You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION X- NORTHERN MINDANAO
DIVISION OF MALAYBALAY CITY

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


GRADE 4- EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Pangalan:___________________________________ Petsa ng Pagsusulit: ___________


Baitang at Seksiyon:__________________________ Iskor: _______________________

Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

Isang araw, masiglang naglalaro ang magkapatid na Abi at Bia, kasama ang
kanilang alagang tuta sa loob ng kanilang bahay. Habulan ditto; habulan doon.
Takbo rito; takbo roon hanggang sa masagi ni Bia ang pinggan sa lamesa. Natakot
sila na baka pagalitan sila ng kanilang nanay ngunit sa kabila ng takot na nadarama
ay naglakas loob parin ang magkapatid na sabihin sa kanilang Ina ang nangyaring
aksidente.

1. Sino ang naglalaro sa loob ng kanilang bahay?


A. Abi at Bia C. Ana at Ina
B. Analiza at Analuna D. Anastaxia at Abi
2. Ano ang nangyari sa kanilang paghahabulan?
A. Kinagat si Bia ng tuta. C. Nadapa si Abi sa sahig.
B. Nahulog ang tuta sa bintana. D. Nabasag ang pinggan sa mesa
3. Kanino nila sinabi na nabasag nila ang pinggan?
A. Sa kanilang Ama C. Sa kanilang Ina
B. Sa kanilang kamag-aral D. Sa kanilang alaga
4. Bakit nabasag ang pinggan sa lamesa?
A. Dahil binasag ng kanilang alagang tuta.
B. Nasagi ni Bia ang pinggan sa lamesa.
C. Dahil sa kanilang habulan at takbuhan.
D. Bigla na lamang nahulog ang pinggan kahit walang gumagalaw dito.

Gusto mo bang pumuti? Huwag nang mag-alala, nandito na ang “Papaya Herbal
Soap” na tutulong saiyo. Kaya magpabili ka na sa nanay o tatay mo.

5. Tungkol saan ang patalastas? Ito ay tungkol sa ___________.


A. produkto B. pagbili C. magulang D. katalinuhan
6. Ano ang epekto ng sabon ayon sa patalastas?
A. nakapagpapatalino sa tao C. nakapagpapaputi ng balat
B. nagiging mapanuri sa pagbili D. natututo ng maraming kaalaman
7. Sa pagtuklas ng katotohanan, nakatutulong ba ang pagbabasa ng aklat at mga
sanggunian?
A. Tama B. Mali C. Hindi sag-ayon D. Dependi sa sitwasyon
8. Bilang mag-aaral alin sa sumusunod ang nakapagsusuri ng katotohanan?
A. Si Bert ay walang paki sa kanyang kaibigan.
B. Si Luis ay ayaw magsalita tungkol sa kanyang nalaman na ginawa ng kaibigan.
C. Si Miguel ay nagtanong tanong sa mga nakakita sa nangyari sa kaibigan bago
niya ito kinompronta.

D. Si Roel ay nagsabi ng masasakit na salita sa kanyang kaibigan dahil sa narinig


niyang may ginawa itong masama.

9. Bakit kailangang maging mapanuri? Ang sumusunod ay mga magagandang


dahilan maliban sa isa.
A. Upang masuri ang katotohanan C. Upang ang tama ay mapatunayan
B. Upang malaman ang tama sa mali D. Upang malaman ang tsismis

Maling Balita

Isinulat ni: Lea B. Perez


Si Ron-Ron ay mahilig makipaglaro sa labas ng kanilang bahay. Isang araw,
narinig niya sa kanilang kapitbahay na nagkukuwentuhan na mayroong bagyong
darating kinabukasan. Kaya agad siyang umuwi upang ipaalam sa kaniyang nanay at
tatay. Ang kaniyang nanay ay dali-daling niligpit ang kanilang mga kagamitan sa loob
ng bahay. Samantalang ang kaniyang tatay ay mabilis na umakyat sa kanilang
bubong upang siguraduhing hindi liparin ng malakas na hangin ang mga ito. Nagulat
na lamang silang mag-ina ng may magsigawan sa labas ng kanilang bahay.
Aksidente palang nahulog ang kaniyang tatay mula sa bubungan. Dinala nila ito sa
ospital at napag-alaman nilang wala naman palang katotohanan ang balita tungkol sa
bagyo.

10. Ano ang katangiang ipinakita ng pangunahing tauhan sa kuwento?


A. mapagmahal na anak
B. magaling maghikayat ng kapwa
C. madaling maniwala sa balitang naririnig
D. mapanuri sa mga impormasyong nakakalap
11. Ano ang narinig niya sa usapan ng kanilang mga kapitbahay?
A. May darating na malakas na bagyo kinabukasan
B. May darating na lindol sa kanilang lugar
C. May napansin na maaaring pumutok ang bulkan
D. May nabubuong buhawi sa labasan ng kanilang bahay

12. Ano ang ginawa ng kaniyang tatay nang nalaman ang balita?
A. Isinama silang mag-ina sa pamamasyal.
B. Nagluto agad ng panaghalian.
C. Niligpit ang kanilang mga kagamitan sa loob ng bahay.
D. Umakyat sa bubungan upang siguraduhing hindi malipad ng malakas na
hangin ang mga ito.
13. Ano ang masamang nangyari sa kanyang tatay?
A. Nagulat sa balita C. Nalito sa narinig na balita
B. Nahulog mula sa bubong D. Namutla sa takot na nadama.
14. Upang maiwasan ang ganitong pangyayari, ano ang kailangang gawin kapag
may
balita o impormasyong natatanggap?
A. Wala akong pakialam sa mga balita.
B. Ipagsabi agad sa ibang tao ang balitang narinig.
C. Gumawa ng agarang desisyon upang makagawa ng solusyon.
D. Dapat suriin muna ng mabuti kung may katotohanan ang isang balita bago
gumawa ng hakbang

Gusto mo bang pumuti? Huwag nang mag-alala, nandito na ang “Papaya Herbal
Soap” na tutulong saiyo. Kaya magpabili ka na sa nanay o tatay mo.

15.Magpapabili ka ba ng “Papaya Herbal Soap” na nabanggit sa patalastas? Bakit?


A. Opo, dahil puwede ito sa batang tulad ko.
B. Opo, dahil magiging Maganda ako pag gagamit ako ng sabon na “Papaya
Herbal Soap.”

C. Hindi po, dahil hindi naman ako sigurado sa magiging epekto nito.
D. Hindi po, dahil hindi naman lahat ng patalastas ay nagsasabi ng tamang
mensahe. At ang mga produkto ay nakadepende kung hiyang sa iyong balat
ang produktong gagamitin.
16.Ano ang una mong gagawin sa mga patalastas na iyong nabasa at nakita? Bakit?
A. Bibilhin ko agad ito upang hindi ako maunahan ng iba.
B. Hihikayatin ko ang aking mga kaibigan upang bumili rin nito.
C. Paniniwalaan ko ang sinasabi nito upang maging masaya ang gumawa nito.
D. Pagninilay-nilayan ko ito nang mabuti upang malaman ko ang katotohanan.

Ang Paaralang Elementarya ng Candiisan ay malapit sa tabing-ilog. Sina


Rina at Margie ay mga mag-aaral dito sa ika-apat na baitang. Araw ng Biyernes,
habang naglalakad papuntang paaralan. Nakasalubong ni Rina ang kaniyang
kaklaseng si Margie. Sinabihan siya nito na nakasarado pa ang kanilang silid-
aralan. Wala pa ang kanilang guro gayong ang oras ay mag-iikapito na ng umaga
kaya, ang ibig sabihin nito ay wala silang pasok. Kaya napagpasyahan nilang
pumunta sa tabing-ilog upang maglaro. Inalis nila ang kanilang mga sapatos
upang hindi mabasa. Nagtakbuhan at naghabulan ang magkaibigan. Nadapa si
17. Ano ang ibinalita ni Rina kay Margie nang nakasalubong niya ito papuntang
paaralan?
A. Pinauwi na sila ng kanilang punong-guro.
B. Wala ang kanilang guro kaya’t wala silang pasok.
C. Idineklara ng Mayor na walang pasok.
D. Sinabi ng kanilang guro na wala silang pasok.
18. Ano ang naging tugon ni Margie sa ibinalita ni Rina?
A. Nagtanong siya sa iba nilang kamag-aral.
B. Naniwala siya kaagad sa ibinalita ni Rina.
C. Sinangguni ni Margie sa kanilang punong-guro.
D. Nagtanong sa ibang guro ng kanilang paaralan.
19. Bakit naisip nilang wala silang pasok sa araw na iyon?
A. Dahil wala pa ang kanilang guro.
B. Dahil sa sinabi ng kanilang punong-guro.
C. Dahil narinig sa anunsiyo ng Presidente.
D. Dahil narinig nilang pinag-uusapan ng mga magulang sa labas ng paaralan.
20. Upang masigurado ang hinala ni Rina, Ano ang dapat nilang ginawa ni Margie?
A. Ituloy ang kanilang pagpasyal sa tabing-ilog.
B. Umuwi sa bahay at magsabi sa magulang.
C. Puntahan ang punong-guro upang magtanong.
D. Tipunin ang mga Kamag-aral at magdesisyong umuwi.
21. Ano ang aral na ipinahiwatig sa kuwento?
A. Suriin ang tama sa mali upang gawin ang tama
B. Alamin muna ang katotohanan bago gumawa ng desisyon.
Upang hindi mapahamak.
C. Paniwalaan ang haka-haka ng iba upang maibahagi agad ito sa lahat.
D. Pag-aralan ang mga impormasyong naririnig upang magkaroon na ng
panatag
na isipan.
22.Inagawan ka ng baon ng iyong kaklase sa loob ng silid-aralan. Ano ang gagawin
mo?
A. Iiyak lang ako.
B. Aawayin ko siya.
C. Hahayaan ko na lang siya.
D. Sasabihin ko sa aking guro na inagaw ang aking baon ng kaklase ko.

23. Tinulak ka ng iyong kalaro dahil gusto niyang mauna sa pagkuha ng tubig sa
gripo.
Ano ang gagawin mo?
A. Itutulak ko rin siya.
B. Mananahimik na lang ako.
C. Hindi na ako makipaglaro sa kanya.
D. Sasabihin ko sa kanya na masama ang nanunulak.
24. Naatasan ang iyong pangkat na magtanghal sa palatuntunang inihanda para sa
subject na ESP ngunit ayaw makilahok ng isa mong kaklase. Alin sa sumusunod
ang gagawin mo?
A. Aawayin ko siya.
B. Bahala siya mabagsak sa ESP.
C. Pababayaan ko lang ang aking kaklase
D. Sasabihan ko sIya na makilahok sa pagtatanghal upang hindi sya pagalitan.
25. Oras ng recess. aksidente mong nabuhos ang tubig sa bag ng iyong kaklase.
Paano mo sasabihin sa kanya ang nangyari?
A. “Pasensiya ka na; hindi ko sinasasadyang mabuhusan ang bag mo. Hayaan
mo at ito ay aking pupunasan ng aking panyo.”
B. “Bakit ba kasi diyan mo lang nilalagay iyang bag mo? Hayan tuloy,
nabuhusan ko.”

C. “Sana hindi mo nilagay dito sa tabi ko ang bag mo para hindi ko ito nabasa.”
D. “Ilipat mo na lang sa ibang upuan itong bag mo kasi nabasa na.”
26. Nakita mong nagpapasahan ng bola sina Rambo at Lowel sa loob ng inyong
silid-aralan. Natamaan nila ang baso kaya ito ay nabasag. Ano ang sasabihin mo
sa inyong guro na alam mong magagalit sa inyong klase kapag nalaman ito?
A. “Ma’am, hindi ko po alam kung sino ang nakabasag niyan kasi dito lang
naman
ako sa labas ng silid-aralan.”
B. “Ma’am, sina Rambo at Lowel po ang nakatama niyan kanina habang sila ay
nagpapasahan ng bola.”

C. “Ma’am, mga taga-ibang seksyon po siguro ang nakabasag niyan kanina sa


kanilang pagdaan dito.”
D. “Ma’am, siguro po sina Susan at Lisa ang nakabasag kasi sila po ang
nagtatakbuhan kanina.”

27. Naabutan mong pinapagalitan ng iyong tatay ang iyong kapatid dahil nakita
niyang sira ang salamin ng inyong cabinet. Alam mong ikaw ang nakasira nito.
Paano mo ito sasabihin sa iyong tatay?
A. “Hindi ko po alam na nasira iyang salamin.”
B. “Siya po tatay ang nag sira niyan, kaya dapat lang na siya ay pagalitan.”
C. “Tatay ako po ang may kasalanan kaya huwag mo na po siyang pagalitan.”
D. “Tatay pasensya na po at hindi ko agad nasabi sa inyo na nasira ko ang
salamin ng cabinet.”
28. Ipinapaalam ni Mila agad ang totoong pangyayari upang mabigyang solusyon
ang problema, kahit alam niyang magagalit ang kanyang mga kaibigan sa kanya.
Kung ikaw si Mila, gagawin mo din ba ang kanyang ginawa?

A. Oo, Kasi ito ang nararapat gawin.


B. Hindi, kasi hindi naman ako ang dinahado.
C. Hindi, kasi ayaw ko maki alam sa kaganapan sa paaralan.
D. Oo, upang mapansin ako ng aking mga kaklase.
29. Kapag si Nilo ay nagkasala, ito ay pinagtatakpan ni Joel upang hindi siya mapalo
ng kanilang nanay. Kung ikaw si Joel gagawin mo rin ba ang kanyang
ginagawa?
A. Oo, dahil mahal ko ang aking kapatid.
B. Oo, upang hindi ako madamay sa kasalan ng kapatid ko.
C. Hindi, dahil ang ginawa ng aking kapatid ay di makatarungan.
D. Hindi, dahil wala akong pakialam sa kapatid ko at gusto kong makitang
pinapalo siya.

30. Sinabi sa patalastas na iyong narinig na masarap ang juice na binibenta sa


isang grocery sa inyong lugar. Dahil dito, nahikayat ka at nais mo ring bumili
nito. Paano ka nakasisiguro na masarap at ligtas ang produkto?
A. Itanong sa mga kaklase kung masarap ito.
B. Bumili kaagad upang matikman.
C. Kumbinsihin ang nanay na ito ang ipabaon sa iyo.
D. komunsulta muna sa mga taong nakatikim na ng produkto bago bumili.
31. Nadaanan mo ang grupo ng mga lalaking nagkukuwentuhan sa kalye. Narinig
mong pinag-uusapan ang anak ng inyong kapitbahay. Ito raw ay dalawang araw
ng nawawala. Nais mong makatulong sa paghahanap ngunit hindi mo pa alam
ang totoong nangyari. Ano ang dapat mong gawin?
A. Ipamamalita ko rin sa iba na siya ay nawawala.
B. Itatanong ko sa aking nanay kung totoo ang aking narinig.
C. Ite-text ko siya upang tanungin kung totoong nawawala siya.
D. Pupunta ako sa bahay ng nawawalang bata upang tanungin ang kanyang
magulang kung totoong nawawala ang kanilang anak.

32. May paboritong programang pantelebisyon si Jose na sinusubaybayan araw-


araw. Hangang-hanga siya sa pangunahing tauhan dahil magaling ito sa
kaniyang pakikipaglaban sa kaaway. Hindi siya natatalo, nais niya itong tularan.
Bilang isang kaibigan, ano ang sasabihin mo kay Jose?
A. Itatanong kung anong oras ipinalalabas ang programa.
B. Ihinto na ang panonood ng palabas na ito sa telebisyon.
C. Magiging astig siya kapag tinularan ang pangunahing tauhan.
D. Hindi lahat ng ipinakikita sa palabas ay totoo, at maaaring hindi mangyari
sa totoong buhay.
33. Lagi kong tinatandaan na hindi lahat ng balitang naririnig o nalalaman ay totoo
kaya inaalam ko kung sino ang tamang awtoridad na aking lalapitan upang
matiyak ang katotohanan tungkol dito.Tutularan mo ba ako?

A. Oo, upang hindi malaman ng mga tsismosa


B. Hindi, kasi gusto kung may napapag-usapan
C. Hindi, kasi gustong gusto ko may nasasabi na panibagong topic.
D. Oo, dahil bago natin ipagsabi sa iba ang ating nalalaman dapat ito ay
kompermado na totoong nangyari upang hindi makadulot ng gulo.
34. Sinisigurado ni Alan na tama ang impormasyong sasabihin upang maiwasan
ang pagbibigay ng maling impormasyon sa iba.
A. Dapat hindi tularan si Alan.
B. Ang ginagawa ni Alan ay hindi makatarungan.
C. Ang ginawa ni Alan ay dapat tularan, sapagkat ito ay tama upang hindi maka
pag laganap ng maling impormasyon.
D. Ang ginawa ni Alan ay hindi makatarungan dahil kung may impormasyon
siyang malaman dapat ito ay agad sabihin sa kinauukulan.
35. Ikaw ay nakarinig ng balita sa radyo tungkol sa pagsara ng kompanya ng
paborito
mong sabon. Ano ang iyong gagawin?
A. Tutukuyin ko ang dahilan ng pagsara
B. Ipagkakalat ko ang impormasyong narinig.
C. Tatawanan ko ang nangyaring pagsara nito.
D. Magpo-post ako ng di kanais-nais na comment sa facebook.
36. Nalaman mo sa balita na ang iyong tiyuhin ay napagbintangan sangkot sa
pagbebenta ng droga. Bilang mapanuring bata. Ano ang iyong gagawin?
A. Hindi papansinin ang tiyuhin.
B. Tanungin ang tsismosang kapitbahay.
C. Magtanong sa nagkakaalam kung totoo ang balita.
D. Ipagsabi sa pulis ang bintang laban sa kanya.

Gusto mo bang pumuti agad? Huwag nang mag-alala! Nandito na ang sabon para
saiyo “Bida Soap” ang sabong babagay sa iyong balat Pilipina Sa isang linggong
gamitan lamang, tiyak puputi ka na!

37. Sang-ayon ka ba sa inilalahad ng patalastas? Bakit?


A. Opo, dahil kapani-paniwala ito.
B. Opo, dahil maganda ang epekto nito.
C. Hindi po, dahil ang balat ng tunay na Pilipina ay natural na morena.
D. Hindi po, dahil hindi kapani-paniwala ang isang linggong pagputi.

38. Ano ang nilalayon ng pagpapalabas ng produktong ito?


A. gawing mabango ang mga tao
B. gawing maputi ang gagamit ng produkto
C. maging maganda o gwapo ang gagamit nito
D. hikayatin ang mga manonood na bumili ng produkto
39. Nais ni Rosa na bumiyahe papunta sa Davao upang bumili ng Bida soap ngunit
narinig niya sa radyo ang patakaran sa lugar bago makatungo rito, ano ang
dapat
gawin ni Rosa?
A. Magpost sa facebook ng kanyang galit.
B. Makigpag-away sa taong nag lahad ng balita
C. Maghanap ng makapangyarihang tao upang makapasok.
D. Magtanong sa kinauukolan ng mga requirements sa pagpasok sa lugar.
40. Ang sumusunod ay mga dahilan ng pagsangguni muna sa kinauukulan na nakakaalam
ng katotohanan maliban sa isa.
A. Upang pagkakamali ay maiwasan
B. Upang pagkalito ay malinawan
C. Upang katanungan ay masagutan
D. Upang pagsisisi ay maramdaman
Susi ng Pagwawasto

1.A 9.D 17.B 25.A 33.D


2.D 10.C 18.B 26.B 34.C
3.C 11.A 19.A 27.D 35.A
4.B 12.D 20.C 28.A 36.C
5.A 13.B 21.B 29.C 37.C
6.C 14.D 22.D 30.D 38.B
7.A 15.D 23.D 31.D 39.D
8.C 16.D 24.D 32.D 40.A

You might also like