You are on page 1of 24

Department of Education

Region X
DIVISION OF LANAO DEL NORTE
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 7
Ikalawang Markahang Pasulit
SY 2019-2020

Pangalan: ______________________ Baitang at Seksyon: _____________ Iskor: ______

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot.

1. Ano ang taglay ng tao na nagpapabukod-tangi at nagpapahigit sa kaniya sa ibang nilalang


na may buhay?
A. Isip at damdamin B. Isip at kilos-loob. C. Isip at Kalooban D. Isip at Kabutihan
2. Patuloy at walang katapusan ang paghahanap ng tao ng katotohanan. Ano ang kahulugan
ng pahayag na ito?
A. May limitasyon at hindi perpekto ang isip ng tao kaya siya nakadarama ng
kakulangan.
B. Patuloy ang hilig ng tao na matuklasan ang kaniyang kapaligiran.
C. Nasanay ang tao na hanapin ang anomang bagay na nawawala.
D. Walang katapusan ang pag-aaral ng tao hanggat siya ay buha
3. Kailangang gamitin ng tao ang pandamdam upang magkaroon ng pag-unawa. Ano ang
ibig sabihin nito?
A. Ang pag-unawa ay nagaganap sa pamamagitan ng pandama ng tao.
B. Kapag walang nararamdaman ang tao hindi siya magkakaroon ng kaalaman.
C. Kailangan ng tao ang isip dahil walang kakayahan ang pandamdam na makaalam.
D. Kailangan ng tao ang pandamdam upang makilala ang mga bagay sa labas ng
kaniyang isip.
4. Ayaw umulit sa Ikapitong Baitang ni Henry. At ayaw din niyang biguin ang kaniyang mga
magulang kaya gumagamit siya ng kodigo sa tuwing may pagsusulit. Ano ang nararapat
na isaisip ni Henry?
A. Isipin niya na walang katotohanan ang ganitong prinsipyo.
B. Isipin niya na hindi naman maiiwasan ang mandaya paminsan-minsan.
C. Isipin niya na totoong mas magiging masaya ang kaniyang magulang mandaya siya.
D. Isipin niya na hindi siya lubos na matututo makakapasa sa pagsusulit at
makapagtapos.
5. Sumakit ang tiyan ni Levy dahil pumasok siya na hindi kumain ng agahan. Ano ang
nararapat niyang isipin?
A. Isipin niya na nakatutulong ito sa pagpapapayat niya.
B. Isipin niya na pumunta sa klinik dahil sa sakit ng tiyan na resulta ng hindi pagkain
ng agahan.
C. Isipin niya na hindi nakabubuti sa kaniyang kalusugan ang hindi niya pagkain ng
agahan bago pumasok.
D. Isipin niya na kakayanin niya ang nararamdaman dahil kasalanan naman niya na
hindi siya nag-agahan.
6. Isang araw, maaga kang nakarating sa inyong paaralan at nakita mong lahat ng iyong mga
kaklase ay abala sa paglilinis ng inyong silid-aralan. Ano ang iyong nararapat gawin upang
maipakita mong ang iyong pasiya ay patungo sa kabutihan?
A. Magpanggap na tumulong sa paglilinis upang hindi pagalitan ng guro.
B. Hahayaan ang iyong mga kaklase na maglinis ng inyong silid-aralan.
C. Hintayin na matapos sa kanilang paglilinis ang iyong mga kaklase.
D. Makiisa at tumulomg sa paglilinis ng inyong silid-aralan.
7. Nabigyan si Arnel ng kaniyang gurong tagapayo ng isang School Behavioral Slip o
Violation Slip sa kadahilanang nahuli siya sa pangalawang pagkakataon sa pagpasok sa
paaralan. Sinabihan siya na sa susunod na maulit ito ipapadala na siya sa Principal’s office.
Ano ang nararapat gawin ni Arnel?
A. Hahayaan na lang niya na mapagalitan ng guro at Principal.
B. Disiplinahin ang sarili at pumasok nang maaga o sa tamang oras.
C. Magbigay ng mabigat na dahilan at humingi ng paumanhin sa guro.
D. Hindi na lang papasok sa klase kung sa tingin niya ay mahuhuli na siya.
8. Ang sumusunod ay mga katangian ng kilos-loob maliban sa:
A. Lumalayo sa masama.
B. Umiimpluwensiya sa isip.
C. Siyang ugat ng mapanagutang kilos
D. Umaasa sa ibinibigay na impormasyon ng isip
9. Ang sumusunod ay mga paraan ng tao na kumilos ayon sa kaniyang kalikasan bilang tao
maliban sa:
A. Pagpapaunlad ng kanyang pagkatao
B. Pagtulong sa mga nangangailangan
C. Paglilingkod sa kapwa at pamayanan
D. Pagtugon sa pansariling kapakanan at pangangailangan
10. Ang kilos-loob ay naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama. Ang pahayag na ito ay:
A. Tama, dahil ang tunguhin ng kilos-loob ay kabutihan.
B. Tama, dahil ito ay para sa pansariling kabutihan ng tao.
C. Mali, dahil hindi perpekto ang tao gayundin ang kaniyang pasiya.
D. Mali, dahil ang kilos-loob ay umaasa lamang sa nalalaman ng isip
11. Alin sa sumusunod na gawain ang nagpapakita na tugma ang kilos ng isang tao sa kaniyang
kaalaman?
A. Kahit na may mali sa kanta, pinili pa rin ni Ruben na pakinggan ito dahil sa ito ay
nakaaaliw.
B. Hindi pa rin kumain si Stella ng gulay kahit na alam niyang kailangan ito ng
kaniyang katawan.
C. Nag-aaral lamang si Kitz tuwing may pagsusulit kahit na madalas siyang
pinaalalahanan ng magulang.
D. Alam ni Victor na may tamang oras at tamang paggamit ng gadgets, kaya ginagamit
lamang niya ito kung walang klase kinabukasan.
12. Nahuli ng guro si Jason na nagpapakopya sa kaniyang kaklase sa oras ng pagsusulit.
Nagawa lamang ito ni Jason dahil sa pangungulit ng kaklase niya at panunumbat nito sa
kaniya. Ano ang dapat na ginawa ni Jason sa ganitong sitwasyon?
A. Mag-ingat sa pagpapakopya sa kaklase nang hindi mahuli ng guro.
B. Isisi sa kaniyang kaklase ang kaniyang pagpapakopya sa oras ng pagsusulit.
C. Hindi pagbigyan ang kaklase sa kaniyang hiling dahil ito ay hindi nararapat.
D. Hindi na makikipagkaibigan sa kaniyang kaklase dahil sa ipinahamak siya nito.
13. Paano mapamahalaan ng tao ang kaniyang pagkabukod-tangi sa lahat ng mga nilikha?
A. Sanayin at paunlarin ang isip at kilos-loob sa pag-unawa at paggawa ng kabutihan
para sa lahat.
B. Gamitin ang kapangyarihang mangatwiran upang ipagtanggol ang sarili.
C. Isakatuparan ang piniling pasiya kahit may mga taong tutol nito.
D. Magpasiya ng naaayon sa sinasabi ng matalik na kaibigan.
14. Tukuyin kung anong kakayahan ang ibinibigay sa tao upang makilala ang mabuti o
masama.
A. Kaalaman B. Kilos-loob C. Konsensiya D. Kalayaan
15. May pagkakatulad ang halaman, hayop at tao. Subalit ang tao ay nilikhang may
kakayahang higit pa sa ibang nilalang. Taglay niya ang isip at kilos-loob, kaya tinatawag
siyang obra maestra. Ano ang buod ng talatang ito?
A. Ang tao ay naiiba dahil tao lang ang tinatawag bilang obra maestra.
B. Ang isip at kilos-loob ang nagpapabukod-tangi sa tao sa ibang nilalang.
C. Pantay-pantay ang lahat ng nilikha ngunit may pagkakaiba rin ang mga ito.
D. Nakahihigit ang tao dahil walang kakayahan ang mga hayop at halaman na
mamuhay nang mag-isa.
16. Malaki ang papel na ginagampanan ng konsensiya sa buhay mo. Dito nakasalalay ang
paghubog ng iyong pagpakatao dahil ito ang humuhusga sa kilos na iyong pinipiling gawin.
Ano ang pangunahing ideya nito?
A. Dito nakasalalay ang mga iniisip mo sa buhay.
B. Ang konsensiya ang bumubuo ng kinabukasan mo.
C. Ang konsensiya ang nagpapsiya sa sitwasyon sa buhay ng tao.
D. Makapipili ang tao kung ano ang mabuting gawing kilos gabay ang konsensiya.
17. Bakit kailangang pag-isipang mabuti ang pagpili o paghusgang gagawin ng tao bago
kumilos?
A. Upang masiyahan sa pagpiling gagawin.
B. Dahil sadyang napakahirap ang pumili o magpasiya.
C. Dahil bahagi na ng pang-araw-araw na gawain ang pagpapasiya.
D. Upang makasiguro kung alin ang tama at ang mali sa gagawing kilos ng tao.
18. Wala kang Performance Task at nakita mo ang iyong matalik na kaibigan sa klase na
kumokopya nito sa kaniyang katabi. Binulungan ka niyang kumopya ka na rin. Sinasabi sa
iyo ng konsensiya mo na dapat maging tapat ka sa mga gawain sa paaralan. Ano ang iyong
dapat gawin?
A. Magpapasalamat ka sa iyong matalik na kaibigan at kokopya ka na rin.
B. Makikinig ka sa iyong konsensiya at hindi na gagawa ng Performance Task.
C. Susundin mo ang iyong konsensiya at matapat mong gawin ang Performance Task
D. Sasabihin mo sa iyong guro na wala kang Performance Task at isa kang tapat na
mag-aaral.
19. Napag-aralan at nauunawaan mo na ang Likas na Batas Moral. Ano ang gagawin mo?
A. Ibahagi sa kaibigan
B. Iisipin ko lagi
C. Susundin ko ang aking konsensiya
D. Ipaalam sa magulang
20. Napaluha ang kaibigan ni Tina dahil binu-bully ito ng mga kaklase nila. Nalilito si Tina
kung ano ang tama o maling gawin sa sitwasyong ito. Anong dalawang elemento ng
konsensiya ang ipaala-ala mong gawin niya?
A. Pagkaawa at pagtulong B. Pagninilay at paghatol
C. Pagkilala at pagsasalita D. Pag-iisip at pag-alala
21. Maaring maging manhid ang konsiyensiya ng tao. Alin ang angkop na paliwanag sa
pahayag na ito?
A. Mali, dahil hindi ito ang kalikasan ng tao.
B. Mali, dahil kusang gumagana ang konsiyensiya ng tao.
C. Tama, dahil maging manhid ang konsensiya kung palagi nating sinusunod ang hatol
nito.
D. Tama, dahil kung patuloy nating balewalain ang hatol ng ating konsiyensiya hindi
na ito makilala sa tama.
22. Ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit kailangang hubugin ang konsensya maliban sa
A. Upang darating ang panahon na maging manhid ang konsensiya sa pagkilala kung
ano ang tama.
B. Upang maiwasan ang paghusga ng kilos batay sa maling prinsipyo.
C. Upang mahusgahan ang tama bilang tama at ang mali bilang mali.
D. Upang hindi mailapat ang tamang prinsipyo sa maling paraan.
23. Alin sa sumusunod na kilos ang nagpapakita ng personal na pagsunod sa konsiyensiya?
A. Kung ipalaganap ang nalalaman.
B. Kung turuan ang iba tungkol sa konsensiya
C. Kung gumawa ng paraan upang aasenso sa buhay
D. Kung susundin ang konsensiya upang magpakatao
24. Hindi kailangan ng isang tao na pumasok sa paaralan upang matutunan o malaman ang
Likas na Batas Moral. Ang pangungusap na ito ay:
A. Mali, dahil karapatan ng tao ang makapag-aral sa isang paaralan.
B. Mali, dahil lahat ng mga dapat matutuhan ng tao ay makukuha lamang sa paaralan.
C. Tama, dahil tiyak na matutuhan lamang ng tao ang prinsipyong ito mula sa ibang
tao.
D. Tama, dahil nakaukit at nakatatak na sa pagkatao ng tao ang prinsipyong ito mula sa
kaniyang pagsilang.
25. Sa anong sitwasyon makikita ang panahon ng kilos ng konsensiya na pagkatapos ng kilos?
A. Nagkayayaang mag-cutting class si Ivy at kaklase niya. Habang naglakad sila,
naiisip nilang di ito itutuloy.
B. Maglaro sana si Ben ng gadget ngunit naiisip niya na kailangan niyang mag-aral
para sa pasulit ng Math.
C. Natuwa si Lyn dahil nag-aral agad siya pagkarating sa bahay nila, kaya tapos na siya
nang nag-brown-out.
D. Habang abalang nag-aaral, nahinuha ni Alan na mabuti nang handa siya palagi may
pagsusulit man o wala.
26. May programa ang Kagawaran ng Edukasyon na “No Read, No Graduate.” Ibig sabihin
nito na walang batang makapunta sa Haiskul kung hindi ito marunong magbasa. Anong
makatwirang pagtanggap sa programang ito:
A. Tama ang programang ito dahil ginawa lang ng Kagawaran ng Edukasyon ang
trabaho nito.
B. Tama ang programang ito dahil ang kakayahang magbasa ay napakahalaga sa antas
ng Haiskul.
C. Hindi tama ang programang ito dahil kaawa-awa ang mga batang hindi agad
makakapunta sa Haiskul.
D. Hindi tama ang programang ito dahil lahat naman ng mga bata ay nahihirapang
magbasa.
27. Anong uri ng kalayaan ang maaaring mabawasan o maalis sa pamamagitan ng puwersa sa
labas ng tao?
A. Panloob na Kalayaan C. Panlabas na Kalayaan
B. Kalayaang Gumusto D. Kalayaang Tumukoy
28. Bakit hindi lubos o may limitasyon ang kalayaan ng tao?
A. Dahil hindi malaya ang tao sa pagpili o pagpapasiya.
B. Dahil maaaring ang ibang tao ang magtakda ng kalayaan ng kapuwa.
C. Dahil hindi sakop ng kalayaan ng tao ang likhain ang kahihinatnan ng kaniyang
piniling kilos.
D. Dahil hindi malaya ang kilos-loob ng tao na pumili at gumawa ng partikular na
bagay o kilos.
29. Ang pinili ko ay masama kaya ako nagsisi. Ano ang kahulugan ng pangungusap na ito?
A. Ang kasamaan ay bunga ng kalayaan.
B. Ang kasamaan ay kaakibat ng mabuti.
C. Nagsisi ako dahil may kalayaan ako.
D. Kalayaan ang pinanggalingan ng masama.
30. Mahalintulad ang kalayaan sa isang pana o palaso. Ang pana o palaso ay walang direksiyon
kung ito ay walang aasintahin o target. Ito ay walang patutunguhan o maaaring tamaan ang
kahit ano lang. Ano ang kahulugan ng talata?
A. Ang kalayaan ay parang pana o palaso dahil malawak ang hangganan nito.
B. Walang patutunguhan ang mga pinpiling kilos natin kung walang aasintahin o
target na kabutihan.
C. Ang aasintahin o target ng tao ay maging malaya sa pagpili ng kaniyang kilos.
D. Ang direksiyon ng tao ay ang paggamit ng kalayaang pumili ng pansariling kilos.
31. Si Jason ay bunso sa tatlong magkakapatid at nasa Ikapitong Baitang na sa haiskul.
Alagang-alaga siya ng kaniyang Nanay at mga kapatid kaya halos wala siyang gawaing
bahay. Isang araw, pagkagaling sa eskwela nakita ni Jason na may sakit ang kaniyang ina
at wala pang sinaing. Ano ang nararapat niyang gawin?
A. Sikapin na magsaing at magtanong sa ina kung paano.
B. Humiling sa kanilang kapitbahay na magsaing para sa kaniya.
C. Tawagan ang kaniyang mga kapatid para umuwi na upang magsaing.
D. Hintayin na dumating ang kaniyang mga kapatid para sila na ang magsaing.
32. Bumulong sa iyo ang katabi mong kamag-aral na si Leon at humingi ng pabor na
pakopyahin mo siya ng mga sagot mo habang kumukuha kayo ng pagsusulit sa klase. Ano
ang pinakamabuting gawin mo?
A. Magpapanggap ako na hindi ko siya narinig.
B. Pagbigyan kong makita niya ang mga sagot ko.
C. Hihingi ako ng pasensiya at tatanggihan ko siya.
D. Ibibigay ko ang mga maling sagot.
33. Ika-labintatlong kaarawan ng iyong kaibigan na si Jocelyn at binigyan siya ng kaniyang
ama ng isang libo para manlibre sa inyo. May ilang kaibigan kayo na pinabili siya ng alak.
Ano ang nararapat niyang gawin?
A. Ibili ng pagkain para mapangalagaan ang kalusugan ninyo.
B. Sabihin sa mga kaibigan ninyo na ubos na ang kaniyang pera.
C. Magpaalam sa magulang niya na painumin niya kayo ng alak.
D. Pagbigyan ang mga kaibigan dahil minsan lang naman sila iinom.
34. May kalayaan ang tao na gawin ang anomang magpapaligaya sa kaniya. Ang pahayag na
ito ay:
A. Tama, dahil kayang gawin ng tao ang lahat nang kaniyang gusto.
B. Tama, dahil may malayang kilos-loob ang tao na gawin ang gusto niya.
C. Mali, dahil maaaring ang ibang tao ang magtakda ng kaniyang gagawin.
D. Mali, dahil ang tunay na kalayaan ng tao ay ang paggawa ng kabutihan.
35. Alam ng katabi mong si Andy na hindi siya nakagawa ng Performance Task ng EsP. Nang
tinawag ng inyong guro ang mga kaklase ninyong walang Performance Task, hindi
natawag si Andy at marahil, hindi alam ng inyong guro na wala siyang Performance Task.
Anong pinakamabuting hakbang ang maipapayo mo kay Andy?
A. Payuhan ko siyang hayaan na lamang para hindi na niya kailangan na gumawa pa
ng Performance Task.
B. Payuhan ko siya na ipaalam sa aming guro na wala rin siyang Performance Task,
magpaumanhin at makiusap na bigyan siya ng pagkakataon.
C. Papayuhan ko siya na tatahimik na lamang at magpanggap na nakagawa siya upang
iisipin ng guro na ito ang siyang nagkamali at hindi si Andy.
D. Payuhan ko siya na balewalain na lamang at hindi na niya sabihin at sa susunod ay
sisiguraduhin niyang makagawa siya ng Performance Task.
36. Nagpaalam si Rebecca sa kaniyang ina na dumalo sa kaarawan ng kaniyang kaibigan.
Pinayagan siya ng kaniyang ina sa isang kondisyon na hindi siya magpagabi sa pag-uwi.
Ngunit hindi ito tinupad ni Rebecca at madaling araw na siyang umuwi. Kaya, hindi na
siya pinayagang dumalo sa anomang selebrasyon. Ang ginawa ng ina ni Rebecca ay:
A. Tama, dahil galit na galit ito sa ginawang pagsuway ni Rebecca.
B. Tama, dahil hindi naging respondable si Rebecca sa paggamit ng kalayaan niya.
C. Mali, dahil sumubra ang ina ni Rebecca sa ginawa nitong pagbabawal sa kaniya.
D. Mali, dahil maaring malungkot at maghinanakit masyado si Rebecca sa ina niya.
37. Kailangan ng tao na maging handa sa pagharap sa anomang kahihinatnan ng kaniyang
pasiya. Ang pahayag ay:
A. Tama, dahil ang kahihinatnan ng pasiya mo ay hindi na mababago pa.
B. Tama, dahil ang kalayaan ng tao ay may kakambal na tungkulin at pananagutan sa
pagpili ng kilos.
C. Mali, dahil ang kasamaan ay normal lang naman sa tao at hindi naman talaga niya
ito kayang iwasan.
D. Mali, dahil wala namang nakaaalam ng kahihinatnan ng iyong pinipiling kilos at
hindi ka mananagot dito.
38. Magkakaugnay ang kalayaan at tungkulin. Piliin ang tamang kataga ng isang taong
nagsisisi?
A. Nagsisisi ako.
B. Bakit ako magsisisi?
C. Nagsisisi ako pero kung papipiliin, ay gagawin ko pa rin ang ginawa ko.
D. Nagsisisi ako dahil nagawa ko ang masama sa halip na gawin ko ang mabuti.
39. Ito ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang
mula sa kaniyang kapuwa.
A. Konsensiya B. Dignidad C. Kalayaan D. Pagpapahalaga
40. Saan nagkakapantay-pantay ang mga tao?
A. Sa paningin ng mga tao sa lipunan
B. Sa pagmamahal ng kani-kanilang pamilya
C. Sa huling yugto ng kanilang buhay sa mundo
D. Sa kanilang dignidad bilang tao at ang karapatan na dumadaloy mula rito
41. Bakit kailangang patuloy na igalang mo ang dignidad ng kapuwa habang ikaw ay
nabubuhay?
A. Dahil ang dignidad ng tao ay hindi natatapos.
B. Dahil ang layunin ng tao ay hindi nawawala.
C. Dahil gagawin din ng kapuwa mo ang ginagawa mo sa kaniya.
D. Dahil kailangan mo ito para masaya ka sa buhay mo dito sa mundo.
42. Ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit kailangang igalang ang isang tao at hindi ito
ituring na isang bagay o kagamitan, maliban sa:
A. Dahil ang tao ay may karapatan.
B. Dahil ang tao ay nakapagsasalita.
C. Dahil ang tao ay mahalaga at bukod-tangi.
D. Dahil ang tao ay may kalayaan at dignidad.
43. Isang araw habang namamasyal sa parke si Manny, may isang lalaking may kapansanan
ang hindi inaasahang natumba. Nahulog at nagkalat ang mga dalang gamit nito. Ano ang
nararapat gawin ni Manny?
A. Tumawa siya pero hindi ito ipahalata sa mga tao sa paligid niya.
B. Lapitan ang lalaking may kapansanan at tanungin kung okay lang ba siya.
C. Magpanggap na hindi niya nakita ang mga pangyayari at magpatuloy sa
pamamasyal.
D. Tulungan ang lalaki na makatayo, pulutin ang nalaglag na gamit at alalayan ito sa
upuan.
44. May perang naipon ang iyong mga magulang at nangako na ipaghanda ka nila sa kaarawan
mo. Pero pagdating ng kaarawan mo, nagkasakit ang iyong kapatid at kailangan itong
dalhin sa hospital. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Sabihin ko sa mga magulang ko na dapat tuparin nila ang kanilang ipinangako.
B. Manghiram ng pera para sa kapatid ko upang matuloy ang handaan sa kaarawan ko.
C. Hayaan ko ang mga magulang ko na lutasin nila ang problema sa gastusin sa hospital
at sa kaarawan ko.
D. Ipagamit ko sa mga magulang ko na pambayad sa pagpa-ospital ng kapatid ko ang
pera para sa kaarawan ko.
45. Ang sumusunod ay ang pananagutan ng tao batay sa kaniyang dignidad, maliban sa:
A. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapuwa.
B. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapuwa bago kumilos.
C. Maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon.
D. Pakitunguhan ang kapuwa ayon sa gusto mong maging pakikitungo nila sa iyo.
46. Ang bawat tao ay mahalaga tulad ng isang diyamante. Ang pahayag na ito ay:
A. Tama, dahil mahalaga ang isang tao dahil siya ay espesyal at bukod-tanging nilalang.
B. Tama, dahil mahirap makatagpo ng isang tao katulad ng diyamante.
C. Mali, dahil ang tao ay hindi isang bagay na napakikinabangan.
D. Mali, dahil masyado nang maraming tao sa mundo.
47. Ang sumusunod ay nagbibigay ng kabuluhan sa buhay ng tao batay sa Dignidad maliban
sa:
A. May karapatan at tungkulin. C. Maiangat ang pansariling
kabuhayan.
B. May kakayahan na kumilos na nagmamahal. D. May kakayahang tumulong sa
kapuwa.
48. Paano maipakikita ng isang tao na isinaalang-alang niya ang dignidad ng bawat isa?
A. Unahin ang kapakanan ng sariling pamilya.
B. Igalang ang mga may hinahawakang posisyon o katungkulan.
C. Pantay-pantay ang paggalang sa lahat ng tao at isipin na may karapatan ang bawat
isa.
D. Tanggapin na lamang kung anoman ang katayuan sa buhay dahil hindi na aasenso
pa dito.
49. Hindi nawawala ang pagiging tao at dangal ng isang tao kahit na siya ay hindi na
kapakipakinabang sa iyo. Sa paanong paraan mapatutunayan ang pahayag na ito:
A. Sinusunod ko ang utos ng aking mga magulang.
B. Nagsisimba ako tuwing Linggo dahil gusto ng Nanay ko.
C. Nagbibigay ako sa mga mahihirap ng mga luma kong damit at laruan.
D. Ginagalang at binabati ko ang guro ko sa Grade 7 kahit na nasa baitang Grade 8 na
ako.
50. Paano mo maipakikita ang isang moral na pamumuhay upang mapanatili mo ang iyong
dignidad?
A. Sumabay sa kung ano ang uso para hindi mapag-iwanan ng mga kaibigan.
B. Huwag ipakita ang totoong kalagayan sa buhay para hindi apihin na ibang tao.
C. Maging kontento sa kung anong meron kayo ngayon kahit na may magagawa pa
sana.
D. Mag-aral nang mabuti upang makapagtapos, makapagtrabaho at makatulong sa
pamilya at pamayanan.
Department of Education
Region X
DIVISION OF LANAO DEL NORTE
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 8
Ikalawang Markahang Pasulit
SY 2019-2020

Pangalan: ____________________________________ Seksyon: ___________ Iskor: _______

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat sa patlang ang TITIK ng tamang sagot.

1. Alin sa sumusunod ang itinuturing na likas na panlipunang nilalang?


A. Bagay B. Tao C. Hayop D. Sasakyan
2. Alin sa sumusunod angsalungat sa pagigingisang likas na panlipunang nilalang ng tao?
A. Tugunan ang pangangailangan ng kapuwa.
B. Inklinasyon na maging mapag-isa
C. Lumikha ng masasayang alaala kasama ang pamilya.
D. Magpahayag ng kaniyang pangangailangan
3. Si Aljay ay nag-iisang anak na ulila na sa magulang. Mag-isa niyang tinatamasa ang ari-
arian ng mga ito. Hindi lingid sa kaniyang kaalaman na may kapatid ang kaniyang ama
na naghihirap sa buhay at ito lamang ang tanging kamag-anak na mayroon siya. Ano ang
nararapat gawin ni Aljay?
A. Hindi na makipag-ugnayan sa nalalabing kamag-anak dahil kaya naman niyang mag-
isa.
B. Kailangan ni Aljay makipag-ugnaya sa kamag-anak bilang pagbibigay ng paggalang at
pagmamahal.
C. Makikipag-ugnayan lamang si Aljay nito dahil iyon ang bilin ng kaniyang mga
magulang.
D. Mamumuhay na sagana at mag-isa si Aljay.
4. Ang sumusunod ay pagpapakita ng makabuluhang pakikipagkapuwa. Alin ang hindi
kabilang dito?
A. Kakayahan ng taong umunawa.
B. Labis na pagpapahalaga sa personal na ugnayan.
C. Pagtulong at pakikiramay sa kapuwa.
D. Ugaling mapagpatuloy ng mga pansarilng gawain.
5. Paano makatutulong ang pagsali sa iba’t ibang samahan sa lipunan bilang paglilingkod sa
kapuwa at
sa kabutihang panlahat?
A. Magbibigay ng hanapbuhay B. Magiging tulay sa pagtutulungan
C. Magsisilbing libangan D. Mapanatili ang kultura
6. Sino sa sumusunod na tauhan ang nagtataglay ng tamang pakikitungo sa kapuwa?
A. Si Alex na tinitingnan ang estado ng tao sa lipunan.
B. Si Pat na ayaw makipaghalubilo at gustong mapag-isa.
C. Si Verna na iginagalang ang dignidad at karapatan ng kapuwa.
D. Si Lemuel na pinuproblema ang kalagayang pang-ekonomiya ng kapuwa.
7. Nauunawaan mo na mahalagang sanayin mo ang makabuluhan at mabuting pakikipag-
ugnayan sa
kapuwa. Ano ang gagawin mo?
A. Ubusin ang oras para maglibang at magsaya kasama ang kapuwa.
B. Hindi panatilihin ang kakayahan (individuality) at pagiging bukod-tangi.
C. Gagamitin ang kasanayan sa komunikasyon upang mapanatili ang kapayapaan.
D. Pipiliin ang taong pakitunguhan bilang pagkilala ng pagkabukod-tangi ng bawat isa.
8. Bakit nagiging kahinaan ng Pilipino ang pakikipagkapuwa?
A. Dahil sa kakayahan niyang makiramdam.
B. Dahil sa kaniyang pagtanaw ng utang na loob.
C. Dahil sa kakayahan niyang umunawa sa damdamin ng iba.
D. Dahil sa kaniyang pagiging emosyonal sa pakikisangkot.
9. Ano ang nakahahadlang sa makabuluhang pakikipag-ugnayan sa kapuwa?
A. Kakayahan ng taong makibahagi sa mga gawaing panlipunan.
B. Kakayahang tugunan ang pangangailangan ng kapuwa.
C. Pagkilala sa sarili na mas matalino pa kaysa ibang tao.
D. Pagkikitungo sa iba sa paraang gusto mo ring pakitunguhan ka.
10. Paano nalilinang ng tao ang kaniyang tungkulin at karapatan sa samahan?
A. Kusa at pananagutan C. Talino at kakayahan
B. Sipag at tiyaga D. Pakikiisa at pakikibahagi
11. Alin sasumusunod ang may kaalaman at kakayahang matugunan ang mga pangangailangan
ng sarili at kapuwa?
A. Kakayahang magtipid C. Kakayahang magpasiyang moral
B. Kakayahang makilahok D. Kakayahang mag-alaga
12. Nais ni Diana na makatulong sa pagpapaunlad ng aspektong Intelektuwal ng mga kaklase
niya. Ano ang gagawin niya?
A. Sanayin ang mga kaklasena magtipid para sa proyekto sa English.
B. Turuan ang mga kaklase na malinang ang isip sa pag-intindi ng English.
C. Tulungan ang mga kaklase sa pagtupad ng mg patakaran ng guro sa English.
D. Isumbong sa guro ang mga kaklase na umaalis kapag oras nan g klase sa English.
13. “Huwag mong gawin sa kapuwa ang ayaw mong gawin niya sa iyo.” Alin sa sumusunod
ang angkop
na pagsasabuhay sa pahayag na ito?
A. Gantihan mo ng sampal ang taong nanampalsa iyo.
B. Namantsahan ang damit na hiniram mo sa ate mo, dahil ate mo, di mo na lang papalitan
ang damit.
C. Ikaw ay nagpa-tutorng Math dahil nahihirapan ka nito, dapat na bayaran mo ng tamang
halaga ang katumbas na oras ng pagturo sa iyo.
D. Nanghiram ka ng pera sa kaklase mo dahil may babayaran ka, nang siya na ang
nangangailangan ayaw mong magpahiram dahil may bibilhin ka na hindi naman
importante.
14. Anong antas ng pakikipagkaibigan na nanatiling mabuti ang magkaibigan?
A. Pakikipagkaibigang nakabatay sa panahon.
B. Pakikipagkaibigang nakabatay sa kabutihan
C. Pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan
D. Pakikipagkaibigang nakabatay sa pansariling kaligayahan
15. Sa paanong paraan maitinuturing na birtud ang pagkakaibigan?
A. Ang lahat ng pagkakaibigan ay mabuti.
B. Ito ay nagpapahalaga sa pagbabahagi ng sarili sa kapuwa.
C. Makakamit lamang ang tunay na pagkakaibigan sa paulit-ulit na pagdanas dito.
D. Ito ay nagpapahalaga sa katarungan at halaga ng pagbabahagi ng sarili sa kapuwa.
16. Ano ang pangunahing dapat pagyamanin upang maging posible ang pagbuo ng malalim na
pagkakaibigan?
A. Pagpapayaman ng pagkatao
B. Pagtaglay ng birtud ng papapahalaga
C. Simpleng ugnayang interpersonal
D. Pagpapabuti ng personalidad
17. Alin sa sumusunod ang hindi nabibilang sa tatlong uri ng pakikipagkaibigan?
A. Pakikipagkaibigang nakabatay sa kabutihan
B. Pakikipagkaibigang nakabatay sakahit anongugali
C. Pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan
D. Pakikipagkaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan
18. Lider ka sa inyong pangkatang gawain, ngunit may nakasamaan ka ng loob na kapangkat.
Naaapektuhan nang di ninyo pagkaunawaan ang inyong outputkaya nababahala na ang iba
ninyong mga kasama. Ano ang gagawin mo upang magkaroon kayo ng magandang output?
A. Hayaan mo ang iyong mga kasama upang matugunan mo ang iyong sariling
naramdaman.
B. Isakripisyo ang ang pansariling damdamin para sa kabutihan ng marami.
C. Isakripisyo ang isang kasama na pinagmulan ng sama mo ng loob.
D. Ipagpatuloy ang nagawang output kahit hindi ito kaaya-aya.
19. May kaklase kana nakasagutan mo dahil madalas ka niyang inaasar. Ano ang gagawin mo
upang mapabuti ang pakikipag-ugnayan mo sa kaniya?
A. Iiwasan ko siya.
B. Hayaan ko na lang siya sa kaniyang ginagawa.
C. Tatahimik na muna ako at pagkatapos kung may pagkakataon susuntukin ko siya.
D. Tatahimik muna ako at pagkatapos ay kakausapin sa dahilan bakit siya nang-aasar.
20. Alin ang hindi napabilang sa mga pananaw ni Aristotle sa pagkakaibigan?
A. Ito ay hindi pumapanig sa kabutihan ng iisa kundi para sa isa’t isa
B. Ito ay nag-aangat ng antas ng buhay tungo sa positibong ugnayan ng lipunan
C. Ito ay sumisimbolo mula sa pagmamahal ng mga taong malalim na nakikilala ang
pagkatao sa kaniyang sariling pananaw
D. Ito ay natatanging damdamin para sa espesyal na tao na mas higit ang halaga kaysa sa
isang ordinaryong kakilala lamang
Para sa bilang 21-23. Basahin at suriin ang sitwasyon sa ibaba:
Nagsimula ang pagkakaibigan nina Hazel at Mitza sa eskwelahang kanilang pinapasukan.
Nagustuhan ni Mitza ang pagkamasayahin, makwento at maalalahanin ni Hazel. Masaya sila
bilang magkaibigan at magkaklase. Habang tumatagal mas nakilala ng dalawa ang isa’t-isa; ang
mabubuting katangian pati na rin ang ilang kapintasan. Para kay Mitza, lubos at walang kondisyon
ang kaniyang pagmamalasakit sa kaibigan. Subalit ng tumagal, napansin niya na kapag mas mataas
ang iskor niya kaysa kay Hazel sa kanilang pagsusulit, naiinis ito. Kapag ang kanilang guro ay
pumupuri sa magagandang gawaing naipamamalas ni Mitza, sa ibang kaklase sumasama si Hazel.
Nasasaktan si Mitza pero wala siyang lakas ng loob na sabihin ito kay Hazel. ang lahat ng kaniyang
saloobin ay sinasarili na lamang niya.
21. Kung ikaw si Mitza ano ang pinakamakatwirang hakbang na gagawin mo?
A. Makipagkaibigan sa iba at balewalain ang kaibigang naiinggit sa kaniya
B. Ipagpatuloy ang pananahimik hanggang kaya pang tiisin ang ugali ng kaibigan.
C. Ipakita kay Hazel na hindi siya apektado sa negatibong kilos at asal na ipinamamalas nito
sa kaniya
D. Maglaan ng sapat na panahon sa pakikipag-usap nang matapat kaugnay sa negatibong
asal/ugali ng kaibigan
22. Ano ang pangunahing dahilan ng hindi magandang pakikitungo ni Hazel sa kaniyang
kaibigan?
A. Hindi niya mahal ang kaniyang kaibigan.
B. May nabubuong kompetisyon sa kanilang dalawa.
C. Isa lang sa kanila ang sumisikat at napapansin sa klase.
D. Nagsasawa na siya sa kabaitang ipinakikita ng kaibigan.
23. Ano ang aral na mapupulot mula sanangyayari sa pagkakaibigan nina Hazel at Mitza?
A. Ang tunay na pagkakaibigan ay bunga ng pagsisikap na dalisayin at patatagin ang
ugnayang namamagitan.
B. Lahat ng pagkakaibigan ay may mabuti at di mabuting naidudulot sa tao subalit ang
mga ito’y maaaring maging dahilan ng ating paglago.
C. Ang pagkakaibigan ay pagbabahagi ng sarili na hindi naghihintay ng kapalit sa mga
bagay na hatid ng pakikipag-ugnayan sa kapuwa.
D. Sa pagpili ng kaibigan, kailangan nating bumuo ng pamantayan at inaaasahan sa kanila
na makakatulong sa pagpapabuti ng pagkatao.
24. Sa panahon ng kabataan likas na umuusbong ang pakikipagkaibigan sa katapat na kasarian
kagaya sa kaparehong kasarian. Paano maingatang hindi mabuwag ang magandang layunin
sa pagkakaibigan sa katapat na kasarian?
A. Paglilinaw sa kanilang mga limitasyon ng ugnayang maingat na binuo
B. Paggalang sa katangian at kahinaang taglay ng kanilang sekswalidad
C. Pagsuporta sa mga mithiing nais makamit mula sa pakikipagkaibigan
D. Pagkontrol sa posibleng atraksyon na makamit mula sa pakikipagkaibigan
25. Matagal nang inuunawa ni Lyka ang pagiging palaasa ni Jovelle. Madalas sa klase si Lyka
ang kinokopyahan ng mga takdang aralin ng kaibigan. Minsan, sinabi nito kay Jovelle na
mas makabubuting pag-aralan niya na gawing mag-isa ang mga proyekto at iba pang
gawain sa klase ngunit hindi pa rin niya ito ginawa. Kaya, nagpasiya si Lyka na hindi na
siya magpapakopya sa kaibigan. Mula noon, hindi na siya pinansin ni Jovelle. Anong uri
ng pagkakaibigan ang ipinakitang halimbawa ni Jobelle?
A. Pakikipagkaibigang nakabatay sa pangangailangan
B. Pagkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan
C. Pagkakaibigan na nakabatay sa kabutihan
D. Pagkakaibigang nakabatay sa kakayahang interpersonal
26. Bakit ang pagpapatawad ay isang mahalagang sangkap sa pakikipagkaibigan.
A. Dahil, naghihintay ito ng kapalit
B. Dahil, tumitingala ito at tinutukoy ang magkaibang direksyon
C. Dahil, ito ang isang madaling proseso sa hindi pagkakaunawaan
D. Dahil, mahalaga ang pagkakaroon ng kaisahan ng puso (harmony)
27. Ano kagyat na tugon o reaksyon ng tao sa mga bagay na kaniyang nakita, naramdaman,
naamoy, nalasahan at narinig na binibigyan ng inter-pretasyon ng kaniyang pag-iisip?
A. Kilos B. Mood C. Emosyon D. Desisyon
28. Anong damdamin nabibilang ang pagkagutom, pagkauhaw, kalasingan, halimuyak,
panlasa, ng kiliti,
kasiyahan at sakit?
A. Pandama C. Sikikong Damdamin
B. Kalagayan ng damdamin D. Ispiritwal na damdamin
29. Sa tuwing tayo ay nakararanas ng krisis sa buhay dala ng negatibong emosyon mahalaga
na tayo ay magrelax. Alin sa sumusunod ang hindi magandang paraan ng pagre-relax?
A. Paglakad-lakad sa parke C. Pagbabakasyon
B. Paninigarilyo D. Panonood ng sine

Para sa bilang 30-31. Basahin at suriin ang sitwasyon sa ibaba:


Gabi na nang makauwi si Ana mula sa praktis nila para sa gagawing pagtatanghal sa
paaralan. Habang siya ay naglalakad sa madilim na kalsada nakarinig siya ng kaluskos sa kung
saan. Siya ay nagulat at nakaramdam ng takot. Tinalasan ni Ana ang kaniyang pandinig at binilisan
ang kaniyang paglalakad upang mas madali siyang makarating sa kanilang bahay.
30. Ano ang idudulot nito sakaling maranasan niya muli ang ganitong sitwasyon?
A. Masasanay na si Ana
B. Hindi na muling dadaan si Ana sa madidilim na kalsada
C. Mabilis na siyang maglakad
D. makaiiwas sa mga nakakatakot na sitwasyong maaaring maranasan muli.
31. Anong emosyon ang tinukoy na angkop sa sitwasyon ni Ana?
A. Pagkalungkot C. Pag-iwas
B. Pagkatakot D. Pagkamangha
32. Pangarap ni Joey na maging katulad ng kaniyang hinahangaang guro. Ngunit sinasabi ng
kaniyang magulang kung siya ay magiging Accountant ay madali siyang aasenso gaya ng
kaniyang pinsan na ngayon ay nasa ibang bansa. Malungkot si Joey sa di pagsang-ayon ng
kaniyang magulang sa nais niya. Ngayon na siya ay nasa unang taon sa kolehiyo sa
kursong Accountancy nakita niya na angkop ang kaniyang kakayahan sa kursong ito.
Komportable siya sa kaniyang mga ginagawa. Ano ang nakapagpabago sa kalagayan ng
kaniyang emosyon?
A. Ang kaniyang mood C. Ang naparaming nararamdaman
B. Ang mga pagsubok na naranasan D. Ang dikta ng kanyang isip
33. Napagalitan mo ang iyong kapatid dahil ginamit niya ang iyong bagna walang paalam.
Ano ang idinulot ng iyong kilos?
A. Nailabas mo ang iyong sama ng loob
B. Nailabas mo ang iyong masamang ugali.
C. Gumaan ang iyong loob dahil ikaw ay nakaganti
D. May sariling bag na ang iyong kapatid
34. Bakit sinasabing ang sikikong damdamin ay pagtugon ng tao sa mga bagay sa kaniyang
paligid?
A. Dahil may likas na kagalingan at positiibong pag-isip tungo sa kapuwa.
B. Ang emosyon ang nagpapahirap sa tao.
C. Alam ng tao ang kasalukuyang kalagayan.
D. Dahil sa kabanalan ng tao
35. Nagalit ka sa iyong kaibigan dahil nalaman mo na nililigawan niya ang iyong girlfriend.
Pakiramdam mo ikaw ay nainsulto sa kaniyang ginawa. Isang araw nakasalubong mo sila
na masayang magkasama. Ano ang angkop na kilos sa ginawang pagtitimpi (temperance)?
A. Umiwas sa pananakit sa sarili at sa kapuwa
B. magdala ng panangga
C. umiyak nang malakas
D. sumigaw sa galit
36. Paano mo mapagtagumpayan ang iyong emosyon?
A. Tanggapin at harapin ang takot C. Hayaan na gawin ng iba.
B. Kawalan ng pag-asa D. Pagiging makitid ng utak suliranin
37. Paano ka makaiiwas sa pananakit sa taong dahilan ng iyong galit?
A. Suntukin na lamang ang pader
B. Kumain ng mga paboritong pagkain
C. Huwag na lamang siyang kausapin muli
D. Isipin na lamang na sadyang may taong nakakasakit ng damdamin ng iba
38. Nalilito si Roel kung anong kurso ang kaniyang kukunin sa kolehiyo bagama’t nakapasa
siya sa pagsusulit para sa iba’t ibang kurso. Sa ganitong pagkakataon, ano ang
pinakamainam niyang gawin upang mapili niya ang angkop na kurso para sa kaniya?
A. Magtanong at humingi ng payo sa mga nakatatanda
B. Pumili aling kurso ang ayon sa kaniyang talento kakayahan at hilig dahil naipasa naman
niya ang mga ito.
C. Huwag munang mag-aral sa kolehiyo upang makapaglaan ng mahabang panahon sa
pag-iisip
D. Pag-isipan at pag-aralang mabuti ang desisyon na gagawin upang hindi magsisi sa huli
39. Anong uri ng pamumuno ang ginagamit ang kaalaman at kakayahan upang magbigay ng
pagbabago?
A. Pamumunong Transpormasyonal C. Pamununong Ilusyonal
B. Pamumunong Inspirasyonal D. Pamumunong Adaptibo
40. Bakit mas marami ang kuntento sa pagiging tagasunod kay sa pagiging lider?
A. Dahil sa paggalang sa awtoridad
B. Dahil sa pakinabang na tinatanggap
C. Dahil sa parehong paniniwala at prinsipyo
D. Dahil mas madali ang maging tagasunod kaysa maging lider
41. Ano ang nililinang ng isang ulirang tagasunod kung paiiralin niya ang isang mabuti,
matatag at matapang na konsensiya na gagabay sa kaniya sa pagtupad ng kaniyang mga
gawain at pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapuwa?
A. Kakayahan sa trabaho C. Mga Pagpapahalaga
B. Kakayahang mag-organisa D. Pakikipagkapuwa
42. Paano mo makilala na ang isang tagasunod ay masasabing umaayon?
A. Mataas ang antas ng kritikal na pag-iisip at mataas ang antas ng pakikibahagi.
B. Mataas ang antas ng kritikal na pag-iisip at mababang antas ng pakikibahagi.
C. Mababang antas ng kritikal na pag-iisip at mataas ang antas ng pakikibahagi.
D. Mababang antas ng kritikal na pag-iisip at mababang antas ng pakikibahagi.
43. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng kahalagahan ng pamumuno?
A. Natutugunan ang pangangailangan ng bawat kasapi ng pangkat.
B. Nagkakaroon ng direksyon ang pangkat tungo sa pagkamit ng layunin.
C. Nakatatanggap ng parangal dahil sa pagkakaroon ng magagandang proyekto.
D. Nagkakaroon ng kinatawan upang makilala ang pangkat na kinabibilangan.
44. Ayon sa resulta ng pagsasaliksik, alin sa sumusunod na dahilan ang nangingibabaw kung
bakit mas pinipili ng tao ang sumunod sa isang lider?
A. Magaling ang lider sa pagpaplano at pagpapasiya.
B. Nagpapamalas ang lider ng integridad.
C. Pagkakaroon ng tiwala ng lider sa kaniyang tagasunod.
D. Nagbibigay ang lider ng inspirasyon sa pangkat.
45. Si Angela ay palaging napipili na President ng kanilang klase. Aling aspeto ng kaniyang
pagkatao ang napupusuan ng kaniyang mga kaklase bilang mapanagutang pinuno?
A. Nakikitaan siya ng awtoridad na magpapatupad ng gawain upang makamit ang layunin.
B. May impluwensya na magpapakilos sa mga pinamumunuan tungo sa pagkamit ng
layunin.
C. Magkaroon ng karangalan pagkatapos na makamit ng pinamumunuan ang layunin ng
pangkat.
D. Makamit ang posisyon na magbibigay ng kapangyarihan upang mapakilos ang
pinamumunuan
46. Si Daniella ay nasanay na palagi na lang sunod-sunuran sa kanyang kaibigan na si Alice.
Paano masasabi na siya ay isang Umaayon na tagasunod?
A. Siya ay mayroong katamtamang antas ng kritikal na pag-iisip.
B. Ginagampanan niya nang mabuti ag pagiging mabuting kaibigan.
C. Siya ay takot na iiwanan ng kaniyang kaibigan na si Alice.
D. Siya ay may mababang antas ng pag-iisip at mataas na antas ng pakikilahok.
47. Ang pinakamahusay na lider ay ang taong naging mahusay na tagasunod. Paano ito
mapapatunayan?
A. Nagtataglay siya ng mataas na respeto at tiwala sa lider bilang tagasunod.
B. Taglay nila ang lumaban at gumawa nang mabuti bilang tagasunod
C. Aktibo siya sa pagpapasya nang mabuti bilang lider.
D. Isa siyang umaayon na tagasunod.
48. Paano malilinang niMarie ang kaniyang kakayahan sa trabaho bilang isang estudyante sa
ICNHS?
A. Kailangan niyang mapatatag ang kaniyang konsensiya sa pagtupad ng layunin.
B. Kailangang malinang niya ang pagkakaroon ng pokus at komitment para magawa ang
layunin.
C. Kailangan niyang malinang ang pagkilala sa bawat miyembro ng pangkat.
D. Kailangan na alam niyang ipatupad ang kaniyang nais sa pangkat.
49. Paano maisasabuhay ni Judy ang pagiging adaptibong lider?
A. Kailangan na taglay niya ang kakayahang ipaalam sa mga tagasunod na matuto silang
sumunod
B. Kailangan naalam niya paano maibabahagi ang kaniyang nais na kabutihan sa pangkat.
C. Kailanganna magtataglay siya ng kakayahan na pamahalaan ang kaniyang sarili.
D.Kailangan na hindi magpapadala sa mga ninanais ng tagasunod.
50. Si Aljay ay gusto magtaglay ng mga katangian ng isang transpormasyunal na lider. Paano
niya
ipapakita ito?
A. Lilinangin niya ang kaniyang kakayahan na magkaroon ng kritikal na pag-iisip para sa
kabutihan.
B. Ipatutupad niya ang mga batas na nais kahit na nahihirapan ang kaniyang mga
tagasunod.
C. Maglalathala siya ng mga batas para sa pagbabago.
D. Ipakikita niya na wala siyang kinatatakutan
Department of Education
Region X
DIVISION OF LANAO DEL NORTE
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 9
Ikalawang Markahang Pasulit
SY 2019-2020

Pangalan: ____________________________ Baitang at Seksiyon: _________ Iskor: _______

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang pinakaangkop na sagot.

1. Sino ang maysabi sa pahayag na, “Lahat ng Tao ay may kakayahang mag-isip. Lahat ng tao
ay may kakayahang makaunawa sa kabutihan.”?
A. Dr. Manuel Dy C. Max Scheler
B. Robert Fulghum D. Santo Tomas de Aquino
2. Alin dito ang nagpapahiwatig sa Prinsipyong FIRST DO NO HARM?
A. Pagbuo ng mga panukala para sa minorya ng lipunan.
B. Pagbuo ng mga batas na naayon sa pansariling kapakanan
C. Hindi pagpapalabas sa mga kabataan sa mga tahanan upang maiwasang masaktaan.
D. Pagsisikap na kumilos tungo sa pagbubuo at pagpapaunlad sa sarili at mga ugnayan sa kapuwa.
3. Basura ang problema sa paaralan ni Carl. Kaya upang masolusyonan ito nagkaroon ng
programang “Basura Ko Sagot Ko”. Bilang mag-aaral ano ang gagawin ni Carl?
A. Hindi ako susunod dahil ayaw kung magdala ng basura sa bahay.
B. Hindi ako susunod dahil mapagalitan ako ng nanay sa dahilang wala kaming tamang
lalagyan ng basura sa bahay.
C. Susunod ako dahil gusto kong makatulong sa problema ng paraalan at aayusin ko rin ang
systema ng basura sa bahay.
D. Susunod ako dahil magagalit sa akin ang aking guro at mga kaklase hahanap nalang ako ng
paraan upang matapon ko ang aking basura.
4. Mahihirapang makapasa si Art sa Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Math dahil sa dami ng
gawain sa ibang asignatura at sa bahay. Ano ang gagawin niya upang makapasa?
A. Hihingi siya ng tulong sa mga magagaling sa klase upang magkaroon siya ng mabuting
paraan sa pag-intindi sa mga paksa sa Math.
B. Mag-aaral sa bahay kahit madaling araw na makatulog ang mahalaga nakapag-aral.
C. Mangongopya nalang upang madali ang solusyon sa problema.
D. Hihingi ng remedial exam sa guro
5. Alin sa sumusunod na mga batas ang naayon sa Likas na Batas Moral?
A. Batas na nagpapalaya sa mga tao sa kanilang moral na obligasyon
B. Batas na nagpapawalang bisa sa mga kaparusahan ng mga napatunayang may sala
C. Batas na nagpapadagdag ng mga kasanayan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng TESDA
D. Espesyal na batas para sa isang sektor ng lipunan kahit na nalabag ang isang karapatan ng
ibang sector.
6. Ano ang dapat ginawa ng isang punong-guro sa mga mag-aaral na napatunayang gumagamit
ng ipinagbawal na gamot?
A. Gagawa ng panukalang tanggihan ang mga mag-aaral na ito sa pagpasok sa paaralan
B. Bubuo ng panukalang counseling and rehabilitation ng nasabing mag-aaral.
C. Bumuo ng espesyal na silid para mapalayo sila sa mga mabubuting mag-aaral.
D. Ipakulong sila dahil sila ay lumabag sa batas
7. Nakita ni Aljon ang kaniyang nakababatang kapatid na si Randy sa bilyaran at hindi pumasok
sa paaralan. Ano ang gagawin niya?
A. Isumbong sa guro upang madisiplina.
B. Isumbong sa mga magulang upang mapagalitan.
C. Kimkimin ang galit dahil mas mahalaga ang huwag manakit sa kapuwa.
D. Kausapin at gabayan ang kapatid upang makapagnilay sa ginawang pagkakamali.
8. Aling panukala ng isang shopping mall ang lumalabag sa pagtugon sa pangangilangan ng tao?
A. Pagbibigay sapat na palikuran sa mga mamimili.
B. Pagpapatupad ng NO RETURN, NO EXCHANGE POLICY
C. Hindi pagpapapasok ng mga pagkain o anumang inumin sa department store.
D. Masusing inspeksyon sa dalang bag ng mga mamimili para sa proteksyon sa masamang
pangyayari.
9. Ano ang dapat ginawa ni Mrs. Maganda sa mga mag-aaral na kulang ang mga gawain at
posibleng makakuha ng mababa na marka?
A. Maging totoo sa mga magulang at ipakita ang tunay nakuhang maliit na marka.
B. Kaibiganin ang mag-aaral upang hindi na matakot sa kaniya.
C. Ipapadala sa Guidance Counselor upang magabayan.
D. Magkaroon ng Remediation Program
10. Bakit mahalaga ang pagtutol sa mga panukala na may kakayahang mailagay sa panganib
ang pagtugon tungo sa kabutihang panlahat?
A. Dahil sa Prinsipyong FIRST DO NO HARM.
B. Dahil dapat sundin ang Universal Declaration of Human Rights.
C. Dahil ang tao ay may dignidad na dapat mapangalagaan at galangin upang makamit niya
kaniyang kaganapan.
D. Dahil sa ating mga karapatan gaya ng Freedom of Expression, Kalayaan na Makapag-
isip, at Kalayaang Makapagpahayag
11. May panukala na gustong ipasa ang mga mag-aaral sa Grade 9 tungkol sa pagbabawal ng
pagkakaroon ng takdang aralin. Kaya magkakaroon ng pagpupulong ang mga guro, mag-
aaral at magulang. Ano ang iyong nararapat gawin upang maipakita mo ang iyong pasya
ay patungo sa kabutihang panlahat?
A. Pupunta ako sa pagpupulong upang maibahagi ko ang aking paniniwala na mas
makamabubuti ang pagkakaroon ng takdang aralin.
B. Pupunta ako sa pagpupulong upang magkaroon ako ng update sa mga pangyayari.
C. Hindi ako sasali sa pagpupulong dahil ayaw kong makisali sa gulo.
D. Pupunta ako upang boboto ng pagsang-ayon sa panukala.
12. Aling sitwasyon ang nagpapakita ng paglabag sa batas na maaring hadlang sa kabutihang
panlahat?
A. Pagsama sa mga grupo na ang tanging hangarin ay batikusin at siraan ang lahat na mga
gawain ng gobyerno.
B. Pagbibigay ng mga magulang ng pagkakataong mabuo ng kanilang anak ang kanilang
pagkatao.
C. Paghuli sa mga nagbibinta ng droga at ibigay ang sapat na parusa nito.
D. Pagbibigay ng karagdagang mga programang pagkabuhayan
13. Ano karapatdapat na hakbang ang susundin ng ating mga mambabatas upang maipatupad
ang kabutihan?
A. Pairalin ang Likas na Batas Moral sa pamamagitan ng paggamit nito bilang batayan sa
paggawa ng mga batas.
B. Magkaroon ng pagpupulong sa lahat ng sektor upang mapakinggan ang bawat hinaing.
C. Bigyang galang ang mga karapatan ng kapuwa.
D. Pagpatibayin ang proseso ng Eleksyon.
14. Ito ay kapangyarihang moral na gawin, hawakan, pakinabangan at angkinin ang mga bagay
na kailangan ng tao sa kaniyang estado sa buhay.
A. Tungkulin B. Karapatan C. Karunungan D. Dignidad
15. Ano ang kahulugan sa pahayag ni Stan Lee (isang manunulat ng komiks na Spiderman) na,
“With great power comes great responsibility”?
A. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyong moral.
B. Mas mabigat ang gawain ng taong maraming tungkulin.
C. Maganda ang pagkakaroon ng kapangyarihan.
D. Kung may karapatan, ipaglaban mo.
16. Sino sa mag-aaral ang gumagawa ng kanilang tungkuling na mapangalagaan ang kanilang
sarili?
A. Si Marlo hindi tumitigil sa pagpraktis ng gymnatics stunts para lamang manalo sa
paligsahan.
B. Si Ed na naging magaling at nangunguna sa klase kahit kaunti lang ang tulog dahil sa
pag-aaral.
C. Si Jessie ginagawa ang lahat ng gusto niyang gawin sa bawat araw upang maging
masaya lamang siya.
D. Si Jean na naging maingat sa kaniyang mga posts sa social media upang
mapangalagaan ang kaniyang pagkatao.
17. Ang tungkulin ay obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin (o iwasan) ang isang
gawain. Alin sa sumusunod ang hindi ibig sabihin nito?
A. Nakasalalay sa malayang isip ng tao.
B. Nakabatay sa Likas na Batas Moral
C. Nakasalalay sa malayang kilos-loob ng tao
D. May malaking epekto sa sarili at sa mga ugnayan ang hindi pagtupad sa mga tungkulin
18. “May kaakibat na tungkulin ang bawat karapatan”. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Mahalagang pangalagaan ang karapatan upang galangin ng kapuwa
B. Tungkulin nating alagaan ang karapatan ng kapuwa upang makatulong
C. Sundin ang iyong gawain ayon sa alam mong nararapat dahil ikaw ay may karapatan at
dignidad bilang tao
D. Pahalagahan ang karapatan sa paggawa ng iyong obligasyong gawin o hindi gawin ang
isang bagay ayon sa likas na batas moral.
19. Si Mang Danilo ay napatalsik sa kaniyang trabaho dahil hindi niya sinunod ang patakaran
ng kaniyang amo sa pagawaan. Nilabag ba ang karapatan niyang maghanapbuhay?
A. Oo, dahil mawalan siya ng ikabubuhay para sa kaniyang pamilya.
B. Oo, dahil may karapatan rin siyang magpahayag sa kaniyang opinion sa trabaho.
C. Hindi, dahil may tungkulin rin siyang sumunod sa mga patakaran at layunin sa trabaho.
D. Hindi, dahil matigas ang kaniyang ulo at hindi nakikinig.
20. Labing-walo na si Jade at nag-aaral pa. Ayon sa batas maaari ng makapag-asawa ang edad
18 pataas. Pero hindi parin siya pinaghihintulutang mag-asawa. Ano kaya ang malalim na
dahilan ng mga magulang niya?
A. Hindi pa siya handa sa mga responsibilidad ng pag-aasawa dahil medyo marupok pa
ang kakayahan niyang magpasiya.
B. Hindi pa siya nakapagtapos ng pag-aaral at hindi pa niya naabot ang kaniyang pangarap
sa buhay.
C. Dahil siya ay may obligasyon pang paaaralin ang mga kapatid at maayos ang kanilang
bahay.
D. Ayaw ng kaniyang mga magulang sa magpapangasawa niya.
21. Bakit mahalagang makakuha ng passport o visa bago makapunta sa ibang bansa kung
mayroon tayong karapatang makapunta sa ibang lugar?
A. Dahil dapat may proteksiyon ang manlalakbay at ang bansang pupuntahan.
B. Dahil kailangan ang listahan sa mga taong umaalis ng bansa.
C. Upang malaman ng pamahalaan kung ano-anong mga bansa na ang napuntahan mo.
D. Upang makakuha ang ating bansa ng buwis sa paglalakbay.
22. Si Omar ay may balak magtinda sa kantina sa paaralan. Ano ang mas mabuting itinda niya?
A. Softdrinks para malaki ang kita.
B. Kendi, junk food at pandesal para sa miryenda.
C. Mga ulam, gulay at prutas para sa tanghalian.
D. Mga palamuti gaya ng hikaw, stickers at iba pa.
23. Ang sumusunod ay nagpapakita ng tunay na kabuluhan sa paggawa ng tungkulin, maliban
sa:
A. Ginagawa ni Miguel ang takdang aralin upang tumaas ang kaniyang marka.
B. Ginagawa ni Arnel ang gawaing-buhay upang makapagpahinga si nanay.
C. Inayos ni Yuri ang sirang daluyan ng tubig upang hindi maaksaya ito.
D. Naglinis si Hannah sa paaralan upang walang lamok sa kapaligiran.
24. Tinapon ni Harvey sa bakanteng lote ang kanilang basura. Ano ang kaniyang gagawin
upang matuwid ang nagawa?
A. Hintayin na may pahina sa purok
B. Hayaan na lang ang naitapong basura
C. Sunugin ang basura upang wala ng problema
D. Kunin at gawan ng paraan upang matapon ito nang maayos
25. Sa karapatang magtrabaho o maghanapbuhay, may tungkulin ang bawat isa na magpunyagi
at magpakita ng kahusayan. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita nito?
A. Nakapokus sa gawain at hindi pinalipas ang oras na walang ginawa
B. Pag-iwas sa eskandalo na magiging sanhi ng pagsira ng pangalan ng pamilya
C. Paunlarin ang mga talento at kakayahan
D. Kumuha ng Masteral upang umangat ang karera at maitaas ang antas ng pamumuhay
26. Ano ang marapat na gawin ni mayor sa mga natukoy na drug-pusher sa kanilang lugar?
A. Extrajudicial killing.
B. Dadakpin kahit na may buhay na masayang.
C. Mas bibigatan ang parusa para matakot ang mga mamamayang maging drug-pusher.
D. Maghanda ng rehabilitation and livelihood program para sa nagboluntaryong
surenderee.
27. Ito ay resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangangailangan ng
kapuwa.
A. Pagkilos B. Paggawa C. Paglingkod D. Pagtaguyod
28. Ang buhay na may patutunguhan ay may katuturan. Ano ang kuhulugan ng pahayag na
ito?
A. Ang taong gumagawa upang makapagbahagi sa kapuwa ay nagbigay saysay sa kaniyang
pag-iral
B. Ang taong naglalakbay ay dapat malinaw ang patutunguhan.
C. Ang tao ay dapat may pupuntahan upang may sayssay ang buhay.
D. Ang tao ay dapat may plano sa buhay.
29. Lahat ng mga mag-aaral ay kailangan makilahok sa Brigada Eskwela Program sa paaralan.
Ano ang iyong nararapat gawin upang maipakita mo ang pagpapahalaga mo sa paggawa?
A. Magpakitang gilas sa aking mga kakayahan.
B. Tumulong sa mga dapat kumpunihin.
C. Magkaroon ng attendance araw-araw.
D. Tumulong dahil masaya ito.
30. Ang sumusunod ay layunin sa paggawa maliban sa isa:
A. Upang kitain ng tao ang salapi na kaniyang kailangan upang matugunan ang kanyang
mga pangunahing pangangailangan.
B. Upang sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maraming pera aangat ang buhay ng tao
kaysa iba.
C. Upang higit na magkaroon ng kabuluhan ang pag-iral ng tao.
D. Upang tulungan ang mga nangangailangan.
31. Bakit kailangang gawin ng isang mag-aaral ang takdang aralin?
A. Dahil sa pamamagitan ng paggawa ng takdang aralin mas malinang niya ang kaniyang
sariling kakayahan.
B. Dahil sa paggawa ng takdang aralin magkakaroon siya ng karagdagang puntos.
C. Dahil sa paggawa ng takdang aralin maging kulang ang oras niya sa pamilya.
D. Dahil sa takdang aralin mas tatalino ang mag-aaral.
32. Si Susi ay isang Grade 9 na mag-aaral. Siya ay matalino at mapagmahal na nagdadalaga.
Ano ang mas nararapat niyang gawin upang maitatataguyod ang kaniyang dignidad sa
paaralan sa pamagitan ng paggawa?
A. Siya ay tutulong sa paglinis sa kapaligiran.
B. Siya ay tutulong sa pagdala ng gamit ng guro.
C. Siya ay makibahagi ng kaniyang kaalaman sa kapuwa mag-aaral.
D. Siya ay gagawa ng mga inaasahan at itinakdang gawin ng isang matinong mag-aaral.
33. Sino sa mga mag-aaral sa Baitang 9 ang mas nakapagpapamalas ng mga pagpapahalaga sa
paggawa na makatutulong sa pagkamit ng kaniyang kaganapan?
A. Si Jun ay masigasig na ginagawa ang kaniyang mga tungkulin araw-araw bilang anak,
mag-aaral at bilang anak ng lipunan.
B. Si Jerson na nag-aaral ng mabuti upang magkaroon ng mataas na marka.
C. Si Kobby na tumutulong sa mga nasalanta ng bagyo.
D. Si Alice nagtatanim ng mga halaman sa hardin.
34. Ano ang nagiging epekto sa pagiging produktibo ng tao ng paggawa sa pag-unlad ng agham
at teknolohiya?
A. Nababago na ang kahulugan ng tunay na paggawa
B. Nagkakaroon ng katuwang ang tao sa mabilis na paglikha ng maraming produkto
C. Hindi nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magamit ang kaniyang pagkamalikhain
D. Mas nababawasan ang halaga ng isang produkto dahil hindi ito nahawakan ng tao
35. Sa Career Guidance Symposium ng Grade 9 may mga tagapagsalita. Sino sa kanila ang
maaaring higit na makapagpukaw sa interes ng mga mag-aaral?
A. Si Mayor Chong na anak ng dating mayor sa kanilang lugar.
B. Si Gen. Antonio na natagumpayan ang pakikipaglaban sa mga rebelde.
C. Si Albert na isang social worker na tumutulong sa isang foundation para sa mga batang
ulila.
D. Si Mr. Cruz na laki sa hirap pero sa pagpupursige nakatapos ng pag-aaral at ngayon
nakapagtrabaho sa isang Kompanya.
36. Ano ang dapat gawin ni Nelson bilang lider ng grupo sa proyekto sa EsP upang matapos
ito?
A. Magpasya kung ano ang ibigay mong tungkulin sa bawat miyembro.
B. Ipa-ambag nalang ng pera upang walang problema sa pabuo ng ideya sa proyekto.
C. Masugid na tanungin ang bawat miyembro sa kanilang puwedeng matulong.
D. Piliin ang mga miyembro na makatulong sa proyekto.
37. Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kaniyang kailangan upang matugunan
ang kaniyang pangunahing pangangailangan. Ang pahayag ay:
A. Tama, dahil likas sa tao na unahing tugunan ang kaniyang pangunahing
pangangailangan.
B. Tama, dahil hindi mabibili ng tao ang kaniyang pangangailangan kung wala siyang pera.
C. Mali, dahil hindi nararapat na pera ang maging layunin sa paggawa.
D. Mali, dahil mas mahalagang isipin na matugunan ang pangangailangan ng kapuwa bago
ang sarili.
38. Si Maya ay nagninilay tungkol sa kukunin niyang kurso sa Senior High School. Ano ang
nararapat niyang mas isa-alang-alang?
A. Ang in demand na trabaho na may mataas kita.
B. Ang gusto ng nanay niya upang hindi masaktan kung hindi niya pakikinggan ang payo.
C. Ang gusto ng mga kaibigan niya, upang buo parin ang barkada kahit Senior High School
na.
D. Ang kaniyang mga kasanayan, talento at hilig (mga pansariling salik) at ang pinansyal
katayuan ng pamilya.
39. Ito ay pagbibigay ng sarili na hindi naghahangad ng anumang kapalit.
A. Bolunterismo B. Dignidad C. Pakikilahok D. Panangutan
40. Alin sa sumusunod ang tunay na kahulugan ng pakikilahok?
A. Pagtulong na may inaasahang kapalit.
B. Paggawa ng may pagmamahal kahit hindi ito inaasahan sa iyo.
C. Isang malayang pagpili na walang kasamang pagpipilit o pwersa upang isasagawa ito.
D. Isang tungkulin na kailangan isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at
pananagutan tungo sa kabutihang panlahat.
41. Alin ang hindi maituturing na benepisyo ng bolunterismo?
A. Mas higit nakikilala ng tao ang kanyang sarili.
B. Nagkakaroon ang tao ng personal na pag-unlad.
C. Nagkakaroon siya ng kontribusyon sa pagpapabuti ng lipunan.
D. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo ng suporta sa iba.
42. Sa pamamagitan ng pakikilahok, ang tao ay naging mapanagutan sa kaniyang sarili at
kaniyang kapuwa. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapahayag nito?
A. Tao na naglilingkod dahil mayroon silang kailangan
B. Tao na ginagawa lamang ito bilang pampalipas ng oras
C. Tao na kung nakuha na nila ang kanilang pakay ay humihinto na sa kanilang paggawa
D. Tao na nakikibahagi bilang isang aktibong kasapi na gawin ang makakaya para sa
lipunan
43. May pangkatang proyekto sa klase ng EsP 9 bilang paglalapat sa aralin tungkol sa
kabutihang panlahat. Magsasagawa ang mga mag-aaral ng paglilinis sa pamayanan. Ano
ang nararapat na kilos ng pagkukusa?
A. Si Frances ay pupunta dahil ayaw niyang biguin ang kanyang ka-pangkat.
B. Pupunta si Marven dahil kailangan niya itong gawin upang tumaas ang kanyang grado
C. Excited si James sa gawain dahil gusto niyang makatulong para sa kalinisan ng paligid.
D. Hindi na makapaghintay si Jay sa gaganapin na proyekto dahil gusto niyang makakuha
ng larawan at i-upload kaagad sa facebook.
44. Ano ang mas nararapat na gawin ni Marion upang magawa pa rin niya ang tungkulin sa
kanilang grupo sa palikha ng jingle sa Buwan ng EsP kahit dapat na siyang umuwi agad
upang makatulong sa tindahan ng nanay?
A. Siya nalang ang gagawa upang siguradong nakilahok siya
B. Magbigay nalang siya ng pera para sa mga gastusin sa printing
C. Hinhingi siya sa grupo ng isang gawain na puwede niyang magawa sa bahay
D.Hindi na lang siya uuwi ng maaga dahil mas mahalaga ang paggawa na kasama ang
grupo.
45. Alin sa sumusunod ang hindi mabuting naidudulot ng pagsasagawa ng bolunterismo?
A. Nagkakaroon ang tao ng personal na pag-unlad
B. Nakapagbibigay siya ng natatanging kontribusyon
C. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo ng suporta
D. Nagkakaroon siya ng oportunidad upang makilala at sumikat
46. Paano maipapakita ni Joey ang pakikilahok bilang isang obligasyong likas sa dignidad ng
tao?
A. Pipiliin niyang hindi sumama sa paggawa ng proyekto sa EsP upang makapagpahinga.
B. Pipiliin niyang hindi sumama sa barkada upang magawa niyang tungkulin sa bahay.
C. Pipiliin niyang linisin ang kalsada kahit hindi ito hiningi ng purok.
D. Pipiliin niyang turuan ang mga kaklaseng nahihirapan sa Math.
47. Bakit mahalagang makilahok sa mga gawain sa barangay kahit ikaw ay nag-aaral pa sa
Baitang 9?
A. Dahil mahalagang maging mapanagutan sa lipunang kinabibilangan
B. Dahil may penalty ang pamilya na hindi makikilahok
C. Dahil may puntos para sa mga aktibong miyembro
D. Dahil simpleng paggawa ng iniatas sa iyo
48. May naipon si Chester na relief goods para sa mga biktima ng sunog sa kabilang barangay,
pero hindi siya papayagan ng kaniyang tatay na pumunta doon. Ano ang nararapat niyang
gawin?
A. Magpasama sa tatay upang malaman nito na tulong talaga ang nais niya
B. Hindi nalang niya ipapatuloy ang tulong upang hindi magalit ang tatay
C. Puntahan pa rin niya ito dahil ito ang ninanais niya
D. Ipadala na lang niya sa kakilala na pupunta doon
49. Sa papalapit na fiesta ang magkakaibigang sina Jun, Paul at Pete ay gagawa ng kakaibang
programa na nagpapakita ng iba’t ibang kakayahan para sa kanilang mga kapuwa kabataan.
Ano ang dapat nilang isalaalang?
A. Panahon, Talento at Kayamanan
B. Pagmamahal, Malasakit at Talento
C. Talento, Panahon at Pagkakaisa
D. Kayamanan, Talento at Bayanihan

50. Sa paksang Bolunterismo, alin ang pinakamabuting proyekto na gawin ng isang mag-aaral
sa Baitang 9 sa kaniyang purok?
A. Pagkakaroon ng feeding program sa mga maliliit na bata
B. Pagkakaroon ng tuitorial sessions sa mga bata
C. Pagtulong sa paglinis sa purok
D.Pagpatayo ng basketball court
Department of Education
Region X
DIVISION OF LANAO DEL NORTE
Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 10
Ikalawang Markahang Pasulit
SY 2019-2020

Pangalan: ____________________________ Baitang at Seksiyon: _________ Iskor: _______

Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat tanong at bilugan ang titik ng pinakaangkop
na sagot sa patlang.

1. Sino ang nagsasabi na, “Anumang uri ng tao ang isang indibiduwal ngayon at kung magiging
anong uri siya ng tao sa mga susunod na araw, ay nakasalalay sa uri ng kilos na kaniyang ginagawa
ngayon at gagawin pa”?
A. Agapay B. Aristoteles C. Aquinas D. Aricheles
2. Anong uring kilos ang ipinakita ni Mark na nanakit sa kapuwa dahil sa galit bilang reaksiyon sa
panloloko sa kaniya?
A. Kilos-Loob B. Di kusang-loob C. Kusang-loob D. Walang kusang-loob
3. Nagugutom si Mauren at nagpasiyang bumili ng pagkain sa tindahan. Narinig niyang pinag-
uusapan ang kanyang matalik na kaibigan dahil sa pagbinta ng katawan. Ano ang nararapat niyang
gawin bilang kaibigan?
A. Baliwalain ang narinig na usapan.
B. Awayin ang nag-uusap upang ipagtanggol ang kaibigan.
C. Ipaalam sa magulang ng kaibigan ang narinig na usapan.
D. Kausapin ng masinsinan ang matalik na kaibigan.
4. Si Kristy ay bagong natanggap bilang isang guro at nanumpa na gagampanan ang tungkulin.
Ang lahat ay nararapat niyang gawin maliban sa.
A. Gumagamit siya ng iba’t ibang istratehiya sa pagtuturo para sa kaniyang klase.
B. Nagbibigay ng araw-araw na takdang – aralin upang mag-aral ang mga estudyante.
C. Nagbubuo rin siya ng banghay-aralin.
D. Naghahanda siya ng mga angkop at kawili-wiling kagamitang pampagtuturo.
5. Ang pamilya ni Betty ay madasalin kaya natutu siyang magdasal kasama nila hanggang
nakasanayan na niya ito kahit malayo na siya sa kanyang pamilya. Anong salik ang nakaapekto
kay Betty?
A. gawi B. masidhing damdamin C. takot D. kamangmangan
6. Alin sa sumusunod ang tunay na dahilan kung bakit hindi mapananagutan ang kilos dahil sa
karahasan?
A. Dahil hindi kayang maapektuhan ang kilos-loob.
B. Dahil hindi kayang maapektuhan ang isip.
C. Dahil sa kahinaan ng isang tao
D. Dahil sa malakas na impluwensiya sa kilos
7. Ang mabuting gawa ay dapat gawin ng bawat tao sa lahat ng pagkakataon dahil anuman ang
mabuti ay dapat isinasakatuparan nito. Sang-ayon ka ba sa pahayag na ito?
A. Hindi, dahil walang obligasyon ang tao na gawin ito.
B. Hindi, dahil ang mabuting kilos ay kailangan lamang gawin kung ang hindi
pagsakatuparan nito ay magdadala ng isang maling bunga
C. Oo, dahilito ang dapat para sa kabutihan ng lahat
D. Oo, dahil ang hindi nito pagsakatuparan ay isang maling gawain
8. Alin sa sumusunod ang tunay na dahilan kung bakit hindi mapananagutan ang kilos dahil sa
karahasan?
A. Dahil sa malakas na impluwensiya sa kilos
B. Dahil sa kahinaan ng isang tao
C. Dahil hindi kayang maapektuhan ang kilos-loob
D. Dahil hindi kayang maapektuhan ang isip
9. Alin sa sumusunod ang may paggamit ng kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon?
A. Ang isang gurong nasa sekondarya na gumaganap ng kaniyang tungkulin bilang guro.
B. Nakikitang may manerismo si Jules na madalas itong pinagsabihan na may maling
kahulugan
C. Pagsunod sa utos ni boss kahit mali dahil takot matanggal sa trabaho.
D. Paghuli ng pulis sa mga nag jay walking sa kalsada
10. Anong kilos ni Akhmad ang ipinakitang kabawasan na pananagutan dahil sa damdamin?
A. Panliligaw sa crush.
B. Pagbatok sa barkada dahil sa biglaang panloloko.
C. Pagsugod sa bahay ng kaalitan.
D. Panlilibre sa barkada dahil sa mataas na markang nakuha
11. Lubusang nasaktan ang kaklase ni Lauren dahil hindi niya pinakopya sa kanilang pagsusulit.
Ano ang nararapat isipin ni Lauren?
A. Isipin niya na ang taong sangkot ay may kapanagutan sa kilos kahit hindi niya direktang
nilayon.
B. Isipin niya na may kaugnayan at kapanagutan siya sa mismong ikinilos niya
C. Isipin niya na ang bunga ng kilos niya ay walang kaugnayan at kapanagutan sa mismong
ikinilos niya
D. Isipin niya dapat rin siyang mag-aral
12. Alin sa sumusunod halimbawang kilos ng kamangmangang di- madaraig?
A. Pagliban ng isang estudyante na ang dahilan ay wala siya noong nagbigay ng takdang-
aralin ang kanilang guro.
B. Hindi pagsuot ni Mabel ng kaniyang ID kaya hindi siya pinapasok.
C. Pag-uwi ng maaga ni Pedro dahil sa may emergency meeting ang mga guro ng araw na
iyon.
D.Pagpasiya ng isang estudyante na pumasok sa klase kahit pa laging huli sa pagpasok ang
kanilang guro.
13. Sa talakayan at pangkatang gawain ay hindi nagpapahuli si Jeremi. Marami siyang mga gawain
na nagpapatunay ng kaniyang kasipagan at galling kaya naging paboritong estudyante siya ng
kanyang mga guro at lagi siyang nabibigyan ng papuri sa magaganda niyang ginagawa. May
pananagutan ba si Jeremi kung bakit nasa kaniya ang paghanga at mataas na pagtingin ng kaniyang
mga guro?
A. Oo, dahil siya na lamang ang parating nagtataas ng kamay upang sumagot.
B. Oo, dahil hindi niya pinagbibigyan ang ibang kaklase upang sumagot.
C. Wala, dahil ginagawa niya ang tama bilang isang mag-aaral.
D. Wala, dahil talagang may kumpetisyon sa isang klase.
14. Ito ay tumutukoy sa bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian.
A. pasiya B. kilos C.kakayahan D. damdamin
15. Ang lahat ay kahulugan ng sirkumstansiya maliban sa?
A. Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan kung saan ang kilos na ginawa ay
nakaaapekto sa kabutihan.
B. Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos.
C. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos na nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob.
D. Ito ay nakapagpapabago sa halaga ng isang kilos.
16. Kung ang papel ng kilos-loob ay tumungo sa layunin o intensiyon ng isip, ano naman ang papel
na ginampanan ng isip?
A. Humusga at mag-utos.
B. Tumulong sa kilos ng isang tao.
C. kalayaang pumili o hindi pumili
D.Gumabay sa pagsasagawa ng kilos.
17. Ang sumusunod ay kahulugan ng Layunin maliban sa____
A. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos.
B. Ito ang pinakatunguhin ng kilos.
C. Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag ng kabutihan o kasamaan ng kilos.
D. Ito ay nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob,
18. Bakit sinasabing ang moral na kilos ay ang makataong kilos ayon sa etika ni Sto. Tomas de
Aquino?
A. Sapagkat napatutunayan nito ang sariling kilos kung ito ay mabuti o masama.
B. Sapagkat malayang patungo ito sa layunin na pinag-isipan.
C. Sapagkat nakapagpapasiya ito nang naaayon sa tamang katwiran.
D.Sapagkat nahuhusgahan nito ang tama at maling kilos.
19. Si Tanya ay naiwan mag-isa sa silid aralan nila. Kinuha niya ang natatanging perang pambayad
sa JS Prom ng kanyang matalik na kaibigan na tumutulong sa kanyang pag-aaral. Ang pagkuha ni
Tanya ng pera ay masama. Ano ang nadaragdagan ng panibagong kasamaan ang kaniyang ginawa?
A. kinuha niya ito nang walang paalam
B. kinuha niya ito nang wala ang kaniyang mga kaklase
C. ang pagkuha niya ng pera ay hindi nagpakita ng pagrespeto
D. ang kinuhanan niya ng pera ay ang mismong tumutulong at nagmamalasakit sa kanya
20. Nagmahalan si Maria at Pablo subalit pinagbawalan sila dahil pag-aaral muna ang atupagin
nila. Ngunit sa kabila nito, ipinagpatuloy pa rin nila ang relasyon hanggang nabuntis at nahinto sa
pag-aaral si Maria. Anong prinsipyo ng sirkumstansiya ng kilos ang makikita sa sitwasyon?
A. Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti o masama.
B. Ang sirkumstansiya ay hindi maaaring gawing mabuti ang masama.
C. Ang sirkumstansiya ay maaaring gawin ang mabuting kilos na masama.
D.Ang sirkumstansiya ay maaaring lumikha ng mabuti o masamang kilos.
21 Ang sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng kahulugan ng kahihinatnan ng kilos maliban
sa _______________.
A. Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan, batayan, at kaakibat na
pananagutan.
B. Ang kilos ay dapat makita sa layunin ng taong nagsasagawa nito.
C. Ang bawat kilos ay dapat pag-isipan bago ito isagawa.
D. Ang kilos ay kailangan ng sapat na pagpaplano upang makita ang mga bagay na dapat
isaalang-alang.
22. Nag-aral ng mabuti si Juan bilang paghanda sa kanilang pasulit ngunit biglang na blanko ang
kanyang isip at hindi naalala ang pinag-aralan. Gusto niyang pumasa kaya kinopya niya ang
nakitang sagot ng kaklase. Ano kayang prinsipyo ang sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang
makikita rito?
A. Ang sirkumstansiya ay maaaring gawin ang mabuting kilos na masama.
B. Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti o masama.
C. Ang sirkumstansiya ay maaaring gawing mabuti ang masama.
D. And sirkumstansiya ay lumikha ng mabuti o masamang kilos.
23. Si Meriam ay isang matalinong mag-aaral na may mataas na pangarap sa buhay kaya maingat
siya sa pagpili ng mga kaibigan at pagsama sa tuwing may gimik na gawin dahil hindi lahat ng
gimik at kasiyahan ng mga teenagers ay may magandang idudulot nito. Alinsa mga Salik na nag-
uugnay sa makataong kilos ang ipinakita ni Meriam?
A. Layunin B. Kilos C. Sirkumstansiya D. Kahihinatnan
24. Masayang ipinadiriwang ni Maria ang kanyang 18 th na kaarawan kasama ang kaniyang mga
kaibigan sa bahay nila hanggang umabot ng madaling araw ang kanilang kwentuhan at kantahan.
Nagalit ang kanilang kapit-bahay sa ingay na dulot nito. Ano kayang prinsipyo ang sumasakop sa
sirkumstansiya ng kilos ang makikita rito?
A. Ang sirkumstansiya ay maaaring gawin ang mabuting kilos na masama.
B. Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti o masama.
C. Ang sirkumstansiya ay maaaring gawing mabuti ang masama.
D. And sirkumstansiya ay lumikha ng mabuti o masamang kilos.
25. Alam mong may mahabang pagsusulit ngunit hindi ka nakapag-aral dahil masaya kang
nakipagdiwang sa kaarawan ng iyong matalik na kaibigan kung kayat hindi mo namalayan ang
oras at ginabi ka na nang uwi sa bahay. Sa oras na ng pagsusulit nakikita mo ang sagot ng iyong
katabi, tama ba o mali na kopyahin mo ito?
A. Tama, dahil hindi ko naman hiningi ang sagot, kusa ko naman itong nakita.
B. Mali, dahil hindi ko dapat kopyahin nang walang paalam sa kaniya.
C. Tama, dahil ang aking layunin ay makapasa sa pagsusulit.
D. Mali, dahil kung ano lamang ang nalalaman ko ang dapat kong isulat na sagot sa
pagsusulit.
26. Palaging nagbabahagi si Romel ng meryenda sa kanyang mga kaklase tuwing recess kaya’t
marami siyang naging kaibigan ngunit lingid sa kanilang kaalaman na ang pagkaing ibinigay ay
ninakaw ni Romel sa tindahan nila. Tama ba o Mali ang kilos ni Romel?
A. Tama, dahil marami naman siyang natutulungan na nangangailangan.
B. Mali, dahil hindi sa kaniya galing ang kaniyang itinutulong.
C. Tama, dahil mabuti naman ang kaniyang panlabas na kilos.
D. Mali, dahil kahit mabuti ang panlabas na kilos, nababalewala pa rin ang panloob na
kilos.
27. Ano ang itinuturing na tanging nakakikita sa pagpapahalaga natin sa mga bagay, gawi, at kilos
ayon kay Max Scheler?
A. Isip B. Kilos-loob C. Damdamin D. Saloobin
28. Ang sumusunod ay dahilan kung bakit hindi maituturing na isang paninindigan ang
pangongopya tuwing may pagsusulit o sa paggawa ng takdang-aralin maliban sa:
A. Hindi ito patas sa mga kaklaseng nag-aaral nang mabuti.
B. Hindi ito katangap-tanggap sa mga guro na gumaganap sa kanilang tungkulin.
C. Nabibigyan ng pagkakataon ang mag-aaral na pumasa at makakuha ngmataas na marka.
D. Nawawalan ng saysay ang pag-aaral, pagsusulit at paglikha ng orihinal na bagay
29. Ang tao ay nilikha na may likas na pagnanais sa mabuti at totoo at binigyan ng kakayahan
upang malaman kung ano ang mabuti at totoo. Sa kabila nito, bakit kaya maraming tao ang
gumagawa pa rin ng bagay na masama?
A. Kahit alam na ng tao ang mabuti, pinipili pa rin ng ilan ang masama.
B. Higit na madaling gawin ang masamang bagay sa mabuti.
C. Madaling maimpluwensyahan ang tao ng umuusbong na bagong kultura.
D. Hindi tuloy-tuloy ang pagpili ng tao sa mabuti kaya’t nalilito sila
30. Sino ang nagsabi nito “Kung ano ang ibig ninyong gawin sa inyo ng mga tao, gayon din ang
gawin ninyo sa kanila”?
A. Lukas B. Confucius C. Hesukristo D. Mohammad
31. Alin ang mas matatag na batayan ng pagiging mabuti o masama ng isang kilos ayon sa pananaw
ni Immanuel Kant?
A. ang mabuting bunga ng kilos
B. ang layunin ng isang mabuting tao
C. ang makita ang kilos bilang isang tungkulin
D. ang pagsunod sa mga batas na nagtataguyod ng mabuting kilos
32. Sino sa sumusunod tauhan ang kumikilos bilang isang hilig at hindi pagganap sa tungkulin?
A. Isang saleslady na tapat sa mga mamimili tungkol sa kalidad ng produkto upang lalo
itong tangkilikin
B. Isang driver na nagbibigay ng discount o libreng sakay sa mga matatanda.
C. Isang lingkod-bayan na nagbibigay ng regalo tuwing Pasko sa mga mahihirap upang
maalala siya sa panahon ng halalan.
D. Isang negosyanteng nagpapatakbo ng tindahan na maliit lamang ang tubo sa mga
paninda.
33. Kung pagbabatayan ang pananaw ni Max Scheler, ang pangongopya ay
A. Tama, dahil natutugunan nito ang pangangailangang pumasa.
B. Tama, dahil ito ay nagbibigay ng kasiyahan sa gumagawa.
C. Mali, dahil hindi pinili ang negatibong halaga kaysa sa katapatan.
D. Mali, dahil maaari kang mapagalitan ng guro.
34. Anong paninindigan ang hindi ipinakikita ni Jay kung tamad siyang mag-aral?
A. Ang pag-aaral ay sagot sa kahirapan.
B. Ang pag-aaral ay para sa mga nagnanais yumaman.
C. Ang pag-aaral ay nakatutulong sa pagtuklas sa katotohanan.
D. Ang pag-aaral ay para sa mga matatalino at masisipag pumasok sa paaralan.
35. Ang pagtulong sa kapuwa ay itinuturing na mabuting kilos. Alin sa sumusunod ang
nagpapakita ng mas mataas na pagpapahalaga?
A. Ang pagtulong sa kapuwa ay daan upang tulungan ka rin nila.
B. Ang pagtulong sa kapuwa ay nakapagbibigay kasiyahan sa sarili.
C. Ang pagtulong sa kapuwa ay pagtugon sa tawag na maglingkod.
D. Ang pagtulong sa iba ay bunsod ng pakikisama
36. Kung pagbabatayan mo ang pananaw ni Max Scheler tungkol sa paghuhusga sa pagiging
mabuti alin ang kilos ng tao kung ang pinahalagahan ay
A. ang pansariling kasiyahan
B. ang pagtanggap ng iba
C. kasiyahan o kaganapan
D. katapatan sa sarili at sa kapuwa
37. Bakit kinakailangang isaalang-alang ang kapakanan ng kapuwa sa ating pagkilos?
A. Ito ay tanda ng tunay na pananampalataya.
B. Sa pagbibigay sa kapuwa, tumatanggap din tayo.
C. Kung ano ang iyong ginawa ay maaaring gawin din sa iyo.
D. Lahat ng nabanggit
38. Alin sa mga sumusunod ang batayan sa paghusga ng kabutihan o kasamaan ng isang kilos?
A. Ang layunin dahil ito ang pamantayan ng kilos.
B. Ang kahihinatnan dahil makikita mo kung mabuti o masama ang kilos.
C. Ang mismong pagpapahalagang ipinakikita habang isinasagawa ang kilos.
D. Ang pagsunod sa gintong aral
39. Ano ang dalawang kategorya na bumubuo sa 12 yugto ng makataong kilos ayon kay Sto.
Tomas de Aquino?
A. Isip at Kilos-loob B. Intensiyon at Layunin
C. Paghuhusga at Pagpili D. Sanhi at Bunga
40. Sa pangkatang proyekto nila Mariel sa ICT ay nakita niyang importante ang magkaroon ng
Laptop at matagal na niyang gustong magkaroon nito. Kaya nag-isip siya kung saan kukuha ng
pera upang mabili ito. Nasa anong yugto ng makataong kilos si Mariel?
A. Intensiyon ng layunin B. Nais ng layunin
C. Pagkaunawa sa lay D. Praktikal na paghuhusga sa pagpili 3
41. Pagkatapos ng klase sa umaga, niyaya si Joshua ng kaniyang kaklase na huwag pumasok sa
hapon at pumunta na lamang sila sa kalapit Bario upang makisaya sa kapistahan doon. Hindi
kaagad sumagot ng oo si Joshua bagkus ito ay kaniyang pinag-isipang mabuti kung ito ba ay tama
o mali at ano ang sakaling magiging epekto nito kung sakaling sumama siya. Anong proseso ng
pakikinig ang ginamit ni Joshua?
A. Isaisip ang mga posibilidad B. Maghanap ng ibang kaalaman
C. Tingnan ang kalooban D. Magkalap ng patunay
42. Si Mariel ay may iba’t-ibang paraang naisip upang mabili niya ang inaasam niyang magkaroon
ng laptop. Hihingi ba siya ng pera sa kaniyang magulang, mag-iipon, o magnanakaw ng pera upang
mabili ito. Nasaan na kayang yugto ng kilos si Mariel?
A. Intensiyon ng layunin B. Pagkaunawa sa layunin
C. Paghuhusga sa nais makamtan D. Masusing pagsusuri ng paraan 4
43. Sa paggawa ng pagpapasiya ng tao ay mahalagang dumaan ng tamang proseso ng pakikinig.
Isa na rito ay ang pagbibigay ng mga katanungan. Alin sa mga sumusunod na proseso ang
nagpapakita nito?
A. Tingnan ang kalooban B. Maghanap ng ibang kaalaman
C. Isaisip ang mga posibilidad D. Magkalap ng patunay
44. Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang naidudulot ng pasiya?
A. Dahil ito ay magsisilbing gabay niya sa pang-araw-araw na buhay.
B. Dahil ito ay makatutulong sa tao upang magkaroon siya ng mabuting kilos.
C. Dahil ang bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan.
D. Dahil ito ay nagdudulot sa tao ng kaseguruhan sa kaniyang pagpili.
45. Alin sa sumusunod ang unang dapat gawing hakbang sa moral na pagpapasiya?
A. Tingnan ang kalooban B. Magkalap ng patunay
C. Isaisip ang posibilidad D. Maghanap ng ibang kaalaman
46. Kung sa iyong pagpapasiya ay sinusuri mo ang iyong konsensiya at binibigyang halaga mo
kung ang iyong pasiya, makapagpapasaya sa iyo o hindi, anong bahagi ng Hakbang sa Moral na
Pagpapasiya?
A. Magkalap ng patunay B. Maghanap ng ibang kaalaman
C. Tingnan ang kalooban D. Umasa at magtiwala sa Diyos
47. Masaya si Analiza sa nakita niyang resulta ng kanyang piniling pagpasiya. Nasa aling yugto
ng kilos si Analiza?
A. Pagpili B. Paggamit C. Kahinanatnan D. Paraan
48. Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasiya ang tao?
A. Upang magsilbing gabay sa buhay.
B. Upang magsilbing paalala sa mga gagawin.
C. Upang magkaroon ng sapat na pamantayan sa pipiliin.
D. Upang mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili.
49. Sa bawat sitwasyong magpapasiya si Alexia ay palagi niyang tinatanong ang kaniyang sarili
kung ito ba ang nais ng Diyos o naaayon sa Kaniyang kautusan? Sa iyong palagay, nasaang bahagi
ng hakbang ng pagpapasiya si Alexia?
A. Tingnan ang kalooban B. Isaisip ang posibilidad
C. Maghanap ng ibang kaalaman D. Umasa at magtiwala sa Diyos
50. Si Kelly ay nasa sitwasyon na kailangan niyang magsasagawa ng pasiya, ano kaya ang
pinakahuling hakbang na kanyang gagawin?
A. Isaisip ang mga posibilidad B. Maghanap ng ibang kaalaman
C. Umasa at magtiwala sa Diyos D. Tingnan ang kalooban

You might also like