You are on page 1of 4

Edukasyon sa Pagpapakatao 6

Pangalan: ____________________________ Baitang/Pangkat: ________ Iskor: ___


Paaralan: _______________________________ Guro:____________________________

UNANG MARKAHAN
Lagumang Pagsusulit Bilang 3

I. Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Iguhit ang bituin kung ang sitwasyon ay nagpapakita
ng tamang pangangalaga sa kalusugan habang gumagamit ng mga digital na kagamitan.
________ 1. Hanggang tatlong oras lang ang gugulin ko sa paggamit ng mga pang digital na gamit.
________ 2. Pagkatapos kong mag-aral gamit ang computer pipiliin magpinta o magguhit na lamang upang
mapahinga ang aking mga mata.
________ 3. Mamadaliin kong makatapos ng pag-aaral para makapaglaro ako ng mahabang oras gamit
ang smartphone.
________ 4. Maglalaan ako ng araw para lang sa aking paglalaro sa gadget.
________5. Hindi nalang ako mag-aaral kung wala akong magagamit na mga gadyets na kailangan sa
pag-aaral.
II. Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pangungusap ay tama at MALI kung hindi.
____________1. Maging maingat sa mga websites na gagamitin sa pangangalap ng impormasyon.
____________2. Gagamitin ko lang ang laptop, cellphone o computer sa aking pag-aaral
kung kinakailangan.
____________3. Magmamadali ako sa pag-aaral para mas mahabang oras ang maaari
kong gugulin sa paglalaro..
____________4. Humingi ng tulong sa kapatid kung hindi alam ang gagamitin na website sa pangangalap
ng impormasyon.
____________5. Maglaro ng video games habang nag-aaral.

III. Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa bawat bilang at piliin ang letra ng pinakatamang sagot.

1. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kahalagahan ng paggamit ng internet?


A. Mabilis na pangangalap ng impormasyon na kailangan sa pag-aaral
B. Malayang makapaglaro ng mga iba’t ibang video games buong araw
C.Makakapag-chat sa mga kakilala anumang oras na gugustuhin.
D.Magkakaroon ng libangan katulad ng panononood sa youtube.

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
2. Ano ang katangiang dapat taglayin ng isang batang katulad mo sa paggamit ng iba’t
ibang websites sa internet??
A. Pagkokomento sa ideya ng mga tao tungkol sa kanilang saloobin
B. Pagiging mapaniwalain sa lahat ng impormasyong nababasa at naririnig
C. Pagiging maabilidad sa iba’t ibang paraan ng pagbubukas ng ibat-ibang social sites at
search engine
D. Pagkakaroon ng disiplina sa paggamit ng internet habang nangangalap ng impormasyon
para sa iyong aralin
3. Nais ng iyong magulang na makapagbenta ng kakanin. Ano ang iyong maitutulong
sa sitwasyong ito na kailangang isaalang-alang ang inyong kaligtasan?
A. Gagamitin ko ang kakayahan ko sa pagle-letterings sa tulong ng mga nakakatanda
kong
kapatid upang makapagpaskil ng kaaya-ayang karatula na may kaukulang presyo ng
kakanin.
B. Tutulong pa rin akong sa pagbebenta sa loob ng aming tahanan sa pamamagitan ng
pagtetext o pagchachat sa mga kakilala
C.Maglalagay ako ng kahit kaunting paninda sa tapat ng aming bahay upang makapagbenta.
D.Makikiusap ako sa kinauukulan na payagan ang mga magulang kong magtinda sa
kalsada.

4. Ano ang nagbunsod sa pag-usbong ng panahon ng impormasyon?


A. Kaalaman sa lipunan
B. Kaalaman sa teknolohiya
C. Makabagong kaalaman
D. Kaalaman sa pananalapi

5. Alin sa mga sitwasyong ito ang nagpapakita ng mabuting naidudulot ng panahon ng


impormasyon?
A. Naiiwasan ang maraming nagpapakalat ng fake news.
B. Maraming natutuhan ang mga tao dahil sa social media.
C. Nagiging mas mapanuri tayo sa mga nakalap na impormasyon.
D. Nagkakaroon tayo ng karagdagang kaalaman na magagamit natin sa pang-araw-araw
nating pamumuhay

6. Bakit kailangang suriin ang mga impormasyong naririnig kung ito ay wasto o tama?
A. Makaapekto ito sa ating mga desisyon na gagawin sa buhayDapat siyang sumunod sa utos
ng kaniyang mga magulang.
B. Kailangang beripikado ang lahat ng impormasyong ating naririnig
C. Bahagi na ito ng ating pamumuhay at kailangan nating makiayon dito
D .Dahil nakabababa ng pagkatao ang kakulangan sa tamang impormasyon

2
7. Ano ang iyong gagawin kung naglabas ng ordinansa ang pamahalaan ng lungsod tungkol
sa pagpapaigting ng health protocols bilang tugon sa pagsugpo sa pagkalat ng COVID
19?

A. Wala namang naibalita na nagpositibo ng COVID 19 sa aming lugar nguni’t hindi pa rin ako
lalabas.
B. Iiwasan ko pa ring lumabas ng bahay kahit may mga batang patuloy na naglalaro sa labasan.
C. Mananatili na lamang ako sa loob ng bahay at sundin ang health protocols.
D. Lalabas lamang ako kung talaga kinakailangan.

8. Bakit napakahalaga para sa isang tao ang magkaroon ng wasto at sapat na


impormasyon?
A. Upang makasagot sa mga tanong ng guro.
B. Para hindi isipin ng iba na ikaw ay isang mangmang.
C. Naipakikita nito na ikaw ay may pinag-aralan at maraming alam.
D. Ito ay nakaiimpluwensiya sa paghubog ng ating pagkatao at makakapapag-isip tayo ng
mabilis at mabisang solusyon sa anumang suliranin sa buhay

9. Ano ang mangyayari kung magkokomento ka sa isang balita na hindi mo naman


masyadong naintindihan dahil ang headline lang nito ang iyong binasa?
A. Magiging tagapagtaguyod ka ng fake news.
B. Maraming maniniwala sa iyo dahil kilala kang personalidad.
C. Maaaring magkaroon ng kaguluhan dahil sa iyong balita at komento.
D. Lumihis ang iyong pagkakaunawa sa nilalaman ng balita na siyang makakaapekto sa
gagawin

10. Bilang mag-aaral, paano mo maipakikita ang pagiging responsable sa paggamit ng


impormasyon?
A.Magpapakalat at gagamit ng impormasyon kapag wasto ang mga detalyeng nakalap.
B. Gagawa ng sariling pananaliksik upang masigurong tama ang nakuhang balita.
C. Pipiliin lamang ang mga impormasyon na gusto kung malaman at paniwalaan.
D. Susuriin ang mga impormasyon batay sa suhestiyon at komento ng mga kakilala.

3
4

You might also like