You are on page 1of 26

7 Edukasyon

sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan-Modyul 5
Kalayaan
EsP7PT-IIe-7.1/EsP7PT-IIe-7.2
Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Kalayaan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang
akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark,
palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na
ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang
pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim : Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim : Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat : Emerita G. Maranan


Jennibeth M. Mendoza
Editor: : Lilibeth S. Echevarria
Tagasuri : Brenda ‘Lea A. Caranto, Ph. D.
Tagaguhit : Brenda ‘Lea A. Caranto, Ph. D.
Tagalapat : Emerita G. Maranan
Jennibeth M. Mendoza

Tagapamahala

Gregorio C. Quinto, Jr., EdD


Chief, Curriculum Implementation Division

Rainelda M. Blanco, PhD


Education Program Supervisor - LRMDS

Agnes R. Bernardo, PhD


EPS-Division ADM Coordinator

Joannarie C. Garcia
Librarian II

Printed in the Philippines by


Department of Education, Schools Division of Bulacan
Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph
7
Edukasyon
sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan-Modyul 5
Kalayaan
EsP7PT-IIe-7.1/EsP7PT-IIe-7.2
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 7 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling tungkol sa Kalayaan. Ang modyul na ito ay
pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at
pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang
makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto sa mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa
materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul.

Mga Tala para sa Guro


Ito’y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul ukol sa Kalayaan.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan


ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang
kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking
kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-
akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

1
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


Alamin
mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
Subukin
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
Balikan
aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
Tuklasin kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
Suriin kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
Pagyamanin iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit
ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
Isaisip maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
Isagawa kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

2
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat
Tayahin ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
Karagdagang Gawain
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


Susi sa Pagwawasto
mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na
ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa
iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

3
_Alamin
_ _ _ _ _

Ang modyul na ito ay naglalaman ng paksa ukol sa kalayaan.

Sa pagtatapos ng Modyul, inaasahang:


 Nakikilala ang mga indikasyon / palatandaan ng pagkakaroon o kawalan ng
kalayaan.
 Nasusuri kung nakikita sa mga gawi ng kabataan ang kalayaan.

_Subukin
_ _ _ _ _ _

Panuto: Basahin at unawain mabuti ang bawat sitwasyon at katanungan. Piliin ang
titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1-2. Inilalaan lamang ni Buboy ang kaniyang oras sa paglalaro. Wala siyang nais
gawin kundi ang makipaglaro sa kaniyang mga kaibigan. Ayon sa kaniya, ito ang
kaniyang paraan upang maipamalas ang mga angking kakayahan. Bagamat siya ay
pinagsasabihan ng kaniyang magulang ay sumasagot pa siya kahit wala sa katuwiran.

1. Mapanagutan ba ang paggamit ni Buboy ng kalayaan?


a. Oo, dahil nagagawa niya ang gusto niya.
b. Oo, dahil nakapaglalaro siya hanggat gusto niya.
c. Hindi, dahil bilang nagbibinata ay hindi lamang paglalaro ang
dapat niyang ginagawa.
d. Hindi, dahil ay dapat ay gumagala din siya.

2. Paano maipakikita ni Buboy ang mapanagutang paggamit ng kalayaan?


a. Maglaan lamang ng kaunting oras sa paglalaro kung tapos na ang ibang
gawain sa bahay at unahin ang mga gawaing pampaaralan.
b. Pagkatapos maglaro ay mag-aral.
c. Maglaan ng maraming oras sa paglalaro at mag-aral lang nang kaunti.
d. Huwag tumulong sa gawaing bahay at mag-aral.

3-5. Nagsinungaling si Annie sa kaniyang ina, sinabi niya na may proyekto silang
kailangan tapusin ng kaniyang mga kaklase upang siya ay makasama sa panonood
ng sine sa mga kaibigan. Habang paalis pa lamang ng bahay ay mabigat na ang
kaniyang kalooban dahil batid niyang masama ang kaniyang ginawa. Habang
nanonood na sila ng palabas ay hindi pa rin siya mapakali kung kaya’t
napagpasiyahan niyang umuwi na lamang kahit pa tawagin siyang “kill joy” ng mga

4
kaibigan. Pagdating sa bahay ay agad siyang umamin sa ina at humingi ng tawad,
sinabi din niya na hindi na niya ito uulitin.

3. Naging mapanagutan ba si Annie sa paggamit ng kaniyang kalayaan?


a. Oo, dahil bagamat nakagawa ng pagkakamali ay sinikap pa rin niya itong
maitama kahit pa alam niyang maaari siyang mapagalitan.
b. Oo, dahil ayaw naman niya ng palabas kaya siya napilitang umuwi.
c. Hindi, dahil dapat ipinagpatuloy na lamang niya ang palabas sapagkat
sayang ang ibinayad niya.
d. Hindi, dahil nagalit sa kaniya ang mga kaibigan.

4. Paano naipakita ni Annie ang mapanagutang paggamit ng kalayaan?


a. Ipinagpatuloy niya ang panonood ng sine dahil sayang ang kaniyang bayad.
b. Pinili niyang gawin ang tama sa pamamagitan nang pag-uwi sa bahay at
pag-amin sa ginawang kasalanan.
c.Ipinagpatuloy ang pagsisinungaling dahil hindi naman ito malalaman ng
kaniyang ina.
d. Nanood ng sine dahil dito siya masaya.

5. Kung ipinagpatuloy ni Annie ang panonood ng sine at pagsisinungaling, ito ba ay


mapanagutang paggamit ng kalayaan?
a. Hindi, dahil alam niyang mali ang magsinungaling kahit pa hindi malaman ng
kaniyang ina ang kaniyang ginawa.
b. Hindi, dahil hindi pa tapos ang kaniyang mga gawain.
c. Oo, dahil hindi naman ito malalaman ng kaniyang ina.
d. Oo, dahil masisiyahan naman siyang kasama ang mga kaibigan sa
panonood.

6. Ayon kay Fr. De Torre, ang tao ay walang kakayahang gawin palagi ang anomang
kaniyang naisin. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil hindi ganap ang tao.
b. Tama, dahil maraming bagay ang nais gawin ng tao subalit hindi niya
magawa ang mga ito dahil may mga batas na dapat isaalang-alang at sundin.
c. Mali, dahil taliwas ito sa tunay na kahulugan ng kalayaan.
d. Mali, dahil maaaring magawa ng tao ang anomang naisin niya ng walang
inaalala.

7. Ang kalayaan ng tao ay hindi lubos. Ang pangungusap ay nangangahulugang:


a. Magiging malaya lamang ang tao kung ang kaniyang ginawa ay kabutihan.
b. Ang kalayaan ng tao ay nagtatapos sa kaniyang paglabag sa likas na batas
moral.
c. Hindi ganap ang kalayaan ng tao, dahil hindi niya maaaring gawin ang lahat
ng kaniyang naisin.
d. Ang tao ay hindi tunay na malaya.

8. Ano ang nagbibigay direksyon sa kalayaan?


a. isip
b. kilos-loob
c. likas na batas moral
d. konsensiya

5
9. Bakit mahalagang hayaan ng magulang ang kaniyang anak sa paggawa ng
pagpapasiya para sa kaniyang sarili?
a. Ito ang magbibigay sa kanila ng mga karanasang maaari nilang gamiting
gabay sa mga isasagawang pagpapasya sa hinaharap.
b. Ang pagkakataong ibinibigay ng magulang ang magtuturo sa anak na
sumunod mula sa pag-unawa at pagmamahal at hindi sa pamimilit at takot.
c. Maiiwasan ang pagrerebelde ng isang anak dahil sa labis na pagnanais ng
magulang na magabayan ito patungo sa tamang landas.
d. Hindi dapat hayaan ng magulang ang anak na gumawa ng pagpapasiya.

10. Saan nakasalalay ang kalayaan ng tao?


a. isip
b. kilos-loob
c. konsensiya
d. likas na batas moral

Panuto: Tukuyin kung alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng mapanagutang


paggamit ng kalayaan. Lagyan ng tsek () kung ang pahayag ay nagpapakita ng
mapanagutang paggamit ng kalayaan at ekis (X) naman kung hindi. Isulat ang sagot
sa iyong papel.

11. Pagsasauli ng sobrang sukli.


12. Hindi pagbabalik ng napulot na wallet kahit alam mo kung sino ang may-ari.
13. Pagsunod sa patakaran ng paaralan.
14. Pagsunod sa nakalagay na babala sa karatula.
15. Paggawa ng mga ipinagbabawal.

_Balikan
_ _ _ _ _ _

Panuto: Hanapin at isulat sa iyong sagutang papel ang limang salita na may kinalaman
sa konsensiya at likas na batas moral.

6
_Tuklasin
_ _ _ _ _ _

Panuto: Basahin at unawain ang sitwasyon sa ibaba. Sagutan ang mga


kasunod na katanungan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Pinaniniwalaan sa mga kwentong bayan na kapag nakakita ka ng nagdadaang


bulalakaw o shooting star ay matutupad ang iyong kahilingan. Kung kaya’t ito rin ay
kilala sa tawag na wishing star. Halimbawa, nagkaroon ka ng pagkakataon na
makakita ng nagdadaang bulalakaw at bibigyang katuparan nito ang dalawa mong
kahilingan, ano ang iyong hihilingin?

1. Isulat ang iyong dalawang kahilingan.


a. ___________________________________________________________
b. ___________________________________________________________

2. Ibigay ang dahilan kung bakit ang mga ito ang hiniling mo.
a. ___________________________________________________________
b. ___________________________________________________________

3. Ang kahilingan mo ba ay matutupad kahit walang mahika o himala? Kung


oo, ano-ano ang iyong dapat gawin upang ito ay matupad.
a.____________________________________________________________
b.____________________________________________________________

4. Ano ang mga taglay mong kakayahan o katangian upang makamit mo ang
iyong mga minimithi?
a.____________________________________________________________
b.____________________________________________________________

5. Ano sa palagay mo ang maaaring maging hadlang sa pagkamit mo ng iyong


mga minimithi?
a.____________________________________________________________
b.____________________________________________________________

7
_ Suriin
_ _ _ _ _

Basahin at unawain mabuti ang sumusunod na babasahin.

KALAYAAN

May mga pagkakataon na may nais gawin ang tao subalit hindi maaari dahil sa
maraming dahilan tulad ng mga bagay na dapat isaalang-alang. Nangangahulugan
na hindi maaaring gawin ng tao palagi ang lahat ng kaniyang naisin. Gayun pa man,
sinasabing malaya pa rin ang tao sa kabila ng mga limitasyon at alituntunin na dapat
sundin at isaalang-alang. Kung gayon, ano nga ba ang kalayaan? Kailan ba
maituturing na malaya ang tao?

Ayon kay De Torre, ang tao ay walang kakayahan na palaging gawin anoman
ang kaniyang naisin. Hindi nais ng tao na magkasakit, tumanda at iwan ang mga
mahal nila sa buhay. Subalit, wala silang kalayaan na magawa ang mga ito. Ngunit
itinuturing pa rin na malaya ang tao sa kabila ng mga limitasyon dahil siya ay
pinagkalooban ng Diyos ng isip at kilos-loob. Dahil dito ay mayroon siyang kalayaan
na pumili at gumawa ng sariling pagpapasiya.

Ayon naman kay Santo Tomas de Aquino, ang kalayaan ay katangian ng kilos-
loob na itakda ng tao ang kaniyang kilos tungo sa kaniyang maaaring hantungan at
ang paraan upang makamit ito. Ibig sabihin, ang tao ay may kalayaan na gumawa at
magtakda ng desisyon o partikular na kilos para sa kaniyang sarili gamit ang kaniyang
isip at kilos-loob. Malaya ang tao na pumili ng desiyon na nais niyang gawin subalit
hindi niya kayang piliin ang kahihinatnan ng kaniyang pagpapasiya. Halimbawa, ang
isang mag-aaral ay maaaring magpasiya kung nais ba niya o hindi na sagutan ang
mga itinakdang gawain ng kaniyang guro sa kanilang modyul. Kung piliin niya na hindi
magsagot ng modyul at maglaro na lamang ng mobile legends ay siguradong bababa
ang kaniyang marka sa klase. Hindi maaari na mataas pa rin ang kaniyang marka sa
kabila ng katotohanan na puro laro lamang ang kaniyang ginagawa kahit pa ito ang
kaniyang nais. Nangangahulugan ito na ang kalayaan ay hindi lubos dahil ito ay may
limitasyon. Ang limitasyong ito ay itinatakda ng likas na batas moral. Bilang pagbibigay
linaw inihalintulad ni Sr. Felicidad C. Lipio ang kaugnayan ng kalayaan at likas na
batas moral sa kaugnayan ng dalampasigan at baybay dagat. Ayon sa kaniya ang
dalampasigan ay hindi lamang nagbibigay ng hugis sa dagat kundi naglilimita rin sa
hangganan nito. Kung gayon ang likas na batas moral tulad ng dalampasigan ay
nagbibigay direksyon at limitasyon sa kalayaan.

8
URI NG KALAYAAN

Mayroong dalawang uri ng kalayaan:

1. Panloob na Kalayaan – Ayon kay Santo Tomas de Aquino, nakasalalay sa kilos-


loob ang kalayaan ng tao. Samakatuwid, tinatawag na Panloob na Kalayaan kung ito
ay nagmumula sa loob mismo ng tao o sa kaniyang sarili. Tinuturing na Panloob na
Kalayaan ng kilos-loob ang:
a. kalayaang gumusto (freedom of exercise) – tumutukoy ito sa kalayaan ng
tao na magnais o hindi magnais.
b. kalayaang tumukoy (freedom of specification) – tumutukoy sa kalayaan ng
tao upang tukuyin ang kaniyang nais.

Halimbawa sa babalang ito, “Bawal Umihi Dito”.


Malaya ang tao na magnais o hindi magnais dahil sa
kaniyang kilos-loob, maaari niyang piliin na sundin o
hindi sundin ang nakalagay sa karatula. Kung pipiliin Bawal
niyang sundin ang babala ay malaya naman siyang
Umihi
tukuyin ang kaniyang nais bilang kapalit. Maaaring
humanap siya ng tamang lugar para matugunan ang Dito
kaniyang pangangailangan.

2. Panlabas na Kalayaan – Tumutukoy sa kalayaan na isakatuparan ang ninanais ng


kilos-loob. Maaaring maimpluwensyahan ng panlabas na salik ang kalayaang ito.
Halimbawa, ang isang mag-aaral ay malayang pumili ng kursong nais niyang kuhanin
sa kolehiyo. Subalit, ang kaniyang pagpili ay maaaring maapektuhan ng paghikayat
ng kaniyang magulang at mga kaibigan.

Binigyang kahulugan ni Esther Esteban (1990), ang konsepto ng kalayaan.


Ayon sa kaniya, ito ay nangangahulugan na ang isang tao ay mayroong kakayahan
na gawin ang nararapat upang makamit ang pinakamataas at pinakadakilang layunin
ng kaniyang pagkatao.

Ang kalayaan ng tao ay nakabatay sa Likas na Batas Moral. Ito ang nagtatakda
ng limitasyon ng kalayaan at ginagamit na batayan sa pagkilala ng mabuti. Ngunit
bakit nga ba pinagkalooban ng Diyos ang tao na maging malaya upang tanggapin o
suwayin ang Kaniyang batas? Ito ay katulad din sa dahilan kung bakit pinapayagan
ng isang magulang ang kaniyang anak na pumili at magpasiya para sa kaniyang sarili.

9
Nais ng Diyos at ng magulang na matututong sumunod ang tao at kanilang anak dahil
sa pag-unawa at pagmamahal, hindi napilitan lamang dahil sa takot.

Ito rin ang dahilan kung kaya’t ang kalayaan ng tao ay may kaakibat na
pananagutan. Tungkulin ng tao na maging mapanagutan sa kaniyang kilos at
pagpapasiya. Ngunit paano mo nga ba malalaman kung naging mapanagutan ka sa
paggamit ng iyong kalayaan? Narito ang ilang palantadaan ayon kay Esteban (1990):

1. Pagsasaalang-alang ng kabutihang pansarili (personal good) at


kabutihang panlahat (common good). Halimbawa, sa panahon ng pandemya, ikaw
ay isa sa naging biktima na tinamaan ng sakit. Wala pang natutuklasan na lunas para
sa kumakalat na sakit na ito kung kaya’t ang pamahalaan ay nagpasiya na
magsagawa ng pag-aaral upang makatuklas ng lunas. Sinabi ng pamahalaan na
sasagutin nila ang lahat ng magiging gastos at mga kakailanganin ng pasyente
kasama na ang pagkain at tirahan. Naglunsad din ng panukala na pagkakalooban ng
gantimpala ang sinomang makakatulong sa pagtuklas ng gamot. Dahil alam mong
walang kakayahan ang iyong pamilya na ipagamot ka ay naisipan mong
makipagsapalaran, hindi lamang para sa iyong sariling interes na gumaling mula sa
sakit kundi upang hindi na mag-alala ang iyong pamilya sa iyo at makabawas sa
kanilang mga intindihin. Samakatuwid, naisaalang-alang mo hindi lamang ang iyong
pansariling kabutihan kundi pati kabutihan ng iyong pamilya at lahat ng tao na
nagdurusa sa parehong sakit at pati na rin ang mga taong wala pa ng naturang sakit
dahil mababawasan ang kanilang pangamba sa oras na magkaroon na ng lunas.

2. Handa kang harapin ang kahihinatnan ng iyong kilos at pagpapasiya.


Ang bawat kilos at pagpapasiya na gagawin ng tao ay may katumbas na epekto hindi
lamang sa mga tao sa kaniyang paligid kung ‘di lalo’t higit sa kaniyang sarili. Kung
nakagawa ng pagkakamali ay hindi sapat na harapin lamang ang epekto nito, dapat
lamang na itama rin ang pagkakamaling nagawa.

3. Ang kilos o desisyon ay sang-ayon sa Likas na Batas Moral. Nakasaad


sa batas na ito ang dapat at hindi dapat gawin ng tao. Ito rin ang ginagamit na batayan
sa pagkilala ng kabutihang pansarili at kabutihang panlahat.

Ang tunay na kalayaan ay mapanagutan at makikita sa pamamagitan ng paggawa ng


mabuti.

10
_ Pagyamanin
_ _ _ _ _ _ _ _ _

GAWAIN 1
Punan ang mga speech balloon ng iyong dapat na isipin o gawin gamit ang
MAPANAGUTANG KALAYAAN.

Isasauli mo pa ba iyang
Alam mo kasi Jovy, ________
sobrang sukli, Angelo?.....Eh,
hindi mo naman kasalanang _________________________
nagkamali ang tindera. Kabait _________________________
mo naman! Nakakainis! _________________________.

Cris, wala naman ang nanay Naku, Joey ___________________


mo. Bakit uuwi ka kaagad? _____________________________
Dumaan muna tayo sa _____________________________
computer shop, maglaro muna _____________________________.
tayo ng dota!

11
Niño, ___________________________
Nakita mo akong nagcutting, Rolly? ________________________________
Huwag na huwag kang ________________________________
magsusumbong! ________________________________.

Alam mo kasi Joan, sinanay ako Tama ka diyan, Marita _________


ng nanay ko na maging laging _____________________________
maaga sa usapan. Paggalang _____________________________
daw kasi ito sa kausap. _____________________________
_____________________________.

12
GAWAIN 2
Batay sa iyong mga sagot sa Gawain 1, Isulat sa bawat patlang ang mga maaaring
dulot o epekto ng paggamit mo ng mapanagutang kalayaan.

______________

______________ KALAYAAN ______________

______________

GAWAIN 3
Panuto: Iguhit ang masayang mukha 😊 kung iyong namalas sa bawat sitwasyon ang
MAPANAGUTANG KALAYAAN at malungkot naman ☹ kung hindi .

______1. Ang mga frontliner ay kinakitaan ng tatag ng loob at pagiging


mapagmalasakit higit pa sa kanilang sinumpaang tungkulin.
______2. Kinakitaan ng pagiging masikap at paggalang si Rolly kung kaya inani niya
ang Best Employee award.
______3. Iniisip ni Aileen na siya ay malaya kung kaya’t hindi niya iniisip ang saloobin
ng iba kundi ang sarili lamang niyang ikasasaya.
______4. Naniniwala si Junior na mas mabuti na siya na lang ang manlinlang kaysa
siya ang maloko ng kapwa.
______5. Pagkatapos ng hayskul, minabuti ni Gerry na makisama sa mga itinuturing
na kaibigan dahil mas masaya sa piling ng mga ito kumpara sa sariling
pamilya.
______6. Maraming nahawa ng virus sa isang barangay dahil sa hindi pagsunod ng
mga residente dito.

13
______7. Dahil hindi na quarantine, hindi na nagsusuot ng face mask si Al kapag
lumalabas kahit alam niyang hindi pa tapos ang kaso ng CoVid 19.
______8. Masusi munang sinisiyasat ni Jaime ang mga naririnig niyang balita bago
ito paniwalaan at ibahagi sa iba.
______9. Kahit na hirap sa buhay, nananatili pa rin ang bukal sa loob na pagtulong
ni Betty sa iba sa abot ng kaniyang makakaya.
______10. Nananaig ang pagtitiyaga sa pagsasagot ng modyul ni Revie dahil alam
niyang bukod sa matututunan, ito ang kaniyang daan para sa mas maayos
na kinabukasan.

GAWAIN 4
Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulata ang sagot sa sagutang papel.

1. Kailan naipakikita ang tunay na kalayaan ng isang tao?

_____________________________________________________________________

2. Bakit mahalagang maunawaan ang pagkakaroon ng limitasyon sa paggamit


ng kalayaan?

_____________________________________________________________________

3. Ano ang maitutulong ng paghubog ng tamang pag-unawa sa tunay na


kahulugan ng kalayaan na nakaiimpluwensiya sa mga pagpapahalaga mo
bilang isang tinedyer ?

_____________________________________________________________________

4. Paanong nakapagpapalaya sa isang tao ang pagpili sa mabuti?


_____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

5. Sino-sino ang mga maaari mong makatuwang sa iyong paglinang ng iyong


paggamit ng mapanagutang kalayaan?
_____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

14
GAWAIN 5

Panuto: Piliin sa mga salitang nasa loob ng kahon ang tumutukoy sa bawat pahayag.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong papel.

a. panloob na kalayaan b. panlabas na kalayaan c. walang kalayaan

______1. Pinili ni Carlo bilang isang mamamayan ang magpahayag ng kaniyang


saloobin hinggil sa ipinatutupad na curfew sa kanilang lugar.
______2. Ang freedom of speech ng mga mamamahayag ay nakatutulong upang
malaman ng lahat ang katotohanan sa likod ng mga pangyayari sa bansa.
______3. Ang mga guro ay tumutupad sa kanilang tungkulin ayon sa sariling
pamamaraan ngunit may pagsunod sa tamang panuntunan.
______4. Dahil lahat ng kaibigan ay nagsisigarilyo, naingganyo na rin dito si Cleo
hanggang sa nakasanayan na niya ito.
______5. Namili si Mimi kung aling brand ng cellphone ang kaniyang oorderin sa
Shopee.
______6. Ang pagboto ay karapatan at lakas ng mga mamamayan na namamalas sa
tuwing sasapit ang panahon ng eleksiyon.
______7. Dahil sa hiya, hindi na lamang nagsalita si Mavic kahit alam niyang hindi
tama ang natanggap niyang sukli.
______8. Mas pinili ni Kaye ang paggamit ng modyul at Facebook Messenger upang
makaalinsabay sa kaniyang pag-aaral.
______9. Kung ano ang sabihin ng kaniyang kaibigan ay sumusunod na lamang si
Marco upang makaiwas sa pagtatalo.
______10. Bagaman uso ang pagsusugal sa lugar nila Lily, pinipili niyang umiwas dito.

15
Panuto: Isaisip
_ _ _ _ _ _

Buuin ang konsepto at gamiting gabay ang mga simbolo na nakapaloob dito.

Ang paggamit ng kalayaan ay may kaakibat na .

Hindi perpekto ang tao kung kaya’t din sa .

Subalit ang paggamit ng mapanagutang ang

magiging upang ang

sariling .

16
_Isagawa
_ _ _ _ _ _

Bumuo ng paglalagom sa paksang binasa tungkol sa kalayaan . Buuin ang mga


pangungusap sa pamamagitan ng pagdugtong ng mga salita o parirala na angkop sa
sariling karanasan. Gawin ito ng may pagninilay.

Mula sa aking natutunan, aking tatandaan na ______________________________

______________________________________________________________. Mula

ngayon, iiwasan ko __________________________________________

at babaguhin ko _____________________________________

_________________. Aking iingatan __________________

_____________________________ at tutularan

___________________________

____________.

_ Tayahin
Panuto:
_ _ _ _ _ _

Panuto: Basahin at unawain mabuti ang bawat sitwasyon at katanungan. Piliin ang
titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1-2. Inilalaan lamang ni Buboy ang kaniyang oras sa paglalaro. Wala siyang nais
gawin kundi ang makipaglaro sa kaniyang mga kaibigan. Ayon sa kaniya, ito ang
kaniyang paraan upang maipamalas ang mga angking kakayahan. Bagamat siya ay
pinagsasabihan ng kaniyang magulang ay sumasagot pa siya kahit wala sa katuwiran.

1. Mapanagutan ba ang paggamit ni Buboy ng kalayaan?


a. Oo, dahil nagagawa niya ang gusto niya.
b. Oo, dahil nakapaglalaro siya hanggat gusto niya.
c. Hindi, dahil bilang nagbibinata ay hindi lamang paglalaro ang
dapat niyang ginagawa.
d. Hindi, dahil ay dapat ay gumagala din siya.

17
2. Paano maipakikita ni Buboy ang mapanagutang paggamit ng kalayaan?
a. Maglaan lamang ng kaunting oras sa paglalaro kung tapos na ang ibang
gawain sa bahay at unahin ang mga gawaing pampaaralan.
b. Pagkatapos maglaro ay mag-aral.
c. Maglaan ng maraming oras sa paglalaro at mag-aral lang nang kaunti.
d. Huwag tumulong sa gawaing bahay at mag-aral.

3-5. Nagsinungaling si Annie sa kaniyang ina, sinabi niya na may proyekto silang
kailangan tapusin ng kaniyang mga kaklase upang siya ay makasama sa panonood
ng sine sa mga kaibigan. Habang paalis pa lamang ng bahay ay mabigat na ang
kaniyang kalooban dahil batid niyang masama ang kaniyang ginawa. Habang
nanonood na sila ng palabas ay hindi pa rin siya mapakali kung kaya’t
napagpasiyahan niyang umuwi na lamang kahit pa tawagin siyang “kill joy” ng mga
kaibigan. Pagdating sa bahay ay agad siyang umamin sa ina at humingi ng tawad,
sinabi din niya na hindi na niya ito uulitin.

3. Naging mapanagutan ba si Annie sa paggamit ng kaniyang kalayaan?


a. Oo, dahil bagamat nakagawa ng pagkakamali ay sinikap pa rin niya itong
maitama kahit pa alam niyang maaari siyang mapagalitan.
b. Oo, dahil ayaw naman niya ng palabas kaya siya napilitang umuwi.
c. Hindi, dahil dapat ipinagpatuloy na lamang niya ang palabas sapagkat
sayang ang ibinayad niya.
d. Hindi, dahil nagalit sa kaniya ang mga kaibigan.

4. Paano naipakita ni Annie ang mapanagutang paggamit ng kalayaan?


a. Ipinagpatuloy niya ang panonood ng sine dahil sayang ang kaniyang bayad.
b. Pinili niyang gawin ang tama sa pamamagitan nang pag-uwi sa bahay at
pag-amin sa ginawang kasalanan.
c.Ipinagpatuloy ang pagsisinungaling dahil hindi naman ito malalaman ng
kaniyang ina.
d. Nanood ng sine dahil dito siya masaya.

5. Kung ipinagpatuloy ni Annie ang panonood ng sine at pagsisinungaling, ito ba ay


mapanagutang paggamit ng kalayaan?
a. Hindi, dahil alam niyang mali ang magsinungaling kahit pa hindi malaman ng
kaniyang ina ang kaniyang ginawa.
b. Hindi, dahil hindi pa tapos ang kaniyang mga gawain.
c. Oo, dahil hindi naman ito malalaman ng kaniyang ina.
d. Oo, dahil masisiyahan naman siyang kasama ang mga kaibigan sa
panonood.

6. Ayon kay Fr. De Torre, ang tao ay walang kakayahang gawin palagi ang anomang
kaniyang naisin. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil hindi ganap ang tao.
b. Tama, dahil maraming bagay ang nais gawin ng tao subalit hindi niya
magawa ang mga ito dahil may mga batas na dapat isaalang-alang at sundin.
c. Mali, dahil taliwas ito sa tunay na kahulugan ng kalayaan.
d. Mali, dahil maaaring magawa ng tao ang anomang naisin niya ng walang
inaalala.

18
7. Ang kalayaan ng tao ay hindi lubos. Ang pangungusap ay nangangahulugang:
a. Magiging malaya lamang ang tao kung ang kaniyang ginawa ay kabutihan.
b. Ang kalayaan ng tao ay nagtatapos sa kaniyang paglabag sa likas na batas
moral.
c. Hindi ganap ang kalayaan ng tao, dahil hindi niya maaaring gawin ang lahat
ng kaniyang naisin.
d. Ang tao ay hindi tunay na malaya.

8. Ano ang nagbibigay direksyon sa kalayaan?


a. isip
b. kilos-loob
c. likas na batas moral
d. konsensiya

9. Bakit mahalagang hayaan ng magulang ang kaniyang anak sa paggawa ng


pagpapasiya para sa kaniyang sarili?
a. Ito ang magbibigay sa kanila ng mga karanasang maaari nilang gamiting
gabay sa mga isasagawang pagpapasya sa hinaharap.
b. Ang pagkakataong ibinibigay ng magulang ang magtuturo sa anak na
sumunod mula sa pag-unawa at pagmamahal at hindi sa pamimilit at takot.
c. Maiiwasan ang pagrerebelde ng isang anak dahil sa labis na pagnanais ng
magulang na magabayan ito patungo sa tamang landas.
d. Hindi dapat hayaan ng magulang ang anak na gumawa ng pagpapasiya.

10. Saan nakasalalay ang kalayaan ng tao?


a. isip
b. kilos-loob
c. konsensiya
d. likas na batas moral

Panuto: Tukuyin kung alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng mapanagutang


paggamit ng kalayaan. Lagyan ng tsek () kung ang pahayag ay nagpapakita ng
mapanagutang paggamit ng kalayaan at ekis (X) naman kung hindi. Isulat ang sagot
sa iyong papel.

11. Pagsasauli ng sobrang sukli.


12. Hindi pagbabalik ng napulot na wallet kahit alam mo kung sino ang may-ari.
13. Pagsunod sa patakaran ng paaralan.
14. Pagsunod sa nakalagay na babala sa karatula.
15. Paggawa ng mga ipinagbabawal.

19
_Karagdagang
_ _ _ _ _ _ _ _ _ Gawain
_ _ _ _ __

Basahin at unawain mabuti ang bible verse sa ibaba. Sagutan ang mga sumusunod
na tanong.

Galacia 5:13

“Mga kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit


huwag ninyong gamitin ang kalayaan ninyo para pagbigyan
ang mga pagnanasa ng laman. Sa halip, magmahalan kayo’t
magtulungan.”

Ano ang iyong pagkaunawa sa bible verse na iyong binasa?

Ayon dito, paano mo dapat gamitin ang iyong kalayaan?

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________.

Pamantayan sa Paggawa

Pamantayan Deskripsyon Kaukulang Puntos Nakuhang Puntos


Nilalaman Angkop ang 5
nilalaman sa paksa
Ideya Malinaw ang 5
paliwanag
Presentasyon Maayos at malinis 5
ang pagkakagawa
Kabuuan 15

20
21
Subukin Tuklasin
1. C 6. B 11.  Ang sagot ay maaaring magkaiba-iba.
2. A 7. C 12. X
3. A 8. C 13.  Pagyamanin
4. B 9. B 14.  Gawain 1
5. B 10. B 15. X Ang sagot ay maaaring magkaiba iba.
Balikan Gawain 2.
Ang sagot ay maaaring magkaiba iba sa Ang sagot ay maaaring magkaiba iba.
pagkakasunod-sunod.
ETERNAL KONSENSIYA Gawain 3
MORAL OBHETIBO 1. 2. 3. 4. 5.
LIKAS
6. 7. 8. 9. 10.
Gawain 4 Isagawa
Ang sagot ay maaaring magkaiba-iba Ang sagot ay maaaring magkaiba-iba.
Gawain 5
1. A 6. B Tayahin
2. B 7. C 1. C 6. B 11. 
3. B 8. A 2. A 7. C 12. X
4. C 9. C 3. A 8. C 13. 
5. A 10. A 4. B 9. B 14. 
Isaisip 5. B 10. B 15. X
responsibilidad nagkakamali
pagpapasiya susi Karagdagang Gawain
mapaunlad pagkatao Ang sagot ay maaaring magkaiba-iba.
_ _ _sa
_Susi _ _ _ _ _ _ _ _
_ _Pagwawasto
Sanggunian
DepEd Bureau of Secondary Education Curriculum Department Division, Edukasyon
sa Pagpapakatao 7, Modyul para sa Mag-aaral, Unang Edisyon (2012) pahina
149-150, DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600

22
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education, Schools Division of Bulacan
Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph

You might also like