You are on page 1of 4

WORKSHEET #2

LEARNING AREA:EDUKASYON sa PAGKATAO


PAMANTAYAN SA PAGKATUTO: Nakasusuri ng mbuti at di-mabuting maidudulot sa sarili at miyembro
pamilya ng anumang babasahin, napapakinggan at napapanood (EsP5PKP – Ib – 28)

 dyaryo
 telebisyon
 magasin
 pelikula
 radyo
 internet

INRODUKSIYON NG ARALIN:

* MGA PINAGKUKUNANG IMPORMASYON: NAKABUBUTI O NAKASASAMA?


Isang malaking bahagi ng ating buhay ang paggamit ng iba’t-ibang pinagkukunan ng mga impormasyon:
dyaryo, magasin, radio, telebisyon, pelikula at internet/computer. Isa ring malaking bahagi ang ginagampanan
ng mga ito, lalo’t higit ang computer para sa pagtuturo sa mga mag-aaral ng ika-21 siglo. Ito ang mga
pangunahin nating pinagkukunan ng iba’t-ibang kaalaman at impormasyong kinakailangan sa ating pang-araw-
araw na pamumuhay.Paano kayo bilang mag-aaral gumamit/gumagamit ng nasabing pinagkukunang
impormasyon?

Basahin ang tula sa ibaba.

MGA PINAGKUKUNANG IMPORMASYON: ATING SURIIN

Kasanayan sa pagbabasa ugaliin natin t’wina,


Nang pahayaga’t, magasin, gayundin ang lathalain.
Kung may nais malaman, mga bagong kaalaman
Ang radyo at telebisyon palagi nating pakinggan.

Siyempre pa sa pagtuklas ng katotohanan,


At marubdob na pananaliksik ang kinakailangan.
Sa tulong ng internet isang pindot mo lamang
Makikita mong lahat ng iyong kailangan.

Ngunit sa paggamit ng ganitong mga kagamitan


Mahalaga ang pagtuklas sa katotohanan.
Sa mga makukuha mong iba’t-ibang kaalaman,
Maging mapanuri, upang di-malihis ng daan.

Malalaswang panoorin patuloy na lumalaganap,


Mga blogsite sa internet na pornograpiya ang makakalap.
Mga larong mararahas, mahu-hook ka sa isang iglap
Di mo namamalayan, masamang epekto ang ‘yong nasagap.
Kaya kaibigan, kaisipa’y palawakin.
Maging mapagmatyag, mensahe’y timbangin.
Impormasyon at teknolohiya ay biyaya sa atin,
Kaya ating pagyamanin at ‘wag abusuhin.
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Tungkol saan ang tulang inyong binasa?
2. Anu-ano ang mga pinagkukunang impormasyong nabanggit sa tula?
3. Anu-ano ang mga buting dulot ng mga ito sa atin? Di-mabuting dulot?
4. Paano mo masasabi na ikaw ay nagiging mapanuri sa mga balitang naririnig mo sa radyo/
telebisyon o nababasa mo sa pahayagan? Ipaliwanag.
5. Itala ang iyong mga napanood sa telebisyon, pelikula at internet. Paano ito nakaaapekto sa
iyong kaisipan at damdamin? Ipaliwanag.

Gawain 1. Piliin at bilugan ang mga larawan na nagpapakita ng magandang balita.


Gawain 2.
1.Isulat ang mga programang madalas ninyong panoorin sa telebisyon o mga di-malilimutang
pelikula.
3. Masusi itong pag-aralan at isulat kung anong aral (positibong epekto) at Hamon (Masama o
Negatibong epekto).

Programa/Pelikulang Aral Hamon


Napanood

1.

2.

3.

4.
5.

Gawain 3.
Nadaragdagan na ang iyong karanasan sa pagkakaroon ng bukas na isipan sa mabuti at hindi
mabuting epekto ng media tulad ng radyo, pahayagan, telebisyon, magasin at internet. Sa
paggamit ng media o pinagkukunang impormasyon, sa anong lebel mo maikakategorya ang
iyong sarili sa paggamit ng mga ito?

Kategorya:

4 – Palagian (6-8 oras na paggamit) 4


3 – Medyo Madalas (4-5 oras na paggamit) 3
2 – Katamtaman (1-3 oras na paggamit) 2
1 – Hindi (wala ng nasabing media) 1
Tanong:
Sa iyong sagot, masasabi mo bang hindi ka umaabuso sa paggamit ng iba’t-ibang uri at
bahagi ng media? Suriin ang sarili batay sa lebel o antas na kinalalagayn. Ipaliwanag.

Gawain 4.
Bakit mahalaga na suriin ang balita ayon sa mabuti at di-mabuting maidudulot nito?

Gawain 5.
Lagyan ng salitang NAKABUBUTI ang mga gawaing nagpapakita ng magandang dulot ng
paggamit ng media at internet. HINDI NAKABUBUTI naman kung ito ay nakasasama. Isulat
ang inyong sagot sa kalahating papel.
_______ 1. Nakapagsasaliksik sa agham at teknolohiya para sa takdang-aralin.
_______ 2. Nakapaglalaro sa internet ng barilan at patayan ng mga zombies.
_______ 3. Nakukumpara ko ang tama at mali sa nabasa sa pahayagan.
_______ 4. Napipili ang mga pelikula at programang hatid ay kaalaman at aral sa buhay.
_______ 5. Nakakapag-chat ng malalaswang salita sa skype.

You might also like