You are on page 1of 2

CLEOFE, SALVADOR III H.

BSF 3A

EDITORYAL

Resulta ng Halalan 2022, hindi nga ba makatarungan?


May 16, 2022

Sa naging resulta ng isinagawang Halalan nito lamang Mayo 9, 2022 sa Pilipinas,

ang nasaksihang bilang ng boto sa pagka-presidente, bise presidente at senador na hindi pa ganap

na kumpleto noong mismong araw na iyon ay ikinadismaya na agad ng ilang mamamayang

Pilipino, mga grupo at ilang hanay ng mga kumandidato. Ito ay dahil sa mga nangyaring

pagpalya ng machines at ilang kaguluhan na nangyari sa iba’t lugar ng bansa at pinagtatakahan

ng iilang tao na kung bakit madali pa rin ang transmission ng boto sa kabila ng lahat ng ito.

Nanindigan naman ang Commission on Elections na walang dayaan sa Halalan

2022 matapos punahin sa social media ang lamang ni Ferdinand "Bongbong" Marcos sa mga

katunggali.

Iba’t ibang grupong raleyista ang nagtipon-tipon sa Intramuros, Maynila upang ipa batikusin ang

pagiging hindi handa umano ng Comelec at ang pagpalya ng mga vote counting machines.

Nagkaroon man ng mga ganitong tagpo ay hindi na rin naman ito bago sa

maraming mamamayang Pilipino lalo na’t sa kasagsagan ng halalan. Ayon naman sa pahayag ng

ilang IT experts ay wala umanong nangyaring dayaan at ang halalang ito ay naging mapayapa sa

kabuuan kahit na ilang beses pang tinangkang sirain ang proseso at paghahanda sa botohan ng
mga may masasamang layon. Matatandaang ipinangako ni Pangulong Duterte ang malinis at

maayos na botohan para sa kapayapaan ng bawat mamamayang Pilipino at bansang Pilipinas.

You might also like