You are on page 1of 19

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Rdukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Manila Education Center Arroceros Forest Park
Antonio J. Villegas St. Ermita, Manila

ARALING
ARALING
PANLIPUNAN 10
PANLIPUNAN 10
Migrasyon at Globalisasyon:
Banta o Solusyon?
“Lakad, Lipat, Tira”
Ikalawang Markahan
Modyul 5

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto:


Nasusuri ang dahilan at epekto ng migrasyon dulot ng
globalisasyon.
PAANO GAMITIN ANG
MODYUL
Larawan mula sa: https://www.nicepng.com/maxp/u2e6y3r5e6q8y3q8

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng inyong
pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag – aaral
gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para
makamit ang layunin sa paggamit nito.

1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito.


2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong
matatandan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag – aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang
antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang – araw – araw na
gawain.
6. Nawa’ y maging masaya ka sa iyong pag – aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL
Larawan mula sa: https://clipartstation.com/checklist-clipart-3-2/

1. Inaasahan - ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos


makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok - ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong kaalaman
at konsepto na kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik – tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya ng
aralin.
5. Gawain - dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may kapareha.
6. Tandaan – dito binubuo ang paglalahat ng aralin.
7. Pag – alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang
bagong aralin.
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng pagkatuto sa
bagong aralin.
INAASAHAN
Larawan mula sa: https://www.pinclipart.com/maxpin/hohRJ/

Ang modyul na ito ay naglalaman ng dalawang napakahalagang paksa na


makapagbibigay sa atin ng mas malalim na pag-unawa hinggil sa migrasyon:

Paksa 1 – Konsepto ng migrasyon


Paksa 2 – Dahilan ng migrasyon dulot ng globalisasyon

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto:


 Nasusuri ang dahilan at epekto ng migrasyon dulot ng globalisasyon

Pagtapos mong aralin ang modyul, ikaw ay inaasahang:


 Natatalakay ang konsepto ng migrasyon;
 Naipapaliwanag ang mga dahilan ng migrasyon;
 Nasusuri ang dahilan ng migrasyon dulot ng globalisasyon;

Hayan na! Simulan na natin, magkasama nating suriin at


tuklasin ang paksang lahat tayo ay may-share, may
karanasan at mayroong sariling “kwento”, ang migrasyon.
Tara, ‘tena!

2
UNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Piliin ang pinakatamang


sagot.
1. Proseso ng paglipat ng tao mula sa isang lugar patungo sa iba pang
teritoryo.
A. Migrasyon B. Globalisasyon C. Kapitalismo D. Transisyon

2. Mga taong naalis sa tirahan dahil sa sigalot politikal o militar na inilikas sa


mga panandaliang matitirahan, halimbawa ay ang nangyari sa Siege of
Marawi noong Mayo 2017.
A. Transient B. Settlers C. Evacuees D. Refugees

3. Pangunahing dahilan ng mga Overseas Filipino Workers na nangingibang-


bayan.
A. Makapaglakbay at makapamasyal
B. Makatuklas ng bagong kasanayan
C. Makita ang mga kamag-anak sa ibang bansa
D. Matugunan ang pangangailangan ng pamilya
4. Ikaw ay bagong graduate sa medisina at may magandang oportunidad na
iniaalok sa iyo sa Estados Unidos upang higit mong mapalawak ang iyong
kasanayan at kaalaman bilang isang espesyalista. Anong pinakamainam na
desisyon ang iyong pipiliin?
A. Hindi ako mangingibang bayan, dito na lang ako
magpapakadalubhasa.
B. Mangingibang bayan ako, nang sa gayon kapag espesyalista na ako
ay babalik ako sa bansa upang tulungan ang mga kababayan
C. Hindi ako mangingibang bayan dahil hindi ko kayang iwan ang aking
pamilya.
D. Mangingibang bayan ako dahil mas sigurado ako na kikita ako ng
malaki
5. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng pinakatamang pahayag?
A. Ang migrasyon ay direktang naapektuhan ng globalisasyon
B. Walang direktang ugnayan ang migrasyon sa globalisasyon
C. Ang migrasyon ay naapektuhan ng globalisasyon sapagkat ito ay may
kaugnayan sa pandaigdigang paggalaw ng tao
D. Walang direktang ugnayan ang migrasyon sa globalisasyon sapagkat
trabaho lamang ang layunin ng mga tao sa pangingibang bansa

Hindi naman masyadong mahirap di ba? Kaya pa ba?


Ngayong tapos na tayo sa paunang pagtataya upang masukat
ang ating kaalaman at kasanayan, tayo nang mag level-up,
let’s go, step 1!

3
BALIK - TANAW
Larawan mula sa: https://www.vectorstock.com/royalty-free-
vector/box-question-mark-image-vector-13735934

Gawain 1: Pagsusuri ng Mind Map


Panuto: Unawaing mabuti ang mensaheng ipinapakita ng mind map, suriin
ito at sagutin ang pamprosesong tanong.

(https://hubpages.com/politics/The-Dark-Side-of-Globalisation)

Pamprosesong Tanong:

1. Gamit ang mind map, paano naging isyung pang-ekonomiya ang globalisasyon?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

Muli nating nabalikan ang konsepto ng globalisasyon bilang isyung pang-


ekonomiya, ngayon naman tunghayan natin ang susunod na gawain

4
Gawain 2: Pagsusuri ng Poster
Panuto: Unawaing mabuti ang mensaheng ipinapakita ng poster, suriin ito
at sagutin ang pamprosesong tanong.

http://www.differencebetween.net/miscellaneous/difference-
between-globalization-and-capitalism/

Pamprosesong Tanong:

1. Anu-ano ang mga kalagayang inilalarawan sa poster?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Paano nakakaapekto ang globalisasyon sa paggawa?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Globalisasyon, checked, Isyu sa Paggawa, checked. Ganun


talaga, kailangan nating pagdaanan ang level na ito, dahil
kailangan nating maiugnay ang ating mga napag-aralan sa
susunod na aralin.

Kaya, step 2 here we come!

5
MAIKLING PAGPAPAKILALA
NG ARALIN
Larawan mula sa: https://www.pngguru.com/free-
transparent-background-png-clipart-mrwef

May mga kakilala o kapamilya ka bang nagtatrabaho sa ibang bansa?


Naitanong mo na ba kung bakit sila nangibang-bayan? Bakit kaya umaalis at
lumilipat ang mga tao sa ibang lugar?

Ang migrasyon o pandarayuhan ay isang pandaigdigang kaganapan o isyu


noon pa man. Sa modyul na ito ay inyong aaralin at uunawain ang konsepto ng
migrasyon at ang mga dahilan nito.

Kaya’t tara na at simulan na!

6
Aralin Konsepto at mga Dahilan ng
5 Migrasyon

Photo Language: “Lakad, Lipad, Tira”


Bilang panimula sa tatalakaying aralin, suriin ang mga makahulugang larawan at
sagutin ang mga patnubay na tanong sa ibaba.

https://www.bmj.com/migrant-health

https://blog.id.com.au/2018/population/population-trends/national-migration-series-part-4-national-versus-regionallocal-migration-profiles/

https://www.ilo.org/asia/events/WCMS_724992/lang--en/index.htm

Gabay na Tanong:

1. Bakit kaya pinamagatang “Lakad, Lipat, Tira” ang photo language na ito?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Anong mensahe ang ipinapahiwatig ng mga larawan?

7
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Paksa 1: Ang Konsepto ng Migrasyon


Sa simula pa lang ng kabihasnan, ang sangkatauhan ay lagi nang
nandarayuhan (migrate) kagaya na lang nang nangyari sa mga sinaunang ninuno
ng tao na lumisan sa Africa (out of Africa). Sinasabing kasing tanda ng kabihasnan
ang pandarayuhan na humubog sa mga unang pamayanan ng tao. Kung hindi
naganap ang pandarayuhan, maaaring hindi naipalaganap ang mayayamang
kultura, wika, pananampalataya, kaugalian, karunungan at gawi sa pamumuhay,
kung hindi naganap ang pandarayuhan marahil iba ang naging takbo ng
kasaysayan ng daigdig. Kaalinsabay ng paglaki ng pandaigdigang populasyon,
mula 3.7 bilyon noong 1970 hanggang 7.2 bilyon sa kasalukuyan dahil sa iba’t
ibang salik na may kaugnayan sa daloy ng pandarayuhan mula sa bawat sulok ng
daigdig.
Sa pangkalahatan, ang pandarayuhan ay nagaganap dahil sa paghahanap
ng ikabubuhay, oportunidad, makasama ang mga kamag-anak o kaya’y mag-aral.
Ang iba naman ay lumilipat upang makaiwas sa mga kaguluhan, kahirapan,
terorismo at nakararanas ng paglabag sa karapatang pantao. Nito namang
nakalipas na mga dekada, naging dahilan din ang matinding epekto ng climate
change, kalamidad at iba pang banta ng kalikasan.
Sa kasalukuyan, higit na dumarami ang mga nandarayuhan at tumataas
taun-taon. Noong 2019, umabot sa 272 milyon ang mga nandayuhan sa buong
mundo (IOM), halos 51 milyon na mas marami sa unang tala noong 2010.
Tinatayang nasa 3.5 % na pandaigdigang populasyon ang bilang ng mga
international migrants ngayon kumpara sa 2.8% noong 2000 at 2.3 noong 1980, na
kung saan ang proportion ng mga international migrants ay tumaas.
Ang migrasyon ay “sintomas” ng pundamental na pagbabagong panlipunan
na may kaugnayan sa prosesong ekolohikal. Sinangayunan ito nina Panopio
(1994), ang migrasyon ay ang paggalaw ng mga tao o pangkat mula sa isang lugar
papunta sa iba pa, maaaring doon ay upang manatili para sa panahanan. Ito rin ay
pagbabago sa tirahan na kung saan nagsasaayos (adjust) sa bagong pamayanang
kabibilangan.
Ayon sa mga sosyologo, dalubhasa at mga sanggunian, ang migrasyon ay
bahagi ng mas malawak na kaisipan, ang social mobility. Gayundin, ang migrasyon
ay tinatawag ding geographical migration o physical mobility, ito ay paggalaw ng tao
mula sa isang lugar patungo sa ibang lugar. Isa itong penomena na nagdulot ng
pag-angat sa makabagong lipunan. Ang geographical migration ay maaaring
boluntaryo o sapilitan. (Palispis, 2007).
Ayon naman sa United Nation’s International Organization for Migration
(UN-IOM), ito ay pag-alis o paglipat ng mga tao mula sa kanilang kinalakihang
tahanan, maaaring ang pag-alis ay pagtawid sa mga pandaigdigang hangganan o
8
sa loob lamang ng estado. Migrante (migrants) ang tawag sa mga taong lumilipat o
umalis mula sa kanyang tirahan sa anumang kadahilanan, ito man ay katayuang
legal, boluntaryo o hindi at tagal ng pananatili sa ibang lupain.
Ang United Nation’s International Organization for Migration (UNIOM)
na naitatag noong 1951 ay ang pangunahing pandaigdigang ahensya sa larangan
ng pandarayuhan. Sinisigurado nila ang maayos at makataong pamamahala sa
mga nandarayuhan, itaguyod ang pandaigdigang pagkakaisa sa usaping
pandarayuhan, tumulong upang makahanap ng praktikal na solusyon sa mga
suliranin sa pandarayuahan at magbigay ng makataong pagkalinga sa mga
migranteng nangangailangan lalo na ang mga refugees at internally displaced
people. Noong 2016, opisyal na pinasok ng IOM ang ang kasunduan sa United
Nations bilang natatanging tanggapan ng organisasyon para sa pandarayuhan.
Batay naman sa Grade 10 Learner’s Module (DepEd, 2016), ito ay
tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong
politikal patungo sa iba pa maging ito man ay pansamantala o permanente.
Napakahalaga sa pagsusuri ng migrasyon ang salik ng push at pull. Ang
push ay ang mga salik na nagtutulak sa mga tao na mandayuhan dahil sa
kakulangan sa panganagilangan, hindi maganda o tamang kinalalagyan gaya ng;
sakuna dulot ng kalikasan, tag-gutom, baha, pagsabog ng bulkan, suliraning
politikal, tunggalian sa relihiyon, diskriminasyon at kaguluhan dulot ng digmaan.
Samantalang ang pull ay ang mga salik at kondisyon na humahatak sa mga tao
mula sa ibang lugar na tunguhin ang mas kaaya-ayang bagong lugar. Pangunahing
nakakahalina sa mga taga ibang lugar na mandayuhan ay ang magandang klima
at lokasyon, mas maraming magandang trabaho, mapaglilibangan, maayos na
pamahalaan, malayang makapamili ng relihiyon at higit sa lahat, kapayapaan.
Maliban sa push at pull, may iba pang salik na nakakaapekto sa mga
dahilan ng pandarayuhan, gaya ng edad na kung saan may age group ang mga
taong nais mandayuhan. Gayundin ang kasarian, ayon sa mga pag-aaral, mga
kababaihan ang mas madalas na nais mandayuhan kaysa sa mga kalalakihan
(feminisation of migration).

Paksa 2: Dahilan ng Migrasyon Dulot ng Globalisasyon

Mula sa naunang talakayan hinggil sa kahulugan ay nabuo natin ang


konsepto ng migrasyon, mula dito ay iniugnay natin ito sa mga salik na nakaa-
apekto sa dahilan ng pandarayuhan ng tao. Tingnan naman natin ang mga dahilan
kung bakit nandarayuhan ang mga tao.
Maaaring ang mga tao ay nandarayuhan dahil sa kalagayang ekonomiko,
politikal, panlipunan, sikolohikal, panrelihiyon, edukasyon at medikal. Ang
panigurong pang-ekonomiko (economic security) at paghahangad ng mas mataas
na antas na kabuhayan ang pangunahing dahilan. Ang mga tao ay napipilitang
mandayuhan dahil sa kakulangan ng mga pangangailangan sa kanilang dating

9
lokalidad. Labis ding nakapanghihikayat ang kaunlarang teknolohikal at mas
maunlad na lipunan na nagbibigay ng mas kaaya-ayang kinabukasan ang
nagtutulak sa mga taong mandayuhan.
May dalawang uri ang geographical migration, ang voluntary migration na
kung saan ang mga tao ay kusa at bukal sa loob ang paglipat, samantalang ang
forced migration naman ay sapilitang pagpapaalis sa mga tao patungo sa mga
itinakdang lugar. Isa pang dahilan na nagbubunsod sa pandarayuhan ng mga tao
ay ang mga natural na kalamidad na kung saan mas pinipili na manirahan sa mas
ligtas na lugar o kalagayan.
Ayon naman sa UNIOM, ang mga migranteng may espesyal na kalagayan at
ipinaglalaban ay nandarayuhan dahil sa iba’t ibang dahilan, sila ang mga taong
naghahanap ng asylum, environmental migrants, mga pinalayas (expulsion),
internally displace person, refugees, separated children, stateless person at iba pa.
Kagaya ng mga naunang dahilan na nabanggit sa ating Learners Module,
ang mga tao ay lumilipat ng lugar dahil sa paghahanap ng mas maayos na
hanapbuhay, kaligtasan, panghihikayat ng pamilya at pag-aaral.
Ang globalisasyon ay direktang may ugnayan sa dahilan kung bakit ang mga
tao ay nandarayuhan. Kapag ang tao ay lumabas mula sa kanyang kinalakihang
pamayanan sa kahit anumang dahilan, siya ay nakikibahagi sa mas malawak o
pandaigdigang setting na kung saan binubuo ito ng iba’t ibang sektor. Maaaring
sabihin na ang mga hamon ng globalisasyon ay nagbibigay ng paghahangad sa
mga tao na mandarayuhan upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan.
Kapag ang dating mga taga nayon ay lumabas mula sa kanyang kinalakihang
pamayanan, siya ay nagiging bahagi ng mas malawak na pamayanan
(pandaigdigan) na binubuo ng mga tao na mula sa iba’t ibang pinanggalingan
(background), mula dito natuto silang mamuhay bilang isa at bagong pamayanan
sa kabila ng magkakaibang pinanggalingan o pinagmulan.

Nailahad na ang pangunahing nilalaman ng aralin, sa


bahaging ito ay inaasahang may sapat ka ng kaalaman upang
maipapatuloy pa ang pag-aaral sa paksa, tara, level-up na!
Level 5, nariyan na ako!

10
MGA GAWAIN
Larawan mula sa:
https://www.pinterest.ph/pin/392024342552301210

Gawain 1: Concept Definition Map


Layunin: Nasusuri ang konsepto ng migrasyon
Panuto: Para sa pagpapayaman ng kasanayan sa mapanuring pagiisip
(critical thinking), gamit ang thinking tool na concept definition map,
bigyang kahulugan ang migrasyon at suriin ang konsepto nito.

Ayon kay/kina Panopio Ayon kay Palispis

MIGRASYON
Ayon sa UNIOM Ayon sa Learner’s

Module

Ang aking kahulugan ng migrasyon:

Gawain 2: Push or Pull


Panuto: Suriin kung ang mga sumusunod na salik ng migrasyon ay pull
factor o push factor. Isulat ang tamang sagot sa kahon.
Mababang kondisyon ng Paghahangad ng malaking sahod
pamumuhay
Mataas na kalidad ng edukasyon
Diskriminasyon at karahasan
Digmaan

11
Kalayaang politikal o panrelihiyon Kawalan ng pangkabuhayan
oportunidad
Matindinding kalamidad

PUSH FACTOR PULL FACTOR

Gawain 3: Acrostics ng Makata


Layunin: Nailalahad ang sariling konsepto ng migrasyon.
Panuto: Para sa pagpapayaman ng kasanayan sa pagkamalikhain
(creativity), dugtungan ng mga makakatang linya ang mga titik ang salitang
MIGRASYON, maaaring humalaw ng mga kaisipan sa mga tinalakay sa
konsepto at dahilan ng migrasyon.Maaring sundan ang halimbawa
M malayong lupai’y tiniis, nang sa gayo’y hindi kayo mahapis

R
regular na trabaho ang hangad, kahit malayo sa minamahal
A

N nayon ko’y lilisanin dahil delikado’t mapanganib

12
TANDAAN
Larawan mula sa:
https://www.clipartmax.com/middle/m2H7H7
G6d3d3m2G6_freephotos-vector-images-
Huwag thinking-brain-machine-brain-clipart//
iwaglit sa isipan!

 Ang pandarayuhan o migrasyon ay ang paglipat ng tao mula sa kinalakihan


patungo sa bagong lugar.
 Ang push at pull ay ang mga salik na nakakaapekto sa pandarayuhan. Ang
push ay ang mga nagtutulak sa tao upang mandarayuhan samantalang ang
pull naman ay ang mga salik o kundisyon na humahatak sa mga tao upang
lumipat ng lugar.
 Ekonomiya, edukasyon, kaligtasan, kalusugan, kaligayahan at kapayapaan
ay ang mga pangunahing dahilan kung bakit nandarayuhan ang mga tao.
 Ang pangingibang-bayan ng mga tao ay bilang pagtugon sa kanyang mga
pangangailangan. Ito ay pakikibahagi sa mas malawak o pandaigdigang
ugnayan ng mga tao mula sa iba’t ibang sektor.

PAG-ALAM SA NATUTUHAN

Gawain 4: Shout-out!
Panuto: Gamit ang sapat na kaalaman at hinasang kasanayan,
pagsumikapan nating sagutin ang napakahalagang tanong ng modyul na
ito:
“Bakit hinahangad ng tao ang mandarayuhan?”
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

13
PANGWAKAS NA
PAGSUSULIT
Larawan mula sa: https://www.hiclipart.com/free-
transparent-background-png-clipart-ogrow

Panuto: Piliin ang pinakatamang sagot, titik lamang ang isulat.


1. Ahensya ng United Nations na nangangalaga sa kapakanan ng mga
migrante.
A. UN International Oranization for Migration
B. UN Intenational Labor Organization
C. UN Development Bank
D. UN Food Agricultural Organization

2. Pangunahing dahilan ng mga OFW na nangibang-bayan upang magtrabaho.


A. Makapaglakbay at makapamasyal
B. Makatuklas ng bagong kasanayan
C. Makita ang mga kamag-anak sa ibang bansa
D. Matugunan ang pangangailangan ng pamilya

3. Alin sa mga sumusunod na kalagayan ang nagbubunsod sa forced


migration?
A. Kapag mapanganib at hindi ligtas ang lugar na kinabibilangan
B. May mas magandang opotunidad na naghihintay sa ibang bansa
C. Mas magandang ang sistema ng pamahalaan ng bansang lilipatan
D. Pinipitesyon ng kamag-anak upang sa ibang bansa na manirahan

4. Bakit panigurong pang-ekonomiko at paghahangad ng mas mataas na antas


ng pamumuhay ang pangunahing dahilan ng migrasyon?
A. Para ma-petisyong ang mga kamag-anak
B. Para matustusan ang lahat ng pangangailangan
C. Limitado ang naibibigay ng lugar na pinanggalingan
D. Kailangan sigurado na may kabuhayan ang lilipatang bagong lugar
upan magkaroon ng mataas na antas ng pamumuhay

5. Proseo ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon


at produkto sa iba’t ibang direksyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng
daigdig.
A. Liberalisasyon C. Migrasyon
B. Globalisasyon D. imigrasyon
14
SANGGUNIAN
Larawan mula sa
https://www.pngkit.com/view/u2q
8w7y3e6y3a9r5_books-clip-art-
4-books-clipart/

Mga Aklat:
Antonio, Elanor D., et. al. (2017). Kayamanan Mga Kontemporaryong Isyu Batayan at
Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan. Lungsod ng Maynila: Rex Bookstore,.
Department of Education. Learner’s Module sa Araling Panlipunan 10 Kontemporaryong
Isyu, 2016
Palispis, Epitacio. (2008) S. Sociology and Athropology. Lungsod ng Maynila: Rex Bookstore.
Panopio, Isabel S., et. al. (1994). General Sociology Focus on the Philippnes. Lungsod Quezo:
Kent Incorporated.
San Juan, David Michael (2018). Journeys Through Our Contemporary World. Lungsod
Quezon: Vibal Group, Inc.,.
Sanchez, Custodiosa A. at Agpaoa, Fe B. (2009). Contemporary Social Problems and Issues.
Lungsod ng Mandaluyong: National Bookstore.

Online Sources:
Mga Larawang Ginamit
1. The Dark Side of Globalization: https://hubpages.com/politics/The-Dark-Side-of-
Globalisation
2. Difference Between Globalization and Capitalism:
http://www.differencebetween.net/miscellaneous/difference-between-globalization-and-
capitalism/
3. Migration and health: https://www.bmj.com/migrant-health
4. National migration series | Part 4: National versus regional/local migration profiles:
https://blog.id.com.au/2018/population/population-trends/national-migration-series-part-
4-national-versus-regionallocal-migration-profiles/
5. International Conference to Commemorate International Migrants Day:
https://www.ilo.org/asia/events/WCMS_724992/lang--en/index.htm

Mga Artikulong Pinaghalawan


1. United Nation – Migration: https://www.un.org/en/sections/issues-
depth/migration/index.html
2. UN IOM Key Migration Terms: https://www.iom.int/key-migration-terms#Environmental-
migrant
3. UN HR Migration and Human Rights:
https://www.ohchr.org/en/issues/migration/pages/migrationandhumanrightsindex.aspx
4. UN Population Fund Migration: https://www.unfpa.org/migration
5. Globalization 101 Economic Effects of Migration:
https://www.globalization101.org/economic-effects-of-migration/
6. Migration and Its Effects: https://www.toppr.com/guides/evs/no-place-for-us/migration-
and-its-effects/
7. Migration and Globalization – Forms, Patterns and Effects Thanos Dokos, Page 102 | Trilogue
Salzburg 2017: https://www.bertelsmann-
stiftung.de/fileadmin/files/Faktencheck/Leaders__Dialogues/Salzburger_Trilog_2017/7_Mig
ration_and_Globalization.pdf
15
Mga Youtube Links na Pinaghalawan:
1. Global Migration: https://www.youtube.com/watch?v=952A6ZNtRrs
2. Canging Word of Migrationhttps://www.youtube.com/watch?v=RMtI6UTWdi0
3. Tracking World Migration The Economist: https://www.youtube.com/watch?v=hcoOENLfpUI
4. World Migration Report: https://www.youtube.com/watch?v=2xcJ8zonWGg
5. Migrating to Oportunity: How to Improve Labor Migration in ASEAN:
https://www.youtube.com/watch?v=KeuNH0ovvtg

Management and Development Team


Schools Division Superintendent: Maria Magdalena M. Lim, CESO V
Chief Education Supervisor: Aida H. Rondilla
CID Education Program Supervisor: Amalia C. Solis
CID LR Supervisor: Lucky S. Carpio
CID-LRMS Librarian II: Lady Hannah C Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Editor: Imee A. Mutia – Head Teacher III

Writer: Redentor A. Salonga, MT I

16
REFLECTIVE LEARNING SHEET
ARALING PANLIPUNAN 10

Pangalan: ____________________________ Baitang at Seksyon: _____________

Paaralan: _________________ Petsa:____________ Guro sa AP: ________________

Kwarter Blg: ___________ Modyul Blg.: ______ Linggo Blg.: _____________

Enhancement Activity Sheet


Gawain: Pa-share naman!
Para sa pagpapayaman ng kasanayan sa pakikipagtulungan (collaborative), sa
pamamagitan ng iyong pinakamatalik na kaibigan/kamag-aral. Makipagpanayam
sa isang OFW gamit ang mga sumusunod na katanungan at gumawa ng inyong
sariling sanaysay hinggil sa kanyang dahilan at karanasan sa pagta-trabaho sa
ibang bansa.
1. Saang bansa nagtrabaho?
2. Ano ang sitwasyon ng pamilyang iniwan?
3. Bakit kailangan mangibang bayan?
4. Paano naka-apekto sa pamilya ang pangingibang bayan?
5. Kung bibigyan ng pagkakataon na mangibang-bayan, gagawin pa ba itong muli?

Gawain: Challenge Accepted

Para sa pagpapayaman ng kasanayan sa pagbuo ng pagkatao (character


building)Dahil sa napapanahon ang video challenge, sa pakikipagtulungan sa iyong
kapareha sa Gawain 8, gagawa kayo ng isang video challenge na nagpapakita ng
inyong suporta sa mga OFW. Sundin ang mga sumusund na panuntunan.

1. hindi lalabis sa 30 segundo.


2. gawing malikhain ang content

3. maaaring maglapat ng napapanahong musika gaya ng mga ginagamit sa


tik-tok
3. siguraduhing malinaw ang mga salita at mensahe sa video challenge.

4. ipadala sa guro ng mp4 file lamang

5. gawin itong masaya, may adbokasiya at may kaugnayan sa aralin.


18
6. gagamitin ang pamantayan sa pagmamarka (20 puntos sa kabuuan)

8 kaugnayan sa aralin
7 linaw ng adbokasiya

5 masining na paglalahad

20 kabuuan

Gawain: Wait lang! (Journal Reflection)


Pagnilayan natin ang kabuuan ng modyul na ito sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga mahahalagang katanungan sa ibaba, gamitin natin ang ating mga pandama
upang maibigay ang ating repleksyon sa gawain.

Natutunan ko na ________________________________________________________________
Ngayong nalaman koito , nais kong ______________________________________________
Naniniwala ako na _______________________________________________________________
Gusto kong ibahagi sa iba na ang _______________________________________________
Ang aking saloobin habang isinasagawa ang gawaing ito, salungguhitan ang sagot
sa napiling emoticon sa ibaba.



19

You might also like