You are on page 1of 1

Name: Angel Florence V.

Villare
Section: N1Ar

“Ayuda”
Sa napakaraming pinagdaan ngayong taon (sakuna,hidwaan pandemya) marami ring
umusbong na salita na nakilala, nabuhay muli na salita at mga salitang nabigyan ng
bagong kahulugan at isa na dito ang salitang Ayuda. Ang kahulugan ng salitang ayuda ay
magbigay ng tulong o suporta sa nangangailangan. Ang salitang “ayuda” ay salitang Espanyol na
nangangahulugang "tulong” sa Tagalog. Ito ay isa sa mga salita na impluwensya mula sa
Espanya. Unang nagamit ang salita noong 1721 at magmula noon ang termino ay madalas ng
ginagamit sa mga pahayagan, radyo, telebisyon, at ngayon ay madalas na nating marinig at
mabasa sa internet dahil sa madalas na itong ginagamit. Ngunit May ilang lugar sa Pilipinas na
hindi gumagamit ng salitang ayuda at malimit na ginagamit ang salitang tulong sa Metro
Manila, tolong sa Pangasinan, bulig sa Ilonggos at tabang sa Cebu at Bikol.

Ang salitang Ayuda ay matagal ng umiiral na salita ngunit ngayon lamang nabigyan
ng importansya at malalim na pagpapakahulugan sapagkat ang COVID-19 na isang ganap na
pandemya ay kasalukuyang nararanasan ng higit sa milyon na katao sa daigdig. Malaki ang
epekto nito sa mga Pilipino dahil marami ang nawalan ng kabuhayan katulad ng kani-kanilang
negosyo at trabaho. Milyon-milyong pamilya ang nakaranas ng kagutuman. Halos mamalimos
na upang mairaos ang pang araw-araw na pagkain na hindi alintana ang panganib ng
pandemya. Sa kinakaharap na suliranin ng bansa, isa sa mga proyekto ng gobyerno ay ang
Bayanihan To Heal As One Act. Nakapaloob dito ang badget na ibibigay bilang ayuda sa mga
apektadong pamilya na nawalan ng trabaho. Mauunang mamigay ng pagkain o mga relief
goods ang pamahalaan bago ang pinansyal na tulong sa mamamayan bilang ayuda sa mga
mahihirap na pamilyang apektado ng krisis epekto ng COVID -19 sa bansa. At isang uri din ng
ayuda ang ipinamigay ng ating pamahalaan at yun ang tinatawag nilang SAP o Social Amelioration
Program na isang uri ng ayudang pinansyal. Ito ay paniniwala ng lahat na pera ito ng bayan kung
kaya’t namamarapat lang ibalik sa kanila ang pera lalo na sa ngayon na nangangailangan sila ng
pinansyal na tulong upang matustusan ang kanilang pang araw-araw na pamumuhay.
Gayunpaman, isa sa mga malaking problema ng pagbibigay ng ayuda ay ang sistema kung paano
ito naibibigay sa mga tao, dahil dapat mayroong social distancing para maiwasang dapuan ng
sakit. Dahil dito, malaki ang pangamba na mas kumalat pa ang COVID-19 sa mga komunidad.
Pero dahil karamihan sa mga lubos na naapektuhan ng pandemya ay mga mahihirap, hindi
maaaring palampasin ang oportunidad na kumuha ng ayuda para mabigyan ng pagkain ang mga
pamilya nila.

Ating tandaan na hindi lahat ng tao ay may pantay-pantay na oportunidad para


bumangon. Kaya dapat tayong tumulong sa ating mga kapwa sa kahit ano mang paraan na
pwedeng magawa natin. Sa paraang ito, nabigyan ng halaga ang salitang “ayuda” sapagkat ito
ay nakapagbibigay ng tulong o suporta sa nangangailangan sa panahon ng pandemya.

You might also like