You are on page 1of 3

Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: ________________

Iskor: ___________________________

Pasalitang Pagbasa sa Filipino


Pre-Test

Pagganyak: Naranasan mo na bang magkasakit? Paano ka gumaling?


Basahin at alamin sa seleksiyon kung paano gumaling ang batang maysakit.

Mahiwagang Kamay

May sakit si Luis. Mahiwagang kamay ang kailangan niya. “Hihilutin ko ang ulo mo,” sabi ni Hinlalaki.
“Pupupnasan ko ang iyong pawis,” sabi naman ni Palad at Mga Daliri. “Yayakapin ko siya,” dagdag pa ni Braso.

Idinilat ni Luis ang kanyang mga mata. Nasa tabi niya ang kanyang ina. Magaling na si Luis

Gr. I
Bilang ng mga Salita: 53

Tanong:
1. Ano ang nagpagaling kay Luis? ________
Sagot: Ang mahiwagang kamay

2. Ano-ano ang ginawa ng mahiwagang kamay? ________


 Hinilot ni Hinlalaki ang ulo ni Luis.
 Pinunasan ni Daliri at Mga Palad ang kanyang pawis
 Niyakap siya ni Braso

3. Sino ang nasa tabi niya paggising? ________
Sagot: Ang kanyang ina

4. Bakit nagging mahiwaga ang kamay ng nanay? ________


Sagot:
 Dahil pinagaling nito ang sakit ni Luis.
 Dahil inalagaan niya si Luis.
Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.

5. Bakit hindi maaaring si Palad o sina Daliri lamang ang pupunas ng pawis ni Luis? ______
Sagot:
 Dahil hindi makakikilos si Palad ng di niya ikikilos sina Daliri.
 Dahil lahat ng part eng kamay ay dapat katulong sa pagaglaw
Tanggapin ang iba pang katulad na sagot.

6. Naniniwala ka ban a nakapagpapagaling ng sakit ang mga kamay ng iyong ina? Bakit? _______
Sagot:
 Opo, dahil inaalagaan ako ng mga kamay ng aking ina.
 Opo, dahil hinihilot ng nana yang aking ulo kapag ako ay maysakit
 Opo, dahil pinupunasan ng nanay ko ang aking pawis
Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.

7. Bakit kaya ang ina ang lagging tinatawag ng mga anak kung maysakit sila? _______
Sagot:
 Dahil mula pa man sa pagkasanggol ay karaniwang ang ina ang lagging nangangalaga sa mga
anak.
 Karaniwan nang ang ina ang lagging takbuhan ng mga anak.
 Ang ina ang nagbibigay ng ginhawa sa anak na maysakit.
Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: ________________
Iskor: ___________________________

Pasalitang Pagbasa sa Fipino


Pre-Test

Pagganyak: Ano-ano ang nakukuha natin sa niyog? Ano-ano pa ang maaring gawin sa niyog? Alamin.

Nakakabilib Talaga…

“ Naku! Nanay, nagsasayaw ang mga niyog. Ay hindi! Mardigra pala o ang pagsasayaw sa kalsada. Suot
ng mga mananayaw ang mga materyales na gawa sa niyog. Ang mga palda at shorts ng mga mananayaw ay yari
sa dahon ng punong niyog na ikinapit sa tela. Pati butones ay gawa sa bao. Nakakabilib talaga.

“Aba! Sunod-sunod ang naggagandahang karosa na yari sa iba’t ibang bahagi ng niyog” sigaw pa niya.

“Darene gising! Napapanaginipan mo na naman ang napanood mong Coco Festival sa San Pablo”.

Gr. III
Bilang ng mga Salita: 83

Tanong:
1. Ano ang mardigra? ________
Sagot: pagsasayaw sa kalsada

2. Saan yari ang mga palda at shorts ng mga mananayaw? ________


Sagot: Sa isang bahagi ng punong niyog na ikinapit sa tela.

3. Tungkol saan ang napanaginipan ni Darene? ________


Sagot: Coco Festival ng San Pablo

4. Bakit lagging napapanaginipan ni Darene ang Coco Festival? ________


Sagot:
 Dahil nakakabilib ang kasuotang gawa sa niyog
 Dahil nakakabilib ang karosang gawa sa niyog
Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.

5. Bakit tila totoo ang nakikita ni Daren sa kanyang panaginip tungkol sa mardigras? _______
Sagot:
 Dahil lubhang makulay ang padiriwang na ito
 Dahil natuwa siya sa kanyang napanood kaya’t lagi nyang naiisip hanggang sa panaginip
Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.

6. Nakita mo ang isang grupo ng mga tao na pinuputol ang mga puno sa kagubatan. Ano ang gagawin
mo?
Sagot:
 Pipigilan sila sa ginagawang pagputol ng puno.
 Ipapaalam sa kanila ang kahalagahan ng puno.
Tanggapin ang iba pang katulad na sagot.

7. Anong iba pang mga kagamitan o ang pagkaing mula sa puno ng niyog na kapaki-pakinabang sa mga
tao? Paano mo pahahalagahan ang mga ito?
Maaaring sagot:
 Walis tingting
 Iba’t ibang kakanin
 Mga gamut
 Iba’t ibang palamuti
 Pahahalagahan ko ang mga gamit mula sa niyog sa pamamagitan ng paggamit sa mga ito.
 Pasino sa mga kagamitang yari sa puno ng niyog
Pangalan: ______________________________________ Baitang at Pangkat: ________________
Iskor: ___________________________

Pasalitang Pagbasa sa Fipino


Pre-Test

Pagganyak: Saan madlas Makita ang tipaklong? Ano ang ginagawa mo kapag nakakita ka nito?
Ano kaya ang ginawa ni Baste kapag nakakita siya ng tipaklong? Alamin.

Salamat Kaibigan

Nag-uunahang manghuli ng tipaklong sina Baste, Lean at Makoy. Inilalagay nila sa bote ang
kanilang huling tipaklong.

“Lean, lagyan mo nang butas ang takip ng bote,” utos ni Baste.

“Huwag na!” sigaw ni Lean.

“Hindi makahihinga ang mga tipaklong. Alam mo bang kinakain nito ang mga insektong sumisira
sa mga pananim? Kaya mamaya, pakakawalan din natin sila,” ani ni Baste.

“Salamat sa paalala, Baste,” nakangiting sabi ni Lean.

Gr. II.
Bilang ng mga Salita: 68

Tanong:
1. Sino ang nag-uunahang manghuli ng tipaklong? _________
Sagot: Baste, Lean at Makoy

2. Saan nila nilalagay ang kanilang mga nahuhuli? _________


Sagot: Sa bote

3. Bakit pinalagyan ni Baste ng butas ang bote? _________


Sagot: Para makahinga ang tipaklong.

4. Ano ang pakinabang ng mga tipaklong? _________


Maaring isagot:
 Kinakain ng mga tipsklong ang mga insektong.Sumisira sa mga pananim
 Ito ay nagsisilbing pagkain ng ilang mga Pilipino.

5. Bakit kaya pakakawalan din nina Baste ang mga tipaklong? _________
Maaring isagot:
 Upang patuloy itong kumain ng mga insektong sumisira.
 Para hindi mamatay ang mga tipaklong
 Upang dumami pa ang mga tipaklong
Tanggapin ang iba pang mga katulad na mga sagot.

6. Paano mo pinahahalagahan ang mga nilikha ng Diyos na tulad ng tipaklong? ________


Maaring isagot:
 Aalagaan ko ang mga ito.
 Hindi ako papatay ng tipaklong.
 Hahayaan ko silang mabuhay sa lugar na nakalaan para sa kanila.
Tanggapin ang iba pang mga katulad na mga sagot.

7. May mga bubuyog na dumadapo sa inyong halamanan. Ano ang gagawin mo? _______
Maaring isagot:
 Hahayaan ko sila dahil kumukuha lamang sila ng katas ng bulaklak.
 Hindi ako lalapit dahil baka makagat ako.
Tanggapin ang iba pang mga katulad namga sagot.

You might also like