You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PANGASINAN II
Binalonan

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (ESP)


Grade 2
Division Summative Test
S.Y. 2022-2023
Pangalan: Petsa:
Paaralan: Iskor:
Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Ito ay tinatawag na natatanging kakayahan.
a. kayabangan
b.kahinaan
c. kasiyahan
d. talento

2. Ang talentong taglay ay dapat na ________.


a. ikahiya
b. ikatakot
c. ipagpasalamat
d. ipagyabang

3. Ang tawag sa pang-aapi at pananakot sa batang ?


kapwa mag-aaral ay ______.
a. bullying
b. pagmamalabis
c. pagiging mabait
d. Pananakit sa kapwa

4. Ilang baso ng tubig ang dapat inumin sa isang araw?


a. 4
b. 8
c. 16
d. 24

5. Ano ang unang ginagawa ng isang bata pagkagising?


a. Nagdarasal
b. Naglilinis ng bahay
c. Nagsisipilyo
d. Kumakain ng almusal

6. Nalulungkot ang pinakamatalik mong kaibigan. Nais mo


siyang mapasaya, ano ang iyong gagawin?
a. Gagawa ng paraan upang mas bumigat ang
kaniyang damdamin.
b. Gagamitin mo ang iyong kakayahan upang
mapasaya siya at mapawi ang kalungkutan na
kaniyang nadarama.
c. Hindi siya papansinin upang hindi madamay.
d. Lalayo at sasama sa masasayang kaibigan.

7. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng talento?


a. Mahusay sumayaw
b. Mahusay sa pag-awit
c. Mahusay sa pagpipinta
d. Lahat ng nabanggit

8.Marunong kang sumayaw. Gusto mo itong ipakita sa mga


kamag-aral mo. Alin sa mga sumusunod ang dapat mong
gawin?
a. Hindi ako sasayaw.
b. Mahihiya ako.
c. Magsasanay akong sumayaw.
d. Sasali ako sa palatuntunan sa paaralan.

9. Ang mga bata ay dapat maligo ______.


a. araw-araw
b. minsan sa isang linggo
c. tuwing ikalawang linggo
d. minsan sa isang buwan
10.Napansin mo na nagkalat ang mga laruan ng iyong
kapatid sa inyong sala. Ano ang gagawin mo?
a. Hindi ko ito papansinin.
b. Itatapon ko ang mga ito.
c. Aayusin ko ang mga ito.
d. Uutusan ko si nanay na ayusin ang mga ito.

11. May kaklase kang pilay na nahihirapang umakyat ng


hagdan. Ano ang gagawin mo?
a. Tatawanan ko siya.
b. Iiwasan ko siya.
c. Pababayaan ko siyang umakyat ng hagdan.
d.Aalayan ko siyang umakyat ng hagdan.

12.Nakita mong pagod ang iyong guro at marami pa


siyang ginagawa. Ano ang gagawin mo?
a. Mag-iingay ako.
b. Maglalaro ako.
c. Magkakalat ako sa loob ng silid-aralan.
d. Susundin ko ang mga ipinapagawa niya.

13. Sa labas ng simbahan, marami kang nakitang mga


batang lansangan ang nanlilimos. Ano ang gagawin mo?
a. Pagtatawanan ko sila.
b. Tutuksuhin ko silang mga pulubi.
c. Maiiyak ako sa awa sa kanila.
d. Magiliw ko silang kakausapin at bibigyan ng limos.

14. Nabangga mo ang iyong kaklase at natapon ang


kanyang baon. Ano ang sasabihin mo?
a. Pababayaan ko na lang.
b. Paumanhin, hindi ko sinasadya.
c. Mabuti nga sayo.
d. Humaharang ka sa daan.

15.Pinagbuksan ka ng gate ng guwardiya ng inyong


paaralan. Ano ang pinakamainam mong gawin?
a. Huwag pansinin ang guwardiya at lumakad nang
marahan patungo sa silid-aralan.
b. Hindi na tutuloy dahil huli na sa klase.
c. Magpasalamat sa guwardiya at agad na pumasok sa
paaralan.
d. Tumakbo agad papasok ng eskuwelahan nang hindi
lumilingon sa guwardiya.

16. Anong kabutihan ang ginawa ng isang tao sa iba na


nagpapakita ng pagmamahal sa sarili?
a. Pagtulong sa kapwa
b. Pagbabahagi ng baon
c. Pagbati at pagngiti sa ibang tao
d. Pagiging magalang sa nakatatanda

17. Wala kang baon, hinatian ka ng iyong kamag-aral.


Ano ang iyong sasabihin?
a. Salamat.
b. Makikiraan.
c. Walang anuman.
d. Magandang umaga.

18. Dumating ang kamag-anak ninyo mula sa probinsiya.


Ano ang dapat mong gawin?
a. Dalhin sa isang mamahaling hotel upang sila ay
masiyahan.
b. Ihatid sa ibang kamag-anak upang doon sila tumuloy.

c. Patuluyin sa inyong tahanan at tiyaking maginhawa at


masaya ang kanilang panunuluyan.
d. Pabalikin agad sa probinsiya matapos ipasyal sa
magagandang lugar sa inyong pamayanan.

19. Ano ang mararamdaman mo kapag ipapakikita mo


ang iyong kakayahan sa iba?
a. Maiinis
b. Magagalit
c. Magiging malungkot
d. Magiging masaya para sa sarili at kapwa

20. Maisilang at magkaroon ng pangalan. Kaninong karapatan ito?


a.bata
b.magulang
c.matanda
d.kapitbahay

21. Bawat bata ay may karapatan na dapat tamasahin at


ito ay may katumbas na ________ na dapat gampanan.
a. kailangan
b. kautusan
c. pananagutan
d. tungkulin

22. Anong karapatan ang tinutukoy sa sitwasyong ito?


Dinadala siya ng kanyang nanay sa doktor upang
ipagamot.
a. Karapatang kumain
b. Karapatang matuto
c. Karapatang maging malusog
d. Karapatang makapag-aral

23. Payat at naninilaw ang itinanim mong okra. Ano ang iyong
dapat gawin?
a.Tatakpan ko ito.
b.Ilalagay ko ito sa lilim.
c.Didiligan at paarawan ko ito.
d.Pababayaan ko na lang ito hanggang sa mamatay.

24.Nakita mong inaapakan ng ibang bata ang mga damo sa


parke. May nakasulat ditong “Huwag Tapakan”. Ano ang
dapat mong gawin?
a. Titingnan ko lang sila.
b. Pababayaan ko lamang sila.
c. Makiki-apak na rin ako sa mga halaman.
d. Sasabihin ko sa kanila na ingatan ang mga halaman
25.Ang ____________ ay mga pangangailangan ng tao na dapat
makamit upang makapamuhay nang maayos.
a. kalinisan
b. kapayapaan
c. karapatan
d. tungkulin

26.May proyekto ang paaralan tungkol sa paghahalaman sa


tahanan. Maliit lamang ang inyong bakuran. Ano ang iyong
dapat gawin?
a. Hindi na lamang ako magtatanim.
b. Magtatanim ako sa paso.
c. Magtatanim ako sa kapitbahay.
d. Magpapatulong ako sa kapitbahay.

27.Sumali siya sa paligsahan sa pagguhit ay tumutukoy sa


karapatang ________________.
a. maging masaya
b. maglaro
c. mag-aral
d. paunlarin ang kakayahan

28. Dapat tayong _______ para sa karapatang ating tinatamasa.


a. magpasalamat
b. magpatulong
c. magpaturo
d. magsanay

29.Ang pagiging ______ o matipid ay mahalaga sa kabuhayan


ng pamilya.
a. masayahin
b. masinop
c. masipag
d. matulungin

30.Nais mong sumama sa iyong nanay sa palengke ngunit


mahigpit na ipinagbabawal na lumabas ang mga batang
kagaya mo dahil sa pandemyang COVID19.
Ano ang gagawin mo?
a. Iiyak at magkukulong ako sa kwarto.
b. Pipilitin si nanay na isama ako.
c. Susunod na lamang ako sa patakaran.
d. Wala sa nabanggit.

31.Nakita mong may nag-aaway na kabataan sa daan. Ano ang gagawin mo?
a. Makikisali ako sa away nila.
b. Manonood lamang ako sa kanilang pag-aaway.
c. Tatawag ako ng barangay tanod para awatin sila.
d. Wala sa nabanggit.

32. Ano ang dulot ng maruming kapaligiran?


a.Nagiging masigla ang mga tao.
b.Nagiging masaya ang mga tao.
c.Nagdudulot ito ng sakit.
d.Nagiging sariwa ang hangin sa paligid.

33.Sino ang dapat pasalamatan sa mga biyayang tinatanggap


natin araw-araw?
a. guro
b. nanay
c. tatay
d. Diyos

34.Ang iyong kaarawan ay tatapat sa araw ng Linggo. Ano ang


iyong gagawin?
a. Ayain ang mga magulang na kumain sa labas.
b.Anyayahan ang mga magulang upang makapagsimba.
c. Magkantahan buong araw.
d. Magkaroon ng “outing” kasama ang mga kaibigan.

35.Nakita mong nahihirapan ang kaibigan mo sa aralin ninyo sa


English, ano ang gagawin mo?
a.Lalapitan ko siya at tuturuang mabuti.
b.Pagtatawanan ko siya.
c.Pababayaan ko siyang matuto.
d.Sasabihin ko sa kanya na mag-aral siyang mag-isa.

36.Sa kabila ng paglaganap ng COVID-19 sa panahon ngayon


maibabahagi mo pa rin ba ang iyong kakayahan? Paano?
a.Opo, sa pamamagitan ng pagpost sa social media ng mga
tula o awiting alay sa mga frontliners.
b.Opo,sa pamamagitan ng panonood sa kanilang mga ginagawa.
c.Hindi, dahil nahihiya ako na ipakita ito.
d.Wala sa nabanggit.

37.Mahusay ka sa pagguhit. Nalaman mong may paligsahan sa


paaralan, ano ang dapat mong gawin?
a.Hindi ako sasali dahil baka hindi ako manalo.
b.Hihintayin ko na lang ang araw ng paligsahan.
c.Sasali ako ngunit hindi ako magsasanay.
d.Sasali ako sa paligsahan at magsasanay ako upang manalo.

38.Sino sa kanila ang nagbabahagi ng kakayahan sa iba?


a.Si Ana na nagtuturo sa kapatid niya kung paano tumugtog ng piano.
a.Si Jose na nagagalit kapag may nagpapaturo sa kanya
kung paano magdrowing.
c.Si Lito na nagtatago sa kuwarto kapag pinapakanta sa
harap ng bisita.
d.Si Pepe na palaging gumuguhit mag-isa sa kanilang bahay.

39.Ang ______ tuwing araw ng Linggo ay isang gawaing


nagpapakita ng pasasalamat sa Diyos.
a.pag-aawit
b.pamamalengke
c.pagsisimba
d.pagsusulat

40. Ano ang masasabi mo sa angking talino o kakayahan ng mga bata?


a.iisa
b.parehas
c.magkakatulad
d.magkakaiba

Prepared by:
FLORENDA D. AMANSEC
Teacher III
MANGALDAN CENTRAL SCHOOL
MANGALDAN I

NOTED:

HERMINIO M. SERRAON, JR
Public Schools District Supervisor

Reviewed by:

JOCELYN P. CORPUZ,EdD
Principal II
District ESP Coordinator

Validated by:
JULIETA P. ALMEROL
Head Teacher III
Tayug II

ROLANDO M. MALONG
Head Teacher III
Asingan II

Approved by:
EMETERIO F. SONIEGA,JR., EdD
EPS, In- charge in Edukasyon saPagpapakatao

You might also like