0% found this document useful (0 votes)
109 views11 pages

Diagnostic Test

Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOC, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
109 views11 pages

Diagnostic Test

Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOC, PDF, TXT or read online on Scribd

Edukasyon sa Pagpapakatao V

PANDAYAGNOSTIKONG PAGSUSULIT

Pangalan: __________________________________ Petsa: _____________________


Baitang at Seksyon: __________________________ Iskor: ______________________

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Marami kang nakalap na impormasyon ukol sa suliraning ibinigay ng guro na


dapat ninyong pag-aralan, tinanong ka ng iyong kaklase ukol dito. Ano ang iyong
gagawin?
A. Magsawalang kibo na lang.
B. Magkunwaring walang alam.
C. Sabihin ang nalalaman at ipapaliwanag ito sa kaklase.
D. Sabihin sa kaklase ngunit mali ang ibibigay na impormasyon.

2. Naghahanap-buhay ang mga magulang mo upang makapag-aral ka. Ano ang


iyong gagawin upang makatulong ka sa kanila?
A. Mag-aaral ng mabuti.
B. Makikipag-away sa kaklase.
C. Maglalaro lang ako sa paaralan.
D. Mamamasayal ako habang may klase.

3. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapahayag ng pagiging matiyaga


sa pag-aaral?
A. Tapusin ang sinimulang gawain, gaano man ito kahirap.
B. Simulan agad ang gawain at tapusin pagnahihirapan na.
C. Gawin lamang ang mga madadaling gawain sa pag-aaral.
D. Huwag gawin ang mga bagay na hindi mo nais sa pag-aaral.

4. Ikaw ay nanonood ng isang programa sa telebisyon, ngunit ito ay hindi akma sa


iyong edad. Ano ang gagawin mo?
A. Ipagpatuloy ang panonood.
B. Ilipat sa programang pambata
C. Sundin ang ginagawa sa programang pinapanuod
D. Tawagin ang kapatid upang sabayan ka sa panonood.

5. Nakagawian ng iyong magulang ang pagbabasa ng magasin at diyaryo kaya


ikaw din nahihilig sa pagbabasa. Ano sa tingin mo ang mabuting naidudulot nito
sa iyo?
A. Ito ay isang magandang libangan.
B. Nakadaragdag ito ng kaalaman at kakayahan sa akin.
C. Lalong lumalawak ang aking kaisipan at lalo akong nahahasa sa pagbabasa.
D. Lahat ng nabanggit.
6. Nagkaroon ng paglilinis sa inyong paaralan upang iwasan ang paglaganap ng
DENGUE, ngunit nakita mo ang isa mong kaklase na nasa isang gilid at hindi
tumutulong. Ano ang maari mong gawin ?
A. Hahayaan ko lang siya sa gusto niya.
B. Isusumbong ko siya sa aming guro para mapagalitan siya.
C. Papagalitan ko siyang upang tumulong naman sa mga gawain.
D. Lalapitan ko siya at kakausapin na dapat siyang tumulong para sa ikabubuti
ng lahat.

7. Nakita mo ang kaklase mong kumukopya habang kayo ay nagsasagot ng


gawain. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Pagsasabihan ko siyang hindi tama ang kanyang ginagawa.
B. Lalapitan ko ang aming guro upang mapagalitan siya.
C. Gagayahin ko siya upang di ako mahirapan.
D. Hahayaan ko siya para di ako mapagalitan.

8. Nakita mo ang kaklase mo na ginagaya ang iyong proyekto. Ano ang gagawin
mo?
A. Kakausapin ko ang aming guro tungkol sa ginagawa niya.
B. Aawayin ko siya upang itigil niya ang ganung ugali.
C. Pagsasabihan ko siyang mali ang ginagawa niya.
D. Sisirain ko ang ginaya niyang proyekto ko.

9. Ikaw ang naatasang bumili ng mga gagamitin ninyo sa inyong proyekto. May
sobrang pera dahil ikaw ay nakatawad sa mga pinamili mo. Ano ang nararapat
mong gawin sa sobrang pera?
A. Hahatiin ang pera sa buong grupo upang patas na maibalik sa kanila.
B. Ipapaalam mo ito sa mga ka grupo mo at hihingin.
C. Ibibili mo ng meryenda dahil napagod ka.
D. Itatago mo ang pera para may ipon ka.

10. Ikaw ay inutusan ng iyong nanay na bumili ng gulay na gagamitin sa pagluluto ng


sinigang. Napagtanto mong bumaba na ang presyo ng mga ito at napansin mo
na sobra ang ibinigay na perang pambili ng iyong nanay. Ano ang gagawin mo?
A. Sasabihin ko sa Nanay ko na mahal pala ang presyo ng mga gulay.
B. Iaabot ko ang mga biniling gulay sa aking Nanay.
C. Ibabalik ko ang sobrang pera sa aking Nanay.
D. Wala sa mga nabanggit na pagpipilian.

11. Nakitamong kinuha ng iyong nakatatandang kapatid ang dalawampung piso ng


iyong nanay sa kanyang pitaka. Naghanap ang iyong nanay sa nawawalang
pera. Ano ang gagawin mo?
A. Sasabihin ko ang totoo kahit magalit sa akin ang aking nakatatandang
kapatid.
B. Ipagkikibit balikat nalamang ang nalalaman.
C. Pagtatakpan ang nakitang pangyayari.
D. Lahat ng nabanggit

12. Nagkaroon kayo ng biglaang pagsusulit sa asignaturang Edukasyon sa


Pagpapakatao ngunit hindi ka napaghanda. Ano ang gagawin mo?
A. Sasagutin ang mga tanong sa pagsusulit sa abot ng makakaya.
B. Magbubukas ng kuwaderno ng palihim para may maisagot.
C. Ipapasa kaagad ang sagutang papel na walang sagot.
D. Kokopya sa katabi para di bumagsak sa pagsusulit.

13. Ikaw ay may nagawang pagkakamali sa loob ng paaralan. Nalaman ito ng iyong
guro at ipinapatawag ang iyong magulang. Ano ang gagawin mo?
A. Sasabihin ko ang buong pangyayari sa aking mga magulang at sasabihing
pinapatawag sila ng aking guro ko.
B. Papupuntahin ko ang ang magulang sa paaralan pero pagtatakpan ko ang
dahilan.
C. Hindi ko sasabihin sa aking magulang ang pinasasabi ng guro.
D. Babalewalain ko ang bilin ng aking guro.

14. Ano ang kabutihang dulot ng pagiging tapat sa mga sinasabi at ginagawa?
A. Magiging payapa ang pamumuhay.
B. Magiging maayos ang pagsasama.
C. Magiging matibay ang samahan.
D. Lahat ng nabanggit

15. May naganap na malaking sunog malapit sa paaralan inyong paaralan. Dali-dali
mong tinipon ang mga damit na hindi mo na sinusuot . Nanghingi ka rin ng mga
de-lata at noodles sa mga kapitbahay at kaibigan upang maibahagi sa mga
nasunugan. Anong saloobin ang ipinakikita mo sa nasabing sitwasyon?
A. Pangangalaga sa materyal na bagay
B. Paggalang sa kapwa tao
C. Pangangalaga sa paligid
D. Mapagkawanggawa

16. Napanood mo ang anunsiyo sa telebisyon na may pangkalahatang earthquake


drill. Ang mga sumusunod ay nararapat mong gawin maliban sa isa.
A. Hikayatin ang mga kaibigan na makiisa sa gaganaping earthquake drill.
B. Ipagbigay alam sa mga kaibigan ang tungkol sa anunsiyo.
C. Magkunwaring walang alam tungkol sa anunsiyo.
D. Makiisa sa gaganaping earthquake drill.
17. Nangangailangan ang isang foundation ng mga magre-repack ng mga donasyon
para sa mga lalawigang nasalanta ng bagyo. Bilang isang responsableng
mamamayan, ano ang maiaambag mo?
A. Makipag-ugnayan sa mga kinauukulan at mag-abot ng anumang makakayang
itulong.
B. Hayaan lang silang mag-antay ng tulong galling sa ibang tao.
C. Panoorin lang sila sa telebisyon.
D. Bahala na ang pamahalaan sa kanila.

18. May programa ang inyong barangay hinggil sa pagpapanatiling malinis ng inyong lugar.
Alin sa mga sumusunod na gawain ang hindi nagpapakita ng pakikiisa?
A. panatilihing malinis ang lugar.
B. maglagay ng paskil sa daan.
C. magwalis araw-araw.
D. walang gagawin.

19. Nagkayayaan ang magkakaibigan na mamasyal, nagdala kayo ng pagkain at inumin.


Ano ang gagawin ninyo upang maiwasan ang pagkakalat?
A. magbaon ng supot na lalagyan ng basura
B. ilagay ang kalat sa isang tabi
C. itapon kung saan nalang
D. ihahagis sa daan

20. Kasama mo ang iyong mga kapatid na namasyal sa zoo. Ano ang ipagbabawal mong
gawin nila?
A. ang magpakain sa hayop
B. ang magtapon ng kalat
C. ang mag-ingay
D. ang maglaro

21. Habang nanunood ng mga magagandang tanawin, kumakain ka ng chewing gum. Ano
ang nararapat mong gawin kapag nais mong itapon?
A. ilalagay sa wrapper at ibubulsa mo at saka itatapon sa basurahan
B. ididikit sa ilalim ng upuan
C. Itapon sa kalsada
D. idudura nalang

22. Nakita mo ang isang taong grasa na tinutukso ng mga batang lansangan. Ano ang
gagawin mo?
A. Sasawayin at pagsasabihan sila na masama ang kanilang ginagawa.
B. Papanoorin lang ang mga bata.
C. Sasamahan sila sa pagtukso.
D. Hahayaan lang sila.

23. Nakita mong nag-aaway ang iyong dalawang kapatid. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Tanungin ang dalawa kung ano ang pinagsimulan ng kanilang pag-aaway at
irerespesto ang kanilang opinion.
B. Pareho ko silang pagsasabihan na mali ang kanilang ginawa
C. Pabayaang mag-away ang dalawa
D. Kakampi lamang sa isang kapatid

24. Marami kang nakalap na impormasyon ukol sa suliraning ibinigay ng guro na dapat
ninyong pag-aralan, tinanong ka ng iyong kaklase ukol dito. Ano ang gagawin mo?
A. Sasabihin ang nalalaman at opinyon ko ukol sa aralin na may paggalang at
ipapaliwanag ito sa mga kaklase.
B. Magkukunwaring walang alam.
C. Magsasawalang kibo nalang.
D. Hindi ako makikisali sa aralin.

25. Parehong magaling kumanta sina Nena at Ana kaya hindi malaman ng guro kung sino
ang isasali sa patimpalak na gagawin sa paaralan. Isa lamang ang magiging
representante ng bawat pangkat. Ano ang dapat gawin ng guro?
A. Tanungin ang buong klase at pagbotohan kung sino sa dalawa ang nararapat isali.
B. Piliin sa dalawa kung sino ang pinakamagaling at siya ang isasali sa patimpalak.
C. Magdedesisyon mag- isa kahit hindi kinukuha ang opinyon ng iba.
D. Hindi na lamang isasali ang dalawa para walang inggitan.

26. Isang araw bumili ka sa grocery ng gatas ng kapatid mo. Di sinasadyang nakakita ka ng
isang lalaking kumukuha nang paninda ng tindera. Ano ang iyong gagawin mo?
A. Hahayaan ko nalang ang lalaki na magnakaw.
B. Sasabihin ko sa tindera ang ginawa ng lalaki.
C. Gagayahin ko rin ang lalaki na nagnanakaw.
D. Tutulungan ko ang lalaki na magnakaw

27. Ikaw ay panganay sa apat na magkakapatid. Alam mo na kapos kayo sa araw-araw na


gastusin at walang hanapbuhay ang iyong mga magulang. Dahil dito, nais na ng mga
kapatid mo na huminto na sa pag–aaral. Ano ang maari mong maging desisyon?
A. Uutusan ko sina nanay at tatay na maghanap-buhay para kami ay makapag-aral.
B. Bilang nakakatanda, sasabihin ko sa kanila ang halaga ng edukasyon.
C. Hahayaan ko na lamang silang huminto sa pag-aaral.
D. Ako na lamang ang hihinto sa pag-aaral.

28. Oras ng recess, nakita mo ang iyong kamag-aral na walang baong pera o pagkain. Ikaw
ay pinabaunan ng dalawang tinapay ng iyong ina. Ano ang gagawin mo?
A. Huwag na lamang siyang pansinin.
B. Ibibigay ang isa sa iyong kamag-aral.
C. Kakainin ang dalawang tinapay upang mabusog ka.
D. Sabihin sa guro na walang baon ang isa mong kamag-aral.

29. Matalik na kaibigan ni Ara si Belle. Sa tuwing magkakaroon sila ng pangkatang gawain,
nais ni Ara na desisyon lamang niya ang dapat masunod. Bilang kaibigan,paano
papayuhan ni Belle si Ara?
A. Mahinahong kakausapin ang kaibigan at sasabihin na pakinggan ang opinyon ng
lahat.
B. Pagagalitan siya at sasabihin na siya na lamang ang gumawa ng Gawain
C. Sasabihan na huwag na lamang pagawain ang pangkat.
D. Sasabihin na lilipat na lamang sila sa ibang pangkat.
30. Bumubuo kayo ng pangkat para sa nalalapit na selebrasyon ng Buwan ng Wika. May
mga suhestiyon ka na gusto mong ipagawa upang manalo ang iyong pangkat sa
paligsahan ngunit may mga kagrupo ka na hindi sang-ayon sa iyo. Ano ang gagawin
mo?
A. Ipapaliwanag kong mabuti sa aking mga kapangkat kung paano makatutulong ang
aking suhestiyon upang manalo sa paligsahan.
B. Hindi ko rin sasang-ayunan ang kanilang suhestiyon.
C. Lilipat ako sa ibang pangkat.
D. Magagalit ako sa kanila.

31. May bago kayong kapitbahay sa inyong lugar. Nakipagkaibigan ka sa kanya dahil siya
ay ka edad mo. Isang araw, nagkita kayo sa isang patimpalak sa inyong distrito. Siya
ang tumalo sa iyo sa paligsahan sa paggawa ng islogan. Ano ang gagawin mo?
A. Babatiin ko siya sa kanyang pagkapanalo.
B. Hindi na ako makikipaglaro sa kanya.
C. Hindi ko na siya papansinin.
D. Iiwasan ko siya.

32. Nakita mo ang kaibigan mo na nanonood ng malalaswang palabas sa internet. Ano ang
gagawin mo?
A. Gagayahin ko siya.
B. Isusumbong sa guro
C. Pababayaan lang siya.
D. Sasawayin siya sa kanyang ginagawa.

33. Narinig mo ang kapatid mong nakikipag-usap sa telepono hanggang hating-gabi. Ano
ang gagawin mo?

A. Pababayaan ko siya.
B. Pagsasabihan ko siya.
C. Isusumbong ko siya kay nanay.
D. Pagtatakpan ko ang kaniyang ginagawa.

34. Napansin mong madalas ang pagliban ng kaklase mo dahil palagi siyang naglalaro sa
computer shop malapit sa inyong paaralan. Ano ang gagawin mo?

A. Tutularan ko ang kanyang ginagawa.


B. Isusumbong ko sa guro para mapagalitan.
C. Pagtatakpan ko siya sa kanyang ginagawa
D. Pagsasabihan ko naunahin muna ang pag-aaral.

35. Ang pamilya nila Mang Ambo ay isa sa mga nasunugang pamilya sa kanilang
lugar kaya hirap ang kanilang pamumuhay. Ano ang maaari mong gawin para
makatulong sa kanyang pamilya?
A. Hindi ko nalang sila papansinin.
B. Hahayaan ko nalang silang maghirap.
C. Lalayuan ko ang pamilya nila Mang Ambo.
D. Tutulungan ko ang pamilya ni Mang Ambo sa abot ng aking makakaya.

36. Nakita mong nahihirapan ang iyong kaibigan sa kanyang ginagawang proyekto,
ano ang gagawin mo?
A. Lalayuan ko siya.
B. Gagawa ako ng paraan para tulungan siya.
C. Sasabihan ko siya na magpatulong nalang sa iba.
D. Sasabihin ko sa iba na hindi naman siya marunong.

37. May bisita ang iyong nanay sa inyong bahay. Ano ang gagawin mo?
A. Sasabihan ko na umalis nalang dahil wala si nanay.
B. Papatuluyin ko sila ng maayos sa aming bahay.
C. Hindi ko sasabihin na may pumunta sa bahay.
D. Magtatago ako sa kuwarto.
38. Ano ang maidudulot kung ang mga tao ay sumusunod sa mga alituntunin at mga
paalalang pangkaligtasan?
A. Ang mga tao ay makakaiwas sa kapahamakan o maililigtas ang kanilang buhay.
B. Ang mga tao ay magaaway-away.
C. Ang mga tao ay mapapahamak.
D. Ang mga tao ay mamamatay.

39..Bakit kailangan na maghanda ng emergency supplies bago ang lindol?


A. para may magamit at masiguro ang kaligtasan kapag may sakuna
B. para ipagbili sa mataas na presyo sa panahon ng sakuna
C. para maraming gamit na maiimbak
D. para idispley sa bahay

40. Nakita mo ang iyong kapatid na nanonood ng mga malalaswang bidyo sa


youtube, ano ang dapat mong gawin?
A. Sasawayin at pagsasabihan ko siya na hindi magandang manood ng mga
malalaswa dahil walang maidudulot itong maganda sa kaniyang buhay.
B. Hahayaan ko siya manood dahil dun siya masaya.
C. Makikinood ako sa aking kapatid.
D. Wala sa nabanggit.

41. Nagmamadali ka sa iyong paguwi dahil kaarawan ng iyong kapatid, gusto mong
tumawid na kahit hindi pa pula ang ilaw ng traffic light. Ano ang gagawin mo?
A. Tumawid kung kalian mo gusto.
B. Tumawid ng mabilis upang hindi mahagip ng sasakyan.
C. Sumunod parin sa batas trapiko kahit nagmamadali.
D. Maghintay ng mga kasabay na hindi rin sumusunod sa batas trapiko.
42. Natatakot kang tuksuhin ng mga kaklase mo na malnourished, kaya ayaw mong kumain
sa feeding center. Ano ang dapat mong gawin?
A. Tiisin na lamang ang gutom at magmadaling umuwi.
B. Magalit sa magulang dahil madalas walang ulam sa hapag.
C. Kumain lamang sa feeding center kung walang nakakakitang kaklase.
D. Iwasan ang pag-iisip ng negatibo at makiisa sa feeding program upang matugunan
ang pangangailangan pangkalusugan.

43. Alam mong may curfew sa barangay ninyo at may proyekto kayong gagawin sa bahay
ng kaklase mo. Ano ang gagawin mo?
A. Magkwentuhan lang muna bago gumawa.
B. Pakiusapan na lamang ang pulis kung mahuli kayo sa paguwi.
C. Umpisahan ng maaga ang paggawa upang di maabutan ng curfew sa daan.
D. Tawagan na lamang ang iyong mga magulang at hayaan silang magpaliwanag sa
pulis.

44. Magaling kang sumayaw ngunit likas sa iyo ang pagiging mahiyain. May
palatuntunan sa inyong paaralan. Nagkataong nagkasakit ang isa sa mga kasali
sa pampasiglang bilang. Ano ang gagawin mo?
A. Lalakasan ko ang aking loob at magboboluntaryong sumali sa sayaw.
B. Magkukunwaring hindi ko alam ang nangyayari.
C. Magsasakit-sakitan ako.
D. Magtatago na lang ako.

45. May proyekto kayo sa Agham. Pinagagawa kayo ng mga bagay na gawa sa
paper machĕ ngunit wala kang mga lumang diyaryo. Ano ang gagawin mo?
A. Manghihingi sa mga kakilala at kamag-anak na may lumang diyaryo upang
makagawa ng proyekto.
B. Hahayaan kong ang mga kagrupo na lang ang gumawa.
C. Ipagagawa na lang sa nanay ang proyekto.
D. Hindi na lamang gagawa ng proyekto.

46. Nabalitaan mong namatay ang iyong tiyahin na nasa probinsiya.Hindi kayo
nakapunta sa kanyang burol dahil sa ipinatupad na ECQ ng pamahalaan. Ano
ang pinakamainam gawin?
A. Ipagdasal na lamang ang kanyang kaluluwa
B. Ipagwalang bahala ito tutal naman ay patay na siya.
C. Pilitin ang magulang na makauwi at makapunta sa burol.
D. Umiyak dahil hindi kayo makauwi sa probinsiya at hindi mo na makikita ang
tiyahin.

47. Ang inyong lugar ay palaging dinadaanan ng bagyo ubos na ang mga pananim
at nakakaranas na ng gutom ang mga naninirahan dito. Ano ang maitutulong mo
sa kanila?
A. Tatawanan mo sila dahil sila ay nagugutom na
B. Ibibigay mo sa kanila ang lahat ng pagkain at pera mo
C. Hindi mo sila papansinin kasi marami naman kayong pambili ng pagkain
D. Tutulungan sila at ipagdarasal na sana matapos na ang dumating na
paghihirap na ito.

48. Sa mga sumusunod na salitang nakalimbag, alin dito ang nagpapakita ng


pagmamahal sa kapuwa?
A. Makibaka sa agos ng buhay.
B. Magbahagi ng biyaya sa mga kakilala.
C. Pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapwa.
D. Mag-aral mabuti para sa sariling kapakanan.

49. May mahalaga kang pupuntahan ngunit kailangan mong magsimba, dahil araw
ng pagsimba ngayon, Ano ang gagawin mo?
A. Ipagpapaliban ang pagsimba.
B. Hindi na lang ako magsisimba.
C. Gagawa ng paraan upang makasimba.
D. Sa susunod na araw na lamang magsisimba.

50. Mapanganib ang trabaho ng isang mandaragat at madalas na nakakalungkot.Sa


kabila nito, pinaghusay lagi ni Mang Rudy ang kanyang trabaho at hindi nakaka-
limutang manalangin. Anong pagpapahalaga ang ipinakita ni Mang Rudy?
A. Katatagan ng loob
B. Pananalig sa Diyos
C. Pagtitiwala sa sarili
D. Pagmamahal sa trabaho

Inihanda nina:

MA. MANILYN L. TILDE JAYNILYN A. DENIEGA


EsP CD-V Coordinator EsP CD-V Coordinator

Binigyang Pansin ni:

Master Teacher-in-charge
Sinang-ayunan ni:

MELANIE SIMEON, ED.d


Punongguro

Pinagtibay ni:

MARIETTA S. CABALLERO
Tagamasid Pansangay sa EsP

You might also like