You are on page 1of 6

Magandang araw mga bata! Kamusta kayo? Mabuti.

Tayo muli ay nandito sa ating silid aralan


upang mag aral ng asignaturang filipino.

Ngayong araw ay tatalakayin natin ang bagong paksa


Handa na ba kayo? Kung oo, umupo ng maayos at makinig ng mabuti.

Prayer and attendance


Pero Bago magsimula ang ating aralin, tayo ay manalangin. Sa ngalan ng ama, ng anak, ng
espiritu, santo (youtube play) amen. Ngayon, magtsetsek ako muna ng attendance, sino ba ang
liban sa ating klase? Meron ba? Lahat ba ay present? Okay mabuti naman po.

Balik-aral
Bago tayo magsimula sa panibagong paksa, ating balikan ang nakaraang aralin. May ipapakita
ako sa inyong mga larawan at kailangan nyong kumpletuhin ang salita upang makabuo ng
salitang diptonggo na may kaugnayan sa larawang iyong makikita. Nauunawaan ba? Mabuti.

Para sa Unang larawan, anong ang ipinapakita? Suklay tama! Araw araw ba kayo nagsusuklay?
Sunod, anong hayop ang ipinapakita sa larawan na ito? Kalabaw tama! Saan natin madalas
makita ang kalabaw? Sa bukid kasi ito ang kadalasang ginagamit ng ating mga magsasaka sa
pag-aararo at pagtulak ng kariton na upang madala ang kanilang ani
Ano naman ito? Apoy, magaling!
Pang apat, ano ang ipinapakita ng larawan? Ito ay sisiw!
At pang huli, (ano ito?) gulay. Mahusay!

Ngayon, base sa inyong mga sagot


a. Ano ang tawag sa mga salitang iyong nabuo? Ito ay tinatawag na Diptonggo.
b. May nakakaalala ba sayo kung ano ang diptonggo? Ano ito? Ang diptonggo ay
tumutukoy sa pinagsamang tunog ng isang patinig at isang malapatinig (w,y) sa loob ng
isang pantig. Ang patinig ay alinman sa limang titik na a, e, i, o, at u kasama nito ang
malapatinig na w o y. Ang mga diptonggo ng Filipino ay aw, iw, iy, ey, ay, oy at uy. Ngunit,
dapat tandaan na Walang diptonggo sa mga salita na may mga titik aw, ay, ey, iw, iy, oy,
o uy kapag nahihiwalay ang dalawang titik sa pagpapantig.
Nauunawaan ba ito bago tayo magsimula sa bagong aralin? Mabuti.

Mga Layunin
Kung gayon, simulan na natin ang bagong aralin. Pero bago ang lahat, alamin muna natin ang
mga layunin na dapat niyong matutuhan sa pagtatapos ng aralin. Isa-isahin natin. Sabay sabay
nating basahin.

Okay Maraming salamat. Iyan ang dapat na inaasahan natin na makamtan sa pagtatapos ng
ating aralin ngayong araw.
Ngayon naman, pakinggan natin ang kantang ito tungkol sa Alpabetong Filipino. Makinig at
unawain dahil may ilang tanong akong ibibigay sa inyo pagkatapos nito. Handa na ba kayo?

Mabuti! Narito ang Awit ng Alpabasa.

Base sa iyong napakinggan na kanta.


a. Ilang letra mayroon ang Alpabetong Filipino?
Tama, mayroon po tayong 28 o dalawampu’t walo na letra sa Alpabetong Filipino.
b. Ang alpabetong filipino ay nahahati sa dalawang pangkat ito ang patinig at katinig. Ilan
sa mga ito ang patinig? Lima, tama! Ito ay ang a e i o at u.
c. Kung mayroon tayong limang patinig, ilan naman ang bilang ng katinig? 23, magaling!
Mayroon tayong dalawampu't tatlo o 23 na katinig. Ano-ano ang mga ito? Ito ang….

Presenting Instances of new lesson


Magaling mga bata! Ngayon ay magbasa tayo ng isang maikling kwento at ito’y ating unawain
ng buong puso. Handa na ba kayo? Mabuti! Narito ang Kuwento ni Markus. Sabay sabay nating
basahin.

Tapos na basahin:
Mahusay mga bata! Ngayon ating sagutang mga gabay na tanong:
a. Sino ang tauhan sa kuwento? Ang tauhan sa kuwento ay si Markus. May iba pa? Wala,
magaling. Walang ibang tauhan sa kuwento kundi si Markus.
b. Tungkol saan ang binasa mong kuwento? Ang binasa nating kuwento ay tungkol sa mga
hilig at ginagawa ni Markus.
c. Ano-anong mga salita ang may salungguhit sa kuwentong iyong binasa? Ating basahin.
Ang mga salita na may salungguhit sa kuwento ay krayola, trak, tren, trumpo, grado at
prutas.
d. Ano ang iyong napansin sa mga salitang may salungguhit? Mapapansin natin na ang
mga salita ay mayroong magkasunod na katinig katulad ng kr, tr, gr at pr.
e. Ano ang kaya sa tingin nyo tawag sa mga salitang ito? Ang tawag sa mga ito ay klaster
dahil mayroon tayong matatagpuan na magkakadikit na dalawang magkaibang katinig
sa mga salita.
f. Ang salitang trak, trumpo at tren ba ay halimbawa ng salitang may klaster o
kambal-katinig? Oo, tama!

Mukhang naunawaan at natutuhan nyo ang ating binasang kuwento tungkol kay Markus gamit
ang mga salitang may klaster, naipahayag ni Markus ang kanyang mga hilig at ginagawa sa
araw-araw. Sigurado na kapag kayo naman ang magpapahayag ng tungkol sa iyong sarili, tunay
na magagamit nyo ang mga salitang may klaster o kambal-katinig upang maikuwento ang iyong
mga paborito, hilig o mga gawain.

Discussion
Ngayon naman, magpatuloy tayo sa ating talakayan at ating alamin kung ano nga ba ang klaster
at mga halimbawa nito upang patuloy nating mapalawak ang ating kaalaman.
Ano ang klaster? (sabay sabay basahin)
Ibig sabihin ang klaster ay ang tawag sa mga pinagsamang tunog ng dalawang katinig.
Mayroon itong mga salitang magkadikit o nakakabit na dalawang magkaibang katinig na
matatagpuan lamang sa iisang pantig. Ito ay tinawag din na kambal-katinig dahil dalawang
katinig ang magkatabi sa isang salita.

Halimbawa nito ay ang br, bl, dr, kr, pl, gl, kw, dy, ts, pr

Ang klaster o kambal-katinig ay maaaring matagpuan sa unahan, gitna, o hulihan ng salita. Ibig
sabihin, hindi lamang sa unahan ng salita natin makikita ang klaster o kambal katinig, maaari
rin makita natin ito sa gitna at hulihan ng salita.

Halina't tingnan natin ang ilang halimbawa ng klaster. Buksan ang iyong mic at basahin natin ng
sabay sabay

Narito ang mga salitang nasa UNAHAN ang klaster: ngayon maaari nyo bang tukuyin ang mga
kambal katinig sa salita? magaling

Sunod naman ay ang mga salitang nasa GITNA ang klaster: at ang mga kambal-katinig sa salita
ay ang mga sumusunod:

At panghuli, narito ang mga salitang nasa HULIHAN ang klaster: ella maaari mo bang tukuyin
ang mga kambal-katinig? mahusay!

TUKUYIN MO
Ngayon, maglaro tayo. Tukuyin mo ang pamagat ng gawain na ito kung saan magpapakita ako
ng mga larawan na ang pangalan ay may kambal-katinig. At iyong tutukuyin ang mga klaster o
kambal-katinig sa bawat salita. Basahin natin ang panuto:

Handa na ba kayo? Mabuti.


Ngayon, ano ang ipinapakita ng larawan? Ito ay nagpapakita ng isang larawan ng Dyip. Ano ang
klaster o kambal katinig sa salitang dyip? Dy, tama!

Sunod ito ay isang sumbrero. Ano naman ang kambal-katinig sa salitang sumbrero? Br
magaling!

Sunod, ang larawang ito nagpapakita ng isang? Nars. Ano ang kambal-katinig na iyong makikita
sa salitang Nars? Rs, tama!

Ano naman kaya ito? Ito ay isang gripo. Ano ang magkatabing katinig? Ito ay ang GR.
At panghuli, ang ipinapakita ng larawang ito ay isang Biskwit. Ano ang kambal-katinig sa
salitang biskwit? Kw, mahusay mga bata!

a. Ano ang bumubuo sa mga salitang klaster na nabanggit? Magbigay ng isa. Ang
bumubuo sa mga salitang klaster na nabanggit? dy, br, rs, gr, at kw. Ito ba ay halimbawa
ng klaster? Oo.
b. Ano ang iyong napansin sa mga salita? Saan natagpuan ang mga kambal-patinig?
Mayroong nasa unahan, gitna at hulihan. Ibig sabihin, Ito ay matatagpuan natin sa iba’t
ibang parte ng salita maging sa unahan, gitna o hulihan ng salita.

Magbigay ka
Mahusay mga bata! Dahil nasagutan nyo ng maayos at tama ang ating isinagawang laro.
Ngayon, upang mas malinang ang iyong kaalaman at pag-unawa sa ating aralin, tayo ay
magkakaroon ng indibidwal na gawain. Ito ay ang magbigay ka. Ngayon, kumuha kayo ng isang
malinis na papel at lapis dahil ito ay isusulat nyo sa iyong papel at ipapakita.

Sa gawain na ito, kailangan magbigay ng tatlong salita na mayroong klaster at tukuyin ang mga
kambal-katinig sa salita. Ang layunin ng indibidwal na gawain na ito ay upang mapraktis ninyo
ang pagkilala at pagbubuo ng mga salitang may klaster. Mayroon lamang kayong tatlong minuto
upang gawin ito. Maaari na kayong magsimula.

Tapos na ba? Kung oo, ngayon ibahagi ninyo ang iyong mga sagot sa ating klase. Sino ang
gustong mauna?

Mahusay mga bata! Nakapagbigay kayo ng sarili ninyong halimbawa ng salitang may klaster at
natukoy nyo rin ng tama ang klaster o kambal katinig sa iyong ibinigay na halimbawa.

Maikling Kuwento Kapangyarihan


Ngayon, dumako naman tayo sa isang maikling kuwento tungkol sa “Ang Kapangyarihan ng
Paggamit ng Klaster” ito ay aking babasahin at makinig kayo ng mabuti at unawain ang aking
kuwentong babasahin. Nauunawaan ba? okay.

Ngayon, narito ang mga katanungan upang gabayan ang kuwentong ating binasa:
1. Sino ang tauhan sa kuwento? Si Kiko ang tauhan sa kuwento.
2. Tungkol saan ang iyong binasa? Ang binasa natin ay tungkol sa pagtuturo kay Kiko ng
tamang paggamit ng klaster o kambal-katinig at kung paano ito nakatulong sa kanya
upang makatulong sa kanyang kaharian.
3. Paano ginamit ni Kiko ang kanyang kaalaman sa klaster upang makatulong sa mga tao?
Sa pagkakaroon ng kaalaman sa paggamit ng klaster, naisip ni Kiko na magtayo ng
isang munting palengke at magdala ng mga pangangailangan upang maipamahagi sa
mga tao na naapektuhan ng malaking bagyo.
4. Ano-ano ang mga halimbawa ng klaster o kambal-katinig ang nabanggit sa kuwento?
Ang mga halimbawa ng klaster sa kuwento ay prutas, biskwit, tsinelas at blusa.
5. Ano ang kahalagahan ng mga salitang may klaster o kambal-katinig sa kuwento? Ang
mga salitang may klaster o kambal-katinig ay nagbigay ng kaalaman at kakayahan kay
Kiko para makabuo ng mga salita at maiugnay ito sa praktikal na paraan tulad ng
pagtayo ng isang palengke.
6. Bilang mag-aaral, paano mo gagamitin ang iyong natutuhan tungkol sa mga salitang
may klaster?

Paglalahat:
Ngayon at malapit na tayo sa pagtatapos ng ating aralin tungkol sa klaster, narito ang mga
mahahalagang tanong na nais kong ibigay sa inyo upang makapagnilay nilay tayo sa mga ating
natutuhan.
● Tatapusin ng guro ang talakayan sa pamamagitan ng pagtatanong ng mga sumusunod:
a. Ano ang klaster o kambal-katinig? ang klaster ay ang tawag sa mga
pinagsamang tunog ng dalawang katinig. Mayroon itong mga salitang
magkadikit o nakakabit na dalawang magkaibang katinig na matatagpuan
lamang sa iisang pantig. Ito ay tinawag din na kambal-katinig dahil dalawang
katinig ang magkatabi sa isang salita.

b. Paano natutukoy ang mga salitang may klaster o kambal-katinig? Ang mga
salitang may klaster o kambal-katinig ay madaling matukoy sa pamamagitan ng
pagsusuri ng mga titik o letra sa isang pantig at kailangan ito ay naglalaman ng
dalawang katinig upang masabi natin na ito ay isang salitang may klaster.

c. Saan maaaring matagpuan ang mga ito? Maaari natin itong matagpuan sa iba’t
ibang parte ng salita. Maaari ito ay nasa unahan, gitna o hulihan ng salita.

d. Ano-ano ang mga halimbawa ng mga salitang may klaster o kambal-katinig?


Ang iba pang halimbawa nito ay blusa, braso, globo prutas at tsinelas. At marami
pang iba.
e. Bakit mahalaga na maunawaan natin ang mga salitang may klaster o
kambal-katinig? Ang pag-unawa sa mga salitang may kambal-katinig ay
napakahalaga sa masusing pagsulat at wastong paggamit ng ating wika. Ito ay
nagbibigay daan sa mas maganda at maayos na komunikasyon dahil
natututuhan natin ang tamang paggamit ng wika at epektibong pagpapahayag ng
ating mga ideya, saloobin at mensahe sa pakikipag-usap.

Ito ay ilan lamang sa mga mahahalagang punto na dapat nating isaalang-alang upang mas
maunawaan at maisapuso natin ang ating napagtutunan.

Ebalwasyon
Sa pagkakataong ito, magbibigay ako ng isang gawain bago matapos ang talakayan upang
subukin ang lalim ng inyong pag-unawa sa paksang tinalakay.

Pagsasanay A.
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang guhit sa unahan ng bilang kung ang salita ay may kambal-katinig
at ekis (x) kung wala.
/ 1. madre
/ 2. klase
x 3. sisiw
/ 4.klima
x 5. apoy

Mahusay mga bata! Nagawa ninyong maunawaan ang mga salitang may klaster o
kambal-katinig, at sana’y ptuloy ninyong gamitin ang inyong kaalaman sa pang-araw-araw na
komunikasyon upang magkaroon ng mas malinaw at kahusayan na pagpapahayag.

Para sa inyong takdang aralin, narito ang iyong gagawin. Nauunawaan ba ang takdang aralin?
Mabuti. Ngayon, manalangin tayo para sa pagtatapos ng ating klase.

Maraming salamat at kita kita tayo sa susunod na araw.

You might also like