You are on page 1of 18

MGA WIKA SA

PILIPINAS
Angel Florence V. Villare
ELEM225 || Teaching Social Student in the Elementary Grades
WIKA
Ang wika ay isang sistemang
komunikasyon na madalas ginagamit
ng tao sa isang partikular na lugar. Ito
rin ay isang bahagi ng
pakikipagtalastasan at kalipunan ng
mga signo, tunog at mga kadugtong
na batas para maiulat ang nais sabihin
ng kaisipan. Ginagamit ang sistemang
ito sa pagpapaabot ng kaisipan at
damdamin sa paraan ng pagsasalita
at pagsusulat.
Bakit mahalaga ang Wika?
Instrumento ng komunikasyon
Nagbubuklod ng bansa
Nag iingat at nagpapalaganap ng kaalaman
Lumilinang ng malikhaing pag-iisip
Alam nyo ba kung
ilang wika mayroon
ang Pilipinas?
Mayroong 186 wika sa Pilipinas, 150 dito ay
nanatiling gamit pa at ang iba ay tuluyang
lumipas na.
MGA BUHAY NA WIKA
Wikang Agta Butuanon
Agutaynen Caluyanun
Aklanon Capampangan
Alangan Capiznon
Wikang Alta Cebuano
Wikang Bicolano Dabawenyo
Binukid English / Ingles
Blaan (Koronadal) Filipino
Blaan (Sarangani) Higaonon
Bolinao Hiligaynon
Bontoc (Central)
Buhid
MGA PATAY NA WIKA
Agta (Dicamay)
Agta (Villa Viciosa)
Ayta (Tayabas)
Katabaga
8 PANGUNAHING
WIKA
BAKIT MAY
TINATAWAG NA
MGA
PANGUNAHING
WIKA NG
PILIPINAS?
Kapampangan
Ang wikang Kapampangan ay isang
lengguwaheng tradisyunal na ginagamit ng
mga tao sa probinsya ng Pampanga at bukod
sa ginagamit ang lengguwaheng
Kapampangan sa Pampanga ay karaniwan din
itong ginagamit ng iba pang mga katabing
bayan sa katimugan katulad ng Tarlac,
Pangasinan, Nueva Ecija, Bulacan at Bataan.

Halimbawa:
Nasaan ka? – Nukarin ka?
Anong gusto mo? – Nanu ya ing buri mu?
Pwede ba akong lumabas? – Malyari ku waring
lumwal?
Kailan ka babalik? – Kapilan ka mibalik?
Pangasinan
Ang wikang Pangasinán ay isa sa mga pangunahing wika sa
Pilipinas. Ito ang wikang sinasalita sa lalawigan ng Pangasinan
partikular sa mga bayan ng Basista, Bayambang, Binmaley,
Calasiao, Dagupan at iba pa.

Ang Wikang Pangasinan o Pangasinense ay nasasailalim sa


sangay Malayo-Polynesian ng pamilya ng mga wikang
Austronesian. Sinasalita ang Panggasinan ng higit pa sa
dalawang milyong tao sa lalawigan ng Pangasinan, ng iba pang
mga pamayanang Pangasinan sa Pilipinas

Halimbawa:
Magandang gabi - Masantos ya labi
Nasaan ang banyo? - iner so kasilyas?
Anong ulam mo? - Antoy siram?
Pahiram ako ng pera - Umbayes ak pay kwartam
Ilokano
Ang Iloko (o Iluko, Iloco, puwede ring Ilokano o Ilocano) ay isa sa mga pangunahing wika ng Republika ng
Pilipinas. Ito ang wikang gamit (linguafranca) ng halos kabuaan ng Hilagang Luzon lalo na sa Rehiyon ng
Ilocos, sa Lambak ng Cagayanat sa maraming bahagi ng Abraat Pangasinan. Marami ring mga nagsasalita
ng Iloko sa Nueva Ecija, Tarlac, Mindoroat sailang lalawigan sa Mindanao.

Halimbawa:
Magandang Umaga - Naimbag na bigat
Ano ang pangalan mo? - An-ya tingan mo?
Ang ganda mo - Napintas ka
Ang wikang Bikolano ang ginagamit ng mga taong naninirahan sa mga probinsya na
matatagpuan sa tangway ng Bikol at nagsisilbi bilang Lingua Franca o pangunahing wika
ng rehiyon. Ginagamit din nila ang Wikang Bicolano bilang midyum sa pagtuturo sa
paaralan, sa pagpapahayag ng salita ng Diyos sa simbahan, at sa iba’t iba pang okasyon.

BIKOL Halimbawa:
Nagagalak akong makilala ka - Kaogmahan kong mabisto ka
Magkano ito ate? - Gurano ini ate?
Maaari bang bagalan mo ang iyong pagsalita - Pakiluway-luway man tabi an pagtaram mo
Hiligaynon
Hiligaynón ang tawag sa wika ng grupong Hiligaynón na
naninirahan sa kanlurang Visayas partikular sa lalawigan ng
Aklan, Antique, Capiz, Iloilo, at Negros Occidental. May ilan ding
nagsasalita nitó sa Sultan Kudarat at Timog Cotabato sa
Mindanao.

Ang salitang "Hiligaynon" ay nagmula sa katagang Kastila na


"Yliguenes", na pagkatapos ay nagmula sa salitang Hiligaynon na
"Iligan" o "Iliganon" Na tumutukoy sa isang ilog, o literal na "kung
saan dumadaloy ang tubig." Ang mga Espanyol ay malamang na
gumawa ng koneksyon na ito sa mga katutubong residente ng
Panay, na naninirahan sa bukana ng ilog at sa gayon ay madaling
natuklasan ng mga Espanyol.

Halimbawa:
Tao po - Tagbalay
Tumatawa na siya - Nagakadlaw na siya
Kumain ka ng kanin - Kaon ka na sang kan-on
Saan ka pupunta? - Diin ka makadto?
Cebuano
Ang Cebuano, o mas kilala sa tawag na Binisaya, Bisdak,
Bisaya, at Sugbuhanon ay ang lengwaheng ginagamit ng
mga taong naninirahan sa Visayas. Ang pangalang
Cebuano ay nanggaling sa pangalan ng isla ng Pilipinas na
'Cebu' na dinagdagan ng panlaping 'ano' sa Espanyol na
nangangahulugang 'native of'.

Ang wikang Cebuano ay wikang Awstronesyo na sinasalita


sa Pilipinas ng humigit tatlomput-tatlong (33) milyong tao
na nasa ilalim ng mga wikang Bisaya. Ito ang may
pinakamalaking bilang ng katutubong mananalita sa
Pilipinas, kahit na ito ay hindi pormal na itinuturo sa mga
paaralan at mga pamantasan.

Halimbawa:
Hindi ko maintindihan - Wala ko kasabot
Saan ang terminal? - Asa ang terminal?
Magandang gabi - Maayong Gabi
Ang Wináray, Win-áray, Wáray-Wáray o Waráy
(karaniwang binabaybay bilang Waray; tinutukoy din bilang Winaray o L(in)eyte-Samarnon)

Waray Ito ay isang wika sa mga lalawigan ng Samar, Hilagang Samar, Silangang Samar, Leyte
(silangang bahagi), at Biliran sa Pilipinas. Ang mga wikang Waray ay binubuo ng Waray-
Waray, Waray ng Sorsogon, at Waray ng Masbate-Sorsogon. Bisakol ang minsang itinatawag
sa Waray ng Sorsogon at ng Masbate-Sorsogon dahil halo ang mga ito ng Bisaya at Bikol.

Halimbawa:

Sino ka? - Hin-o ka?


Ang ganda-ganda mo talaga -
Kahuhusay nimo hin duro
Tagasaan ka? - Taga diin ka?
Magkano ito? - Tag pira ini?

Tagalog
Ang wikang Tagalog na kilala rin sa payak na pangalang
Tagalog, ay isa sa mga pinakaginagamit na wika ng Pilipinas.
Ito ang nangingibabaw na katutubong wika sa mga lalawigan
ng ika-4 na rehiyon ng Pilipinas (CALABARZON at
MIMAROPA), sa Bulacan, Nueva Ecija at Kalakhang Maynila.

Ang wikang Tagalog ay may pagkakatulad sa ibang mga wika


sa Pilipinas katulad ng mga wika sa Bikol, Ilokano, mga wika
sa Kabisayaan, at Kapampangan. May mga pagkakatulad din
ito sa ibang mga mga wikang Austronesyo katulad ng Wikang
Indones, wika ng Hawaii at Malgatse.

Halimbawa:
Si Andres Bonifacio ay isang matapang na bayani.
Sina Rose at Bella ay magaling sa matematika.
Dalhan mo ako ng pasalubong.
MARAMING
SALAMAT!

You might also like