You are on page 1of 20

1

Music
Quarter 4: Module 1
Konsepto at Kamalayan sa mga Tekstura
ng mga Tunog
(Tempo at Tekstura)

Emery D. Torres
May Akda
Republic of the Philippines
Department of Education
Benguet State University
College of Teacher Education

Published by:
Emery D. Torres

COPYRIGHT NOTICE
2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na hindi maaaring magkaroon


ng karapatang-ari sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya
o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga bata (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.
Walang anumang bahagi ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.

PAUNANG SALITA
Ang modyul na ito ay personal na inihanda ni Emery D. Torres kabahagi sa
kinakailangang proyekto at bilang isa sa mga pagtupad ng K-12 curriculum.
Ang nilalaman ng araling ito ay may hangaring mapabuti ang kapasidad at
kakayanan ng bawat mag-aaral particular sa araling Musika 1.

Date of Development : April 2022

Resource Location : BSU- College of Teacher


Education
Learning Area : Music
Grade Level : 1

Learning Resource Type : Learning Module

Language : Filipino
Quarter/Week : Q4/W1

Learning Competency/Code: Demonstrates the basic


concepts of tempo through
movements. MU1TP-IVa-2

PAGKILALA
Malugod na ipinapahayag ng may-akda ang taos-pusong pasasalamat sa
lahat ng tumulong at sumuporta sa pagpapanatili at pagsasaayos ng araling ito. Sa
paggawa ng araling ito ay hindi lubos na maipapasatupad kung wala ang mga
taong gumabay at nanghingkayat.

Kay:
Gng. Desiree Botengan
(Supervising Instructor)

Gng. Angeline A. Viado


(Cooperating Teacher)

Sa lahat ng miyembro ng pamilya, kaibigan, kakilala; sa kanilang pagtuloy


na suporta sa anomang kapamaraanan.
At higit sa lahat, sa Diyos na dakila sa pagkakaloob ng mga kinakailangan at
biyaya sa pagsasaayos ng modyul na ito.

Emery D. Torres
(May Akda)
Music1
Quarter 4: Module 1
Konsepto at Kamalayan sa mga
Tekstura ng mga Tunog
(Tempo at Tekstura)

Emery D. Torres
May Akda
Gabay sa Paggamit ng Materyal
Para sa Tagapagpadaloy
Ang modyul na ito ay inihanda upang makatulong sa ating mga mag-aaral na madaling matutuhan
ang mga aralin sa asignaturang MAPEH (MUSIC). Ang mgaa bahaging nakapaloob dito ay
sinegurong naaayon sa mga ibinigay na layunin.
Para sa Mag-aaral
Ang modyul na ito aay ginawa bilang sagot sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan
ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong mabigyan ka ng
mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang
anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga gawain sa
pagkatuto.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat gawain.
3. Maging tapat sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
5. Punan ang PIVOT Asssessment Card for Learners sa huling pahina sa pamamagitan ng
akmang simbolo sa iyong Lebel ng Performans pagkatapos ng bawat gawain.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagpadaloy kung tapos nang sagutin ang
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay nahihirapang saguton ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
alinlangang konsultahin ang iyong guro o tagapagpadaloy. Maaari kang ring humingi ng tulong sa
iyong magulang o tagapag-alaga, o sinumang mga kasama sa bahay na nakatatanda s aiyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makakaranas ka ng makahulugang pagkatuto at
makakuha ka ng malalim na pag-unawa. Kaya mo ito!
Mga Bahagi ng Modyul
LESSON 1: KONSEPTO NG MGA TUNOG
Sa musika, may mga awit na mabilis at mabagal. Ang bilis
at bagal ng daloy ng awitin ay tinatawag na Tempo. Ang bilis ng
daloy ng tempo ay nag-iiba. Ito ay maaaring mabilis o mabagal.
Ang tempo ng awit o tugma ay nagpapakita ng damdamin.
Karaniwan, ang mga masisiglang awitin ay inaawit nang
mabilis at ang mga awiting malulungkot ay inaawit nang
mabagal. Ang ating kilos ay iniaangkop natin sa saliw ng awitin o
tugtugin. May kasabihan nga tayo na
“kung ano ang tugtog siyang sayaw”.
Ang iba’t- ibang tunog na naririnig sa paligid ay naiuugnay
din natin sa mga kilos o galaw ng ating katawan tulad sa pang
araw-araw na gawain. Minsan kailangan nating magmadali upang
hindi mahuli sa klase at kung minsan naman ay dapat marahan
lamang
upang hindi lumikha ng ingay.

Pagmasdan ang mga larawan sa ibaba.

Anong mga hayop ang nakikita mo sa larawan?


______________

Paano lumakad ang pagong? _____________________

Paano tumakbo ang kabayo? _____________________

Ang Tempo ay maihahambing natin sa kilos o galaw ng


pagong na mabagal lumakad at ang kabayo na mabilis tumakbo.
Pagsasanay 1
Panuto: Kilalanin ang mga hayop sa larawan. Pagsama-samahin sa
kahon ang ngalan ng mga hayop ayon sa bilis ng kanyang pagkilos
o paggalaw.

uod

Pagsasanay 2
Panuto: Tukuyin ang tempo ng mga sumusunod na awitin sa ibaba.
Isulat ang tsek / sa patlang kung mabilis at ekis X naman kung
mabagal.
_____ 1. Lullaby

_____ 2. Bahay Kubo

_____ 3. Old MacDonald Had A Farm

_____ 4. Twinkle Twinkle Little Star

_____ 5. Leron-Leron Sinta

LESSON 2: KAMALAYAN SA MGA TEKSTURA NG GA


TUNOG
Ang elemento ng musika na tumutukoy sa thickness at
thinness ay tinatawag na Textura. Ang thickness ng tunog ng
Musika ay batay sa bilang ng linya na magkakasabay; samantala ang
thinness ng tunog ng musika ay batay sa isang linyang musikal.
Ang Musika ay nagtataglay ng Textura tulad ng mga bagay
sa paligid. May mga himig na inaawit lamang ng isang tao. Kung
minsan kahit maraming umaawit pero iisa ang tonong ginamit,
manipis pa ring pakinggan. May pagkakataon naman na ang isang
umaawit ay sinasaliwan ng gitara o piyano. Sa pagkakaroon ng
saliw ng instrumento ay kumakapal ang textura ng awit.
Halina at alamin kung paano nalilikha ang Textura ng awitin.
Pakinggan at awitin ang awit na “Are You Sleeping Brother John?”.
Una awitin ito ng pangkatan kasama ang iyong magulang at mga
kapatid. Pagkatapos, awitin ito nang dalawahan o tatluhang
pangkat sa bawat pangkat ay magsisimula nang hindi magkasabay
ngunit tatapusin ang awit. Hintayin ng bawat pangkat ang hudyat
kung kalian sisimulan ang awit.

Ano ang inyong napasin nang umaawit kayo bilang isang


pangkat; nang umaawit kayo bilang dalawa o tatlong pangkat
na hindi sabay-sabay ang umpisa?
Kailan thin o manipis ang tunog ng musika?
____________________
_______________________________________________________
___
Kailan naman thick o makapal ang tunog ng musika? ____________
_______________________________________________________
___
Kapag may idinagdag na instrumento o tinig sa pattern o
melody, sinasabi ng mga musikero na ang tunog ng musika ay
nagiging thicker o makapal. Kung iisang pattern o melody ang
tinugtog o inawit nang walang kasabay ang textura ng musika ay
thin o manipis.
Pagsasanay 3
Panuto: Isulat sa patlang ang MKT kung Makapal ang Textura at
MNT naman kung Manipis ang Textura.

Ang isang musical line ay maaaring manipis o makapal ayon


sa daloy ng musika at sa paraan ng pagkaka-awit. Ito ang tinatawag
na textura.
Ang single musical line ay may iisang melody lamang na
inaawit ng lahat. Ang multiple musical lines naman ay may mga
melody na inaawit nang sabay ng iba’t ibang pangkat ng mang-
aawit.
May dalawang paraan sa bahagi ng awit. Ito ay paraan ng paikot na
pag-awit o round song at sabayang pag-awit o unison.
Ang round song ay isang paraan ng paikot na pag-awit na
kung saan ang mga awit ay naka-pangkat at di sabay-sabay na
nagsisimula kaya’t di rin sabay-sabay natatapos. Samantala ang
unison ay isang paraan ng sabayang pag-awit at may isahang himig
o tunog ng instrumento.
Alam niyo ba ang awiting “Row Your Boat? Halina at awitin
sa parang sabay-sabay o unison. Pagkatapos ay awitin itong muli sa
parang round.
“Row Your Boat”
(Sabay-Sabay o Unison)
Row, row, row your boat gently down the stream.
Merrily, merrily, merrily, merrily, life is but a dream.
“Row Your Boat”
(Paikot na pag-awit o Roung song)
1. Row, row, row your boat gently down the stream.
2. Merrily, merrily, merrily, merrily, life is but a dream.
Paghambingin ang dalawang paraang ginawa mo.

Aling paraan ang manipis ang tunog? ________________________


Alin ang makapal?
_________________________________________

Anong bagay ang naiisip mo na makapaglalarawan kapag inawit ito


ng lahat ng iisang melody lamang?
_______________________________________________________
Anong bagay naman ang maiuugnay kapag inaawit ito sa anyong
round kung saan nagpatong-patong ang mga tinig?
___________________________________________
Ang pag-awit ng “Row Your Boat” sa paraang unison o sabay-
sabay ay may manipis na tunog dahil may iisang melody lamang
ang dumadaloy na inaawit ng lahat. Ito ay tinatawag na single
musical line.
Sa ikalawang paraan ng pag-awit, ang round song o paikot ay
nagiging makapal ang tunog kapag maraming tinig, tunog o melody
na inaawit nang magkakasabay ng ibat’ ibang pangkat ng mang-
aawit.

Ito ay tinatawag na multiple musical lines.

Pagsasanay 4
Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat sa patlang kung Opo o
Hindi Po.

_____ 1. Nakaawit ka ba sa anyong round ng may tamang tono?


_____ 2. Naiparinig ba ng bawat isa sa pangkat ang pagkakaisa ng
tinig sa pag-awit?

_____ 3. Aktibo ka bang nakiisa sa mga gawain ng klase.

_____ 4. Nakasunod ka ba sa pamantayan na ginawa sa iyong


pangkat?

_____ 5. Nakaawit ka ba nang may damdamin.

Pagsasanay 5
Panuto: Isulat sa patlang ang SML kung single musical line (iisa
lamang ang melody ng dalawang pangkat) at MML naman kung
Pagsasanay 1 Pagsasanay 2
Mabilis na Gumalaw 1. X
Kuneho, leon 2. /
3. /
Mabagal na Galaw 4. X
Suso, starfish, uod 5. /

Pagsasanay 3 Pagsasanay 4
1. MNT 1. Opo
2. MKT 2. Opo
3. MKT 3. Opo
4. MNT 4. Opo
5. MNT 5. Opo

Sanggunian :
https://grade1.modyul.online/music-1-module-quarter-4/#gallery-page-6
https://grade4.modyul.online/filipino-4-modyul-1-pangngalan-gamitin-mo/#gallery-page-
26
*Gr. 1 Modyul of Balili, Elementary School (enhanced)

You might also like