You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III-Central Luzon

REGIONAL DIAGNOSTIC ASSESSMENT


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6

Pangalan: ______________________ Antas /Pangkat: ___________________ Petsa:________

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Piliin ang angkop na sagot sa mga pamimilian. Isulat
ang titik ng inyong sagot sa sagutang papel.

1. Aling pasya ng nakararami ang dapat mong sasang-ayunan?


A. Pasya ng matatalino. C. Pasya ng mayayaman.
B. Pasya ng matatanda. D. Pasyang makabubuti sa lahat.

2. Ito ay isang uri ng makabagong teknolohiya na ginagamit bilang pantawag, magbigay ng mensahe at
paggamit ng internet. Ano ito?
A. Cellphone. C. Radyo.
B. Internet. D. Telebisyon.

3. Ang tamang impormasyon ay mahalaga upang magkaroon tayo nang tamang pagpapasiya. Ang mga
sumusunod ay mga patnubay upang malaman natin kung wasto o gawa-gawa lamang ang mga
impormasyon MALIBAN sa isa. Ano ito?
A. Alamin kung ang impormasyon ay may sapat na basehan.
B. Siyasatin kung ang taong nagbibigay nito ay kapani-paniwala.
C. Alamin kung ang impormasyon ay ayon sa iyong pinaniniwalaan.
D. Paniwalaan kaagad ang impormasyon na sinabi ng iyong kaibigan.

4. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita na ang impormasyon ay nakatutulong?


A. Si Rose na nanonood ng bidyo sa youtube maghapon.
B. Si Carlo na sumusunod sa mga sinasabi ng mga frontliner.
C. Si Anna na nakikinig sa kuwentuhan ng mga kapitbahay niya.
D. Si Lino na nagbabahagi ng memes mula sa hindi kapani-paniwalang news page.

5. Nawalan ng trabaho ang iyong mga magulang dahil sa pandemya. Kailangan mong huminto sa pag-
aaral dahil sa kakulangan ng pera. Ano ang gagawin mo?
A. Magtatampo ako sa aking mga magulang.
B. Ikatutuwa ko ito dahil pagod na rin ako sa pag-aaral.
C. Huminto na lamang at sasama sa aking mga barkadang magliliwaliw.
D. Humanap ako ng magagandang paraan upang maipagpatuloy ko ang aking pag-aaral.

6. Ano ang magagawa mo kung nahaharap ka sa suliranin ng pagkakaroon ng sirang cellphone gayong
malapit na ang pasukan at kailangan mo ito sa online class?
A. Pilitin ang magulang na ikaw ay bilhan ng bagong cellphone lalo na at huling taon mo na sa
elementarya.
B. Kausapin ang iyong mga guro at ikuwento ang iyong pinagdaraanang suliranin ukol sa kawalan
ng gadget.
C. Humanap ng mapapasukang trabaho upang makapag-ipon ng sapat na perang pambibili ng
bagong cellphone.
D. Suriing mabuti ang iyong sitwasyon at humanap ng ibang alternatibo upang makabahagi pa
rin sa pag-aaral online.

7. Bumili ka ng kendi sa tindahan. Pagkatapos mong bumili, nalaman mong sobra ang isinukli sa’yo ng
tindera. Ano ang gagawin mo?
A. Isasauli ko kaagad sa tindera ang sobrang sukli.
B. Ibibili ko uli ng kendi sa tindahan ang sobrang sukli.
C. Uuwi ako sa bahay at hihingin kay nanay ang sobrang sukli.
D. Tatanungin ko muna si nanay kung ano ang gagawin sa sobrang sukli.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III-Central Luzon

8. Sinabi ng kaibigan mong malapit nang magkakaroon ng face-to-face classes sa inyong paaralan
ngayong darating na Hunyo. Ano ang iyong gagawin upang malaman mong nagsasabi nang totoo ang
iyong kaibigan?
A. Makikinig ng balita sa radyo.
B. Magtatanong sa mga nakatatanda.
C. Maniniwala kaagad sa sinabi ng iyong kaibigan.
D. Magsasaliksik gamit ang official page ng paaralan.

9. Bakit mahalaga na ang batang tulad mo ay nakapagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may
kinalaman sa sarili at pangyayari?
A. Nakatutulong ito na makilala mo nang higit ang iyong tunay na pagpapahalaga.
B. Nakatutulog ka nang mahimbing sa gabi ng walang inaalalang anomang problema.
C. Nabibigyan mo nang linaw ang mga bagay at pangyayari nang may tamang katuwiran.
D. Naiiwasan mong makaranas ng anomang uri ng mabibigat na isyu o suliranin araw-araw.

10. Ang pagiging mapanuri sa isang sitwasyon ay mahalagang katangian bago gumawa ng pasiya o
desisyon ang isang tao. Paano ito nakatutulong sa paggawa ng isang desisyon?
A. Sa pamamagitan ng pagbigay ng biglaang desisyon sa bawat sitwasyon.
B. Sa pamamagitan ng pagtangging makita ang kahinaan at kalakasan ng iba.
C. Sa pamamagitan ng pakikinig lamang ng iisang opinyon mula sa mga malalapit na kaibigan.
D. Sa pamamagitan ng pagtimbang ng sitwasyon at pagiging bukas ang isipan para sa opinyon
ng iba.

11. Bakit mahalaga ang tulong ng ibang tao sa paggawa mo ng pasiya?


A. Upang malaman ko ang kanyang sekreto at problema sa buhay.
B. Upang magkaroon ako ng taong sisisihin kapag nagkamali ako sa aking pasiya.
C. Upang magabayan ako sa mga posibleng bunga ng mga pasiyang aking gagawin.
D. Lahat nang nabanggit ay tama.

12. Bakit kailangan nating pahahalagahan ang pasiyang nakabubuti para sa nakakarami?
A. Upang matawag na matalino ang bawat isa.
B. Upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.
C. Upang mayroong taong masisisi sa bandang huli.
D. Upang mabigyan ang bawat isa ng pagkakataong sumikat.

13. Sina Mabi at Mer ay matalik na magkaibigan simula noong bata pa sila. May pangako silang
mananatiling magkaibigan hanggang paglaki. Ngunit dumating ang araw na nag-aral si Mer sa Maynila.
Pagkalipas ng ilang taon ay bumalik si Mer at kapansin-pansin na malaki ang ipinagbago niya.
Kinalimutan at ipinagpalit na niya ang dating kaibigang si Mabi sa mga bago pa lamang niyang
nakakasama. Sa kanilang muling pagkikita, ano ang dapat gawin ni Mabi?
A. Magalit at magtanim ng sama ng loob sa itinuring na kaibigan.
B. Ipagkalat sa facebook na hindi siya naging mabuting kaibigan.
C. Kausapin ang kaibigan upang maintindihan ang kaniyang rason.
D. Huwag nang papansinin ang matalik niyang kaibigan kahit kailan.

14. Bakit mahalaga ang tumupad sa pangako o kasunduan?


A. Indikasyon ito ng pagiging totoo mo sa binitiwang salita.
B. Inilalapit ka nito sa pagtanggap ng maraming pagpapala.
C. Iniiwas ka nito na mapahiya sa taong iyong pinangakuan.
D. Itinutuwid nito ang mga pagkakamaling nagagawa sa iba.

15. Paano mapananatili ang mabuting pakikipagkaibigan?


A. Kailangan na ang gusto mo lamang ang dapat na masusunod.
B. Kailangan na maging tapat at totoo sa isa’t isa, positibo man o hindi.
C. Kailangan ang palagiang panlilibre, pagtatawanan, at pagtutuksuhan.
D. Kailangan ang pagbibigay ng kabuoang oras sa paglalaro ninyo online.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III-Central Luzon

16. Bakit kailangang pag-aralan ng mga bata ang kahalagahan ng pagiging matapat?
A. Magsisilbi itong gabay upang magawa nilang mapagtakpan ang katotohanan.
B. Makatutulong ito upang umunlad ang kani-kanilang buhay pagdating ng araw.
C. Matututo sila sa kanilang mga pagkakamali at makapamumuhay ng mapayapa.
D. Masasanay sila sa pagsasabi ng totoo at pagpili na sabihin ito gaano man kasakit.

17. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging responsable sa kapuwa?


A. Si Ali na pinasasagutan ang mga gawain sa kaniyang module sa magulang.
B. Si Arlie na nagbibigay ng mga sagot upang hindi na mahirapan ang kaklase.
C. Si Ariel na nililibre ang mga pinsan gamit ang perang ibinibigay ng magulang.
D. Si Alexis na isinasauli ang mga gamit na kaniyang hiniram sa itinakdang oras.

18. Isang linggo na ang lumipas ngunit hindi pa rin isinasauli ng kaibigan mong si Simone ang iyong
paboritong libro. Ipinangako niya sa iyo na ibabalik niya rin ito kinabukasan magmula ng hiniram niya
ang libro. Kung ikaw si Simone, ano ang gagawin mo?
A. Isusumbong ko siya sa kaniyang magulang upang siya ay mapagalitan.
B. Iisipin ko na lamang na ito ay nakalimutan niya at hindi niya ito sinasadya.
C. Ipararamdam kong masama ang aking loob sa hindi niya pagsauli ng libro.
D. Ituturo ko sa aking kaibigan na magsauli ng hiniram na gamit sa tamang oras.

19. Sa anong sitwasyon maisasabuhay ang pagiging matapat?


A. Tamang halaga ang ibinabayad ko kapag sumasakay sa pampublikong sasakyan.
B. Tama lang na angkinin ang papuri para sa isang proyektong pampaaralan na mahusay na
ginawa ng iba.
C. Tumatanggi akong sumali sa gawain sa barangay kapag sa tingin ko ay hindi iyon
kapakipakinabang.
D. Tinutulungan ko ang kapatid na tapusing sagutin ang learning activity sheet kapag malapit na
itong ipasa sa guro.

20. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng paggalang sa ideya o suhestiyon ng kapuwa?
A. Sabi ni Dan ay hindi raw maganda ang boses ko. Ayoko na uling kumanta.
B. Sapat ang ibinahagi mong ideya para sa aking gagawing proyekto. Salamat.
C. Sang-ayon akong magaling ka talaga. Ngunit, hayaan mo ako sa aking diskarte.
D. Sa dami ng iyong sinasabi hindi na kita maintindihan. Kung puwede, tumigil ka na.

21. Ipinangako ng iyong tatay sa iyo na pagdating niya mula sa trabaho ay tutulungan at gagabayan ka
niya sa iyong mga gawain sa learning activity sheets. Ngunit dahil sa pagod niya ay nakatulog na siya
pagdating sa inyong tahanan. Ano sa palagay mo ang dapat na iyong maging tugon ukol sa pangyayaring
ito?
A. Ilalahad sa tatay ang saloobin hinggil sa nangyari.
B. Iiyak na lamang at kalilimutan na ang pangyayari.
C. Ipagsasawalang kibo ko na lamang ang nangyari.
D. Iisiping hindi na hihingi ng tulong sa tatay kailanman.

22. Si Nik ay isang batang madaldal na naghahangad na makahanap ng isang tunay na kaibigan sa
bagong paaralan na kaniyang pinasukan at nakatagpo naman siya nito. Ngunit sa kadaldalan niya ay
naipagsabi niya ang mga sikreto ng kaniyang matalik na kaibigan. Tama ba ito?
A. Opo, dahil paraan ito upang magkaroon pa siya ng mas maraming kaibigan.
B. Hindi po, dahil maaari siyang mapagkamalang nagpapakalat ng mga tsismis.
C. Opo, dahil sa pagsisiwalat niya sa mga sikreto ay makukuha niya ang tiwala nila.
D. Hindi po, dahil sinira niya ang pangako at tiwalang ibinigay ng kaniyang kaibigan.

23. Alam mong may ilang araw nang hindi pumapasok sa paaralan ang nakatatanda mong kapatid. Nais
mong magtapat sa inyong mga magulang ngunit tinatakot ka ng iyong nakatatandang kapatid. Sasang-
ayon ka ba sa kagustuhan niya? Ano ang gagawin mo?
A. Opo, dahil bilang nakatatandang kapatid, dapat kong igalang ang kaniyang gusto.
B. Opo, dahil mas malilinang ang kaniyang kagalingang taglay sa labas ng paaralan.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III-Central Luzon
C. Hindi po, dapat malaman ito ng aking mga magulang upang siya ay matulungan at dahil ito
ang tamang gawin.
D. Hindi po, isusumbong ko siya para pagalitan ng aking mga magulang at tuluyang patigilin na
sa kaniyang pag-aaral.

24. Pinagalitan si Reggy ng kaniyang nanay at alam niyang hindi siya ang may kasalanan. Kalaunan ay
umamin sa kaniya ang kapatid niyang si Kris na siya talaga ang may kasalanan at nangakong sasabihin
na ito sa kanilang nanay patawarin lamang siya. Kung ikaw si Reggy, ano ang nararapat mong gawin?
A. Ideya o suhestiyon niya ay tanggapin at siya ay patawarin.
B. Iwasan na ang kapatid upang hindi na muling mapahamak.
C. Isumbong ang kapatid sa nanay upang maturuan ng leksiyon.
D. Ipagsawalang bahala na lamang ito dahil tapos na itong mangyari.
25. Itinanghal siya bilang kauna-unahang Pilipina na nagkamit ng Laurence Olivier Award, Tony Award,
Drama Desk, Outer Critics Circle, at ang Theatre World Award para sa natatangi niyang pagganap bilang
Kim sa Miss Saigon noong 1989. Sino siya?
A. Lea Salonga.
B. Morisette Amon.
C. Rachelle Ann Go.
D. Regine Velasquez.

26. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagbibigay ng sarili sa bayan ng El Gamma Penumbra
na kampeon sa Asia’s Got Talent?
A. Umaawit sila ng acapella ng mga OPM o Original Pilipino Music na awitin.
B. Nagsasayaw sila ng hip-hop gamit ang mga katutubong kasuotan ng mga Pilipino.
C. Nagpapakita sila ng pinagsamang pag-awit at pagsayaw ng mga katutubong awitin.
D. Nagtatanghal sila ng shadow play tungkol sa kalikasan at pagmamalaki bilang Pilipino.

27. Ito ang wastong pangangalaga sa kapaligiran para sa kasalukuyan at sa susunod pang henerasyon.
Ano ang tinutukoy rito?
A. Likas-yaman ng tao.
B. Pinagkukunang-yaman.
C. Likas-kayang pag-unlad.
D. Kabuhayang pangkapaligiran.

28. Ito ay naglalayong panatilihing malinis at ligtas ang hanging nilalanghap ng mga tao at isinasaad din
nito na hindi lamang ang pamahalaan ang may katungkulan nito kundi ang lahat ng mamamayan. Anong
batas pambansa ito?
A. RA 8749 o Philippine Clean Air Act.
B. RA 9275 o Philippine Clean Water Act.
C. RA 7586 o National Integrated Protected Areas System Act.
D. RA 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

29. Nakita mo ang likas na yaman ng inyong lugar na patuloy na napupuno na ng basura. Ano ang
gagawin mo?
A. Linisin ang inyong lugar at sunugin ang mga naipong mga basura.
B. Maglilinis at isasagawa ang 4R’s –Reduce, Reuse, Recycle, at Replace.
C. Mahigpit na ipagbawal ang pagkakaingin sa mga likas na yaman ng lugar.
D. Pangalagaan ang likas na yaman sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno.

30. Narinig mo sa telebisyon ang balitang may red tide sa inyong lugar at sa mga karatig-bayan ninyo.
Bilang isang mag-aaral, ano ang gagawin mo?
A. Tutulong ako sa paglilinis ng mga katubigan.
B. Bibili ako ng isda at lilinisin na lang itong mabuti.
C. Pananatilihin ko na lang na malinis ang aming bakuran.
D. Hindi ko ipagbibigay-alam ang sitwasyon ng aming lugar.
31. Sa inyong klase ay may pinagawang proyekto. Ang inyong guro ay naglahad ng pamantayan sa
paggawa ng nasabing gawain. Alin sa mga sumusunod ang nararapat mong gawin bilang isang mag-
aaral?
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III-Central Luzon
A. Bilisan ang paggawa upang mauna sa pagpasa sa ibang grupo.
B. Lumagpas sa oras ng paggawa upang maging maganda ang gawain.
C. Ipasa ang proyekto sa guro kahit hindi maayos ang natapos na gawain.
D. Sumunod sa pamantayan upang lumabas na may kalidad ang gawain.

32. Habang ang buong pamilya mo ay namamasyal, napansin mong itinapon ng nakababata mong
kapatid ang pinagkainan niya ng tsitserya sa gilid ng daan. Ano ang gagawin mo?
A. Pupulutin ang kalat niya at itatapon ito sa basurahang malapit dito.
B. Papayuhan siya na hindi tamang itapon kung saan-saan ang basura.
C. Maghahanap ng dyanitor sa paligid na maaaring magwalis ng kalat niya.
D. Yayayain siyang umuwi na dahil baka may makakita sa kanyang ginawa.

33. Habang ikaw ay nakasakay sa isang pampublikong sasakyan ay nakakita ka ng pasaherong


naninigarilyo at naaamoy mo ang di kaaya-ayang usok na nagmumula rito. Ano ang gagawin mo?
A. Tatawagin ang atensyon ng konduktor upang ipagbawal ang paninigarilyo sa loob ng
sasakyan.
B. Lalapitan ang naninigarilyo at tahasang sabihan siya na itigil ang kanyang ginagawang
paninigarilyo.
C. Sasabihan ang naninigarilyo na bumaba na lang ng sasakyan at doon gawin ang paninigarilyo.
D. Hahayaan na lang ang taong naninigarilyo at magtitiis na lang sa naaamoy na di kaaya-ayang
usok nito.

34. Bigyang-katwiran ang pahayag sa ibaba. Tama ba o mali ang ginawa ni Eduardo? Bakit?
Si Eduardo ay nagnais na iangat ang kanyang kalagayan kaya siya ay nag-isip, nagpuyat, at nagpagod
upang mag-imbento ng isang bagay na magagamit niya sa paglilingkod sa iba.
A. Mali ang paglingkuran ang kapwa habang siya’y nalulugmok sa kanyang sariling kalagayan.
B]. Mali ang kanyang ginawang pagpupuyat at pagpapagod para lamang sa kapakanan ng iba.
C. Tama na ginamit niya ang pagiging malikhain sa paggawa ng bagay na makatutulong sa iba.
D. Tama na isipin niya muna ang kanyang sarili upang iangat niya ang kanyang kalagayan sa
buhay.
35. Sa inyong komunidad ay may iba’t ibang organisasyon o proyektong isinasagawa. Ang isa sa mga
ito ay nagpapanatili ng kapayapaan mula sa tahanan hanggang sa pamayanan. Lalahok ka ba rito o
hindi? Bakit?
A. Lalahok ako dito dahil mapapaunlad ko pa ang sarili kasama ng iba ko pang kaibigan sa
pamayanan.
B. Hindi ako makikiisa sa gawain ng komunidad dahil mauubos lamang dito ang oras at
kakayahan ko.
C. Makikiisa ako sa pagpapanatili ng kapayapaan dahil ito ang gustong mangyari ng aking mga
magulang.
D. Sasama ako sa pagpapanatili ng kapayapaan dahil napakagandang pagmasdan ang
pamayanang may kaayusan.

36. Ipinatutupad ng Pilipinas ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o RA 9165 sa buong
bansa. Paano ito makatutulong sa anti-drug policy ng pamahalaan?
A. Ipinagbabawal ng batas ang pagbebenta ng kahit na anong uri ng gamot sa mga botika ng
walang reseta ng manggagamot na ipakikita.
B. Pananatilihin ng pamahalaan ang kaayusan ng pagbibigay at pagbebenta ng mga gamot sa
mga mamamayan sa iba’t ibang botika sa kapuluan.
C. Inaatasan ng batas na magsagawa ng mga polisiya at programa upang epektibong makontrol
at mapigilan ang polusyong kumakalat sa bansa.
D. Titiyakin ng pamahalaan na mahuhuli ang mga taong nagbebenta at gumagamit ng
ipinagbabawal na gamot at mapapatawan sila ng kaukulang parusa.

37. Ang mga Pilipino ay may kakayahang makipamuhay saan mang bansa kahit ang kultura at
pamamaraan nila ay lubhang iba kaysa sa atin. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. Madaling makibagay ang mga Pilipino at iangkop ang sarili sa iba’t ibang pagkakataon.
B. Sobrang malakas ang loob ng mga Pilipinong ipakita o ipamalas kung sino talaga tayo.
C. Ang mga Pilipino ay may malakas na motibasyon upang magtagumpay sa hamon ng buhay.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III-Central Luzon
D. Nakatatayo ang mga Pilipino sa sariling desisyon kahit saan mang panig sila ng mundo
mapunta.

38. Ito ay may malaking bahaging ginagampanan sa bawat isa sa atin sa paghubog ng mabuting
pagkatao.
A. Opinyon at pananalig.
B. Prinsipyo at karapatan.
C. Tungkulin at pananagutan.
D. Ispiritwalidad at pananampalataya.

39. Ang ______ ay matibay na paniniwala sa Diyos o sa mga doktrinang pinaniniwalaan ng isang
relihiyon batay sa ispiritwal na pang-unawa sa halip na katibayan.
A. Pag-ibig
B. Debosyon
C. Tradisyon
D. Pananampalataya

40. Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapakita ng mataas na antas ng ispiritwalidad?
A. Madalang sa pagsamba o pagsisimba
B. Pagtulong sa mga piling kaibigan o kamag-anak.
C. Pagtupad nang may pag-aalinlangann sa mga tungkulin.
D. Palagiang pagtulong sa mga nangangailangan at maysakit.
41. Palaging positibong mag-isip si Rachel tungkol sa mga sitwasyon o pangyayari sa buhay niya kahit
minsan ay nagkakaroon sila ng problema sa pamilya. Nahihikayat niyang maging matatag ang bawat isa
at laging sinasabing makararaos din sila. Anong uri ng pananaw mayroon si Rachel?
A. Positibong pananaw
B. Negatibong pananaw
C. Pag-aalinlangang pananaw
D. Marupok o mahinang pananaw

42. Paano mo maipapakita na mayroon kang pananalig sa Diyos sa mga panahon na dumaranas ka at
ang iyong pamilya ng mga suliranin o mabibigat na pagsubok sa buhay?
A. Paiigtingin ko ang aking paniniwala sa mga kulto o kababalaghan.
B. Sasali ako sa iba’t-ibang sekta na magbibigay sa akin ng kaliwananan ng isipan.
C. Patuloy akong mananalig at magdarasal na malalampasan din ang mga suliraning ito.
D. Ibabaling ko ang aking panahon sa mga libangang nakaaaliw tulad ng paglalaro ng mobile
legend.

43. Si Bryan ay miyembro ng choir sa simbahan. Minsan ay niyaya siyang maglaro ng kaniyang kaibigan
at sinabing huwag nang dumalo sa lingguhang pag-eensayo dahil kabisado naman na niya ang mga
awitin. Ano kaya ang mabuting gawin ni Bryan?
A. Papayag siya dahil totoo namang magaling na siyang umawit.
B. Papayag siya dahil makakapamasyal siya kasama ang kaibigan.
C. Hindi siya papayag dahil kailangan pa rin niyang mag-ensayo upang maiwasan ang
pagkakamali.
D. Hindi siya papayag dahil siguradong hindi naman niya sasagutin ang gastusin sa kanilang
pamamasyal.

44. Nais ng inyong Punong Barangay na makiisa ang mga kabataan sa proyektong “Basyo mo, Gawing
Pondo” na ilalaan para sa mga kapus-palad sa inyong barangay. Hinihikayat kayong magdonate ng
plastic bottles, mga papel, karton, lumang diyaryo at iba pa ngunit nag-iipon ka ng pera para sa iyong
bagong cellphone. Ano ang gagawin mo?
A. Ibebenta ko ang mga naipon ko para mabili ko ang bagong cellphone na gusto ko.
B. Iipunin ko lahat ng maaaring i-donate sa aming bahay para makatulong sa proyekto.
C. Ibibigay ang mga naipon kong plastic bottles at diyaryo kahit labag sa aking kalooban.
D. Hihingi ako ng pera sa aking nanay para ibigay sa barangay bilang tulong sa proyekto.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III-Central Luzon
45. Sa pagdalo sa isang panrelihiyong gawain ay naririnig mo sa pangaral sa inyong simbahan na ang
pagmamahal sa kapwa ay magpapalapit sa iyo sa Diyos. Ano ang gagawin mo?
A. Pipiliin ko lamang ang mga mamahalin at tutulungan ko.
B. Wala akong gagawin dahil mahirap ang tumulong sa kapwa.
C. Uunahin ko muna ang sarili at pamilya ko bago tulungan ang iba.
D. Tutulong ako sa abot ng aking makakaya sa mga nangangailangan.

46. Nangako ang kaibigan mong si Elsa na sasamahan ka niyang dumalo sa kaarawan ng iyong lola
ngunit sa di-inaasahang pangyayari hindi ito natuloy. Magtatampo ka ba kay Elsa dahil sa hindi natupad
ang inyong usapan?
A. Hindi, pero hindi ko muna siya papansinin at kakausapin.
B. Oo, dahil wala siyang ginawang paraan para samahan ako.
C. Oo, dahil alam ko namang dapat siyang tumupad sa usapan.
D. Hindi, dahil nauunawaan ko siya dahil alam kong hindi naman niya ito ginusto.

47. Iba’t-ibang relihiyon ang kinaaaniban ninyo sa inyong klase. Minsan, nakita mo at narinig na
nagtatalo-talo ang inyong mga kaklase tungkol sa kanilang magkakaibang paniniwala at tradisyon.
Napansin mo ang tumitinding pagtatalo. Ano ang dapat mong gawin?
A. Papanigan ko ang isa sa kanila na alam kong nasa katwiran.
B. Hindi ako sasali sa kanila dahil ayaw kong magkaroon ng mga kaaway.
C. Sasali ako sa kanilang pagtatalo dahil para sa akin ito ay makabuluhan.
D. Aawatin ko sila at pagsasabihang igalang nila ang paniniwala ng bawat isa.

48. Nagkukuwentuhan ang iyong mga kaklase sa di kalayuan. Sa di inaasahan, nakita mong
nagbubulungan at nagtatawanan sila habang nakatingin sa iyo. Ano ang iyong gagawin?
A. Hahamunin ko silang lahat ng away paglabas namin ng paaralan.
B. Hindi ko na lang sila papansinin at magsisikap pa ako sa aking pag-aaral.
C. Lalapitan ko sila at tatanungin nang maayos kung bakit nila ako pinagtatawanan.
D. Isusumbong ko sila sa aking mga magulang at sasabihin ang ginawa nila sa akin.

49. Habang ikaw ay naglalakad pauwi ay nakakita ka ng limang daang piso. Alam mong walang ibang
tao sa paligid. Pinulot mo ito lalong-lalo na ngayong walang trabaho ang tatay mo. Ano ang iyong
gagawin?
A. Ibibigay ko sa mga pulis ang pera.
B. Ibibigay ko na lamang sa mga pulubi ang perang napulot.
C. Hahanapin namin ang tirahan ng may-ari at isasauli ang pera.
D. Sasabihin ko kay Tatay na gamitin na lamang namin ang pera.

50. Ikaw ay nag-iipon ng pera para sa iyong kinabukasan. Habang ikaw ay naglalakad, nakasalamuha
mo ang isang pulubi na walang tahanan at umaasa lamang sa limos para sa pang-araw-araw na
pangangailangan. Ano ang iyong gagawin?
A. Ipagtatabuyan siya dahil napakarumi at napakabaho niya.
B. Iiwasan ko siya at lilipat ng daan para di ko siya makasalamuha.
C. Pagsasabihan siya na mamalimos na lamang sa mga mayayaman.
D. Ibibigay ko ang konting pera ko upang bahagyang makatulong sa kaniya.

You might also like