You are on page 1of 4

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EPP 4

Ikatlong Markahan
S.Y. 2022-2023

TABLE OF SPECIFICATION

Learning Competencies Total


Remembering Understanding Applying Analyzing Evaluating Creating Number Percentage
of items
Naipaliliwanag ang 1-4 10%
kahulugan at
kahalagahan ng
entrepreneurship.
Natatalakay ang mga 5-6 5%
katangian ng isang
entrepreneur.
Naipaliliwanag ang mga
panuntunan sa 7-8 5%
paggamit ng computer,
internet at e-mail.
Natatalakay ang mga 9-20 30%
panganib na dulot ng
mga di kanais-nais na 21 -25 12.5%
software, mga
nilalaman, at mga pag-
asal sa Internet.
Nagagamit ang 26 - 30 12.5%
computer, internet at e-
mail sa ligtas at 31-35 12.5%
responsableng 36 - 40 12.5
pamamaraan.
Total 4 2 7 17 5 5 40 100%

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EPP 4


Ikatlong Markahan
S.Y. 2022-2023
PANGALAN: __________________________________________________________PETSA: ________________________
BAITANG AT PANGKAT: ____________________________________________________GURO: _________________________

Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Ang entrepreneurship ay galing sa salitang French na entreprende na ang ibig sabihin ay _____.
A. isaayos B. isagawa C. isabuhay D. isapuso
2. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng isang entrepreneur?
A. Siya ay may matatag na loob, at tiwala sa sarili.
B. Siya ay marunong lumutas ng suliranin.
C. A,B at C
3. Siya ang tapagtatag at Chief Executive Officer (CEO) ng Facebook, ang pinakasikat na social networking site nagsimula sa Estados Unidos.
A. Jawed Karim B. Steve Chen C. Larry Page D. Mark Zuckerberg
4. Hawak niya ang ilan sa mga nangungunang bangko sa bansa: ang Banco de Oro at China Banking Corporation.
A. Henry Sy B. Alfredo Yao C. David Consunji D. Lucio Tan
5. Si Steffi ay may Beauty Parlor. Ano ang serbisyong iniaalok ng negosyong ito?
A. Nagluluto ng pagkain. C. Gumagawa ng muwebles.
B. Nag-aayos ng buhok. D. Nananahi ng mga damit.
6. Si Matteo ay may Panaderya. Anong produkto ang ibinebenta nila?
A. gadget B. karne C. tinapay D. gulay
7. Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag ng panuntunan sa paggamit ng computer, internet, at e-mail?
A. Tiyakin kung aling website ang maaaring bisitahin.
B. Magpainstall o magpalagay ng internet content filter.
C. Makipag-unayan lamang sa mga kakilala o kaibigan tuwing online.
D. A,B at C
8. Ang virus ay _____.
A. Program na nakapipinsala ng computer at maaaring magbura ng files at iba pa.
B. Isang nakakapinsalang program sa computer na nagpapadala ng mga kopya ng sarili nito sa ibang computer sa pamamagitan ng
isang network.
C. Nagtatala ng lahat ng mga pindot sa keyboard keystrokes at ipinapadala ang mga ang mga ito sa umaatake upang magnakaw ng
mga password.
D. Isang mapagkunwaring program na nakukunwaring isang kapaki-pakinabang na application ngunit pinipinsala ang iyong computer.
9. Ang Trojan horse ay _____.
A. Program na nakapipinsala ng computer at maaaring magbura ng files at iba pa.
B. Isang nakakapinsalang program sa computer na nagpapadala ng mga kopya ng sarili nito sa ibang computer sa pamamagitan ng
isang network.
C. Nagtatala ng lahat ng mga pindot sa keyboard keystrokes at ipinapadala ang mga ang mga ito sa umaatake upang magnakaw ng
mga password.
D. Isang mapagkunwaring program na nakukunwaring isang kapaki-pakinabang na application ngunit pinipinsala ang iyong computer.
10. Ang lahat ay kasanayan sa ligtas at responsableng paggamit ng computer, internet at e-mail maliban sa:
A. Natitiyak na ligtas at maayos ang pinaglalagyan ng computer.
B. Nakahahanap ng impormasyon sa mga hindi rekomendadong sites sa internet.
C. Nakapag-se-share ng files sa mga kamag-aral upang makatulong sa paggawa ng takdang-aralin.
D. Nakasusunod sa mga patakarang pinagkasunduan sa responsableng paggamit ng computer, internet at e-mail.
11. Ang mga teknolohiya, gaya ng radyo, telebisyon, telepono, smartphones, computer, at internet ay mahalaga upang mas mabilis na maproseso,
maitala at maipadala ang mga mensahe. Ang mga ito ay mahalaga rin sa pagpapalaganap ng makabuluhang impormasyon.
A. Tama ang isinasaad ng papaya.
B. May pagkukulang ang isinasaad ng pahayag.
C. Walang katuturan ang pahayag.
D. Hindi mahalaga ang ipinapahayag.
12. Alin sa mga sumusunod ang hindi pamantayan sa tamang paggamit ng computer
A. May sandalan ang upuan
B. Mahigpit ang paghawak sa mouse
C. Nakaupo nang tuwid
D. Nakalapat ang mga paa
13. Sa paggamit ng internet sa computer laboratory, alin sa mga ito ang dapat gawin?
A. Maaari kong i-check ang aking email sa anumang oras na naisin ko.
B. Maari akong pumunta sa chat rooms o gamitin ang instant messaging para
C. makipag-ugnayan sa aking kaibigan.
D. Maaari ko lamang gamitin ang internet at magpunta sa aprobado o mga
E. pinayagang websites kung may pahintulot ng guro.
F. Wala sa nabanggit
14. Sa pagpasok sa computer laboratory, Ano ang unang panuntunan na dapat mong gawin?
A. kumain at uminom
B. maglaro ng online games
C. tahimik na umupo sa upuang inilaan ng guro
D. magtanong sa kamag-aral ng mga dapat gawin
15. Kapag may humingi ng personal na impormasyon tulad ng mga numero ng telepono o address, dapat mong:
A. ibigay kaagad ang hinihinging impormasyon at magalang na gawin ito.
B. I-post ang impormasyon sa anumang pampublikong websites tulad ng Facebook, upang makita ng lahat.
C. Iwasang ibigay ang personal na impormasyon online, dahil hindi mo batid kung kanino ka nakikipag-ugnayan.
D. Lahat ay tama.
16. Nakakita ka ng impormasyon o lathalain sa computer na sa iyong palagay ay hindi na angkop, ano ang dapat mong gawin?
A. Huwag pansinin. Balewalain.
B. Ishare ito sa ibang webstes gamit ang computer.
C. Ipaalam agad sa nakakatanda.
D. Ipagmalaki ito sa kaibigan.
17. Ang naibahagi mong personal na impormasyon ay maaaring gamitin ng ibang tao sa paggawa ng krimen. Maaari ring makuha ang
impormasyon na hindi mo nalalaman o binibigyang pahintulot. Ito ang tinatawag na identity theft o fraud.
A. Tama ang isinasaad ng pahayag.
B. May pagkukulang ang isinasaad ng pahayag.
C. Walang katuturan ang pahayag.
D. Hindi mahalaga ang ipinapahayag.
18. Laging tinitiyak ni Narda na itakda kung aling websites ang maaring bisitahin at kung gaano katagal maaring gumamit ng kompyuter, internet at
email ang kanyang mga nakababatang kapatid.
A. Tama ang isinasaad ng pahayag.
B. May pagkukulang ang isinasaad ng pahayag.
C. Walang katuturan ang pahayag.
D. Hindi mahalaga ang ipinapahayag.
19. Ito ang mga elektronikong files na mabubuksan gamit ang computer at application software. Maari itong word document, presentation, mga
litrato, at mga audio at video files.
A. Soft copy
B. Hard copy
C. Device
D. Folders
20. Nagbukas ng mga file sa kanyang computer si Ben. Nag-imprenta siya gamit ang printer. Ano ang tawag sa mga dokumento o imaheng
nakasulat o nakaimprenta sa papel.
A. Soft copy
B. Hard copy
C. Device
D. Folders
21. Maagang natapos nila Rosie at Anna ang kanilang proyekto sa ICT. Maagap nilang nai-save at nilagyan ng pangalan ang files na kanilang
ginawa. Anong paraan ng pag-sasave at pagsasaayus ng files ang kanilang ginawa upang madali nilang mahanap ito?
A. a.Filename
B. b.Computer File System
C. c. File Format
D. d. Softcopy
22. Bakit kailangan lamang gumamit ng mga ligtas na search engine sa internet?
A. dahil maaring magka-virus ang computer at maaaring magbura ng files at iba pa.
B. dahil hindi kakayanin ng program ng computer ang dami ng search engine.
C. dahil maaring bumagal ang komunikasyon gamit nito.
D. wala sa nabanggit
23. Ito ay malware na nangongolekta ng impormasyon mula sa mga tao nang hindi
nila alam. Anong uri ng malware ito?
A. virus
B. spyware
C. adware
D. dialers
24. Ang mga sumusunod ay mga pahayag ng mabuting gawin upang maiwasan ang pagkakaroon ng computer virus at malware. Maliban sa:
A. Paglalagay ng anti-virus na mapagkakatiwalan.
B. Panonood ng malalaswang palabas sa internet sa di mapagkakatiwalaang websites.
C. Pagpapanatiling updated ng computer at software.
D. Pag-iwas sa pag-download ng mga illegal na kopya ng kanta, pelikula at iba pa mula sa internet.
25. Mahalaga ang kaalaman at kasanayan tungkol sa malware at virus sa computer. Ang paglalagay ng anti-virus software at regular na pag-iiscan
ng mga dokumento at pagbubukas lamang ng websites na kapakinabangan ay malaking tulong upang maiwasan ang pagkalat ng malware at
virus sa ating computer.
A. Tama ang isinasaad ng pahayag.
B. May pagkukulang ang isinasaad ng pahayag.
C. Walang katuturan ang pahayag.
D. Hindi mahalaga ang ipinapahayag.
26. Halos dalawang taon na sa Amerika ang nanay ni Gerald. Gamit ang mobile phone at instant messaging applications ay araw-araw
nagkakausap ang mag-ina. Anong kahalagahan ng ICT ang ipinapakita sa sitwasyon?
A. Mas mabilis na komunikasyon
B. Maraming trabaho
C. Maunlad na komersyo
D. Pangangalap, pag-iimbak, at pagbabahagi ng impormasyon
27. Si Manny ay mahilig magpost ng kanyang mga itinitindang produkto sa social media. Dahil dito ay mas nakilala ang kanyang negosyo at
maraming bumibili ng mga produkto na kanyang ibinebenta. Anong kahalagahan ng ICT ang ipinapakita sa sitwasyon?
A. Mas mabilis na komunikasyon
B. Maraming trabaho
C. Maunlad na komersyo
D. Pangangalap, pag-iimbak, at pagbabahagi ng impormasyon
28. Nagbukas ang ICT ng maraming oportunidad para sa tao upang magkaroon ng hanapbuhay tulad ng pagiging computer programmer, web
designer, graphic artist, vlogger, encoder, at technician. Anong kahalagahan ng ICT ang ipinapakita sa sitwasyon?
A. Mas mabilis na komunikasyon
B. Maraming trabaho
C. Maunlad na komersyo
D. Pangangalap, pag-iimbak, at pagbabahagi ng impormasyon
29. Uri ng website na ginagamit sa pagsasaliksik ng impormasyon sa internet. Halimbawa ang Yahoo at Google.
A. Web browser
B. Search engine
C. Search box o search field
D. Google Chrome
30. Natutuhan at nakahiligan ni Regine kumuha ng mga video, larawan at music gamit ang computer at internet. Anong proseso o tawag sa
pagkuha ng isang electronic file gaya ng text, image music, o video file mula sa web server ang natutuhan ni Regine?
A. Upload
B. Download
C. Click
D. Double-click

II. Punan ang mga nawawalang titik upang mabuo ang wastong sagot sa bawat bilang.

31. Aling button ang iki – click kung nais makita at Mabasa ang bagong email na ipinadala sa iyo.

32. Anong button ang iki – click kung nais mong sagutin ang isang email?

33. Alin ang iki-click kung nais mong maglakip ng isang dokumento o iba pang media files sa iyong email?

34. Ano ang iki – click kung tapos na nag paggawa ng email at handa na itong ipadala?

35. Ano ang iki-click para mapili ang dokumentong ilalakip sa email?

III. Pagsunod-sunurin ang mga paraan sa pagsagot sa email na may kalakip na dokumento. Gamitin ang titik A, B, C, D, at E upang maipakita ang
pagkakasunod-sunod nito.

_______36. 1. I-click ang Attach a file link.

_______37. Buksan ang email na ipinadala sayo.

_______38. I-click ang “Browse” at “browse file” na iyong ilalakip at i-click ang OK.

_______39. Matapos itong basahin, i-click ang “Reply”. I-type ang sagot sa mensahe na ipinadala sa iyo.

_______40. I-click ang “Send”.

You might also like