You are on page 1of 2

Cleofe, Salvadod III H.

BSF 3A

1. .Ano ang mensahe ng larawan?

-Ipinapakita sa larawan ang dinaranas ng manggagawa sa kontraktuwal na uri ng

trabaho. Madalas ito’y hindi makatarungan at mabibigat na mga gawain ang nakaabang

sa mga manggagawa at kung minsan pa nga ay sobra-sobra ang oras ng pagtatrabaho ng

mga manggagawa ngunit walang overtime pay, katiting na kita para sa matataas na

presyo ng bilihin at transportasyon. Kung tutuusin, kulang na kulang talaga ang kita dito

para sa manggagawang pamilyado na at may mabbibigat na responsibilidad sa buhay.

2. Sa iyong palagay, ano ang mga dahilan ng suliraning ito sa paggawa?

-Para sa akin, ang sanhi ng hindi matapos-tapos na isyu na ito sa ating mga

manggagawang Pilipino ay katiwalian at kasakiman ng mga negosyanteng nagpapatakbo

ng mga malalaking kumpanya sa ating bansa. Lalong-lalo na iyang mga nasa iligal na

kontraktuwalisasyon. Alam nating hindi lahat ng mga Boss ay abusado at maramot ngunit

may iilan talaga diyan na pagdating sa pera ay nawawalan ng pakialaman sa mga

nasasakupan.

3. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong magagawa upang makatulong sa pagsugpo ng

inilalarawang suliranin sa paggawa?

-Bilang mag-aaral na sang-ayon sa nais ng maraming mamamayan na wakasan na ang

kontraktuwalisasyon sa trabaho, ako po ay nanawagan sa lahat na dinggin ang nais ng

mga manggagawa na wakasan ang naturang uri ng pagpapatrabaho at pagtibayan at

ipatupad ang ilang panukalang batas na pumoprotekta sa karapatan ng mga manggagawa


upang maiwasan ang anumang pang-aabuso at hindi mabuting pagtrato sa kanila. At nang

sa gayon ay magkaroon lahat hindi iilan lamang ng sapat na benepisyo, maayos at regular

na trabaho.

4. Paano ka makakatulong sa pag-angat ng kalidad ng paggawa sa ating bansa?

-Bilang mamamayang Pilipino at may kaunting karanasan na rin bilang manggagawa,

anumang uring trabaho ang mayroon tayo ay matuto tayong pahalagahan ito,

magsumikap lang at lampasan ang lahat ng balakid nang sa gayon ay makamtam ang

tagumpay. At kung dumating man ang araw na ito, ang araw na hindi mo inaakalang

magpapabago sa buhay mo, maging inspirasyon ka sa maraming tao upang manaig palagi

sa tao ang matalinong diskarte, kabutihang gawi at asal na susi sa maunlad na kalidad ng

pamumuhay hindi lamang sa paggawa kundi pangkalahatang aspeto na sambayanang

Pilipino rin ang makikinabang. At tandaan natin na isa rin sa mga paraan upang bumuti

ang kalidad ng paggawa sa ating bansa ay ang pagtangkilik muna ng sariling serbisyo at

hindi ng mga trabahong ibayong bansa ang nakikinabang at hindi ang ating lupang

sinilangan.

You might also like