You are on page 1of 11

EMOSYON

ESP 8
EMOSYON

Ang emosyon o damdamin ay likas na reaksyon ng tao na dulot ng pinagsasamang aspekto ng


pagkapukaw o pagkagising ng katawan, mga pangkaisipang proseso, mga panghusga o pagtaya at
mga kilos at galaw ng katawan.
EMOSYON

Apat na bahagi ang nagbubunga ng isang Emosyon:


a. pisyolohikal na reaksyon ng katawan gaya ng tibok ng puso, blood pressure, bilis ng paghinga at
sidhi ng tension;
b. pangkaisipan gaya ng inyong pinaniniwalaan, ang iyong kaisipan, opinion, mga inaasahan, ang
mga sinasabi mo sa iyong sarili na siyang magdidikta ng uri at tindi ng iyong emosyunal na
reaksyon;
c. pagkilos gaya ng iyong gagawin, malumanay man o marahas; at
d. pagtataya o panghuhusga kung ang iyong pakiramdam ay mabuti o masama.
EMOSYON

Walong Pangunahing Damdamin


1. Pagkagalit (Anger)
2. Pagkamuhi (Disgust)
3. Pagkalungkot (Sadness)
4. Pagkagulat (Surprise)
5. Pagkatakot (Fear)
6. Pagtanggap (Acceptance)
7. Pagkagalak (Joy)
8. Pag-asam (Anticipation)
EMOSYON

Epektibong Pangangasiwa ng Emosyon


Ang talinong pang-emosyon ay natatamo sa pamamagitan ng makatotohanang pagsusuri sa ating
emosyon at damdamin. Malaki ang kinalaman ng emosyon sa pagkaranas natin ng kaligayahan sa buhay.
Narito ang susi ng maayos at malusog na ugnayan sa sarili at sa kapwa. Kadalasan isinisisi natin sa iba ang
lagay ng ating damdamin o emosyon. Napakadali nating madala sa bugso ng ating mga damdamin at
maghanap ng taong masisisi sa ating mga kabiguan at kalungkutan. Hindi madali ang bumuo ng maganda at
malalim na ugnayan sa ibang tao at nakapanghihinayang kung ito ay mawawala dahil lamang sa bugso ng
hindi mabuting damdamin.
Tandaan natin na walang sinuman ang magagawang miserable ang ating damdamin nang hindi natin
pinapayagan. Nasa atin ang pagpapasiya kung gaano tayo magbibigay ng reaksyon o tutugon sa mga
sitwasyon.
EMOSYON

Kahalagahan ng Maayos na Pagpapahayag ng Damdamin


Ang ating emosyon ay mahalagang aspekto ng kalikasan ng tao. Ipinahahayag nito ang
pangangailangan ng ating sarili upang maging malusog at masaya. Mayroon din tayong emosyon upang
matutuhan nating mabuhay at mapanatili ang ating pangkalahatang kagalingan (well being). May mga
emosyong malaki ang maitutulong upang maging positibo at nakapagdaragdag nang personal nating
kapangyarihan o lakas, tulad ng pag-ibig.
Mayroon namang nakapanghihina at maaaring makapagdulot ng hindi magandang bagay sa sarili at
kapwa gaya ng galit, lungkot, poot at inggit. Dahil ditto, kailangan ang maayos na pagpapahayag ng
damdamin at emosyon. Kapag naipahayag nang maayos ang damdamin, maaari nitong mapalakas at
mapaunlad ang kalidad ng iyong buhay gayundin ng iyong kapwa.
EMOSYON

Ayon kay Sid Cornier (1992), may mga matitinding emosyon na kadalasan ay nagdudulot ng
hindi kaaya-ayang kalagayan. Madalas ding ibinabaon sa limot ngunit hindi malimutan at kumakapit
nang mabuti sa kasalukuyang pamumuhay ng isang tao.
1. Pagkabagabag bunga ng kasalanan
2. Pagkatakot
3. Pagkalungkot
MGA GAWAIN
GAWIN SA ESP NOTEBOOK.
Gawain 1

Panuto: Sagutin ang mga tanong:


1. Ano ang kahulugan ng emosyon at ano ang mga uri nito?
2. Ano ang tungkulin ng emosyon sa pagpapasiya ng gagawin ng tao?
3. Ano ang mga hakbang na maaaring maisalang-alang upang mapamahalaan
natin ng wasto ang ating emosyon?
4. Paano mapauunlad nang wastong pamamahala ng emosyon ang iyong sarili at
iyong pakikipagkapwa?
Gawain 2

Panuto: Anu-ano ang masasabi mo sa iyong kapwa sa iba’t-ibang emosyong nararamdaman mo sa


mga sumusunod na sitwasyon?
1. Niregaluhan ka ng nanay mo ng bagong cellphone.
2. Pinagbawalan ka ng nanay mo na makipagkita sa iyong barkada.
3. Lumapit ang isang pulubi sa iyo at humingi ng kaunting limos para sa kanyang pagkain.
4. Nagbigay ng magandang damit ang tiya mo sa iyong kapatid
5. Isinuot ng kapatid mo nang walang paalam ang paborito mong pantalon na gagamitin mo sana
ngayon.
Gawain 3

Panuto: Umisip ng sariling karanasan kung saan ikaw ay nakadama ng


matitinding emosyon tulad ng galit, takot, matinding tuwa, kalungkutan
at iba pa. Ipaliwanag kung paano mo napamahalaan ng maayos ang
iyong emosyon at damdamin.

You might also like