You are on page 1of 8

THIRD PERIODICAL TEST IN ESP 5

Pangalan:____________________________________Baitang: ________________Score:_____

Panuto: Gaano mo kadalas ginagawa ang mga gawaing nakasulat sa ibaba?

1. Ipinagmamalaki ang mga kaugalian at tradisyong Pilipino.


A. paminsan-minsan B. Madalas
C. Hindi kailanman D. Walang pakialam

2. Ikinalulungkot kapag tumutulong lang ang mga tao sa kapitbahay kung binabayaran sila o binibigyan
ng pabuya.
A. paminsan-minsan B. Madalas
C. Hindi kailanman D. Walang pakialam

3. Nagmamano sa mga magulang at ibang nakatatanda bilang paggalang.


A. paminsan-minsan B. Madalas
C. Hindi kailanman D. Walang pakialam

4. Malugod na tinatanggap ang mga kamag-anak at kakilala kapag dumadalaw sila.


A. paminsan-minsan B. Madalas
C. Hindi kailanman D. Walang pakialam

5. Noong mga panahong hindi pa ngkaroon ng Pandemya, tuwing Sabado ay nagkakaroon kayo ng
pagsasanay ng iyong mga kagrupo sa sayaw sa Plaza. Ngunit dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng
Covid-19 hindi pinapayagang lumabas ang mga kabataang tulad mo. Ano ang gagawin mo upang higit
mo pa ring malinang ang iyong kakayahan sa pagsayaw?
A. Magkulong na lang sa bahay habang nakaQuarantine
B. Magsasanay sumayaw kasabay ng mga grupo mo sa pamamagitan ng Zoom App.
C. Pipiliting lumabas at gagawa pa rin ng paraan upang magkita-kita kayo ng iyong grupo
upang magsanay sa pagsayaw.
D. Sasabihan ko ang aking mga kagrupo sa sayaw na magkita-kita parin kami sa Plaza tuwing
Sabado kahit may Covid-19.

6. Napakahusay mong gumuhit. Nakiusap ang iyong guro na gumuhit ka ng isang larawan ng ospital at
mga pasyente ng Covid-19 para sa inyong aralin tungkol dito. Ano ang gagawin mo?
A. Magkukunwaring nakalimutan na ang pagguhit.
B. Guguhit ng larawan at ipapadala ito sa pamamagitan ng iyong facebook account.
C. Sasabihan na lamang ang guro na siya na lang ang gumuhit dahil ikaw ay tinatamad.
D. Huwag na lamang magbubukas ng cellphone o facebook upang hindi ka makausap muli ng
iyong guro.

7. Si Rhea ay pumupunta sa kanyang guro sa musika upang magsanay kumanta para sa isang
paligsahan. Ngunit dahil sa Pandemyang kumakalat ngayon, nahinto ang kanyang pagsasanay. Sa
paanong paraan siya maaaring magpatuloy sa pagsasanay?
A. Kumakanta na lamang sa panaginip.
B. Makikinig at manonood sa mga paligsahan sa pag-awit at isipin na isa siya sa mga kalahok.
C. Kakanta pa rin sa mga pagdiriwang tulad ng kaarawan upang malinang ang kakayahan kahit
na may Pandemya.
D. Makikinig at manonood sa mga musika at kanta at sasabayan sa pag-awit upang higit na
malinang ang kanyang talento.
8. Sa panahon ng pandemya kung saan tayo ay naka lockdown, paano mo malilinang ang iyong
kakayahan sa pagguhit?
A. Maglalaro ng mobile legend maghapon.
B. Magfafacebook upang makachat ang aking mga kaibigan.
2|P a g e
C. Magdodownload ng mga disenyo na maaring gamitin at gayahin sa iyong pagguhit.
D. Kukuha ng mga ibat-ibang disenyo sa youtube o google at sabihin sa nakatatandang
kapatid na siya na lamang ang magguhit para sa iyo.

9. Magkakaroon ng Bayanihan Tulong Para sa Barangay sa inyong lugar. Nais mo sanang tumulong
ngunit dahil sa pandemyang Covid-19 ay hindi pinapayagan ang mga batang tulad mo na manatili sa
labas ng inyong bahay. Ano ang dapat mong gawin?
A. Magdadabog at magmumukmok na lamang sa loob ng inyong tahanan.
B. Pipilitin ang mga magulang upang isama kang lumabas dahil maganda naman ang iyong
nais.
C. Hahayaan na lamang ang mga taong gustong tumulong sapagkat wala kang magagawa
dahil sa iyong murang edad.
D. Kakausapin ang mga magulang na sila na lamang ang tumulong para sa iyo at isasama mo
na lamang sa iyong panalangin ang lahat ng mga taong nangangailagan sa panahong ito
na maging maayos sila.

10. Dahil sa Bayanihan Act na ipinapatupad ng ating pamahalaan para sa mga taong higit na
nangangailangan ng tulong lalo na sa panahon ng COVID-19, ay maraming Pilipino ang natulungan ng
programang ito. Sa pangalawang pagkakataon na pamimigay ng ayuda ay dalawang beses na
nakasama ang iyong mga magulang na nabigyan nito. Alam mo na ito ay hindi nararapat kahit na
kailangan na kailangan ninyo ng pera. Sapagkat maraming pamilya ang umaasang makakuha din. Ano
ang sasabihin mo sa iyong mga magulang?
A. Walang pakialam sa mga pangyayari sa inyong tahanan at lugar.
B. Hahayaan na lamang sila sapagkat wala ka rin namang magagawa.
C. Kukunin ang nakuhang ayuda sa mga magulang at ikaw mismo ang magbabalik nito sa
barangay.
D. Kakausapin ng maayos ang mga magulang at sasabihin na mali ito at ipapaalala na
marami ding pamilya ang nangangailangan ng tulong ngayon.

11. Bilang bata,paano ka makatutulong sa mga taong nangangailangan lalo na sa panahon ng


Pandemya?
A. Magkukulong at matutulog na lamang buong maghapon sa loob ng tahanan.
B. Mananatili sa loob ng aming bahay at ipagdasal na matapos na ang Pandemyang ito.
C. Uutusan ang mga magulang na sila na lamang ang tumulong dahil isa ka lamang bata na
walang magagawa.
D. Tutulong akong magre-pack ng mga relief goods na ipamamahagi sa mga taong
nawalan ng trabaho at hanap buhay.

12. Hindi sagabal ang Covid-19 upang magawa mong sumali pa rin sa mga paligsahan upang
makatulong sa iyong pamilya. Paano mo ito gagawin?
A. Magtutungo sa mga tanggapan upang makasali pa rin sa mga paligsahang nagaganap.
B. Uutusan ang mga magulang na sila na lamang ang maglista na iyong pangalan.
C. Wala na lamang gagawin upang hindi ka mahawaan ng sakit.
D. Maghahanap ng paraan sa google kung paano makilahok.

13.Alin sa mga sumusunod ang HINDI ligtas sa sunog.


A. Naglalaro ng posporo si Miguel.
B. Nagsasagawa ng fire drill ang pamilya Santos para magkaroon ng sapat na kahandaan.
C. Sa tuwing may naaamoy na usok si Aling Nena sa bahay ay naging alerto ito sa
paghahanap.
D. Tinuruan ni Mang Tonio ang kanyang mga anak na dumaan sa likod ng pintuan kung
sakaling magkaroon ng sunog sa kanilang lugar.
14. Nakita mong may sunog sa lugar ninyo. Ano ang gagawin mo?
A. Lumisan sa lugar na may sunog.
B. Magbantay sa tabi baka masunog rin ang bahay ninyo.
C. Makipagkuwentuhan sa kapitbahay at alamin kung paano nagkasunog.
3|P a g e
D. Tulungan na maghakot ng mga gamit ang mga kapitbahay na nasunugan.

15.Ang inyong lugar ay palaging dinadaanan ng bagyo. Ubos na ang pananim at nakararanas na ng
gutom ang mga naninirahan dito. Ano ang maitutulong mo sa kanila?
A. Hindi mo sila papansinin kasi marami naman kayong pambili ng pagkain.
B. Ibibigay mo sa kanila ang lahat ng pagkain at pera mo.
C. Tatawanan mo sila dahil sila ay nagugutom na.
D. Tutulungan mo sila at magdarasal na sana ay matapos na ang dumating na paghihirap
na ito.

16.Alin sa mga sumusunod ang ligtas habang bumabaha.


A. Masayang naglalaro sa ulan sina Miggy at Ele kahit pa mataas na ang tubig nito.
B. Naglalakad at naglalangoy sina Ana at Bob sa umaagos na tubig para marating nila ang
kanilang bahay.
C. Hindi na lumalabas ng bahay si Kardo kung wala naman siyang kailangan.
D. Kahit baha na sa kapaligiran nila Nena ay hindi parin niya pinatay ang main switch ng
kuryente sa takot na baka siya ma kuryenti.

17. Magkakaroon ng “Clean Up Drive” sa inyong lugar. Napagkasunduan ng mga opisyales na


magtulungan ang lahat. Bawat tahanan ay may itinalagang representante na tutulong sa paglilinis. Sa
paanong paraan mo maipakikita ang iyong suporta?
A. Kusang-loob na makiisa sa programa ng barangay.
B. Sabihin sa mga opisyales na wala kang oras na tumulong.
C. Balewalain kung ano man ang ipinatutupad ng inyong barangay.
D. Maglalaro nalang ako.

18. May grupo na nagpuputol ng punong-kahoy sa inyong lugar. Alam mong sa maaari itong maging
sanhi ng pagguho ng lupa. Sa ganon, malalagay sa panganib ang buhay ng mga residente. Paano mo
ito maipararating sa kinauukulan?
A. Pabayaan na lamang sila sa kanilang ginagawa.
B. Alamin kung sino ang maaring lapitan at ipaabot ang pangyayari.
C. Hikayatin ang iyong mga magulang na lumipat ng tirahan.
D. Di ako iimik.

19. Napanood mo sa telebisyon ang tamang pagtatapon ng basura. Ito ay ang paghihiwalay ng uri ng
basura. May basurang nabubulok, di-nabubulok at maaari pang gamitin. Bilang isang mamamayan,
paano ka makikiisa sa programang ito?
A. Sundin ang tamang proseso sa paghihiwa-hiwalayin ang mga basurang itatapon.
B. Ipagpatuloy kung ano ang nakasanayang gawi sa pagtatapon ng basura.
C. Huwag pansinin kung anuman ang napanood.
D. Matutulog ako.

20. Anong katangian ang ipinakikita ng isang batang tumutulong sa pagpapanatili ng kalinisan sa
kapaligiran?
A. Pagkamalikhain B. Pagkamatipid
C. Pagmamalasakit D. Eresponsableng mamamayan

21. Ito ay ang batas na nagbabawal sa paggamit ng cyanide o nakalalasong kemikal sa pangingisda.
A. R.A 6969 B.R.A 9003 C. R.A 9275 D. R.A 7185

22. Ang paraang ito ay isang uri ng deforestation na kung saan ay nagkakaroon ng malawakang
pagputol ng puno at pagsunog nito upang gamitin sa mga agrikultural o komersiyal na
pangangailangan.
A. charcoal making B. Kaingin System
C. Illegal Logging D. Tree planting

4|P a g e
23. Ang ___________ o Ecological Solid Waste Management Act of 2000 ay isang batas na
nangangasiwa sa pagbubukod ng mga basurang nabubulok, di nabubulok, at mga bagay na puwede
pang gamiting muli.
A.R.A 3009 B.R.A 9030 C.R.A 9003 D. R.A 2007

24. Kung ang mga konstruksyon ay malimit na kukuha ng maraming bato at buhangin sa mga
kabundukan, ano ang masamang dulot nito?
A. Pagbaha B. Pagbaha at paglindol
C.Pagguho ng lupa D. Paglindol

Piliin sa kahon ang titik na nagpapahayag ng karapatan ng bata na ipinahihiwatig ng mga


larawan.

25. A. Magkaroon ng pamilyang mag-aaruga


B. Maisilang at magkaroon ng pangalan.
C. Magkaroon ng sapat na pagkain, malusog na pangangatawan
D. Mabigyan ng sapat na edukasyon.

26. A. Magkaroon ng pamilyang mag-aaruga


B. Maisilang at magkaroon ng pangalan.
C. Magkaroon ng sapat na pagkain, malusog na pangangatawan
D. Mabigyan ng sapat na edukasyon.

27. A. Maisilang at magkaroon ng pangalan.


B. Magkaroon ng sapat na pagkain, malusog na pangangatawan
C. Mabigyan ng sapat na edukasyon.
D. Manirahan sa tahanang payapa at tahimik na lugar.

5|P a g e
28. A. Maisilang at magkaroon ng pangalan.
B. Magkaroon ng sapat na pagkain, malusog na pangangatawan
C. Mabigyan ng sapat na edukasyon.
D. Manirahan sa tahanang payapa at tahimik na lugar.

29. A. Maisilang at magkaroon ng pangalan.


B. Magkaroon ng sapat na pagkain, malusog na pangangatawan
C. Mabigyan ng sapat na edukasyon.
D. Manirahan sa tahanang payapa at tahimik na lugar.

30. Ano ang gagawin mo sa kampanya ng gobyerno laban sa polusyon?


A. Huwag pansinin.
B. Isipin para sa mga manggagawa ng pamahalaan lamang ito.
C. Pakinggan,pag-aralan at makilahok sa kampanya.
D. Hindi makikilahok.

31. Bakit nagkakaroon ng kampanya ang gobyerno?


A. Upang humingi ng donasyon.
B. Upang lumaki ang perang ipon.
C. Upang mabago ang kalagayan ng mga tao.
D. Upang magkaroon ng programang makakatulong sa bansa.

32. Sino ang dapat makisali sa kampanya ng gobyerno?


A. Ang mga nagplano at nagpapatupad nito.
B. Ang matataas na opisyal ng gobyerno.
C. Ang mamamayang Pilipino.
D. Ang manggagawa ng pamahalaan.

33. Anong programa ang hindi patungkol sa kalinisan?


A. Piso Para sa Pasig
B. Save Mother Earth
C. Pagtataas ng Sahod ng mga Manggagawa
D. Tapat Ko, Linis Ko

34. Ang mga sumusunod ay kabilang sa media, alin ang hindi?


A. Pelikula C. Video Games
B. Telebisyon D. Larong Pinoy

35. Kapag hindi napigilan ang pang-aabuso sa paggamit ng media at teknolohiya maaari itong mauwi
sa______.
A. Kapahamakan C. Katiwasayan
B. Pagkatuto D. Pagkabalisa

6|P a g e
36. Ang media at teknolohiya ay mayroon ding di mabuting epekto sa tao. Ang sumusunod ay di
mabuting epekto ng media at teknolohiya maliban sa isa.
A. Kawalan ng interes sa pag-aaral
B. Napapadali at napapahusay ang mga gawain
C. Madalas na pagliban sa klase
D. Kawalan ng disiplina sa paaralan at pamilya

37. May pangkatang gawain kayo ngunit isa sa inyong pangkat ay walang pokus sa inyong ginagawa.
Ano ang gawin?
A. Hindi ko na siya isasama sa aming pangkat
B. Sasabihin ko na humanap nalang siya ng ibang grupo
C. Sasabihin ko sa aming guro na palitan siya dahil walang pokus
D. Kakausapin ko siya at tatanungin kung nahihirapan ba sya, para matulungan
namin

38. Ipinagmamalaki ng iyong kaibigan ang pagtawid kung saan-saan. Anong maipapayo mo sa iyong
kaibigan?
A. Sasama ako sa kanya
B. Sasabihin ko na mali ang ginagawa niya
C. Pagtatawanan ko lang ang sinasabi niya
D. Hindi ko nalang siya papansinin

39. Nagkakaroon ng pagtatalo ang mga kasama mo sa pangkat tungkol sa inyong pangkatang proyekto.
Ano ang gagawin mo?
A. Babalewalain ko nalang
B. Sasabihin ko nalang na huwag na sila sumali
C. Aalis nalang ako sa grupo kasi nagaaway-away sila
D. Sasabihin ko sa aming guro upang mabigyan ng agarang aksiyon

50. Nakita mong nagsusulat sa pader ng inyong kapitbahay ang iyong nakababatang kapatid at mga
kaibigan nito. Bilang isang bata, ano ang iyong dapat gawin?
A. Isusumbong ko sa nanay ko upang mapagsabihan
B. Tutulungan ko sila sa pagsusulat sa pader ng kapitbahay
C. Sasabihin kong ipagpatuloy kasi magandang tignan
D. Di ko pakikialaman ang ginagawa nila.

7|P a g e
8|P a g e

You might also like