You are on page 1of 6

Region I

PANGASINAN DIVISION II
San Fabian District I
Rabon Elementary School

Ikatlong Markahang Pagsusulit


FILIPINO 4

Pangalan:____________________________________________________________________ Date:__________

Baitang:_______________________________________________________________________ Score: _________

Isulat ang titik ng tamang sagot.

_______1. Maraming ________ bulaklak sa paligid ng parke.


a. mababaho b. makukulay c. mababango d. magaganda
_______2. Lumulubog nang _______ ang araw na mamamasdan ng mga namamasyal sa
tabing dagat ng Luneta.
a. mabilis b. unti-unti c. mabagay d. dahan-dahan
_______3. Nagtatakbuhan nang _______ ang mga mag-aaral sa Rizal Park.
a. mabilis b. mabagal c. maliksi d. matulin
_______4. Makikita ang _______ na bantayog ni Dr. Jose Rizal sa Luneta.
a. mataas b. matatag c. matayog d. maganda
_______5. Maraming namamasyal na _______ na mag-aaral na kasama ang buong pamilya
sa parke.
a. maliit b. makulit c. maliksi d. masaya
_______6. Piliin ang tamang pang-angkop upang mabuo ang pangungusap.
__________ sumulat ang batang si Lando.
a. Masayang b. Totoong c. Maraming d. Magandang
_______7. Talagang mataas ang pangarap ni Nita. Alin sa pangungusap ang pang-angkop?
a. ni b. mataas b. pangarap d. talagang
_______8. Bumaha sa lansangan dahil sa bagbuhos ng malakas na ulan. Ano ano ang
tawag sa salitang nasalungguhitan?
a. pangatnig b. simuno c. pang-abay d. pang-angkop
_______9. Lahat tayo’y may galing subalit kailangang tuklasin ito. Alin dito ang pangatnig na
ginamit sa pangungusap?
a. may b. lahat c. galing d. subalit
_______10. Linangin mo ito upang lalo ka pang gumaling. Alin dito ang pangatnig na
ginamit sa pangungusap?
a. mo b. lalo c. upang d. gumaling
_______11. Piliin ang angkop na pangatnig upang makompleto ang pangungusap.
Magsanay ka _____ tiyak na mapagbubuti mo pa ito.
a. at b. dahil c. upang d. subalit
_______12. Ang ilog ay nilinisan ng mga tao. Alin dito ang simuno?
a. tao b. ilog c. malinis d. nilinisan
_______13. Magandang pasyalan ang Luneta sapagkat dito matatagpuan at makikita ang
bantayog ni Dr. Jose Rizal. Ano ang kahuhlugan ng salitang may guhit sa
pangungusap.
a. Makikita b. mararating c.mapapasyalan d. mapupuntahan
_______14. Malalanghap ang sariwang hangin at maamoy ang mababang bulaklak sa
parke. Ano ang kahuhlugan ng salitang may guhit sa pangungusap.
a. Maaamoy b. madadampian
c.masisinghot d. mararamdaman
Basahin ang talata at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Tinatawag na climate change o global warming ang pag-init ng


klima ng mundo. Sa kasalukuyan, isa sa pinakamalubhang suliranin na
kinakaharap hindi lamang ng ating bansa kundi ng buong mundo at ng
katauhan. Sa ngayon, isang banta ang climat change.
Dahil sa pagtaas ng tubig-dagat, maraming mamamayan sa mga
lugar sa relihiyon ng Pasipiko ang mawawalan na ng tirahan. Dagdag pa
rito, maraming ecosystem ang napipinsala sanhi ng paka-extinct ng
maraming hayop tulad ng mga isda, amphibians, at reptlites.

_______15. Bakit nagkakaroon ng global warming?


a. Dahil sa maruming tubig sa dagat.
b. Dahil sa pag-init ng klima sa mundo.
c. Dahil sa masangsang na amoy ng basura.
d. Dahil sa maraming hayop ang namamatay sa ating paligid.
_______16. Paano natin maiiwasan ang global warming?
a. Magputol ng mga punong kahoy.
b. Sunugin ang mga nagkalat na basura.
c. Gumamit ng dinamita sa pagkuha ng isda.
d. Iwasan ang pagsunog ng mga plastic o basura.
_______17. Malamig ang klima sa Baguio City ngayon. Anoa ng ipinahihiwatig ng
pangungusap?
a. ewan b. opinion c. pwede d. katotohanan
_______18. Sa aking palagay si Bea ang mananalo sa timpalak.
a. ewan b. opinion c. pwede d. katotohanan
_______19. Pakinggang mabuti ang babasahing tula ng iyong guro. Ano ang angkop na
pamagat ng tula?
a. Ulirang bata b. Masipag na bata
c. Mabait na bata d. Kagiliw-giliw na bata
_______20. Si Marie ay kumain ng hilaw na mangga at uminom ito ng malamig na malamig
na soft drink. Ano sa palagay mo ang mangyayari kay Marie?
a. Lalagnatin si Marie b. Mabilis na lalaki si Marie
c.Sasakit ang tiyan ni Marie d. Sasakit ang ngipin ni Marie
_______21. Basahin at alamin kung ano ang maaaring susunod na mangyayari sa binasa.

Ang Aming Pamamasyal

“Yipee!” masaya kong nasambit nang makarating kami sa parke. Ito ang
unang pagkakataon na namasyal na kasama ko sina Tatay at Nanay. Agad
kong ni yaya si Tatay na sumakay sa higanteng ferris wheel.
a. Wala na silang pera pag-uwi ng bahay.
b. Magagalit ang Tatay sa pagsakay sa Higanting ferris wheel.
c. Masisira ang araw ng Nanay dahil sa mga nagastos sa parke.
d. Matutuwa ang Tatay at Nanay dahil napasaya nila ang kanilang anak.
_______22. Si Mang Nestor ay nagkasakit ng cancer dahil sa sobrang paninigarilyo nito. Ano
ang opinion mo para kay Mang Nestor.
a. Uminom ng gamot upang hindi magkasakit.
b. Sikaping huwag manigarilyo upang hindi magkasit.
c. Ugaliing magpakunsulta sa doctor kung naninigarilyo.
d. Manigarilyo ng dalawang beses lamang upang hindi magkasakit.
_______23. Isang batang patpatin ang marahang lumalakad sa lansangan. Ano ang
kahulugan ng salitang may salungguhit?
a. payat b. iyakin c. sakitin d. ginawang patpat
_______24. Sa kalaunan ay bumuti rin ang kanilang buhay. Ano ang kahulugan ng salitang
may salungguhit?
a. naluma b. naloan c. katagalan d. parang unan
_______25. Sa binasang tula ng iyong guro, Sino ang paksa sa tula?
a. ate b. kuya c. bata d. nanay
_______26. Ano ang nangingibabaw na katangian ng bata?
a. makulit b. masigla c. masuyo d. masunurin
_______27. Pakinggang mabuti ang babasahing ulat ng iyong guro.
Ano ang sanhi ng pagdulot ng mga landslide o pagguho ng lupa sa bayan ng
Itogon?
a. Dahil sa pagputol ng mga punong kahoy.
b. Dahil sa pag-ulang dala ng bagyong Ompong.
c. Dahil sa tamang pagtapon ng basura sa paligid.
d. Dahil sa malambot na lupa sa mga lugar ng Itogon.
_______28. Ano ang naging bunga ng hindi paglikas ng apat na pamilya sa Kayapa?
a. Nabaha ang kanilang bahay.
b. Nasunog ang kanilang bahay.
c. Natabunan ng gumuhong lupa.
d. Gumuho ang buong bahay dahil sa lindol.
_______29. Dumaan kami sa napakalinis na kalye sa aming pamamasyal. Ano ang
kahulugan ng salitang may salungguhit?
a. daan b. tulay c. kalsada d. parke
_______30. Isang malungkot na pangyayari ang naganap sa aming pamilya ang naganap
sa aming pamilya. Anong salitang kasingkahulugan ng naganap?
a. naalala b. nangyari c. nagparating d. pagpapaalam
_______31. Isang napakagandang likhang-sining ang iginuhit ni Tatay para kay Nanay. Ano
ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
a. nababagay b. pagluluksa c. nagparating d. larawang ipininta
_______32. Nahulog ang pitaka ng isang Ale at nakita mong ibinulsa ng iyong katabi. Tama
ba ang kaniyang ginawa? Bakit?
a. Opo, upang magkaroon siya ng pera.
b. Opo, dahil siya ang nakakita ng pitaka.
c. Hindi po, dahil mali ang kumuha ng hindi sayo.
d. Hindi po, dahil kailangan sa bag ilagay para hindi mawala.
_______33. Masipag mag-aral si Tin-Tin kahit nasa bahay ito. Masipag naming maglaro sa
kapitbahay si Tan-Tan. Sino kaya sa kanila ang mabibigyan ng karangalan?
Bakit?
a. Si Tin-Tin, dahil mahilig manood ng t.v.
b. Si Tin-Tin, dahil masipag mag-aral kahit nasa bahay.
c. Si Tan-Tan, dahil masipag mag-aral kahit nasa bahay.
d. Si Tan-Tan, dahil masipag siyang makipaglaro sa kapitbahay.
Para sa mga bilang na 34, 35, at 36, Basahin ang talata at hanapin ang nararapat
na pamagat.
_______34.
Makagagawa ka ng keso mula sa gatas ng kalabaw, baka, o kambing.
Asinan ang gatas, pakuluin nang tatlumpong minuto habang hinahalo
at pagkatapos itinggal nang mga sampung oras. Magkaroon ito ng
mga buo-buong bahagi na siyang babalutin sa murang dahoon.
Ngayon, may kesong puting napakadaling gawin.
St. Mary’s Publishing Corp.
a. Ang Gatas b. Ang Puting Keso
c.Saan nagmula ang Keso d. Ang Keso na Gawa sa Gatas
_______35.
Maraming uri ng dapo sa Pilipanas. Matatagpuan ang mga ito sa tuktok
ng mga matataas na punongkahoy sa kagubatan. Mayroon din
namang tumutubo sa mga kapatagan. Napakahirap manguha at
mag-alaga ng dapo kaya napakataas ng halaga nito kung bibilhin.
St. Mary’s Publishing Corp.
a. Ang Dapo b. Ang Gulay
c.Ang Hayop d. Ang Dapo sa Kagubatan
_______36.
Ang puto bumbong. Bukod sa kilalang pagkaing Pinoy ay kabilang din
sa tradisyon ng Paskong Pilipino. Ito ay kulay lila/ube at kakaning
gawa sa giniling na malagkit na bigas. Isa ito sa mga pinakapopular
na pagkaing mabibili tuwing sasapit ang panahon ng Kapaskuhan.

a. Pasko b. Pagkaing Pinoy


c.Puto bumbong d. Malagkid na Bigas
_______37. Ang pamilyang De Guzman ay pumunta sa Alaminos. Namasyal sila sa
Hundred Island. Sumakay sila ng bangka para sa pagpunta sa iba’t-ibang island.
Paano sila nakapunta sa iba’t-ibang island?
a. Sumakay ng bus. b. Sumakay ng dyip.
c.Sumakay ng bangka. d. Sumakay ng eroplano.
_______38. Nakulong si Mila dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na gamut. Bakit nakulong
si Mila?
a. Nagnakaw ng cellphone.
b. Nanakit ng kanyang anak.
c. Gumagamit ng bawal na gamut.
d. Kumuha ng gulay ng hindi nagpapaalam.
_______39. May bago kang kaklaseng kakaiba ang kilos, bihis, at pananalita. Iniiwasan siya
ng iba mo pang kaklase dahil sa kanyang itsura at kilos. Ano kaya ang
mangyayari sa kanya?
a. Palagi siyang tahimik at nag-iisa.
b. Palagi siyang matutuwa sa kaklase.
c. Palagi siyang makikipaglaro sa kaklase.
d. Palagi siyang mag-aaral kasama ng klakase.
_______40. Palaging kumakain ng matatamis na pagkain si Lara. Pagpasok sa paaralan
agad siyang bumibili ng kende sa tindahan. Pagkaraan ng ilang araw si Lara ay
________________. Ano kaya ang magiging wakas ng iyong binasa?
a. Sasakit ang ulo ni Lara. b. Sasakit ang ngipin Lara.
c.Sasakit ang paa ni Lara. d. Sasakit ang tiyan ni Lara.
Prepared by:

MARIVIC A. RAMOS LILIAN L. ROCAFOR


Teacher III Teacher I

Checked & Review by:


GLENDA C. ASPIRAS
Master Teacher 1

Noted:
DIONISIA E. IMBUIDO
Principal I

MA.TERESA A. JAVIER, Ed.D.


Public Schools District Supervisor
19. Munting bata man ako kung tawagin
Nakatutulong din sa mga gawain
Buong kasiyahang ito’y gagawin
Upang ang lahat maging maligaya rin.
Pakisuyo ni Nanay at saka ni Tatay
Gayundin ni Kuya at Ate naming
Sinusunod ko ang kanilang mga hiling
Kaya ako’y munting batang kagiliw-giliw

Modesta R. Jaurigue

27-28
Sa bayan ng Itogon, Benguet, at Kayapa, Nueva Vizcaya, nagdulot ng mga
landslide o pagguho ng lupa ang mga pag-ulang dala ng bagyong Ompong.

Sa Itogon, naiulat ang apat na insidente ng pagguho, kung saan hindi bababa
sa 30 ang naitalang patay habang 29 pa ang pinaghahanap.

Sa Kayapa, napatay ang apat na miyembro ng pamilya nang matabunan ng


gumuhong lupa ang kanilang bahay.

19. Munting bata man ako kung tawagin


Nakatutulong din sa mga gawain
Buong kasiyahang ito’y gagawin
Upang ang lahat maging maligaya rin.
Pakisuyo ni Nanay at saka ni Tatay
Gayundin ni Kuya at Ate naming
Sinusunod ko ang kanilang mga hiling
Kaya ako’y munting batang kagiliw-giliw

Modesta R. Jaurigue

27-28

Sa bayan ng Itogon, Benguet, at Kayapa, Nueva Vizcaya, nagdulot ng mga


landslide o pagguho ng lupa ang mga pag-ulang dala ng bagyong Ompong.

Sa Itogon, naiulat ang apat na insidente ng pagguho, kung saan hindi bababa
sa 30 ang naitalang patay habang 29 pa ang pinaghahanap.
Sa Kayapa, napatay ang apat na miyembro ng pamilya nang matabunan ng
gumuhong lupa ang kanilang bahay.

You might also like