You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Region I
Schools Division of Ilocos Norte
SOLSONA CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL
Solsona
MAHABANG PAGSUSULIt SA ARALING PANLIPUNAN 6

PANUTO: Basahing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang titik nang tamang sagot.

1. Ang mga sumusunod ang naidulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Pilipinas, maliban sa isa. Ano ito?
A. Kahirapan B. Pagkawasak ng mga pag-aari
C. Kagutuman D. Magandang kabuhayan sa mga Pilipino
2. Kasunduang nilagdaan ng Pilipinas at ng Amerika na nagpahintulot sa pagtayo ng base – militar ng Estados Unidos
sa Pilipinas.
A. Military–Base Agreement C. Parity Rights
B. Military Assistance Agreement D. Philippine Trade Act
3. Ano ang nilalaman ng Bell Trade Act na pinagtibay ng kongreso ng Pilipinas?
A. Pangangasiwa sa sistemang political ng bansa
B. Paglinang ng mga Amerikano sa ating mga Likas na yaman
C. Malayang makakapagpasok ng mga kalakal ang mga Amerikano sa Pilipinas.
D. Pangangasiwa ng Estados Unidos saugnayang panlabas ng Pilipinas.
4. Ito ang karapatang ibinigay sa mga Amerikano na linangin ang mga likas na yaman ng bansa at pagtatag ng mga
negosyo sa bansa.
A. Bell Trade Act B. Parity Rights
C. Payne Aldrich Act D.Philippine Rehabilitation Act
5. Paano nakaapekto sa buhay ng mga Pilipino ang pagkakaroon ng Base-Militar ng Amerika sa Pilipinas?
I. Nakapag-asawa ang mga Pilipina ng mga sundalong Amerikano
II. Naging mayaman ang mga mamayang Pilipino dahil sa dolyar na dinadala dito.
III. Napaunlad ang kakayahan sa pakikipaglaban ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
IV. Karamihan sa mga Pilipinong nakatira sa malapit sa base ay nagkaroon ng hanapbuhay.
A. I ay tama C. III at IV
B. I, II, at III D. I at IV
6. Alin sa mga sumusunod ang di- magandang epekto ng pagkakaroon ng MilitaryAgreement sa Amerika?
A. Lumakas ang sandatahang pwersa ng Pilipinas.
B. Nabigyan ng maraming sandata ang Hukbong Sandatahan ng Pilipinas
C. Maraming Pilipinong sundalo ang naiangat ang kaalaman sa pakikipaglaban
D. Nasasali tayo sa mga usaping panseguridad sa loob at labas ng bansa na may kaugnayan sa
Amerikano
7. Ito ay isang pagbabago sa mentalidad ng isang bansa ukol sa kultura nito.
A. Parity Rights B. SoberanyaC. Colonial Mentality D. Ne-Kolonyalismo
8. Alin ang walang katotohanan sa mga sumusunod na epekto ng colonial mentality sa ating bansa?
A. Napapaunlad ang ekonomiya ng bansa sa pagtangkilik sa mga produktong gawa sa ibang bansa.
B. Nagbago ang pag-uugali at ilang kultura ng mga Pilipino.
C.Mas kinahiligan ng mga Pilipino ang mga produktong Amerikano.
D.Pinapaunlad ang ekonomiya ng ibang bansa kapag tinatangkilik natin ang produkto nito.
9. Bakit hindi naging makatarungan sa mga Pilipino ang ugnayang kalakalan ng Pilipinas sa Estados Unidos?
A. Dahil may kota ang mga kalakal na iniluluwas ng Pilipinas sa Estados Unidos.
B. Dahil may kota ang mga kalakal na iniluluwas ng Estados Unidos sa Pilipinas.
C. Dahil sa Amerika lang pwedeng magluwas ng kalakal ang Pilipinas kaya’ binabarat nila ito.
D. Dahil mababa ang sinasahod ng mga Pilipino kumpara sa sahod ng mga Amerikano sa bansa.
10. Layunin ng batas na ito na maiangat ang ekonomiya ng bansa pagkatapos digmaan
A. War Damage Payments B. Parity Rights C.Philippine Rehabilitation Act D. Bell Trade Act
11. Siya ang nagpanukala ng Philippine Rehabilitation Act of 1946.
A. Sen. Millard Tydings B. Cong. Jasper Bell C.Pang. Manuel Quezon D. Pang. Manuel Roxas
12. Ang pagkakaloob ng halagang 620 milyong dolyar ay ipinanukala ng __________.
A. Batas Militar B. Philippine Rehabilitation Act of 1946 C.Bell Trade Act D. Pang. Manuel Roxas
13. Magandang epekto ng colonial mentality na nagdudulot ng pagkukumpara ng kultura ng mga bansa na maaring
magamit para sa ikakabuti ng ating bansa.
A. Pagkakaroon ng bukas na isip B. Pakikipagugnayan sa ibang bansa
C. Relihiyon D. Pagpapahalaga sa produkto ng ibang bansa
14. Ang mga sumusunod ay di-mabuting epekto ng parity Rights maliban sa isa. Ano ito?
A. Paghina ng mga tradisyunal nating industriya
B. Pagtatali ng ating pamilihan sa pamilihan ng mga Amerikano
C. Lubusang pagkalugi ng mga magsasakang Pilipino sa mga gastusin sa mga sakahan
D. Nagkaroon ng bagong kaalaman ukol sa kalakalan ang mga Pilipinong mangangalakal gaya ng paggamit
ng mga makinarya at bagong teknolohiya
15. Sino ang ambassador na kasama ni Pang. Manuel Roxas na lumagda sa Kasunduang Base Militar?
A. Paul Mcnutt B. Jasper Bell C. Millard Tydings D. Manuel L. Quezon
16.Sino ang maaaring magtanggol sa ating bansa sa oras ng digmaan?
A. mga piling mamamayan B. mga pinuno sa pamahalaan
C. lahat ng Pilipino D. mga mamamayang may 21 taong gulang
17. Tumutukoy sa lubos na pagkamalaya at pagkamakapangyarihan ng isang bansa.
A. Soberanyang panloob B. Soberanyang PanlabasC. SoberanyaD. Kapayapaan
18. Alin sa mga sumusunod na karapatan ang hindi tinatamasa ng soberanong bansa?
A. makapagsarili B. mamuno sa ibang bansa C. mag-angkin ng ari-arianD. pantay na pagkilala
19.Paano mo pahahalagahan ang soberanya ng ating bansa?
A. ibebenta ko ang aming mga lupain sa mga dayuhan
B. magtatayo ako ng samahan na lalaban sa pamahalaan
C. hihingi ako ng tulong sa mga dayuhan upang ipagtanggol ang aking bansa
D. tutulong ako upang mapabuti ang pamamahala sa bansa at ipagtatanggol ko ito sa mga dayuhan.
20. Anong karapatan ang tinatamasa kung nagpapadala ang Pilipinas ng sugo, kinatawan o embahador sa ibang
bansa?
A. makapagsarili B. mamuno sa nasasakupan C. makipag-ugnayanD. pantay na pagkilala
21. Paano maipapakita ng Pilipinas ang pagkakaroon ng panloob na Soberanya?
A. Limitado ang kapangyarihan
B. Nagpapatupad ng sariling batas
C. Sumusunod sa batas ng ibang bansa
D. Nakakapagpasya sa paraan na ipagtanggol ang bansa sa impluwensya ng ibang bansa
22. Paano mo pahahalagahan ang soberanya ng ating bansa?
A. ibebenta ko ang aming mga lupain sa mga dayuhan
B. magtatayo ako ng samahan na lalaban sa pamahalaan
C. hihingi ako ng tulong sa mga dayuhan upang ipagtanggol ang aking bansa
D. tutulong ako upang mapabuti ang pamamahala sa bansa at ipagtatanggol ko ito sa mga dayuhan.
Alin ang nagpapakita ng kahalagahan ng Panlabas na Soberanya?
A. Nakalilikha ng sariling batas.B. Pagtatanggol sa bansang Pilipinas
C. Nakakapagpasya sa paraan na ipagtanggol ang sariling bansa.
D.Walang kapangyarihan ang ibang bansa na ipilit sa Pilipinas ang kanyang patakaran.
23. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng paggalang sa soberanya ng bansa?
A. Ilang dayuhan sa bansa ang nangangampanya para sa isang kandidatong Pilipino sa eleksiyon.
B. Nagpaalam ang isang barko ng Hapon sa Coast Guard na sila ay dadaong sa ating bansa.
C. Isang sundalong Amerikano ang sumali sa pagtugis ng mga sundalong Pilipino sa mga rebelde sa Mindanao.
D. Pinigilan ng mga sundalo ng Tsina ang mga mangingisdang Pilipino na pumalaot sa dagat na sakop ng Pilipinas.
24. Bakit mahalagang maging isang soberanong bansa?
A. Dahil napapamunuan ng lider ng ibang bansa.
B. Dahil nakakasunod sa batas ng makapangyarihang bansa.
C. Dahil nagtataglay ito ng mga karapatang makabubuti sa bansa
D. Dahil nagkakaroon ng kakayahan na magpatupad ng batas sa ibang bansa.
25. Aling ahensiya ng pamahalaan ang may pangunahing tungkulin sa pagtatanggol ng ating bansa?
A. ROTC B. Hukbong Katihan ng Pilipinas C. Kagawarang Panlakas D. Sandatahang Lakas ng Pilipinas
26. Sila ang may nakaatang na tungkuling ipagtanggol ang estado kung hinihingi ng pagkakataon.
A. mga estudyante C. mga kalalakihan
B. mga sundalo D. mga mamamayan
27. Ang sumusunod ay pakinabang ng Pilipinas sa teritoryo nito maliban sa isa. Ano ito?
A. Dito tayo kumukuha ng mga pangangailangan
B. Sa ating teritoryo tayo gumagawa at nagtatrabaho.
C. Kung gusto nating maglibang, maraming pook na maaaring sirain at dumihan.
D. Dito rin tayo nakatira at nagkakaroon ng katahimikan ng kalooban dahil ating sariling bansa ito.
28.Maraming mga pakinabang ang mga Pilipino sa teritoryong sakop ng Pilipinas. Bakit kailangang ipagtanggol ng
mga mamamayan ang kalayaan at hangganan ng teritoryo ng bansa?
A. dahil maraming Pilipinong nagbuwis ng buhay makamit lang nating muli ang ating kalayaan at mapamahalaan
natin ang ating sariling teritoryo.
B. dahil maraming mga turistang dumadayo sa Pilipinas
C. dahil may malalaki at maliliit na pulo tayo sa bansa
D. lahat ng nabanggit
29. Siya unang Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas.
A.Elpidio Qurino C. Manuel Roxas
B.Diosdado Macapagal D. Carlos Garcia
30. Alin sa mga programa ni Pang. Manuel Roxas ang binuo upang tulungan ang mga tao at mga pribadong
kompanyang makapagsimula muli at makapag-panibagong-buhay pagkatapos ng digmaan?
A. Parity Rights B. Philippine Trade Act of 1946
C. Military Bases Agreement D. Rehabilitation Finance Corporation
31. Saan sa mga sumusunod nakilala si Pang. Elpidio Quirino?
A. PilipinismoC. Ama ng Foreign Service
B. Green Revolution D. Pilipino Muna
32. Ang mga sumusunod ay programa ni Pang. Elpidio Quirino maliban sa isa. Ano ito?
A. Pagharap ng suliranin sa mga HukB. Pagpapakalat ng Wikang Pambansa
C.Pagsugpo sa paglaganap ng Komunismo D.Pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga Pilipino
33. Siya ang ika-siyam na Pangulo ng Pilipinas ?
A. Diosdado Macapagal B.Carlos Garcia
C.Ferdinand Marcos D. Ramon Magsaysay
34. “Kampiyon ng masang Pilipino at Kampiyon ng Demokrasya” ang tanyag na taguri sa Pangulong ito.
A. Carlos Garcia C. Ferdinand Marcos
B. Ramon Magsaysay D. Diosdado Macapagal
35. Siya ay naging pangulo ng bansa sa pinakama-habang panahon.
A. Elpidio Quirino C. Ferdinand Marcos
B. Ramon Magsaysay D. Manuel Roxas
36. Aling programa sa Ikatlong Republika ang nagtatadhana ng paghahati-hati ng malalaking asyendang bibilhin ng
pamahalaan upang maipamahagi nang hulugan sa mga kasama.
A. RFC C. Agriculture Land Reform Code
B. Land Tenure Reform Law D. Economic Development Corps (EDCOR)
37. Kailan inilunsad ni Pang. Garcia ang patakarang “Pilipino Muna”?
A. Agosto 12, 1958 C. Agosto 21, 1958
B. Hunyo 19, 1971 D. Hulyo 19, 1971
38. Bakit maraming Pilipino ang tumutol sa patakarang Parity Rights ni Pangulong Roxas?
A. dahil ayaw ng mga Pilipino sa mga Amerikano
B. dahil maraming mga Pilipino ang nakapag-asawa ng mga Amerikano
C. dahil maraming mga magsasaka ang nagkaroon ng magandang trabaho
D. dahil ayaw ng mga Pilipino na pantay ang karapatan ng mga Amerikano sa kanila sa paglinang ng mga
likas na yaman ng bansa.
39. Ang lahat ay mga suliraning kinaharap ni Pang.Elpidio Quirino sa kanyang panunungkulan maliban sa isa. Ano Ito?
A. pag-angat ng kabuhayan ng bansaB. paglaganap ng suliranin sa mga Huk
C. pagpapalakas ng demokrasya sa bansa D. pagsugpo sa banta ng komunismo sa bansa
40. Ang suliranin sa Huk ay nalutas sa pamamagitan ng programang ito kung saan ang lahat ng susukong kasapi ay
bibigyan ng kapatawaran at pagkakalooban ng lupang masasaka.
A. Green Revolution B.Economic Development Corps (EDCOR)
C. Land Tenure Reform Law D. Agriculture Land Reform Code
41.Bakit naging popular na pangulo si Pangulong Magsaysay sa mgamahihirap?
A. dahil napasuko niya ang mga rebeldeng Huk
B. dahil palagi siyang nakikita at napapnood sa telebisyon
C. dahil mayaman siya at maraming per ang ibinigay sa mga mahihirap
D. dahil sa kaniyang pagiging makamasa at pakikihalubilo sa mga tagabaryo
42. Sa anong programang pampamahalaan nagkakatulad ang mga naging pangulo ng ating bansa mula 1946
hanggang 1972?
A. pangkabuhayan B. pangkalusugan C. pangkatahimikan at pangkaayusan D. lahat ng nabanggit
43. Bakit maraming mga taga probinsya ang nakipagsapalaran na magtrabaho sa mga lungsod tulad ng Maynila?
A. dahil ayaw na nilang tumira sa probinsya B. dahil gusto nilang makapunta sa mga lungsod
C. dahil nasa lungsod ang kanilang mga kamag-anak D. dahil nasa lungsod ang maraming trabaho at pagkakakitaan
44. Alin sa mga sumusunod ang dahilan kung bakit hindi mabigyan ng pamahalaan ng solusyon ang problema tungkol
sa mga eskwater sa mga lungsod?
A. dahil problema ng pamahalaan ang lugar na paglilipatan sa kanila
B. dahil ayaw ng mga residente na malayo sila sa kanilang trabaho o hanapbuhay
C. dahil ayaw sumunod ng mga tao kahit sila ay pinapaalis sa kanilang tinitirahan
D. lahat ng nabanggit
45. Aling programa sa Ikatlong Republika ang nagtatadhana ng paghahati-hati ng malalaking asyendang bibilhin ng
pamahalaan upang maipamahagi nang hulugan sa mga kasama.
C. RFC B. Agriculture Land Reform Code
C.Land Tenure Reform Law D. Economic Development Corps (EDCOR)

Panuto: Tukuyin kung sinong Pangulo ang nasa larawan. Piliin at isulat ang letra ng sagot sa patlang.(28-34)

46. A. Rodrigo Duterte C. Ramon Magsaysay


B. Ferdinand Marcos D. Manuel Roxas
47. A. Diosdado Macapagal C. Carlos Garcia
B. Ferdinand Marcos D. Manuel Roxas
48.
A. Elpidio Quirino C. Ramon Magsaysay
49.
B. Rodrigo Duterte D. Ferdinand Marcos
A. Ferdinand Marcos C. Ramon Magsaysay
B. Elpidio Quirino D. Manuel Roxas
50.
A. Carlos Garcia C. Diosdado Macapagal
B. Ramon Magsaysay D. Manuel Roxas
51.
A. Carlos Garcia C. Diosdado Macapagal
B. Ferdinand Marcos D. Rodrigo Duterte
52.
A. Elpidio Quirino C. Carlos Garcia
B. Diosdado Macapgal D. Rodrigo Duterte

You might also like