You are on page 1of 11

5

5
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahah– Unang Linggo
MELC Based ETV SCRIPT:
*Nakapagsisimula ng pamumuno para
makapagbigay ng kayang tulong para sa
nangangailangan
1. biktima nga kalamidad
2. pagbibigay ng babala/impormasyon kung
may bagyo, baha, sunog, lindol at iba pa.

Inihanda ni:
Mary Joyce A. Gaddi
Teacher III, Sta. Ana ES, Solsona
00:1
5 sec
OBB
Video Audio

Isang maaliwalas na araw sa ating lahat!


Oras na para matuto, makilahok at patuloy
na maglakbay sa daigdig ng Edukasyon sa
Pagpapakatao 5! Ako ang inyong lingkod,
titser LOVELIA DIVINE D. DE VERA mula
sa SOLSONA CENTRAL ELEMENTARY
SCHOOL na nagsasabing It’s ESP time!
Narito ako para gabayan kayo sa isang
makabuluhang talakayan sa Ikalawang
Modyul sa ikalawang lingo na
pinamagatang ‘Kapit kamay sa Pagdamay”
Kaya’t mga bata makinig ng mabuti dahil
pagtapos ng episode na ito, kayo ay
(Show Powerpoint ng Layunin ) inaasahang: matututunan at mas
mauunawaan kung paano
makakapagsimula ng pamumuno para
makapagbigay ng kayang tulong para sa
mga nangangailangan
Tandan Makinig ng Mabuti upang
maunawaan ang ating aralin. Kung Sakaling
may hindi ka naintinduhang bahagi ay maari
mong ulitin ang videong ito.

Pero bago natin simulan ang ating


(Ipakita ang slide na sasagutan leksyon,kinakailangan na mayroon na
ng mga bata) kayong notebook o di kaya ay papel
gayundin ang ballpen o lapis sa inyong
kinauupuan upang maitala ninyo kaagad
ang mga mahahalagang detalye na
tatalakayin natin. Magagamit niyo rin ang
mga iyan sa pagtugon sa ilang mga
katanungan.
Handa na ba kayo mga bataBuklatin ang
inyong modyul sa page 2 para sa It’s
Subukin Time!

Basahing mabuti ang pangungusap sa


bawat bilang para makasagot ng tama.

Subukin
Bago tayo dumako sa ating paksa ngayong
araw na ito. Sagutin muna natin ang bilang
1-5.

Subukin
Iguhit ang kung ang pahayag ay tama at
kung mali.
_1. Isinagawa ko ang narinig kong health
protocols mula sa guro ko.
_2. Ang pagkakawanggawa ay pana-
panahon lamang.
_3. Napanood ko sa telebisyon na may
paparating na bagyo pero nagpatuloy pa
kami sa pamamasyal sa beach.
_4. Ang pagbibigay ng benepisyo sa mga
nasalanta ng mga sakuna at iba pang
nangangailangan ay nakatutulong upang
umunlad ang lipunan.
_5. Gumagamit ako ng facemask at
Balikan faceshield upang hindi ako mahawa sa
Covid-19 virus.
Ipakita ang slide na Balikan
Ipakita ang slide na sasagutan ng
mga bata ng (/) at (X). Tara! Tignan natin ang inyong mga sagot.

1.

2.

3.

4.

5.

Mahusay mga bata, tama ang inyong mga


sagot. Palakpakan ang inyong mga sarili!

Handa na ba kayo sa iba pang mga aytem


na sasagutin natin?(Pause)Maganda yan
para mas lalo pa kayong ganahan sa
pagsagot.

Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung


nagpapakita ito ng pakikipagkapuwa-tao at
ekis (x) kung hindi.
_1. Nabalitaan ng mga opisyales ng
Municipal Federated Parent Teachers
Association na sobrang nasalanta ng
bagyong Ulysses ang kamag-anak sa
Gonzaga, Cagayan. Nagbigay sila ng pera,
mga lumang damit, at pagkain bilang tulong
sa kanila.
_2. Sinabi ko kay Nanay na ibahagi namin
ang mga damit na hindi na kasya sa akin sa
mga nangangailangan.
_3. Suntukin ang kaklaseng nawalan ng
malay upang magising.
_4. Binigyan mo ng pagkain ang kaklase mo
na bukal sa puso.
_5. Nawalan ng trabaho ang mama ni
Loreza. Kinukutya siya ng grupo ng mga
mag-aaral.

Tayo ay Magwasto

1./
Ipakita ang slide na may 2./
nakasulat na: 3.x
Kapit-kamay sa Pagdamay 4./
5.x

Wow! Tumpak lahat ang inyong mga sagot


(Magpakita ng mga larawan na mga bata!!! Ang gagaling ninyo…
may mga taong may mga biktima Siguradong handang-handa na kayo sa
ng kalamidad at may mga taong ating bagong liksyon.
tumutulong:
*may mga taong napinsala ng
bagyo, lindol at sunog. Upang mas lalo kayong mawili sa ating
gagawing diskusyon, mayroon muna akong
larawan na ipapakita sa inyo.Sabihin ninyo
kung ano ang napapansin o nakikita ninyo?
Maliwanag?

Narito ang larawan.

Tungkol saan kaya ang mga larawang ito?


Ano ang iyong masasabi?

Masdan ang mga larawan. Pumili at itala


ang maari mong gawin upang iyong ipakita
ang iyong pagkakawanggawa at
pagkamahabagin.

ALAMIN NATIN:
Alamin ang kahulugan ng mga sumusunod
(Ipakita ang slide ng ibig sabihin na salita.
ng kalamidad)  kalamidad
 kawanggawa
 pagkamahabagin

Tama! Ito ay mga larawan ng


pagdadamayan at pagtutulungan lalo na sa
panahon ng kalamidad o trahedya.

(Ipakita ang slide ng ibig sabihin


ng kawanggawa) Kalamidad
Mga pangyayaring nagdudulot ng malaking
kapinsalaan sa kapaligiran, ari-arian,
kalusugan at buhay ng tao.
Hal.
(Ipakita ng slide ng ibig sabihin ng Bagyo Landslides
pagkamahabagin) Lindol buhawi
Pagbaha pagputok ng bulkan

Kawanggawa
Pagtulong sa kapwa
Pakikiramay
Pagbibigay ng relief goods
Pagtulong sa oras ng pangangailangan

Pagkamahabagin
Pagkamaawain
Ang pagkamahabagin ang nag-uudyok sa
tao upang magkawanggawa.
Ipakita ang slide ng kuwento.
(Babasahin ng guro ang buong Ayan, iyong natunghayan ang mga iba’t-
kuwento.) ibang larawan at Inyo ding nalaman ang
kahulugan ng mga salitang gagamitin sa
ating leksyon upang mas lalo pa nating
maintindihan ang mga ito.

Sige mga bata tayo’y tumahimik at makinig


nang maigi sa babasahing kuwento upang
marami kayong maisasagot mamaya sa
mga katunungan.

Kuwento:
Alden Richards tumulong sa mga
nasalanta ng bagyong Ulysses
Sa pamamagitan ng gaming live stream
nitong Nobyembre 15, 2020, nakalikom si
Alden Richards ng pera upang makatulong
sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses.
Mahigit P200,000 ang naipon ni Alden mula
Suriin sa mga nag-donate ng “stars” sa naging laro
(Basahin at sagutin ang mga niya ng Mobile Legends. Lahat ng
tanong) natanggap niyang stars na may katumbas
na halaga ay ido-donate niya para sa mga
biktima ng bagyo. Taos-pusong nag-tweet
ng pasasalamat si Alden sa mga sumali at
nagabot ng tulong: “Maraming salamat sa
lahat ng nag-donate,(praying emoji) Patuloy
po tayong tumulong sa abot ng ating maka
kaya sa mga nasalanta ng bagyo. God bless
and keep safe.(praying emoji).

Naintindihan ba ninyo ang kuwento?


Malalaman natin kung masasagot ninyo ang
mga tanong.

1.Sino ang celebrity sa kuwento na


tumulong sa bagyong Ulysses?
* Tumpak ang iyong sagot, Si Alden
Richards
2. Sa paanong paraan siya tumulong sa
mga nasalanta ng bagyo?
* Magaling! Sa pamamagitan ng live
streaming.
3. Sa paanong paraan nagpasalamat si
Alden Richards sa mga tumulong?
* Mahusay ka bata! Ang tamang sagot ay
sa pamamagitan ng pagtweet
4. Bilang isang bata, paano ka
makakatulong sa mga nasalanta ng bagyo?
*Masaya ako na ganyan ang iyong
gagawin, magbibigay ng tubig, pagkain at
damit.
Ikaw ay nakakatulong sa kapuwa mo kung
ganyan ang iyong gagawin. Maganda ang
iyong naisip na paraan.

Ang susunod nating gagawin ay pag-aralan


ang mga iba’t- ibang sitwasyon sa unang
hanay sa Gawain 1

Bilang isang magaaral sa ikalimang baitang,


ano ang maaari mong gawin upang
maipakita mo ang pakikipagkapuwa. Gawin
ito sa iyong kuwaderno.
Mga biktima ng kalamidad /Mga Gawaing
Pakikipagkapuwa
1. Mga biktima ng bagyo/baha
2. Mga biktima ng lindol
3. Mga biktima ng sunog
( Magkakaiba ang mga sagot ng mga bata)

Tapos na ba ng pagsagot? Dadako naman


tayo sa pangalawang gawain.

Gawain 2
Ano ang mga gagawin mo upang
maprotektahan ang iyong sarili at pamilya?
 Bagyo
 Baha
 Lindol
 Sunog
 Pandemya

(Iba-iba ang sagot ng mga bata)

Wow, ang gagaling naman ninyo!


Naintidihan ninyo ang ginawa nating
talakayan.

Isaisip
Isiping Mabuti!
Tungkulin ng bawat mamamayan ang
makialam at makisangkot sa mga
napapanahong isyu tulad ssa panahon ng
trahedya maging ito man ay bunga ng
natural na mga pangyayari tulad ng bagyo,
pagputok ng bulkan , lindol o di kaya’y mga
sakunang naranasan dahil sa kapabayaan
ng tao tulad ng sunog baha at aksidente sa
kalsada at maging sa kasalukuyang
hinaharap ng lahat… ang Covid-19.

Sa gitna ng ng mga nasabing trahedya , ang


dapat nating gawin ay tumulong sa abot ng
ating makakaya. Nilalang tayo ng Diyos na
may kamay at paa, hindi lamang magamit
natin sa pansariling kabutihan kundi pati
na rin sa pagtulong sa ating kapuwang nasa
Isagawa gitna ng trahedya at pandemya.
(Ipakita ang mga larawan)
Ang tulong na ito ay hindi nalilimitahan sa
pagkakaloob ng material na bagay tulad ng
damit at pagkain. Maaari rin kasing
maipadama ang pagdamay sa pamamagitan
ng pagboboluntaryo o di kaya’y
pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa
sakuna.

Ngayon ating susukatin kung lubos ba


ninyong naintindihan ang ating diskusyon.
1. Dito nyo kakailanganin ang papel at ballpen
na pinahanda ko sa inyo bago pa tayo nag-
umpisa.

Kilalaning mabuti ang mga larawang


ipapakita sa screen upang masagot ng
tama. Tukuyin kung anong kalamidad ang
mga ito. Piliin ang mga sagot sa kahon.
2. Isulat sa papel o kuwaderno ang iyong mga
sagot.

Handa na ba kayo?

Ang tamang sagot ay baha. (Letra B)


3. Nakuha niyo ba ang tamang sagot?

Ang tamang sagot aybagyo. (Letra A)


4.

Ang tamang sagot ay lindol. (Letra C)

A.bagyo
B. baha
C. lindol
D. sunog

Mahusay! Ang tamang sagot ay sunog.


(Letra D)

Nakuha nyo bang lahat mga bata?


Sana naman nakuha ninyo lahat ang
tamang sagot .(Pause) Akoy nagagalak sa
inyong partisipasyon.Palakpakan ang inyong
mga sarili dahil kayoy nakinig ng mabuti

Upang mas lalo pa ninyong maunawaan ang


ating leksyon, may mga karagdagan pa
tayong gagawin para lubusang masukat ang
inyong kakayahan ukol sa mga
pangyayaring nagaganap sa ating
kapaligiran.

Tayahin Basahin at unawain ang mga sumusunod na


(Ipakita ang slide ng mga mga sitwasyon. Isulat ang P kung
sitwasyon na nagpapakita ng pagdamay at HP kung hindi pagdamay.
pagdamay sa kapuwa o hindi)
1. Nagtago ka ng makita mong may
nahulog sa kahoy.*HP

2. Pinagtawanan mo ang kamag-aral


mo na nadulas sa pasilyo ng
paaralan. *HP

3. Lumapit ka at iniabot mo ang


ointment na gamot para sa
nasugatan na kaklase mo.*P

4. Binuhat ng guro si Daniel at


pinacheck up sa Health Center. *P

5. Binasag mo ang pasong ginawa ng


isa mong kamag-aral dahil galit ka sa
kaniya.*HP

6. Tinulungan mong magbungkal ng


lupa ang isa mong kamag-aral sa
paghahalamanan dahil hindi niya
alam kung paano ito ginagawa.*P

7. Tumanggi kang tumulong sa mga


kaaway ng pinsan mo. *HP

8. Pinagsabihan mo ang kaibigan mo na


magbigay ng tulong sa mga biktima
ng bagyong Ulysses.*P

9. Ibinalita mo sa mga kapitbahay ang


narinig sa radyo na may paparating
na bagyo sa makalawa upang
makapaghanda.*P

10. Huwag pansinin ang mga itinuturong


health protocols sa radyo at telebisyon.*HP

Ang gagaling ninyo mga bata! Talagang


naintindihan ninyo ang leksyon natin
ngayong araw na ito. Sana ay marami
kayong natutunan sa ating diskusyon at
nakapagbigay ako ng magandang aral sa
lahat.

Para sa inyong Takdang Aralin gumuhit ng


Takdang Aralin isang batang nagpapakita ng kawanggawa
Sumulat din ng paliwanag kung ano ang
maaring nadarama ng bata sa kanyang
pagkakawanggawa. Iguhit ito sa isang
malinis na bondpaper at isumite ito
sa opisyales sa Barangay.

Pagtatapos: Isang leksiyon na naman ang ating natapos


sa araw na ito.Tungkol sa pagtulong at
pagdamay samga nangangailangan.Kung
mayroon kayong mga katanungan o hindi
naintindihan sa leksiyon natin
ngayon,maaari kayong tumawag sa
cellphone number na nasa activity
sheets.Hanggang sa muli mga bata .Muli
ako si Teacher Lovelia! Nagsasabing,mag-
aral ng maigi upang buhay ay bumuti.
Hanggang sa muli ….Paalam!

00:1 CBB
5 sec
\

You might also like