You are on page 1of 4

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA AP6

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Sino ang unang naging guro ng mga Pilipino na ipinadala ng pamahalaang


Amerikano na dumating sa Pilipinas sakay ng barkong SS Thomas?
A. European B. Mestizo C. Prayle D. Thomasites
2. Ano ang unang ospital na pinatayo ng mga Amerikano sa Pilipinas?
A. Provincial Hospital C. Manila Medical Center
B. St. Lukes Medical Center D. Philippine General Hospital
3. Alin sa mga paaralan ang itinatag ng mga Amerikano noong 1908?
A. Ateneo de Manila C. Unibersidad ng Pilipinas
B. Philippine Normal School D. Unibersidad ng Santo Tomas
4. Anong relihiyon ang HINDI naitatag sa panahon ng mga Amerikano?
A. Born Again B. Dating Daan C. Presbyterian D. Protestantismo
5. Ano ang naging pangunahing tuon ng edukasyon sa panahon ng mga
Amerikano?
A. demokrasya C. kalusugan
B. kalinisan D. pananampalataya
6. Alin ang naidudulot ng mabilis at makabagong paraan ng transportasyon?
A. Umunlad pati ang ekonomiya ng bansa.
B. Hindi na naglakad kailanman ang mga Pilipino.
C. Wala itong masyadong naitulong sa pamumuhay ng mga tao.
D. Maraming tao ang nasasagasaan sa mga kalsada at namamatay.
7. Sa anong taon itinatag ng mga Amerikno ang pamahalaang sibil sa Pilipinas?
A. 1901 B. 1904 C. 1906 D. 1909
8. Ano ang dahilan ng pagpatupad ng patakarang pasipikasyon at kooptasyon?
A. para makamit ang Kalayaan
B. upang masupil ang nasyonalismo
C. upang maging Amerikano ang lahat
D. upang maging malaya ang mga Pilipino
9. Alin sa mga batas na nagpapakita ng kalupitan ng mga Amerikano?
A. pagbabawal sa pagtatag sa partido politikal
B. pagbabawal sa pamamahayag partikular na balita o artikulo
C. pagpapatapon sa mga Pilipinong nakikipaglaban para sa kalayaan
D. Lahat ng Nabanggit
10. Ano ang tawag sa Pilipinong nakikipaglaban para sa kalayaan tulad ni Apolinario
Mabini at Melchora Aquino na ipinatapon sa Guam?
A. ilustrado B. irreconcilables C. rebelled D. Thomasites
11. Bakit pamahalaang militar muna ang itinatag ng mga Amerikano sa Pilipinas?
Upang mapanatili ang .
A. kapayapaan C. sistematikong pampalakasan
B. magandang kabuhayan D. maayos na sistema ng edukasyon
12. Ang pagsisikap ng mga Pilipino na makamit ang kalayaan sa kamay ng mga
Amerikano ay ipinakita sa pamamagitan ng pagpapadala ng mahuhusay na Pilipino
sa Estados Unidos na tinaguriang:
A. Misyong Pangkalayaan C. Pamahalaang Komonwelt
B. Kasunduang Pang-militar D. Kasunduang Pangkapayapaan
13. Sino ang nagtaguyod ng Philippine Autonomy Act?
A. Henry Allen Cooper C. William Atkinson Jones
B. Jacob Schurman D. William Howard Taft
14. Ano ang sistema ng pamahalaan ayon sa Jones Law?
A. Katulad ng mga Pilipino C. Katulad ng mga Espanyol
B. Katulad ng mga Frances D. Katulad ng mga Amerikano
1|P age - ANP
15. Batas na naglalahad ng pagkatatag ng isang halalan para sa Pambansang
Asemblea at pangangalaga ng mga likas na yaman ng bansa para sa Pilipino.
A. Batas Jones C. Batas Pilipinas 1902
B. Probisyon ng Cooper act D. Hare-hawes -Cutting Law (1932)
16. Alin ang hindi kabilang sa tatlong sangay ng pamahalaan na itinakda sa
Philippine Act of 1916 (Batas Jones).
A. Pangulo o senado C. Ehekutibo o tagapagganap
B. Lehislatibo o tagapagbatas D. Hedikatura o tagapaghukom
17. Alin sa mga sumusunod ang pinakamabuting pagbabago sa panahon ng
Komonwelt na naranasan ng mga Pilipino sa larangan ng pulitika?
A. Pagmamay-ari ng sariling negosyo at kabuhayan
B. Pag-aaral ng libre sa mga pampublikong paaralan
C. Pagiging kawani sa mga tanggapan ng pamahalaan
D. Pagbibigay ng karapatan na makapili at makaboto ng mga pinuno
18. Pinagtibay ang Saligang-Batas ng 1935 matapos ang plebisito na sinang-ayunan
ng nakararaming Pilipino. Kasunod nito ay pinili ang mga delegado na
magsasagawa nito. Ipinakita ng mga Pilipino na sila ay may:
A. Karapatang makapag-aral ang bawat Pilipino
B. Karapatang mahalal at maghalal ng pinuno sa pamahalaan
C. Kalayaan sa pagsapi sa Estados Unidos bilang opisyal na teritoryo
D. Pantay na karapatan sa pakikipagkalakalan sa mga dayuhang bansa
19. Anong batas ang ipinatupad ng Komonwelt ng Pilipinas na naglalarawan ng
karapatang pantao ng mga Pilipino sa perspektibo ng mga Amerikano?
A. Batas Militar C. Philippine Independence (1942)
B. Philippine Autonomy Act (1916) D. Philippine Organic Act (1902)
20. Sino ang unang pangulo ng Komonwelt?
A. Carlos P. Romulo C. Manual Roxas
B. Manuel L. Quezon D. Sergio Osmenia
21. Ilang taon ang itinakda na magtatagal ang Pamahalaang Komonwelt?
A. 6 B. 8 C. 10 D. 12
22. Kailan binomba ng mga Hapones ang Pearl Harbor, Hawaii na naging simula ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A. Disyembre 7, 1941 C. Abril 9, 1942
B. Disyembre 26, 1941 D. Mayo 6, 1942
23. Sinong Amerikano ang unang pinuno ng USAFFE?
A. Hen. Douglas MacArthur C. Hen. Jonathan Wainwright
B. Hen. Edward P. King D. Hen. Masaharu Homma
24. Saan nagmula at nagtapos ang paglalakad ng mga bilanggong kawal sa
tinaguriang “Death March”?
A. Mula Mariveles, Bataan hanggang Maynila
B. Mula Mariveles, Bataan hanggang Tarlac
C. Mula Mariveles, Bataan hanggang Pampanga
D. Mula Mariveles, Bataan hanggang Panggasinan
25. Sino ang pinuno ng hukbong Hapon na sumakop sa Pilipinas?
A. Hen. Hirohito C. Hen. Nagasaki
B. Hen. Masaharu Homma D. Hen. Yamashita
26. Kailan bumagsak sa mga kamay ng mga Hapon ang Corrigedor?
A. Enero 2, 1942 B. Enero 23, 1942 C. Abril 9, 1942 D. Mayo 6, 1942
27. Alin sa mga dahilan ang naging sanhi ng pagkamatay ng mga kawal na
Amerikano at Pilipino habang nagmamartsa patungong Pampanga?
A. sobrang tulog C. gutom, pagod at sakit
B. nasobrahan ng kain D. palagiang pahinga sa bawat bayan

2|P age - ANP


28. Paano madaling nagapi ng mga Hapon ang puwersang Pilipino-Amerikano?
A. sa pamamagitan ng propaganda
B. sa pamamagitan ng pagbabayad ng malaking halaga
C. sa pamamagitan ng pagpatay sa mga sumukong sundalo
D. sa pamamagitan ng walang humpay na pagbomba sa mga mahahalagang
instalasyong military
29. Anong taon dumating sa Pilipinas ang mga Hapon?
A. 1939 B. 1941 C. 1944 D. 1950
30. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa layunin ng Japan sa pananakop sa
Pilipinas.
A. Pagpapalawak ng teritoryo sa mga bansa sa Asia
B. Paghahangad na makilalang lider ng mga Asyano
C. Pagpapanap ng mapagdadalhan ng mga produkto nito
D. Pagtatag na maging isang bansa sa buong mundoAnu-ano ang motibo ng
mga Hapon sa pananakop ng mga bansa?
31. Anong relasyon ang namagitan sa Amerika at Hapon sa pagsisimula ng
ikalawang digmaang pandaigdig?
A. May tiwala sa bawat isa C. Magkaalyado o magkaibigan
B. Matagal na silang may alitan D. Magkalapit ang kinaroroonan
32. Bakit nasali ang Pilipinas sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig? Dahil
A. mayaman ito.
B. ginalit nito ang mga Hapon.
C. ito ay bahagi ng kolonya ng Amerika.
D. ito ay isang Komonwelt na protektado ng Amerika.
33. Ano ang ginawa ng mga Pilipinong opisyal nang sumuko na ang tropang
Amerikano sa mga Hapon?
A. Sumuko na rin
B. Nagtago sa malalayong lugar
C. Nakipagtulungan sa mga Hapon
D. Namundok at naglunsad ng pakikidigmang gerilya
34. Sa gitna ng pananakop ng mga Hapones, umalis si Hen. MacArthur sa utos ng
Pangulong Roosevelt ng Amerika at nagtungo sa .
A. Amerika B. Australia C. Canada D. China
35. Anong uri ng pamahalaan ang itinatag ng mga Hapones?
A. Pamahalaang Komonwelt C. Pamahalaang Demokratiko
B. Pamahalaang Totalitaryan D. Pamahalaang Parlyamentaryo
36. Ano ang tawag sa panahon ng mga Hapones dahil sa takot at pagaalinlangan
ang naghahari? Panahon ng .
A. Kadiliman B. Kahirapan C. Kasayahan D. Kapayapaan
37. Alin sa mga wikang ito ang itinuro at ipinagamit sa mga paaralan noong
panahon ng pananakop ng Hapon?
A. English B. Kastila C. Niponggo D. Tagalog
38. Bakit tinawag na Puppet Republic ang Ikalawang Republika ng Pilipinas? Dahil
A. pilipino lahat ang namumuno.
B. laruang Puppet ang paboritong nilang laro.
C. pinamamahalaan ng mga Hapones ang buong bansa.
D. ang pangulo ay napasailalim ng kapangyarihan ng mga Hapones.
39. Bakit tinawag na Mickey Mouse Money ang perang papel sa panahon ng
pananakop ng mga Hapon? Dahil
A. mula sa bansang Hapon ang pera.
B. may litrato ni Mickey Mouse ang pera.
C. laruang pera ang ginamit nilang pera.
D. kailangan mo ng maraming perang papel para bumili ng bilihin.

3|P age - ANP


40. Ano ang tawag sa mga pulis militar ng Hapones?
A. Direktor B. Heneral C. Kempei-tai D. Makapili
41. Bakit idineklarang open city ang Maynila? Upang
A. mapalakas ang USAFFE
B. hindi makapasok ang mga Hapones
C. makatakas ang mga sundalong Amerikano
D. maiwasan ang labis na pagkawasak ng lungsod
42. Ano ang tawag sa mga sundalo o sibilyang namundok at patuloy na
nakipaglaban sa mga Hapones?
A. Gerilya B. HUKBALAHAP C. KALIBAPI D. Makapili
43. Sino ang pumalit kay Hen. Douglas MacArthur bilang kumander ng USAFFE?
A. Arthur MacArthur C. Hen. Jonathan Wainwright
B. Hen. Masaharu Homma D. Hen. Edward P. King
44. Aling kilusan laban sa mga Hapon ang binubuo ng mga magsasakang handang
mangalaga sa katahimikan ng bayan?
A. Gerilya B. HUKBALAHAP C. KALIBAPI D. Makapili
45. Ang walang humpay na pag-atake ng hukbong paghihimpawid ng Hapon, ang
siyang naging dahilan ng pagbagsak ng depensa ng USAFFE. Ano ang ibig sabihin
ng USAFFE?
A. United States Armed Forces
B. United States of America Forces
C. United States Armed Forces in the Far East
D. United States Armed Forces in the Far Eastern
46. Ano ang ibig sabihin ng HUKBALAHAP?
A. Hukbo ng Bayan Laban sa Kastila
B. Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon
C. Hukbo ng Bayan Laban sa Pilipino
D. Hukbo ng Bayan Laban sa Amerika
47. Paano nilabanan ng mga Pilipino ang pagmamalupit ng mga Hapones? Ang
mga Pilipino ay .
A. sumunod sa mga iniutos ng mga Hapones.
B. nagsisiwalat ng kalupitan ng mga Hapones.
C. pumunta sa ibang bansa para doon manirahan.
D. nagtatag ng mga kilusang gerilya at HUKBALAHAP.
48. Alin sa mga sumusunod ang HINDI layunin ng kolonisasyon ng Amerika?
A. Palaganapin ang demokrasya
B. Kapuotan ng mga Pilipino ang Pilipinas
C. Ipakalat sa kapuluan ang wikang Ingles
D. Sanayin ang mga Pilipino sa pagkamamamayan
49. Ang sumusunod ay lahi ng mga mananakop sa Pilipinas. Alin dito ang hindi
kasali?
A. Amerikano B. Arabe C. Espanyol D. Hapones
50. Alin sa mga sumusunod ang ipinairal ng mga Amerikano tungo sa mabuting
pamamahala ng mga Pilipino?
A. Pagsunod ng mga Pilipino sa kabuhayang Amerikano
B. Paglawak ng mga kalakal sa pamilihan mula sa Estados Unidos
C. Pagpapahintulot sa mga kababaihang Pilipino upang mag-aral
D. Pagbibigay ng kalayaan sa mga Pilipino na makapamahala sa sarili

4|P age - ANP

You might also like