You are on page 1of 11

FILIPINO

Learning Area
Learning Delivery Modality Modular Distance Modality(Learning-
School Led Modality)Grade Level SIX
LESSON Teacher Learning Area FILIPINO
EXEMPLAR Teaching Date Quarter FOURTH/M12
Teaching Time No. of Days 1 DAY

I. LAYUNIN Pagkatapos ng aralin ang mga bata ay inaasahang;

A.nakapapahayag ng sariling opinyon o reaksiyon sa isang


napakinggang balita, isyu o usapan: at
B. nakasasagot sa mga tanong sa mga pagsasanay sa kaganapan ng
pag-aaral sa aralin.
A. Pamantayang Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag
Pangnilalaman ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin

B. Pamantayan sa Nakapagsasagawa ng radio broadcast/teleradyo, sabayang bigkas,


Pagganap reader’s theatre o dula-dulaan

C. Naipapahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang


Pinakamahalagang napakinggang balita isyu o usapan
Kasanayan sa
Pagkatuto F6PS-IVc-1
(MELC)
(Kung
mayroon, isulat
ang
pinakamahalag
ang kasanayan
sa pagkatuto o
MELC)
D. Pagpapaganang
Kasanayan
(Kung mayroon,
isulat ang
pagpapaganang
kasanayan.)
II. NILALAMAN Pagpapahayag ng Sariling Opinyon o Reaksiyon sa Isang
Napakinggang Balita, Isyu o Usapan
III. KAGAMITAN Modyul
PANTURO
A. Mga Sanggunian
a.Mga Pahina sa
Gabay ng Guro
MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES(MELC)
MATRIX
Page 168
b.Mga Pahina sa
Kagamitang
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa
Teksbuk
d. Karagdagang
Kagamitan
mula sa Portal https://lrmds.deped.gov.ph/
ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga
Kagamitang
Panturo para sa
mga Gawain sa Learner’s Packet
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN

A. Introduction PAUNANG PAGSUBOK


(Panimula)
Tingnang mabuti ang mga larawan.

Ano ang nakikita mo sa mga larawan?


Ano ang ugnayan ng pamahalaang local sa mga paaralan na kanyang
nasasakupan?
Bilang mag- aaral ano ano ang mga bagay na natatanggap mo mula sa
pamahalaan?
Ano ang pinakabagong proyekto ng pamahalaang local ng Pasig para
sa katulad mong mag-aaral sa panahon ito ng pandemic?
Maganda ba ito sa paningin mo?
BALIK-ARAL
Naalala mo pa ba ang aralin natin kahapon?
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng salita sa Hanay A at isulat
ang titik sa patlang bago ang numero.
a.Larawang grap (Pictograph) d. Bilog na Grap (Pie Graph)
b. Linyang grap (Line Graph) e. Mapa
c. Bar Grap (Bar Graph)
____1. Larawan ang ginagamit upang kumatawan sa mga datos, impormasyon o
produkto.
-------2. Ito ay naglalarawan ng lokasyon, hugis at distansya. Ang mapa ay
nagtuturo sa mga palatandaan ng lokasyon ng isang lugar. Ito ay nakatutulong sa
pagbibigay direksyon.
_____3 Nagpapakita ng paghahambing ng mga datos gamit ang bar sa halip na
tuldok at linya upang tukuyin ang kantidad. Parisukat ang anyo ng grap, maaring
patayo o pahiga ang mga datos na sinisimbolo ng bar
_____4. Itoý sumusukat at naghahambing ng mga datos o impormasyon sa
pamamagitan ng paghahati-hati nito.
_____5.Binubuo ng linyang perpendicular. Ito ay ginagamit sa pagsukat ng
pagbabago o pag-unlad. Ang patayo at ibabang linya ay may kaukulang
pagtutumbas.
LLP9O

ARALIN

Mahilig ka bang makinig ng balita? Anong napapanahong balita ang


naririnig mo? Meron akong isang balita, pakinggan mong mabuti.
Pasig , Naglaan ng 1.2 bilyon para sa gadyet ng mga bata
(ELSIE D. ARCEGA)
Naglaan ng 1.2 bilyong badyet ang pamahalaang Lungsod ng Pasig
para sa tablets at laptops ng mga mag-aaral sa elementarya,
sekondarya, senior high school at mga guro sa mga pampubliko
nitong mga paaralan. Ito ang ipinahayag ng pamahalaang local ng
Pasig sa isang panayam noong Huwebes.
Ayon pa sa kanila , ito’y ginawa upang maipagpatuloy ng 138, 000
pampublikong mga mag-aaral kung saan ang ilan sa mga ito ay mula
sa mahihirap na pamilya.
Lahat ng mag-aaral sa pampubliko ay bibigyan ng tig-iisang tablet o
laptop upang sila ay makasunod sa New Normal Scheme ng
edukasyon at hindi sila mahuli sa kanilang pag-aaral.
Sinisikap din nila na makakalap pa ng 30 milyon para naman sa mga
mag-aaral sa kolehiyo ng Pamantasan ng Lungsod ng Pasig .
Maliban dito, maglalagay din sila ng mga hotspots, sa mga lugar na
walang internet access upang makapagdownload ng mga modules ang
mga bata at ang bawat paaralan naman ay kakabitan ng mas malakas
at mabilis na wifi.
Talakayin natin ang balita
1. Tungkol saan ang balita?
2. Maganda ba ang hangarin ng pamahalaang Pasig?
3. Sa iyong palagay, ano ang dapat gawin ng isang batang katulad mo
sa ganitong pagsisikap ng pamahalaan?
4. Ano ang mararamdaman mo bilang isang batang Pasigueño?
Suriin
Ano ang opinyon mo o reaksyon ukol sa balita?
Lubos ang pagsuporta ng pamahalang Lungsod ng Pasig sa
edukasyon.
Ano ang opinyon?
Ang opinyon ay isang pananaw ng isang tao o pangkat na maaaring
totoo pero pwedeng pasubalian ng iba.
Ano ang reaksyon?
Ito ay ang damdaming nagpapakita ng pagsang-ayon, pagsalungat,
pagkatuwa, pagkalungkot o pagkadismaya matapos makita ang isang
isyu o balit
Ano-ano ang mga tamang paraan ng pagpapahayag ng sariling
reaksyon o opinyon?
Sabihin natin ng mahusay at magalang ang ating opinion o reaksyon
sa isang isyu o balita. Huwag itong gawing personal.

B. Development
(Pagpapaunlad)

MGA PAGSASANAY

PAGSASANAY 1
Panuto: Sagutin mo ang mga sumusunod. Piliin ang opinyon o
reaksyon mo sa maririnig balita o isyu.
1. Kuya Kim Atienza: Mga kapamilya may tatlong Low Pressure Area
pong binabantayan ang PAGASA na maaaring maging bagyo at
pumasok sa ating bansa.

A.Natutuwa sapagkat maaaring magkaroon na naman ng sunod-


sunod na suspensyon ng klase.
B.Natutuwa sapagkat tataas ang tubig sa mga dam at dadami ang
suplay ng tubig sa Metro Manila.
C.Nag-aalala sapagkat marami na namang mamamayan ang
maaaring maapektuhan.
D.Magpapasarap na lang sa bahay dahil walang pasok.
2. Biglang nawala ang baong pera ng iyong kaklase kasama rin dito
ang kanyang pamasahe.

A. Naiinis ako dahil pabaya siya sa kanyang gamit.


B. Nalulungkot ako dahil magugutom siya at baka makapaglakad pa
sa kanyang pag-uwi.
C.Magsasawalang kibo kasi hindi naman ako apektado.
D. Nalulungkot ako dahil may kaklase pala akong nakikialam ng
gamit ng iba.
3. Anunsyo: Ipatutupad na simula bukas ang paghuli sa mga
kabataang pagala-gala mula ikasampu ng gabi hanggang ikaapat ng
umaga.

A.Nag-aalala dahil baka isa ako sa mahuli at madala sa barangay


hall.
B.Nakahinga ako nang maluwag dahil mababawasan ang mga
kabataang mapapahamak.
C.Naiinis dahil mababawasan ang oras na pwede akong mamalagi
sa lansangan
D.Mas mabuti yun para marami di makauwi sa bahay nila.
4. Mas maraming oras na ang ginugugol ng mga kabataan sa paglalaro
ng gadget kesa sa paglalaro sa labas ng bahay ng mga larong
nakakapagpalakas ng katawan.

A.Nag-aalala sapagkat bukod sa maaari silang magkasakit ay


nawawalan in sila ng pagkakataong magkaroon ng maraming
kaibigan.
B.Nag-aalala sapagkat lalaki ang gastos ng pamilya sa pagbili ng mga
gadgets.
C.Nag-aalala sapagkat wala silang matututunan.
D.Di ko na papansinin kasi may mga mgulang naman sila sa bahay.
5. Papunta na sa ibang bansa ang iyong ama upang doon
makapagtrabaho sapagkat wala siyang maayos na hanapbuhay dito sa
bansa.

A.Nalulungkot dahil magkakalayo na kami at matagal pa bago kami


magkita.
B. Masaya dahil malaya ko nang magagawa lahat ng aking gusto.
C. Masaya dahil mas marami na siyang perang maibibigay sa amin,
D. Titigil na ako sa pag-aaral dahil may pera naman na siya para sa
amin.
PAGSASANAY 2
Panuto: Pakinggang mabuti ang mga sumusunod na usapan, isyu
o balita at piliin ang angkop na opinyon o reaksyon dito.
1. Pinayagan na muling magbukas ang mga dine-in restaurant sa
bansa
A. Kailangan nilang sundin ang mga patakaran ng gobyerno.
B. Hayaan nila ang mga tao na kumain hangga’t gusto nila.
C. Maglagay ng maraming pagkaing pagpipilian upang madaming
kostumer ang kumain doon.
D. Hayaan magdagsaan ang mga tao doon.
2. Kaso ng rape sa bansa walong tao naitala araw- araw sa kabila ng
community quarantine .
A. Marami pa ding ang masasamang loob sa bansa.
B. Kailangan maging alerto ang mga tao sa kanilang bahay upang
maiwasan ang ganitong kso,
C. Marahil karamihan sa mga ito ay nangyayari sa bahay kung saan
pwedeng ang magulang, kapatid o kamag-anak ang may gawa.
D. Hahayaan ko na lang sila magpasya ukol dito.
3. Manila Electric Cooperatives ( MERALCO) dinagsa ng mga
mamamayan dahil sa
paglobo sa kanilang sa buwanang konsumo mula ng maglockdown .
A. Marahil tinantya lang muna ng MERALCO ang buwanang reading
sa mga kuntador.

B. Marahil ginawa ito upang may maipambayad ang MERALCO sa


buwis.
C. Upang makabawi sila sa mga bayarin sa gobyerno ditto nila
kukunin.
D. Siguro sa susunod na buwan ay magiging malaki lalo ang bayarin
dahil lockdown pa rin.
4. Ayon sa mga ilang haka –haka ang pagsuob daw ng mainit na tubig
na may asin
ay nakakagamot at nakamamatay ng virus sa katawan ng isang
pasyenteng may
covid.
A. Baka lalong lumala ang sakit nila dahil sa pagsuob.
B. Sundin ito kasi napatunayan na ng matatanda.
C. Wala namang masama kung subukan ito siguraduhin lamang tama
ang
pagkakasunod sa gagawin.
D. Ipagpatuloy ang gawaing ito dahil sinabi ng matatanda
5. Panay ang pulong ng mga opisyales ng inyong pamayanan ukol sa
COVID. Ano
ang masasabi mo ditto?
A. Puro papogi lang sila wala naman nagagawa.
B. Suportahan koi to dahil maganda naman ang programa nila.
C. Isuplong ko sa pamahalaang local dahil mali ito.
D. Tatawag ako ng pulis at ipapahuli ko sila
PAGSASANAY 3
Panuto : Basahing mabuti ang mga isyu/balita/usapan at piliin
ang angkop na reaksyon:
1. Malaking isyu ngayon ang pagkasira ng kapaligiran dahil sa
lumulubhang polusyon sa lupa, tubig, at hangin. May mga batas na
dapat sundin at may mga kautusang ipinatutupad ang ating
pamahalaan.
A. Malulutas ang suliraning ito kung makikipagtulungan ang bawat

tao.
B. Hayaan ang pamahalaan na gumawa ng paraan.
C. Gawin na lang pabahay ang mga lugar namaraming polusyon.
D. Sasabihin kong tama lang ang ginagawa natin.
2. Magiging malinis ang paligid kung gagawin ng bawat isa ang
kanilang tungkulin. Tayo ang dapat mangalaga na likas na kayamanan
at ang pag-unlad ng bayan ay sa atin nakasalalay.
A. Magiging masunurin ang bawat tao.
B. Maglagay ng mga basaurahan sa kahit saan.
C. Maging mapagmatyag, masunurin at masinop ang bawat isa upang
mapanatili ang kalinisan sa paligid.
D. Mangamgampanya ako na huwag sundin ang batas sa kalinisan.
3. Binantaan ni Pangulong Duterte na pasasabugan nya ang mga NPA
kapag hindi tumigil sa pagharang sa mga nagbibigay ng ayuda.
A. Magiging takot ang mga rebelde at magtatago.
B. Magkakaroon ng mas malaking problema ang rebelde at
pamahalaan.
C. Magiging matiwasay ang bansa.
D. Sasanib ako sa mga rebelled upang dumami sila.
4. https://youtu.be/AU1RczTrFfc

Umapela ng tulong ang ilang tsuper ng dyip sa Lungsod ng


Valenzuela dahil hindi pa rin sila pinapayagang bumiyahe sa ilalim ng
general community quarantine.
A. Magkakaroon ng pagpupulong ang mga drayber at pamahalaang
lokal ukol sa suliranin.

B. Hahayaan na muna silang magpahinga hanggat di pa maayos ang


paligid.
C. Iiwasan na muna ang pamamasada.
D. Siguro dapat ilang lumipat sa ibang lugar upang mamasada.
5. Covid-19 cases sa Pilipinas lalong tumataas ang bilang ayon sa
DOH.
A. Naging maingat kasi ang mga tao ngayon.
B. Baka ibalik muli ang ECQ sa mga lugar na may mataas na kaso.
C. Dahil sa pagtanggal ng ECQ maraming tao na ang lumalabas
kaya mas malaki ang tsansang mahawa ang iba .
D. Hayaan na lang ang ibang lumabas ng lumabas.

PAGLALAHAT
Bilang isang mag-aaral, ano ang masasabi mo sa ating mga napag-
C. Engagement
(Pagpapaliha
aralan?
n) Panuto: Punan ng wastong sagot ang mga sumusunod.
Ang __________ ay isang pananaw ng isang tao o pangkat na
maaaring totoo pero pwedeng pasubalian ng iba. Ito rin ay isang
paniniwala na mas malakas pa sa impresyon, mas mahina sa
positibong kaalaman na batay sa obserbasyon at ekspiremento.
Ang_____________ ay ang damdaming nagpapakita ng pagsang-
ayon, pagsalungat, pagkatuwa, pagkalungkot o pagkadismaya matapos
makita ang isang isyu o balita.

PAGPAPAHALAGA
Ang bawat isa sa atin ay may kanya-kanya at iba’t ibang pag-iisip
kaya kailangan nating pakinggan, igalang at tanggapin ang mga ito
lalo na kung di naman nakasasama sa kapwa di ba?
Panuto: Lagyan ng masayang mukha ka kung magandang
kaugalian ang binanggit sa pangungusap o sitwasyon at at
malungkot na mukha kung hindi magandang kaugalian.
1. Pinagtawanan ang kaklaseng sumagot ng mali.
2. Ipinagwalang bahala ang babala sa paligid
3. Iginiit mo na mali ang kanyang sinabi ukol sa isang isyu.
4. Tinanggap nyo ang kanyang sagot dahil iyon ang kanyang opinyon.

5. Nakipagdebate ka sa kaklase mo upang maipakita mo na mali ang


kanyang sinabi.
D. Assimilation PAGSUSULIT
(Paglalapat) Panuto: Makinig at piliin ang inyong reaksyon, opinyon o ideya
hinggil sa sumusunod na isyu.
1. Isang grupo ng mga driver ang kasalukuyang nagpoprotesta sa
kalsada upang payagan na silang mamasada at nagugutom na daw ang
kanilang pamilya.
A. Hahayaan sila sa kalsada upang makakuha ng ayuda.
B. Kakausapin sila ng pamahalaan upang pag-usapan ang kanilang
hinaing.
C. Dadalhin muna sila ng tauhan ng pamahalaan sa isang lugar upang
pangalagaan.
D. Bibigyan ko sila ng makakain araw- araw.
2. Narinig mo ang dalawang lalaki na nag-uusap tungkol sa kahirapan
nila sa buhay ngayong panahon ng covid. Pinag-iisipan nilang
magnakaw na lang upang sila ay may makain.
A. Sabihin ko sa mga pulis ang kanilang balak.
B. Hayaan ko na lang sila kasi baka madamay ka pa.
C. Bigyan ko sila ng makakain.
D. Di ako kikibo kasi di naman ako apektado.

3. Nakita mo sa TV na nakasalampak na lang sa gilid ng kalsada ang


mga umuwing OFW na kailangang i-quarantine muna bago umuwi.
Ano ang masasasabi mo dito?
A. Kung hindi kaya ng pamahalaan na bigyan sila ng maayos na lugar
na panuluyan hayaan na sila sa kanilang bahay na umuwi at mag-
quarantine.
B. Magpasundo sila sa mga kaibigan at mamasyal muna.
C. Ipagwalang bahala ko na lang ang lahat.
D. Kukunan ko sila ng litrato upang maging sikat ako.

4.Nagkaroon ng malawakang rapid-test ang pamahalaan ng Pasig sa


mga driver ng mga sasakyan ng pamahalaang lokal.
A. Magmamalaki ako bilang taga-Pasig.
B. Batiin ko ang bawat isa dahil dito.
C. Nararapat lang ito upang mabigyan agad sila ng lunas at di na
lumala pa.
D. Marahil para maging sikat ang Pasig sa buong Pilipinas.

5.Isang bata ang pagala- gala sa lugar ninyo na walang mask habang
kumakain ng tinapay. Ano ang opinyon mo dito.
A. Marahil hinayaan lang siya ng kanyang nanay sa labas.
B. Marahil ay hindi alam ng mga magulang niya na nakalabas na ang
bata kaya marapat na siya ay tulungang makauwi sa bahay.
C. Hayaan ko na lang siya baka may sakit pa siyang nakahahawa na di
mo alam.
D. Iuuwi ko siya sa bahay namin at hayaan kong maghanap ang
kanyang nanay.
V. PAGNINILAY
Nauunawaan ko na__________________________________.
Nabatid ko na ______________________________________.

Inihanda ni:
Ipinasa kay:

You might also like