hindi nadebelop na kasanayan sa pagbasa, kakulangan sa
kasanyan sa pagbasa ng mapa at globo, di makagamit sa mga sangguniang materyales; di
magaling na kasanayan sa pag-aaral; at hindi nadebelop na kasanayan sa paggamit ng wika.
Paano’y ang kasanayan ay nangangahulugan ng kagalingan at ang kakayahan sa paggawa sa
magaling na paraan. Ang kasanayan ay maaaring maikategorya sa motor, intelektwal at sosyal.

Gawain 1: Talakayan

Direksyon: Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang kasanayan? Mahalaga ba ang kasanayan sa pagpaplano ng instruksyon?


Bakit?

[ 22 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

2. Kailan di magiging kapaki-pakinabang ang kasanayan sa mga mag-aaral.


3. Kailan masasabi na ang mga mag-aaral ay may kasanyan sa-
a. Pangongolekta ng datos?
b. Kasanyang intelektwal?
c. Paggawa ng desisyon?
d. Mga gawaing interpersonal?
e. Pakikilahok sa pangkat?
f. Pakikitungo sa iba?
g. Pagbasa
4. Dapat bang ituro ang kasanyan sa sili-aralan? Bakit?
5. Ano ang maaaring mangyari kapag wala o kulang sa mga kasanyan ang mga mag-
aaral? Bakit?

Gawain 2: Pagtukoy/Pagsulat

Direksyon: Sabihin sa klase ang mga kasanayan na nadedebelop mo na sa iyong sarili.

1. Sa pag-iisip
2. Sa pakikisalamuha sa iba
3. Sa paggawa ng proyekto
4. Sa pangongolekta ng datos
5. Sa pagbubuod
6. Sa pagsulat
7. Sa talakayan
8. Sa paglahok sa pangkat
9. Sa produktibong Gawain
10. Sa pagtulong sa gawaing pantahanan

Direksyon: Pumili ng isang paksang-aralin. Isulat sa loob ang mga kasanayan na dapat
maipaloob sa pagpaplano ng instruksyon.

[ 23 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

Paksa Mga Kasanayan

Aralin 3D

Mga Modelong Estratehiya at Instruksyunal Teknik

(Model Strategies and Instructional Techniques)

I. Introduksyon

Isang katotohanan na ang guro na gumagamit ng mga modelong estratehiya (model


strategies) at mga instruksyunal teknik (instructional techniques) sa pagtuturo ay makaaasa sa
epektibong instruksyon. Masigla ang mga Gawain sa silid-aralan kapag handa ang guro. Ito ay
magiging isang kaganapan kapag ang guro ay gagamit ng iba-ibang pamamaraan sa pagtuturo.
May mga estratehiya na ekspositoryo tulad ng demonstrasyon; may mga estratehiya na
debelopmental, pasiyasat o kaya’y pagpapahalaga. Lahat ng mga naturan ay pagpapatotoo na
may magagamit na iba-ibang estratehiya sa pagtutuo ang mga guro na nagbibigay buhay at
kulay sa pagtalakay sa mga aralin. Gayundin naman, iba-iba rin ang mga instruksyunal teknik na
magagamit ng guro sa paglinang ng mga aralin na nagbibigay-linaw sa pagproseso ng
impormasyon. Lahat ng mga nabanggit ay mapag-aaralan sa Aralin 3D.

II. Mga Layunin

Ang mga guro sa pagtalakay ng Aralin 3D ay:

1. maipaliliwanag ang kahalagahan/katuturan sa paggamit ng mga mdelong estratehiya sa


pagtuturo;

[ 24 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

2. maiisa-isa ang mga bahagi/hakbang sa pagtuturo ng mga modelong estratehiya at matutukoy


ang mga Gawain na maipaplano para sa bawat hakbang;

3. magkakaroon ng kasanayan at kaalaman sa paglalapat ng mga paksa at ang gagamiting


estratehiya sa pagtuturo;

4. mapaghahambing ang mga estratehiya sa pagtuturo ayon sa plano ng instruksyon; at

5. mapipili ang angkop na instruksyunal na teknik na magagamit sa presentasyon sa ilang


hakbang ng mga aralin.

III. Mga Babasahin Para sa Aralin 3D

Babasahin 1: Mga Modelong Estratehiya sa Pagtuturo


(Model Teaching Strategies)

A. Mga Modelong Estratehiya

Mga modelong estratehiya sa pagtuturo ang mga preskriptibong estratehiya


na idinesenyo para maisakatuparan ang mga particular na hangaring instruksyunal
(instructional goals). Preskriptibo ang mga modelong estratehiya para maging malinaw ang
pagtuturo mula sa pagpaplano ng instruksyon hanggang sa implementasyon at hanggang sa
pagtatapos o pagtaya ng aralin.

Napapaiba ang mga modelo sa pagtuturo sa mga tradisyunal na paraan


pagkat ang mga modelo ay nakadisenyo na makamtam o maabot ang mga tiyak na hangarin
(specific goals). Kapag ang guro ay tumukoy ng mga hangarin at pumili ng particular na
estratehiya na nakadisenyo na marating ang hangarin, masasabi na ang guro ay gumagamit ng
modelo sa pagtuturo. Gayundin naman ang guro na pumili ng paksang-aralin na hango sa

[ 25 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

kurikulum para ituro sa silid-aralan ay inaasahan na pipili ng nalalapat na modelo para sa


kanyang hangarin (goal) sa pagtuturo. Ang napiling modelo ay tiyak na nakadisenyo sa pag-abot
sa particular na set ng mga layunin na gagabay sa mga Gawain sa silid-aralan. Narito ang mga
modelong estratehiya sa pagtuturo ng magagamit sa pagtuturo ng mga komponente ng
Makabayan.

 Tri-Question Approach
 Cognitive Mapping
 ACES Teaching Approach
 Social Analysis Model
 Concept Mapping
 Inquiry Model
 Moral Discussion Model
 Group Investigation Approach
 Values Clarification Model

1. Tri-Question Approach. Ito ang modelo ni Cary Goulson na ginagamitan lamang ng tatlong
tanong. Karaniwang ginagamit ang Tri-Question Approach sa pagpapaalaala ng mga
pangayayaring naganap na sa kasaysayan o kaya’y sa mga kontemporaryong pangyayari. Narito
ang mga hakbang sa modelo:

A. Panimulang Gawain

B. Pagtatanong

Tanong 1: Ano ang nangyari?

Tanong 2: Bakit ito nangyari?

Tanong 3: Ano ang kinahinatnan

C. Pagtatapos

2. Cognitive Mapping. Karaniwang ginagamit ang cognitive mapping sa mga aralin na nakatuon
sa kognisyon (cognition) o pangkaalaman. Sa pamamagitan ng pagtatanong nailalagay sa

[ 26 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

istraktura ang mga konsepto; napag-uugnay ang mga ideya na inilalahad ng mga ito; at
nabubuo ang aralin sa magaan na paraan. Narito ang mga hakbang sa pagtalakay ng aralin na
ginagamitan ng cognitive mapping.

A. Pumili ng Paksa

B. Pag-usapan (Brainstorm) ang Paksa

C. Isaayos ang mga Impormasyon

D. Pagtatapos

3. ACES Teaching Approach. Kapwa ginagamit sa ACES Teaching Approach ang pamaraang
induktibo at deduktibo sa pagproseso ng mga aralin. Sa prosesong ito naisasagawa ang pag-
aaral sa mga gawaing ekspiryensyal o androgogy. Ang modelong ito ay nababatay sa Confluent
Theory of Education na naniniwala sa magkasabay na achievement ng hangaring apektibo at
kognitibo. Isa ito sa mga pamaraan sa pagpapahalaga na naisasagawa sa apat na hakbang tulad
ng nakatala sa ibaba:

A. Activity (Gawain)

B. Analysis (Pagsusuri)

C. Abstraction (Paghahalaw)

D. Application (Paglalapat)

4. Social Analysis Model. Ito ang modelo ni James Shaver sa pagtalakay ng isyu o pangayayari.
Sinisimulan ang aralin ditto sa pamamagitan ng pagsasabi ng detalye tungkol sa isyu;
paglalarawan sa pangyayari o sitwasyon; at pag-aanalisa sa sitwasyon bago isagawa ang
konklusyon ng aralin. Narito ang mga hakbang ng social analysis model:

A. Paglalahad ng Isyu/Sitwasyon

B. Pagtukoy sa Isyu/Sitwasyon

C. Pagsusuri sa Isyu/Sitwasyon

[ 27 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

D. Pagtatapos

5. Concept Mapping. Madaling matukoy ang mga konsepto sa pamamagitan ng concept


mapping. Ito ang pagdisenyo ng ugnayan ng mga konsepto sa isang aralin. Sa ganitong paraan
madaling nabibigyang kahulugan ng mga mag-aaral ang tinatalakay na aralin. Isinasagawa ang
pagmamapa ng konsepto sa prosesong mental o pangkaisipan. Narito ang mga hakbang sa
paggamit ng concept mapping sa pagtuturo:

A. Pagkilala sa Konsepto

B. Pagbubuo ng Ugnayan ng mga Konsepto

C. Pagbibigay ng Interpretasyon sa mga Konsepto

D. Pagbubuo

6. Inquiry Model. Kilala ang prosesong siyentipiko (scientific method o problem solving) sa
paglutas sa suliranin. Ito ang proseso na umaabot sa mataas na lebel ng pag-iisip (critical
thinking). Sa paggamit ng mga prosesong pasiyasat matutulungan ang mga mag-aaral sa
pagdebelop sa kanilang kasanayan (skills) at saloobin (attitudes) na kailangan sa paghanap ng
solusyon sa mg suliranin. Ang mga prosesong pasiyasat ay napapalooban ng mga gawaing
siyentipiko gaya ng kamalayan sa suliranin; pagbuo ng haka o hipoteses; pagtaya sa mga haka;
desisyon sa pagtanggap o di pagtanggap sa haka; at pagbuo ng konklusyon. Narito ang mga
hakbang para sa mga aralin na ginagamitan ng modelong pasiyasat nina Parker at Jasolimek
(1997):

A. Pagtukoy sa Suliranin

B. Pagbuo ng mga Hipoteses (Haka)

C. Pagpaplano ng Aralin

D. Pangongolekta ng Impormasyon

E. Pag-uulat sa klase

F. Pagtaya sa mga Hipoteses

[ 28 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

G. Pagbuo ng Konklusyon

7. Valuing Model. Ang mga guro ng Makabayanang higit na inaasahan sa pagtuturo ng


edukasyong pagpapahalaga sa mga paaralan. Ang pagpapahalaga ay ideya o konsepto tungkol
sa pinahahalagahan sa buhay ng sinuman. Ayon kay Parker (1997), ang pagpapahalaga (values)
ay ang mga bagay na kapakipakinabang na matamo; nagsasaad kung ano ang tama at kanais-
nais; kung ano ang mahalaga; kung ano ang tunay na hangarin sa buhay; at kung bakit
pinagmamalasakitan ito. Pugad ng mga gawaing pagpapahalaga ang Makabayan. Halos lahat ng
mga aralin nito ay may puwang para sa prosesong pagpapahalaga. Narito ang mga hakbang sa
pagtuturo ng modelong pagpapahalaga (valuing model) ni John Michaelis:

A. Pagtukoy sa Suliranin

B. Pangongolekta ng Datos

C. Pagsusuri sa mga Katwiran

D. Pagsasaalang-alang sa Kahihinatnan

E. Pagkakategorya at Paggamit ng mga Krayterya

F. Pagbuo ng mga Pamamaraan sa Paglutas ng Hidwaan

8. Moral Discussion Model. Ang modelong diskusyong moral ay nangangailangan ng


sistematikong konsiderasyon sa pagproseso ng dilemang moral. Ang dilema ay kailangang may
katotohanan sa karanasan ng mga mag-aaral. Kailangang maging komplikado ang isyu sa
dilema. Narito ang mga hakbang sa pagdebelop ng aralin na ginagamitan ng modelong
diskusyong moral.

A. Introduksyon sa Dilema

B. Paghahati sa Klase sa mga pangkat

C. Pagtalakay sa Isyu ng Bawat Grupo

D. Pagtalakay sa Isyu ng Buong Klase

E. Pagtatapos

[ 29 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

9. Group Investigation Approach. Ito ang modelong lapit (model approach) na maisasagawa ng
isang pangkat/grupo ng mga mag-aaral. Ang bawat pangkat ay tinatawag na “learning teams.”
Sa madaling salita, ang gawain/imbestigasyon/pananaliksik ay sama-samang gagawin ng mga
kasapi ng pangkat.

A. Pakilala/Pagtukoy sa Paksa

B. Pagbuo nng “Learning Teams”

C. Pagsasagawa ng Investigasyon tungkol sa Paksa

D. Pag-uulat sa Klase

E. Pagtaya

10. Values Clarification Model. Ito ang modelo na may pitong hakbang sa pagproseso ng aralin
ni Louis Raths, isa sa mga pangunahing eksponente ng edukasyong pagpapahalaga. Sa paggamit
ng modelong ito nakatuon ang mga aralin sa paglilinaw ng kahalagahan para magabayan ang
mga mag-aaral sa isasagawang pagpapahalagang personal. Sa madaling salita, sa paglilinaw ng
kahalagahan nagkakaroon ang mga mag-aaral ng karanasan na matanggap ang kanilang sagot;
gumawa ng iba-ibang paraan ng pagsagot; o kaya’y umiwas sa pagsagot kung kinakailangan.

A. Pagpili (Choosing) 1. Pagpili sa mga alternatibo

2. Pagpili matapos mapag-aralan ang mga


alternatibo

3. Pagpili na malaya

B. Pagpapahalaga (Prizing) 4. Pagpapahalaga sa napili

5. Paninindigan ng napili

C. Pagsasagawa (Acting) 6. Pagsasagawa sa paninindigan

7. Pagsasagawa na paulit-ulit sa
paninindigan

[ 30 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

Gawain 1: Talakayan

Direksyon: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa talakayan:

1. Ano ang modelong estratehiya sa pagtuturo? Mahalaga ba ito sa pagpaplano ng


instruksyon?

2. Anu-anong modelong estratehiya sa pagtuturo ang magagamit sa pagtuturo ng


Makabayan? Isa-isahing ipaliwanag.

3. Anong modelo sa pagtuturo ang dapat gamitin kapag ang aralin ay tungkol sa –

a) napapanahon o historical na pangyayari na nais malaman ang dahilan at


kinahinatnan nito?

b) gawaing pananaliksik na nangangailangan ng kasagutan?

c) pagsusuri ng mga pangyayaring panlipunan?

d) gawaing pagpapahalaga tungkol sa isang isyu o sitwasyon?

e) lohikal na pag-aanalisa sa isang aralin hanggang makabuo ng gawaing


paglalapat?

f) paggawa ng desisyon tungkol sa isang dilema?

g) pagsasagawa ng talakayang kognitibo bago bumuo ng anumang hakbang para


sa isang sitwasyon?

Gawain 2: Paglalapat

[ 31 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

Direksyon : Pumili ng limang paksang aralin. Pagkatapos ay lapatan ito ng akmang estratehiya
sa pagtuturo.

Babasahin 2: Mga Instruksyunal Teknik Para sa


Talakayan

(Discussion/Presentation Techniques)

I. Mga Intruksyunal Teknik

Ang mga instruksyunal teknik (instructional techniques) ay ginagamit sa talakayan o


diskusyon ng mga aralin na ipinoproseso sa silid aralan. Ang diskusyon ang pinakagamitin sa
lahat ng mga instruyunal na teknik sa mga komponente ng Makabayan. Sa pamamagitan ng
epektibong pagplaplano ng mga aralin para sa talakayan nabibigyan ang mga mag-aaral ng
pagkakataon na makalahok na aktibo sa mga Gawain sa silid-aralan na karaniwang nagbubunga
ng produktibong instruksyon. Mahalaga ang talakayan pagkat ito ay pundamental na proseso sa
layuning demokratiko. Samakatuwid ang mga instruksyunal na teknik ay magagamit sa pag-
uulat, pagbabahagi ng impormasyon at sa talakayan.

Suriin mabuti ang mga hakbang (steps) sa bawat modelong estratehiya sa pagtuturo sa
Babasahin 1. Di ‘bat ang bawat modelo ay may hakbang para sa isasagawang talakayan
(discussion) pagkatapos ng pananaliksik tungkol sa paksa na naatas sa pangkat o grupo? Sa
hakbang na ito, mabibigyan ng buhay at kulay ang pagproprosesong aralin kung gagamitin ang
alinman sa mga sumusunod na teknik para sa talakayan sa silid-aralan .

Round Table Discussion Sociodrama


Panel Discussion Case Study
Brainstorming Case Debate
Role Playing K-W-L Techniques
[ 32 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

Tulad ng mga modelong estratehiya sa pagtuturo ang mga instruksyunal teknik ay may
sinusunod na mga hakbang sa development ng aralin. Magagamit ito sa presentasyon ng aralin
na ginagamitan ng isang modelong istratehiya.

1. Round Table Discussion

Nilalahukan ang teknik na ito ng tatlo hanggang limang mag-aaral. Handa ang bawat
kasapi sa round table discussion sa impormasyon na kanilang pag-uusapan. Maaring gawin ang
talakayan na sabay-sabay kung hahatiin ang klase sa maliliit na pangkat. Narito ang gabay sa di
pormal na talakayan.

A. Pumili ng isang paksa/ isyu / suliranin na mapag-uusapan.

B. Pangkatin ang klase sa maliliit na grupo.

C. Pumili ng moderator at reporter.

D. Sasabihin ng moderator sa pangkat ang paksa/ isyu na tatalakayin.

E. Pasimulan ang talakayan ng bawat grupo.

F. Ang reporter ng bawat pangkat ang mag-uulat sa klase.

2. Panel Discussion

Tulad ng roundtable discussion mayroon din ito na moderator at audience. Pormal ang
presentasyon ng aralin ditto kaysa sa roundtable discussion. Ipinaririnig ng mga panellists
(reporters) ang talakayan sa mga mag-aaral pagkat nais ng mga panellist na mapaabot ang
pinag-uusapan sa mga mag-aaral. Ang mga panelists ay mga eksperto sa paksa na tinatalakay.
Sundin ang mga sumusunod na gabay para sa panel discussion.

[ 33 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

A. Pumili ng limang mag-aaral sa pangkat na siyang magiging panelists.

B. Pumili ng isang moderator mula sa mga panelists.

C. Ihanda ang bawat kasapi ng panel tungkol sa tatalakaying paksa. Pormal na iulat ang
opinyon/ ideya / panukala tungkol sa paksang pag-uusapan.

D. Pagkatapos ng presentasyon ng lahat ng mga panel hayaan ang mga mag-aaral (audience)
ang magtanong.

E. Ipasagot sa mga panelists ang mga tanong.

F. Sa pagtatapos ng panel discussion, ipabuo sa moderator ang pinag-usapan sa silid-aralan.

3. Brainstorming

Sa paggamit ng brainstorming bilang intrusyunal na teknik, karaniwang hinahati ang


klase sa maliliit na grupo (buzz groups). Isinasagawa ito kapag nais ng grupo na mabigyang linaw
ang isyu/ sitwasyon / suliranin. Sa instruksyunal na teknik na ito, malayang nakukuha ng guro sa
impormal na paraan ang mga mungkahi, damdamin, ideya o consensus ng mga kasapi sa
talakayan. Narito ang mga gabay na magagamit sa brainstorming sa silid-aralan.

A. Ilahad ang isyu/ sitwasyon / suliranin sa klase o pangkat.

B. Hayaan ang mga mag-aaral na magbigay ng pansariling opinyon o pananaw tungkol sa isyu.

C. Isulat sa pisara ang lahat ng sagot.

D. Ituloy ang pagsusuri tungkol sa mga ideya/opinyon o pananaw ng mga mga-aaral.

E. Isagawa ang gawaing pagtatapos.

4. Role Playing

Tulad ng drama ang role playing ay magaling na pamamaraan sa pagsusuri ng mga isyu
na abstrak. Madaling naiproproseso sa role playing ang mga aralin tungkol sa paniniwala,
saloobin, at pagpapahalaga sa pagpili ng mga gawaing moral. Nahahasa sa paglahok sa role
playing ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagmamasid, pananaliksik, pagbibigay ng pananaw

[ 34 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

sa damdamin ng iba; pagbibigay ng mga karanasan sa pamumuhay na demokratiko; at


pagtulong sa paglikha ng interes sa mga mag-aaral. Narito ang mga hakbang sa role playing
bilang intruksyunal na teknik sa pagtuturo:

A. Pumili ng isang pangyayari. Isulat ito sa pisara.

B. Pumili ng mga tauhan na gaganap.

C. Ihanda ang mga manonood (klase) sa isasagawang Gawain.

D. Isadula ang pangyayari.

E. Talakayin sa klase ang mga puntos na dapat pag-usapan sa role playing na isinasagawa. Ibigay
ang mga mungkahi.

F. Muling isadula ang pangyayari. Isama ang mga mungkahi ng klase sa muling pagsasadula.

G. Ibahagi ang karanasan na nauugnay sa paksang-aralin.

H. Magbigay ng konklusyon sa aralin.

5. Sociodrama

Tinatawag ito na creative dramatics sa pagtuturo. Ito ay pagbuo o ang pagpapaabot sa


highlight ng mga karanasan sa pagkatuto sa pamamagitan ng pantomime, iskit o maikling
drama. Sa paglahok sa sociodrama nahahasa rin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa
pagmamasid, pananaliksik, pagbibigay ng pananaw sa damdamin ng iba; pagbibigay ng mga
karanasan sa pamumuhay na demokratiko; at pagtulong at paglikha ng interes sa mga mag-
aaral. Tulad ng role playing at sociodrama ay rehersado. Tungkol ito sa mga sitwasyon tungo sa
paghahanap ng solusyon sa suliranin. Narito ang gabay para sa sociodrama.

A. Ilahad ang suliranin sa klase.

B. Ihanda ang pangkat na kalahok sa sociodrama.

C. Piliin ang mga mag-aaral na gaganap sa papel sa drama.

D. Sabihin sa bawat mapipiling kalahok ang papel na kanyang gagampanan.

[ 35 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

E. Ihanda ang klase sa magaling na pakikinig at magaling na pag-aanalisa sa mga sitwasyon sa


sociodrama.

F. Isadula na muli ang sitwasyon.

G. Ipagpatuloy ang pagsusurio sa sitwasyon sa muling talakayan.

H. Isagawa ang pagtaya sa aralin.

6. Case Study

Nauukol ito sa pag-aaral ng mga kaso na nabubuo ng mga set ng datos na naglalahad ng
isang ideya, isyu o pangyayari na may ilang detalye. Sa madaling salita, naglalahad ito ng
malalim na talakayan tungkol sa maliit na paksa, Nabibilang sa mga kaso na mapag-aaralan ay
ang mga kwento, pangyayaring historical, ulat sa pananaliksik, at mga dokumento gaya ng
batas. Diary, record at talumpati. Narito ang mga gabay sa paggamit ng case study.

A. Ipahayag ang paksa/ kaso sa klase.

B. Ilahad na isa-isa ang mga isyu tungkol sa kaso.

C. Ibigay at isulat sa pisara ang mga argumento para sa laban sa kaso.

D. Magbigay ng desisyon, saloobin at katwiran sa pagkakapili sa desisyon.

E. Paghambingin ang mga desisyon ng bawat pangkat.

F. Talakayin ang katwiran sa pagkakaiba ng desisyon.

G. Gabayan ang klase sa pagtatapos.

7. Class Debate

Maraming mga aralin sa mga komponente ng Makabayan na magagamitan ng class


debate. Ito ang mga aralin na may mga suliranin at halos nababalanse ang kasagutan ng pro at
con: Narito ang mga hakbang na ginagamit sa paggamit ng instruksyunal na teknik na class
debate.

A. Pagpili ng suliranin

[ 36 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

B. Organisayon ng Isyu

C. Paghahanda ng Isyu Para sa Debate

D. Presentasyon ng Debate

E. Pagsusuri ng Datos at Argumento

F. Pagbibigay ng Konklusyon

8. K-W-L Technique

Ito ang teknik na tumutulong sa mga mag-aaral na maiugnay ang mga nakaraang
karanasan habang nagnanais na lumahok sa bagong episode ng aralin. Sa madaling salita,
gagabayan ng guro ang klase sa pagbabahagi ng kanilang kaalaman tungkol sa aralin (K);
itatanong ang nais nilang pag-aralan (W); at ang pagsulat ng kanilang natutunan sa pagtatapos
(L).

Paksa: Mga Mauuunlad na Bansa

K-now W-ant L-earn

Alam Nais Malaman Natutunan

[ 37 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

Gawain 1: Talakayan

Direksyon: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa talakayan.

1. Ano ang instruksyunal teknik?

2. Paano nakatutulong ang mga instruksyunal teknik sa pagtuturo sa silid-aralan?

3. Anu-ano ang mga instruksyunal teknik? Magbigay ng halimbawa para sa bawat isa.

Gawain 2: Pagsulat

Direksyon: Sabihin sa klase/ pangkat o isulat sa kwaderno ang mga sitwasyon kung kailan mo
magagamit ang mga sumusunod na instruksyunal na teknik.

Instruksyunal na Teknik Sitwasyon/Pangyayari

1. Roundtable Discussion

[ 38 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

2. Panel Discussion

3. Brainstorming

4. Role Playing

5. Sociodrama

6. Case Study

7. Class Debate

[ 39 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

8. K-W-L Technique

Mga Graphic Organizers

I. Introduksyon

Mahalagang kagamitan ang mga graphic organizers sa pagtuturo sa silid – aralan.


Nagagamit ang mga graphic organizers sa lahat ng hakbang sa pagtuturo ayon sa
plano ng instruksyon. May mga graphic orginizers na nagagamit sa panimulang
Gawain; sa debelopment ng aralin; at sa pangwakas na gawain. Malikhain ang
mga guro na may kaalaman at kasanayan sa paglalapat nga akmang graphic
organizers sa estratehiya ng pagtuturo. Lahat ng mga ito ay matatalakay sa Aralin
3E.

II. Mga Layunin

Ang mga mag-aaral sa pagtalakay ng Aralin 3E ay:


1. Maipaliliwanag ang kahulugan at katuturan ng mga graphic orginizers;

2. Mailalapat ang bawat graphic organizer sa bawat hakbang sa modelo ng


pagtuturo;

3. Matutukoy ang mga graphic orginizers na dapat gamitin para sa ituturong


aralin; at

4. Magagamit ang mga graphic organizers sa mga modelong estratehiya sa


pagtuturo.
III. Mga Babasahin para sa Aralin 3E

Babasahin: Mga Graphic Orginizers

Nabubuo ang mga graphic organizers o learning organizers ng mga linya,


arrows, kahon at bilog na nagpapakita ng ugnayan ng mga ideya. Ginagamit ang mga
graphic organizer sa pag-oorganisa ng mga impoprmasyon. Sa paggamit ng mga
graphic organizers madaling makikita, mauunawaan, at matandaan ang uggnayan ng

[ 40 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

mga ideya na naggagaling sa mga teksto o babasahin. Sa pagtuturo maari ninyong


gamiting gabay sa paggamit ng mga graphic orginizers ang mga sumusunod:

A. Mga Graphic organizers


Ang mga graphic orginizersa ay:

1. Mga larawang biswal (visual) ng kaalaman;


2. Magaling na kagamitan (tools) sa pagtuturo at pagkatuto;
3. Inihahatid sa mga mag – aaral ang pag – uugnay ng mga kaalaman;
4. Nakatutulong sa pangkatang Gawain;
5. Tinatanggap ang istilo sa pagkatuto ng mga indibidwal; at
6. Nagbibigay ng karanasan sa mga mag – aaral na madebelop ang higher order
thinking skills (HOTS).

B. Paggamit ng mga Graphic Organizers

Ginagamit ang mga graphic organizers:


1. Sa panahon ng pre – reading o kaya’y pre – writing na Gawain;
2. Bilang estratehiya para maging aktibo ang talakayan ng kaalaman at maging
kawiliwili ang aralin;
3. Bilang materyales sa teksto, kuwento, nobela at video sa diskusyon sa klase;
4. bilang kagamitan para matanggap at maunawaan ang bagong aralin; at
5. bilang kagamitan sa pagtasa (assessment)

C. Kahalagahan ng Graphic Organizers


Mahalaga ang mga graphic organizers sa pag-aaral at pagtuturo pagkat -

1. Nakatutulong ang mga ito para ma – retrieve at ma-retain ang impormasyon;

2. Sa paggamit ng graphic organizers naisasaayos ng utak (brain) ang


impomasyon sa maayos na kategorya;

3. Nagagamit ang dating kaalaman sa panahon ng talakayan (brainstorming


session); at

4. Napapanatili ang bagong kaalaman.

Dapat tandaan na ang yunit / aralin na integrado ay madaling maipaplano at


mailalarawan sa pamamagitan ng paggamit ng mga graphic organizers.

Narito ang ilang graphic organizers na magagamit ng guro sa pagpaplano ng


instruksyon:

1. Concept Map 8. Tree Diagram


2. Cluster Map [ 41 ]
9. Venn Diagram
3. Wheel Map 10. Data Information Chart
4. Factstorming Web 11. Data Retrieval Chart
5. Semantic Web 12. Bubble Tree
Pagtuturo at Pagkatuto

1. Concept Map. Makikita sa concept map ang listahan at kaayusan ng mga pangunahing
konsepto mula sa isang teksto o materyales. Ginagamit ang concept map para
makatulong sa komprehensyon (comprehension) ng mga mag – aaral; sa pag –
oorganisa ng mga konsepto; at sa pagsusuri sa ugnayan ng mga ito.

Kabuuang 300,000
Pilipinas Kilometro
Sukat Kwadrado
(Concept Map)

a) Tanong: Ano ang sukat ng lupain ng Pilipinas?

Kasinlaki ng Italya

Sukat ng Pilipinas Malaki – laki sa United


Kingdom

Mas maliit sa Hapon


(Concept Map)
b) Direksyon: Ihambing ang sukat ng Pilipinas sa ibang bansa.

2. Cluster Map. Ito ang set ng mga konsepto o ideya na nauugnay sa isang pangunahing
konsepto. Makikita sa cluster map ang pangunahing konsepto / paksa at ang nakapaligid
na sumusuportang mga konsepto / paksa.

Tanong: Anu – ano ang mga bansang Asyano na mag – aangkin sa Spratly Islands?

Pilipinas

[ 42 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

(Cluster Map)

3. Wheel Map. Ito ang grapikong representasyon ng mga magkakaugnay na salita, salik
o katotohanan na sumusuporta sa sentral na ideya.

Tanong: Anu-ano ang mga uri ng salapi?

[ 43 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

(Wheel Map)

4. Factstorming Web. Ito ay mahalagang proseso sa pagpaplano ng nilalaman ng


instruksyon para maisakatuparan ang mga layuning edukasyonal. Maipakikita sa
factstorming web ang kabuuan ng yunit na pag-aaralan sa pamamagitan ng paglikha ng
web ng mga potensyal na ideya na pag-aaralan.

Tanong: Anu-ano ang mga natural na pisikal na elemento sa mundo?

[ 44 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

[ 45 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

(Factstorming Web)

5. Semantic Web. Ginagamit ang semantic web sa paglalahad ng sagot sa core question,
web strand, at strand ties. Ang core question ay ang poks ng web; ang web strand ay ang
sagot sa core question; at ang strand tie ay ang ugnayan ng mga strands.

Direksyon: Sagutin ang core question. Isulat ang sagot sa kahon ng web strand.
Ipaliwanag ang bawat sagot sa web strand.
(Semantic Web)

6. Discussion Web. Ito ang grapikong representasyon na ginagamit sa pag-oorganisa ng


argumento o ebidensya mula sa teksto. Epektibo ito sa pagsagot sa mmga isyu o kung
balanse pa ang pro o con na argumento. Pagkatapos ng web pag-uusapan sa klase ang
isinasagawang paghahambing.

Direksyon: Sagutin ang core question ng Oo o Hindi. Kung ang sagot ay Oo, isulat ang
paliwanag ng sagot sa ilalim ng Oo. Kung ang sagot ay Hindi, isulat ang paliwanag
sa sagot sa ilalim ng Hindi.

Oo Hindi

(Discussion Web)

[ 46 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

7. Discussion Grid. Ito ang grapikong representasyong na ginagamit ng dalawang mag-


aaral (dyad) para sila magtalakayan/ mag-usap tungkol sa isang tanong. Ang sagot sa
kanilang tanong ay dapat suportahan ng katwiran/ datos.

Direksyon: Pangkatin ang mag-aaral sa dalawa nang sa gayo’s makabuo ng conversation


dyad. Sabihin sa bawat dyad na kompletuhin ang discussion grid. Ibahagi ang
mga ideya sa klase.

1. Pangkatin ang mga estudyante sa dalawa para mag-usap (Conversation


Dyad).

2. Sabihin sa bawat dyad na kompletuhin ang discussion grid.

3. Ibahagi ang pinag-usapan sa klase.

8. Tree Diagram. Ito ang hierakikal na organisasyon ng aralin kung saan ang pangunahing
konsepto/paksa ay pinakapayong (umbrella) at mga sumusportang konsepto/bagay o
pangyayari ay nakaayos pababa sa tree diagram.

[ 47 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

Tanong: Ano Ang nasasaad sa Artikulo I ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas?


9. Venn Diagram. Ginagamit ang Venn Diagram sa paghahambing ng dalawang set ng
tao, bagay, lugar o pangyayari.

[ 48 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

1 at 2 = Pagkakaiba
3= Pagkakatulad

(Venn Diagram)
10. Data Information Chart. Sa Data Information Chart
inilalahad sa bawat cell ng matrix ang kabuuang impormasyon tungkol sa aralin na
tinatalakay.Dito makikita ang kabuuan na aralin na madaling magagamit sa pagbubuod.
Direksyon: Ipaliwanag ang Data Information Chart

Heograpiya ng Mundo
A. Mga Ikatlong planeta sa Araw Patag sa
Katangiang mga Polo Nakaumbok sa Ekwador
Pisikal Hugis ispiro 150,000,000 km. ang
layo sa Araw

[ 49 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

B. Malalawak na Mga Kontinente: Aprika, Eurasia


Elebasyon (Europa at Asya), Hilagang Amerika,
Timogh Amerika, Australia, at
Antarktika
C. Malalawak na Mga Karagatan:
Depresyon
Karagatang Pasipiko
Karagatang Indian
Karagatang Atlantiko
Karagatang Arktiko

D. Iba pang Mga Anyong Tubig


Natural/ Pisikal Mga Anyong Lupa
na Elemento ng Panahon at Klima
Mundo Flora at Fauna

11. Data Retrieval Chart. Nabubuo ito ng mga hilera at kolum ng mga kategorya at cell
ng mga magkakaugnay na idea.Ang mga impormasyon ay nakasulat sa loob ng cell.Sa
ganitong paraan naikakategorya ang mga impormasyon sa mga conceptual blocks na
nagsisilbing gabay sa pagbubuod sa aralin na tinatalakay.Ginagamit ang Data Retrieval
Chart sa pagoorganisa sa masa ng impormasyon.

Kasunduan Taon ng Probisyon


Pagpapatibay

Treaty of Paris

Treaty of Washington

Kasunduan ng Estados
Unidos at Britanya
Presidential Degree.
1596

[ 50 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

12. Bubble Tree. Tulad ng tree diagram,nakaayos rin sa bubble tree and mga
paksa,konsepto,tauhan,pangyayari sa lohikal na kaayusan. Sa ganitong paraan madaling
napag-uugnay ng mga pangyayari buhat sa teksto o babasahin.
Direksyon: Ipaliwanag ang mga pangyayari na nauugnay sa pagbagsak ng Roma.

(Bubble Tree)
13. Timeline. Ang timeline ay gwapikong representasyon ng mga pangyayari sa kaayusang
kronolohikal.Ito ang sistema ng paglilista,pagsasaayos at paghahambing ng mga
pangyayari sa ilang piryod o panahon.Sa madaling salita,ito ang buod na pangungusap g
serye ng mga pangyayari.Sa ganitong paraan lalung nagiging madali ang pangunawa sa
mga pangyayari.
Direksyon: Ipaliwanag sa pamamagitan ng paggamit ng timeline and mga kasunduan na
naganap tungkol sa paglawak ng teritoryo ng Pilipinas.

[ 51 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

Gawain 1: Talakayan
Direksyon: Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa talakayan.
1. Ano ang graphic organizers?
2. Kalian ginagamit ang mga graphic organizers?
3. Mahalaga ba ang mga graphic organizers sa pagtuturo? Bakit?
4. Magbigay ng halimbawa ng mga graphic organizers.

Gawain 2: Pagdisenyo
Direksyon: Iguhhit ang mga asumusunod na graphic organizers. Pumili ng inyong paksa at
gamitin ang alinman sa mga graphic organizers sa loob ng kahon.

concept map discussion map

cluster map tree diagram

wheel map venn diagram

factstorming web data information chart

semantic web bubble tree


[ 52 ]
discussion web timeline
Pagtuturo at Pagkatuto

Note: Gamiting gabay ang mga sumusunod sa pagdesisyon ng mga graphic organizers.
1. Pagpapakita ng kabuuang saklaw na aralin.
2. Pagbibigay ng apat na katangian/ salik/ element.
3. Paghahambing ng dalawang tao, bagay o pangyayari.
4. Pagsagot ng Oo o Hindi sa isang pangyayari.
5. Pag-define sa isang konsepto o pagpapalawig sa isang pangyayari/isyu.
6. Pagpapakita sa mga sub-konsepto ng isang pangunahing konsepto.
7. Pagpapakita ng datos bunga ng pag-aaral.
8. Pagpapakita ng mga pangyayaring kronolohikal.
9. Pagsasagawa ng Gawain ng dalawang mag-aaral.
10. Pagbibigay ng impormasyon.

Gawain 3: Pagbubuo
Dieksyon: Sumulat ng mga paglalahat tungkol sa kagalingan sa paggamit ng mga graphic
organizers sa panig ng
1. guro
2. mag-aaral

ARALIN 4
Mga Modelong Banghay-Aralin sa Araling Panlipunan
I. Introduksyon
Nailahad na sa inyo ang lohikal na presentasyon ng kontinum sa
pagkatuto (learning continuum) mula sa pagsulat ng mga layuning
instruksyunal na nakatuon sa paksang-aralin na tatalakayin. Naibabahagi
na rin sa inyo ang kahalagahan ng paggamit ng ibat-ibang estratehiya sa
pagtuturo na nagbibigay kulay at buhay sa pagproseso ng mga
impormasyon. Napapahalagahan na ninyo ang mga institusyonal na
teknik na ginagamit sa pagbahagi/pag-uulatng mga aralin sa pamaraang
interaktibo na ginagamitan ng mga graphic organizers na nagsisilbing
salamin sa pagtalakay sa mga aralin sa silid-aralan. Para higit ninyong
maunaaan ang kahalagahan ng kontinum sa pagkatuto sa pagpaplano ng
instruksyon narito ang dalawang modelong banghay-aralin sa Araling

[ 53 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

Panlipunan na ginagamitan ng iba-ibang modelong estratehiya sa


pagtuturo. Ang mga ito ay mapag-aaralan ninyo sa Aralin 4.
II. Mga Layunin
Ang mga guro sa pag-aaral ng aralin 4 ay :
1. mapatotohanan ang kahalagahan ng paggamit ng iba-ibang modelong
estratehiya sa pagtuturo ng Araling Panlipunan;
2. madedebelop ng kaasanayan sa paggamit ng iba-ibang intruksyonal teknik sa
presentasyon ng mga aralin sa silid-aralan;
3. magiging malikhain sa pagdisenyo ng mga graphic organizers na magbibigay
linaw sa talakayan sa silid-aralan; at
4. makasusulat ng isang banghay-aralin na ginagagamit ang alinman sa mga
modelong estratehiya sa pagtuturo ng Araling Panlipunan.

MODELONG BANGHAY-ARALIN PARA SA ARALING PANLIPUNAN I NA GINAGAMITAN NG ACES


TEACHING APPROACH
Inihanda ni
Lydia N. Agno, Ed.D.
Kolehiyo ng Edukasyon
Unibersidad ng Pilipinas
I. Ang Aces Teaching Approach
Isa sa pabotirong modelo sa pagtuturo ng mga guro sa batayang edukasyon ay ang
ACES Teaching Approach. Kapwa gingamit sa modelong ito ang pamaraang induktibo at
deduktibo sa pagproseso ng mga aralin sa silid-aralan. Sa prosesong ito naisasagawa ang
pag aaral ng mga gawaing ekspiryensyal o andragogy. Nababatay ang modelong ito
Confluent Theory of Education na naniniwala sa magkasabay na achievement ng mga
hangaring apektibo at kognitibo. Ang banghay-aralin na ito tungkol sa dalawang dakilang
simbolo ng Pilipinas ay ginagamitan ng ACES Teaching Approach sa pagproseso ng
aralin.

Narito ang mga hakbang sa pagtuturo ng modelo:

A. Activity (Gawain)
B. Analysis (Pag-aanalisa)
C. Abstraction (Paghahalaw)
D. Application (Paglalapat)

II. Mga Layunin

[ 54 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

1. Napag-uugnay ang mga mahahalagang pangyayari naganap sa panahon ng


himagsikan;
2. Nahihinuha ang implikasyon ng kawalan ng pagkakaisa sa panahon ng himagsikan;
3. Natatalakay ang mga dahilan at epekto ng Digmaang Pilipino-Amerikano;
4. Napag-uugnay-ugnay ang mga pangyayaring naganap tungkol sa pagkabuo ng
pambansang awit at pambansang watawat bilang pambanasang sagisag ng bansa;
5. Naipahahayag ang damdamin hinggil sa proklamasyon ng kasarinlan ng Pilipinas;
6. Naipamamalas sa kilos at gawa ang pagkakaroon ng dangal;
7. Napupuri at napapasalamatan ang mga dakilang Pilipino na nagbuwisng buhay para
sa bayan; at
8. Naipapamalas sa kilos at gawa ang pagmamahal sa bayan.
III. Nilalaman
A. Paksa : Dalawang Dakilang Simbolo ng Pilipinas
 Ang Pambansang Awit
 Ang Pambansang watawat
B. Mga konsepto sagisag himagsikan
watawat martsa
awit pambansa
C. Balangkas ng Aralin
Dalawang Dakilang Simbolo ng Pilipinas
1. Ang Pambansang Martsa / Awit
1.1 Pangangailangan
1.2 Mga Pinuno ng Himagsikan
1.3 Pagsasaling Wika
2. Ang Pambansang Watawat
2.1 Pangagailangan
2.2 Mga Mananahi
2.3 Disenyo ng Watawat
2.4 Kasarinlan ng Pilipinas
D. Babasahin: “Himno Nacional Filipino”
“Ang Ating Pambansang
E. Mga Kagamitan: Mapa ng Pilipinas
Watawat ng Pilipinas
Tatlong Bersyon ng Pambansang Awit
 Español
 Ingles
 Pilipino

Casette Tape ng Pambansang Awit ng Pilipinas

[ 55 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

IV. Pamamaraan (ACES Teaching Approach)


Unang Araw
A. Activities (Mga Gawain)
1. Magpakita sa klaseng larawan ng mga katipunero sa panahon ng himagsikang
Pilipino. Itanong sa klase ang mga nakikita sa larawan.
2. Itanong sa klase ang pangalan ng mga dakilang Pilipino na lumaban sa mga
dayuhang Espanyol at Amerikano sa panahon ng himagsikan.
3. Itanong sa mga mag-aaral ang pangalan ng mga dakilang Pilipino na nanguna sa
paglikha ng mga sagisag ng bansa. (Isa-isang ipakita ang larawan ng mga dakilang
Pilipino sa klase hanggang matukoy sina Gen. Emilio Aguinaldo at Julian Felipe).
4. Isulat sa patlang ang wastong salita para mabuo ang mga sumusunod na
pangungusap. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

sagisag kasarinlan

dayuhan pambansang

a. May mga _______ sagisag na nagpapakilala sa mga Pilipino at sa ating bansa.


b. Nag-aklas ang mga matatapang at magigiting na Pilipino para makamtan
natin ang _______mula sa mga mananakop na _______.
5. Itanong sa klase.

Sa inyong palagay, may katwiran ba ang mga Pilipino sa panahon ng


himagsikan na mag-aklas laban sa mga dayuhan? ( Paalaala: tanggapin ang lahat
ng sagot ng mga mag-aaral.)
6. Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang ginagawa tuwing araw ng Lunes bago
pumasok ang mga mag-aaral at guro sa kanilang silid-aralan.
7. Sagutin sa klase ang mga sumusunod na tanong:
a) Bakit inaawit ang “Lupang hinirang” tuwing Lunes sa mga paaralan at
tanggapan?
b) Bakit dapat igalang ang ating pambansang watawat?
c) Batid ba ninyo ang kasaysayan sa likod ng ating pambansang awit at
pambansang watawat?

Sabihin: Pag-aaralan natin ngayon ang kasaysayan sa pagkalikha sa dalawang


dakilang simbolo ng ating bansa.
8. Ipakita sa klase ang balangkas ng aralin.
Mga Pambansang Sagisag
1. Ang Pambansang Awit ng Pilipinas

[ 56 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

1.1 Pangangailangan
1.2 Mga Pinuno ng Himagsikan
1.3 Pagsasaling Wika
2. Ang Pambansang Watawat ng Pilipinas
2.1 Pangangailangan
2.2 Mga Mananahi
2.3 Kahulugan ng Deisenyo ng Watawat
2.4 Kasarinlan ng Pilipinas
9. Hatiin ang klase sa dalawang pangkat . Papiliin ang bawat pangkat ng kani-
kanilang lider at recorder. Bigyan ang bawat pangkat ng paksa na tatalakayin.

[ 57 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

Pangkat A: Ang Pambansang Awit ng Pilipinas

Pangkat B: Ang Pambansang Watawat ng Pilipinas

B. Analysis (Pagsusuri)
1. Hatiin pa ang Pangkat A at Pangkat B sa tatlong maliliit na pangkat. Bigyan ang
bawat maliliit na pangkatng tanong tungkol sa paksang-aralin.

Pangkat A-1

Paksa: Mga Makasaysayang Pangyayari sa Panahon ng Rebolusyong Pilipino

(Mga Gabay na Tanong)

a) Anu-ano ang mga mahahalagang pangyayari na naganap sa Pilipinas


noong 1898?
b) Sa panahong yaon, ano ang nais ni Hen. Emilio Aguinaldo na gawin
para sa kanyang bayan at sa mga mamamayang Pilipino?
c) Bakit pinatawag ni Hen. Aguinaldo si Julian Felipe?
d) Tinanggap ba kaagad ni Julian Felipe ang inatas sa kanya ni Hen.
Emilio Aguinaldo? Patunayan ang inyong sagot.
e) Ano ang naganap noong Hunyo 5, 1898? Noong Hunyo 11, 1898?
Noong Hunyo 12, 1898?
f) Ano ang Unang Republika sa Asya? Dapat ba nating ipagmalaki ito?
Bakit?
g) Ano ang nagging damdamin ng mga Pilipino nang maging malaya tayo
sa kuko ng mga mananakop na dayuhan noong 1898?

[ 58 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

Pangkat A-2

Paksa: Paglikha ng Lirika Para sa Pambansang Awit

(Mga Gabay na Tanong)

a) Anu-anong mahahalagang pangyayari ang naganap sa Pilipinas


noong 1898?
b) Bakit natuwa ang mga Pilipino nang magkaroon ng lirika ang
Pambansang Martsa ng Pilipinas?
c) Sino ang nagsalin ng “Filipinas” sa wikang Ingles? Sa Filipino?
d) Mahalaga ba ang Pambansang Awit ng Pilipinas sa mga Pilipino?
Bakit?
e) Paano natin dapat awitin an gating Pambansang Awit?Paano ito
dapat tugtugin ng banda? Bakit?

Pangkat A-3

Paksa: Ang Debelopment ng Pambansang Awit ng Pilipinas

(Mga Gabay na Tanong)

a) Ano ang nabuong komposisyon ni Juan Felipe noong 1898?


b) Ano ang tula na isinulat ni Jose Palma noong 1898?
c) Sino ang nagsalin ng lirika ng “Filipinas” sa Ingles?
d) Sino ang nagsalin ng lirika ng “Philippine Hymn” sa Filipino?

[ 59 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

Pangkat B-1

Paksa: Pangangailangan sa Pambansang Awit

a) Bakit nagkaroon ng pangangailangan sa panahon ng himagsikan ng isang


pambansang watawat?
b) Ano ang adhika nng mga Pilipino sa panahon ng himagsikan? Bakit?

Pangkat B-2

Paksa: Ang mga Dakilang Pilipino at ang Pambansang Watawat

a) Sinu-sino ang mga dakilang Pilipino ang mayroong mahahalagang gawaing


ginampanan sa pagbuo o paglikha sa Pambansang Watawat ng Pilipinas?
b) Anung tungkulin o Gawain ang ginampanan ng bawat isa sa kanila?
c) Dapat ba nating pahalagahan ang gawaing ginampanan ng mga naturang
Dakilang Pilipino? Bakit?
d) Paano natin maipapakita an gating paggalang sa ating Pambansang
Watawat?

Pangkat B-3

Paksa: Mga Sagisag at Kulay sa Pambansang Watawat ng Pilipinas

a) Anu-ano ang mga kulay sa ating Pambansang Watawat? Ibigay ang kahulugan ng
bawt isa.
b) Ano ang kahulugan ng tatlong bituin sa ating watawat?
c) Ano ang kahulugan ng walong sinag ng araw sa ating watawat?
d) Paano natin maipapakita ang ating pagmamahal at paggalang sa ating watawat?
e) Dapat din ba nating igalang ang watawat ng ibang bansa? Bakit?

2. Ipabasa sa bawat pangkat ang Babasahin 1: Himno Nacional Filipino at Babasahin


2: Ang Ating Pambansang Watawat. Ipaala-ala sa klase ang mga pamantayan sa
pagbasa nang tahimik.
3. Ipaala-ala sa bawat pangkat na gumagamit ng mga graphic organizers sa
pagsagot ng mga tanong.

Pangkat-A
[ 60 ]
Pangkat A-1: Tri-Question Approach

Pangkat A-2: Flow Chart

PAngkat A-3: Concept Map


Pagtuturo at Pagkatuto

4. Pagkatapos masagutan ng bawat pangkat ang kani-kanilang tanong, isa-isa na


silang pasulatin. Gumamit ng akmang graphic organizer. May mga tanong na
magagamit sa pagsusuri o pag-aanalisa na nasa ibaba ng bawat graphic
organizer na magagamit sa talakayan sa silid-aralan.

Note: Nasa susunod na pahina ang pormat ng presentasyon ng bawat pangkat.


C. Abstraction (Paghahalaw)
1. Bago simulan ang presentasyon ng bawat basahin na muli sa klase ang mga
pangunahing tanong para sa bawat pangkat.

Pangkat A

Paksa: Ang Pambansang Awit

(Mga Gabay na Tanong)

Pangkat A-1: Bakit pinatawag ni Hen. Aguinaldo si Julian Felipe? Ano ang naging bunga nito?

Pangkat A-2: Ano ang kaganapan sa Pilipinas na nagsulong sa pagkabuo ng lirika para
pambansang martsa?

Pangkat A-3: Sino ang may akda ng martsa? Sino ang sumulat ng lirika sa Espanyol? Sa Ingles?
Sa Filipino?

[ 61 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

Pangkat B

Paksa: Ang Pambansang Watawat ng Pilipinas

(Mga Gabay na Tanong)

Pangkat A-1: Bakit nangangailangan ng Pambansang Watawat sa panahon ng Himagsikan? Ano


ang kahulugan ng watawat?

Pangkat A-2: Sinu-sino ang mga Pilipino na malaki ang bahaging ginampanan sa pagkabuo ng
pambansang watawat ng Pilipinas?

Pangkat A-3: Anu-ano ang kahulugan ng mga simbolo at kulay sa ating pambansang watawat?

2. Simulan na ang presentasyon ng bawat pangkat.

Pangkat A-1
Paksa: Mga Makasaysayang Pangyayari sa Panahon ng Rebolusyong Pilipino
Instruksyunal Teknik Tri-Question Approach
(Presentasyon) (Talakayan)
Tanong 1: Ano ang makasaysayang kaganapan sa Pilipinas noong 1898?
Tanong 2: Bakit Yaon nangyari?
Tanong 3: Ano ang kinahinatnan ng mga pangyayari?
Graphic Organizer: Flow Chart
Senaryo: Pagtatagpo nina Hen. Emilio Aguinaldo at JulianFelipe

[ 62 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

Taon 1898 Hen. Emilio Pambansang


Ikalawang Taon ng Aguinaldo Sagisag
Himagsikan Pagkakaisa
Manghihimagsik

Marcha Filipino Tinugtog sa Sala ni Julian Felipe


Magdalo Hen. Aguinaldo Hunyo 5, 1898
Hunyo 11, 1898 Martsa
Marcha Nacional
Filipino

Proklamasyon ng Hen. Aguinaldo Unang Pagsasarili


Pagsasarili ng Iwinagayway ang ng Pilipinas
Pilipinas Pambansang Unang Republika sa
Watawat Asya
Kawit, Cavite
Hunyo 12, 1898 Pagtugtog ng
Marcha Nacional
Filipino

Note: Ipaliwanag ang flow chart.


Talakayan: Sagutin ang mga gabay sa tanong para sa pangkat A-1 pagkatapos ng Tri-Question
Approach.

Pangkat A-2
Paksa: Paglikha ng Lirika Para sa Pambansang Awit
Instruksyunal Teknik: Role Playing
(Presentasyon) (Si Jose Palma bilang manunulat)
Graphic Organizer: Flow Chart
Senaryo: Paglikha sa Pambansang Awit

Taon 1899 Jose


[ 63Palma
] Tula
Digmaang Pilipino-
Manunulat “Filipinas”
Amerikano
Pagtuturo at Pagkatuto

Note: Ipaliwanag ang flow chart sa klase.


Talakayan: Sagutin ang mga gabay na tanong para sa pangkat A-2 pagkatapos ng role
playing.
Pangkat A-3
Paksa: Ang Debelopmental ng Pambansang Awit ng Pilipinas
Instruksyunal Teknik: Lecturette
(Presentasyon)
Graphic Organizer: Concept Maps
Tanong: Paano nalikha ang Pambangsang Awit ng Pilipinas?

Juan Felipe Marcha National Filipina


(1898) (martsa)

Jose Palma Filipinas (lirika para sa


(1899) Marcha Nacional Filipina
[ 64 ]

Filipinas Philippine Hymn


Pagtuturo at Pagkatuto

Note: Ipaliwanag ang mga concept maps.


Talakayan: Saguin ang mga gabay sa tanong para sa Pangkat A-3 pagkatapos ng lecturette.
Pangkat B-1
Paksa: Pangangailangan sa Pambansang Watawat
Instruksyunal Teknik: Brainstorming
(Presentasyon)
Graphic Organizer: Concept Maps
Tanong: Ano ang nagbunsod sa pagkakalikha sa Pambansang Awit?

Pangangailangan
Pagkakaisa Pambansang Watawat
Pagkakakilanlan

Tanong: Ano ang simbolo ng Pilipinas?

Pambansang Watawat Simbolo Pilipinas

Note: Ipaliwanag ang mga concept maps.

[ 65 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

Talakayan: Sagutin ang mga gabay na tanong para sa pangkat B-1 pagkatapos ng
brainstorming.
Pangkat B-2
Paksa: Ang mga Dakilang Pilipino at ang Pambansang Watawat
Instruksyunal Teknik: Roundtable Discussion
(Presentasyon)
Graphic Organizer: Cluster Map
Tanong: Sinu-sino ang mga dakilang Pilipino na malaki ang naiambag sa paglikha ng
Pambansang Watawat ng Pilipinas?

Josefina Emilio
Herbosa de Aguinaldo
Natividad Dakilang Pilipino
at ang t
Pambansang
Watawat

Mga
Lorenzo
Pinuno sa
Agoncillo
Marcela Himagsikan
Marino de
Agoncillo
Note: Ipaliwanag ang cluster map.
Talakayan: Sagutin ang mga gabay na tanong pagkatapos ng roundtable discussion.
Pangkat B-3
Paksa: Mga Sagisag at Kulay sa Pambansang Watawat ng PIlipinas
Instruksyunal Teknik: Panel Discussion
(Presentasyon)

[ 66 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

Graphic Organizer: Factstorming Web

Asal

 Katarungan
Luzon
 Katotohanan

 Kapayapaan
Panay
(Visayas)

Asal
Mga Mga
Bituin Kulay  Kabayanihan
Mindanao
 Katapangan

Pambansang Puti
Watawat ng
Pilipinas  Pag-asa

 Pagkakapantay

[ 67 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

Tarlac Cavite

Batangas
Maynila

Sikat ng
Araw
Nueva Ecija Pampanga

Laguna
BULACAN

Note:Ipaliwang sa klase ang factstorming web


Talakayan: Sagutin ang mga gabay na tanong pagkatapos ng panel discussion

3.Magbaigay ng leturette tungkol sa dalawang dakilang simbolo ng Pilipinas.(Para sa Guro)

D.Application (Paglalapat)
Pagkatapos ng pag-uulat ng Pangkat A at Pangkat B ,gabayan ang buong klase sa pag sasagawa ng
mga sumusunod na gawain.
1.Sa pamamagitan ng paggamit ng Data Retrieval Chart,ipasulat sa mag-aaral sa pisara ang mga
katangian ng tauhan na nakasulat sa unang kolum:

DATA RETRIEVAL CHART

Tauhan Katangian
a) Emilio Aguinaldo
b) Julian Felipe
c) Marcela Agoncillio
d) Mga manghihimagsik

2.Patunayan na may mga dakilang Pilipino na naglilingkod at ibinibigay ang kanilang buhay para lumaya
ang Pilipinas.Sumulat ng mga pag lalahat tungkol sa aralin. Gamitin ang mga impormasyon sa Data
Retrieval Chart.
3.Magpalabas ng dula dulaan tungkol sa:
a) Pagkakalikha sa Pambansang Martsa ng Pilipinas
b) Ang pag papahayag ng kasarinlan ng Pilipinas at ang Pambansang Watawat.
4.Patayuin ang mga mag aaral.Pangunahan ang klase sa pag awit ng mga sumusunod:

a) Filipinas (Espanyol)
b) Philippines Hymm(Ingles)

[ 68 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

c) Lupang Hinirang(Filipino)
d) Tri-lingual(Espanyol,Ingles,at Filipino)

Filipinas Philippine Hymm


(Español) (Engllish)
Por Jose Palma By Paz Marquez Benitez,
Camilio Osias ,and M.A
Tierra adorada Lane
Hija del sol de Oriente
Su Fuego ardiente Land of the morning
En ti latiendo esta Child of the sunreturning
With fervor burning
Patria de amores! Thee do our soul adore.
Del heorismo cuna,
Los invasores Land dear and holy
No te hallran jamas. Cradle of noble heroes,
Ne’er shail invaders
En tu azul cielo Tramples thy sacred shoeres.
en tus auras,
En tus montes y en tu mar Ever w/in thy skies and
Esplende y late el poema through thy clouds
De tu amada libertad. And o’er thy hills and seas
Do we be hold thy radiance
Tu pabellon ,que en las Feel the throb of glorious
lides liberty.
La victoria ilumino,
No vera nunca apagados Thy banner dear to all our
Sus estrellas y su sol. hearts
Tierra de dichas,de sol Its suns and starts alight
Y de amores, Oh, never shall it shinning
En tu regazado dulce es vivir; fields
Es una gloria para tus hijos Cuando te Ofenden Be dimmed by tyrant’s
Por ti morir. might

Beautiful land of love,


O land of light
In thine embrace ‘tis
rapture to lie;
But it is glory ever,when
thoug art wronged
For us ,thy sons to suffer
and die.

[ 69 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

Lupang Hinirang Philippine


(Filipino) National Anthem
Opisyal na bersyon (Tri-lingual)
Mula 1956

Bayang magiliw Tierra adorada


Perlas ng silanganan Hija del sol de Oriente
Alab ng puso Su fuego ardiente
Sa dibdib mo'y buhay En ti latiendo esta.

Lupang hinirang Patricia de amores !


Duyan ka nang magiting Del heroimo cuna,
Sa manlulupig
Los envasores
‘Di ka pasisiil
No te hallran jams.
Sa Dagat at bundok sa simoy
At sa langit mo'y bughaw OoO
May dilag ang tula Ever w/in thy skies and
At awit sa paglayang minamahal through thy clouds
Ang kislap ng watawat mo'y tagumpay na and o;er thy hills and seas
nagniningning Do we behold thhy radiance,
Ang bituin at araw niya'y kailanpama'y di Feel the throb of glorious
magdidilim Liberty.
Thy banner dear to all
Lupa ng araw ng luwalhati't pagsinta Our hearts
Buhay ay langit sa piling mo Its suns and starts alight,
Aming ligaya nang pag Oh ,never shall its shining
May mang-aapi fields
Ang mamatay ng dahil sayo Be dimmed by tyrant’s
might.

OoO
Lupa ng araw,ng luwalhati’t pagsinata,
Buhay ay langit sa piling mo;
Aming ligaya na pag
may mang aapi
Ang mamatay nang dahil sa
iyo.

Basahin 1:Himmo Nacional Filipino

Mahalaga sa kasaysayan ng Pilipinas ang taong 1898.Ito ang ikalawang taon ng pag
hihimagsik ng mga Pilipino laban sa Espanya.Halos natatanaw na ang tagumpay ng mga kawal na
Pilipino noon.Para lalung mapagkaisa ang mga Pilipino sa kanilang paglalaban sa mga
kawaay ,naisipan ni Heneral Emilio Aguinaldo na gumawa ng paraan para mag karoon ng mga
pambansang sagisag ang bansa.

[ 70 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

Dahil dito ,hinirang niya si Julian Felipe,isang piyanista at kompositor na tubong Cavite ,na umakda
ng isang martsa para sa mga manghihimagsik noong Hunyo 5,1898. Sumunod kaagad si Julian Felipe
sa utos ni Aguinaldo noong Hunyo 11,1898 sa harap ng Heneral at ng mga tiniento nito.Pinagtibay
nila ang martsa at pinamagatang Marcha Nacional Magdalo para sa karangalan ni Heneral
Aguinaldo at nang malaunan ay pinamagatan itong Marcha Nacional Filipina.

Pinasinayaan ang Unang Pag sasarili ng Pilipinas sa Kawit,Cavite noong Hunyo 12,1898.
Sa araw na ito iwinagawayway ni Pangulong Aguinaldo ang pambansang watawat ng Pilipinas sa
balkonahe ng kanyang tahanan sa Cavite habang tinutugtog ng banda ng San Francisco de Malabon
(ngayo’y Hen.Trias)ang Marcha Nacional Filipina.

Mahalaga rin sa kasaysayan ng Pilipinas ang taong 1899.Paanoo’y sa taong ito sumiklab
ang Digmaang Pilipino Amerikano. Patuloy ang pakiki[pag laban ng mga maghihimagsik laban sa mga
kaaway. Sa taong ito inakda ni Jose Palma,isang magaling na manunulat at kawal ng himagsikan,ang
tula na pinamagatang Filipinas na naakma sa komposisyon ng martsa ni Julian Felipe.
Natuwa ang mga manghihimagsik pagkat sa wakas ay naaawit na nila ang martsa na nagbigay lakas
sa kanilang pakikibaba sa mga kaaway. Ang tula ay naging lirika ng ating Pambansang Awit,ang
Himno Nacional.

Noong 1920,isinalin ang Filipinas sa wikang ingles nina Paz Marquez Benitez ,Camilo
Osias ,at M.A Lane na isang Amerikano. Ito ang Philipinne Hymm na inawit ng mg Pilipino sa
panahon ng pananakop ng mga Amerikano sa bansa. Noong 1956 ,ang Departamento ng Edukasyon
ay lukiha ng lupon ng mga musikero,manunulat,at pamumunua sa iba’t ibang departamento ng
pamahalaan upang sumulat ng mas makasarili at nababagay na lirika ng ating Pambansang Awit. Ang
naging resulta nito ay ang pag kabuo ng Lupang Hinirang sa ilallim ng Presedential Proclamation
No.60 ,epektibo noong ika-19 ng Disyembre ,1963. Ang isinalin sa wikang Pilipino mula sa bersyon ni
Palma sa teksong Espanyol ang naging opisyal na lirika ng Pambansang Awit ng Pilipinas.

Babasahin 2: Ang ating Pambasang Watawat

Ang ating Pambansang Watawat ay sagisag ng mga mamamayang Pilipino at ng ating bansa.
Mahaba ang kasaysayan ng ating watawat sa larangan ng pagpapasikat at pakikibaka ng mga
mamamayang Pilipino. Ang ating Pambansang Watawat ang kumakatawan sa pag
kakaisa ,pagkakalinlanlan at kalayaan ng mga mamamayang Piliupino.

Habang nasa Hong-Kong si Hen. Emilio Aguinaldo ,kasama ang mga pinuno ng rebolusyon,ay
nag disensyo sila ng watawat para sa ating bansa. Ibinigay nila ang disensyo kay Gng. Marcela
Marino de Agoncillo na noon ay nanananahan sa Hong Kong bilang seld-exile kasama ng kanyang
pamilya. Kasama ang kanyang anak na si Gng. Josefina Herbosa de Nativinidad ,matiyaga nilang
tinahi ang ating Watawat.

Una nilang tinabas ang puting trianggulo at ang tatlong bituin na itinahi sa bawat tatsulok.
Kinakatawan ng tatlong bituin ang tatlong malalakinf pangkat ng mga pulo sa Pilipinas ,ang
Luzon,Panay( Visayas),at Mindanao ayon sa nakasulat sa Declaration of Independence.

[ 71 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

Napapaloob sa trianggulo ang sikat ng Araw at ang walong sinag nito na kumakatawan sa
walong lalawigan na nag aklas laban sa Espanya. Dito nabibilang ang
Maynila,Laguna,Pampanga,Cavite,Bulacan,Nueva Ecija, Batangas at Tarlac. Ang istray(stripe)na asul
sa itaas ay nangangahulugan ng kapayapaan at katotohanan . Ang istryp na pula ay
nangangahulugan ng kabayanihan at katapangan. Sa kabilang dako,ang kulaya na puti na trianggulo
ay nangangahulugan ng pag-asa at pagkakapantay-pantay.

Dala ni Hen. Aguinaldo sa pag babalik niya sa Pilipinasa mula sa Hong Kong ang watawat ng
Pilipinas.iwinagawayway niya ito sa balkonahe ng kanyang tahanan sa Kawit,Cavite nooong Hunyo
12,1898,ang araw ng Delarasyon ng kalayaan nang Pilipinas habang tinutogtog ng banda San
Francisco de Malabon (ngayo’y Hen. Trias)ang mga Marcha Nacional Filipina,ang pambansang
Himno ng Pilipinas. Sa araw na ito naiharap sa madla ang dalawang simbolo ng ating bansa-ang
Pambansang Watawat at ang Pambansang Himno –ang Marcha Nacaional Filipina.

MODELONG BANGHAY –ARALIN PARA SA ARALING PANLIPUNAN II NA


GINAGAMITAN NG MODELONG COGNITIVE MAPPING

Ikalawang Taon

(Dalawang –Araw)

Inihanda ni

Lydia N. Agno,Ed.D
Kolehiyo ng Edukasyon
Unibersidad ng Pilipinas

A. Ang Modelong Cognitive Mapping


Ang estratehiyang cognitive mapping ay ginagamit sa mga aralin para maimapa ng mga mag-
aaral sa kanilang isipan ang lohikal na pamamaran para maharap ang isyu na tatalakayin sa
aralin. Sa pag proseso ng aralin binibigyan ang mga mag aaral ng karanasan sa pagpipili ng mga
paksang-aaralin na hango sa isang yunit ng instruksyon tungkol dito ;isinasaayos ang mga ito;at
isinusulat ang buod ng aralin para maging pang araw-araw na gawain. Narito ang mga hakbang
ng modelong cognitive mapping.
1. Pumili ng Paksa
2. Pag uusapan(Brainstorming)ang Paksa
3. Pagsasaayos /Organisasyon ng Impormasyon
4. Pag sulat ng Buod(summary)
B. Mga Layunin
1. Naipaliliwanag ang pangunahing isyu at pagmamalasakit (concerns)na kinakaharap ng
Pilipinas na may kaugnayan sa mga pulong pinag-aagawan sa Timog Dagat Tsina;
2. Napapangatwiran ang kaangkupan ng isang natatangaing hakbang sa pag lutas ng sigalot
sa Kalayaan Islands Group(KIG);

[ 72 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

3. Naipapaliwanag ang mga pangyayaring nagbibigay daan sa pagkakaroon ng interes ng


mga bansa sa pangaangkin sa Kalayaan Islands Group;
4. Nasusuri ang mga isyu at suliraning hinaharao ng mga bansang nag aangkin sa Spratly
Islands;at
5. Naipapaliwang ang maaaring ibunga ng di pagkakasundo ng mga nag aangking bansa sa
Spratly Islands.
C. Nilalaman
A.Paksa: Mga Pulo sa Timog Dagat sa Tsina
B.Konsepto:pulo dagat
Lokasyon pag-aangkin
C.Balangkas ng Aralin
1. Lokasyon ng Spratly Islands
2. Mga umaangking Bansa sa Spratly Islands
2.1 Brunei Darrusalam
2.2 Malaysia
2.3 Taiwan
2.4 Vietnam
2.5 Pilipinas
2.6 Tsina
D. Babasahin
 Babasahin 4:Mga Pulo sa Timog Dagat Tsina
E.Mga Kagamitan
 Mga larawan
 Mapa ng Pilipinas
 Mapa ng Asya

IV.Pamamaraan (cognitive Mapping)


Unang Araw
A.Paghahanda
1. Mag pakita sa klase ng mapa ng Pilipinas.
Ipaskil ito sa bulletin board. Ipakita rin sa klase ang mapa ng Spratly Islands.Sabihin sa
klase na hanapin ang Spratly Islands sa mapa ng Pilipinas.Bilugan ang sakop nito sa
mapa.
2. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagtatanong tungkol sa Spratly Islands.
Halimbawa:
1. Saan matataguan ang Spratly Islands?
2. Bakit inaangkin ito ng Pilipinas?
3. Bukod sa Pilipinas,sa inyong palagay may mga bansa pa kaya sa Asya na nag
aangkin sa Spratly Islands?

3.Sagutin ang mga sumusunod na tanong ng Oo o Hindi .Ipaliwanag ang inyong sagot.
Gumamit ng mapa ng Asya.
a. Ang Dagat Tsina ba ay umaabot sa Pilipinas?
b. Ang Taiwan ba ay kapuluuan?
c. Ang Pilipinas ba ay isang Pulo?
d. Ang Tsina ba ay karugtong ng Taiwan?
e. Ang Brunei ba ay malapit sa Indonesia?

[ 73 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

B.Paglilinaw sa Isyu
1. Ipakitang muli sa klase ang mapa ng Spratly Islands.Pag katapos ay hanapin ang Spratly Islands
sa mapa ng Pilipinas.

Tanong 1:may karapatan ba ang Pilipinas na ankinin ang Spratly


Islands?
Tanonng2:bakit may mga bansa sa Asya na nag aankin sa Spratly
Islands?

2.Hatiin ang klase sa anim na mag aaral na pangkat.Papiliin ang bawat pangkat ng kani kanilang lider
at reportyur. Bigyan ang bawat pangkat ng isang bansa na kanilang pag aaralan.
Pangkat A:Vietanam Pangkat D.Brunei
Pangkat B:Taiwan Pangkat E:Malaysia
Pangkat C:Tsina Pangkat F:Pilipinas
3.Ipabasa sa Klase ang mga gabay na tanong sa pisara.
a.Ano ang Pulo?ang buhara?
b. Saan matatagpuan ang Spratly Islands?ibigay ang lokasyon.
c. Ano ang sukat ng Spratly Islands?
d. Bakit nag aagawan ang ibang bansa sa Spratly Islands?
e.Ano-ano ang mga bansa na nag aagawan sa Spratly Islands?
f. Ano ang basihan ng mga bansa sa pag aangkun sa Spratly Islands?ipaliwag ang iyong sagot?
4.Tukuyin ang isyu na gagamitin sa pag aara; ng paksang aaralin?
Halimbawa:

Isyu:Ang Pag –angkin sa Spratly Islands ng anim na Bansang Asyano

C.Paglilikom/Pagsasaaayos ng Impormasyon
1.Basahin sa klase ang babasahin:Mga Pulong Pinag-aagawaan sa Timog Dagat ng Tsina.Pagkatapos ay
sagutin ang mga tanong na nsa pisara.
2.Paghandain ang bawat pangkat ng kanilang ulat.Gumamit ng graphic organizer at idesenyo ito sa
manila paper.Bigyan nang sapat sa Pag hahanda nang kanilang ulat.

Ikalawang Araw
D.Paguulat sa Katotohanan
1.Pag ulatin ang bawat pangkat sa pamamagitan ng concept map. Ipabasa sa klase na muili ang mga
tanong na ginagamit na gabay sa kanilang pagbasa ng aralin.

[ 74 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

Pangkat A. VIETNAM
(Concept Map

1.Vietnam Spratly Islands


(Kasaysayan) (Truong Sa)

2.Vietanam Soberaniya
(1933)
Spratly Islands
Sprayl

3.Vietnam
Lalawigan
Phuoc Tuy

4.Vietnam
Tsina

Paliwanag:
1.Ayon sa kasaysayan ng Vietnam ang Truong sa (spratly islands)ay bahagin ng Imperyong Annman
noong ikaw 19 danton.
2.Sa panahon ng pananakop ng mga frances sa Vietnam noong 1933 idinagdag sa soberaniya nito ang
Spratly Islands.
3.Noong Setyembre 1973 ideneklara ng Vietnamn] na ang Spratly Islands ay lalawigan ng Phuoc Tuy.
4.Nagkaroon ng sagupaan ng mga barko sa pagitan ng Vietnam at Tsina noong 1988.

[ 75 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

Pangkat B:TAIWAN (ROC)


(flow chart)

1.Pagkatapos ng San 2.Inokupahan


Ikalawang Digmaang Francisco TAIWAN
Pandaigdig Peace (ROC)
HAPON Treaty 1951 Spratly Islands
1946

Bumalik 3.Iniwan ng TAIWAN


TAIWAN Spratly Islands
Spratly Islands 1950
1956

Ipaliwanag :
1.Pagkatapos ng Ikalawang Digmaan Pandaigdig ibinalik ng bansang Hapon ang Spratly Islands sa Taiwan
(Republic of China)batay sa San Francisco Peace Treaty noong 1951.
2.Inokupahan ng Taiwan (ROC)ang Spratly Islands noong 1946.

[ 76 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

KABANATA 5

Mga Salik sa Matagumpay na Pagkatuto ng Wika

Motibasyon Ang Panlabas at


Panloob na
motibasyon

Anu – ano ang mga


Dapat Isaalang –
Ang Guro alang sa
Matagumpay ng
Ang mga Tungkulin at
Pananagutan ng Guro
Pagtuturo at
Pagkatuto ng Wika

Ang mga Mag - Ang Multiple


Intelligence at ang
aaral Istilo sa Pagkatuto

ANG MATAGUMPAY NA PAGKATUTO NG WIKA

Naggigitgitan ang mga magulang, nagsisiksikan , nagtutulakan, at kung minsan ay


nagkakapikunan mapabilang lang ang kanilang pitong taong gulang na anak sa klase sa unang
baitang ni Mrs. Quirit. Nangyayari ang ganito dahil maraming magaganda at kapana – panabik
na sandali sa kanyang pagkaklase. Alam din ng mga magulang na kung ang kanilang anak ay
mapapailalim sa pagtuturo ni Mrs. Quirit, magtataglay ang mga ito ng mpangunahing kaalaman
at kasanayan na mahalaga sa pagtuklas ng mga malawak na karunungan. Batid din ng mga
magulang na ang mga tinuturuan ni Mrs. Quirit ay mahihilig sa pagbabasa ng libro.

Masasalamin sa katauhan Mrs. Quirit ang likas niyang pagmamahal sa mga bata, ang
masaya niyang pagtuturo at pagkamahiligin sa pagbabasa. Kung makapapasok sa loob ng
kanyang klasrum, makikita mong masasayang gumagawa ang mga bata. May mga batang nasa
isang sulok ng klasrum na tahimik na nagbabasa. Ang ilan ay abala sa pagpili ng mga aklat na
kanilang babasahin, samantalang may mga batang tahimik na nagsusulkat sa kani – kanilang
desk. May mga bata ring gumagawa na kasama si Mrs. Quirit. Sa isa pang sulok ng klasrum ay

[ 77 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

makikita ang tatlong bata na sumusulat ng isang kwento na kanilang ibabahagi sa klase. At sa isa
pang bahagi ng klasrum ay mga bata naming gumagawa ng puppet na kanilang gagamitin sa
isang palabas sa klase.

Magandang pagmasdan ang nagaganap sa klasrum ni Mrs. Quirit. Ang mga bata ay
malayang nakakagawa ng mga gawain na di alintana ang pagkakamali. Hindi rin sila natatakot
sumubok ng mga gawaing bago sa kanilang pananaw. Subalit hindi dapat isipin na ang ganitong
kaligiran ay basta lamang nagaganap. Si Mrs. Quirit ay isang master titser. Kilala niya ang
kanyang mag – aaral at iginagalang niya ang kanilang pagkakaiba – iba. Ginagamit din niya ang
kanyang napag – aralan sa paglaki at pag unlad ng mga bata at isinasaalang – alang ang mga
teorya sa pagkatuto upang makalinang ng isang kaligiran na komportable ang mga bata at naroon
ang sigasig sa pagtuklas ng karunungan.

Isinasaalang – alang din ni Mrs. Quirit ang dignidad ng bawat bata at naroon palagi ang
respeto sa kanyang mga tinuturuan. May sapat din siayang kamalayan sa mga mag –aara hinggil
sa kaibahan ng lalake at babae at tinitiyak niyang magkapantay ang mga hamon at mga
pagganyak na inilalaan sa mga ito. Hindi rin makaliligtas sa kanya ang mga batang mapanukso o
iyong mga nang – aapi ng kapwa. Humihingi siya ng tulong sa mga magulang kung kailangan at
palagi niyang iniuulat sa kanila ang proseso sa pag – aaral ng kanilang mga anak.

Kataka - taka bang isipin kung maraming mga magulang ang nagangarap na magkaroon
ng sana ng clone si Mrs. Quirit para lahat ng batang papasok sa unang baiting ay magkakaroon
ng kawili – wiling karanasan ng kanilang mga anak.

Siguro ikaw ngangarap ka ring maging Mrs. Quirit sa darating na araw. Kaya mo iyan!
Lamang, bukod sa likas mong hilig sa pagtuturo lagi mong isasaisip ang mga mahahalang bagay
upang mapagtagumpayan ng mga bata ang lahat ng kaalaman sa pagkatuto ng iyong inihanda .
nasa ibaba ang ilang kaisipang dapat mong balikbalikan lalo na’t mapapansin mong nananamlay
ang mga bata sa kanilang pag – aaral

[ 78 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

MOTIBASYON
Hindi mapasusubalian na ang motibasyon ay napakahalagang salik sa matagumpay na
pagkatuto. Sa isang klase na halos magkakapantay ang antas ng karunungan ng mga mag-aaral,
pakaasahan na may mas higit ang pagtatagumpay sa pag-aaral dahil mataas ang kanilang
motibasyon. Samantalang ang mga mag-aaral na mababa ang motibasyon o hindi seryoso sa pag-
aaral ay mapapansing makapasa ma’y pilit o di kaya’y pasang awa. May dalawang uri ng
motibasyon:

A. Panlabas na Motibasyon (Extrinsic Motivation) na bunga ng mga salik eksternal gaya


ng:

 pag kagusto na makahalubilo sa isang kultura ng mga tao na Filipino ang


sinasalita. Intergratibong motibasyon ang tawag dito;
 pag-asam na makatuntong sa isang kolehiyo o pamantasan o di kaya’y
pagkakaroon ng isang trabaho na maqtaas ang pasahod dahil sa alam na wika.
Motibasyong instrumental ang tawag sito at;
 pagkagusto na makatanggap ng mga papuri o pakilala mula sa kapwa mag-
aaral o mga guro

B. Motibasyong Intrinsik (Intrinsic Motivation) ito’y likas na kagustuhan sa pagkatubo ng


isang wika. Halimbawa, ang isang mag-aaral na galing sa isang pamilya na may
positibong saloobin sa wikang Filipino ay maaasahang magkaroon ng ibayong interes sa
Filipino at magkakaroon ng pagkagusto upang masterin ang wika.

Tanggapin natin na sa mga klaseng ating tinuturuan, mayroon mga mag-aaral na


mataas ang motibasyon sa pag-aaral at mayroon namang halos ay walang interes sa pag-
aaral. Ang totoo, mas madaling turuan ang klaseng mataas ang antas ng motibasyon sa

[ 79 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

pag-aaral. Kaya nga, ang klaseng mataas ang antas ng motibasyon sa pag –aaral. Sa
ganitong kalagayan, kailangan ang angkop na pagpukaw sa kawilihan ng mga mag-aaral,
paggamit at pagpili ng mga kagamitang panturo na kanilang layuning
magpagtagumpayan ang pag-aaral sa pamamagitan ng pagtatakda ng mga mapaghamon
subalit reyalistikong mga gawain upang mapagtagumpayan ang layunin.

Ang Mga Guro


Malaki ang pananagutan ng mga guro sa isang matagumpay na pagtuturo at pagkatuto ng
wika. Ang buong katauhan, saloobin, panlahat na kaalaman, at estilo sa pagtuturo ay maaring
maging sanhi ng pagkakaroon o pagkawala ng interes o kawilihan ng mga bata sa pag-aaral ng
wika.

Maraming tungkulin “papel” na ginagampanan ang guro sa loob ng klasrum. Ilan sa mga
ito ay ang mga sumusunod:

 pagbibigay impormasyon at paglalahad ng kaalaman;


 paglalaan ng patnubay at tulong sa mga mag-aaral upang pagsanayan ang
natamong kaalaman;
 pagbibigay ng angkop na pagganyak sa pamamagitan ng paglalaan ng iba’t iba at
nakawiwiling gawain na magbibigay ng pagkakataon upang magamit ang wikang
natutuhan;
 pagbubuo ng mga makabuluhang gawain at pagtitiyak na magagawa ng mga mag-
aaral ang gawain sa isang kaligiran na walang pangamba o pagkabahala;
 palaging may ginagawang pagtataya at ebalwasyon sa pagkatuto ng mga mag-
aaral sa wika.

Ang Mga Mag-aaral


Lalong magiging matagumpay ang isang guro sa kanyang pagtuturo kung may kabatiran
at nauunawaan niya ang mga katangian ng kanyang mag-aaral. Sa isang pag-aaral nina Rubin at
Thompson (1983), nagtala sila ng mga katangian ng isang magaling na estudyante ng wika. Ito;y
ang mga sumusunod:
[ 80 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

 Nagagawa niyang manghula hinggil sa kayarian ng wikang pinag-aaralan at


sinusubukan niya ang mga ito sa pamamagitan ng pangangalap at pag-iipon ng
mga impormasyon sa isang mabisang paraan. Gumagamit din siya ng mga hudyat
(cues) na ang maririnig makikita niya sa paligid. Idinagdag pa ni Rubin na ang
magagaling na manghula ay gumagamit ng kanilang “pandama” hinggil sa
balangkas na pambalarila, hudyat mula sa mga kalabisan sa isang mensahe.
Isinasaalang-alang din nila ang mga palatandaang di- berbal, ugnayan ng mga
salita, ilang kabatiran tungkol sa pamayanan, at ilang pagkakatulad sa kanilang
unang wika. Hindi sila nababahala sa mga maling hula at agad nila itong
iwinawasto mula sa susunod sa mga konteksto.
 Mataas ang kanyang motibasyon upang makipagtalastasan at humahanap ng mga
posibleng istratehiya para maparating sa iba ang kanyang naiisip at nadarama.
Isang istratehiya na ginagamit niya ay ang paggamit ng sirkumlokyusyon
(circumlocution), halimbawa, pagsabi na iyon bang ginagamit kapag umuulan
kung hindi niya alam ang salitang payong o kapote. Gumagamit din siya ng
sariling pagpapakahulugan ng isang teksto. Malimit din siyang gumagamit ng
mga ekspresyon ng mukha, at iba pa.
 Hindi rin niya pinipigilan ang kanyang sarili na makipagsapalaran sa paggamit ng
wika. Tinatanggap niya ang kanyang kalagayan bilang linguistic toddler at
tanggap niyang magmukhang hangal para lamang maunawaan siyang mabuti ng
kanyang kausap.
 Humahanap siya ng mga pagkakataon upang magamit ang wika at nagunguna
siya sa pagsisimula ng isang usapan sa kanyang guro at mga kaklase at palaging
sinasamanatala ang mga pagkakataong makapagsalita sa klase.

Mga Istilo Sa Pagkatuto


Ang mga istilo sa pagkatuto ay tumutukoy sa mga kaparaanan na mas higit na gusto ng
mga estudyante sa kanilang pag-aaral. Si Willing (1988 at binanggit kay Nunan, 1991) ay
nagsabi na ang isang guro na sensitibo at isinasaalang-alang ang mga gustong istilo sa pag-aaral
ng mga estudyante ay makatutulong sa pagkakaroon ng isang matagumpay at mabisang
pagkatuto. Sa isang pag-aaral ni Willing, nagawa niyang pagpangkat-pangkatin ang mga mag-

[ 81 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

aaral at inuri niya ito sa apat na kategorya. Nagtala rin siya ng mga pinapaborang istratehiya sa
bawat uri ng mag-aaral.

Tignan sa talahanayang inilahad sa ibaba:

Mga Uri ng Mag – aaral at mga Gustong Istratehiya sa Pag – aaral

Uri ng Mag - aaral Mga Istratehuya na kinagigiliwan


sa Pag - aaral
1. mga laro
Mag – aaral na 2. mga larawan
“Concrete” 3. VCR tapes
4. pair work
5. pagsasanay ng wika sa labas ng klase
1. pag –aaral ng balarila
2. pag – aaral ng maraming aklat sa wika
3. pagbabasa ng mga pahayagan
4. pag – aaral nang mag – isa
Mag – aaral na
5. pag – alam at pagsusuri ng mga
“Analitikal”
kamalian sa wika
6. pagtuklas ng mga solusyon sa mga
siuliraning inilahad ng guro

1. pagmamasid at pakikinig sa mga taal


na tagapagsalita ng wika
2. pakikipag – usap sa kaibigan na gamit
Mag – aaral na ang wikang pinag - aaralan
“Komunakitib”
3. panonood ng programa sa TV sa
wikang pinag - aaralan
4. pag – aarala ng mga bagong salita sa

[ 82 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

pamamgitan ng pakikinig ditto at


paggamit sa aktwal na aktwal na
pakikipag - usap
1. mas gusto na ang guro ang
magpaliwanag nang lahat tungkol sa
wika
Mag – aaral na 2. may sariling batayang aklat
“authority oriented”
3. isinusulat ang lahat ng impormasyon
sa notbuk
4. pinag – aaralan ang balarila
5. nagbabsa para matuto
6. natutuhan ang mga bagong salita kung
makikita ang mga ito.

Maaaring matagpuan sa isang klase na binubuo ng 40-60 mag-aaral ang apat na uring ito ng mga
mag – aaral ng wika. At dapat asahan na magkakaroon sa klase ng iba’t ibang pagkagusto hinggil
sa mabisang istratehiya sa pagkatuto. Sa ganitong kalagayan, kailangang maglaan ang guro ng
angkop na pakikibagay sa iba’t ibang istratehiya na tutugon sa pangangailangan ng bawat mag –
aaral.

MGA TEROYA AT PRAKTIKA NG MULTIPLE INTELLIGENCE


Bukod – tangi! Walang katulad! Walang kapareho! Walang kaparis! Ganito ang klase ng
mga mag – aaral sa loob ng isang klasrum. May taglay silang kani – kanilang set ng mga
katangian, kakayahan, at pangangailangan. At hindi dapat pagtakhan na may taglay rin silang
iba’t ibang istilo para sa kanilang pagkatuto. Ang ganitong teorya o pananaw ay lumaganap at
pinaligan sa larangan ng pagtuturo at pagkatuto noong dekada’ 80 dahil sa malaking ambag ng

[ 83 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

isinagawang pananaliksik ni Howrad Gardner, isang Harvard Psychologist. Ang pananaliksik at


pag –aaral na ito ni Gardner ay naging daan para mabuksan ang pinto sa pagkilala natin sa siyam
(9) na uri ng katalinuhan (intelligence): linggwistik, lohikal – matematika, biswal – spatial,
musical, bodily kinesthetic, interpersonal, intrapersonal, naturalist (makakalikasan), at
eksistensyal. Ipinahayag din ni Gardner na ang bawat isa sa atin ay nagtataglay ng siyam na uri
ng katalinuhan ngunit sa iba’t ibang sukat o kakayahan.

Mahalaga sa isang mabisang pagtuturo at pagkatuto ang pagtuklas at pag – unawa sa mga
katalinuhan o mga istilo sa pagkatuto ng mga mag – aaral. Paano mo makikilala at matutukoy
ang mga istilo na minamabuti sa pagkatuto ng bawat mag – aaral sa inyong klase. Katulad ng
inaasahan, habang isinasaalang – alang mo ang pagiging bukod – tangi ng bawat mag – aaral,
ang pagtatanong sa sarili gaya ng inilahad sa ibaba ay makatutulong sa iyo nang malaki.

Ang mga mag – aaral Kung gayon, Kaya subukin Maaaring


ba ay… maaring sa ang mga sumusunod na Maging
kalahatan siya ay… mga gawain… isang…
May kakayahang berbal Mag-aaral na Malikhaing pagsulat ng Orator,
sa paggamit ng salita? Linggwistik sanaysay; pagtatalo at Manunulat
Nag-iisip nang pasalita? talumpati; mga
Masigasig sa pakikinig? pagbabasa at
Mahilig sa pagbabasa at pagtatanghal na
pagsulat? dramatiko; pagkukwento;
malilinis na biro
paglalaro ng salita,
bugtungan
Konseptwal na nag- Mag-aaral na lohikal- Interpretasyon at Siyentipiko,
iisip? Nag-iisip at matematikal paggamit nga iba’t ibang Mathematician
nangangatwiran nang graphic organizer, tsart,
lohikal at pahalaw? grap, at time lines; mga
coded na mensahe; mga
pagsasanay sa pagbibigay
ng prediksyon; paggamit

[ 84 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

ng iba’t ibang modelo;


mga proyektong
pangkompyuter; mga
ekspremintong pang-
agham
Nag-iisip gamit ang Mag-aaral na Biswal - Pagguhit at pag pinta: Navigator,
mga imaheng biswal at spatial pagsulat ng komik istrip: Iskultor
larawan? Mahilig sa paggawa ng mapa at mga
pagguhit magdisenyo, flow chart: diorama,
magbuo, mag imbento, display, at mural; mga
mangarap ng gising collages: pagguhit / pag –
iisip ng mga laro; mga
gawain sa potograpiya
Madaling kakitaan ng Mag – aaral na Muskal Madulang pagtatanghal/ komposer,
likas na hilig sa musika, interpretasyon ng mga pianist
di – berbal na mga sayaw; pagtatanghal pang
tunog, at ritmo? May musika at komposisyon;
pakitang lugod sa pag – paglikha ng mga awiting
awit, pagtugtog, at psa rap, jingle,
musika melodi;pagtugtog ng mga
instrumentong
pangmusika

May kakayahang Mag –aaral na Bodily - Mga talumpating Atleta,


maiproseso o Kinesthetic eksperimental; Mamamayan
maipahayag ang malikhaing paggalaw/
anumang kaalaman sa pagkilos; pantomime;
pamamagitan ng kilos o impersonation; role –
galaw ng iba’t ibang playing
bahagi ng katawan?

[ 85 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

May katangi – tanging


fine – motor
coordination?
Nagagamit ang body
language sa
pakikipagtalastasan
Mabilis sa pag – unawa Mag – aaral na Talakayan; mga Politiko.
sa kilos ng ibang tao? interpersonal proyektong kooperatib at salesman
Mahusay sa pagbuo ng kolaboratib; gawaing
pagtitipon at magaling simulation;
sa sosyolisasyon? pakikipanayam; peer
Magaling sa coaching
pakikkipagtalastasan>
Mas masaya kung Mag – aaral na Journal, dayalog, journal, Pilosoper,
gumagawa nang mag – intrapersonal learning log; mga Religious
isa? May kamalayan sa obserbasyon; photo figure
kaganapan sa paligid? essay; mga kwentong
Hindi umaasa sa iba? autobiographyical; mga
May sariling kilos/ ulat na pananaliksik
palo?

May likas na hilig sa Mag – aaral na Lakbay – aral sa mga Biologist,


iba’t ibang bagay sa Naturalist halamanan, museo, zoo, gardener
kalikasan? May at iba pang katulad na
kakayahang matukoy at lugar; pagtatanim at
mapahalagahan ang pangangalaga ng mga
mga bagay sa kalikasn halaman

[ 86 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

ARALIN 7

Paghahanda ng Autentikong Asesment


(Authentic Assessment)

I. Introduksyon

Higit na magiging epektibo ang introduksyon sa Araling Panlipunan sa paggamit ng


pagtasang autentiko (authentic assessment). Sa paggamit ng pagtasang autentiko nagiging
makabuluhan ang marka/grado na ibibigay ng guro para sa bawat particular na gawain ng mga
mag-aaral. Sa Aralin 7 matutunan moa ng mga proseso ng ebalwasyon na makatutulong sa
partikular at kabuuang marka/grado na ibibigay sa mga mag-aaral.

II. Mga Layunin

Ang mga guro sa pagtalakay ng Aralin 7 ay:

1. natutukoy ang mga aralin tungkol sa pag-unawa ng kahulugan, katuturan, at


kahalagahan ng autentikong pagtasa (authentic assessment) para sa Araling Panlipunan;

2. nagagamit ang tatlong proseso ng ebalwasyon: diagnostic, formative at summative;

3. natutunan ang proseso sa paggamit ng balanseng pagtasa (assessment): tradisyunal,


portfolio at performance assessment;

4. natutuhan ang mga proseso sa pagtasa sa paggamit ng scoring rubrics.

Sa pagtatapos ng ating pag-aaral tungkol sa Araling Panlipunan bilang komponente ng


Makabayan, pag-aralan mo ngayon ang paghahanda ng autentikong assessment (authentic
assessment) para sa asignatura. Sige simulant mo nang basahin ang babasahin.

III. Babasahin Para sa Aralin 7

[ 87 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

BABASAHIN: Autentikong Asesment sa Makabayan

A. Pagtasa at Ebalwasyon (Assessment and Evaluation)

Nakaugnay ang pagtasa at ebalwasyon. Ang pagtasa (assessment) ay ang tuloy-tuloy na


proseso ng pangongolekta at pagsusuri (analysis) ng mga ebidensya ng mga gawain ng mga
mag-aaral. Ang ebalwasyon (evaluation) naman ay ang pagbibigay ng interpretasyon sa mga
ebidensya, paghsga, at paggawa ng desisyon batay sa mga nakolektang ebidensya. Kaya’t kung
magaling ang pagtasa, gagaling din ang ebalwasyon; kung di magaling ang pagtasa, hindi
makaaasa sa magaling na ebalwasyon. Dahil dito, ang kalidad ng pinal (final) na ebalwasyon ay
nakasalalay sa balidong pagtasa (valid assessment).

Ginagamit ng guro ang assessment sa mga gawain tulad ng pagpapangkat, pagbatid, sa


kagalingan o kahinaan, pagtayasa kurikulum, pagbibigay ng feedback at pagdetermina sa
ibibigay na marka.

*Ekserpto mula sa “How to Assess Authentic Learning” ni Kay Barks (1993), Sacramento:
Skylight Professional Development, p. 30-32

B. Mga Proseso ng Ebalwasyon

Sa kasalukuyan isinasagawa sa mga paaralan ang tatlong uri ng ebalwasyon: diagnostic,


formative at summative.

1. Diagnostic Evaluation. Ginagamit ito sa pagbubukas ng klase, panimula ng kurso o


semestre o sa pagbubukas ng yunit nap ag-aaralan para matasa (assess) ang kasanayan,
kakayahan, interes, lebel ng kaalaman o kahinaan ng mga mag-aaral. Ginagamit ang
resulta nito bilang basehang datos (baseline data) para malaman kung saan sisimulan
ang instruksyon. Nabibilang sa mga diagnostic test ang pretest, writing samples, skills,
tests, attitude surveys, at questionnaires.

[ 88 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

2. Formative Evaluation. Ito ay patuloy na pagtasa (assessment) sa loob ng isang taon.


Isinasagawa ito sa mga paaralan para malaman ang proseso ng mag-aaral sa kanilang
pagkatuto. Nagbibigay ito ng feed-back na nakatutulong sa pagkamit/pag-abot sa mga
pamantayan sa pagkatuto. Hangad nito na mapagaling ang instruksyon. Nagbibigay ito
ng impormasyon na magagamit sa pinal na ebalwasyon.

3. Summative Evaluation. Ibinibigay ito pagkatapos ng yunit, gawain, kurso, semester o


programa. Ginagamit ito sa pagpasa o pananatili ng grado ng mag-aaral; at pagsukat sa
programa ng paaralan. Ito ang huling paghusga (judgement) sa pagmamarka bunga ng
instruksyon.

C. Balanse na Pagtas (Balance Assessment)

Ang balance na pagtasa (assessment) ay naisasagawa sa pamamagitan ng iba-ibang


kagamitan (tools) sa pagsukat ng naisagawa at natutunan ng mga mag-aaral. Hindi sapat ang
isang kagamitan para masukat na epektibo ang bunga ng instruksyon. Dahil sito iminumungkahi
ang paggamit ng Standardized Tests at Teacher-Made-Tests para masukat ang kaalaman at
nilalaman (content); ang portfolio na susukat sa proseso at pag-unlad; at performance tasks
para masukat ang paglalapat ng aralin o aplikasyon sa isinasagawang gawain. Sa ganitong
paraan magkakaroon ng balnse sa pagtasa (balanced assessment).

Maikakategorya ang mga uri ng pagtasa o assessment sa tatlo: tradisyunal, portfolio at


performance tasks. Narito ang tsart na nagpapakita ng balanseng pagtaya.

Balanse na Pagtasa (Assessment)


 Kaalaman Pagtasa sa Silid Aralan
 Kurikulum  Pagsususlit
A. Tradisyunal  Kasanayan  Quizzes
 Takdang Aralin
 Standardized Tests
 Norm Reference
 Criterion Reference

[ 89 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

 Proseso  Pagsulong at Pag-


B. Portfolio  Produkto unlad
 Pagsulong  Repleksyon
 Goal Setting
 Pansariling
Ebalwasyon
 Pamantayan  Kolaborasyon
C. Performance Tasks  Produkto  Gawain (Tasks)
 Paglilipat  Criteria
(transfer)  Rubrics
Sinipi mula kina Fogarty at Stoehr, 1996 .

A. Traditional Assessment

Nabibilang sa tradisyunal na pagtasa ang mga pagsusulit na ginagawa ng guro. Tipikal na


halimbawa ang mga sumusunod:

 True or False

 Matching Type

 Multiple Choice Items

 Essay Items

Ang mga naturan ay isinusulat ng guro para sa asignatura ng kanyang itinuturo. Gumagamit
din sila ng nabibilang na standaradized tests.

B. Portfolio Assessment

Maraming depenisyon ang portfolio na nagbibigay-linaw sa gamit nito tulad ng mga


sumusunod:

[ 90 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

1. Ang portfolio ay koleksyon ng mga bagay na gawa ng mga mag-aaral sa isang partikular
na layunin. Maaaring ito’y para sa isa o marami pang sangay ng kaalaman.

2. Ang portfolio ay koleksyon ng mga gawain ng mag-aaralng ebidensya ng kanyang


pagsulong at pag-unlad sa loob ng itinakdang panahon.

Sa paggawa ng portfolio naipakikita ang kahalagahan ng isinasagawang gawaing


instruksyunal. Sa portfolio nalilinawan at nasusuri ang kagalingan o kahinaan ng gawain
ng indibidwal. Maisasama sa portfolio kapwa ang formative at summative evaluations.
Sa ganitong paraan naipakikita sa klase ang mga hakbang na isinagawa para maabot
(attain) ang pamatayan na itinakda ng guro. Alalahanin na may pakay (purpose) ang
paggawa ng portfolio para sa isang yunit ng instruksyon.

C. Performance Tasks

Nakatuon ang performance tasks hindi lamang sa mga gawain na ipinagagawa ng guro
sa mga mag-aaral. Kasama rin sa performance tasks ang mga kasanayan na madedebelop sa
mga aralinna pag-aaralan sa silid-aralan na may aplikayon sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Narito ang katangian ng performance tasks:

1. May pagpipilian ang mga mag-aaral sa mga gawain na ipagagawa sa kanya.

2. Nangangailangan ang gawain kapwa ng elaborasyon ng core ng kaalaman (content) at


ang paggamit ng mga tiyak na proseso.

3. Ang gawain ay nalalapat na scoring system.

4. Ang gawain ay nakadisenyo para sa mga manonood sa loob at labas ng paaralan.

5. Ang gawain ay sinusukat ayon sa pakay nito lamang.

Ang performance tasks ay maipapakita o maisasagawa sa iba-ibang paraan gaya ng mga


sumusunod:

[ 91 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

a. Paghahanap ng solusyon sa problema

Halimbawa: Pagbawas ng paggamit ng ipinagbabawal an gamot sa bansa.

b. Oral o kasanayang saykomotor na walang produkto.

Halimbawa: Pagbibigay ng panayam


Pagsasalita ng ibang wika
Pagsasaayos ng kasangkapan

c. Pagsulat o kasanayang saykomotor na produkto.


Halimbawa: Pagsulat ng editorial
Pagsulat ng ulat
Pagsulat ng kwento

Masasabi na ang susi sa tagumpay ng paggamit ng performance tasks ay ang pagtalakay


sa mga paksa na may aplikasyon sa tunay na buhay.

Nangungunang krayterya sa pagsukat ng performance tasks ay scorability, alalaong


baga’y, kung ang gawain ay makukuha ng tugon mula sa mga mag-aaral na magaling at tumpak
na masusukat. Ang krayteron (criterion) ay ang pamantayan na pagbabatayan sa paghusga o
pagdedesiyon. Karaniwan na ang guro ang nagbibihgay ng mga jrayterya na siyang magiging
basehan ng pagtasa (assessment) sa gawain. Ang krayterya sa paghusga sa mga sagot/gawain
ng mga mag-aaral ay ang mga salik na isinasa-alang-alang para madermina ang
katumpakan/kagalingan ng isinasagawang gawain ng mag-aaral. Karaniwan na ang mga
karayterya ay naisasagawa sa pamamagitan ng rubrics scoring guidelines at scoring dimensions.
Ang krayterya ay karaniwang ipinapaliwanag sa mga mag-aaral abgo sila magsimula ng gawain o
bago isumite ang kanilang proyekto. Gayundin ang pamantayn sa pagmamarka tulad ng
nagsasaad sa rubrics. Ang rubrics ay ang set ng patnubay para sa pagtukoy kung ano ang

[ 92 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

gawaing isinasagawa o kaya’y ang produkto na may iba-ibang kalidad. Ibabatay ito sa resulta ng
isinasaad na pamatayan sa pagsasagawa ng gawain at ipinapakita ito sa iskala na nagsasaad ng
lebel ng pagprogreso tungo sa inaadhikang resulta o bunga ng instruksyon. Narito ang mga
halimbawa ng pamantayan sa paghusga ng gawain.

SAMPLE CRITERIA FOR JUDGING PERFORMANCES


A. Speech D. Videotape
 organization  focus
 research  dialogue
 opening  content
 eye contact  activity
 gestures
B. Research Paper E. Portfolio
 outline  cover
 notecards  table of contents
 rough draft  evidence of understanding
 thesis statement  reflective comments
 bibliography  goal setting
 self evaluation
C. Problem Solving F. Journal Entry
 identify problem  use of examples
 brainstorms solutions  dialogue
 analyze solution  grammar
 evaluate effectiveness  sentence of structure
 figure of speech

Ekserpto mula sa How to Assess Learning by K. Barke (1993). Sacramento: Skylight


Professional Development.

[ 93 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

Simulan mo na ngayong pag-aralan ang mga scoring rubrics para sa performance based
tasks at portfolio.

D. Scoring Rubrics

Ang scoring rubrics ay gabay sa pagbibigay kahulugan sa bawat lebel ng gawain o


kasanayan na nakadetalye. Sa ganitong paraan ang guro/assessor ay nagagabayan sa pagtaya sa
produkto o gawain. Sa paggamit ng rubrics nagkakaroon ng pamantayan sa pagmamarka sa
mga sitwasyon o pangyayari.

Magaling ang aplikasyon ng rubrics sa pagmamarka ng essay, test, portfolio assessment


at performance-based assessment. Narito ang pamaraan ng scoring rubrics:

1. Ihanda ang deskripsyon ng gawain na nakatuon sa mahalagang aspeto ng gawain


(performance).
2. Ilapat ang tipo (type) ng marka sa pakay ng pagtasa (assessment) at nilalaman (content).
3. Sikaping ang deskripsyon ng krayterya (criteria) ay tuwirang mamamasdan (observable).
4. Sikaping maging maliwanag at tiyaking nasasaad ang mga katangian at pagpapahalaga
na naisasailalim sa pagtasa (assessment).
5. Sikaping mabawasan ang scoring error sa pamamagitan ng paghahanda ng scoring
rubrics na tiyak (specific) para sa bawat lebel ng gawain.
6. Sikaping maisagawa sa praktikal na pamaraan ng scoring system.

Nasa sumusunod na pahina ang mga halimbawa ng mga rubrics para sa performance-
based tasks at portfolio assessment.

SCORING RUBRIC PARA SA PERFORMANCE BASED TASKS

Gawain: Talakayan/Pagsagot sa Klase


A. Layunin : Makalahk sa talakayan sa klase sa pamamagitan ng pagsagot sa mga

[ 94 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

tanong tungkol sa paksang aralin.


B. Ebidensya : Paglahok/Pagsagot sa mga Tanong sa Klase/Talakayan

C. Puntos : 25

Karayterya Indikador Puntos Natamong


(Criteria) (Indicator) (Points) Puntos
Talakayan/ 1. Laging sumasagot; sinasagutan 21-25 ----
Pagsagot sa tanong ang mga tanong na
nangangailangan ng higher order
thinking skills.
2. Laging sumasagot; sinasagutan 17-20 ----

ang mga tanong sap ag-ala-ala ng


detalye.
13-16 ----
3. Hindi nagboboluntaryo sa
pagsagot bagamat tama naman
ang sagot kung tatanungin.
9-12 ----
4. Sumasagot paminsan-minsan;
hindi tama ang lahat ng sagot.
5-8 ----
5. Bihirang sumasagot; tinutulak sa
paglahok sa talakayan. 1-2 ----
6. Hindi sumasagot kung hindi
itutulak sa pagsagot;
tinutulungan sa pagsagot.

SCORING RUBRIC PARA SA PERFORMANCE BASED TASKS

Gawin: Pagsulat ng Report


A. Layunin : Makasusulat ng report para sa isang yunit ng instruksyon

[ 95 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

B. Ebidensya : Report Para sa Isang Yunit

C. Puntos : 100 puntos

Krayterya Mga Indikador Puntos


(Criteria) (Indicator)
Nilalaman  Ebidensya ng Katwiran Iskor x7= .
(Content)  Naisama ang mga pangunahing ideya (35)
 Nailagay ang akmang quotations
Organisayon  Malikhaing introduksyon Iskor x6= .
(Organization)  Malinaw ang pangunahing ideya (30)
 Angkop na mga sumusuportang ideya
 Epektibong transisyon
Gamit  Wastong gamit ng simuno at pandiwa Iskor x5= .
(Usage)  Wastong gamit ng mga pandiwa (25)
 Paggamit ng payak at kompleks na
pangungusap
Mekaniks  Wastong pagbabaybay Iskor x2= .
(Mechanics)  Wastong paggamit ng mga punctuation (10)
marks
 Watong paggamit ng capitalization
Iskala: 93-100= A
87-92= B Kabuuan =
78-86= C .

SCORING RUBRIC PARA SA PERFORMANCE BASED TASKS

Gawain: Paghahanda ng Gawaing Bahay


A. Layunin : Maipakikita ang pamaraan ng pagsusga sa mga gawaing bahay/proyekt
na ginagawa ng mag-aaral.
B. Ebidensya : Gawaing Bahay/Proyekto
[ 96 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

C. Puntos : 10 puntos

Krayterya Indikador Puntos Natamong Puntos


(Criteria) (Indicator)
Laging naghahanda ng gawaing bahay; 9-10 .
Gawaing- magaling ang paggawa ng produkto
Bahay Lagging gumagawa ng 7-8 .
(Homework) banghay-aralin/proyekto; hindi tama
ang lahat ng sagot; hindi magaling ang
proyekto
Paminsan-minsan gumagawa ng 5-6 .
gawaing-bahay; nagsumite ng proyekto
Bihirang gumawa ng 3-4 .
gawaing-bahay/proyekto
Hindi gumagawa ng gawaing bahay; 1-2 .
itinutulak para gumawa ng proyekto
Natamong Puntos = .

SCORING RUBRIC SA PERFORMANCE-BASED TASK

Gawain: Pag-uulat sa Klase

A. Layunin : Matatasa ang pag-uulat sa klase tungkol sa isang paksang-aralin.


B. Ebidensya : Pag-uulat Tungkol sa Napiling Paksa.
C. Puntos : 5 puntos

Puntos Mga Indicators (Indicators)


 Malinaw ang paliwanag sa paksa.
 Katamtaman ang lakas ng boses sa pagsasalita.
5  Madaling maunawaan ang ulat.
 Tumatanaw sa lahat ng mga mag-aaral.
 Magaling sa paggamit ng visual aid.
 Organisadong-organisado

[ 97 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

 Magaling na tumalakay sa paksa.


 Katamtaman ang bolyum sa pagsasalita.
4  Paminsan-minsan kung tumingin sa mga mag-aaral.
 Nakatutulong ang visual aid sa mga presentasyon.
 Magaling ang organisasyon.
 Magaling ang pagtalakay sa paksa.
 Eratik (erratic) ang bolyum ng pagsasalitaan.
3  Binabasa ang notes; eratic ang pagtingin sa iba.
 Hindi nakatutulong ang visual aid sa ulat.
 Napapalihis ang ulat sa paksa.
 nangangailangan ang ulat ng paliwanag.
 Di mahirap maunawaan ang ulat kung minsan.
2  Di gaanong tumitingin sa klase.
 Di magaling ang visual aids o kulay sa organisasyon.
 Kulang sa organisasyon.
 Hindi tinatalakay ng ulat ang paksa.
 Hindi marinig ang ulat.
1  Hindi tumitingin sa klase.
 Walang visual aids na ginamit.
 Walang organisasyon.
5=A 4=B 3=C 2=D 1 = Hindi pa

SORING RUBRIC PARA SA PORTFOLIO ASSESSMENT


A. Layunin : Makapaghanda ng portfolio tungkol sa isang tema ng aralin para sa
isang markahan.

B. Ebidensya/Produkto: Portfolio
C. Puntos : 50 Puntos

Direksyon: ang iyong portfolio ay magkakaroon ng 50 puntos kung aayon sa mga


sumusunod na alokasyon: Bilugan ang marka sa paghuhusga.
5 = Magaling na Magaling
4 = Magaling
3 = Magaling-galing
2 = Di Gaanong Magaling

[ 98 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

1 = Di Magaling
Krayterya Mga Indikator Katumbas na Puntos
(Criteria) (Indicators)
A. Organisasyon  Lohikal ang presentasyon. 1 2 3 4 5
(15 puntos)  Magkatugma ang apendiks ng mga 1 2 3 4 5
pangungusap sa introduksyon.
 Namamasdan ang pagkakaugnay. 1 2 3 4 5
Kabuuan
B. Nilalaman  Ipinamamalas ng mga halimbawa 1 2 3 4 5
(15 puntos) ang kabuuang kakayahan sa
komunikasyon.
 Epektibong sinusuportahan ng mga 1 2 3 4 5
halimbawa ang mga natukoy na
tiyak na kakayahan.
Kabuuan
C. Presentasyon  Mekanikal na wasto ang mga 1 2 3 4 5
(10 puntos) aytem.
 Propesyunal ang presentasyon. 1 2 3 4 5
Kabuuan
D. Kabuuang  Impact sa Ebalwaytor 1 1 2 3 4 5
Epekto  Impact sa Ebalwaytor 2 1 2 3 4 5
(10 puntos)
Natamong Kabuuang Puntos =

Gawain 1: Talakayan

DIREKSYON: Sagutin ang mga smumusunod na tanong sa talakayan.


1. Ano ang authentic assessment?
2. Ano-ano ang mga proseso na bumubuo sa authentic assessment? Ipaliwanag ang
bawat isa.
3. Mahalaga ba ang authentic assessment sa Araling Panlipunan?

Gawain 2: Praktikum

[ 99 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

DIREKSYON: Bumuo ng scoring rubric na magagamit sa pag-aaral ng:


Sibika at Kultura / Heograpiya, Kasaysayan at Sibika / Araling Panlipunan sa silid-aralan.
1. Para sa Performance Based Tasks.
2. Para sa Portfolio Assessment

Gawain 3: Paglalapat

DIREKSYON: Gamitin ang scoring rubric na nabuo sa pagtasa/assess ng gawain sa silid-


aralan.

SANGGUNIAN

Agno, Lydia N. (1996). Instructional Planning and Procedures in Social Studies, Quezon City:
UP Open University.
_________________. (1998). Edukasyong Araling Panlipunan:Praktikum sa Pagtuturo. Quezon
City: JMC Press, Inc.
_________________. (2002). Pagpaplano ng Instruksyon sa Araling Panlipunan. Quezon City:
JMC Press, Inc.
Agno, Lydia N. Et al. (2004). Pagtuturo ng Makabayan sa Pamamaraang Integratibo at
Interaktibo. Diliman: UP College of Education.
BArke, Kay. (1993). How to Assess Learning. Sacramento: Skylight Professional Development.
Burden, Paul R. (2000). Powerful Classroom Management Strategies. California:Cerwin Press,
Inc.
De Fince A. (1992). Portfolio Assessment Getting Started. New York: Professional Books
Scholastic.
Dynnesson, Thomas L. (1995). Designing Effective Instruction for Secondary Social Studies.
New York: Prentice-Hall, Inc.

[ 100 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

Ellis, Arthur K. (1990). Teaching and Learning Elementary School Social Studies. Allyn and
Bacon, Inc.
Fogarty, R. (1991). The Mindful School: How to Intergrate the Curriculum. Palatine, II:IRI /
Skylight.
Gardner, H. and Brix MAnsilla. (1994). Teaching for Understanding – Within and Across the
Discipline. Educational Leadership, SI (S).
Grnlund, Norman E. And Roberty L. Linn. (1990). Measurement and Evaluation in Teaching.
6th ed. New York: MacMillan Pub. Co. Inc.
Handbooks: 2002 DepEd Basic Education Curriculum:Patnubay sa Operasyonalisasyon ng
Makabayan sa Lebel na Elementarya at Sekundarya.
Hoodloos, Pat. (1998). History and English in the Primary School. Exploring the Links. US:
Routledge.
Jorilimek, Hohn (1993). Social Studies for the Elemntary Education. New York: Macmillan Pub.
Co.
Joyce, Bruce R. and M. Weil (1992). Models of Teaching. Needham Height. MA: Allyn and
Bacon.
Marterolla, Peter H. (1994). Social Studies for Elementary Social Children:Developing Young
Citizen. New York: Macmillan Pub. Co.
Maxin, George W. (1995). Social Studeis and the Elementary School Child. New Jersey: Printice
Hall, Inc.
McMillan, James H. (1997). Classroon Assessment Principles and Practices for Effective
Instruction. Boston: Allyn and Bacon.
Michaelis, John U. (1992). Social Studies for Children: A Guide to Basic Education. New
Jersey: Prentice-Hall, Inc.
Nazel, Nancy G. (1996). Learning Through Real-WorldProblems Solving. California: Cerwin
Press, Inc.
Parker, Walter C. and John Jasolimak (1997). Socia Studies in Elementary Education. New
Jersey: Prentice-Hall.

INDEX
A Agriculture and Fisheries, 6
ACES teaching approach, 52, 85 Analysis, 90

[ 101 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

Apektibo, 25 pamamahala, 3
Aplikasyon, 26 Brainstorming, 60
Aralin, 129 Bubble Tree, 68, 80
balangkas ng, 129, 158
saklaw ng, 36 C
Araling Panlipunan, 1, 5, 9, 157 Case study, 62, 63
mga kasanayan, 42 Class debate, 63
modelong banghay-aralin, 84, 107 Cluster map, 68, 69, 70
Artikulasyon, 28 Cognitive mapping, 52, 107
Arts, 1, 6 modelong, 107
Assessment, 187 Clooage, 173
portfolio, 189 Concept map, 68, 69
traditional, 189 Concept mapping, 53
Ang Ating Pambansang Watawat, 107 Constructivism, 13
Autentikong Asesment, 185, 186 Content Based Instruction
paghahanda ng, 185 (CBI), 14
sa makabayan, 186
Authentic assessment, 185 D
Dalawang Dikilng Simbolo ng Pilipina, 87
Data gathering skills, 42
B Data information vhart, 68, 78
Balangkas ng nilalaman, 35 Data retrieval Chart, 68, 79
pagsulat ng, 35 Decision-making skills, 43
Bansang Asyano, 5 Diorama, 173
Batayang aklat, 22 Discussion, 59
Batayag edukasyon, 2 roundtable, 59
sa Pilipinas, 2 panel, 59
legal na basehan sa, 2 Discussion grid, 68, 75

[ 102 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

Discussion web, 68, 74 Governance of Basic Education Act, 3


Graphic organizer, 66, 67
E kahalagahan ng, 68
Ebalwasyon, 186 paggamit ng mga, 67
mga proseso ng, 187 Group inversigation approach, 55, 127
Education Act of 1982, 4
Edukasyon, 178 H
batayang, 3 Health, 6
pamamahala sa, 3 Himno Nacional Filipina, 105
sa pagpapahalaga, 1, 5, 9, 178 Home Economic, 6
Edukasyong Pagpapahalaga, 157
Ekonimiks, 5 I
Entreprenuership, 6 Illustration, 173
Estratehiya, 49 Impormasyon, 111
modelong, 49 organisasyon ng, 166
Evaluation, 187 paglilikom, 111
diagnostic, 187 presentasyon ng, 166
formative, 187 Industrial Arts, 6
Summative, 187 Ingles, 1
Inquiry model, 53
F Instruksyon, 11
Factstorming web, 36, 68, 72 integradong, 11
Filipino, 1 interdisiplenaryong, 11
wikang, 1 mga hakbang sa pagpapalano ng,
20
Focusing inquiry, 15
pag-aarganisa ng nilalaman ng, 31
pagpaplano ng, 20
G
sa makabayan, 20
Generic competency model, 15
tematikong, 11
[ 103 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

Instruksyunal, 22 mga katangian ng, 41


mga layuning, 22 paggawa ng desisyon, 43
Instruksyunal teknik, 49 pagtuturo ng mga, 40, 41
para sa talakayan, 58 sa araling panlipunan, 42
Integratibong kurikulum, 11 sa pag-aaral, 44
Integrasyon, 12, 16 sa pagbasa, 45
at interaksyon, 9 sa pakikilahok, 44
mga lebel ng, 12 sa pangongolekta ng datos, 42
mga pamaraan (mode) ng, 14 sasyal, 44
sa pagtuturo ng makabayan, 9 Kasaysayan at Pamahalaan ng Pilipinas, 5
Integratibong pagtuturo, 10 Kasaysayan ng Daigdig, 5
Intellectual skills, 42 Katotohanan (facts), 32
Interaksyon, 17 Klaster ng mga konsepto, 34
Interaktibong pagkatuto, 17 Knowledge, structure of, 31
Interdisiplinaryo, 12 Kognitibo,25
Interpersonalskills, 43 Komprehensyon, 26
Introduksyon, 21, 31, 40, 49, 66, 84, 147, Konsepto (concepts), 33, 158
156, 185
abstrak, 33
Isyu, 110
mga klaster, 34
paglinaw sa, 110
Konstraktibismo, 13
K
teorya ng, 13
Kaalaman, 25, 32
Kultura, 5
mga substantibong, 32
local na, 5
Kaisipan, 37
Kurikulum, 10, 22
mga batayang, 37
integratibong, 10
Kakayahan, 3
K-W-L technique, 64
Kasanayan, 40, 41
L
intelektual, 42
Layunin, 21, 24, 31
interpersonal, 43
[ 104 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

pagsulat ng mga, 24 tematiko para sa, 157


Layuning apektibi, 27 Makabayan team, 149
Layuning behebyural, 23 pagbuo ng, 149
component, 24 Malayang kaisipan,168
Layuning instruksyunal, 21, 22 Manipulasyon, 28
pagsulat ng mga, 21 Mapa, 123
Layuning kognitibo, 25 Ng Kalayaan Islands Gtoup, 123
Layuning saykomotor, 28 Mga pulo ng Timog Dagat Tsina, 109
Literari, 3 Modelong banghay-aralin, 84
Sa araling panlipunan, 84
M Na ginagamit ng ACES teaching
approach, 85
Makabayan, 1, 2, 10, 16 , 31
Group investigation approach,
gabay sa pagtuturo ng, 4
127
instruksyunal sa, 20
Modelong cognitive mapping,
integrasyon sa pagtuturo ng, 147 107

interaktibo sa, 156 Modelong estratehiya sa pagtuturo, 49

mga hakbang, 20 Sa pagtuturo, 50

mga komponent ng, 5 Modelong yunit tematiko, 157

mga mungkahing tema sa Para sa makabayan I, 157


pagtuturo ng, 150
Moral discussion model, 55
mga prinsipyo, 4
Mosaic, 173
modelong yunit, 157
Multidisiplinaryo, 12
pagpaplano ng instruksyon sa, 20
Mural, 173
pagpaplano ng, 20
Music, 1, 6
pagtuturo ng, 1, 147
Musika, 5, 157, 174
pagtuturong tematiko, 156
pamamaraang integratibo at, 156
N
pundasyon sa pagtuturo ng, 148
Naturalisasyon, 29
sa mataas na paaralan, 5
[ 105 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

Nilalaman, 87, 109, 128, 158 Pagtalima, 27pagtasa, 186


Balangkas ng, 35 At ebalwasyon, 186
Pagsulat ng, 35 Balance na, 187
Numerasi, 3 Pagtaya, 27, 178
Pagtugon, 27
P Pagtuturo ng makabayan, 9
Paaralang sekundarya, 1 Integrasyon at interaksyon sa, 9
Pag-oorganisa, 27 Mga prinsipyo na gabay sa, 4
Pag-uulat, 112 Pagtuturo, 10
Sa katotohanan, 112 Estratehiya, 50
Pagbibigay ng katangian, 28 Integratibong, 10
Pagbuo, 26 Mga modelong, 50
Paggaya, 28 Ng makabayan, 147
Pagkakategorya, 162 Ng mga kasanayan, 40
Pagkatuto, 17 Pagtuturong tematiko, 156
Interaktibong, 17 Na ginagamitan ng pamaraang
integratibo at interaktibo, 156
Paglalahad, 159
Sa makabayan, 156
Paglalahat, mga, 34
Paksang-aralin, 22
Pagleleybel, 165
Paliwanag, 117
Paglilinaw, 117
Pamaraan, 88, 109, 159
Sa kaugnayan ng
Pandiwa, 21
katotohanan, 117
Panel discussion, 59
paglilista, 161
Pangungusap, 22
pagpapahalaga, 5, 27
Participation skills, 44
edukasyon sa, 5
Pasiyasat, 11
Pagsilang at Pag-unlad ng Nasyonalismong
Pagkatutong, 11
Pilipino, 158, 180
Performance tasks, 190
Pagsusuri, 26
Performances, 192
[ 106 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

Judging, 192 Instruksyunal teknik, 58


Sample criteria, 192 Teaching, 9
Physical education, 1, 6 Integrative, 9
And health, 1, 6 Technology and Livelihood education, 1, 6,
Pilipinas, 1 Tema, 35, 150
Dakilang simbolo, 87 Sa pagtuturo ng makabayan, 150
Presisyon, 28 Mungkahing, 150
Pundasyon ng Pagtuturo ng Makabayan, 148 Pagsilang at Pag-unlad ng
Nasyonalismong Pilipino, 158
Tematiko, pagtuturo, 156
R
Teorya ng konstraktibismo
Reading skills, 45
(constructivism), 13
Role playing, 61 Thematic teaching, 15

Roundtable discussion, 59 Thematic unit, 22


Timeline, 56, 81

S Timog Dagat Tsina, 124

Salita (words), 32 Mga pulo, 124

Saykomotor, 25 Transdisiplinaryo, 12

Scoring rubrics, 193 Tree diagram, 68, 76

Semantic web, 68, 73 Tri-question approach, 51


Sining, 5, 158, 173
Social analysis model, 52 V-W

Social skills, 44 Values clarification model, 56

Sociodrama, 62 Values education, 5

Study skills, 44 Valuing model, 54


Venn diagram, 68, 77

T Webbing, 36

Talakayan, 58 Wheel map, 68, 71


Wikang Filipino, 1

[ 107 ]
Pagtuturo at Pagkatuto

[ 108 ]

You might also like