You are on page 1of 12

Government Property

NOT FOR SALE


6
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Quarter 1- Module 6: Week 5
Gamit ng Impormasyon

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Edukasyon sa Pagpapakatao - Grade 6
Alternative Delivery Mode
Quarter 1 - Module 6: Gamit ng Impormasyon
Unang Edisyon 2020
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang
akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng
pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa
pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula
atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang kumakatawan sa
paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi
inaangkin ng kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Lanao del Norte

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul ng Mag-aaral sa EsP 6


Manunulat: Raquiza L. Baring
Illustrator and Layout Artist: Scarlet Tipontipon
Proofreader, In-House Content and Language Editors: Nive Magpulong;
Daylinda Pandan

Management Team

Chairperson: Edilberto L. Oplenaria, CESO V


Schools Division
Superintendent

Co-Chairperson: Mary Ann M. Allera


Assistant Schools Division Superintendent

Members Mary Arlene C. Carbonera, Ed.D. OIC-CID


Chief
Erl C. Villagonzalo, Ph.D., EPS-EsP
Norhatta Daud, Ph.D., PSDS
Amelita Bagol, Ed.D., Coordinating Principal
Connie A. Emborong, Ph.D., LRMS Manager
Jocelyn R. Camiguing, Librarian II
Tagapamanihala ng mga Paaralan: Edilberto L. Oplinaria
Inilimbag sa Pilipinas ng: ______________________
Department of Education – Division of Lanao del Norte
Office Address: Gov. A. Quibranza Prov’l. Gov’t. Comp, Pigcarangan, Tubod, Lanao del
Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address: lrmdsldn@gmail.com
Aralin
Paggamit ng Impormasyon sa
1 Pagpapasya
Maligayang Pagbati! Ikaw ay nasa Baitang 6 nang pag-aaral sa Edukasyon sa
Pagpapakatao! Kawiwilihan mo ang nilalaman ng modyul sa Unang Kwarter, Ikalimang
Linggo. Ito ay ginawa upang magbigay ng suplementaryong kagamitan sa iyo bilang
Alamin
gabay sa pag-aaral sa mga paksa sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6 na binubuo ng
mga aralin na kinakailangang matapos sa loob ng isang linggo.
Sa modyul na ito ay tatalakayin ang paggamit ng impormasyon. Magsisilbing
instrumento ang modyul na ito upang palawakin ang iyong kaalaman at matutunan
mong kung saan at paano gamitin ang mga impormasyon ng tama.
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan ng pagsunod sa mga tamang
hakbang bago makagawa ng isang desisyon para magagamit ang impormasyon
sa pagpapasya.
Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ang tamang desisyon nang may katatagan ng loob para
magagamit ang impormasyon sa pagpapasya.

Pamantayan sa Pagkatuto: Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na:

3. Nakagagamit ng impormasyon (wasto / tamang impormasyon) EsP6PKP- iA-


i– 37 (ESP6, Q1, W6.MELC 3)
3.1 Nagagamit ang impormasyon sa pagpapasya
EsP6PKP-Ia-i–37 (ESP6, Q1, W6.MELC 3.1)
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang titik ng pinakaangkop na
sagot.
1. Narinig mong nagsisinungaling ang kapwa mag-aaral sa inyong guro. Alin ang
dapat mong gawin?
a. Magbingibingihan ka c. Maglalaro ka lang
b. Magsabi ka ng totoo d. Makipag-away ka

2. Ibinahagi ng mga kawani na nasa hanay ng departamentong pangkalusugan ang


tamang impormasyon tungkol sa COVID-19. Ito ba may katotohanan?
a. Oo b. Wala c. Hindi d. Iwan

3. Ibinahagi ni Mang Ambo ang kaalaman sa tamang pagsasaka sa kanyang mga


kapwa magsasaka. Sino ang makikinabang sa impormasyong ito?

a. Ang mga mangingisda. c. Ang mga mangangahoy

b. Ang mga magsasaka d. Ang mga


mag-aalaga ng hayop

4. Kulang ang impormasyong ibinahagi ng nag-uulat sa radyo. Sino ang may


pananagutan sa ulat?
a. Ang mga nakikinig c. Ang mga magnanakaw
b. Ang taga-ulat d. Ang National Telecommunication

5. Nakalatag sa pisara ang lahat ng nagastos sa paggawa ng proyekto sa paaralan.


Para kanino ang impormasyon na ito?
a. Para sa mga bata lamang c. Para sa mga guro dito
b. Para sa mga dumaan dito d. Para sa mga magulang na
magpupulong

6. Nag-anunsyo ang Kalihim ng Edukasyon na si Leonor Magtulis Briones sa muling


pagbubukas ng klase sa darating ng Ika-24 ng Agosto, 2020. Dapat ba tayong
maniwala sa anunsyo?
a. Oo, dahil siya ay magulang natin.
b. Oo, dahil siya ay isang lolang guro.
c. Oo, dahil siya ang punong-guro natin.
d. Oo, dahil siya ang Kilihim sa Kagawaran ng Edukasyon.
7. Kanino dapat maniwala ang mga tao sa mga impormasyon tungkol sa Edukasyon?
a. sa mga sabi-sabi sa kalye
b. sa mga kagawad sa lungsod
c. sa mga may kapangyarihan sa Kagawaran ng Edukasyon
d. sa mga kagawad sa mga kabarangay sa loob ng lungsod.
8. Ang samahan ng mga mag-aaral ay magkaroon ng pulong sa darating na
Biyernes sa may ikatlo ng hapon sa paaraalan. Inaasahan na dumalo ang lahat na
mga opisyales. Sino ang may karapatan na magbigay ng memorandum sa
pagpupulong?
a. Ang Pangulo ng Samahan c. Ang Pangulo ng mga Guro
b. Ang Punong Guro ng Paaralan d. Ang Pangulo ng Barangay
9. Kanino ang lahat ng mga bata sa paaralan maniniwala sa mga impormasyong legal?
a. sa mga magulang c. sa mga kapitan
b. sa mga kapitbahay d. sa punong-guro ng paaralan
10. Sa mga alituntunuinin at tungkulin sa paaralan, kanino ka dapat manininiwala?
a. sa mga bata c. sa mga kapitbahay
b. sa mga magulang d. sa punong-guro ng paaralan

Komusta ka na? Lubos ang aking kasiyahan sapagkat nakikita ko ang iyong
kasipagan sa pag-aaral. Bagamat sinubok man tayo ng pandemiya ay sinisiguro mo pa
ring mag-aral at dahil diyan ay nararapat lamang sa iyo ang mga kaalaman na
naibahagi ng mga nakaraang modyul. Hindi mo man ako pisikal na nakikita pero nais ko
lang ipaalam sa iyo na kasama ka sa mga panalangin ko. Hayaan mo sana ako na
gabayan ka patungo sa iyong tagumpay sa tulong ng modyul na ito. Handa ka na ba?
May iilan akong katanungan na makikita mo sa ibaba. Nais ko lamang alamin
ang iyong natutunan sa nakaraang modyul.
Panuto: Basahing mabuti ang tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
sagutang kwaderno:

____ 1. Tinatawag na peryodiko o pahayagan.


a. dyaryo b. internet c. aklat d. magasin

____ 2. Pinagsama-samang mga nailimbag sa salita sa papel; naglalaman din ito ng


pagtuturo, direksyon, paggamit, aral, at tagubilin.
a. dyaryo b. internet c. aklat d. magasin
____ 3. Isang teknolohiya na nagdadala ng impormasyon sa pamamagitan ng pag-
modulate ng mga katangian ng mga electromagnetic enerhiya na alon na
nakukuha sa espasyo.
a. radyo b. telebisyon c. dyaryo d. kompyuter

____4. Isang sistemang telekomunikasyon para sa pagpapahayag at pagtanggap ng


mga gumagalaw na mga larawan at tunog sa kalayuan.
a. Intern b. dyaryo c. radyo d. telebisyon

____5. Isang sistemang telekomunikasyon na hindi gumagamit ng kable (wireless) na


kung saan ang mga iba’t-ibang impormasyon ay mapaparating at mababasa
ng publiko.
a. dyaryo b. internet c. radyo d. telebisyon

____6. Ano ang tawag sa pagbabalita sa paraang paninirang puri?


a. pinsala b. artikulo c. libelo d. Pagsuri

____7. Ang mga sumusunod ay mga paraan sa pagtuklas ng mga impormasyon


MALIBAN SA:
a. Di magalang na pakikipag-usap kung nagtatanong.
b. Tinitiyak ang katotohanan sa pinagkukunan ng impormasyon
c. Iniingatan ang mga bagay na pinagkukunan ng impormasyon.
d. Paggamit sa mga bagay na pinagkukunan ng impormasyon sa lahat ng
oras.

____8. Anong artikulo ang nagsasaad ng mga elemento ng libelo?


a. Artikulo 353 b. Artikulo 553 c. Artikulo 335 d. Artikulo 435

____ 9. Ang pagiging mapanuri sa napakinggan at binasang balita ay tanda ng ___.


a. wastong impormasyon c. matalino
b. masusing pag-iisip d. lahat ng
nabanggit

____10. Pagkuha ng datos sa tunay na pangyayari at paghahanap ng katiyakan ng


tamang impormasyo.
a. pagmamahal sa katotohanan c. tamang desisyon
b. wastong impormasyon d. wala sa nabanggit

Tuklasin

https://lrmds.deped.gov.ph/create/category/8?page=7
Panuto: Suriin ang nasa larawan sa itaas at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang nakikita mo sa larawan?
a. Ang babae ay nag-iisip.

c. Ang babae
ay naglalaro.
b. Ang babae ay sumusulat. d. Ang babae ay tumakbo.

2. Ginagawa mo rin ba iyan? Bakit?


a. Oo dahil nag-aaral ako.
c. Hindi dahil may ginawa ako.
b. Oo dahil may ginawa ako. d. Oo dahil natutulog ako.

3. Tuwing kailan ba dapat tayo nagpapasya?


a. Tuwing natutulog c. tuwing nagsisipilyo
b. Tuwing lumalangoy d. tuwing may sapat na impormasyon

4. Sa mga sumusunod, sino ang gumagabay sa iyo sa tiyak na pagpapasya?


a. ang mga kalaro c. mga kapit-bahay
b. ang aking mga magulang d. wala sa nabanggit

5. Paano at para saan mo gagamitin ang impormasyong iyong narinig?


a. para sa mga kalaban sa paaralan
b. para sa pakikisalamuha sa kapwa tao.
c. para sa katahimikan ng buong bayan
d. para sa pagbigay ng wastong pagpapasya

Suriin

Panuto: Basahing mabuti ang pahayag na nasa ibaba. Pagkatapos, bilugan ang titik ng
tamang sagot.
Impormasyon: Kaakibat sa Mabuting Pagpapasya

Bahagi na ng pang-araw araw natin na pamumuhay ang paggawa ng desisyon sa


alin mang gawain ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay nakakagawa tayo ng mabuti
at epektibong desisyon o pagpapasya.
Marami tayong maaring mapagkukunan ng impormasyon, maaring ito ay may
buhay man o wala. Kailan nga ba tayo nakakagawa ng mabuti at epektibong desisyon o
pagpapasya?
Ang bawat suliranin na ating kinakaharap ay nanganagilangan ng solusyon. Sa
paggawa ng solusyon ay kailangan rin ng lehitimong impormasyon.

1. Bakit mahalagang tingnan natin ang maging kahihinatnan o bunga ng isang bagay
bago tayo gumawa ng pasya?
a. para mawalan ng desisyon c. para matagalan ang pagdedesisyon
b. para magkalayo ang desisyon d. para maibigay ang tamang desisyon

2. Paano ka bilang mag-aaral gumawa ng isang pagpapasya?


a. sa pamamagitan ng isang pagkakamali
b. sa pamamagitan ng pagpasya sa ibang tao
c. sa pamamagitan ng pagsawalang bahala sa lahat.
d. sa pamamagitan ng pagpasya sa ikabubuti ng lahat

3. Ano ang pamagat ng talatang binasa mo?


a. Impormasyon: Para sa lahat
b. Impormasyon: Para sa Bayan
c. Impormasyon: Kaakibat sa Mabuting Pagpapasya
d. Impormasyon: Kasali ang Kabataan sa Pamayanan

4. Kailan mo maibahagi ang isang impormasyon?


a. sa susunod na buwan
b. sa pang-araw-araw na buhay
c. sa pang-ibang panahon ng buhay
d. sa kabilang buhay ng bawat tao

5. Anong uring impormasyon ang dapat mong malaman?


a. Ang isang walang kwentang impormasyon.
b. Ang isang lehitimong impormasyon.
c. Ang isang sabi-sabing impormasyon mula sa labas.
d. Ang isang kwentong bayan na impormasyon na makakasira sa lahat.

Pagyamanin

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon at suriing mabuti ang mga
pangyayari. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

Sitwasyon 1: Pribado o Pampubliko?


Nagtapos si Jerry sa isang pampribadong paaralan ng elementarya.
Marami siyang naririnig na mas mainam mag-aral sa pambulikong paaralan
sa sekondarya dahil mas marami siyang matutunan habang sa pampribado
naman ay lubos na magastos at walang kalidad ang edukasyon na binibigay.
Sa kabilang banda, narinig din niya na mas maraming kaso ng “Gang” sa
pampubliko at talamak ang awayan ng mga mag-aaral rito. Ang mga ito’y
lubos na nakapagpagulo ng isip ni Jerry.

1. Saan nagtapos sa kanyang pag-aaral sa elementarya si Jerry?


a. pampribadong paaralan c. pampublikong paaralan
b. pangbayan lang na paaralan d. pambahay na paaralan

2. Aling paaralan ang mas magastos ayon sa pahayag?


a. pampribadong paaralan c. pampubklikong paaralan
b. pangbayan lang na paaralan d. pambahay na paaralan
3. Paano ka mag-aral kung ikaw ay nasa pampublikong paaralan?
a. sumali sa maraming gulo c. makisali sa mga barkada
d. sumali sa mga fraternity b. mag-aral ng mabuti at umiwas sa gulo

Sitwasyon 2: Modyul, Online o Pisikal: Alin ba ang mas epektibo?


Sa kasalukuyan, patuloy na nanalasa ang Corona Virus Disease o
mas kilalang COVID-19. Isa sa mga apektado rito ay ang pag-aaral ng mga
kabataan. Si ginang Lina ay naguguluhan kung saang klase ng pagtuturo
ipapasok ang anak na si Ana gayung alam naman niya na hindi niya kayang
tustusan ang anak kung sa internet o online pag-aaralin sapagkat ito ay
magastos at mas lalong wala siyang sapat na kaalaman kung modyul ang
4. Ano ang ipinahayag sa sitwasyon na nasa kahon?
a. tungkol sa epekto ng Corona Virus Disease sa edukasyon.
b. tungkol sa isang Corona ng mga Rayna ng Barangay Pista.
c. tungkol sa isang paligsahan at nagkaroon ng Corona ang Babae.
d. tungkol sa isang Corona sa umaalis na Rayna ng Bansang Pilipinas.

5. Bilang mag-aaral, paano ka magdesisyon ayon sa pahayag sa itaas?


a. Hindi ako mag-aaral para akoy maging isang matalino.
b. Hindi ako mag-aaral dahil takot ako sa mga sakit ng katawan.
c. Mag-aaral pa rin ako pero doble lang ang pag-iingat upang walang sakuna
d. Mag-aaral ako pero hindi ako sisipot sa paaralan at mangongopya lang ako.

Isaisip

Paano ba ang wastong paggamit ng impormasyon ayon sa pagpapasya?


Ang pagpapasya ay nararapat na bigyan ng oras at kailangang pakaisipin ng
mabuti dahil sa mga desisyong ito nakabase kung anong magiging kinabukasan natin.
Ang mga impormasyong makukuha sa paligid ay makakatulong upang matamo ang
mabuti at epektibong pagpapasya.

Panuto: Unawain at bilugan ang titik ng angkop sa mga tanong.

1. Bakit kailangan ang wastong pagpapasya?


a. upang magkaroon ng mabuting resulta

b.
upang magkaroon ng usapan ang mga tao

c. upang magkaroon ng babasahin ang mga tao

d. upang magkaroon ng tsikahan ang mga kababaihan

2. Ano ang nararapat ibigay sa mga tagapagpasya?


a. tubig b.
ulam c.
panahon
d. laruan

3. Paano ka magdesisyon kapag ikaw ang magpasya?


a. pag-isipan ng mabuti c. pabayaan lang ang usapan
b. pag-usapan sa susunod d. paglaruan ang desiyon ng iba

4. Saan mo makukuha ang mga impormasyon para sa pagpapasya?


a. Ang mga impormasyon ay makukuha sa paligid.
b. Ang mga impormasyon ay makukuha kahit saan.
c. Ang mga impormasyon ay makukuha sa panaginip.
d. Ang mga impormasyon ay mali mula sa mga tsismosa

5. Anong uring pagpapasya ang dapat mong tugunan?


a. may kinalaman ang ibang tao
b. mabuti at epektibong pagpapasya.
c. may pakinabang ang mga tsismosa
d. walang kasiguraduhang pagpapasya

Isagawa

Panuto: Sagutin ang mga tanong batay sa nabasang sitwasyon at kahunan ang titik ng
tamang sagot.

Sitwasyon 1: Pribado o Pampubliko?


Nagtapos si Jerry sa isang pampribadong paaralan ng elementarya.
Marami siyang naririnig na mas mainam mag-aral sa pambulikong paaralan
sa sekondarya dahil mas marami siyang matutunan habang sa pampribado
naman ay lubos na magastos at walang kalidad ang edukasyon na binibigay.
Sa kabilang banda, narinig din niya na mas maraming kaso ng “Gang” sa
pampubliko at talamak ang awayan ng mga mag-aaral rito. Ang mga ito’y
lubos na nakapagpagulo ng isip ni Jerry.

1. Anu-ano ang mga impormasyong nakalap ni Jerry?


a. tungkol sa paaralan sa bayan
b. tungkol sa paaralan sa ibang bayan
c. tungkol sa pampubliko at pribadong paaralan
d. tungkol sa paaralan sa ibang bansa na isasagawa palang.

2. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Jerry, alin ang pipiliin mo? Bakit?
a. pampribadong paaralan dahil sikat at magastos at pangmayaman
b. pampublikong paaralan dahil walang gastos at maraming matutunan
c. kahit saan ako pweding mag-aral dahil mayaman ako at kaya ko
gumastos
d. wala akong pakialam sa mga desisyon na pampaaralan dahil hindi ako
mag-aaral.
3. Anu-ano ang mga mahahalagang impormasyon ang nasa pangalawang
sitwasyon?
a. tungkol sa modyul, online o pisikal
b. tungkol sa pagkakaroon ng telebisyon
c. tungkol sa sakit na dala ng Corona Virus
d. tungkol sa ipamimigay na tulong sa bayan

4. Bilang mag-aaral, alin ang mas pipiliin mong paraan ng pagtuturo? Ipaliwanag.
a. internet para makapag-facebook na rin
b. pisikal kahit may nagpositibong kamag-aral
c. ang paraan na mas epektibo at ligtas ang bawat isa.
d. modyul kahit na di ko kayang sumagot mag-isa at maging ang aking mga
magulang

5. Mahalaga ba ang mga impormasyon sa pagpapasya? Ipaliwanag.


a. Oo, dahil makikisama muna ako sa iba
b. Oo, dahil ako ang magdesisyon kahit mali.
c. Oo, dahil kailangang pag-isipan ng mabuti
d. Oo, dahil palaging tama ang opinyon ng iba.

Ang mga larawan na makikita mo sa modyul na ito ay pwede mong


matagpuan sa Deped LRMDS Portal Gallery, WWW.Freepik.Com at Google
Tools for Reuse for free.

Mga Dapat Tandaan ng Guro

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sitwasyon at bilugan ang titik ng sagot na
angkop sa tanong.

1. Nalaman mong patitigilin ka ng iyong mga magulang sa pag-aaral dahil hindi na nila
kayang tustusan ang iyong mga pangangailangan. Alin sa sumusunod ang tamang
pagpapasya?
a. Sasabihin ko sa magulang ko na titigil ako sa pag-aaral dahil tinamad ako.
b. Magsawalang kibo at hihinto ako sa pag-aaral dahil gusto ko ring huminto.
c. Makikiusap ako na sa pampublikong paaralan mag-aaral dahil walang bayad.
d. Masaya ako dahil mahirap mag-aral at magbabarkada na lang ako sa bayan.

2. Nakakabuti ba sa sarili mo kapag hindi ka makapag-aral?


a. Oo, dahil mahirap mag-aral.
b. Oo, dahil sabi ng mga magulang ko.
c. Hindi, dahil mapag-iwanan ako ng aking mga kaklase.
d. Oo, dahil matutulog ako palagi at pagkatapos mamasyal.
3. Nahihirapan ka bang mag-aral mula sa pampublikong paaralan dahil sa gastusin?
a. Hindi dahil wala naman itong bayad sa twisyon.
b. Oo, dahil kulang ang pera ko para pang meryenda.
c. Oo, dahil kulang ang perang bigay ng magulang para sa barkada
d. Oo, dahil hindi ako mag-aaral ng mabuti dahil mahirap ang aralin.

4. Nakiusap ang kaklase mo na mangopya sa iyong mga sagot sa pagsusulit. Paano


mo pagpasyahan ito?
a. Oo, upang maging sikat ako sa mga kaklase ko.
b. Oo, dahil mali ang sagot ko at pareho kaming mali.
c. Hindi, upang mag-aral siya sa susunod na pagususlit
d. Oo, upang tumaas ang kanyang puntos kahit walang alam.

5. Paano mo tutulungan ang kaklase mo sa kanyang sitwasyon?


a. Mag-aaral kaming dalawa bago ang klase.
b. Maglalaro lang kami sa labas bago ang klase.
c. Aawayin ko nalang siya upang mag-aral siya.
d. Iiwanan ko siya at bahala siyang walang isasagot sa pagsusulit.

6. Anong impormasyon ang dapat mong ituro sa kanya bilang kaklase?


a. Pag-aaral na may kaibigan upang makamit ang tagumpay
b. Pag-aaral na walang pakialaman upang tumaas ang marka
c. Pag-aaral na walang kasama upang hindi makasali sa iba
d. Iwanan ang mga kaibigan sa oras ng kagipitan sa paaralan

7. Kinumbinse ka ng kaibigan mo na gumamit ng sigarilyo. Paano mo bigyan ng


pasya ito?
a. Sasabihin ko na hindi ko gusto masira ang baga ko
b. Sasabihin ko kung saan ang posporo para sa sigarilyo
c. Sasabihin ko na bigyan niya ako ng maraming sigarilyo
d. Sasabihin ko na sa labas ng bahay ako magsisigarilyo

8. Kanino ba ako magsusumbong kapag may mga kaklase akong nagsigarilyo sa.
paaralan?
a. Palihim akong magsumbong sa guro upang siya ang magsaway sa kanila.
b. Sasabihin ko sa lahat ng mga mag-aaral sa paaralan para mapahiya sila
c. Sasabihin ko sa mga magulang sa harap ng maraming tao upang mapahiya
sila.
b. Sasabihin ko ito sa maraming tao sa harap ng aming guro upang mapahiya
sila

9. Bakit ipinagbabawal ang pagninigarilyo ng mga bata sa paaralan?


a. Ipinagbabawal ito dahil masarap sa bata.
b. Ipinagbabawal ito dahil para lang ito sa mga matatanda.
c. Ipinag babawal ito dahil ang mga bata ay madaling masira.
d. Ipinagbabawal ito dahil nakakasira ito sa utak at kalusugan ng lahat.
10. Paano mo magagamit ang impormasyon sa pagpapasya sa usaping bawal mag-
ingay sa loob ng paaralan dahil may klase at bilang opisyales sa samahang ng
mag-aaral?
a. Sa pagpapairal ng tamang batas sa loob ng paaralan
b. Sa pagpapabaya sa mga batang lumabag sa batas ng paaralan
c. Sa pagbigay pahintulot sa mga bata na mag-ingay sa loob ng paaralan
d. Sa pagtatanggol sa mga batang gumawa ng ingay sa loob ng paaralan

Karagdagang Gawain
Panuto: Gumawa ng isang pagpapasya tungkol sa mga sumunod na sitwasyon.
Lagyan ng tsek (/) ang kahon na nagpapakita sa iyong tamang pasya at ekis (x) kung
mali ang pasya o desisyon.
Sitwasyon Tsek ( / ) o Ekis (x)
1. Sasali ako sa isang “Gang” para maging astig at
sikat.
2. Tutulong ako sa gawaing bahay
3. Sasali ako sa isang club sa paaralan para
paghusayin ang talento ko sa pag-awit.
4. Sasang-ayunan ko ang pagkumbinse ng aking
kaklase na tumakas sa gitna ng klase.
5. Makilahok sa paglilinis ng baybayin

You might also like