You are on page 1of 24

10

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Konsepto at Konteksto ng
Kontemporaryong Isyu
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Konsepto at Konteksto ng Kontemporaryong Isyu
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Joel Patron Andres Jr; Shane Cawag
Editor: Racquel O Regidor
Tagasuri: Judith B. Alba
Tagaguhit: Patrick Ebuetada
Tagalapat: Edward Ryan Gulam; Maylene Grigana
Cover Art Designer: Reggie D. Galindez
Management Team: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Gildo G. Mosqueda, CEO VI - Schools Division Superintendent
Diosdado F. Ablanido, CPA - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Johnny Sumugat – REPS, Araling Panlipunan
Donna S. Panes, PhD CID Chief
Elizabeth G. Torres – EPS, LRMS
Judith B. Alba – EPS, ADM Coordinator
Judith B. Alba – EPS, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
10

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Konsepto at Konteksto ng
Kontemporaryong Isyu
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Konsepto at Konteksto ng
Kontemporaryong Isyu.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol sa Konsepto at Konteksto ng Kontemporaryong Isyu.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


Alamin
mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


Subukin
ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


Balikan
matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


Tuklasin
sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


Suriin
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


Pagyamanin
pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit
ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

iii
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan
Isaisip
ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa
Isagawa
iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat
Tayahin
ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Karagdagang Gawain
panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
Susi sa Pagwawasto
mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Subukan mong ilarawan ang nangyayari sa iyong paligid. Ano-anong mga


suliranin ang iyong nakikita? Paano ito nakaaapekto sa iyong pamumuhay? Paano
tinutugunan ng inyong komunidad ang mga nabanggit na isyu at suliranin?

Sa panimulang aralin na ito ay mauunawaan mo ang mga pangyayari, ideya


o paksa sa kahit na anong larangang may kaugnayan sa kasalukuyang panahon.
Mahalagang maunawaan mo ito upang ikaw ay maging bahagi ng mga pagkilos at
pagtugon sa mga isyu at hamong kinakaharap ng ating lipunan. Bilang isang mag-
aaral at kabahagi ng lipunang iyong ginagalawan inaasahang masasagot mo ang
tanong na: Paano ka makatutulong sa pagtugon sa iba’t ibang isyu na ating
kinakaharap sa kasalukuyan? Halina at maligayang paglalakbay sa makulay na
daigdig ng Kontemporaryong Isyu at nawa’y maging instrumento ka sa pagsulong at
pag-unlad ng bansa.

Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin, ito ay ang mga:

• Aralin 1- Konsepto ng Kontemporaryong Isyu


• Aralin 2- Iba’t ibang uri ng Kontemporaryong Isyu
• Aralin 3- Kahalagahan ng pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. Naipaliliwanag ang konsepto at kabuuang nilalaman ng mga
Kontemporaryong Isyu.
2. Napapahalagahan ang pag-aaral ng mga Kontemporaryong Isyu at ang
mga epekto nito sa ating lipunan, bansa, at daigdig.
3. Naisasagawa ang pagtukoy sa mga “Kontemporaryong Isyu” na
kinakaharap at nararanasan ng bawat isa sa pang-araw-araw na
pamumuhay

5
Subukin

Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang
lawak ng iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin. Bigyang-pansin ang
mga tanong na hindi masasagutan ng wasto at alamin ang sagot nito sa iba’t ibang
aralin sa modyul na ito.
1. Ito ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang
organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.

a. lipunan
b. bansa
c. komunidad
d. organisasyon

2. Ito ay isang pampublikong bagay na may kaugnay sa krisis o suliranin sa mga


institusyong panlipunan. Mga suliranin ito na nakakaapekto hindi lamang sa
isang tao kundi sa lipunan sa kabuuan.

a. Isyung Personal
b. Isyung Panlipunan
c. Isyung Ekonomiko
d. Isyung Sibiko

3. Ito ay isyung tumutukoy sa paglala ng mga natural na kaganapan tulad ng


pagkakaroon ng malalakas na bagyo, pagguho ng lupa, at malawakang
pagbaha.

a. Isyung Medikal
b. Isyung Pangkapaligiran
c. Isyung Pangkalusugan
d. Isyung Pang Ekonomiko

4. Ito ay tumutukoy sa patuloy na pag-init ng daigdig o global warming dahil sa


mataas na antas ng konsentrasyon ng carbon dioxide na naiipon sa
atmosphere.

a. Deforestation
b. Illegal logging
c. Climate Change
d. Natural Calamity

5. Ito ang pinaka bagong uri ng corona virus na pinaniniwalaang naggaling sa


Wuhan, China.

6
a. MERS
b. SARS
c. FLU
d. COVID19

6. Ito ay tumutukoy sa mga isyu tulad ng globalisasyon, isyu sa paggawa at


migrasyon

a. Isyung Pang-ekonomiya
b. Isyung Pangkalakalan
c. Isyung Pangkalusugan
d. Isyung Pangkapaligiran

7. Ito ay ang anumang pag-uuri, eksklusiyon o restriksiyon batay sa kasarian na


naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng
mga babae ng kanilang mga karapatan o kalayaan.

a. pang-aabuso
b. pagsasamantala
c. diskriminasyon
d. pananakit

8. Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng kamalayan sa Kontemporaryong


Isyu sa Lipunan at Daigdig?

a. Ito ay nakatutulong sa paglinang ng kritikal at malawakang


kaisipan.
b. Bukod sa kaisipan, pinapalawak din ng Kontemporaryong Isyu
ang koneksiyon ng "sarili" sa lipunan
c. Mapabubuti ang pagbuo ng mga desisyon sapagkat naaangkop
ang kaalaman sa kasalukuyan.
d. Lahat ng nabanggit

9. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapamalas ng halimbawa ng


Kontemporaryong Isyu?

a. Pagbabawal sa pamamasada ng mga tricycle at jeepney


b. Kontraktwalisasyon sa mga kawani ng ABS CBN
c. Bayanihan to heal as one Act
d. Ang pagdaong ni Gen. Mc Arthur sa Leyte

7
10. Ang lahat ay nagpapakita kung paano masasabi na ang isang pangyayari o
suliranin ay isang Kontemporaryong Isyu. Maliban sa isa.

a. may epektong hindi kawili-wili sa mga tao at lipunan


b. may malinaw na halaga sa lipunan o sa mga mamamayan
c. may matinding impluwensya sa takbo ng kasalukuyang panahon
d. may mga temang napag-uusapan at may positibong
impluwensya sa lipunan

Natapos mo ang unang pagsubok sa araling ito. Huwag kang mag-alala kung
tama man o mali ang iyong naging kasagutan. Sa pagpapatuloy mo sa pag aaral ng
paksang ito mapagtitibay mo ang iyong tamang sagot at maiwawasto ang maling
konseptong nabuo.

8
Aralin
Konsepto ng
1 Kontemporaryong Isyu

Ang salitang ‘’kontemporaryo’’ ay ginagamit sa iba’t-ibang konteksto at


konsepto. Ito ay nagbibigay katangian sa panahon mula sa pagitan ng ika-20
dantaon hanggang sa kasalukuyan. Samakatuwid ang mga pangyayari na nangyari
sa nakalipas na mga dekada at mga patuloy na nangyayari sa kasalukuyan ay
maituturing na kontemporaryo.

Para maituring ang isang pangyayari o suliranin na kontemporaryong isyu, ito ay


dapat na mahalaga at makabuluhan sa lipuang ating ginagalawan, may malinaw na
epekto sa lipunan o sa mga mamamayan, may matinding impluwensya sa takbo ng
kasalukuyang panahon at mga temang napag-uusapan at may positibong
impluwensya sa lipunan

Balikan

1. Ano-ano ang mga pangunahing suliranin ng bawat sektor sa ating lipunan?

2. Bilang isang mamamayang Pilipino, may obligasyon din tayong dapat gawin
upang makatulong sa pag abot sa kaunlaran. Bilang isang mag-aaral, ano ang
maaari mong gawin upang makatulong sa bansa?

Mga Tala para sa Guro


Maaring gamiting pantulong ang mga sumusunod:
Video links:
https://www.google.com/search?q=kontemporaryong+isyu&rlz=1C1YQLS_enPH893PH893&o
q=kontem&aqs=chrome.0.69i59j69i57j0l5j69i60.1775j0j7&sourceid=chrome&ie=UTF-8; at
mga channel sa TV tulad ng: PTV4, TV5, GMA7 Network, CNN Philippines,
ABSCBN, National Geographic, Discovery Channel, etc.

K to 12 BEC MELC ng Araling Panlipunan 10, (May, 2020)

9
Tuklasin

Ano ang Kontemporaryong Isyu?


Ang contemporary o kontemporaryo ay nagmula sa salitang com+tempor na
nangangahulugang current o napapanahon. Kapag sinabing kontemporaryong isyu, ito ay tumutukoy sa
mga isyu na nangyayari sa kasalukuyan o tumutukoy sa mga napapanahong isyu. Sa madaling sabi, ito
ng pinakapinag-uusapan sa ating lipunan ngayon.
Ang salitang ‘’isyu’’ ay nangangahulugan ng mga paksa, tema o suliraning
nakaaapekto sa lipunan dahil ito ay napag-uusapan, nagiging batayan ng debate sa
lipunan, at may malaking epekto sa pamumuhay ng mga tao sa bansa. Hindi lahat
ng isyu ay negatibo dahil may mga isyu na may positibong epekto sa mga tao sa
lipunan.

Pagsusuri sa Kontemporaryong Isyu


Maaaring pag-aralan ang isang isyu sa pamamagitan ng pagsusuri sa ilang aspekto nito tulad
ng: pinagmula, iba’t-ibang pananaw, mga pagkakaugnay, kahalagahan, epekto, personal na damdamin
at maaaring gawin.
Gawain 1: Larawan-Suri
Tunghayan ang larawan sa ibaba. Bigyan ito ng sariling interpretasyon
gamit ang gabay na mga tanong.

Mga gabay na tanong:

1. Ano ang nakikita mo sa larawan?


2. Ano ang pinahihiwatig nito?
3. Bakit ito nagaganap?

10
Aralin
Uri ng Kontemporaryong
2 Isyu

Suriin

Ang isyu tungkol sa COVID19 o 2019 Novel Corona Virus ay isa sa mga
pinakatampok na kontemporaryong isyu dahil ito ang pinaka bagong uri ng corona
virus na kagaya ng MERS (Middle East Respiratory Syndrome) at SARS (Severe Acute
Respiratory Syndrome). Ang 2019-nCoV ay sinasabing nagmula sa siyudad ng
Wuhan, sa probinsiya ng Hubei sa China. Mahigit 10,000 na ang namatay dahil sa
impeksiyon at 200,000 ang apektado nito sa Wuhan, China. Ayon Department of
Health (DOH), dito sa Pilipinas mayroon na tayong mahigit 14,000 na kompirmadong
nahawaan ng virus at nasa 1,000 na ang namamatay.
Paano ba natin tingnan at pahalagahan ang Kontemporaryong Isyu? Sa
konteksto ng pag-aaral ng kontemporaryong isyu, ang pagtuturo ng mga
katotohanan, kaisipan, at impormasyon tungkol sa mundo, bansa, gobyerno,
ideolohiya, kasaysayan, mga pangyayaring lokal, at iba pa ay nangangailangan ng
malalim na pag-unawa at aktibong partisipasyon. Ibig sabihin, kailangan ng angkop
at makabuluhang talakayan o interaksiyon na kung saan ang lahat ay nagbibigay
ng kani-kaniyang pagtingin o perspektibo sa mga napapanahong isyu.
Gawain 2: Inside the Box
Unawain ang mga iba’t ibang isyu sa bilang. Piliin kung anong uri ng
kontemporaryong isyu na makikita sa loob ng kahon. Isulat ang napiling sagot sa
patlang na nakalaan.

Isyung Panlipunan Isyung Pangkalusugan Isyung Pang-ekonomiya

Isyung Pangkapaligiran Isyung Pangkalakalan Isyung Pangkasarian

Isyung Pagkamamamayan Isyung Pangkarapatan

_____________________________1. Halalan, Terorismo, Federalismo, Benham Rise


_____________________________2, COVID19, SARS, Sobrang Katabaan, Kanser
_____________________________3. Polusyon, Climate Change, Lindol, Solid Waste
_____________________________4. BPO, POGO, Globalisasyon, ABS CBN
_____________________________5. Philhealth, Covid Test Kits, Isolation facility
_____________________________6. LGBTQ, Same Sex Marriage, Foot Binding

11
_____________________________7. Coal Mining, Deforestration, Illegal Logging
_____________________________8. Cha-Cha, LTFRB, Balik Probinsiya Program
_____________________________9. Telcos, Stock Market, Imported Rice
_____________________________10. Dual Citizen, Birth Certificate, Pilipino

URI NG KONTEMPORARYONG ISYU


May iba’t ibang uri ng kontemporaryong isyu depende sa interes ng tao. Sa
pagtalakay natin sa konsepto mapag-aaralan natin ang mga isyung may kinalaman
sa kapaligiran, globalisasyon at ekonomiya, gender at sex, pagkamamamayan at
karapatang pantao. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga uri ng kontemporaryong
isyu:

1. Isyung Pangkapaligiran

Ito ay tumutukoy sa mga suliraning kinakaharap ng bansa sa ating


kalikasan. Maikokonsidera rito ang pagkakaroon ng problema ng bansa
tungkol sa iba’t- ibang uri ng polusyon, deforestration, kalusugan at Solid
Waste.

2. Isyung Pang-ekonomiya

Ito ay mga isyung nakabatay sa kalagayan ng bansa na may kinalaman


sa globalisasyon, trabaho, sahod, negosyo, industriyalisasyon,
kontrakwalisasyon, migranteng manggagawa at iba pa.

3. Isyu sa Kasarian at Sex

Ito ay mga isyung tumutukoy sa sekwalidad at mga gampanin ng isang


lalaki at babae.

4. Isyu sa Pagkamamamayan at Karapatang Pantao

Ito ay mga isyung may kinalaman sa kapakanan at kagalingan (welfare)


ng lahat. Kabilang dito ang mga isyu ukol sa batas, citizenship at mga
paglabag sa karapatan.

Bilang mag-aaral, mahalagang magkaroon ka ng malawak na kaalaman sa


mga isyu at hamong panlipunan upang maunawaan ang mga sanhi at bunga nito
sa isang lipunan at sa bansa. Mahalaga ring maunawaan na lahat tayo ay may
bahaging ginampanan sa pagkakaroon ng mga suliraning ating kinakaharap ngayon.

12
Pagyamanin

Ang pagkakaroon ng kamalayan sa mga kontemporaryong isyu sa lipunan at


daigdig ay nakatutulong sa paglinang ng kritikal at malawakang kaisipan. Bukod sa
kaisipan, lalawak din ang koneksiyon ng "sarili" sa lipunan sapagkat mas
maiintindihan ang mundong ginagalawan gamit ang kasalukuyang konteksto.
Makatutulong din ito upang mapalawak ang pundasyon ng kaalaman. Mapabibilis
at mapabubuti ang pagbuo ng mga desisyon sapagkat naaangkop ang kaalaman sa
kasalukuyan. Bukod dito, mas madaling nakaaangkop sa kapaligiran sapagkat batid
na ang mga kaganapan sa lipunan.

Gawain 3: Larawan-Hula
Alamin kung ang mga sumusunod na larawan ay Kontemporayong Isyu o
hindi. Isulat ang iyong sagot sa espasyong inilaan sa ilalim ng larawan. Isulat ang
salitang KONTEMPORARYO pag ito ay Kontemporaryong Isyu at HINDI naman pag
taliwas. Handa ka na ba? Simulan na natin.

1. _________________________ 2. ______________________________

3.______________________________ 4. _________________________________

13
5. _____________________________

14
Aralin
Kahalagahan ng
3 Kontemporaryong Isyu

Isaisip

Kaliwa’t kanan ang mga isyu na nahaharap ng ating lipunan ngayon kaya
dulot nito’y nahihirapan ang mga iba’t ibang sektor ng pamahalaan sa pag hahanap
ng solusyon sa bawat isa. At bilang isang mamamayan ng ating bansa,
naaapektuhan tayo sa mga isyung ito gustuhin man natin o hindi. Sa pang-araw-
araw nating pamumuhay, hindi maiiwasang malaman natin ang mga nangyayari sa
mundo kung kaya’t kailangan rin nating maging isang aktibong mamamayan na may
pakinabang sa ating inang bayan. Huwag sana tayong magbingi-bingihan at
magbulag-bulagan. Gamitin natin ang kontemporaryong isyu upang makatulong sa
kung ano man ang dapat paunlarin.
Napakahalaga ng pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu. Nalilinang nito
ang ating mga pansariling kakayahan at kasanayan sa pag-aaral at pag-iisip. Narito
ang ilan kung bakit mahalagang pag-aralan natin ito:
1. Paggamit ng mga malinaw at makabuluhang kaalaman tungkol sa mga
mahahalagang kaganapan na nakaiimpluwensya sa tao, bansa, o mundo

2. Pagsusuri o pagtataya ng mga ugnayan ng sanhi at epekto ng mga


pangyayari

3. Paggamit ng mga kagamitang teknolohikal at iba’tibang sanggunian para


makakalap ng mga impormasyon

4. Paggamit ng mga pamamaraang estadistika sa pagsuring kwantitatibong


datos tungkol sa mga pangyayari sa lipunan

5. Pagsisiyasat, pagsusuri, ng datos at iba’t ibang sanggunian, at


pagsasaliksik

6. Mapanuring pag-iisip, Matalinong pag-papasiya, mabisang


komunikasyon, pagkamalikhain, at pagpapalawak ng pandaigdigang
pananaw

7. Malalim na pag-unawa at pagpapahalaga sa sama-samang pagkilos at


pagtugon sa mga pandaigdig ang suliranin

8. Paggalang sa iba't ibang paniniwala, pananaw, o punto de bista kahit ito


ay naiiba o salungat sa sariling paniniwala o pananaw.

15
9. Pagpapahalaga sa mga pagkakaiba ng mga tao sa kanilang kultura,
paniniwala, at paggalang sa kanilang dignidad at karapatang pantao.

10. Pag-iingat sa sariling kagustuhan at pagsasaalang-alang sa kagustuhan


ng iba.

Ikaw ay bahagi ng masalimuot na lipunan. Gaano ka kamulat sa mga


kontemporaryong isyu? Paano mo pa pauunlarin ang iyong kamalayan sa mga
nangyayari sa paligid?

Isagawa

Bigyang Kahulugan
Malaking hamon sa mga bansa sa Asya at sa iba't ibang panig ng mundo
ang mabilisang pagkalat ng COVID19. Ang bawat bansa ay may kanya-kanyang
hakbang o patakarang ipinatutupad upang masugpo at mapigilan ang pagkalat nito
habang wala pang gamot na natutuklasan. Tunghayan mo ang kaso ng Amerika,
suriin kung paano nito tinugunan ang panganib na dulot ng patuloy na pagkalat ng
COVID19.

US nanguna na sa pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa buong mundo


Nakapagtala ng pinakamaraming bilang ng mga namatay dahil sa coronavirus ang
Estados Unidos. Sa bilang na inilabas ng U.S. COVID19 Task Force, 237 namatay ngayong
araw sa buong Amerika habang mahigit sa 83,000 na kasong naitala.
Dahil dito nalagpasan na ng Estados Unidos ang China sa may pinakamaraming
kaso ng COVID 19 sa buong mundo. Batay sa monitoring ng COVID19 Global Cases by
Center for System Science and Engineering ng Johns Hopkins University, meron ng 83,507
cases ang US habang 81,782 naman ang China kung saan nag mula ang Virus.
Pumangatlo dito ang Italy na may 80,589 na kasi ng coronavirus. Nasa 45 na pwesto
naman ang Pilipinas na may mahigit sa 7,000 kaso
Ang bansang Italy naman ang nangunguna sa may pinaka maraming bilang ng
mga namatay na mahigit 8,200 sinundan ito ng Spain na may mahigit sa 4,000, China
mahigit sa 3,000 U.S.A. mahigit 1,200. Ayon sa World Health Organization tataas pa ang
bilang na ito sa mga susunod na araw dahil dahil wala pa ring humpay ang dagsa ng mga
nagkakaroon ng infection sa ibat-ibang hospital sa buong mundo.
Source: (Abante.com.ph, March 27, 2020)

16
Gawain 4: Sa iyong palagay….
1. Ano sa iyong palagay ang mga dahilan ng paglala sa suliranin ng COVID19 sa
Estados Unidos?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
2. Bakit mahalaga na malaman natin ang mga kasalukuyang nangyayari sa ating
bansa at sa buong mundo?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
3. Paano mo maihahanda ang iyong sarili para maging isang mapagkakatiwalaan,
maabilidad, makabansa at maalam na mamamayan ng Pilipinas sa pagharap sa mga
suliranin at hamon na ating nararanasan sa kasalukuyan?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Tayahin

Gamit ang iyong natutunan, paano maituring ang isang pangyayari o suliranin na
isang Kontemporaryong Isyu?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

17
Karagdagang Gawain

Para sa karagdagang kaalaman at upang maging mapagmatyag sa mga


kontemporaryong isyu na tinatalakay at nangyayari sa ating lipunan at bansa,
maaaring tumutok ang mga mag-aaral sa iba’t-ibang istasyon ng telebisyon (free TV
channels at cable channels). Pwede rin sa mga istasyon ng radio o teleradyo.
Ang guro ay magbibigay paalala sa mga mag-aaral na maging mapanuri sa
mga binabasa, pinapanuod, at pinakikinggang impormasyon mula sa iba’t-ibang
media sources.

18
19
Subukin Pagyamanin Suriin
1. A 1. HINDI 1. Panlipunan
2. B 2. Kontemporaryo 2. Kalusugan
3. B 3. HINDI 3. Kapaligiran
4. C 4. Kontemporaryo 4. Ekonomiya
5. D 5. Kontemporaryo 5. Kalusugan
6. A 6. Kasarian
7. C 7. Kapaligiran
8. D 8. Panlipunan
9. D 9. Kalakalan
10.A 10.Pagkamamayan
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
1. DepEd AP10LM (Draft)
2. Kontemporaryongisyu.blogspot.com
3. Academia.edu/28635459/kontemporaryongIsyu
4. https://ph.images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=AwrwJUj9B9teBC
0AgqO0Rwx.;_ylc=X1MDMjExNDczNDAwNARfcgMyBGZyAwRncHJpZANZek9
hWUEzRFFlcXNGdjB5Z3FJX2xBBG5fc3VnZwMxMARvcmlnaW4DcGguaW1h
Z2VzLnNlYXJjaC55YWhvby5jb20EcG9zAzEEcHFzdHIDa29udGVtcARwcXN0
cmwDNwRxc3RybAMyMgRxdWVyeQNrb250ZW1wb3JhcnlvbmclMjBpc3l1BH
Rfc3RtcAMxNTkxNDEyNzky?fr2=sa-gp
ph.images.search&p=kontemporaryong+isyu&ei=UTF-8&iscqry=&fr=sfp

20
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihikayat
ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

21

You might also like