You are on page 1of 3

Ateneo de Naga University

Ateneo Ave., Naga, Camarines Sur


AY 2022-2023

ARALING PANLIPUNAN
Banghay Aralin

I. LAYUNIN
1. Matatalakay ang mga katangian ng Kontemporaryong Isyu
2. Matutukoy ang kahalagahan ng pagiging mulat sa mga
kontemporaryong isyu
sa lipunan
3. Makalilikha ng angkop na plano sa pagtugon sa mga hamong
panlipunan tungo sa pagpapabuti ng pamumuhay ng tao.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Mga Kontemporaryong Isyu

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian: Araling Panlipunan Unang Markahan - Modyul 1: Ang
Kahalagahan ng Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu

B. Iba Pang Kagamitang Panturo


1. PowerPoint Presentation
2. Projector
3. Mga larawan na nagpapakita ng iba’t ibang uri ng
Kontemporaryong Isyu

IV. PAMAMARAAN
a. Balik-aral
1. Magsasagawa ang guro ng pagbabalik -tanaw hinggil sa mga kaalamang
natutunan noong nakaraang talakayan at kung tungkol saan ang
paksang tinalakay.

b. Pagganyak
1. Magpapakita ang guro ng mga editorial cartoons at ang mag aaral ay
susuriin ang bawat litrato. Pagkatapos suriin, tukuyin kung ang mga
ito ay halimbawa ng isyung: panlipunan, pang-ekonomiya,
pangkapaligiran, at pampolitika.
2. Magbibigay ang guro ng mga katanungan:
a. Alin sa mga isyung nasa larawan ang pumukaw ng iyong
atensyon? Bakit?
b. Anong uri ng kontemporaryong isyu ito?
c. Paano maituturing ang isang suliranin na isang
kontemporaryong isyu?

c. Panlinang na gawain
1. Ipepresenta ng guro ang inihandang Powerpoint presentation at video
na tumatalakay sa kung ano ang kontemporaryong isyu at epekto nito
sa komunidad o bansa.

Ano ang kontemporaryong isyu?|


https://www.youtube.com/watch?v=ahqdYl1CzXk

d. Paglilista
1. Magsasagawa ang guro ng isang gawain kung saan ang bawat mag-
aaral ay pupunta sa pisara upang maglista ng mga isyu na nagaganap
sa lipunan mula sa letrang A-Z.
e. Pagpapangkat
1. Matapos mailista ng mga mag-aaral sa pisara ang mga kontemporaryong
isyu mula letrang A-Z, hahatiin ang klase sa apat na pangkat. Ang bawat
pangkat ay susuriin ang mga isyu na nakasulat sa pisara kung saang
aspeto nabibilang ang mga ito at pagkatapos ay ilalagay ito sa tamang
hanay ng aspeto.

f. Paglalaybel
1. Susuriin ng guro ang mga kasagutan ng bawat pangkat at
magsasagawa ang guro ng pagwawasto sa mga ito at gagabayan ito ng
mga tanong:
a. Sa papaanong paraan ninyo pinagpangkat-pangkat ang mga
isyung nakasulat sa pisara?
b. Paano nakakaapekto ang mga isyung ito sa komunidad, bansa o
pandaigdigan?
c. Bakit kailangan pagtuunan ng pansin ang mga kontemporaryong
isyu na nararanasan sa bansa at mundo?
d. Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng mga kontemporaryong
isyu ito?

g. Evaluation
1. Sa pagkakataong ito, bago matapos ang talakayan ay nais kong subukin
ang lalim ng pag-unawa ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagsagot
sa 15-item quiz bilang isang pangwakas na gawain na aking inihanda.

h. Takdang aralin
Sa isang kapat na papel, sagutin ang katanungan:
1. Bilang isang mag-aaral, anong hakbang ang iyong nais gawin upang
matugunan ang mga hamon o isyung ito?

You might also like