Professional Documents
Culture Documents
FILIPINO 002:
PAGBASA AT PAGSULAT SA IBA’T
IBANG DISIPLINA
MODYUL 10:
Ang Pagpapalawak ng Bokabularyo
Ni
G. ARNULFO B. MENDIOLA
Fil. 002: Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina
2
Panimula
Ang modyul na ito ay umaakay sa mga mag-aaral tungo sa tunay na pagkaunawa sa
mga tekstong pang-akademya na magiging haligi sa kanilang buhay sa unibersidad. Sa
pagpapalawak ng bokabularyo, naroroon ang pagsusuri ng estruktura ng salita,
paggamit ng kontekstuwal na pahiwatig, pagsusuri ng kolokasyon, paggamit ng
diksyunaryo, at pagtukoy sa mga tayutay at kahulugan ng mga ito.
Mahalaga ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa bokabularyo sa mga
guro at sa iba’t ibang propesyon upang higit na maintindihan ang mensahe na gusto
nilang maipahatid sa mga nakakasalamuha nila o sa mga taong makakausap.
Maituturing nating kabang-yaman ninuman ang kaalaman sa mga salita sa iba’t ibang
larangan. Nagbibigay sigla, pang-akit at buhay ang natatanging kaalaman sa anumang
gawaing pagpapahayag maging ito’y pasalita o pasulat.
Sandatang maituturing ito sapagkat nabibigyan ng tamang pagpapakahulugan
ang mga salitang naririnig at nababasa at nalalaman sa anumang sulatin, literari man o
teknikal.
Mga Layunin:
GAWAIN (Activity)
Basahin ang diyalogo. Sikaping sagutin ang mga kasunod na
PAGSUSURI (Analysis)
Sa pasulat na paraan, malaki ang pagkakaiba ng erpat at airpot. Ang erpat sa wikang
balbal ay katawagan para sa salitang ama o tatay at ang airpot naman ay de kuryenteng
initan ng tubig.
PAGHAHALAW (Abstraction)
BASAHIN AT MATUTO
2. Pag-uulit. Ito ay nagaganap kung ang salitang-ugat ay inuulit, hindi lang ang isa o
ilang pantig kundi ang buong salita mismo.
Halimbawa: araw-araw, iba-iba, tayo-tayo
Narito ang mga paraan:
a. Parsyal o di-ganap na pag-uulit – kapag ang unang pantig lamang ng salitang-ugat
ang inuulit.
Halimbawa: aantig, lulutang, tatamasa
b. Ganap na Pag-uulit – kung ang buong salitang-ugat ang inuulit.
Halimbawa: bilog-bilog, patak-patak, bola-bola
B. Panghihiram
Ang panghihiram ng wika ay di nangangailangan ng pagsasarili sa dahilang
buhay ang wikang Filipino, mananatiling patay ang wika kung hindi ito nanghihiram at
hindi ginagamit.
Isinasaad sa Konstitusyon ng 1987 na Filipino ang wikang pambansa at patuloy
itong pagyayamanin, pauunlarin gayundin ang mga wikang internasyunal. Ito ay upang
makaagapay sa mabilis na pag-imbulog ng agham at teknolohiya at salik din ito sa
pandaigdigang kompetisyon.
Ang panteknolohiya at pang-agham na mga aklat ay nakasulat sa Ingles kaya
ang panghihiram ay higit nating kakailanganin.
Ang panghihiram ay ang proseso ng pag-aangkin ng salita mula sa ibang wikang
katutubo o internasyunal. Marami ring salitang Espanyol at Ingles ang kabilang sa
korpus ng Filipino dahil sa mahabang panahong may kaugnayan tayo sa dalawang
bansang nabanggit.
May apat na paraan ng panghihiram sa mga dayuhan ayon kay Alfonso Santiago
sa kanyang “Sining ng Pagsasaling-wika”.
1. Baybayin muna sa salitang kastila ang hiniram na salitang Ingles at saka isalin sa
palabaybayang Filipino.
Halimbawa: Ingles Kastila Filipino
Ceremony Ceremonia Seremonya
D. Paggamit ng Diksyunaryo
Ito ang aklat na naglalaman ng mga salita ng isang wika na inaayos nang
paalpabeto, taglay ang katuturan o kahulugan, deribasyon, denotatibong depinisyon ng
salita at kasaysayan, Tinatawag din itong talatinigan o talahuluganan. May dalawang
malaking uri ng diksyunaryo ayon kina Scott, Foresman at Co:
E. Pagsasalin
Ayon kay Alfonso Santiago, sa aklat niyang Sining ng Pagsasaling-wika, ang
paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas ng diwa o mensaheng
isinasaad sa wikang isinasalin ay tinatawag na pagsasalin.
Ang pagsasalin ay isang ehersisyo na binubuo ng pagtatanong kung palitan ang
isang mensaheng nasulat sa isang wika ng gayunding mensahe sa isang wika. Ang
pagdaragdag, pagbabawas, pagpapalit o pagbabago ng orihinal na diwa ng isinasalin
nang walang kadahilanan ay maituturing na paglabag sa tungkulin ng tagapagsalin. Sa
gawaing pagsasalin hindi salita ang isinasalin kundi ang kahulugan o mensahe.
Nagbabago ito ng pangungusap at napapasama sa ekspresyong idyomatiko. Ipinahayag
ni St. Jerome, ang pinakadakilang tagapagsalin ng Bibliya noong ikaapat na dantaon,
na ang pinakabuod ng usapan ay non verbum a verbo sed sensum experimete de
sense (not word for word but meaning for meaning). Hindi salita sa salita, kundi diwa sa
diwa. Sa ganitong pagpapahayag ang mga salita ay tulay sa komunikasyon at
nagpapahayag ito ng kahulugan at naipadarama ang mensaheng ibig ipaabot. Sa
simple o payak na kahulugan, ang pagsasalin ay ang maagham na sistema ng
paglilipat ng diwa ng isang salita o pahayag mula sa isang wika tungo sa ibang wika.
Ang pagsasalin ay maraming anyo o mukha dahil marami itong paraan batay sa
layunin o pangangailangan.
1. Panghihiram na maaaring binabago lamang ang baybay
Halimbawa: research – riserts
Brochure – brosyur
2. Pa-idiomatiko – ang kahulugan o diwa ng salita ay wala sa anyo o kabuuan ng salita
kundi nasa kultura o kaugalian ng mga taong pinagsimulan ng salita. Halimbawa:
maharlika – dugong-bughaw
3. Literal o paglalapat ng katumbas na salita – sa paraang ito tinatapatan ng tiyak na
katumbas tulad ng bahagi ng pananalita o parts of speech: noun, pronoun, verb, sa
Filipino ay bahagi ng pananalita, pangngalan, panghalip at pandiwa. Halimbawa: one
day – isang araw; I saw – nakakita
One bird – isang ibon
4. Adaptasyon – ganap na panghihiram ng salita o akronim mula sa Griyego, Italya,
Pranses at Latin.
Halimbawa: mardi gras, modus operandi
PAGSUSURI:
1. Ano-ano ang mga karagdagang paraan ng pagpapalawak ng
bokabularyo? 2. Ano-ano ang mga paraan sa ilalim ng pormulasyon ng
salita?
3. Ano-ano ang daloy o proseso ng pagsasalin?
4. Ano-ano ang apat na paraan ng panghihiram sa mga dayuhan ayon kay
Alfonso Santiago?
PAGLALAPAT (Application)
1. Sinakal ng kriminal ang leeg ng kanyang biktima kaya hindi na ito nakahinga. 2. Si
Peter ay masiglang bata, ngunit si Eva ay hindi ganun kalakas ang enerhiyang
pinapalabas.
3. May sabungan sa aming kanto, maraming tao ang nagdala ng kanilang mga manok
upang ipusta.
4. Masarap mamuhay sa bansang may kasarinlan na kung saan may kalayaan ka sa
pagkilos at pagsasalita.
5. Naranasan niya ang matinding kahirapan noong siya ay bata pa. Salat na salat silang
mag-anak sa pagkain, damit at maayos na tirahan. Mula siya sa isang maralitang mag
anak.
B. Paglalapi
Panuto. Kopyahin ang mga salita at salungguhitan ang mga panlaping
ginamit. 1. kamahalan 6. magtulungan
2. masunurin 7. alalahanin
3. umiyak 8. pinagbintangan
4. kasalan 9. aasahan
5. paghirapan 10. Tumagilid
C. Pag-uulit
Panuto: Tukuyin ang mga pag-uulit na naganap sa salita. Salungguhitan ang mga
ito. 1. sasalubungin
2. pito-pito
3. pagtutulungan
4. babalikan
5. uulitin
D. Pagtatambal
Panuto:Ibigay ang kahulugan ng mga pinagtambal na salita. Piliin ang sagot sa loob ng
kahon. Isulat ang titik lamang.
1.Taingang-kawali
2. Ingat-yaman
3. Patay-gutom
4. Akyat-bahay
5. Boses-palaka
6. Ningas-kugon
7. Nakaw-tingin
8. Agaw-pansin
9. Sirang-plaka
10. Takip-silim
A. maggagabi, pagitan ng hapon at gabi
B. magnanakaw, mang-uumit sa bahayng iba
C. pag-sulyap sa isang tao na hindi niya nalalaman
D. pangit kumanta, sintunado o wala sa tono
E. sinisimulan ang isang gawain ngunit hindi tinatapos
F. taong nagbibingi-bingihan
G. madaling makakuha ng pansino atensyon, takaw-pansin,
agaw-eksena H. tresyurera o tresyurero, tagapag-ingatng salapi o
ari-arian ng isang tao o organisasyon
I. paulit-ulit ang sinasabi
J. timawa, palaging gutom, matakaw
E. Panghihiram
Panuto: Tukuyin kung anong paraan ng panghihiran ang naganap sa salita. Isulat ang
titim lamang.
A. Baybayin muna sa salitang kastila ang hiniram na salitang Ingles at saka isalin sa
palabaybayang Filipino.
B. Baybayin ang hiniram na salitang Ingles sa palabaybayang Filipino na di na
dumadaan sa palabaybayang kastila.
C. Ang panghihiram sa salitang Ingles nang walang pagbabago sa baybay ay angkop sa
mga pangalang pantangi, teknikal na salita at pang-agham.
D. May mga salitang dayuhan na maaari ring hiramin nang walang pagbabago.
F. Pagsasalin
Panuto: Piliin ang pinakamalapit na salin. Isulat ang titik lamang.
1. A negative mind will never give you a positive life.
a. Ang isip na negatibo ay di magbibigay ng buhay na positibo.
b. Ang kaisipang negatibo ay hindi ka mabibigyan ng positibong buhay. c.
Ang negatibong pag-iisip ay di magdadala sa iyo sa magandang buhay. d. Ang
pag-iisip ng negatibo ay hindi magbibigay ng positibong buhay. 2. A thing has
value when it is perceived as good and desirable.
a. Ang isang bagay ay may balyu kailanma’t pinipersib na mabuti at kanais-nais.
b. May balyu ang isang bagay kung hinihinuha na may kabutihan at kanais-nais.
c. mahalaga ang isang bagay kung iniisip itong mabuti at kanais-nais. d. Wala
sa mga ito.
3. It pays to visit us once in a while.
a. Nagbabayad paminsan-minsan ang dumadalaw sa amin.
b. Ang pagdalaw sa amin paminsan-minsan ay
kapaki-pakinabang. c. Ang pagbisita sa amin paminsan-minsan ay
pinagbabayaran.
d. Wala sa mga ito..
4. Life is a give-and-take affair.
a. Ang buhay ay isang gawaing pagbibigay at pagkuha.
b. Ang buhay ay ugnayang dapat na may nagbibigay at may tumatanggap.
c. Ang buhay ay pagbibigayan.
d. Wala sa mga ito.
5. The hand that rocks the cradle is the hand that rules the world.
a. Ang kamay na nagtutulak sa duyan ay siyang makapangyayari sa mundo.
REPLEKSYON (Reflection)
Pangalawang talata. Ano ang iyong natutuhan? Matagumpay mo bang nakamtan ang
inaasahang pagkatuto?
Lubos na mahusay Kaibigan! Ang galing mo! Binabati kita sa matiyaga mong
pagsama sa pagtalakay sa aralin. Alam kong nakapapagod maglakbay ngunit sulit
naman dahil matagumpay mong nalaman ang Panitikang Filipino. Ihanda mo ang
iyong sarili para sa Panghuling Pagsusulit.
SANGGUNIAN (References):
Belvez, Paz M. Ed.D., et al. (2003). Sining ng Komunikasyon Pangkolehiya (Filipino 1). Quezon
City: Rex Printing Company. Inc.
Mendoza, Zenaida M., Romero, Marcela L. (2012). Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina
sa Antas Tersarya (Unang Edisyon). Quezon City: Rex Printing Company, Inc.
Recorba, Felisa Moratilla, et al. (2003). Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina, Bulacan:
Trinitas Publishing, Inc.
Sauco, Consolacion P., Papa, Nenita P., Mamuyac, Zenaida C. (1998). Pagbasa at Pagsulat sa
Iba’t Ibang Disiplina Pang-antas Tersyaryo. Quezon City: Katha Publishing Co., Inc.