You are on page 1of 7

Banghay-aralin

(Pabuod na Pamamaraan)

I. Mga Layunin
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang,
1. Natutukoy ang mga Pang-angkop.
2. Natutukoy kung kailan ginagamit ang mga Pang-angkop.
3. Makabuo ng mga pangungusap gamit ang mga Pang-angkop na Na, Ng, at g.

II. Paksang-aralin: Pang-angkop

Sanggunian:https://www.google.com/search.

KagamitangPanturo:PDF presentation

III. Pamamaraan

Gawaing guro Gawaing mag-aaral


1. Paghahanda
a. Pagbabalik-aral
Balikan muna natin ang
huling tinalakay natin noong " Ang Pangatnig Po at Ang mga pangkat
huling pagkikita natin. Ano at Uri nito".
ba ang tinalakay natin
noon? "Ito ang tawag sa mga kataga o lupon ng
Magaling ano nga ba ulit mga salitang nag-uugnay ng dalawang
ang kahulugan ng salita o parirala o sugnay na
Pangatnig? (Magtatawag pinagsunud-sunod na pangungusap."
ang guro ng isang
Mag-aaral)
Tama, Katulad rin ng
pandiwa, panghalip,
pang-uri, at pang-abay, ang
pangatnig ay isa rin sa mga
bumubuo sa bahagi ng
pananalita. Sabi niyo kanina
tinalakay rin natin ang mga
Pangkat at Uri nito. Ngayon
ano ang dalawang Pangkat " Pangatnig na nag-uugnay sa
nito? magkatimbang na yunit at Pangatnig na
nag-uugnay sa di magkatimbang na
yunit"
Tama ano naman ang
sampung Uri nito?
(Magtatawag ang guro ng 1. Pangatnig na Panlinaw
tig-iisang mag-aaral) 2. Pangatnig na Panubali
3. Pangatnig na Paninsay
4. Pangatnig na Pamukod
5. Pangatnig na Pananhi
6. Pangatnig na Panapos
7. Pangatnig na Panimbang
8. Pangatnig na Pamanggit
9. Pangatnig na Panulad
10. Pangatnig na Pantulong

Mahusay, Wala na ba
"Wala na po guro"
kayong katanungan?

b. Pagganyak
Bago tayo dumako sa ating
aralin ngayon mayroon
akong inihandang awitin dito
na may mga patlang na
inyong punan ng tamang
lyrics. Para masagot niyo
awitin natin ng sabay-sabay
at syempre itong hawak
kong ballpen pagpapasahan
niyo ito at kung sino ang
natapatan ng ballpen at ang
siyang sasagot sa patlang.
At ang kakantahin natin ay
ang Apo Hiking Society na
may pamagat na
"Batang-bata Ka Pa".

Batang-bata ka pa at
(Inaasahang sagot)
marami ka pang
Batang-bata ka pa at marami ka pang
Kailangan_ malaman at
Kailangang malaman at intindihin sa
intindihin sa mundo
mundo
'Yan ang totoo
'Yan ang totoo
Nagkakamali ka kung akala
mo __ Nagkakamali ka kung akala mo na
Ang buhay ay isang Ang buhay ay isang mumunting paraiso
mumunting paraiso lamang lamang
Batang-bata ka lang at Batang-bata ka lang at akala mo na
akala mo __ Na alam mo na ang lahat na kailangan
__ alam mo __ ang lahat __ mong malaman
kailangan mo__ malaman Buhay ay 'di ganyan
Buhay ay 'di ganyan Tanggapin mo na lang ang katotohanan
Tanggapin mo __ lang ang Na ikaw ay isang musmos lang na wala
katotohanan pang alam
Na ikaw ay isang musmos Makinig ka na lang, makinig ka na lang
lang __ wala pang alam Ganyan talaga ang buhay, lagi kang
Makinig ka __ lang, makinig nasasabihan
ka __ lang 'Pagkat ikaw ay bata at wala pang
Ganyan talaga ang buhay, nalalaman
lagi kang nasasabihan Makinig ka sa 'king payo 'pagkat musmos
'Pagkat ikaw ay bata at wala ka lamang
pang nalalaman At malalaman ng maaga ng wasto sa
Makinig ka sa 'king payo kamalian
'pagkat musmos ka lamang
At malalaman __ maaga __
wasto sa kamalian

2. Paglalahad
Ngayon dumako na tayo sa ating
aralin ngayon. Ang inyong sinagot kanina
ay may kinalaman sa ating talakayan
ngayon. Ang ating tatalakayin ngayon ay
tungkol sa Pang-angkop.
Kapag sinabi nating Pang-angkop ano "Ginagamit ang mga ito sa pag-uugnay
ang naiisip niyo rito ano nga ba ang ng mga salitang naglalarawan at
kahulugan nito? inilalarawan."

Tama, Ang pang-angkop o ligatura


(Ingles: ligature) ay ang mga kataga, na
bahagi ng pananalita, na nag-uugnay sa
panuring (modifier, katulad ng pang-uri at
ng pang-abay) at salitang tinuturingan.

Sa ibang salita, ginagamit ang mga ito sa


pag-uugnay ng mga salitang
naglalarawan at inilalarawan. Ito ay isa sa
walong mga bahagi ng pananalita na mga
katagang nagdudugtong sa
magkakasunud-sunod na salita sa isang
pangungusap para magiging magaan o
madulas ang pagbigkas nito. Ito rin ang
ginagamit para pag-ugnayin ang mga
panuring at mga salitang binibigyan nito
ng turing.
May tatlong Uri ng Pang-angkop ito ay
Ang mga sinagot ninyo kanina sa ating Na,ng,-ng,g
inawit. Ibigay niyo nga ang mga ito.

Tama ito ay Ang na, ng -ng, at g.


1. NA
Ito ay nagdudugtong ng dalawang salita
na kung saan nagtatapos sa katinig ang
nauunang salita maliban sa letrang n.
Para sulatin ito, dapat ihiwalay ito sa
salitang pinag-uugnay

Halimbawa:

Ang banal na kaulatan


Ang malinis na hangin
Ang matalim na espada
Ang maitim na dyaket
Ang sikat na artista
Ang kristal na baso

2.1. NG

Ito naman ay isinulat na dinugtungan sa


mga salitang nagtatapos sa patinig na
mga letrang a, e, i, o, at u.

Halimbawa:

Ang masaganang halaman


Ang malaking mga ugat ng puno
Ang basang mga nilabadang damit
Ang kotseng pula
Ang berdeng sapatos
Ang dalawang mata

2.2. -NG

Ito naman ay ginagamit para dugtungan


ang magkakasunod na salita na kung
saan nagtatapos sa katinig na n ngunit
kinakaltas na ito kaya hindi ang
pang-angkop na g ang ginagamit.

Halimbawa:

luntian ng halaman – luntiang halaman


usapan ng inutil – usapang inutil

3. G
Ito naman ay ginagamit sa mga salitang
nagtatapos sa katinig na n.

Halimbawa:

Kainang nasa kalye


Tulisang kriminal

Naiintindihan niyo ba? Opo guro.


Kung ganon magbigay nga rin kayo ng
halimbawa ng Pang-angkop na Na. "Ang makinis na mukha ni Loisa"
"Ang mahusay na manunulat"
"Ang matigas na bato"
"Ang matinik na cactus"

Mahusay, sa Pang-angkop na Ng
Magbigay nga kayo ng halimbawa nito. "Ang mabagyong panahon"
"Ang maruming damit"
"Ang buong istorya ni Jonathan."
"Ang salaring tulisan"

Tama sa Pang-angkop na -ng naman. "Malinis na kasuotan – kasuotang


malinis"
Tama, Sa Pang-angkop na g naman.
"Pikong mapang-api"
Okay, Tama kayong lahat. Wala na ba
kayong katanungan o gustong idagdag sa
ating tinatalakay? "Wala naman na po"

3. Paghahambing at Paghahalaw
Sa tinalakay nating Pangatnig at "Ang pang-angkop ay mga katagang nag-
Pang-angkop ano ang pagkakaiba at uugnay sa panuring at salitang
pagkakatulad ng dalawang ito. tinuturingan Habang ang Pangatnig ang
(Magtatawag ang guro) tawag sa mga kataga o salitang
nag-uugnay ng dalawang salita, parirala,
osugnay na pinagsusunod-sunod sa
pangungusap. Ang pagkakatulad nila ay
parehas silang nag-uugnay ng mga salita
at nakakatulong sa pagbuo ng isang
pangungusap."

Tama Ang Pangatnig at Pang-angkop ay


Uri ng Pang-ugnay. Ngayon alam niyo na
ang pagkakaiba at pagkakatulad nito.
Basta lagi niyo lang isa-isip na ang
Pang-angkop ay ginagamit ito sa
Pang-ugnay ng mga salitang
naglalarawan at inilalarawan.

4. Paglalahat
Ano na nga ulit ang Pang-angkop? "Ginagamit para pag-ugnayin ang
mga panuring at mga salitang
binibigyan nito ng turing."

Ano ang mga Uri nito? "Na, ng -ng, at g"

Ano ang Pang-angkop na Na "Ito ay nagdudugtong ng dalawang


salita na kung saan nagtatapos sa
katinig ang nauunang salita maliban
sa letrang n."

Ano naman Ang Pang-angkop na Ng "Isinulat na dinugtungan sa mga


salitang nagtatapos sa patinig na
mga letrang a, e, i, o, at u."

Sa Pang-angkop na -ng naman? "Ginagamit para dugtungan ang


magkakasunod na salita na kung
saan nagtatapos sa katinig na n
ngunit kinakaltas na ito kaya hindi
ang pang-angkop na g ang
ginagamit."

"ginagamit sa mga salitang


At ang panghuli ano naman ang
Pang-angkop na G. nagtatapos sa katinig na n"

"Opo guro"
Tama, klaro na ba lahat sa inyo?

5. Paggamit
Ngayon sagutin niyo itong inihanda kong
gawain ninyo para makita ko kung kaya
niyo ng gamitin ang Uri ng Pang-angkop.
Sagutin niyo ito sa kalahating papel.

Panuto: Iugnay ang dalawang salita sa


pamamagitan ng paggamit ng tamang
Pang-angkop. Isulat sa dalawang salita at
pang-angkop sa patlang.
Hal. pula, mansanas- Pulang mansanas

1. Mahaba, kwento (Inaasahang sagot)


2. Lapis, mapurol 1. Mahabang kwento
3. Magaan, kahon 2. Lapis na mapurol
4. Inihaw, manok 3. Magaang kahon
5. Bago, sasakyan 4. Inihaw na manok
6. Mataas, presyo
5. Bagong sasakyan
7. Hilaw, mangga
8. Kaunti, bigas 6. Mataas na presyo
9. Iyakin, Bata 7. Hilaw na mangga
10. Masunurin, anak 8. Kaunting bigas
11. Asul, tuwalya 9. Iyaking Bata
12. Malayo, Lugar 10. Masunuring anak
13. Luma, kagamitan
11. Asul na tuwalya
14. Balat, makinis
15. Simple, buhay 12. Malayong Lugar
13. Lumang kagamitan
14. Balat na makinis
15. Simpleng buhay

You might also like