You are on page 1of 13

PANGREHIYONG PAGTATASA

PARA SA KALAGITNAANG TAON


SA EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO (ESP) 6
Panuto: Suriin ang bawat sitwasyon. Piliin ang letra ng tamang sagot.
1. Nagkaayaan ang magkaibigang Nick at Jay na
pumunta sa bukid upang manguha ng gagamba. May
pasok sila sa araw na iyon at mahigpit silang
pinagbawalan ng kanilang mga magulang na pumunta sa
bukid. Ano ang nararapat nilang gawin?
A. Pupunta sila upang makarami nang huli.
B. Susuwayin ang mga magulang at ipagpapatuloy ang
balak.
C. Susundin ang pagbabawal ng mga magulang at
papasok sa klase.
D. Magsisinungaling sa mga magulang at sasabihing may
gagawing proyekto sa bahay ng kaklase.
2. Aling pasya ng nakararami
ang dapat mong sang-ayunan?
A. pasya ng matatalino
B. pasya ng matatanda
C. pasya ng mayayaman
D. pasyang makabubuti sa
lahat
3. Nawalan ng trabaho ang mga magulang ni Gina dahil
sa pandemya. Kailangan niyang huminto sa pag-aaral
dahil sa kakulangan ng pera. Ano ang kaniyang dapat
gawin?
A. Magtatampo siya sa kaniyang magulang dahil
pinahihinto siya sa pag-aaral.
B. Ikatutuwa niya ito dahil pagod na rin siyang mag-aral
at nais niyang maglaro naman.
C. Hihinto na lamang at sasama sa kaniyang mga
barkadang magliliwaliw.
D. Hahanap siya ng mabuti at angkop na mga paraan
upang maipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral.
4. Alin sa sumusunod ang nagpapakita na
ang teknolohiya ay nakatutulong sa
pagbibigay ng wastong impormasyon?
A. Naglalaro si Lino ng online games.
B. Nanonood si Lino ng mga pelikula online.
C. Nagsasaliksik si Lino ng kaniyang mga
aralin gamit ang internet.
D. Nagtatanong si Lino sa kaniyang
kapitbahay gamit ang chat tungkol sa mga
sagot ng kaniyang takdang-aralin.
5. Ano ang nararapat gawin ni Lino kung nahaharap siya
sa suliranin ng pagkakaroon ng sirang cellphone gayong
malapit na ang pasukan at kailangan niya ito sa paggawa
ng performance task?
A. Pilitin niya ang magulang na bilhan siya ng bagong
cellphone lalo na at huling taon na niya sa elementarya.
B. Kausapin ang kaniyang mga guro at ikuwento niya ang
pinagdaraanang suliranin ukol sa kawalan ng gadget.
C. Suriin niyang mabuti ang kaniyang sitwasyon at
hahanap ng ibang alternatibo upang makabahagi pa rin sa
pag-aaral online.
D. Humanap ng mapapasukang trabaho upang makapag-
ipon ng sapat na perang pambibili ng bagong cellphone.
6. Bilang isang mahalagang kasapi ng pamilya, ang
pakikinig, pagsusuri, at pagsang-ayon sa pasya ng
nakararami ay isang kaaya-ayang katangian. Paano mo
ito maipakikita?
A. Ipipilit ang sariling pananaw at hindi susunod sa
pasya ng iba.
B. Hahayaan silang magdesisyon dahil wala ka ring
maitutulong.
C. Magsasawalang kibo na lamang kung sila ay
nakapagpasya na.
D. Tutulong upang maisakatuparan ang desisyon ng
nakararami.
7. Bakit mahalaga na ang batang tulad mo ay
nakapagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may
kinalaman sa sarili at pangyayari?
A. Nakatutulong ito na makilala mo nang higit ang
iyong tunay na pagpapahalaga.
B. Nabibigyan mo nang linaw ang mga bagay at
pangyayari nang may tamang katuwiran.
C. Naiiwasan mong makaranas ng anomang uri ng
mabibigat na isyu o suliranin araw-araw.
D. Nakatutulog ka nang mahimbing sa gabi ng
walang inaalalang anomang problema
8. Paano maiiwasan ni Josie ang pagkuha ng
maling impormasyon?
A. Kukuha lamang siya ng mga impormasyon
sa kaniyang mga kaibigan at kapitbahay.
B. Aalamin niya kung mapagkakatiwalaan
ang pinagkunan ng impormasyon.
C. Ibabahagi niya sa iba ang kaniyang
nabasa kahit ito ay hindi pa beripikado.
D. Maniniwala siya kaagad sa kaniyang mga
nabasa sa social media.
9. May bagong kaibigan si Eman na
nakilalala niya sa kanilang paaralan.
Nais malaman ni May ang
pagkakakilanlan nito. Alin sa
sumusunod ang hindi niya dapat
sabihin kay May?
A. edad niya
B. pangalan niya
C. paaralan niya
D. pin ng atm card niya.
10. Nagkaroon ng pagpupulong ang klase nina Beth sa
ikaanim na baitang upang pag-usapan ang pagdiriwang
ng Filipino Values Month na gaganapin sa susunod na
linggo. Binigyan ang bawat isa ng pagkakataong
ipahayag ang kanilang saloobin at opinyon tungkol sa
mga napagkasunduang detalye. Ano ang dapat at tama
nilang sasabihin?
A. “Wala na ba kayong maisip na ibang paraan?”
B. “Bakit hindi ninyo naisipang ibahin ang plano?”
C. “Kaisa ninyo ako sa bahaging iyan, lubos akong
nananalig.”
D. “Sana sa susunod, hindi lang kayo ang laging
masusunod.”
11. Ang tamang impormasyon ay mahalaga upang
magkaroon tayo nang tamang pagpapasya. Alin sa
sumusunod ang HINDI nagbibigay patnubay upang
malaman natin kung wasto o gawa-gawa lamang ang mga
impormasyon?
A. Alamin kung ang impormasyon ay may sapat na
basehan.
B. Siyasatin kung ang taong nagbibigay nito ay kapani-
paniwala.
C. Alamin kung ang impormasyon ay ayon sa mga
eksperto.
D. Paniwalaan kaagad ang impormasyon na sinabi ng
iyong kaibigan.

You might also like