You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region- II Cagayan Valley
Schools Division of Cagayan
BALLESTEROS DISTRICT
PAYAGAN EAST ELEMENTARY SCHOOL

ARALING PANLIPUNAN V
Pangalan: __________________________________________________________ Baitang at Seksyon: ___________

Guro sa AP: _________________________________________________________________ Petsa: _____________

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bawat bilang.

_______1. Ano ang tawag sa tuwirang pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa mas mahinang bansa upang
pakinabangan ang mga yaman nito?

A. Eksplorasyon B. Ekspedisyon C. Imperyalismo D. Kolonyalismo

_______2. Anong bansa ang mahigpit na karibal ng Espanya sa larangan ng pananakop sa mga bansa?

A. Alemanya B. Estados Unidos C. Hapon D. Portugal

_______3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga layunin ng kolonyalismo?

A. God B. Gold C. Glory D. Grandeur

_______4. Ano ang tawag sa lugar o bansang tuwirang kinontrol at sinakop ng isang makapangyarihang bansa?

A. Estado B. Imperyo C. Kolonya D. Teritoryo

_______ 5. Anong kasunduan ang pinagtibay upang matukoy ang hangganan ng lupain na pwedeng tuklasin at
sakupin ng Portugal at Espanya?

A. Kasunduan sa Geneva B. Kasunduan sa Tordesillas

C. Kasunduan sa Paris D. Kasunduan sa Washington

______6. Ano ang tawag sa patakarang pangkabuhayan na umiral sa Europa kung saan nakabatay sa dami ng yaman
sa kaban ng bayan ang kapangyarihan at katatagan ng isang bansa? \

A. Eksplorasyon B. Katolisismo C. Kolonyalismo D. Merkantilismo

_______7. Alin sa mga sumusunod na layunin ng kolonyalismo ang tumutukoy sa pagnanais na makakuha ng mga
kayamanang taglay ng mga masasakop na lupain gaya ng ginto, pilak at mga pampapalasa o spices?

A. God B. Gold C. Glory D. Grandeur

_______8. Bakit sinuportahan ng Simbahang Katoliko ang Espanya at Portugal sa pagtuklas ang pagsakop ng mga
lupain?

A. Upang makahanap ng bagong ruta patungong silangan.


B. Upang makakuha ng mga kayamanan sa mga bagong lupain.

C. Upang maging tanyag ang mga bansang nakiisa sa simbahan.

D. Upang maipalaganap ang relihiyong Kristiyanismo sa ibang panig ng daigidig.

_______9. Ayon sa pamantayan ng mga bansa sa Europa noong Panahon ng Paggalugad at Pagtuklas, paano
masasabi na tanyag at may karangalan ang isang bansa?

A. Kung maraming lupain ang nagalugad at nasakop nito.

B. Kung naipalaganap sa mga kolonya ang relihiyong Kristiyano.

C. Kung nakapangalap ng mga kayamanan gaya ng ginto, pilak at mga pampalasa sa mga lupain nasakop

D. Lahat ng nabanngit.

_______ 10. Bakit inilabas ni Papa Alexander VI ang Inter Caetera o Papal Bull?

A. Upang hatiin ang daigdig sa pagitan ng Espanya at Olandya.

B. Upang maiwasan ang kompetisyon sa pagitan ng Espanya at Portugal.

C. Upang hikayatin ang ibang bansa sa Europa na makilahok sa eksplorasyon.

D. Upang itakda ang hangganan kung saan maaaring ipalaganap ang relihiyong Kristiyanismo.

_______11. Sino ang pinuno ng mga katutubo sa Isla ng Mactan na tumalo sa pangkat ni Magellan?

A. Kolambo B. Humabon C. Lapu-Lapu D. Zula

_______12. Alin sa mga sumusunod na barko ng ekspedisyong Magellan ang bukod tanging nakabalik sa Espanya at
nakapagtala bilang kauna-unahang sasakyang pandagat na nakalibot sa mundo?

A. Conception B. San Antonio C. Trinidad D. Victoria

_______ 13. Ang pangalang Pilipinas ay nagmula sa salitang “Felipinas” na hango sa pangalan ng susunod na hari ng
Espanya na si Felipe. Sinong manlalakbay ang nagbigay ngalan sa bansa?

A. Alvaro de Saavedra B. Ruy Lopez de Villalobos

C. Miguel Lopez de Legazpi D. Sebastian Elcano

_______ 14. Nabalitaan ni Legazpi na ang Maynila ay isang maunlad na pamayanan sa bukana ng Ilog Pasig. Sino ang
namumuno sa pamayanang ito?

A. Lakandula B. Rajah Soliman C. Rajah Sikatuna D. Rajah Tupaz


_______ 15. Sinong monarka ang umayon sa layunin ni Ferdinand Magellan na maglakbay patungong silangan gamit
ang pakanlurang direksyon at nagkaloob ng limang barko para sa kanyang paglalakbay?

A. Haring Carlos I B. Haring Felipe II C. Haring Manuel I D. Haring Felipe V

_______16. Sino ang pinuno ng pinakatanyag na ekspedisyon sa Panahon ng Paggalugad at Pagtuklas?

A. Legazpi B. Loaisa C. Magellan D. Villalobos

_______17. Anong bansa ang sumakop sa Pilipinas noong 1565 sa pangunguna ni Miguel Lopez de Legazpi?

A. Espanya B. Estados Unidos . C.Hapon D. Portugal


_______18. Ano ang nais patunayan ni Ferdinand Magellan sa kanyang paglalayag pakanluran patungo sa silangan
mula sa Europa?

A. Mararating niya ang Bagong Daigdig

B. Magkakadugtong ang mga lupain sa Mundo

C. Mas mahusay ang mga Espanyol kaysa sa mga Portuguese

D. Maaaring marating ang mga lupain sa silangan sa pamamagitan ng paglalayag patungong kanluran upang
mapatunayan na ang mundo ay bilog.

_______19. Bakit tinawag ni Magellan ang isla ng Guam na Isla de Ladrones?

A. Dahil sa maganda ang tanawin ditto

B. Dahil madaming bunga ng lansones dito

C. Dahil sa mainit ang panahon sa islang ito

D. Dahil ninakaw ng mga katutubo ang isa sa kanilang mga bangka

_______ 20. Nagpabinyag si Rajah Humabon at ang kaniyang asawa na si Juana sa mga Espanyol. Ano ang
ipinahihiwatig nito?

A. pag-iwas sa pananakop ng mga Espanyol

B. paglaban sa pananakop ng mga Espanyol

C. pagtanggap sa pananakop ng mga Espanyol

D. pagsawalang-kibo sa pananakop ng mga Espanyol

Panuto: Piliin ang salita sa loob ng kahon na tumutukoy sa mga paglalarawan sa ibaba. Isulat ang sagot sa patlang
bago ang bawat bilang.

Crusaders Kolonyalismo Marco Polo March 16, 1521

Alexander VI Merkantilismo Katolisism March 31, 1521

April 14, 1521 .April 27, 1521 Rajah Kolambu Raja Humabon

God, Gold and Glory

__________________21. Tawag sa pananakop ng mga lupain upang pakinabangan ang mga yaman nito.
__________________22. Ang Papa ng Roma na naglabas ng dekreto o Papal Bull na naghati sa daigdig sa lupaing
sasakupin ng Espanya at Portugal.

__________________23. Tawag sa mga Kristiyanong kawal na nakibagahi sa pagbawi ng Holy Land sa mga Muslim.
__________________24. Manlalakabay mula sa Venice, Italy na nagsulat ng mga aklat na naglalarawan ng kultura at
yaman ng Asya.

__________________25. Relihiyong ipinalaganap ng Espanya at Portugal habang sila ay nananakop.

__________________26. Pagdating ng ekspedisyon ni Magellan sa Pilipinas

__________________27. Kauna-unahang pagbibinyag sa bansa na naganap sa Isla ng Cebu.


__________________28. Kauna-unahang misa sa Pilipinas na ginanap sa Isla ng Limasawa

__________________29 Ang tatlong pangunahing layunin ng Espanya sa pananakop sa Pilipinas.

__________________30. Siya pinuno sa Limasawa at Raja na nakipagkasanduguan kay Magellan bilang tanda ng
pagkakaibigan.

Panuto: Suriin ang mga pahayag. Isulat sa patlang bago ang bawat bilang ang T kung ang pahayag ay tama at M kung
mali.

______31. Ninais ng Papa Alexander VI na maipalaganap ang relihiyong Kristiyanismo kung kaya’t pinahintulutan
niya ang pananakop ng mga bagong lupain.

______32. Napakinabangan ng mga kolonyalistang bansa ang mga nasakop nitong lupain dahil sa mga yamang likas
nito at yamang tao.

______33. Ang pananakop ng mga lupain upang mapakinabangan ang yaman nito ay tinatawag na merkantilismo.
______34. May tatlong pangunahing dahilan ang mga kolonyalistang bansa sa pananakop. Ito ay ang
pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo, kayamanan at kawanggawa.

______35. Noong ika- 16 na dantaon, nanguna ang bansang Espanya at Alemanya sa larangan ng paglalayag at
pananakop ng mga lupain.

______36. Merkantilismo ang tawag sa pamamaraang pangkabuhayang kung saan nakabatay sa sa dami ng yaman sa
kaban ng bansa ang kapangyarihan at katatagan ng isang bansa.

______37. Tinatawag na imperyo ang bansang nasakop ng isang malaki at malakas na bansa o teritoryo.

______38. PATRONATO REAL ay Kasunduan ng Papa at ng hari ng Espanya sa pagpapalaganap, pagpapanatili at


pagtatanggol sa relihiyong Romano Katoliko sa lahat ng kolonya ng Spain.

______39. Sa Limasawa naganap ang unang Misa sa Pilipinas.

______40. Crusaders ang tawag sa mga Kristyanong kawal na nakibahagi sa pagbawi ng mga dating Kristyanong
lupain mula sa mga Muslim sa Holy Land
ANSWER KEY

1. D 21.Kolonyalismo VI 26. March 16, 1521

2. D 22. Papa Alexander 27.

3. D 23. Crusaders 28.

4. C 24. Marco Polo 29

5. C 25. Katolisismo 30.

6. D 31. T

7. B 32. T

8. D 33. M

9. D 34. M

10. B 35. M

11. C 36. T

12. D 37. M

13. C 38. T

14. C 39. T

15. A 40. T

16. C

17. A

18. D

19. D

20. C

You might also like