You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF NUEVA ECIJA
CINENSE INTEGRATED SCHOOL
BRGY. CINENSE, TALUGTUG, NUEVA ECIJA 3118

Mala-Detalyadong Banghay Aralin sa Filipino V

Isinanib sa Edukasyon sa Pagpapakatao

Grade Level: IV Date:______________________

Learning Area: FILIPINO

Quarter: 4TH

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman:

Naipapamalas ang kakayahan sa mapanuring panonood ng iba’t ibang uri ng media,

B. Pamantayan sa Pagganap:

Napaghahambing ang iba’t ibang patalatas na napanood

C. Pamantayan sa Pagkatuto:

Nagagamit sa pagpapakilala ng produkto ang uri ng pangungusap

II. PAKSANG ARALIN

Paksa: Nasasagot ang mga Tanong sa Napanood na Patalastas.


Nagagamit sa Pagpapakilala ng ibang Produkto ang Uri ng
Pangungusap.
Integrasyon:Paggawa ng patalastas gamit ang magagalang na salita
Kagamitan: PPT, mga larawan, chart

Sanggunian: MELC p.215, CG p.79

III. PAMAMARAAN
A. Engagement
1. Balik Aral

Mga Uri ng Pangungusap


1. Pasalaysay o Paturol
2. Patanong
3. Pautos
4. Padamdam

Magbigay ng mga halimbawa

Bumuo ng dalawang (2) pangkat.


Address: Brgy. Cinense, Talugtug, Nueva Ecija 3118
Cellphone No.: 0936 114 6535
Email: cinenseintegratedschool2018@gmail.com
Facebook Page: https://www.facebook.com/CISTalugtugNE
Gamitin ang mga larawan sa pagsulat ng iba’t-ibang uri ng pangungusap. Gawin ito sa
pisara

Pangkat 1 Pangkat 2

2. Pagganyak

Ang tindahan ni aling Puring!

Bumuo ng 3 pangkat

Kumuha ng isang produkto sa loob ng tindahan ni aling Puring at gumawa ng pakulo kung
paano ito ibebenta.

B. Explore

Panonood:

Panoorin ang mga di malilimutang patalastas sa telebisyong Pilipino.

Mga Pamantayan sa Panonood:

Maupo ng maayos at Tahimik

Unawain ang pinapanood upang masagot ang mga susunod na katanungan

Mga Tanong:

Ano sa tingin nyo ang inyong pinanood?

Anong produkto ang nakita ninyo sa inyong napanood?

Naakit ba o nakumbinsi ba kayong bumili ng produktong ito?

Base sa inyong napanood, tungkol saan kaya ang ating tatalakayin sa araw na ito?

C. Explain

Ang Patalastas o pag-aanunsiyo ay isang uri ng komunikasyon o pakikipagtalastasan para sa


pagmemerkado o pagmamarket at ginagamit upang mahikayat o mahimok ang mga manunuod,
mga mambabasa o mga tagapakinig na tangkilikin ang produktong ipinakikilala. Sa pamamagitan ng
patalastas, mas maraming tao ang makakakita ng iyong produkto at kung maganda ang pagkagawa
nito, mas maaakit ang mga tao na bilhin ito. Ito rin ay ginagamit upang makapagbigay ng kaalaman
o impormasyon sa mas epektibong paraan na papansinin ng mga tao.

Mga Uri ng Patalastas


1. PASALITA- o sa pamamagitan ng bibig

Halimbawa:

Balot! Balot! Balot!

Meryenda!

Hopia! Mani! Popcorn!

Taho!

2. NAKALIMBAG NA PATALASTAS-

Halimbawa:

Nakaimprenta sa Diyaryo o Magasin Nakadikit sa Poste at sa mga Billboard

3. NAPAPANOOD SA TELEBISYON AT NAPAPAKINGGAN SA RADYO-

Halimbawa:

4. PATALASTAS SA SOCIAL MEDIA

Halimbawa:

Mga dapat isaalang-alang sa paggawa ng patalastas:

1. Alamin kung sino ang target na bibili o tatangkilik sa produkto o serbisyo

Halimbawa:

Bata, Matanda, Nanay, tatay, Guro?

Ano ang kanyang Trabaho?

Saan Siya Nakatira?

Bakit ito mahalaga?

Kung malalaman natin kung sino ang tatangkilik sa ating produkto mas madali ang paggawa ng isang
epektibong patalastas.

2. Alamin ang pangangailangan na maaaring tugunan ng product

Halimbawa:

Kung Tag-araw
Kung malapit sa beach

3. Suriin kung ano ang katangian ng produkto ang dapat bigyan ng kahalagahan o diin.

Halimbawa:

Maraming Uri ng Cellphone

4. Maging malikhain sa paggawa ng patalastas

Halimbawa:

Anong Kulay ang gagamitin?

Anong uri ang gagawing patalastas?

Anong ideya ang lalamanin nito?

Maaari ring gumamit ng mga tagline na madaling tandaan

D. Elaborate
1. Panlinang na Gawain

Pagsasanay 1

Panuto: Basahin ang patalastas ng DOH o Department of Health. Sagutin ang katanungan
tungkol dito.

Para labanan ang banta ng COVID - 19 sa ating bansa mahalaga ang kooperasyon ng
bawat isa. Ang pananatili sa loob ng bahay ang pinaka simple para hindi kumalat ang virus.
Kunwari ikaw ang tuldok na ito malusog ka at malakas, lumabas ka ng bahay. Ang hindi mo
alam, may nakasalamuha ka na ng may COVID - 19. Tandaan, mahirap malaman kung
sino ang may virus pero madali itong maipasa sa iba. Pwedeng naipasa na pala ang virus
sa inyo. Noong umubo siya o bumahing o baka nahawa ka dahil humawak kayo sa
parehong bagay na kontaminado. Ngayon ay mayroon ka na ring COVID - 19. Isa ka ng
carrier na makakahawa sa iba. Dahil ilang araw pa bago lumitaw ang sintomas ng ubo,
sipon, hirap sa paghinga at lagnat, pagdating mo sa bahay maari mong mahawaan ang
iyong pamilya. Ang mga bata, matanda at may kasalukuyang karamdaman ay mahina ang
panlaban sa COVID - 19. Kaya laging tandaan: Kumain ng masustansiyang pagkain,
maging malinis sa pangangatawan, ugaliin ang paghuhugas ng kamay, at magsuot ng face
mask at faceshield.

1. Tungkol saan ang patalastas?

2. Ano ang layunin ng DOH o Department of Health sa kanilang patalastas?

3. Ayon sa DOH, anong ang simpleng paraan para hindi kumalat ang virus?

4. Ano ang maaring mangyari kapag malimit kang lumabas ng bahay?

5. Paano naipapasa ang virus?

6. Anu - ano ang mga sintomas ng pagkakaroon ng COVID - 19?

7. Madali bang malaman kung sino ang may virus?

8. Sinu - sino ang mga mga mahina ang panlaban sa COVID - 19?
9. Anu - ano ang mga nabanggit sa patalastas na dapat nating gawin upang
maiwasan ang pagkakaroon ng CoOVID - 19?
10. Magbigay ng ibang pang paraan para makaiwas o hindi mahawaan ng
virus.

2. Paglalapat

Differentiated Activities

Bumuo ng apat (4) na pangkat at gawin ang mga sumusunod na pangkatang gawain

Panuto: Sumulat ng dalawang pangungusap sa pagpapakilala sa bawat produkto.

Pangkat 1: Sabon
1,______________________________________________________
2.______________________________________________________
Pangkat 2: Gatas
1________________________________________________________
2.________________________________________________________
Pangkat 3: Tinapay
1. _____________________________________________________

2. _____________________________________________________

Pangkat 4: Toothpaste
1. _______________________________________________________
2.________________________________________________________

3. Paglalahat

Natatandaan pa ba ninyo ang napag-aralan natin?

Ano nga ulit ang patalastas?

Ano-ano ang uri ng patalastas?

Ano-ano ang mga dapat tandan sa paggawa ng patalastas

E. Evaluation

Panuto: Pag-aralan ang patalastas sa ibaba at sagutin ang mga tanong tungkol dito
1. Tungkol saan patalastas?
______________________________________________________________________
2. Ano ang dapat gawin sa mga basurang nabubulok at di-nabubulok?

______________________________________________________________________
3. Saan dapat ilagay ang mga basurang nabubulok?

______________________________________________________________________
4. Ano ang dapat gawin sa mga gamit na pwede pa?

_______________________________________________________________________
5. Sa iyong palagay, ano ang mabuting maidudulot ng wastong pagtatapon ng

basura?
______________________________________________________________________

IV. TAKDANG ARALIN

Panuto: Pumili ng isang produkto at gumawa ng patalastas tungkol dito.


Rubriks sa Pagpupuntos
1. Nakakahikayat at kaagad na nakakuha ng atensyon ang ads. 4 3 2 1
2. Maikli ngunit malinaw ang pagkakalahad ng mensahe. 4 3 2 1
3. Mahusay, praktikal at kaakit-akit ang adbertisment. 4 3 2 1
4. Matapat nitong nailahad ang mga benipisyo ng ads. 4 3 2 1
5. Sa kabuuan, mahusay na nakapaglahad ng impormasyon. 4 3 2 1

4- napakahusay 3 -mahusay 2- katamtaman 1-nangangailangan ng pagsasanay


Inihanda ni:

AISIELYN A. SAMSON
Teacher I
Noted:

ELIZABETH F. CINCO
School Principal IV

Differentiated Activities

Bumuo ng apat (4) na pangkat at gawin ang mga sumusunod na pangkatang gawain

Pangkat 1: Gumawa ng patalastas na Pasalita tungkol sa produktong iaatas sa inyong pangkat

Pangkat 2: Gumawa ng patalastas na Nakalimbag tungkol sa produktong iaatas sa inyong


pangkat

Pangkat 3: Gumawa ng patalastas na Napapanood sa Telebisyon o Napapakinggan sa Radyo


tungkol sa produktong iaatas sa inyong pangkat

Pangkat 4: Gumawa ng patalastas sa social media tungkol sa produktong iaatas sa inyong


pangkat

You might also like