You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
DAVAO REGION

Ikatlong Markahang Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao 5

Pangalan: _________________________________________________
Baitang at Pangkat: _______________________________________

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang nakasaad sa bawat aytem.


Bilugan ang titik na tumutugma sa iyong napiling sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang isa sa mga magandang kaugaliang Pilipino?


A. Pagmamano sa mga nakatatanda.
B. Pagsasanay kumilos ng maayos.
C. Pag-aasawa ng maaga.
D. Pagkilos ayon sa gusto ng nakararami

2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng disiplina sa pangangalaga sa


kalikasan kahit walang nakakakita?

A. Mabilis mong aayusin ang mga basura at itatapon sa tamang lugar.


B. Titingnan ang umaapaw na basura sa sako at susunugin.
C. Tatawag ng basurero upang walang nakakalat.
D. Hahayaan ang nakitang basura dahil may magliligpit naman nito

3. Isang batas pangkalinisan ang ipinapatupad sa inyong barangay upang


mabawasan ang problema sa basura. Alin sa mga sumusunod and dapat mong
gawin?

A. Magmamasid sa mga nagsipaglinis.


B. Sasabihin sa mga magulang na sumali.
C. Kusang lalahok upang makatulong sa kalinisan.
D. Hahayaan na ang iyong kabitbahay ang sasali dito.

4. Ano ang maaaring mangyari sa iyo kung hindi mo matutuhang makikisama


nang maayos sa iyong kapwa?
A. Magkakaroon ng maraming kaaway.
B. Matutong lumahok sa mga bagay na nakakabuti.
C. Makakaapekto ito sa hindi pagkakaintindihan.
D. Galit at sama ng loob ang mamamayani sa puso.

5. Ano ang magiging resulta kung makiisa at makilahok sa programa ng


pamahalaan?
A. Uunlad ang bayan.
B. Masaya ang mga tao at ang mga namumuno.
C. Sikat ang mga nagbibigay ng programa.
D. Mapanatili ang kaayusan at kaunlaran ng bayan.
Republic of the Philippines
Department of Education
DAVAO REGION
6. Anong gawain ang nagbibigay - katwiran na nalilinang ang pagkamalikhain o
angking talento na bigay ng Diyos sa atin?
A. Humanap ng mga bagong kaibigan.
B. Ibahagi ang talento lalo na may bayad.
C. Lumahok sa mga paligsahan upang lalong mahasa ang talento.
D. Ipakita ang pagiging mapagkumbaba sa pagtanggap ng karangalan.

7. Kinalat ng aso ng iyong kapitbahay ang inyong basura. Sa palagay mo, bakit
kaya kinalat ang inyong basura? Dahil __________.
A. nakatambak.
B. hindi nakaayos.
C. nahihiwalay ang mga ito.
D. may naamoy na pagkain.

8. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng katotohanan patungkol sa


pagbabawal ng pagsakay ng motor na walang helmet?
A. Makaiwas sa huli at abala.
B. Mapagaan ang takbo ng motor.
C. Makaiwas sa anumang malalang aksidente.
D. Hindi mapuwing sa mga alikabok.

9. Nagkaroon kayo ng isang pagpupulong-pulong kasama ang iyong pinsan.


Napag-usapan na magkaroon ng isang sorpresa para sa kaarawan ng iyong lola.
Napagdesisyonan ng nakararami ang ideya ng iyong isang pinsan kaysa sa iyo.
Paano mo pangangasiwaan ang sitwasyon?
A. Ipairal ang iyong gusto dahil alam mong mas mabuti ang ideya mo.
B. Makinig at sumang-ayon sa nakakarami.
C. Susuma at hindi magsasalita.
D. Huwag na lang sasama sa gagawing sorpresa.

10. May dumating na sulat para sa ate mo. Wala siya sa bahay kaya ikaw ang
nakatanggap nito. Alin sa mga ito ang iyong gagawin?

A. Hintayin ang iyong ate at iabot ito sa kanya.


B. Magtatanong sa kartero kung saan ito galing.
C. Mangungulit sa ate kung saan ito nanggaling.
D. Buksan ito at ikapit muli kapag nalaman na ang laman.

11. Sakaling may dumating na panauhin sa inyong tahanan at ikaw lamang ang
nasa bahay. Paano mo siya aasikasuhin?
A. Tataguan ang panauhin.
B. Tanggapin ng maayos ang panauhin.
C. Tatawagan mo ang iyong mga magulang.
D. Pagsasabihan na ikaw lamang ang naiwan bahay.

12. Hatinggabi na ngunit malakas pa ring nagpapatugtog ng radyo ang inyong


Republic of the Philippines
Department of Education
DAVAO REGION
kapitbahay at nakakaistorbo na ito sa inyong lugar. Ano ang mabuting gawin
upang matigil ito?

A. Isusumbong sa barangay.
B. Ibablater sa pulisya para magtanda.
C. Pakiusapan na hinaan ang radyo nila.
D. Magpatugtog rin ng malakas ng inyong radyo.

13. Nalaman mo na may paparating na bagyo sa inyong lugar. Ano ang pwedeng
gawin sa ganitong pagkakataon?

A. Magkunwari na hindi narinig.


B. Maghanda ng emergency supplies at iba pa.
C. Sasabihin sa mga magulang ang nalaman mo.
D. Hahayaan lang ang mga magulang ang maghanda.

14. Habang naglalakad ka pauwi, nadaanan mo ang iyong kaibigan na akmang


itatapon sa ilog malapit sa inyo ang kanilang basura. Paano mo ito pipigilan?

A. Makikiisa sa pagtatapon sa ilog.


B. Pipigilan at pahahanapin ng ibang tapunan.
C. Pagsasabihan na itatago na lamang sa bahay.
D. Kakausapin at ituturo ang tamang lagayan ng basura.

15. Sa inyong paaralan may paligsahan sa pagsayaw na Cariňosa. Si Nicole at


Matt ay may talento sa pagsasayaw ngunit hindi nila alam kung paano ito
sayawin. Ano ang dapat nilang gawin?

A. Sumayaw na lang ng ibang sayaw.


B. Hindi na lang sasali sa paligsahan.
C. Gumawa ng sariling steps ng Cariňosa.
D. Magdownload sa You Tube at pag-aralan ito.

16. May programang inilunsad ang inyong barangay para sa kalinisan sa araw ng
Sabado at ito ay tinatawag na “Bayanihang Paglilinis”. May isang manager ng
banko ang nagbibigay ng donasyon dahil hindi siya makasali. Bilang kabahagi ng
inyong barangay, alin dito ang iyong gagawin?

A. Maglilinis lamang sa harapan ng bahay.


B. Magbibigay din ng donasyon sa barangay.
C. Kakausapin ang may pakana ng programa na hindi ka sasali.
D. Makikiisa sa programa ng barangay.

17. Sa lahat ng iyong klase ikaw lamang ang marunong mag-edit ng larawan at video
gamit ang kompyuter. Kinakailangan na ang kinuhang video ay ma-edit muna
Republic of the Philippines
Department of Education
DAVAO REGION
bago ipasa sa inyong guro. Paano mo sila matutulangan?
A. Tuturuan ko ang bawat pangkat paano ito gagawin para matuto din sila.
B. Ituturo lamang sa kapangkat para magtulong-tulong kaming tapusin ang
proyekto naming.
C. Tutulungan ko sila kung paano ito gagawin pagkatapos ng deadline ng proyekto.
D. Tuturuan ang lahat ngunit kung ano lang kailangan.

18. Narinig mo ang anunsyo tungkol sa pagsusuot ng mask sa inyong lugar. Bilang
isang batang residente, paano ka tutugon dito?

A. Hihikyatin ang lahat ng tao na susundin kung ano ang inanunsyo.


B. Pagsabihan ang mga magulang tungkol sa anunsyo.
C. Susunod kung ano ang narinig sa anunsyo dahil ito ang nakabubuti sa lahat.
D. Makinig lagi sa mga anunsyo kahit ano pa iyon.

19. Gumawa ang iyong kaibigan ng isang jingle at pinost ito sa facebook na may
mensahe tungkol sa pagpapatupad ng batas - kapayapaan. Bilang isang kaibigan,
paano mo ipapakita ang suporta sa kanya?
A. Susupurtahan ang mensahe ng kaibigan.
B. Sasawayin ang kaibigan sa pagpopost nito.
C. Magbibigay ng comments upang dadami ang likes.
D. Ipasusuri sa kinauukulan ang kanyang ang pinopost.

20. Sa kasagsagan ng pandemya, iniatas sa lahat ng mga mamamayan na magsuot ng


facemask, palagiang paghuhugas ng mga kamay at sundin ang physical distancing.
Ano sa palagay mo ang layunin nito?

A. Mapanatili ang kaayusan at kalusugan ng mamamayan.


B. Hihina ang lakas ng virus at hindi na makabiktima ng marami.
C. Maibsan ang paglaganap ng virus at maraming buhay ang mailigtas.
D. Lahat ay mailigtas at tuluyan ng mawala ang virus.

21. Sa hindi sinasadyang pagkakataon nakita mo ang iyong nakatatandang kapatid na


nanonood ng malalaswang palabas sa You Tube. Anong diskarte ang iyong
gagamitin upang matigil ang kapatid?
A. Kakausapin ko an gaming mga magulang na ipatanggal ang koneksiyon sa
internet.
B. Magkunwaring walang nakita baka mapagalitan niya ako.
C. Magpaparinig sa nakatatandang kapatid para malaman niya na nakita ko ang
di-magandang ginawa.
D. Sasabihin ko sa mga magulang ang nasaksihan para mapayuhan siya na mali
ang kanyang ginawa.

22. Alin sa mga gawaing ito ang maghahadlang sa epekto ng pagwasak sa kapaligiran
at kalusugan ng lahat ng taong naninirahan sa ating mundo?
Republic of the Philippines
Department of Education
DAVAO REGION

A. Magsusunog lamang ng tuyong dahon.


B. Tumulong sa paglilinis kapag may operasyon ang barangay.
C. Lilinisin ang mga nakatambak na basura sa paligid.
D. Mapagbantay sa mga illegal na gawaing nakakasira sa kapaligiran at
magsumbong sa tamang ahensiya.

23. Nakasanayan na ng kapitbahay mo na sunugin ang mga tuyong dahon. Paano mo


mababago ang ginagawa ng iyong kapitbahay?
A. Si nanay na ang gagawa ng aksyon.
B. Baliwalain ko siya at baka magagalit.
C. Ipag-aalam sa barangay o sa mga awtoridad.
D. Sasabihan na ipinagbabawal ang pagsusunog.

24. Narinig mong nangangailangan ang iyong tiyuhin ng maraming hilaw na materyales
sa paggawa ng papel at ang solusyon ay magpuputol ng maraming punong kahoy
ang iyong ama. Ano ang gagawin mo?

A. Makinunuod sa ginagawa ng ama.


B. Sasabihin sa ama ang masamang epekto nito sa kalikasan.
C. Susuportahan ang ama dahil siya ang bumubuhay sa pamilya.
D. Pakiusapan ang tiyuhin na hinay-hinay lamang sa pagkuha ng papel.

25. Nakita mong pinaglaruan ng nakababata mong kapatid ang posporo. Ano ang
dapat mong gawin?

A. Sisigaw ng malakas.
B. Pagsabihan ang kapatid.
C. Kukunin kaagad ang posporo.
D. Dali-daling tatawagin si nanay.

26. Inilunsad sa inyong barangay ang programang 3R’s: Reuse, Reduce at Recycle.
Nakita mo ang iyong kaibigan ng pinaghahalo-halo ang mga basura sa isang
lagayan. Ano ang iyong gagagwin?

A. Tutulungan ko siya sa kanyang ginawa.


B. Pagsasabihan ang kaibigan na mali ito at magtulungan kaming i-classify ang
mga basura.
C. Tulungan ko siyang itapon ang mga ito sa smoky mountain.
D. Ilalahad sa kaibigan ang naturang programa tungkol sa 3Rs.

27. Ikaw ay isang guro sa inyong barangay. Ngayon kailangan ka nila sa darating na
pista upang maging hurado sa isang patimpalak sa pagsayaw. May lakad ka ng
umaga at sa gabi gaganapin ang nasabing programa. Ano ang iyong gagawin?
Republic of the Philippines
Department of Education
DAVAO REGION
A. Hahanap ng kapalit sa iyo.
B. Dadalo kahit labag sa kalooban.
C. Sasabihin na hindi ka makakadalo.
D. Dadalo dahil sa gabi naman gaganapin

28. Ano ang mahihinuha mo sa mga pangyayaring unti-unti ng nasira ang kalikasan?

A. Darating ang panahon na tuluyan na itong masira at hindi na


mapapakinabangan.
B. Ang unti-unting pagkasira nito ay sahin ng pagiging makasarili ng lahat ng tao.
C. Unti-unting mawawala ang mga ibon.
D. Lahat ay magtulungan upang mapreserba ang kalikasan dahil dito tayo
kumukuha ng lahat ng pangangailangan.

29. Ipinatutupad sa inyong lugar ang pagbabawal sa mga mag-aaral na pumunta sa


computer shop sa oras ng klase. Ano ang maipapayo mo sa iyong kamag-aral na
gustong pumunta sa nasabing shop?

A. Huwag pumunta doon baka malaman ng guro.


B. Papayuhan ko siya na sundin ang ipinapatupad na batas dahil ito ay
nakabubuti sa kanyang pag-aaral.
C. Sasabihan ko siya na ang pagpunta sa computer shop ay hindi mabuti.
D. Ang pagpunta sa computer shop ay nararapat gawin anumang oras naisin.

30. Bilang isang mag-aaral, sa papaanong paraan mo maipatutupad ang mga proyekto
at programa ng ating bansa?

A. Sasama sa mga pagtipun-tipon.


B. Makikiisa sa anumang gawain at desisyon
C. Aalamin ang mga proyekto at programa na pinapatupad.
D. Susuporta at makiisa tamang pagpapatupad ng proyekto at programa.

You might also like