You are on page 1of 9

1. Napakinggan ni Jhoever ang balita sa radyo na may paparating na bagyo.

Ano ang dapat


niyang gawin?

A. Maghanda alang-alang sa kaligtasan ng kanyang pamilya.

B. Ipagwalang bahala ang napakinggang balita.

C. Manalangin na sana lalong lumakas ang iihip ng hangin at ulan.

D. Magsaya dahil may paparating na bagyo.

2. Hilig ni Jhociel na manood ng programang pantelebisyon. Napansin niya na inaway ng


bata ang kalaro niya. Ano kaya ang naramdaman ni Jhociel sa kanyang napanood?

A. Nainis sa batang nang-away pagkat batid niyang masama iyon

B. Natuwa siya at nagtatatalon sa kasiyahan

C. Natulala at napaluha sa nakita

D. Namangha at napaisip sa ginawa ng bata

3. Libangan ng pamilya ni G. Angelo Sarmiento ang panonood ng telebisyon. Ano ang


kabutihang dulot nito sa bawat kasapi ng pamilya?

A. Nagiging matibay ang samahan ng bawat kasapi ng pamilya.

B. Napapabayaan ng mag-anak ang isa't-isa

C. Nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mag-anak.

D. Nagkakanya-kanya ang bawat kasapi

4. Si Jezza ay mahilig mag-internet na kung saan umaabot siya ng madaling araw sa pag-fb.
Ano ang magiging epekto nito sakanya?

A. Hihina ang kanyang resistensiya at maapektuhan ang kanyang kalusugan

B. Dadami ang kanyang magiging kaibigan

C. Magiging famous o kilala siya sa social media

D. Dadami ang magmemensahe sa bawat post niya

5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng kawilihan sa pag-aaral?

A. Makipagkuwentuhan sa katabi sa oras ng klase

B. Palagiang paglahok sa pangkatang gawain

C. Nakikilahok sa talakayan paminsan-minsan


D. Nagpapasa ng proyekto na lagpas sa itinakdang araw

6. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi nagpapakita ng kawilihan sa pag-aaral?

A. Nakikinig sa guro sa oras ng talakayan

B. Ginagawa ang takdang-aralin kung nais lamang

C. Ibinabahagi sa iba ang mga natutunan

D. Gumagawa ng proyekto gamit ang makabagong teknolohiya

7. Paano mo maipapakita ang matapat na paggawa sa mga proyektong pampaaralan?

A. Ipagawa ang proyekto sa mga magulang

B. Gawin ang proyekto sa abot ng makakaya

C. Bayaran ang kapitbahay sa paggawa ng proyekto

D. Gayahin ang proyektong ginawa ng kamag-aral

8. Nagkaroon kayo ng biglaang pagsusulit sa asignaturang Edukasyon sa Pagkakatao. Hindi ka


handa sa pagsusulit, ano ang gagawin mo?

A. Kokopya sa katabi para di bumagsak sa pagsusulit

B. Sasagutin ang mga tanong sa pagsusulit sa abot ng makakaya

C. Magbubukas ng kuwaderno ng palihim para may maisagot

D. Ipapasa kaagad ang sagutang papel na walang sagot

9. Ikaw ay inutusan ng iyong nanay na bumili ng gulay na gagamitin sa pagluluto ng sinigang.


Napagtanto mong bumaba na ang presyo ng mga ito at napansin mo na sobra ang ibinigay na
pera ng iyong nanay na pambili. Ano ang gagawin mo?

A. Sasabihin ko sa nanay ko na mahal pala ang presyo ng mga gulay

B. Iaabot ko ang mga biniling gulay sa aking nanay

C. Ibabalik ko ang sobrang pera sa aking nanay

D. Wala sa mga nabanggit na pagpipilian

10. Nagkaroon ng intramurals sa inyong paaralan. Isa ka sa mga atleta sa larong takbuhan. Sa
oras ng laro, ikaw at ang kaklase mo ang naglalaban para sa unang gantimpala. Nalingat ang
nagpapalaro at di niya nakita kung sino ang nauna sapagkat halos sabay kayong nakarating
sa finish line. Batid mong hindi ikaw ang nanalo. Ano ang gagawin mo?

A. Sasabihin ko sa nangangasiwa ng laro na ulitin na lamang namin ang pagtakbo


B. Sasabihin ko na ako ang nauna at nanalo

C. Sasabihin ko na ang kamag-aral ko ang nanalo at tatanggapin ko ang aking pagkatalo

D. Sasabihin ko na hindi siya magaling na tagapaglaro

11. Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapakita ng pagkakaisa?

A. Paggawa ng proyekto at pagsusumite sa itinakdang-araw

B. Pag-aaral ng mabuti at pagbahagi sa mga natutunan sa iba

C. Pakikilahok ng bawat kasapi sa pangkatang gawain sa klase

D. Pagsali sa talakayan nang walang pakundangan

12. Bakit kailangang makilahok at makiisa sa pangkatang gawain ang bawat kasaping mag-
aaral?

A. Para hindi masita ng guro

B. Upang hindi magalit ang mga kamag-aral

C. Nang sa ganoon ay agad na matapos ang gawain

D. Dahil ito ang kailangang gawin

13. Paano ka makahihikayat sa iyong kapwa na maging matapat sa lahat ng uri ng paggawa?

A. Isusuplong sa kinauukulan ang mga tiwaling manggagawa

B. Magsisilbing huwaran sa kilos, sa salita at sa gawa.

C. Pagsasabihang maging matapat

D. Parurusahan sa tuwing magsisinungaling

14. Niyaya kayo ng kaibigan mo sa bahay ng mayaman ninyong kamag-aral. Pinapasok niya
kayo sa kaniyang kwarto na puno ng mamahaling laruan. Nakita mong itinatago ng kaibigan
mo ang isa sa mga stuffed toys na inyong nilalaro. Alin sa mga sumusunod ang nararapat
mong gawin?

A. Ituloy ang paglalaro at balewalain ang iyong nakita

B. Kumuha at magtago din ng stuffed toys para sa iyo

C. Sabihin sa mayamang kaklase ang iyong nakita upang mapagalitan siya siya

D. Sabihan siyang wag gawin iyon dahil di niya iyon pag-aari.

15. Ikaw ay may nagawang di kanais-nais sa loob ng paaralan. Nalaman ito ng iyong guro at
ipinatawag ang iyong mga magulang. Ano ang iyong gagawin?

A. Hindi ko sasabihin sa aking magulang ang pinasasabi ng guro ko

B. Babalewalain ko ang bilin ng aking guro

C. Papupuntahin ko ang aking magulang sa paaralan pero pagtatakpan ko ang dahilan

D. Sasabihin ko ang buong pangyayari sa aking mga magulang at sasabihing pinapatawag sila
ng guro ko

16. Nakita mo ang pag-aaway ng iyong kamag-aral at batid mo ang dahilan ng kanilang pag-
aaway. Ano ang iyong gagawin?

A. Hayaan ko na lamang sila na parang wala akong nakita

B. Babalewalain ang nakitang pangyayari

C. Sisigawan ko sila at sasabihang ang matalo siyang unggoy

D. Sasabihin ko ang buong pangyayari sa aking mga magulang at sasabihang pinapatawag sila
ng guro ko

17. Nakita mong kinuha ng iyong nakatatandang kapatid ang dalawampung piso ng iyong
nanay sa kanyang pitaka. Naghanap ang iyong nanay sa nawawalang pera. Ano ang iyong
gagawin?

A. Sasabihin ko ang totoo kahit magalit sa akin ang aking nakatandang kapatid

B. Ipagkikibit balikat na lamang ang nalalaman

C. Pagtatakpan ang nakitang pangyayari

D. Lahat ng nabanggit

18. Nagkaroon ng munting pagsusulit sa asignaturang Araling Panlipunan. Napansin mo ang


iyong katabi ay nangongopya at minsan binubuklat ang kanyang kwaderno. Ano ang iyong
gagawin?

A. Hayaan ko siya sa kanyang ginagawa

B. Hindi ako magpapaapekto sa aking nakita

C. Gagayahin ko siya para pareho kaming mataas ang makuha

D. Sasabihin ko sa guro naming ang kanyang ginagawa

19. Hiniram mo ang gunting ng iyong guro. At sa di inaasahan, ito ay naiuwi mo sa inyong
bahay. Dahil sa nahihiya ka, hindi mo na ito isinauli sa kinabukasan at tuluyan mo itong
inangkin. Sa mga sumusunod na araw, ito ay hinanap ng iyong guro pagkat ito'y kanyang
gagamitin. Ano ang iyong gagawin?
A. Di ako iimik na nasa akin ang kanyang gunting

B. Magbibingi-bingihan ako sa aking narinig

C. Aaminin ko ang aking ginawa at ibabalik ang gunting

D. Magpapakasaya ako kasi hindi mahanap ng aking guro ang gunting niya

20. Ano ang kabutihang dulot ng pagsasabi ng tapat?

A. Magiging maayos ang pagsasama

B. Magiging matibay ang samahan

C. Magiging payapa ang pamumuhay

D. Lahat ng nabanggit

21. May isang taong naninigarilyo sa dyip na inyong sinasakyan. Napansin mong hinihika ang
isang pasahero dahil sa usok ng sigarilyo. Paano mo siya matulungan?

A. Kausapin ang taong naninigarilyo na itigil muna ang kanyang paninigarilyo

B. Pababain ang matandang hinihika

C. Sabihan ang nagmamaneho ng dyip nabilisan ang pagtakbo

D. Pabayaan ang matandang magtiis sa usok.

22. Paano ka makakatulong sa inyong kaklaseng mabagal magbasa?

A. Kutyain sila

B. Ipaalam sa buong paaralan ang kanilang kahinaan.

C. Hikayating magbasa ang iyong kaklase at tulungan sa kanilang kahinaan.

D. Hikayatin silang lumipat sa ibang paaralan.

23. Nawala mo ang hiniram mong sombrero ng iyong kapatid. Ano ang dapat mong gawin?

A. Sabihing itinago mo lang

B. Umiyak at magtago

C. Magpabili ng Nanay ng bago.

D. Sabihin ang totoo sa kapatid mo

24. Binigyan kayo ng takdang-aralin ng inyong guro. Napagod ka sa kalalaro. Ano ang gagawin
mo?
A. Ipagawa sa Kuya ang takdang-aralin

B. Magpahinga sandali at gawin na ang takdang-aralin.

C. Hindi gawin ang takdang-aralin

D. Sabihin ang totoo sa kapatid mo

25. Kaarawan ng kaibigan mo. Iniimbitahan kang sumama sa kanila sa pamamasyal sa ibang
pook. Ano ang gagawin mo?

A. Lumiban sa klase at sumama sa kanila.

B. Yayain nalang na maglaro ang kaibigan imbis na mamasyal.

C. Utusan ang kaibigan na magpakain sa lahat ng kaklase.

D. Hindi ipagpalit ang pagpasok sa klase sa pamamasyal

26. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kawilihan sa pagbabasa?

A. Naghahanap ng mga larawan.

B. Binasa at iniintindi ang nilalaman.

C. Binubuklat ang mga pahina sa aklat.

D. Pinagtawanan ang mga larawan na nakita sa aklat.

27. Bakit kailangang mag-aaral ng mabuti?

A. Upang magkapagtapos at makakuha ng magandang trabaho sa hinaharap.

B. Upang mapatunayan sa lahat na magaling ka.

C. Upang maipagmalaking sarili.

D. Upang matalbugan mo ang iyong mga kapatid.

28. Walang kinakatakutan ang ______________ na nanunungkulan.

A. Tapat B. Sinungaling C. Mayaman D. Magaling

29. Ikaw ay nagpapakita ng kawilihan sa pag-aaral kapag ikaw ay

A. Pumapasok sa paaralan kung gusto lang.

B. Lumuliban kapag umuulan.

C. Nag-aral kung may malaking baon na ibibigay si Nanay.

D. Nagsusumikap na mag-aral.
30. Paano maipakikita ang tiyaga sa pag-aaral?

A. Gawin lamang ang mga madadaling gawain sa pag-aaral.

B. Tapusin ang sinimulang gawain gaano man ito kahirap.

C. Simulan agad ang gawain at hindi tapusin pagnahihirapan na.

D. Mag-aral lang kapag binigyan ng malaking baon.

31. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng mapanuring pamamaraan sa pagtuklas ng


katotohanan sa mga balitang napakinggan?

A. Naipaliliwanag ni Saimon nang maayos at may kumpletong detalye ang balitang kanyang
napakinggan.

B. Naikukumpara ni Franzen ang tama sa mali sa nabasa niyang balita sa pahayagan.

C. Naiisa-isa ni Gerund ang mga detalye ng mga pangyayari sa aksidente ayon sa


napakinggang balita.

D. Lahat ng nabanggit

32. Anong mga gawain ang nagpapalawak ng isipan at karanasan ng isang tao?

A. Pagbabasa

B. Paglalaro

C. Pag-eehersisyo

D. Pagkukuwento

33. Sino sa mga sumusunod na mga bata ang dapat mong tularan?

A. Si Roel na nakikinig nang maayos sa mga balita sa radyo.

B. Si Lance na madalas nagkakalat ng tsismis.

C. Si Jasmin na magaling humabi ng mga walang katotohanang balita.

D. Si Isela na mahilig gumawa ng kwento upang pag-awayin ang mga kaklase niya

34. Ang pagbabasa ng aklat, pahayagan at iba pang babasahin ay mabutihang libangan ng
isang batang tulad mo.

A. Tama

B. Mali

C. Hindi sigurado
D. Walang pakialam

35. Narinig mo sa radyo na may parating na bagyo sa inyong lugar. Ano ang nararapat mong
gawin?

A. Ilihim sa sarili ang nalamang balita

B. Ipagsigawan agad sa mga kapitbahay

C. Mag-panic at magtatatakbo sa paligid sa inyong barangay

D. Ipagbigay-alam sa mga kapitbahay at maghanda sa paglikas kung kinakailangan.

36. Paano mo maipapakita na ikaw ay mapanuri sa mga balitang naririnig radyo o nababasa
sa mga pahayagan?

A. Inaalam agad kung totoo ang balitang narinig

B. Sinusuri nang mabuti kung totoo ang balitang narinig

C. Nagtatanong sa kinauukulan kung totoo o hindi

D. Lahat ng nabanggit

37. Alin sa sumusunod na mga balita ang may mabuting maidudulot sa atin?

A. May parating na bagyo sa susunod na linggo

B. Nalagdaan na ang batas sa pagpapataw ng "lethal injection" sa mga bilanggo

C. Nasagasaan ang batang lalaking biglang tumawid sa harap ng Paaralang Sentral ng


Valencia

D. Nanalo ng labinlimang Gold Medal ang Pilipinas sa International Olympics

38. Binigyan ni G. Richmond ang kaniyang mga mag-aaral ng pangkatang gawain. Kung ikaw
ay kabilang sa pangkat na madalas napapagsabihan dahil hindi tama ang ginagawa, ano ang
gagawin mo?

A. Lilipat ng ibang grupo

B. Maging pasimuno sa pagbabago upang makagawa nang maayos

C. Pagalitan ang mga kagrupo

D. Magpatuloy sa hindi magandang gawain

39. Ano ang dapat mong gawin kung may pangkatang gawain sa paaralan ngunit hindi
tumutulong ang iyong mga kagrupo?

A. Hikayatin ang mga kagrupo na magkaisa at magtulong-tulong upang matapos ang gawain
B. Hayaan na lang ang ayaa tumulong

C. Mag-isa mong tapusin ang pangkatang gawain.

D. Isumbong sa guro na ikaw lang ang seryoso sa grupo

40. Alin sa mga sumusunod ang wastong gawain?

A. Nagbabasa ng diyaryo araw-araw

B. Nakikinig sa mga "update" o bagong kaalaman

C. Nagsasaliksik ng mga artikulo sa "internet"

D. Lahat ng nabanggit

41. Bakit mahalaga ang pagkakaisa sa pagtapos ng gawain?

A. Upang manalo sa anumang kumpitesyon

B. Dahil sa pagkakaisa at pagtulungan nagiging matagumpay at

madaling natatapos ang gawain

C. Dahil magandang tingnan ang pangkat na nagkakaisa at nagtutulungan

D. Upang mapanatili ang pagkakaibigan sa lahat ng panahon

42. Binigyan kayo ng inyong guro ng gawain na inyong sasagutan ha ang wala siya dahil
ipinatawag siya ng punong-guro. Ano ang gagawin mo?

A. Sagutan ang gawain nang may karapatan

B. Maglaro at saka na lang ang ipinapagagawa ng guro

C. Magbukas ng kwaderno upang makakuha ng mataas na marka

D. Mangopya sa katabi

You might also like