You are on page 1of 3

Villare, Angel Florence V.

EDUM203.N1Ar

COMPREHENSION CHECKS

1. Upon reading the first few sentences of the story, what can you notice about how Charlie Gordon,
the main character, writes? Why do you think he writes that way? In one Bicol word, how do you
think most people would describe Charlie Gordon given the way he writes and speaks?

Matapos kong mabasa ang ilan sa mga pangungusap, ang napansin ko sa pamamaraan ng
pagsulat ni Charlie ay karamihan sa mga salita ay mali ang pagkabaybay o spelling. Halimbawa na
lamang ang salitang “rite” na kanyang nabanggit sa unang pangungusap, kung saan ito ay mali dahil
ang salitang ito ay tumutukoy sa isang kilos na bahagi ng isang seremonya. Ang angkop na salita na
kanyang dapat ginamit ay “write.” Sa aking opinyon, ang kanyang pamamaraan ng pagsulat ay
nangangahulagan lamang na sya ay wala pang sapat na kaalaman patungkol sa wastong pagbaybay
ng isang salita sa Ingles, at hindi alam ang pagkakaiba ng mga salitang magkatunog. “Maluya” isang
salita sa bicol na ang ibig sabihin ay hindi matalino o mahina. Sa tingin ko, iyon ang ilalarawan sa
kanya ng karamihan sapagkat sa panahon ngayon, sinusukat ng karamihan ang talino o kakayahan
ng isang tao base sa kanyang galing sa pananalita o pamamaraan ng pagsulat sa Ingles.

2. How is Charlie Gordon related to Dr Strauss in the story? How about Dr Nemur? How about to Ms
Kinnian?

Si Charlie Gordon ay may kaugnayan kay Dr Strauss sa kuwento sa paraang isa siya sa
doktor na nagsagawa ng operasyon ni Charlie. Nagsagawa rin siya ng mga sesyon na makatutulong
kay Charlie pagkatapos ng operasyon. Si Dr Nemur ay ang kasama ni Dr Strauss sa pagsagawa ng
operasyon at eksperimento ngunit si Dr Nemur ay hindi kailanman naging interesado sa emosyonal
na espeto ni Charlie. At panghuli, ayon sa kwento, si Ms Kinnian ay guro ni Charlie. Sya ang
nagrekomenda kay Charlie para sa eksperimentong operasyon dahil siya ay humanga sa lebel ng
motibasyon ni Charlie.

3. Why did Dr Strauss require Charlie to write a some sort of a diary in the form of a Progress
Report?

Dahil sa kagustuhan na maging matalino ni Charlie, hiniling ni Dr Strauss kay Charlie na


magsulat ng progress report upang malaman kung siya ay karapat-dapat na sumailalim sa
operasyon at upang maalala ni Charlie ang lahat ng nangyayari sa kanya.

4. Who is Algernon? What is the role of Algernon in the life of Charlie Gordon?

Si Algernon ay isang puting daga na sumailalim sa isang eksperimental na operasyon na


pinamumunuan nina Propesor Nemur at Dr. Strauss upang mapaunlad ang kanyang katalinuhan.
Dahil si Charlie ay may kapansanan sa intelektwal at humahangad ng mas maganda at matalinong
buhay, ang kanyang kawalang-kasiyahan sa buhay ay ang nag tulak sa kanya upang sumailalim din
sa operasyon. Nang mas nagiging matalino na si Charlie at laging nananalo, doon nya na nakilala ng
tunay at nagustuhan si Algernon. Sa kasamaang palaad, bumalik ang kapansanan nya sa intelektwal.
At pagkatapos ng lahat ng nangyari, si Charlie ay nagkaroon ng emosyonal na koneksyon kay
Algernon sapagkat ang kanyang mga karanasan at kapalaran ay kapareho ng kay Algernon.
5. What are the ‘ink blot’ and ‘maze’ tests for?

Ang 'ink blot' at 'maze' ay isang uri ng pagsusulit na ginamit kay Charlie at Algernon upang
malaman ang kanilang personalidad, katangian, at emosyonal na kapasidad ng tao. Noong una ay
hindi naging matagumpay si Charlie sa rorschach test dahil wala talaga siyang makita sa mga ink-
blots. Gayunpaman, pagkatapos ng kanyang operasyon ay naintindihan nya ito at nagsimula na
syang makakita ng larawan.

6. What is Dr Strauss preparing Charlie for—what is Dr Strauss going to do with Charlie?

Dahil sa kahilingan ni Charlie na maging isang ganap na matalino, inihahanda ni Dr Strauss


si Charlie para sa brain operation. Dagdag pa ni Dr Strauss, bihirang makahanap ng isang taong
mababa ang intelektwal na kapasidad ngunit mayroong motibasyon upang matuto pa. Sa huli ay
napagdesisyunan na si Charlie ang gagamitin sa operasyon. Gayunpaman, bago nila ito gawin ay
ipinaliwanag nila ang lahat kay Charlie na kung sakali ay hindi ito maging matagumpay, maari itong
magresulta sa mas malubhang sitwasyon. Ngunit sa kanilang pag uusap, buo pa rin ang kanyang
desisyon na sumailalim sa operasyon.

7. Why are Dr Nemur and Dr Strauss never seem to get along well?

Gabing iyon ng pumunta si Charlie kay Dr Strauss upang magtanong tungkol sa pag
hapunan nila kasama si Miss Kinnian, ngunit pagpasok nya ay nag aaway si Dr Nemur at Dr Strauss,
lagi raw itong nagtatalo. At narinig niyang sumigaw si Dr. Nemur na sa kanya daw ang
eksperimento at ang kanyang pananaliksik ngunit sumagot naman ng pasigaw si Dr Strauss na
madami syang naitulong, at sya daw ang nakahanap kay Charlie upang matuloy ang operasyon.
Dagdag pa riyan, narinig din niya ang pagtatalo patungkol sa paglalathala ng mga resulta ng
eksperimento sa katapusan ng buwan.

8. On what day and Progress report entry did you notice that Charlie is getting smarter? Why did
you say that Charlie was getting smarter? Give some 3 very specific proof from Charlie’s Progress
Report Entries that he is indeed getting smarter.

Base sa aking obserbasyon, napansin ko na nagiging mas matalino si Charlie sa Progress


report 11 partikular na sa Day 21. Ito ay dahil sa mga nangyayaring pag unlad sa kanyang sarili.
Una, kung dati ay ginagamit nya ang kuwit o comma sa bawat salita at pinagsama-sama ang mga
bantas sa iisang pangungusap, ngayon ay natutunan nya na ang wastong pag gamit nito at
nakakatulong ito upang mabigyang linaw ang mga kahulugan ng mga isinusulat niyang pahayag.
Pangalawa, mahusay nya ng nababaybay ang mga salita. Kung mapapansin natin sa unang bahagi ng
kanyang progress report, hindi kanais-nais ang pagkaka-baybay ng mga salita na nakakaapekto sa
kahulugan ng mga pahayag. Gayunpaman, madali ng unawain ang mga pangungusap dahil ang mga
salita ay nabaybay nang wasto at ang mga bantas ay tama. Sa wakas, ngayon ay mabilis na siyang
nakakabasa at madalas ay naiintindihan na niya ito hindi tulad noon na nahihirapan siyang
magbasa ng mga libro at umintindi ng mga salita. Mahilig na din siyang magbasa ng mahihirap na
salita sa diksyunaryo at pag-aralan ang mga ito. Dahil dito, naniniwala si miss Kinnian na dapat na
ngayong magsimulang matuto si Charlie ng mga bagong wikang banyaga bukod sa kasaysayan,
heograpiya, at aritmetika.

9. What significant events happened to Charlie, as he shared in his Progress Report Entry 9?
Maraming makabuluhang pangyayari ang nangyari kay Charlie. Ang una ay natalo nya si
Algernon sa maraming pagkakataon kaya’t napagtanto niya na mas nagiging matalino na siya upang
matalo ang isang matalinong daga tulad ni Algernon. Kasunod nito ay ang pagkatuto nya ng
wastong paggamit ng mga bantas, ang tamang pagkabaybay ng mga salita. Sa una, hindi niya ito
ginagamit nang tam dahil naglalagay siya ng mga kuwit at tuldok sa bawat salita. At ang progress
report ni Charlie ay mas lalong umuunlad dahil mabilis na itong basahin at unawain. Gusto niyang
itama ang mga ito, ngunit sinabihan siya ni Miss Kinnian na huwag, para mapanood nila ang
kanyang pag-unlad.

10. Why is Charlie’s beating Algernon in the ‘test’ worth celebrating?

Karapat-dapat lamang na ipagdiwang ang pagkapanalo ni Charlie kay Algernon sa ‘test’


sapagkat ito ang nagpapatunay na ganap na syang nagiging matalino para talunin ang isang
matalinong daga tulad ni Algernon at nangangahulugan na tumataas na ang lebel ng kayang
intelektwal.

You might also like