You are on page 1of 4

Paaralang Elementarya ng Calima

Diagnostic Test sa EPP VI


S.Y. 2015 – 2016

Pangalan : _______________________________ Iskor: _______________

Panuto: Basahin ang mga sumusunod. Piliin ang titik ng tamang sagot.
_____ 1. Ang mga sumusunod ay nagsasaad ng matalinong pamimili maliban sa isa, alin ito ?
A. May malawak na kaalaman sa mga paninda.
B. May kaalaman sa dami at pagkakaiba-iba ng pangangailangan.
C. Mapanuri sa mga panindang iniaalok ng mga tagapagbili
D. Bumibili ng kahit anong maibigan.

_____ 2. Nagpista sa lugar nina Clarence. Anong luto ang ginawa nila sa buong baboy ?
A. litson B. inihaw C. nilaga D. prito

_____ 3. Maraming isinaing si Ate ngunit kakaunti lamang ang kumain. Ano ang maaaring gawin sa
kanin ?
A. Ipamigay sa kapit-bahay C. Gawing sinangag na maaaring kainin sa tanghalian
B. Itapon sa basurahan D. Pabayaan na lamang lumamig

_____ 4. __________ ang pag-iimbak ng pagkain sa isang pamilya.


A. Dagdag kita B. mahirap C. Dagdag hirap D. masarap

_____ 5. Upang makaakit ng mamimili, palaging __________.


A. magsuot ng shorts C. tumayo ng taas baba
B. humalakhak D. ngumiti sa mga bumibili

_____ 6. Ang pagnanarseri ay tumutukoy sa wasto at maingat na pag-aayos at pag-aalaga ng ____.


A. isda B. halaman C. hayop D. lupa

_____ 7. Ang grafting ay isang uri ng ____ ng punong kahoy o bungang kahoy.
A. pagpaparami B. pagpapayabong C.pagpapaunti D. pagpapabunga

_____ 8. Ang mag-anak na may halamanan ay makatitipid sapagkat ____________.


A. hindi na kailangang bumili ng gulay at prutas
B. maipagbibili ang labis na ani
C. mapagaganda nila ang paligit
D. lahat ng nabanggit

_____ 9. Ginagamit sa pagtitipon ng kalat at tuyong damo.


A. regadera B. piko C. pala D. kalaykay

_____ 10. Alin ang hindi dapat gawin upang maging ligtas at maiwasan ang anumang aksidente sa
paghahalaman ?
A. Gumamit ng angkop sa kasangkapan sa pagtatanim.
B. Iwasan ang pagtatakip ng ilong at bibig habang nagbobomba ng insecticide
C. Maghugas nang mabuti ng kamay pagkatapos gumawa sa halamanan.
D. Iwasan ang paggamit ng mga kasangkapang sira na , kinakalawang at mapurol.

_____ 11. Sa pagwawalay sa biik. Ano ang dapat gawin sa inahin ?


A. pakainin B. hiwalay sa kulungan C. patayin ang inahin D. pabayaan

_____ 12. Sa mga sumusunod na pagkain ng pugo, alin ang dapat ibigay sa malapit ng mangitlog ?
A. starter mash B. growing mash C. laying mash D. breeding mash

_____ 13. Anong isda ang dapat mong ilagay sa palaisdaan ?


A. dalag , hito B. tilapia o karpa C. sapsap D. A at B

_____ 14. Upang maiwasan ang pagkakasakit ng mga hayop, isagawa ang mga sumusunod maliban
sa isa.
A. Pabakunahan ang mga hayop sa takdang panahon.
B. Panatilihing malinis at tuyo ang mga kulungan.
C. Iasa sa mga tirang pagkain ang pagkukunan ng pangaraw-araw na pagkain ng mga
alagang hayop.
D. Kumunsulta sa beterinaryo at ilang ahensya ng pamahalaan para sa mga karagdagang
kaalaman.

_____ 15. Ang takdang panahon ng pag-aani ng isda ay batay sa ______________ nito.
A. gulang B. bigat C. kulay D. dami

_____ 16. Ang karayom ng makina bago ipantahi ay kinakailangang mayroong _________.
A. sinulid B. tela C. pardon D. emery bag

_____ 17. Matapos manahi, itinusok ni Roby ang karayom sa ______________.


A. kahon B. emery bag C. pin cushion D. tela

_____ 18. Ang __________ ay mahalagang gawin muna bago tabasin ang tela.
A. sukat B. padron C. timbang D. pagtatahi

_____ 19. Ang telang angkop sa pagbuburda ay ________________.


A. gingham/ basket weave B. seda C. koton D. nylon

_____ 20. Ang ______ ay halimbawa ng materyales para sa cross stitch.


A. tela at karayom C. sinulid, bastidor at kutsilyo
B. papel at lapis D. gunting , bulaklak

_____ 21. Kasangkapang pantistis ng kahoy.


A. kikil B. martilyo C. lagare D. katam

_____ 22. Gagawa ng sampayan sa likod bahay si Berto. Kumuha siya ng kawad at pinutol ito ayon
sa tamang sukat. Ano ang ginawa niya upang maputol ang kawad ?
A. tinaga ito ng gulok C. ginamitan ng lagaring bakal
B. pinukpok ng martilyo hanggang maputol D. pinutol ng plais

_____ 23. Ang lagari ay dapat na _____ matapos gamitin.


A. basain B. tuyuin C. pahiran ng langis D. lagyan ng gaas

_____ 24. Alin ang hindi kabilang sa gawaing pang-industriya ?


A. handicraft B. bakeshop C. sari-sari store D. metal craft

_____ 25. Ito ay larawan ng proyektong gagawin.


A. pardon B. krokis C. larawan D. painting

_____ 26. Ano ang kabutihang naidudulot ng pag-eehersisyon ?


A. nakatutulong sa maayos na pagdumi C. nakapagpapatalas ng memorya
B. nakapagpapagana sa pagkain D. nakatutulong sa pagkakaroon ng magandang tindig

_____ 27. Alin ang hindi kabilang sa wastong pangangalaga sa sarili ?


A. kumain ng sapat at wastong pagkain C. magkaroon ng sapat na oras ng tulog at pahinga
B. maging magalang sa matatanda D. mag-ehersisyo

_____ 28. Ang kasuotan na dapat isuot ay ___________.


A. bago B. angkop sa okasyon C. lukot D. uso

_____ 29. Ano ang kabutihang naidudulot ng pagiging malinis at maayos sa sarili ?
A. kinaiinisan ng kaeskwela C. nagkakaroon ng tiwala sa sarili
B. dinadapuan ng sakit D. dagdag gastos

_____ 30. Alin ang tamang paraan ng pagtatanggal ng chewing gum sa damit ?
A. ilubog ang bahaging may mantas sa mainit na tubig
B. ibilad sa araw ang mantsa
C. buhusan ng kumukulong tubig ang mantsa
D. patungan ng yelo ang bahaging may mantsa
_____ 31. Alin ang maling paraan ng paglalaba ?
A. Unahing sabunin ang de-kolor na mga damit at isunod ang mga puting damit
B. Isampay sa malilim na lugar ang mga de-kolor na damit
C. Banlawan nang tatlong beses ang mga damit
D. Kumpunihin muna ang mga may sirang damit bago ito labhan

_____ 32. Ang pantaloon ay sinisimulang plantsahin sa __________.


A. kabaligtaran C. karayagan
B. mula sa baba paitaas D. unahin ang mga bulsa saka ang kabuuang bahagi

_____ 33. Alin sa mga sumusunod ang ginagawa ng buwanan ?


A. pagpapalit ng butones C. pamamalantsa
B. paglalaba D. pag-aayos ng aparador

_____ 34. Alin ang tungkulin ng ina ng tahanan ?


A. Siya ang nagpapasya sa mga mahahalagang bagay sa pamilya.
B. Siya ang nag-aaruga sa mga anak.
C. Siya ang gumagawa ng mga magagaang Gawain sa bahay.
D. Siya ang haligi ng tahanan.

_____ 35. Alin ang tungkulin ng mga anak ?


A. Suwayin ang utos ng mga magulang
B. Mamalengke, magluto at maglaba ng mga damit.
C. Mag-aral nang mabuti.
D. Pasakitin ang ulo ng mga magulang.

_____ 36. Alin ang pangunahing tungkulin ng ama ?


A. Maghanapbuhay para sa pamilya.
B. Magkumpuni ng mga sirang bahagi ng bahay o gamit.
C. Maglinis ng bakuran araw-araw.
D. Magdisiplina sa mga anak.

_____ 37. Ano ang pinakamainam na pagkain ng sanggol ?


A. gulay B. prutas C. gatas ng ina D. tinapay

_____ 38. Ano ang katangian ng isang bagong silang na sanggol ?


A. halos buong araw itong natutulog C. palagi itong naglalaro
B. malakas itong umiyak D. madalas itong magkasakit

_____ 39. Nakalimutan mong iligpit ang iyong higaan. Nakalampas na ang takdang oras ng iyong
pagliligpit, ano ang marapat mong gawin
A. Pabayaan na lang. C. Ligpitin ito ng madalian.
B. Ipaligpit ito sa iyong nanay D, Isara ang kuwarto nang hindi makita ng iyong nanay

_____ 40. Tinanghali ka ng gising kung kaya’t huli ka na sa pagpasok sa paaralan. Ano ang mabuti
mong gawin ?
A. Papasok ako sa klase kahit ako ay huli na. C. Itutuloy ko na lang ang aking tulog.
B. Bukas na lang ako papasok. D. Makikipaglaro na lang ako at hindi na papasok

_____ 41. Ano ang pinakamalaking pinagkakagastusan ng mag-anak ?


A. edukasyon B. pagkain C. bahay D. ipon

_____42. Ano ang isang paraan upang makatipid sa oras kapag namimili sa palengke.
A. Umupa ng tao na mamimili sa palengke.
B. Gawing buwanan ang pamimili sa palengke.
C. Maghanda ng listahan ng mga bibilhin sa palengke.
D. Utusan ang anak na mamili sa palengke.

_____ 43. Alin ang matalinong paggamit ng tubig sa bahay ?


A. Ang tubig na ginamit sa hulng pagbabanlaw ng damit ay gamiting pandilig sa mga halaman.
B. Huwag gumamit ng tubig upang makatipid.
C. Manghingi na lamang ng tubig sa kapitbahay.
D. Lahat ng nabanggit

_____ 44. Alin ang maling paraan ng paggamit sa kuryente ?


A. Idepros ang repridyereytor minsan isang linggo.
B. Bunutin ang plug kapag hindi ginagamit.
C. Linisin ang bombilya ng ilaw.
D. Palakasin ang volume ng TV upang madinig nang husto ang pinapanood.

_____ 45. Ano ang dapat gawin ng mag-anak upang mapangasiwaan ng maayos ang kita at mga
gastusin ?
A. Magtipid ng pera.
B. Huwag pag-aralin ang mga anak upang makatipid sa baon.
C. Maghanda ng badyet.
D. Magtrabaho ng husto upang lumaki ang kita.

Panuto: Isulat ng T kung ito ay tungkuliln ng mga kasapi ng kooperatiba at K kung ito naman ay
karapatan.

_____ 46. Pangangalaga sa mga panindang kailangan ng mamimili.

_____ 47. Pagdalo sa mga pagpupulong ng kooperatiba upang malaman ang katayuan ng samahan.

_____ 48. Makatanggap ng dibidendo.

_____ 49. Maging tapat sa pamimili.

_____ 50. Magtinda, mamili at mag-imbentaryo ng paninda.

You might also like