You are on page 1of 7

8

EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
IKAAPAT NA MARKAHAN

GAWAING PAGKATUTO
LINGGO 2.1
Republic of the Philippines
Department of Education

Pangalan: ______________________________ Paaralan: ____________________________


Sekyon:_______________________________ Petsa: ______________________________

EsP 8, Gawaing Pagkatuto


Ikaapat na Markahan Linggo 2.1

I – Panimulang Konsepto

Siya ay si Pinocchio. Isang batang kahoy na ginawa ng isang


karpinterong si Geppito. Dahil sa kahilingan ng karpintero ay nagkaroon
ito ng buhay . Ngunit dahil sa pagkasabik na gawin ang mga bagong
bagay sa kanya ay nakagawa siya ng mga pagkakamali , kasama dito ang
pagsisinungaling . Dahil dito siya ay napahamak pati na rin ang kanyang
ama – amahang si Geppito at ang iba pang gumagabay sa kanya .
Pinagsisihan niya ito at humingi siya ng tawad sa isang diwata na
nagbigay sa kanya ng buhay. Pinatawad naman siya nito at tinuturuan
siya ng tatlong paraan upang maging isang tunay na bata na nais niyang mangyari sa kanya.
Ang tatlong sangkap upang maging tunay na bata ay ang pagiging matapang, matapat at hindi
makasarili. Ginawa naman ito ni Pinocchio kaya nang lumaon, siya ay naging totoong bata.
At simula noon, siya ay naging isa nang mabuti at matapat na bata.

(Buod ng kwentong Pinocchio. Pinagkunan: https://www.brainly.ph/question/211728

Ang kwentong ito ni Pinocchio ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagiging matapat


sa ating mga salita at gawa. Ang pagiging sinungaling o ang hindi pagiging matapat ay
maaring magdala sa atin sa kapahamakan hindi lamang ng ating sarili kundi pati na rin ng
ating mga mahal sa buhay. Kaya naman bilang isang kabataan marapat lang na mabigyan
natin ng kahalagahan ang pagiging matapat sa lahat ng ating ginagawa at sinasabi.

Sa gawaing pampagkatuto na ito ay mauunawaan at maipaliliwanag mo na ang


pagiging tapat sa salita at sa gawa ay pagpapatunay ng komitment sa katotohanan at ng
mabuti o matatag na konsensiya. May layunin itong maibigay sa kapwa ang nararapat para sa
kanya, gabay ang diwa ng pagmamahal.
.
II- Kasanayang Pampagkatuto

Naipaliliwanag na: Ang pagiging tapat sa salita at sa gawa ay pagpapatunay ng


komitment sa katotohanan at ng mabuti/matatag na konsensiya. May layunin itong maibigay
sa kapwa ang nararapat para sa kanya, gabay ang diwa ng pagmamahal.

2
III- Mga Gawain
Gawain I
Panuto: Basahin ang sitwasyon at ibigay ang sariling pananaw ukol dito. Isulat ang sagot sa
espasyong nakalaan para sa iyo.
Nagkataon na dahil sa pandemyang kinakaharap natin ngayon ay nawalan ng trabaho
ang iyong mga magulang. May proyekto kayo sa Edukasyon sa Pagpapakatao na kailangan
mong bumili ng mga gamit upang magawa ang mga ito . Humingi ka ng pera sa iyong
magulang ngunit kahit anong gawin nila ay wala naman silang maibibigay sa iyo sapagkat
ang pera nila ay tama lang pambili ng bigas na makakain niyo para sa araw na ito. Naalala
mo na mayroon kang kaibigan na may sapat na pera at kayang magpahiram sa iyo upang
makabili ka ng mga materyales. Nakiusap ka sa iyong kaibigan na humiram muna sa kanyang
extra budget at nangangakong ibalik ang perang hiniram mo sa susunod na araw.
Tanong :
1. Paano mo maipapakita ang iyong katapatan sa salita bilang isang
responsableng mangungutang o tagahiram?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Gawain II
Panuto: Suriin ang mga larawan sa ibaba na nagpapakita ng katapatan at kawalan ng
katapatan. Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa
espasyong nakalaan para sa iyo.

Pinagkunan:https://images.app.goo.gl/v5TAmwkCgCexKSp8,
https://images.app.goo.gl/vB5Pih1B3tKna2769
https://images.app.goo.gl/i6utEYRzY2PxHoNj9

Mga Tanong:

1. Ano ang “Honesty store” at ano kaya ang nangyayari sa tindahang ganito?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Ano ang isinusulong na kaugalian dapat matutunan ng isang tao na nais bumili sa isang
“Honesty Store”? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3
3. Kung ikaw ay napasyal sa isang “honesty store” at may nagustuhan ka sa mga ibinibenta
ngunit hindi sapat ang perang dala mo para rito? Ano ang gagawin mo?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Gawain III
Panuto: Magbasa at Matuto
Katapatan sa Gawa

May kasabihan na “Action Speaks Louder than Words”. Patunay ito na mas
binibigyan ng halaga ang gawa kaysa sa salita. Sa usapin ng katapatan, minsan ay natutuon
lamang ang pansin ng marami sa kasinungalingan bilang paglabag sa katotohanan.
Nakaliligtaan na ang kilos din ng tao ay may kakayahang lumabag sa katapatan. Pagkakaayon
ng isip sa katotohanan.
Ang bawat tao ay nararapat na magtaglay ng mataas na pamantayang moral para sa
kaniyang sarili at maging tapat sa kaniyang mga salita at gawa. Maaaring madaling sabihin
ngunit mahirap na ganap na maisabuhay . Ganoon naman talaga ang buhay , hindi mo basta
makakamit ang ganap na kabutihan nang hindi ka nagsasakripisyo para sa isang bagay na nais
mong makamit . Mahalaga ang pagiging matapat dahil ito ay ang batayan ng pagtitiwala na
nararapat na umiiral sa mga kasapi ng lipunan. Ito ang pundasyon na maaaring magbuklod at
magpatatag sa anumang samahan.
Mahalaga na sa lahat ng ating iniisip, sinasabi at ginagawa, malaking bagay man ito o
maliit, lagi nating sinisiguro na ito ay yumayakap sa katotohanan. Magagawa natin ito sa
pamamagitan ng pagsisimula sa maliit na bagay. Katulad na lamang ng tatlong maliliit na
huwaran ng asal (behaviour patterns) na nagpapakita ng tatlong malalaki at magkakaugnay na
birtud:
1. Decisiveness - ito ay ang paggawa ng tama at mabuting mga pagpapasiya at
naninindigan para rito.
2. Moral Authority – ito ay ang pagiging bukas sa iyong kapwa sa pagbabahagi ng iyong
sarili na sinisiguro na ang pagbabahaging ito ay may kalakip na moral na awtoridad.
3. Openness and Humility - pagtanggap ng sariling pagkakamali at paghingi ng tawad para
rito.
4. Sincerity or Honesty – lahat ng iyong iniisip at ginagawa ay sinisiguro na
yumayakap sa katotohanan.
Ang pagyakap sa lahat ng mga ito ang maglalayo sa iyo sa sitwasyon na
kakailanganin mong gumawa ng mga bagay na labag sa katotohanan para lamang pagtakpan
ang iyong mga pagkakamali. Kailangang sa simula pa lamang ay gabay mo na ang mga ito
upang makapamuhay ka nang puno ng katapatan.

Pagpoproseso:

1. Paano mo mailalarawan ang mundong pinaiiral ang:


a. katapatan ________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4
b. kasinungalingan? __________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Ano ang maaari mong gawin upang mapangibabaw sa lahat ng pagkakataon sa buhay mo
ang katapatan sa iyong salita at sa gawa?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Gawain IV
Panuto: Listahan ng Aking Katapatan

Gumawa ng isang listahan ng limang (5) bagay na maaari mong gawin sa iyong tahanan na
magpapakita ng iyong katapatan sa salita at gawa. Siguraduhing magawa ito sa loob ng isang
linggo . Kapag nagawa ang nasa listahan ay palagdaan ito sa iyong mga magulang bilang
palatandaan na ito ay iyo nang nagawa. Isulat ito sa kahon sa ibaba.

Listahan ng Aking Katapatan


Mga Katapatang Gagawin Nagawa o Hindi Nagawa Lagda ng Maugalang
Halimbawa:

Paghuhugas ng pinggan
sa skedyul ng hindi na
sinasabihan.
1.

2.

3.

4.

5.

Gawain IV
Panuto:Tapusin ang mga sumusunod na mga pangungusap batay sa araling iyong natutunan.
1. Ang pagsasabi ng katotohanan ay _____________________________________________.
2. Ang pagiging sinungaling ay nakakaapekto sa ___________________________________
__________________________________________________________________________.
3. Ang matapat na tao ay ______________________________________________________
__________________________________________________________________________.
4. Mahalaga ang pagiging tapat sa salita sapagkat___________________________________
__________________________________________________________________________.
5. Gumagaan ang pakiramdam sa taong nagsasabi ng tapat dahil _______________________
__________________________________________________________________________.

5
V- Repleksyon

Bilang komitment, gumawa ng isang sulat pangako na nagsasaad ng iyong katapatan


simula sa araw na ito hanggang sa mga susunod pang mga araw sa iyong buhay. Isusulat din
sa pangako ang mga nararapat gawin kung paano ipakita ang katapatan sa salita at gawa sa
pang-araw- araw na buhay. Isulat ito sa iyong kwaderno sa EsP o sa iyong kwaderno para sa
Journal.

VI- Rubrik sa Pagpupuntos


Para sa Gawain 2 at 4

Nilalaman (Kompleto at maayos ang pagsunod sa uri ng – 2 puntos


anyong/gawain na hinihingi)

Organisasyon (Lawak at lalim ng pagtalakay sa paksa) – 2 puntos

Gramatika – 1 puntos

Kabuuan – 5 puntos bawat sagot sa


mga tanong sa itaas.

VII- Susi sa Pagwawasto

6
VII- Sanggunian

K-to-12-MELCS-with-CG-Codes.pdf. Retrieved on March 9, 2021, from


https://drive.google.com/file/d/1C44xF16DPcAP0NZWBU8eOTSbxuGdNA
eO/view?usp=sharing
Granada, N. (2013). K to 12 – grade 8: edukasyon sa pagpapakatao learning module
Retrieved on March 9, 2021, from https://www.slideshare.net/nicogranada31/k-to-12-grade-
8-edukasyon-sa-pagpapakatao-learner-module
Modyul 12: Katapatan sa Salita at sa Gawa DLP pahina 71 – 92
Kwarter 4 –
https://bit.ly/3d0KPke
Modyul 12: Katapatan sa Salita at sa Gawa – Powerpoint Presentation
https://www.slideshare.net/michimado/esp-modyul-12
Buod ng kwentong Pinocchio.
https://www.brainly.ph/question/211728)
Mga larawan mula sa enternet:
Mga larawan ni Pinocchio
https://images.app.goo.gl/EjmFmL5kc7gihLZ7
Mga larawan ng honesty store
https://images.app.goo.gl/v5TAmwkCgCexKSp8
https://images.app.goo.gl/vB5Pih1B3tKna2769
https://images.app.goo.gl/i6utEYRzY2PxHoNj9

Inihanda ni:

(Sgd) MA. TERESITA M. MAHILUM, JRA.


Gurong Manunulat

You might also like