You are on page 1of 21

7 Edukasyon

sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan
Gamit ng Isip at Kilos-Loob
EsP7PS-IIa-5.2
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Gamit ng Isip at Kilos-Loob
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na
ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Secretary : Leonor Magtolis
Briones Undersecretary : Diosdado
M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat : Elsie A. Eugenio


Editor: : Maricel N. Bautista
Tagasuri : E m i l i a na B. Esguerra
Tagaguhit : Els ie A. Eugenio
Dibuhista : Jocelyn M. Gamo

Tagapamahala

Gregorio C. Quinto, Jr., EdD


Chief, Curriculum Implementation Division

Rainelda M. Blanco, PhD


Education Program Supervisor – LRMDS

Agnes R. Bernardo, PhD


EPS-Division ADM Coordinator

Glenda S. Constantino
Project Development Officer II

Agnes R. Bernardo, PhD


EPS- Edukasyon sa Pagpapakatao

Joannarie C. Garcia
Librarian II

Department of Education, Schools Division of


Bulacan Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph
7
Edukasyon
sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan
Gamit ng Isip at Kilos-Loob
EsP7PS-IIa-5.2
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 7 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Gamit ng Isip at Kilos-Loob.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinananagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito’y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral
habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Gamit ng Isip at Kilos-Loob

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo aymaaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan
ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-
aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at
kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o
sa iyong mga kamay.

1
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong
Pagyamanin pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa
huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

2
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa
iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


Susi sa Pagwawasto
ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng
modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi
ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong
mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi
ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi: Kaya mo ito!

3
Alamin

Bawat indibidwal na nilikha ng Diyos ay pinagkalooban ng kakayahan at


kaalaman na magagamit sa pang-araw-araw na pagpapasya. Sa loob ng
isang araw maraming pagpapasya ang ating ginagawa, ngunit masasabi ba
natin na ang mga pagpapasya na ito ay nakabuti sa iyo at para sa lahat o
para lamang sa iyong sarili? Sa modyul na ito, ating aalamin at susuriin ang
mga pasya na gagawin gamit ang isip at kilos-loob. Handa ka na ba?

LAYUNIN:
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman,
kakayahan at pag-unawa.

❖ Nasusuri ang isang pasyang ginawa batay sa gamit at tunguhin ng Isip at Kilos-Loob.
(EsP7PS-lla-5.2)

Subukin

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang salitang


TAMA kung ang pagpapasyang ginawa ay nagpapakita ng wastong gamit ng
isip at kilos-loob at MALI kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel.

_____1. Pagsasauli sa gamit na hiniram.


_____2. Paggising nang maaga upang hindi mahuli sa klase
_____3. Paggawa ng takdang-aralin habang nagtuturo ang iyong guro sa klase.
_____4. Paninira sa kaklase sa pamamagitan ng paglikha ng mga kuwento na hindi
totoo upang makapaghiganti sa pambu-bully niya sa iyo.
_____5. Paghihiwalay ng bio-degradable sa non bio-degradable na basura sa inyong tahanan.
_____6. Pagtayo nang tuwid at pakikiisa sa pag-awit ng Lupang Hinirang sa inyong
Flag Ceremony.
_____7. Panonood ng mga malalaswang panoorin na hindi akma sa iyong edad.
_____8. Panlalamang sa iyong nakababatang kapatid pagdating sa gawaing bahay.
_____9. Pagsali sa mga patimpalak upang ipagyabang ang talento na iyong taglay.
_____10. Pag-amin sa kasalanan na ginawa at paghingi ng tawad sa taong nasaktan.
_____11. Pagtatakda ng oras para sa pag-aaral at paglilibang.
_____12. Pagpili ng kurso na nais sa kolehiyo batay sa iyong kakayahan at talento.
_____13. Pagsisinungaling upang pagtakpan ang pagkakamali na nagawa ng
kaibigan.
_____14. Pagtitipid ng tubig upang makabawas sa malaking konsumo nito at magamit ng iba.
_____15. Pagdo-donate ng mga damit na maliit na sa iyo sa mga taong nasalanta ng bagyo.

4
Balikan

Panuto: Tukuyin ang mga dapat isipin at gawin bilang pag-iingat upang hindi
lumaganap at lumala ang virus na dulot ng COVID-19. Piliin sa Hanay B ang mga
kilos na dapat gawin sa sitwasyon na nakasulat sa Hanay A. Isulat ang titik ng
tamang sagot at gawin ito sa inyong sagutang papel.

Hanay A Hanay B

1. Masama ang pakiramdam ni Rina, may


sinat siya at may sipon dulot ng pagkakabasa
A. Pagsusuot ng Facemask at
niya sa ulan. Ano ang kanyang dapat gawin
Faceshield
upang hindi mahawa ang iba pang mga
kasama sa bahay?

2. Pupunta sa palengke si nanay upang bumili


B. Paghuhugas ng kamay at
ng inyong pagkain, ano ang kanyang dapat
paglilinis ng katawan
isuot upang hindi siya makalanghap ng virus?

3.Nakauwi na si nanay galing sa palengke.


Ano ang hakbang na kanyang gagawin bago C. Pananatili sa loob ng tahanan
pumasok sa loob ng bahay?

4.Mahaba ang pila sa pagkuha ng ayuda, ano


ang dapat isaalang-alang upang maiwasan D. Self-Quarantine
ang pagkalat ng virus?

5. Upang hindi na dumami pa ang bilang ng E. Social Distancing


kaso ng Covid-19, ano ang dapat gawin ng
isang tinedyer na kagaya mo?

5
Tuklasin

Naranasan mo na bang gumawa ng isang pagpapasya? Ano-ano ang


iyong ginawa upang maging wasto ang iyong magiging pasya? Halina
at ating suriin ang pasya na ginawa ni Tanya sa kanyang sitwasyon.
Kung ikaw si Tanya ganoon din ba ang iyong gagawin?

Si Tanya Taranta
Maikling Kuwento ni: Elsie A. Eugenio

Tanya…isang malakas na tinig na tumawag sa kanyang pansin, sa kanyang paglingon


ay narinig niya ang katagang Tanya…Tanya Taranta sabay tawa ng malakas ng mga kaklase
niya. Malungkot na napayuko ang nanlulumong si Tanya at pumasok na sa kanilang silid.
Bakit nga ba siya binansagan na Tanya Taranta? Sa tuwing nagkakamali si Tanya sa
kanyang gawain ay kung ano-ano ang kanyang nagagawa. Minsan sa kanilang group project ay
natapon ni Tanya ang tubig sa visual aid na kanilang ginagawa sa sobrang taranta pinunasan
niya ito ng basahan na ginagamit nila sa pagbubura ng pisara kaya’t lalo itong nadumihan at
napunit. Nang marinig niya ang tinig ng kanyang guro ay naihagis niya ang basahan sa mukha
nito. Simula noon ay binansagan na siya na Tanya Taranta. Naging tampulan na siya ng tukso
at katuwaan ng mga kaklase, naisipan na rin niya na huwag na lamang pumasok sa paaralan
upang maiwasan sila.

6
Isang araw sa kanyang pag-uwi ay
may nabasa siyang isang islogan na
may nakasaad na “Sa bawat kilos na
gagawin, isipin itong mabuti upang sa huli
ay di magsisi”. Hindi na mawaglit sa
kanyang isipan ang islogan na nabasa
kaya naman sa kanyang pag-uwi ay
kumuha siya ng papel at naglista ng
mga paraan na kanyang dapat gawin
upang hindi mataranta. Araw-araw ay
isa-isa niyang ginagamit ang mga ito
upang masanay siya na makagawa ng
tamang pasya at makaiwas sa paggawa ng mali.

Isang araw, habang gumagawa sila ng visual aid sa kanilang group project, natapunan ito
ng tubig ng kanyang kaklase. Agad kumuha si Tanya ng malinis na basahan at dahan-
dahan itong pinunasan. Dinala niya ito sa labas upang maarawan at madaling matuyo.
Humanga ang kanyang mga kaklase sa kilos na kanyang ipinakita, nagtaka sila sapagkat
ang Tanya Taranta na kanilang kilala ay mabilis ng kumilos at umisip ng paraan paano
masosolusyunan ang isang suilranin. “Tanya, ang galing mo, napaka wais ng iyong ginawa”.
Tuwang-tuwa si Tanya sa kanyang narining sapagkat hindi na niya narining pa ang salitang
taranta sa pagtawag sa kanya. Simula sa araw na iyon hanggang ngayon, siya na si Tanya
na Wais.

Mga Gabay na Katanungan: Sagutan ito sa inyong sagutang papel.

1. Bakit binansagan si Tanya na ‘Tanya Taranta’?


2. Ano ang kanyang ginawa upang mabago niya ang kanyang paraan sa pagpapasya?
3. Masasabi mo ba na tama ang mga hakbang na kanyang ginawa? Bakit?
4. Kung ikaw si Tanya, ganoon din ba ang iyong gagawin upang mabago mo ang paraan
mo sa pagpapasya? Ipaliwanag ang iyong sagot.
5. Naranasan mo na ba na gumawa nang padalos-dalos na pagpapasya? Ano ang
6. naging bunga nito sa iyo?

7
Suriin

Basahin ang mga sumusunod na aralin na makatutulong sa iyo upang makapagsuri


at makabuo ng wastong pasya gamit ang isip at kilos-loob.

Narinig mo na ba ang katagang “Think


before you click” o ang katagang “Nasa huli ang
pagsisisi”? Nagawa mo na bang bilangin ilang
beses ka gumagawa ng pagpapasya sa loob ng
isang araw? Sa loob ng isang araw tiyak na ikaw
ay dumadaan sa ilang proseso ng pagpapasya
gaya ng kung gigising nang maaga upang
maihanda ang sarili sa pagpasok, kakain bago
maligo, sasakay o maglalakad papuntang
paaralan, gagawa ng takdang-aralin o hindi at
marami pang iba.
Sa mga pagpapasya na iyong ginawa alin sa mga ito ang sa tingin mo ay nalapatan mo
ng wastong gamit ng isip at kilos-loob? Ano-ano ang mga bagay na isinaalang-alang mo upang
ang iyong pasya ay magdudulot ng kabutihan sa iyong sarili at sa ibang tao?
Sa iyong gulang ngayon na nasa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata, maraming
hamon at pagbabago na nagaganap sa iyong sarili, kabilang na rito ang paggawa ng wastong
pagpapasya at pagtanggap sa resulta nito at paano ito kakaharapin. Sa pagkakataon na ito,
paano mo hinaharap ang mga hamon na ito, masasabi mo ba na may sapat kang kaalaman at
kakayahan upang makagawa ng isang pagpapasya?
Sa naunang modyul na iyong nabasa sa Ikalawang Markahan binanggit dito ang
wastong gamit ng isip at kilos-loob at ang kanilang mga kakayahan. Bawat tao na nilikha ng
Diyos ay biniyayaan ng kaalaman at kakayahan na gumawa ng wastong pagpapasya sa
pagharap sa kanilang buhay.
Suriin natin ang ginawang pagpapasya ni Tanya Taranta na ngayon ay tinaguriang ang
Wais na si Tanya sa kanyang kinaharap na suliranin. Gamitin nating gabay ang mga sumusunod
na hakbang sa pagpapasya mula sa panulat ni Amy Morin na pinamagatang Steps to Good
Decision Making Skills for Teens.

Una, Alamin o Kilalanin ang


suliranin na gagawan ng pasya. Mahalaga
na malaman mo kung ano ang gagawin mong
pagpapasya. Sa kuwento ni Tanya, tinanong
niya ang kanyang sarili bakit nga ba siya
binansagan na Tanya Taranta. Binalikan niya
ang pangyayari sa kanya simula sa araw na
siya ay binansagan na Tanya Taranta.
Naaapektuhan na ang kanyang sarili sa
nangyayari kaya nagbalik- tanaw siya at
inaalam ang ugat ng sitwasyon

8
Pangalawa, Pag-aralan mabuti ang magiging
sanhi at bunga ng gagawing pagpapasya. Mahalaga na
bago mo isagawa ang pasya na iyong gagawin ay nakita mo
na ano ang epekto na maaaring maidulot nito, sa ganitong
sitwasyon maaari ka pang umisip ng ibang paraan para mas
maging maayos at malinaw ang gagawin mong pagpapasya.
Halimbawa sa pagsasagot mo ng modules, pag-aralan
mabuti ano ang magiging epekto sa iyo kung sasagutan mo
ito sa oras na malapit na ang pasahan o susundin mo ang
iskedyul na nakasulat sa WHLP na ibinigay sa iyo ng iyong
guro. Ilahad ang magiging sanhi at bunga ng dalawang
pagpipilan.

Pangatlo, Gumawa ng plano para sa gagawing


pagpapasya. Balikan natin ang kuwento ni Tanya. Mula
sa islogan na kanyang nabasa nagkaroon siya ng
pagpaplano sa kanyang sarili. Gumawa siya ng listahan na
maaari niyang maging gabay sa mga sitwasyon na
kinakailangan ng madalian at maagap na pagpapasiya.
Simula sa mga gabay na iyon ay inilapat niya ito sa
kanyang pang araw-araw na gawain hanggang maging
bahagi na ito ng kanyang pagkatao. At napatunayan niya
na epektibo ito sapagkat nang maulit muli ang sitwasyon
kung saan siya ay binansagan na Tanya Taranta nagawa
niyang magpasya nang maaayos at mabilis sa
pagkakataon na iyon at mula noon nabago na ang
katawagan sa kanya mula sa Tanya Taranta ay ang Wais
na si Tanya ang naging kapalit.

Kaya mo bang gawin ang mga hakbang na nabanggit upang magkaroon ng wasto at
tamang pagpapasya? Sabi nga ni Fr. Neil Sevilla, pari sa isang parokya ng Bulacan, “Simula ng
magkaroon ng isip ang tao hanggang sa kanyang kamatayan, nagsasagawa siya ng
pagpapasya.” Walang madali o mahirap na pagpapasya sapagkat sa bawat pagpili, ito ay may
kaakibat na kapalit. Siguraduhin lamang na handa kang tanggapin ang mga ito sapagkat ito ay
bahagi ng proseso sa napili mong pasya.
Nawa ay nakatulong ang mga hakbang na ito upang mas mapalawak mo pa ang iyong
kaalaman sa pagpapasya. Walang desisyon na magiging palpak o hindi maganda kung ang
bawat detalye nito ay napag-aralan nang wasto at naisakatuparan ng may malayang pagkilos
at paggalaw. Magtiwala sa sarili at sa kakayahan at kaalaman na iyong taglay.

9
Pagyamanin

Pangisahang Gawain bilang 1: Usapang Wais

Panuto: Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon. Tukuyin kung ano ang
pasya na dapat isaalang-alang mula sa hakbang na isinulat ni Amy Morin.
Gawin ito sa sagutang papel.

B. Alamin o kilalanin ang B. Pag-aralang mabuti ang magiging


suliranin na gagawan ng pasya sanhi at bunga ng gagawing pagpapasya

C. Gumawa ng plano para sa


gagawing pagpapasya.

_____ 1. Nais ni Carlo na bumili ng bagong cellphone kahit maayos at nagagamit pa niya ang
luma niyang cellphone dahil ayaw niyang magpahuli sa uso.
_____ 2. Maraming takdang-aralin na gagawin si Liza sa araw na iyon at hindi niya alam ano
ang uunahin. Ano ang dapat niyang gawin?
_____ 3. Gusto ni Sandra na matapos na ang pagsasagot niya sa modules sa kabila na siya ay
nakakaramdam na ng pagod at gutom. Matatapos niya kaya ito nang maayos sa
kabila ng kanyang nararamdaman?
_____ 4. Malapit na ang final exam ni Leo, kinakabahan siya sapagkat hindi niya alam kung ano
ang uunahin na aaralin. Ano ang maipapayo natin kay Leo?
______5.Tapos ng kumain ng tanghalian si Angela, nakita niya ang kanyang nakababatang
kapatid na sinusulatan ang sinagutan niyang papel sa modules. Ano ang sa tingin mo
na dapat gawin ni Angela sa sitwasyon na ito?
_____ 6. Malapit na ang Pasko at excited si Marco na buksan na ang kanyang alkansiya para
sa kanyang mga bibilhin. Ano ang dapat niyang gawin upang magamit niya ang
perang naipon sa mas kapaki-pakinabang na bagay?
_____ 7. Sabik na si Lita na makita ang kanyang lola na nawalay sa kanya sanhi ng matagal na
lockdown. Gusto niya itong puntahan ngunit hindi pa siya maaaring lumabas dahil sa
kanyang murang edad. Ano ang maaari mong maipayo sa kanya upang mabalanse
niya ang gagawin niyang pagpapasya?
_____ 8. Nakita ni Amaya si Juanito na kumokopya ng sagot sa kanyang katabi sa kanilang
pagsusulit. Matalik niyang kaibigan ito at ayaw niyang masira ang kanilang
pagkakaibigan kung isusumbong niya ito sa guro. Ano ang tamang pasya na dapat
gawin ni Amaya sa sitwasyon na ito?
_____ 9. Nagkayayaan ang magkakapatid na sina Zandro, Alora at Nico na ipagluto ng masarap
na pagkain ang kanilang ina na galing sa trabaho. Nagtatalo-talo ang tatlo sa kung
anong ulam ang kanilang iliuluto. Sa ganitong sitwasyon ano ang iyong maipapayo sa
magkakapatid upang magawa nila ang kanilang nais?
_____10. Malapit na ang botohan ng mga class officers sa inyong klase. May napili ka ng
kandidato para dito, ngunit sinabihan ka ng iyong kaibigan kung sino-sino ang dapat
mong iboto. Ano ang iyong gagawin sa sitwasyon na ito?

10
Pangisahang Pagsusulit bilang 1: Tama o Mali

Panuto: Isulat sa patlang bago ang bilang ang salitang Tama kung ang pahayag ay
nagpapakita ng wastong gamit ng isip at kilos-loob sa pagpapasya at ang salitang
Hindi kung hindi ito ginamit ng wasto. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

_____1. Nakita ni Jose na nahulog ang wallet ng ale habang pababa ito sa jeep na kanilang
sinasakyan, agad niya itong pinulot at isinauli sa may ari.

_____2. Nagkaroon ng extension period ang pagpapasa ng inyong modules sa kadahilanan na


may paparating na bagyo, agad mong kinuha ang iyong cellphone naglaro buong
maghapon.

_____3. Malapit na ang Pasko kaya naisipan mo na mag-ipon para sa damit na nais mong
isuot. Nagkasakit ang iyong ina at kilangan nito ng pambili ng gamot, agad mong
binutas ang iyong alaknsiya at inabot ang perang naipon sa iyong ama upang makabili
ng gamot para sa iyong ina.

_____4. Nahuli ka sa pagpapasa ng iyong takdang aralin sa online class dahil mahina ang
signal ng inyong Internet, hinayaan mo na lamang ito at hindi na nagpasa pa ng
gawain.

_____5. Na hack ang account ng iyong kaibigan sa social media dahil sa mga kakaibang
larawan na lumalabas, agad mong tinawagan ag iyong kaibigan upang nakaiwas siya
sa kahihiyan na maaaring idulot nito.

Pangisahang Gawain bilang 2: Deal or No Deal?

Panuto: Sa gawain na ito piliin ang numero ng briefcase na nagpapakita ng tamang


pagpapasya sa mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_____ 1. May online class kayo sa inyong guro sa EsP sa ganap na ika-8:00 ng umaga. Nagising
ka ng 7:30 ng umaga. Ano ang iyong gagawin upang makasali ka nang hindi ka
mahuhuli?

_____ 2. Pasahan na ng modules bukas at hindi ka pa tapos. Ano ang hakbang na gagawin
upang matapos agad?

_____ 3. Ang modules na iyong natanggap ay kulang at hindi akma sa asignatura na


binanggit ng iyong guro. Ano ang iyong gagawin?

_____ 4. Nabagsak ang cellphone ng iyong ate habang ikaw ay naka-online class, nagkaroon
ito ng crack ngunit gumagana pa rin. Kabilin-bilinan sayo ng ate mo na ingatan ito.
Ano ang iyong gagawin?

_____ 5. Namali ka ng pagsesend ng mensahe sa inyong GC, ipapasa mo sana ito


sa iyong kaklase ngunit naipasa mo ito sa GC ng inyong klase. Ano ang
iyong gagawin?

11
Bibilisan ang kilos Sasabihin sa Ate ang Gagawa ng plano upang
upang makasali sa nangyari at hihingi ng mapabilis ang paggawa
onlie class. tawad. at matapos agad

Sasabihin sa guro na
Hihingi ng paumanhin sa Sasabihin sa guro ang
mahina ang signal kaya
GC at buburahin agad nangyari upang
hindi nakasali sa online
ang mensahe. mapalitan ang modules.
class.

Pangisahang Pagsusulit bilang 2: Kaya mo na ba?

Panuto: Basahin ang kuwento. Ilagay ang iyong sarili sa sitwasyon at pagsunud-dunurin
ang mga paraan sa gagawing pagpapasya gamit ang bilang 1-5. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

“Module Legend”

Umpisa ng mahabang araw para sa pagbabasa at pagsasagot ng modules sa iba’t-ibang


asignatura. Kung ihahalintulad ito sa sikat na online game na Mobile Legend marahil ay
parehong oras din ang ilalaan mo sa pakikipaglaban upang makamit mo ang minimithing
tagumpay at premyo na makukuha mula rito. Pero sa pagkakataon na ito kakaibang pakikibaka,
kakaibang pakikipaglaban, kakaibang karanasan na tiyak na magiging makasaysayan para sa
lahat. “Welcome to Module Legend”.

Maaga pa lang ay gising na si Carlo para ihanda ang sarili sa pakikipagbuno niya sa
kanyang mga modules, idagdag pa ang mga gawaing bahay, pag-aalaga sa nakababatang
kapatid at pagpapakain sa mga alagang hayop. Minsan ay inaabot na din siya ng init ng ulo lalo
na at di alam ano ang dapat unahin. Malimit niyang nasisigawan ang nakababatang kapatid at
naibubunton ang galit sa mga hayop lalo na at nakikipagsabayan ang hina ng signal sa kanilang
online class. Nalilipasan na din siya ng gutom sapa pagsasagot ng modules dahil sa kagustuhan
na matapos na ito agad. Isang malaking buntong hininga na lamang ang kanyang nagagawa
kapag siya ay nakakaramdam na ng pagod.

12
Kung ikaw si Carlo, ano-ano ang mga hakbang na iyong gagawin upang magawa mo ng
maayos ang iyong mga gawaing bahay at makapgsagot ka ng may kapayapaan ng isip sa iyong
mga modules.

_____ a. Unahin ang mahirap na subject lalo na at gumagana ang iyong kaisipan sa pagsagot
ng modules.
_____ b. Maligo at kumain bago umpisahan ang pagsasagot ng modules.
_____ c. Gumawa ng plano o time management chart para sa mga gawain sa buong linggo.
_____ d. Ihuli ang madaling asignatura para sa iyo.
_____ e. Makipaglaro sa kapatid sa libreng oras at pakainin ang mga alagang hayop.

Nagawa mo ba? Binabati kita! Sa pagkakataong ito hindi mo babanggitin ang salitang
“Initiate Retreat” “Request for Back Up!” para tingnan ang sagot sa Susi sa Pagwawasto
dahil sa pagkakataong ito naka “First Blood” ka, at kung magagawa mo ito palagi at magiging
parte ng iyong pang araaw-araw na gawi sigurdo na ang tagumpay mo sa entablado.

Pangisahang Gawain bilang 3 :

Panuto: Kompletuhin ang sumusunod na pahayag na tumutukoy sa mga hakbang sa


paggawa ng wastong pagpapasya ayon kay Amy Morin. Sagutan ito sa inyong
sagutang papel.

Nararapat lamang na alamin o _______________ ang suliranin na


gagawan ng pasya. Pag-aralan ____________ ang magiging
______________ at _____________ nito bago ilapat ang napiling
pasya. At sa huli, gumawa ng __________ paano ito isasagawa upang
magabayan ng wasto sa iyong mga gagawin.

Pangisahang Pagsusulit bilang 3 : Isa Pa!

Panuto: Ayusin ang mga letra upang makuha ang hinihinging salita ng bawat
pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Sa paggawa ng isang ______________, gamitin ang _____________ at ______ -


GPAPAYSAPA PIIS LKOIS
_______ upang maging wasto ang pipiliin at sa huli makaiwas sa anumag pagsisisi.
BOOL
Gamiting sandata ang kakayan at talento upang magandang ________ ay makamit at
mamuhay ng may mabuting kalooban. AHBYU

13
Isaisip
Ang Digital Literacy ay isang makabagong pamamaraan ng
pagkakaroon ng kaalaman, karagdagang kaalaman at impormasyon gamit ang
teknolohiya. Sa isang nagdadalaga at nagbibinata na kagaya mo, paano mo
gagamitin sa wasto ang iyong kaalaman sa makabagong teknolohiya. Gamit ang
katagang “Think before you Click”. Ilahad ang sariling pakahulugan sa
katagang ito at kung paano ka magiging responsable sa paggamit nito na hindi
bababa sa apat hanggang limang pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

Isagawa

Panuto: Tapusin ang mga sumusunod na pahayag batay sa sariling pananaw.


Isulat ang iyong sagot sa journal notebook.

1. Ang paggawa ng plano bago isagawa ang isang pagpapasya ay makatutulong upang
___________________________________________________________________.

2. Mahalaga na malaman mo ang magiging sanhi at bunga ng iyong pasya upang


___________________________________________________________________.

3. Nararapat lamang na malaman o makilala muna kung ano ang suliranin na gagawan ng
pasya upang ________________________________________________________.

4. Ang katagang Think before you click ay nangagahulugan na __________________


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Tayahin
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang salitang TAMA
kung ang pagpapasyang ginawa ay nagpapakita ng wastong gamit ng isip at
kilos-loob at MALI kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel.

_____1. Pagtitipid ng tubig upang makabawas sa malaking konsumo nito at magamit ng


iba.
_____2. Pagtayo nang tuwid at pakikiisa sa pag-awit ng Lupang Hinirang sa inyong
Flag Ceremony.
_____3. Paggising nang maaga upang hindi mahuli sa klase
_____4. Paninira sa kaklase sa pamamagitan ng paglikha ng mga kuwento na hindi totoo
upang makapaghiganti sa pambu-bully niya sa iyo.
_____5. Pagpili ng kurso na nais sa kolehiyo batay sa iyong kakayahan at talento.

14
_____6. Paggawa ng takdang-aralin habang nagtuturo ang iyong guro sa klase.
_____7. Pagsisinungaling upang pagtakpan ang pagkakamali na nagawa ng kaibigan.
_____8. Pag-amin sa kasalanan na ginawa at paghingi ng tawad sa taong nasaktan.
_____9. Pagsali sa mga patimpalak upang ipagyabang ang talento na iyong taglay.
_____10. Panlalamang sa iyong nakababatang kapatid pagdating sa gawaing bahay.
_____11. Pagtatakda ng oras para sa pag-aaral at paglilibang.
_____12.Paghihiwalay ng bio-degradable sa non bio-degradable na basura sa inyong tahanan.
_____13. Panonood ng mga malalaswang panoorin na hindi akma sa iyong edad.
_____ 14. Pagsasauli sa gamit na hiniram.
_____15. Pagdo-donate ng mga damit na maliit na sa iyo sa mga taong nasalanta ng bagyo.

Karagdagang Gawain
Panuto: Gumawa ng sariling hakbang na magiging gabay mo sa paggawa ng
wastong pagpapasya gamit ang isip at kilos-loob. Isulat ito sa iyong sagutang
papel.

Pagbati!

Mahusay! Binabati kita sa pagtatapos sa paksang ito. Nawa ay


nakatulong sa iyo ang aralin na ito upang magamit nang wasto
ang isip at kilos-loob na ipinagkaloob sa atin. Gamitin ang mga
hakbang na iyong ginawa at ilapat ito sa iyong pang-araw-araw na
pamumuhay upang maging bahagi ng iyong pagkatao. Handa ka
na ngayon sa susunod na modyul.

15
16
Subukin Tayahin
1. Tama 11. Tama 1. Tama 11. Tama
2. Tama 12. Tama 2. Tama 12. Tama
3. Mali 13. Mali 3. Tama 13. Mali
4. Mali 14. Tama 4. Mali 14. Tama
5. Tama 15. Tama 5. Tama 15. Tama
6. Tama 6. Mali
7. Mali 7. Mali
8. Mali 8. Tama
9. Mali 9. Mali
10.Tama 10. Mali
Pagyamanin
Pangisahang Gawain bilang 1:Usapang Wais Pangisahang Pagsusulit bilang 1
1. A 6. A 11. Tama
2. C 7. B 12. Mali
3. B 8. A 13. Tama
4. C 9. B 14. Mali
5. B 10. A 15. Tama
Pangisahang Gawain bilang 2:Deal or No Deal Pangisahang Pagsusulit bilang 2
1. 22 a. 3
2. 10 b. 2
3. 25 c. 1
4. 21 d. 4
5. 16 e. 5
Pangisahang Gawain bilang 3: Isa Pa! Pangisahang Pagsusulit bilang 3
Kilalamin PAGPAPASYA
Mabuti ISIP
Sanhi at Bunga KILOS-LOOB
Plano BUHAY
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Deped Burea of Secondary Education Curriculum Development Division, Edukasyon sa


Pagpapakatao 7, Modyul oara sa Mag-aaral, Unang Edisyon (2012) pahina 112-
113, DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600

Department of Education, Curriculum and Instruction Strand, Most Essential Learning


Competencies

17
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education, Schools Division of Bulacan


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email Address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph

18

You might also like