You are on page 1of 5

SCHOOL DAO-AN ELEMENTARY Grade Level 5

GRADE 1 to 12 SCHOOL
DAILY LESSON TEACHER CHARITY L. ALANGCAS Quarter CO 3
PLAN SUBJECT FILIPINO
Teaching
Dates/Time:

I.LAYUNIN
(OBJECTIVE)
A.PAMANTAYANG Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan.
PANGNILALAMAN
(CONTENT STANDARDS)
B.PAMANTAYAN SA PAGGANAP Nakagagawa ng grap o tsart tungkol sa binasa, nakapagsagawa ng isang debate tungkol sa
(PERFORMANCE STANDARDS) isang isyu o binasang paksa.
C.MGA KASANAYAN SA K- 1. Natutukoy ang sanhi at bunga ng mga pangyayari.
PAGKATUTO S- 2.Nakagagawa ng dayagrama ng ugnayang sanhi at bunga mula sa tekstong
(LEARNING COMPETENCIES) napakinggan F5PN-IVa-d-22
(Isulat ang code ng bawat A-3.Napapahalagahan ang mga tekstong pampanitikan sa pamamagitan ng aktibong
kasanayan) pakikilahok sa usapan at gawaing pangkatan.
Halagahan /Values : Pagkakaisa ng Pamilya, Pagtutulungan at Kalinisan (EsP)
Pagsasanib/ Integration:Protect and Conserve estuaries and intertidal zones –
S5LT-Ii-j-10 (Science 5)
Pagsusulat ng Bilang (Math)
Pagsisipilyo ng ngipin pagkatapos kumain.(Health),

II. NILALAMAN Paggawa ng Dayagrama ng Ugnayang Sanhi at Bunga


(CONTENT)
III. KAGAMITANG PANTURO
(LEARNING RESOURCES)
A. SANGGUNIAN
(References)
1. Gabay ng Guro Manwal ng Guro (TG) pahina 66

2.Curriculum Guide Curriculum Guide in Filipino 5 pahina 93, 100


3. Kagamitang Pangmag-aaral Kagamitang-Mag-aaral pahina 7
4.Teksbok/ textbook Alab Filipino pahina 75

B. IBA PANG KAGAMITANG Tsart, Organizer, Powerpoint presentation


PANTURO
C. Istratihiya: Listening Skill, Differentiated Instruction, Positive Interdependence, group work,
group reporting, Computer Aided Materials (CAI)
IV.PAMAMARAAN:
A. BALIK-ARAL SA 1. Pagbibigay ng Pamantayan sa pagtatalakay at saka mga health protocol
NAKARAANG ARALIN AT/O 2.Balik-aral: Pag-ugnayin ang mga larawan
PAGSISIMULA NG BAGONG
ARALIN.
(Reviewing previous lesson/ or
presenting the new lesson)
ELICIT

B. PAGHAHABI NG Ano ang napansin mo sa mga larawan?(Ang napansin ko po sa mga larawan ay may isang
LAYUNIN NG ARALIN. batang babae na nakapayong at nakasuot ng tsaketa, mayrong batang lalaking umiiyak,
(Establishing a purpose for the may mga kendi at saka may ulap na dumidilim.
lesson) ●Bakit kaya umiiyak ang bata?Umiiyak ang bata dahil masakit ang kanyang ngipin.
●Bakit masakit ang kanyang ngipin?(Masakit ang kanyang ngipin dahil palagi siyang
kumain ng mga kendi.
● Ano ang dapat gawin ng bata upang hindi na sumakit ang ngipin? Pag hindi maiwasan
ang pagkain ng kendi ano ang gagawin ninyo sa iyong ngipin pagkatapos kumain?
Magsisipilyo ng ngipin pagkatapos kumain.

●Bakit ganito ang kasuotan ng batang babae? Kasi giniginaw siya at saka malapit ng
uulan.

Sa araling ito inaasahan ko kayo na gagawin ang mga sumusunod na mga layunin:
1. Natutukoy ang sanhi at bunga ng mga pangyayari
2.Nakagagawa ng dayagrama ng ugnayang sanhi at bunga mula sa tekstong
napakinggan
3.Napapahalagahan ang mga tekstong pampanitikan sa pamamagitan ng
aktibong pakikilahok sa usapan at gawaing pangkatan

C. PAG-UUGNAY NG MGA Tatalakayin natin ang bagong leksiyon tungkol sa”Pagtutukoy o Pagsasabi ng Sanhi at
HALIMBAWA SA BAGONG Bunga ng mga Pangyayari”
ARALIN. Suriin nang maigi ang pangungusap na ito saka tukuyin o sabihin alin ang Sanhi at
(Presenting Bunga. Kahunan ang Sanhi at bilugan naman ang Bunga. Bago ninyo gawin ito
examples/instances of
the new lesson)
alamin muna natin ang kahulugan ng Sanhi at Bunga.
(ENGAGE) Ang Sanhi -ay nagsasabi ng dahilan ng pangyayari at sumasagot sa tanong na
bakit.
Ang Bunga ay epekto na dulot ng pangyayari

Masakit ang kanyang ngipin dahil palagI siyang kumakain ng mga kendi.
Bunga Sanhi

Paano natin ito gagawan ng dayagrama? Ganito ang paggawa nito.

Sanhi Bunga

D. PAGTATALAKAY NG Pagpapakita ng larawan ng pamilya.


BAGONG Ano ang masasabi ninyo sa larawang ito ?Sa palagay ninyo ba ay nagmamahalan at may
KONSEPTO AT pagkakaisa ang pamilyang ito?. Sa umagang ito may babasahin akong kuwento o
PAGLALAHAD NG BAGONG teksto.Ang gagawin lamang ninyo ay makikinig nang Mabuti.
KASANAYAN #1
(Discussing new concept and Bago ko babasahin ang kuwento o teksto mayrong mga pagganyak na mga tanong
practicing new skills #1) (Motive Questions)na sasagutin ninyo pagkatapos ninyong marinig ang teksto.
1.Ano ang pamagat ng kuwentong inyong narinig?
2. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
3.Ilan ang mga anak ng mag-asawang Luis at Aling Perla?
4. Ano ang suliranin ng mag-asawa?
5.Paano nagkasundo ang magkakapatid?
6.Ano ang mensahe ng kwento/Ano ang aral na natutunan ninyo sa Kwento?
7.Dapat bang magkaisa ang magkakapatid? Bakit?

Ang Walis Tingting


Ang mag-asawang Luis at Perla ay may apat na anak na lalaki. Malimit na
magkagalit ang magkakapatid. Bihirang lumipasang araw na di sila nag-aaway o
nagtatalo. Ang ugaling ito’y labis na ikinalulungkot ni Mang Luis. Isang araw, muli na
namang nagtalo ang apat na anak. Marahil ay inabot na nagyamot ang kanilang ama
kaya kinuha ang walis na tingting upang ihambalos sa mga nagkakagalit. Nakita siya ng
kanyang asawa at tinanong kung aanhin ang walis. Sinabi ni Mang Luis na siya ay
nagsasawa na sa ugali ng mga anak at papaluin na niya ang mga ito. Pinigilan siya ni
Aling Perla at sinabi na hindi na bagay na paluin ang kanilang anak sapagkat malalaki na
ang mga ito. Kinuha ni Aling Perla ang walis sa asawa at tinawag niya ang apat na
anak.Tinanong niya kung ano ang pinagkakagalitan ng magkakapatid.
Ang magkakapatid ay sumagot at sinisisi ang bawat isa kung bakit sila ay nag-aaway.
Napailing si Aling Perla at napaupo sa bangko. Inabot niya ang walis sa apat na anak at
sinabi na baliin ito upang mabatid niya kung sino ang pinakamalakas. Nagkatinginan
ang magkakapatid at sinubukang baliin ang bawat isa ang walis na tingting ngunit sila’y
nabigo. Kinuha muli ni Aling Perla ang walis sa mga anak. Inalis ang buklod nito at
muling ibinigay sa mga anak upang baliin. Mabilis na nabali ang mga walis tingting.
Sinabi ni Aling Perla sa mga anak na ang magkakapatid ay katulad ng walis tingting na
kung may buklod ay mahirap baliin ngunit kapag nag-iisa’y pagkakarupok. Dagdag pa
niya na kung laging nagkakaisan ay hindi sila magugupok ng kaaway subalit kung laging
nagkakagalit, nagtatalo at pangkat-pangkat ay madaling masusupil ng kanilang kaaway
at madaling mabibigo. Ang lakas ay nasa pagkakaisa ang huling sabi ng ina.

Tumagos sa puso ng mga magkakapatid ang winika ni Aling Perla. Simula


noon, kahit sila’y anak pawis ay hindi na sila nagkakagalit.
E. PAGTATALAKAY NG 1.Ano ang pamagat ng kuwentong binasa ng isa sa mga kamag-aral ninyo?
BAGONG KONSEPTO AT ( Ang pamagat ng kuwento ay Walis Tingting)
PAGALALAHAD NG 2.Sino sino ang mga tauhan ng kuwento?(Ang mga tauhan ng kuwento ay sina
BAGONG KASANAYAN #2
(Discussing new concept and Mang Luis, Aling Perla at ang apat na mga anak na lalaki.
practicing new skills #2) 3.Ilan ang mga anak ng mag-asawa? Sila ay may apat(4) na mga anak at lahat ay
(EXPLORE) mga lalaki.
(EXPLAIN) 4.Sino ang makapunta sa pisara isulat ang numero o bilang apat?
5.Ano ang suliranin ng mag-asawang Luis at Aling Perla? (Ang suliranin ng mag-
asawa ay ang palaging pag-aaway ng mga anak)
6.Paano nagkasundo ang mga magkakapatid.(Nagkasundo ang mga magkakapatid
dahil sa pangangaral o pagpapayo ng ina.
7.Ano ang aral na natutunan natin?
Ang aral na natutunan namin mag-anak na nagkakaisa at nagtutulungan ay
katulad ng walis tinting nagkakabuklod . Kaya ang makakapatid ay katulad din ng
walis tingting na kung may buklod ay mahirap baliin ngunit kapag nag-iisa’y
pagkakarupok. Kung laging nagkakaisa ay hindi magugupok ng kaaway subalit
kung laging nagkakagalit, nagtatalo at pangkat-pangkat ay madaling masusupil ng
kanilang kaaway at madaling mabibigo.

8.Dapat bang magkaisa ang magkakapatid? Bakit? Opo, dahil ang lakas ay nasa
pagkakaisa.

Basahin at tukuyin ang sanhi at bunga sa mga sumusunod na pangyayari:.


1.Kinuha ni Mang Luis ang walis tingting at balak hambalusin ang magkakapatid
dahil nagsasawa na sa ugali ng mga anak na palaging nag-aaway
2.Pinapayuhan nang maigi ni Aling Perla ang mga anak at winika pa niya na ang
lakas ay nasa pagkakaisa at ito’y tumagos sa puso ng magkakapatid at hindi na sila
nagkakagalit.

F. PAGLINANG SA
KABIHASAAN (Tungo sa
formative assessment)
Developing mastery (Leads
to formative assessment)
(EXPLORE)

Tingnan ang larawan ng ilog pasig, ano ang masasabi nyo sa larawan?
Gumawa kayo ng katanungan tungkol sa larawan.

Pagbabasa o Pakikinig sa teksto

Noon malinis, mabango at malinaw na tubig kaya marami ang namamasyal at naliligo sa
Ilog- Pasig kaya nasira ang kagandahan ng makasaysayang ilog, pinabayaan ito ng mga
tao. Marami ang nagtatapon ng basura sa ilog kaya sa kaunting pag-ulan ay umaapaw ito.
Namatay ang mga isda dahil sa marumi na ang tubig sa ilog. Nangangamba ang mga tao
na tuluyan nang masira ang Ilog Pasig, kaya kailangan kumilos sila bago mahuli ang lahat.
Ano-ano ang dahilan ng pagkasira ng Ilog Pasig?
Ano-ano ang mga epekto ng pagkasira ng Ilog Pasig ?

Integrasyon:
Bilang kabataan, paano ka makakatulong upang muling maibalik ito sa dati?
Paano mo mapoprotektahan ang mga lawa o ilog sa iyong lugar? **, ***
Ano ang gagawin mong paraan para mapanatiling malinis ang tabing ilog
dagat?

Itala ang iyong kasagutan sa tamang hanay.

Paglalahad ng Rubrics

G. PAGLALAPAT NG Pangkat Pagkatumpak/ Pagtutulungan/ Kalinisan Kabuuan


ARALIN SA PANG-ARAW- Correctness Cooperation Cleanliness Total
ARAW NA BUHAY 5 5 5 15
(Finding practical/application Pangkat 1
of concepts and skills in daily Pangkat 2
living) Pangkat 3
Pangkatang Gawain:
Pangkat I..Gumawa ng Venn Dayagrama sa Paggamit ng Dinamita sa pangingisda

Pangkat II. Isulat at tukuyin ang bunga nang hindi pagdidilig ng mga tanim
Itala ang iyong kasagutan sa tamang hanay.

Sanhi/dahilan Bunga/epekto

Pangkat III Salungguhitan ang bunga at bilugan ang sanhi.


1.Napkaganda ang hardin ni lola sapagkat araw-araw nitong inaalagaan.

PAGLALAHAT NG ARALIN 1.Kailan ninyo masasabi na ito ay sanhi ng pangyayari? (Kung ito ay nagsasabi ng dahilan
(Making generalizations ng pangyayari at sumasagot sa tanong na bakit.)
and abstractions about the 2.Kailan ninyo masasabi na ito ay bunga ng pangyayari? (Kung ito ay epekto na dulot ng
lesson) pangyayari.)
(ELABORATE) 3.Ano ang kahalagahan ng pagkakaisa ng mag-anak? (Nasa pagkakaisa ang lakas at tibay
ng pamilya o mag-anak.
4.Paano mo mapoprotektahan ang ilog ? (Iwasan ang pagtapon ng basura.)
H. PAGTATAYA NG ARALIN Panuto:Tukuyin ang sanhi at bunga pagkatapos pag-ugnayin o itambal ang Hanay A sa
(Evaluating Learning) Hanay B.Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
(EVALUATION)
Hanay A HANAY B
___1.Dumudumi ang ilog . a.maykaya ang magulang.
___2.Malinis ang kapaligiran . b.basurang itinapon
___3.Maraming halaman sa bakuran. c.mahusay magpasunod ang mgamagulang
___4.Nasusunod ang layaw . d.maibigin sa kalinisan ang mgamamamayan.
___5.Magagalang ang mga anak. e.masipag magtanim ang mga tao.

I. KARAGDAGANG GAWAIN A.Panuto: Tukuyin o sabihin ang sanhi at bunga ng pangyayari sa bawat bilang. Kahunan
PARA SA TAKDANG ang sanhi at bilugan naman ang bunga nito
ARALIN AT REMEDIATION.
(Additional activities for 1.Masipag magtanim ang mga bata kaya maraming halaman sa bakuran.
application or remediation) 2.Malinis ang kapaligiran dahil maibigin sa kalinisan ang mga mamamayan.
(EXTEND)
B.Panuto:Gumawa ng dayagrama upang pagtambalin ang mga sumusunod na
sanhi at bunga
1. Paggamit ng dinamita a. Pag-init ng paligid
2. Panghuhuli ng hayop b. Pagdumi ng ilog
3. pagpuputol ng punongkahoy c.Pagkamatay ng mga isda
4. Pagsunog ng kabundukan d.Pagdami ng tao
5. Pagtatapon ng basura sa mga ilog e. Pag-abuso sa mga hayop
V. MGA TALA (REMARKS)
VI. PAGNINILAY A.Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
(REFLECTION) B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin
D.Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation
E.Alin sa mga istratehiyang pagtuturo nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?

Prepared by:

CHARITY L. ALANGCAS
Master Teacher 2

Checked and Observed by:

JUVY L. BAANG
School Head

You might also like