You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – CENTRAL LUZON
Schools Division Office-Science City of Muñoz
MALIGAYA ELEMENTARY SCHOOL
Purok 2, Barangay Maligaya, Science City of Muñoz

SECOND PERIODICAL TEST


SSES - ESP 2
S.Y. 2022-2023

Pangalan: ___________________________________ Iskor: ______


Panuto: Basahing mabuti ang bawat sitwasyon. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
1. Pinagbuksan ka ng gate ng guwardiya ng inyong paaralan. Ano ang
pinakamainam mong gawin?
A. Hindi na tutuloy dahil huli ka na sa klase.
B. Huwag pansinin ang guwardiya at lumakad nang marahan
patungo sa silid-aralan.
C. Magpasalamat sa guwardiya at agad na pumasok sa paaralan.
D. Tumakbo agad papasok ng eskuwelahan nang hindi lumilingon
sa guwardiya

2. Nakasalubong mo ang isang ale, hinahanap niya ang kalye San Pedro.
Ano ang gagawin mo?
A. Hindi ko siya papansinin.
B. Ituturo ang kalye ngunit padabog.
C. Magpapatuloy lang ako sa paglalakad
D. Sasamahan ko siya sa hinahanap niyang kalye.

3. May batang katutubo na lumipat sa inyong paaralan, naging kaklase


mo ito. Ano ang dapat mong gawin ?
A. Hindi ko siya papansinin.
B. Kakaibiganin ko siya at kaaawaan dahil siya ay katutubo.
C. Magiliw ko siyang kakausapin at ipakikila sa aking mga kaibigan.
D. Pagtatawanan ko siya.
4. Nabali mo ang krayola na hiniram mo sa kaklase mo. Ano ang gagawin
mo?
A. Itatapon ko na lang ito.
B. Hindi ko isasauli sa kanya.
C. Ibabalik ko ito sa kanya at sasabihing hindi ako ang nakabali.
D. Aaminin ko sa kanya na nabali ang krayola at papalitan nalang
ito.

5. Hindi ka nakapasok dahil may sakit ka, dinalaw ka ng mga kaibigan mo


sa bahay ninyo. Anong mabuting ugali ang ipinakita ng iyong mga
kaklase?
A. matapat
B. magalang
C. maalalahanin
D. masunurin

6. Gustong sumali sa inyong laro ang kapitbahay mong marungis.


A. Isasali namin siya sa aming laro.
B. Hindi namin siya isasali sa aming laro.
C. Paaalisin namin siya.
D. Isasali namin siya pero siya ang laging taya.

7. May kaklase kang pilay na nahihirapang umakyat ng hagdan. Ano ang


gagawin mo?
A. Tatawanan ko siya.
B. Aalalayan ko siyang umakyat ng hagdan.
C. Hindi ko siya papansinin.
D. Itutulak ko siya.

8. May nakita kang matandang bulag na babae na gustong tumawid sa


kalsada.
A. Hindi na lang papansinin ang matandang bulag na babae.
B. Tutulungan ang matandang bulag na babae na makatawid sa
kalsada.
C. Tatawag ng ibang bata para siya ang tumulong sa matandang
bulag na babae.
D. Magmamano ako sa matandang bulag na babae.

9. May palatuntunan sa inyong paaralan. Nauna kayong dumating kaysa


sa mag- aaral sa kindergarten kaya kayo ay nasa unahan. Napansin
mong nahihirapang manood ang pinakamaliit na bata sa iyong ikuran.
Anong hakbang ang iyong gagawin?
A. Magpatuloy sa panonood at huwag pansinin ang bata sa iyong
likuran.
B. Sabihan ang batang maliit na lumipat ng puwesto.
C. Pagalitan ang bata na huwag magpapahuli sa susunod.
D. Lumipat ng ibang puwesto upang makapanood ng maayos ang
bata.

10. Naapakan mo ang paa ng iyong kamag-aral. Ano ang sasabihin mo?
A. Maraming salamat!
B. Ipagpaumanhin mo.
C. Aalis na po ako.
D. Padaan po.

11. Nag-uusap ang iyong nanay at tiyahin, gusto mo sanang dumaan. Ano
ang sasabihin mo?
A. Makikiraan po.
B. Paalam po!
C. Pakisuyo po.
D. Tumabi po kayo.

12. May dumating kayong bisita, ano ang sasabihin mo?


A. Tuloy po kayo.
B. Maraming salamat po!
C. Makikiraan po.
D. Kumusta po kayo?

13. Tinanong ka ng iyong tatay, nakapag-aral ka na ba ng iyong aralin?


A. Tinatamad pa po ako mag-aral.
B. Opo, nakapag-aral na po ako.
C. Mamaya na lang po ako mag-aaral pagkatapos kong manood
ng TV.
D. Ayoko na pong mag-aral.

14. Isang tanghali, nakasalubong mo ang iyong guro, ano ang sasabihin
mo?
A. Magandang umaga po, Sir!
B. Magandang tanghali po, Teacher!
C. Magandang gabi po, Ma’am!
D. Magandang hapon po, Teacher!
15. Nakita mong nagwawalis ang iyong nanay sa inyong bakuran. Ano ang
gagawin mo?
A. Kukuwentuhan ko si nanay para hindi siya mapagod.
B. Sasayawan ko si nanay para maging masaya siya.
C. Kukuha ako ng pandakot at tutulungan si nanay.
D. Pipitas ako ng bulaklak at ibibigay kay nanay.

16. Nakita mong nagkamali sa pagsusulat ang iyong kaklase. Ano ang
gagawin mo?
A. Pahihiramin ko siya ng pambura.
B. Papayuhan ko siya na ulitin niya ang kaniyang pagsusulat.
C. Bibigyan ko siya ng bagong papel.
D. Pahihiramin ko siya ng lapis.

17. Umiiyak ang kapatid mo dahil nasira ang kaniyang laruan. Ano ang
gagawin mo?

A. Bibigyan ko siya ng ibang laruan.


B. Bibilhan ko siya ng bagong laruan.
C. Itatapon ko na ang sira niyang laruan.
D. Lilibangin ko na lang siya para hindi na siya iiyak.

18. Napansin mo na matamlay ang iyong kaklase kaya tinanong mo siya


kung bakit siya matamlay. Ayon sa kaniya ay hindi pa siya nag-
aalmusal. Ano ang pinakamabuti mong gawin?
A. Aalukin ng pagkaing pabaon ng nanay mo.
B. Sasabihan na lapitan ang guro upang isangguni ang suliranin.
C. Papayuhan siya na sa susunod ay dapat siyang kumain bago
pumasok.
D. Dadalhin siya sa klinika ng paaralan upang mabigyan ng gamot.

19. Nakaabot sa iyo ang balita tungkol sa mga pamilyang nasunugan sa


inyong pamayanan. Sa iyong simpleng pamamaraan, paano mo
ipakikita ang iyong pagmamalasakit sa kanila?
A. Ipamamalita sa mga kaibigan ang pangyayari.
B. Papayuhan sila na laging mag-ingat upang hindi na maulit pa
ang sunog.
C. Hahayaan ang mga opisyal ng inyong barangay ang gumawa
ng hakbang.
D. Iipunin ang mga damit na maaaring ibahagi sa kanila at bibigyan
din sila ng makakain.
20. Ilang araw ng may sakit ang inyong dyanitor. Napansin mo ang
maraming kalat sa paligid. Ano ang dapat mong gawin?
A. Hindi papansinin ang basurang nakakalat.
B. Tatawag ng mas malalaking mag-aaral upang ipalinis ang kalat.
C. Pipilitin ang dyanitor na maglinis.
D. Kukuha ng walis at lilinisin ang kalat sa paligid.

21. Nakita mo ang ilang bata na pinipitas ang mga bulaklak sa inyong
hardin. Ano ang dapat mong gawin?
A. Isusumbong sila sa kanilang mga guro.
B. Gagayahin sila at pipitas din ng bulaklak.
C. Pagsasabihan sila nang maayos na hindi dapat pinipitas ang mga
bulaklak.
D. Sisigawan sila upang tumigil sa kanilang ginagawa.

22. Nasalubong mo ang kapitbahay mong si Aling Lina na hirap sa pagbitbit


ng pinamili niya sa palengke. Ano ang gagawin mo?
A. Sasalubungin at tutulungang magdala ng kaniyang pinamili.
B. Babatiin siya at tutuloy sa paglalaro.
C. Tatawag ng kapitbahay upang tulungan si Aling Lina.
D. Uuwi na lang ng bahay.

23. Pumito ang traffic enforcer bilang hudyat ng pagdaan ng sasakyan.


Ano ang dapat mong gawin?
A. hahanap ng ibang matatawiran
B. hihinto at hihintayin muli ang hudyat sa pagtawid
C. mabilis na tatakbo upang makatawid agad
D. hihikayatin ang traffic enforcer na patawirin ka

24. Matapos kang bumili sa tindahan ay napansin mo na sobra ang sukli


ng tindera. Ano ang gagawin mo?
A. babalik sa tindahan at isasauli ang sobrang sukli
B. itatago ang sukli at iipunin
C. ibibili ng kendi ang sobrang sukli
D. paghahatian naming magkapatid ang sukli

25. Naglagay ng tatlong basurahan sa harap ng canteen ang dyanitor ng


inyong paaralan. May pananda ang bawat lalagyan sa kung ano
lamang ang maaaring itapon dito. Ano ang dapat mong gawin?
A. itatapon ang kalat sa ano mang lalagyan
B. paghihiwalayin ang basura ayon sa pananda
C. sa ibang basurahan na lamang magtatapon
D. hindi na magtatapon ng basura
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – CENTRAL LUZON
Schools Division Office-Science City of Muñoz
MALIGAYA ELEMENTARY SCHOOL
Purok 2, Barangay Maligaya, Science City of Muñoz

SECOND PERIODICAL TEST


SSES - ESP 2
S.Y. 2022-2023

ANSWER KEY

1. 16.
2. 17.
3. 18.
4. 19.
5. 20.
6. 21.
7. 22.
8. 23.
9. 24.
10. 25.
11.
12.
13.
14.
15.

You might also like