You are on page 1of 23

ISIP AT KILOS-LOOB

1. Ano ang kakayahan ng isip na layong makakuha ng


buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang
bigyan ito ng kahulugan?

a.mag-isip
b.Makaunawa B
c.Maghusga
d.Mangatwiran
2. ‘Ibinibigay ng isip ang katuwiran bilang isang
kakayahan upang maimpluwensiyahan ang kios-
loob.’ Ano ang ibig ipakahulugan ng pahayag na ito?

a. Walang sariling paninindigan ang kilos-loob


b. Nakadepende ang kilos-loob sa ibinibigay na
B
impormasyon ng isip
c. Kailangan maging matalino ang isip sa
pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti
d. Hindi maaaring maghiwalay ang isip at ang kilos-
loob dahil magkakaugnay ang mga ito
Anong salita ang maaaring itawag kapag
tumugon ang tao sa obhetibong hinihingi ng
sitwasyon?

X
HUSTISYA
X
X
SURIIN ANG DALAWANG
LARAWAN
SURIIN ANG DALAWANG LARAWAN
Tanong:
1. Ano ang pagkakatulad ng tao at hayop?
2. Ano ang pagkakaiba nila?
3. Paano kumikilos ang tao at ang hayop?
4. Ano ang natuklasan mo tungkol sa tao at
hayop batay sa pagsusuri mo ng larawan?
Ang tao:
 • Nilikhang hindi tapos - Sa kapanganakan mo, walang
makakapagsabi kung ikaw ay magiging sino o ano sa
hinaharap.
 - Nang isinilang ka sa mundo, nagsimula ka mag-okupa ng
espasyo na hiwalay sa ibang sanggol. Hindi maaring sabihin
na parehas ka lang sa iba, dahil ang totoo magkakaiba ang
bawat isa. Dahil sa iyong kamalayan at kalayaan nasa iyong
mga kamay ang pagbuo mo ng iyong pagka-sino/pagka-tao
 - Ang iyong pagiging tao ay isang proyekto na patuloy mong
bubuuin habang nabubuhay kang isang nilalang na hindi tapos
Ang hayop:

• Nilikhang tapos - Ang aso kahit na


ipinanganak na hiwalay sa ibang aso ay ganap
ng aso mula sa kaniyang pagsilang.
 - Angmga katangian at mga ginagawa ng aso
simula kapanganakan walang pagkakaiba
habang ito ay lumalaki (tumatahol, kumakain,
umiihi, dumudumi, naglalakad) kaya sinasabing
ganap ng ganyan ang kanilang mga gawain.
Ayon kay ROBERT EDWARD BRENAN, may
kakayahan na nagkakapareho sa hayop at sa tao:

1.pandama,
2. pagkagusto,
3. paggalaw
Pandama na pumupukaw sa
kaalaman:

Halimbawa: Ang tao at hayop kapag napaso


ng nagbabagang uling, alam na ito ay masakit
sa kanilang pandama at nagdadala ng
kaalaman sa kanila na ito pala ay masakit at
mainit kaya maaaring sa mga susunod na
makakakita sila, alam na nila ang mangyayari.
Pagkagusto o Appetite

 Halimbawa: Ang tao at ang hayop


may parehas paboritoong kainin ang
fried chicken dahil ito ay masarap.
Gusto nila parehas ang isang bagay at
masaya sa pakiramdam kapag gusto
ang isang bagay.
Paggalaw o Locomotion:

Halimbawa: Parehas ang tao


nakakagalaw. Pwede silang
pumaroon at parito sa mga lugar.
Kaya ng hayop na mangapitbahay
dahil nakakagalaw sila o nakakalakad
ganun din naman ang mga tao.
“Ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t
siya ay tinawag na kaniyang Obra Maestra”

Obra Maestra- Ang pagkakalikha ayon sa wangis


ng Diyos ay nangangahulugan na ang tao ay may
mga katangiang tulad ng katangiang taglay Niya.
Binigyan Niya ang tao ng kakayahang mag-isip,
pumili, gumusto at gumawa. Ang tao ay nilalang na
may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at
masama.
Ano nga ba ang mataas na gamit at
tunguhin ng isip?
 Katotohanan- may kakayahan ang isip na
tuklasin ang katotohanan.
 Ayonkay Fr. Roque Ferriols ang “katotohanan ay
tahanan ng mga katoto” (Dy, 2012). Ibig sabihin
may kasama ako na nakakita o may katoto ako na
nakakita sa katotohanan. Ang katotohanan na
dapat Makita na mayroon o nandiyan na kailangan
lumabas sa pagkakakubli at lumilitaw dahil sa
pagiging bukas ng isip ng taong naghahanap nito.
Pagninilay- o pagmumuni-muni, kaya’t nauunawaan nito ang
kanyang nauunawaan.

Ayon kay Manuel Dy, ang isip ay may


kakayahang magnilay o magmuni-
muni. Ito ang pagkakaroon ng
kamalayan sa sarili dahil ang tao ay
may isip at may kakayahan siyang pag-
isipan ang kaniyang sarili.
Abstraksiyon - kakayahang kumuha o makabuo
ng kahulugan o kabuluhan ng mga bagay.

 Angtao bilang may isip ay may kakayahan


siyang bumuo ng konklusyon mula sa isang
pangyayari. Dahil sa kakayahang ito ng isip,
ang tao ay nakabubuo ng kahulugan ng
bagay.
Ano nga ba ang mataas na gamit at
tunguhin ng kilos-loob?
ENS AMANS
 Ens amans- salitang latin na nangangahulugan na umiiral
na nagmamahal.
 Isang katangian ng tao ang magmahal dahil nabubuhay siya
para magmahal. Ayon kay Max Scheler, ang pagmamahal
ang pinakapangunahing kilos sapagkat dito nakabatay ang
iba’t ibang pagkilos ng tao. Ibig sabihin, kung mahal mo ang
isang tao, dito mo din ipapakita ang kilos na mahalaga siya
saiyo kaya nagiging mabait ka, maalagain, maunawain,
maalalahanin, matulungin at kung ano-ano pa, dahil MAHAL
mo.
PAGMAMAHAL

 Pagmamahal-Ang tao ay may kakayahang


magmahal dahil ang puso niya ay nakalaang
magmahal.
 Lahat
ng mabuting kilos ay kilos ng
pagmamahal. Ang pagmamahal ay galaw ng
damdamin patungo sa mga tao at iba pang
bagay na may halaga.
PAGLILINGKOD

 Paglilingkod-Dahil
ang tao ay nagmamahal,
ayon kay Max Scheler maipapakita sa
pamamagitan ng paglilingkod sa kapwa.
 Ayonpa sakaniya, ang pagmamahal ay
pagpapahalaga sa nakahihigit na halaga ng
minamahal ayon sa kaniyang esensiya.
Tumutubo ang minamahal at nagmamahal.
PAGTATAYA

A. Anong mahalagang konsepto ang


natutuhan mo sa modyul na ito?
B. Ano ang natuklasan mo sa iyong
sarili tungkol sa mataas na gamit ng
isip at tunguhin ng kilos-loob?

You might also like