You are on page 1of 7

Aralin 4: Bahagi ng Pananalita (Pangngalan, Panghalip, Pandiwa, Pang-uri,

Pang-abay)

Gawain: Suriin ang mga salita sa talahanayan na parehong ginagamit sa Cebuano at sa


Flipino ngunit magkaiba ang kahulugan nito.Isulat ito sa angkop na hanay.
Hanapin at Basahin
https://tl.wikipedia.org/wiki/Wikang_Sebwano
https://www.binisaya.com/content/parts-speech-mga-bahin-sa-pamulong

1. Paano tawagin sa wikang Cebuano ang mga kasarian ng pangngalan? Bigyan ng


mga halimbawa ang bawat isa.
Luhinlaki (Panglalake)

Luhinbaye (Pangbabae)

Dikatino (Common)

Wayluhin (Neuter)

Panlalaki - Ito ang mga pangngalan na ginagamit o tumutukoy sa mga lalaking tao o
hayop. Halimbawa: tatay kuya ama ninong tito hari manong Mario Aldrin
PAMBABAE - ITO ANG MGA PANGNGALAN NA GINAGAMIT O TUMUTUKOY
SA MGA BABAENG TAO O HAYOP. HALIMBAWA: ATE NINANG PRINSES
DALAGA RICA MIA

Walang Kasarian - Ito ang mga pangngalan na tumutukoy sa pook o bagay na walang
buhay at walang kasarian pati na rin ang mga bagay sa kapaligiran na may buhay ngunit
walangkasarian. Halimbawa: sapatos puno upuan kalye simbahan prutas lamesa papel
tsinelas
DI- TIYAK ANG KASARIAN - ITO ANG MGA PANGNGALAN NA MAARING
GAMITIN PARA SA LALAKI O PARA SA BABAE. HALIMBAWA: GURO
MAGULANG ALAGA ARTISTA BANYAGA BATA INAANAK KALARO KAPATID

2. Saliksikin ang mga uri ng panghalip at ibigay ang mga katumbas nito sa wikang
Cebuano.
Personal (Pangturo)

Relative (Panghisgot)
Demostrative (Pangdayagon)

Interrogative (Pangsukna)

Reflexive (Pangulingon)

Reciprocal (Pangtugbang)

3. Ibigay ang iba’t ibang uri ng pang-uri at ang katumbas nito sa Cebuano. Bigyan din

ng mga halimbawa ang bawat uri.

1.Descriptive Adjective (Mahulagwayong Pungway)

Common Descriptive (Pangsagaran nga Mahulagwayon)

Proper Descriptive (Pangpiho nga Mahulagwayon)

Halimbawa:

 Malaki ang katawan ni Arnold.


 Itim ang kulay ng buhok ni Pinky.
 Ang dagat ay malawak.
 Malinis ang ilog sa Bicol.
 Ang tambakan ng basura ay mabaho.
2. Limiting Adjective (Makotohong Pungway)

a.  Numerical Adjective (Pangihap) -- gives number or quantity.

1) Cardinal Number (Mapilahong Kaiphan)

2)  Makapilahong Kaiphan (ordinal number)

b. Pronominal Adjective (Pulinganong Pungway)

1) Personal (also Possessive) - (Pangtawo [usab Panghupot])

2)  Demonstrative (Pangdayagon)

3) Interrogative (Pangsukna)

4)  Indefinite (Dikatino)


c. Noun Modifier (Pungang Ighuhulagway)

d. Predicate Adjective (Panayagong Pungway)

e.  Compound Adjectives (Linangkob nga Pungway)

Halimbawa:

 Isa ang pinya sa lamesa.


 Walo ang aso ni Rudy.
 Labing isa ang pumasok ngayon.
 May apat na lalaking sumusunod kay Adelle.
 Ang bola ko ay dalawampu.

 Si Raymond ang pangatlo sa pila.


 Ang Pilipinas ang una sa may pinakamagandang dagat sa Asya.
 Ako sana ang ikalawa sa klase kung hindi ako lumiban at nagkasakit.
 Si Browni ang ika-apat kong aso.
 Mula dito ay panglima ang bahay namin.

Iyong Basahin at Alamin

Ang wikang Cebuano ay mayaman din sa kanilang bahagi ng pananalita o part of speech.

Katunayan, halos lahat ng mga katawagan sa Ingles sa mga bahagi ay may katumbas sa

Cebuano at ito ay dahil sa naging bunga ng pagsusumikap ng isa sa mga Cebuano na si

Kilaton (2012). Sa kanyang pagsasliksik ay nabigyan niya ng mga katawagan ang halos

lahat ng bahagi ng pananalita na tinawag niya sa Cebuano na Mga Bahin sa Pamulong o

Parts of Speech. Ang pangngalan o noun ay tinawag niyang pulongngalan, subalit tatlo

lamang ang uri nito at ito ang sumusunod: pangngalang tumutukoy sa tao o pulongtao,

pangngalang tumutukoy sa lugar o pulongdapit at pangngalang tumutukoy sa bagay o

pulongbutang. Tinawag naman niyang pulingngalan ang panghalip kung saan ang ibig

sabihin ng puli sa katutubong Cebuano ay pagpalit o change sa Ingles. Sa panghalip o


pulingngalan at tinawag niyang unang panawo ang unang tauhan halimbawa ang ko, ako,

kanako (ko, ako, akin), ikaduhang panawo naman para ikalawang tauhan gaya ng ka at

ikaw na parehong ginagamit sa Cebuano at Filipino. Ikatulong panawo naman ang

itinawag niya sa ikatlong tauhan gaya ng siya at sila na pareho ring ginagamit ng dalawang

wikang nabanggit sa itaas.

Samantala, tinumbasan naman ni Kilaton (2012) ang pandiwa ng panglihok na kung saan

ay tinawag niya ang tatlong kapanahunan ng pandiwa ng sumusunod: milabay nga

panahon o panggahapon para sa pangnagdaan, halimbawa naghilak Umiyak), pangkaron

para sa pangkasalukuyan, halimbawa nagsigig hilak (umiiyak) at pang-ugma o umaabot

nga panahon para sa panghinaharap, halimbawa muhilak (iiyak). Ang pang-uri ay tinawag

niyang panghulagway, halimbawa gwapa (maganda) maot (pangit) at iba pa, habang ang

pang-abay naman ay tinawag niyang pung-ayon o pangliway, halimbawa nito ay ugma

(bukas), kusog mudagan (mabilis tumakbo) pungwayon sa pamaagi o pang-abay na

pamaraan.

Lahat ng mga katawagang nabanggit sa talakay ay iibinigay ng nabanggit na may-akda at

binago ng mga miyembro ng Akademyang Binisaya Foundation.

Gawin mo!

Gawain 1: Gamit ang mga natutnan mo sa mga aralin sa wikang Cebuano, gumawa ng

isang Spoken Word Poetry sa wikang Cebuano (subalit dapat may nakalagay na salin sa

Filipino sa inyong video). Ang video ay dapat orihinal na katha at hindi bababa sa tatlong
minuto subalit hindi rin dapat lalampas ng limang minuto. Ang tema ay dapat may

kaugnayan sa pandemya.

Likhain mo!

Panghuling Gawain 2: Virtuwal na Presentasyon (Pangkatan)

Gumawa ng isang Variety Show gamit ang wikang Cebuano. Kayo ay binibigyan ko ng

kalayaan kung ano-ano ang inyong magiging paksa ( maaaring ang mga ito ay may

kaugnayan sa pandemya, mga suliraning kinakaharap ninyo, mga positibo o nagatibo

mang karanasan, ekonomiya, kalusugan, paniniwala at iba pa).

Rubriks:

Kabuluhan at nilalaman ng dula----------------------------------------- 30%


Angkop at wasto ang pagkakagamit ng mga salita -------------------30%
Presentasyon (kahusayan sa pagganap ng bawat miyembro) –------30%
Kooperasyon ng mga miyembro/Pagpapahalaga sa gawain---------10%
Kabuuan--------------------------------100%

Pagnilay-nilayan Mo!

1. Alin sa mga gawain ang sa palagay mo ay makatutulong sa iyo sa pagtamo ng


iyong mga hangarin sa buhay?
Para sa akin, lahat naman ng mga gawaing iyan ay may maitutulong sa anumang

hangarin ko sa buhay. Natututo ako at maari kong gamitin ang mga kaalaman iyon.

Sa pagpapayaman at pagpapayabong ng mga bagong aral na salita, gamitin sa ibat-

ibang larangan na sa tingin ko’y naaayon at kaaya-aya.

2. Sa anong paraan ang mga gawaing tinukoy mo, makatutulong sa iyo?


Halimbawa sa paggawa ng isang tula, gagamitin ko ang wikang Cebuano bilang midyum

nang sa gayon ay mahasa ako at maging pamilyar sa mga ito. Natuto na akong magsalita

nito, nakagawa pa ako ng tula gamit ang wikang ito.

3. Ano ang iyong maimumungkahing gawain kung mayroon man, para mapaunlad pa

ang modyul na ito?

Ang maimumungkahi ko lamang ay magsagawa pa sana ng mga iba pang mga

nakaktuwang gawain na gaganahan pa lalo ang mga mag-aaral at mas

magkakaroon pa sula ng interes na mas matuto ng wikang cebuano.

You might also like