You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF DAGUPAN CITY
VICTORIA Q. ZARATE ELEMENTARY SCHOOL
ARELLANO STREET, DAGUPAN CITY

Unang Markahang Pagsusulit sa Edukasyong Pagpapakatao V


S.Y. 2023-2024

Pangalan: _________________________________________ Iskor: ____________


Seksiyon At Baitang: _______________________________ Petsa:____________

Panuto: Basahing mabuti ang katanungan sa bawat bilang. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat
bago ang numero.

_____1. Napakinggan ni Lawrence ang balita sa radyo na may paparating na bagyo


Ano ang dapat niyang gawin?
A. Magsaya dahil may paparating na bagyo.
B. Ipagwalang bahala ang napakinggang balita.
C. Maghanda alang-alang sa kaligtasan ng kanyang pamilya.
D. Manalangin na sana lalong lumakas ang ihip ng hangin at ulan.

_____2. Hilig ni Shane na manood ng programang pantelebisyon. Napansin niya na


inaway ng bata ang kalaro niya. Ano kaya ang naramdaman ni Jhociel sa
kanyang napanood?
A. Nainis sa batang nang-away pagkat batid niyang masama iyon
B. Natuwa siya at nagtatatalon sa kasiyahan.
C. Namangha at napaisip sa ginawa ng bata.
D. Natulala at napaluha sa nakita.

_____3. Libangan ng pamilya ni G. Angelo Sarmiento ang panonood ng


telebisyon. Ano ang kabutihang dulot nito sa bawat kasapi ng pamilya?
A. Nagiging matibay ang samahan ng bawat kasapi ng pamilya.
B. Napapabayaan ng mag-anak ang isa’t-isa
C. Nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mag-anak
D. Nagkakanya-kanya ang bawat kasapi

_____4. Si Rhia ay mahilig mag-internet na kung saan umaabot siya ng


madaling araw sa pag-FB. Ano ang magiging epekto nito sa kanya?
A. Hihina ang kanyang resistensiya at maapektuhan ang kanyang kalusugan
B. Dadami ang kanyang magiging kaibigan
C. Magiging famous o kilala siya sa social media
D. Dadami ang magmemensahe sa bawat post niya.

_____5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng kawilihan sa pag-aaral?


A. Makipagkuwentuhan sa katabi sa oras ng klase
B. Palagiang paglahok sa pangkatang gawain
C. Nakikilahok sa talakayan paminsan-minsan
D. Nagpapasa ng proyekto na lagpas sa itinakdang araw

_____6. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi nagpapakita ng kawilihan sa pag-aaral?
A. Nakikinig sa guro sa oras ng talakayan.
B. Ginagawa ang takdang-aralin kung nais lamang
C. Ibinabahagisa iba ang mga natutunan
D. Gumagawa ng proyekto gamit ang makabagong teknolohiya
_____7. Paano mo maipapakita ang matapat na paggawa sa mga proyektong pampaaralan?
A. Ipagawa ang proyekto sa mga magulang
B. Gawin ang proyekto sa abot ng makakaya
C. Bayaran ang kapitbahay sa paggawa ng proyekto
D. Gayahin ang proyektong ginawa ng kamag-aral

_____8. Nagkaroon kayo ng biglaang pagsusulit sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao.


Hindi ka handa sa pagsusulit, ano ang gagawin mo?
A. Kokopya sa katabi para di bumagsak sa pagsususlit
B. Sasagutin ang mga tanong sa pagsusulit sa abot ng makakaya
C Magbubukas ng kuwaderno ng palihim para may maisagot
D. Ipapasa kaagad ang sagutang papel na walang sagot

_____9. Ikaw ay inutusan ng iyong nanay na bumili ng gulay na gagamitin sa pagluluto ng sinigang.
Napagtanto mong bumaba na ang presyo ng mga ito at napansin mo na sobra ang ibinigay
na pera ng iyong nanay na pambili. Ano ang gagawin mo?
A. Sasabihin ko sa nanay ko na mahal pala ang presyo ng mga gulay
B. Iaabot ko ang mga biniling gulay sa aking nanay
C. Ibabalik ko ang sobrang pera sa aking nanay
D. Wala sa mga nabanggit na pagpipilian

_____10. Nagkaroon ng Intramurals sa inyong paaralan. Isa ka sa mga atleta sa larong takbuhan Sa oras ng laro,
ikaw at ang kaklase mo ang naglalaban para sa unang gantimpala. Nalingat ang nagpapalaro at di niya
nakita kung sino ang nauna sapagkat halos sabay kayong nakarating sa finish line. Batid mong hindi ikaw
ang nanalo. Ano ang gagawin mo?
A. Sasabihin ko na ang kamag-aral ko ang nanalo at tatanggapin ko ang aking pagkatalo
B. Sasabihin ko sa nangangasiwa ng laro na ulitin na lamang namin ang pagtakbo
C. Sasabihin ko na hindi siya magaling na tagapaglaro
D. Sasabihin ko na ako ang nauna at nanalo

_____11. Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapakita ng pagkakaisa?


A. Pagsali sa talakayan nang walang pakundangan
B. Paggawa ng proyekto at pagsusumite sa itinakdang araw
C. Pag-aaral ng mabuti at pagbahagi sa mga natutunan sa iba
D. Pakikilahok ng bawat kasapi sa pangkatang gawain sa klase

_____12. Bakit kailangang makilahok at makiisa sa pangkatang gawain ang bawat kasaping mag-aaral?
a. Para hindi masita ng guro
b. Dahil ito ang kailangang gawin
c. Upang hindi magalit ang mga kamag-aral
d. Nang sa ganoon ay agad na matapos ang gawain

_____ 13. Paano ka makahihikayat sa iyong kapwa na maging matapat sa lahat ng uri ng
paggawa?
A. Isusuplong sa kinauukulan ang mga tiwaling manggagawa.
B. Magsisilbing huwaran sa kilos, sa salita at sa gawa.
C. Parurusahan sa tuwing magsisinungaling
D. Pagsasabihang maging matapat

_____14. Niyaya kayo ng kaibigan mo sa bahay ng mayaman ninyong kamag-aral. Pinapasok niya
kayo sa kanyang kwarto na puno ng mamahaling laruan Nakita mong itinatago ng
kaibigan ang isa sa mga stuffed toys na inyong nilalaro. Alin sa mga sumusunod ang
nararapat mong gawin?
A. Ituloy ang paglalaro at balewalain ang iyong nakita.
B. Kumuha at magtago din ng stuffed toys para sa iyo.
C. Sabihan siyang wag gawin iyon dahil di niya iyon pag-aari.
D. Sabihin sa mayamang kaklase ang iyong nakita upang mapagalitan siya
_____15. Ikaw ay may nagawang di kanais-nais sa loob ng paaralan. Nalaman ito ng iyong guro at ipinatawag ang
iyong mga magulang. Ano ang iyong gagawin?
A. Babalewalain ko ang bilin ng aking guro
B. Hindi ko sasabihin sa aking magulang ang pinasasabi ng guro ko
C. Papupuntahin ko ang aking magulang sa paaralan pero pagtatakpan ko ang dahilan
D. Sasabihin ko ang buong pangyayari sa aking mga magulang at sasabihing pinapatawag sila ng guro ko

_____16. Nakita mo ang pag-aaway ng iyong kamag-aral at batid mo ang dahilan ng kanilang pag-aaway. Ano ang
iyong gagawin?
A. Babalewalain ang nakitang pangyayari
B. Hayaan ko na lamang sila na parang wala akong nakita
C. Sisigawan ko sila at sasabihang ang matalo siyang unggoy
D. Buong tapang ko silang aawatin at sasabihang magbati na sapagkat walang kwenta ang
kanilang pinag-aawayan

_____17. Nakita mong kinuha ng iyong nakatatandang kapatid ang dalawampung piso ng iyong nanay sa kanyang
pitaka. Naghanap ang iyong nanay sa nawawalang pera. Ano ang iyong gagawin?
A. Sasabihin ko ang totoo kahit magalit sa akin ang aking nakatatandang kapatid
B. Ipagkikibit balikat na lamang ang nalalaman
C. Pagtatakpan ang nakitang pangyayari
D. Lahat ng nabanggit

_____18. Nagkaroon ng munting pagsusulit sa asignaturang Araling Panlipunan. Napansin mong ang iyong katabi
ay nangongopya at minsan binubuklat ang kanyang kwaderno. Ano ang iyong gagawin?
A. Hayaan ko siya sa kanyang ginagawa
B. Hindi ako magpapaapekto sa aking nakita
C. Sasabihin ko sa guro namin ang kanyang ginagawa
D. Gagayahin ko siya para pareho kaming mataas ang makuha

_____19. Hiniram mo ang gunting ng iyong guro. At sa di inaasahan, ito ay naiuwi mo sa inyong bahay. Dahil sa
nahihiya ka, hindi mo na ito isinauli sa kinabukasan at tuluyan mo itong inangkin. Sa mga sumunod na
araw, ito ay hinanap ng iyong guro pagkat ito’y kanyang gagamitin. Ano ang iyong gagawin?
A. Magbibingi-bingihan ako sa aking narinig
B. Di ako iimik na nasa akin ang kanyang gunting
C. Aaminin ko ang aking ginawa at ibabalik ang gunting
D. Magpapakasaya ako kasi hindi mahanap ng aking guro ang gntingniya

_____20. Ano ang kabutihang dulot ng pagsasabi ng tapat?


A. Magiging payapa ang pamumuhay
B. Magiging maayos ang pagsasama
C. Magiging matibay ang samahan
D. Lahat ng nabanggit

_____21. May isang taong naninigarilyo sa dyip na inyong sinasakyan. Napansin mong hinihika ang isang pasahero
dahil sa usok ng sigarilyo. Paano mo siya matulungan?
a. Kausapin ang taong naninigarilyo na itigil muna ang kanyang paninigarilyo.
b. Sabihan ang nagmamaneho ng dyip nabilisan ang takbo.
c. Pabayaan ang matandang magtiis sa usok.
d. Pababain ang matandang hinihika.

_____22. Paano ka makakatulong sa iyong kaklaseng mabagal bumasa?


a. Kutyain sila.
b. Hikayatin silang lumipat sa ibang paaralan.
c. Ipaalam sa buong paaralan ang kanilang kahinaan.
d. Hikayating magbasa ang iyong kaklase at tulungan sa kanilang kahinaan.

_____23. Nawala mo ang hiniram mong sombrero ng iyong kapatid. Ano ang dapat mong gawin?
A. Umiyak at magtago B. Magpabili kay Nanay ng bago.
C. Sabihing itinago mo lang. D. Sabihin ang totoo sa kapatid mo
_____24. Binigyan kayo ng takdang-aralin ng inyong guro. Napagod ka sa kalalaro. Ano ang gagawin mo?
A. Ipagawa sa Kuya ang takdang-aralin. B. Liliban sa klase kinabukasan.
C. Magpahinga sandali at gawin ang takdang-aralin. D. Hindi gawin ang takdang-aralin.

_____25. Kaarawan ng kaibigan mo. Iniimbitahan kang sumama sa kanila sa pamamasyal sa ibang pook. Ano ang
gagawin mo?
A. Yayain nalang na maglaro ang kaibigan imbis na mamasyal.
B. Utusan ang kaibigan na magpakain sa lahat ng kaklase.
C. Hindi ipagpalit ang pagpasok sa klase sa pamamasyal.
D. Lumiban sa klase at sumama sa kanila

_____26. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kawilihan sa pagbabasa?


A. Naghahanap ng mga larawan. B. Binubuklat ang mga pahina sa aklat.
C. Binasa at iniintindi ang nilalaman. D. Pinagtawanan ang mga larawan na nakita sa aklat

_____27. Bakit kailangang mag-aaral ng mabuti?


A. Upang magkapagtapos at makakuha ng magandang trabaho sa hinaharap.
B. Upang matalbugan mo ang iyong mga kapatid.
C. Upang mapatunayan sa lahat na magaling ka.
D. Upang maipagmalaki ang sarili.

_____28. Walang kinatatakutan ang ______ na nanunungkulan.


A. tapat B. sinungaling C. mayaman D. magaling

_____29. Ikaw ay nagpapakita ng kawilihan sa pag-aaral kapag ikaw ay


A. Nag-aral kung may malaking baon na ibibigay si Nanay.
B. Pumapasok sa paaralan kung gusto lang.
C. Nagsusumikap na mag-aral
D. Lumiliban kapag umuulan

_____30. Paano maipakikita ang tiyaga sa pag-aaral?


A. Simulan agad ang gawain at hindi tapusin pagnahihirapan na.
B. Gawin lamang ang mga madadaling Gawain sa pag-aaral.
C. Tapusin ang sinimulang Gawain, gaano man ito kahirap.
D. Mag-aral lang kapag binigyan ng malaking baon.

_____31. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng mapanuring pamamaraan sa pagtuklas ng


katotohanan sa mga balitang napakinggan?
A. Naiisa-isa ni Gerund ang mga detalye ng mga pangyayari sa aksidente ayon sa
napakinggang balita.
B. Naipaliliwanag ni Saimon nang maayos at may kumpletong detalye ang balitang kanyang
napakinggan
C. Naikukumpara ni Franzen ang tama sa mali sa nabasa niyang balita sa pahayagan.
D. Lahat ng nabanggit

_____32. Anong mga gawain ang nagpapalawak ng isipan at karanasan ng isang tao?
A. pagbabasa B. pag-eehersisyo
C. paglalaro D. pagkukuwento

_____33. Sino sa mga sumusunod na mga bata ang dapat mong tularan?
A. Si Lance na madalas nagkakalat ng tsismis
B. Si Roel na nakikinig nang maayos sa mga balita sa radyo
C. Si Jasmin na magaling humabi ng mga walang katotohanang balita
Si Isela na mahilig gumawa ng kwento upang pag-awayin ang mga kaklase niya

_____34. Ang pagbabasa ng aklat, pahayagan at iba pang babasahin ay mabuting libangan ng
isang
batang tulad mo.
A. Tama B. Mali C. Hindi sigurado D. Walang pakialam
_____35. Narinig mo sa radyo na may parating na bagyo sa inyong lugar. Ano ang nararapat mong
gawin?
A. Ilihim sa sarili ang nalamang balita
B. Ipagsigawan agad sa mga kapitbahay
C. Mag-panic at magtatatakbo sa paligid ng inyong barangay
D. Ipagbigay-alam sa mga kapitbahay at maghanda sa paglikas kung kinakailangan

_____36. Paano mo maipapakita na ikaw ay mapanuri sa mga balitang naririnig sa radyo o nababasa
sa mga pahayagan?
A. Sinusuri nang mabuti kung totoo ang balitang narinig
B. Nagtatanong sa kinauukulan kung totoo o hindi
C. Inaalam agad kung totoo ang balitang narinig
D. Lahat ng nabanggit

_____37. Alin sa sumusunod na mga balita ang may mabuting maidudulot sa atin?
A. May parating na bagyo sa susunod na linggo
B. Nanalo ng labinlimang Gold Medal ang Pilipinas sa International Olympics
C. Nalagdaan na ang batas sa pagpapataw ng “lethal injection” sa mga bilanggo
D. Nasagasaan ang batang lalaking biglang tumawid sa harap ng Paaralang Sentral ng
Valencia

_____38. Binigyan ni G. Richmond ang kaniyang mga mag-aaral ng pangkatang gawain. Kung ikaw
ay kabilang sa pangkat na madalas napapagsabihan dahil hindi tama ang ginagawa, ano
ang gagawin mo?
A. Lilipat ng ibang grupo
B. Pagalitan ang mga kagrupo
C. Magpatuloy sa hindi magandang Gawain
D.Maging pasimuno sa pagbabago upang makagawa nang maayos

_____39. Ano ang dapat mong gawin kung may pangkatang gawain sa paaralan ngunit hindi
tumutulong ang iyong mga kagrupo?
A. Hayaan na lang ang ayaw tumulong
B. Mag-isa mong tapusin ang pangkatang gawain
C. Isumbong sa guro na ikaw lang ang seryoso sa grupo
D. Hikayatin ang mga kagrupo na magkaisa at magtulung-tulong upang matapos ang
gawain

_____40. Alin sa mga sumusunod ang wastong gawain?


A. Nakikinig sa mga “update” o bagong kaalaman
B. Nagsasaliksik ng mga artikulo sa “internet”
C. Nagbabasa ng diyaryo araw-araw
D. Lahat ng nabanggit

_____41. Bakit mahalaga ang pagkakaisa sa pagtatapos ng gawain?


A. upang manalo sa anumang kumpetisyon
B. upang mapanitili ang pagkakaibigan sa lahat ng panahon
C. dahil magandang tingnan ang pangkat na nagkakaisa at nagtutulungan
D. dahil sa pagkakaisa at pagtutulungan nagiging matagumpay at madaling natatapos ang
gawain

_____42. Binigyan kayo ng inyong guro ng gawain na inyong sasagutan habang wala siya dahil
ipinatawag siya ng punung-guro. Ano ang gagawin mo?
A. mangopya sa katabi
B. sagutan ang gawain nang may katapatan
C. maglaro at saka na lang ang ipinagagawa ng guro
D. magbukas ng kwaderno upang makakuha ng mataas na marka

_____43. Ikaw ay nagpapakita ng kawilihan sa pag-aaral kapag ikaw ay------------?


A. Lumiliban kapag umuulan
B. Nagsusumikap sa pag-aaral
C. Pumapasok sa paaralan kung gusto lang
D. Nag-aral kung may malaking baon na ibibigay si Nanay

_____44. Tama bang sabihin mo sa iyong kapatid ang katotohanan na ikaw ang kumuha ng pera
niya
sa bag at hindi ang inyong yaya na pinagalitan niya?
A. Hindi, dahil tapos nang napagalitan ang yaya, hayaan mo na lang na siya na ang
umako
sa kasalanan mo
B. Opo dahil tama lang na mapagalitan ka at hindi ang walang kamuwang-muwang na
yaya
ninyo
C. Opo dahil mahal ka ng iyong kapatid at hindi ka niya pagagalitan kahit mali ang iyong
ginawa
D. Hindi, dahi nakakahiya na amining ikaw pala ang totoong kumuha

_____45. Nagkaroon kayo ng lagumang pagsusulit. Hindi ka nakapag-aral ng leksyon kung kayat
nahirapan ka. Binuksan mo nang palihim ang iyong kwaderno. Nagalit ang guro mo at
ipinatawag ka..Ano ang gagawin mo?
A. Akuin mo ang nagawang kasalanan at mangakong hindi na mauulit
B. Mangatwiran ka kahit totoo naman ang bintang sa iyo
C. Itanggi na ikaw ay nangopya sa iyong kwaderno
D. Sabihing natukso ka lang dahil sa katabi mo

_____46. Inimbitahan ka ng iyong kaklase sa kaarawan niya at sa gabi ang handaan. Gustung-gusto
mong pumunta ngunit pinagbabawalan ka ng mga magulang mo na lumabas kapag gabi
na.
Ano ang gagawin mo?
A. Matulog na lang nang maaga at magtanim ka ng sama ng loob sa hindi pagpayag sa
iyo
B. Patagong pumuslit at dumalo sa kaarawan ng iyong kaklase
C. Mangako na maaga kang uuwi at mag-iingat ka sa daan
D. Magdabog hanggat payagan ka na umalis

_____47. Tinanong ka ng iyong Ate kung anu-anong mga uri ng pagkain ang handa ng iyong kaklase
sa kanyang kaarawan. Nahihiya kang sabihin ang totoo na konti lang at simple ang
handaan.
Ano ang sasabihin mo?
A. Sasabihin mo ang totoo
B. Sabihing hindi masarap ang handa
C. Sabihing masasarap at mamahalin ang handa nila
D. Sabihing marangya ang handa dahil mayaman sila

_____48. Alam mong masama ang magsinungaling ngunit kung sasabihin mo ang katotohanan ay
may
masasaktan. Ano ang gagawin mo?
a. Ilihim na lang ang nalalaman
b. Ipagsabi sa iba maliban sa may kinalaman
c. Sabihin pa rin ang totoo dahil “honesty is the best policy”
d. Huwag na lang sabihin ang katotohanan para walang masaktan

_____49. Alin sa mga sumusunod na kasabihan ang nagpapakita ng kabutihang dulot ng katapatan?
A. Sa pagsasabi nang tapat , nagsasama nang maluwag
B. Gawin mo sa iba ang nais mong gawin nila sa iyo
C.Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa
D. Ang batang mabait pupunta sa langit.

_____50. Alin sa sumusunod ang kailangan upang madaling matapos ang gawain?
A. kalinisan B. katapatan C. pagkakaisa D.pagiging mapanuri
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF DAGUPAN CITY
VICTORIA Q. ZARATE ELEMENTARY SCHOOL
ARELLANO STREET, DAGUPAN CITY

Unang Markahang Pagsusulit sa


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO V
TABLE OF SPECIFICATION
COGNITIVE PROCESS
No. No. DIMENSIONS
% of
of of
Remembering

Understandin

COMPETENCIES Item

Evaluating
Analyzing
Applying

Creating
Day Ite
s
g

s ms

Napahahalagahan ang
katotohanan sa pamamagitan ng
pagsusuri sa mga:
1.1. balitang napakinggan
1.2. patalastas na 1,2,
nabasa/narinig
5 8% 4 32
31
1.3. napanood na programang
pantelebisyon
1.4. nabasa sa internet.
(EsP5PKP-Ia-27)
Nakasusuri ng mabuti at
dimabuting maidudulot sa sarili at
miyembro ng pamilya ng
anumang babasahin,
napapakinggan at napapanood
2.1. dyaryo 3,4, 33,
2.2. magasin
5 14% 7 34
35,37 36
2.3. radyo
2.4. telebisyon
2.5. pelikula
2.6. Internet.
(EsP5PKP-Ib-28)
Nakapagpapakita ng kawilihan at
positibong saloobin sa pag-aaral
3.1. pakikinig
3.2. pakikilahok sa
pangkatang gawain
3.3. pakikipagtalakayan 5,6, 22,
3.4. pagtatanong 26,
3.5. paggawa ng proyekto
5 22% 11 24,29, 22
27
38-40
(gamit ang anumang technology
tools)
3.6. paggawa ng takdang-
aralin
3.7. pagtuturo sa iba.
(EsPPKP-Ic-d-29)
Nakapagpapakita ng matapat na
paggawa sa mga proyektong
pampaaralan.
5 6% 3 43 7,8
(EsPPKP-Ie-30)
Nakapagpapatunay na mahalaga
ang pagkakaisa sa pagtatapos 9-12,
ng Gawain.
14% 7 50
41
42
(EsPPKP-If-32)
Nakapagpapahayag nang may
katapatan ng sariling
opinyon/ideya at saloobin tungkol 28,
sa mga sitwasyong may 13-16, 20,
kinalaman sa sarili at pamilyang
5 24% 12 29,
25,46
21
30
49
kinabibilangan. Hal. Suliranin sa
paaralan at pamayanan
(EsP5PKP – Ig – 34)
7. Nakapagpapahayag ng
katotohanan kahit masakit sa
kalooban gaya ng:
7.1. pagkuha ng pag-aari ng
iba 17-19,
7.2. pangongopya sa oras ng 5 16% 8 23 44,45,4
pagsusulit 7, 48
7.3. pagsisinungaling sa
sinumang miyembro ng pamilya,
at iba pa.
(EsP5PKP – Ih – 35)

TOTAL 10 100% 20 0 0 20 0 0 0

Prepared by:

MELODY G. TRINIDAD
Teacher I

Checked by:

ERWIN FESTEJO
Master Teacher I

SHEZYDEE E. AGAS
Principal I
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF __________________
_____________ DISTRICT
_____________ELEMENTARY SCHOOL

Unang Markahang Pagsusulit sa


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO V

ANSWER KEY

1. A 26. B
2. A 27. A
3. A 28. A
4. A 29. D
5. B 30. B
6. B 31. D
7. B 32. A
8. B 33. A
9. C 34. A
10. C 35. D
11. C 36. D
12. C 37. D
13. B 38. B
14. D 39. A
15. D 40. D
16. D 41. B
17. A 42. A
18. D 43. D
19. C 44. C
20. D 45. A
21. A 46. C
22. C 47. A
23. D 48. B
24. B 49. A
25. D 50. B

You might also like