You are on page 1of 9

“MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO”

Name of Teacher Angeline L. MABUYO Section III - LDQ


Learning Area FILIPINO Time
Grade Level 3 Date March 06.2024

I.LAYUNIN
A. PAMANTAYANG NILALAMAN Matutukoy kung ano-anu ang mga uri ng pang-
abay
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP Magamit ang mga uri ng pang-abay sa
pangungusap
C. PINAKAMAHALAGANG KASANAYAN SA Nalalaman kung saang pang-abay nabibilang
PAGKATUTO ang isang salita
D. PAGPAPAGANANG KASANAYAN Nagagamit nang wasto ang mga pang-abay na
naglalarawan ng isang kilos at gawi.
F3WG-IIIh-6
E. PAGPAPAYAMANG KASANAYAN
II. NILALAMAN
1. Paksa Ang mga uri ng Pang-abay
2. Sanggunian Filipino III Pg. 32
3. Kagamitan Powerpoint presentation, printed material
(activity), manila paper
III.PAMAMARAAN
AKTIBIDAD NG GURO AKTIBIDAD NG MAG AARAL
A. Panimula
 Pagbati
Magandang Umaga mga bata!
“Magandang umaga din po titser!”
Kamusta naman kayo ngayong araw?
“Mabuti naman po titser”
Mabuti naman kung ganon.

 Panalangin

Bago natin simulan ang ating aralin


ngayong araw. Maaari bang magsitayo
ang lahat at tayo’y mananalangin. (Magsisito ang mga bata)

https://youtu.be/A5Tq-2fSTFY?
si=FOIebiJjY6Xv-HFH

(Nananalangin)

Muli, Magandang umaga mga bata.

Bago magsiupo ang lahat, maari bang “Magandang din po”.


pakipulot ng mga basura sa ilalim ng
inyong mga upuan.

(nag pulot ng mga basura sa ilalim ng mesa)


 Pag tatala ng liban

Upang malaman kung kayo ay naririto,


mangyayari lamang na sasabihing
present kapag naririto.

(Tinawag lahat ng mga bata kung


present ito).
B. Balik – Aral
Bago natin simulan ang panibagong
aralin. Atin munang balikan kung ano
ang inyong pinag-aralan noong
nakaraang araw.

Tungkol nga saan ang inyong pinag-


aralan?

Nhiekal?
“Ang ating napag-aralan ay tungkol sa pang-abay’’

Tama! Ano nga ang pang-abay?


Precious? “Ang pang-abay ay isang bahagi ng pananalita na
naglalarawan o nagbibigay turing sa pang-uri,
pandiwa, at kapwa pang-abay.”
Mahusay, Precious!

Mayroon nga tayong ilang uri ng pang-


abay?

Yes, Sam?
‘’Mayroon po tayong pitong pang-abay”

Magbigay ka nga ng isang halimbawa,


Angel?
“Pang-abay na pamanahon”

Ano pa, Rayna?


“Pang-Abay Na Panlunan, Pang-Abay Na Pamaraan,
Pang-Abay Na Panang-Ayon, Pang-Abay Na
Pananggi, Pang-Abay Na Paunlad.”

Mahusay! Ako’y nagagalak na inyong


naunawaan at natandaan ang tinalakay
natin kahapon.

C. Pag ganyak

Ngayon mga bata may hinanda akong


laro para sa inyo. Ito ay Jumbled
Letters. Mayroon kailangan ninyong
pagbalik-baliktarin ang mga letra upang
makagawa ng isang salita.

Naiintindihan ba?
“Opo, ma’am”
1. K I L I T K G I N

2. N O H A M N A A P

3. A A N L U P N N

4. N A A R A M A P

5. G N A N A P – N A Y O

6. G G I A N N A P

7. D A L N U A P
Ako’y natutuwa dahil marami sa inyo
ang nakikipagpartisipasyon.

D. Paglalahad
Ngayon mga bata, pamilyar ba kayo sa
mga salitang ating nabuo?
“Opo, ma’am”
Kung ganon, ano-anu kaya ang mga
salitang ito? Jhewel? “Ito po ay mga uri ng pang-abay”

Mahusay! Ang mga salitang ito ay mga


uri ng pang-abay.

Ilan nga ulit mga bata ang uri ng pang-


abay? “Mayroon po tayong pitong uri ng pang-abay”

Tama! Mayroon tayong pito uri ng


pang-abay.

E. Pagtatalakay
Ang una ay ang:

Pang-abay na Ingklitik, ay maikling


kataga na walang kahulugan sa
kanilang sarili subalit nakapagpapabago
ng kahulugan ng pangungusap.

Halimbawa:
ba, nga, yata, pala, daw/raw,
kaya, kasi, man, muna, lang, pa, na, at
iba pa.

Ito ay tinatawag ding katagang


karaniwan dahil sumusunod ito sa
unang salita sa pangungusap.

Halimbawa nito ay:


Ikaw ba ang kumuha ng kendi.

Pangalawa ay ang
Pang-abay na pamanahon, ito ay
nagsasaad kung kailan naganap,
ginaganap o gaganapin ang isang
pangyayari o kilos.

Ang pang-abay na pamanahon ay


kadalasang sumasagot sa tanong
kailan.

Halimbawa nito ay:


Magsisimba ka sa Linggo.

Sunod ay
Pang-abay na panlunan, ay tinatawag
ding adverb of place sa wikang Ingles,
ay isang uri ng pang-abay na
tumutukoy sa pook o lugar kung saan
ginanap o ginaganap ang kilos ng
pandiwa. Ito ay sumasagot sa tanong
na saan.

Ilan sa mga panandang ginagamit dito


ay ang mga salitang sa, kina, o kay.

Halimbawa:
Gaganapin ang aking kaarawan sa
aming bahay.

Ang pang-apat ay ang pang-abay na


pamaraan, ito ay isang bahagi ng wika
na nagbibigay ng karagdagang
impormasyon tungkol sa paraan ng
pagganap ng pandiwa o salita.

Ito ay isang uri ng pang-abay na


naglalarawan kung paano ginawa o
ginagawa ang isang kilos o aksyon.

Sa madaling salita, ito ang


nagpapahayag kung paano naganap
ang isang pangyayari.

Halimbawa:
Kinamayan niya ako ng mahigpit.
“Mahigpit po”
Paano nilarawan ng kilos na kinamayan
sa pangungusap?

Tama! Ang mahigpit ay inilarawan kung


paano niya ako kinamayan. “Sa tanong na PAANO po, ma’am”

Sumasagot nga sa tanong na ano? Ang


pang-abay na pamaraan?
“Sa tanong na KAILAN po, ma’am”

Very good! Sumasagot naman sa


tanong na ano ang pang-abay na “Sa tanong na SAAN po, ma’am”
pamanahon?

Tama! Sumasagot naman sa tanong na


ano ang pang-abay na panlunan?

Very good! Ang ating panglimang uri ng


pang-abay ay ang pang-abay na
panang-ayon.

Ito ay nagsasaad ng pagsang-ayon sa


salitang kilos (pandiwa), pang-uri, o sa
kapwa pang-abay sa pangungusap.
Ginagamit ito upang sumang-ayon o
tanggapin ang sinasabi ng kausap.

Ito ay ginagamitan ng mga panandang


oo, opo, tunay, sadya, talaga,
syempre, sige, tiyak, walang duda, at
sigurado.

Halimbawa:
Oo, magaling na doktor ang kaibigan
ko.

Sa pangungusap ay sumasang-ayon siya


na magaling na doctor ang kanyang
kaibigan.

Ang pang-anim na uri ay ang pananggi.


Ito ay nagsasaad ng pagtanggi,
pagtutol, o pagsalungat sa kilos na
ipinapahayag ng pandiwa, pang-uri, o
kapwa pang-abay sa isang
pangungusap.

Ginagamitan ito ng mga salitang hindi,


di, ayaw, o huwag.

Sa wikang Ingles, ito ay tinatawag na


adverb of negation.

Halimbawa:
Huwag tularan ang mali niyang
ginawa.

At huling uri ay ang paunlad o pang-


abay na paunlad.

Kapag sinabi nating pang-abay na


paunlad, ay isang uri ng pang-abay na
ginagamit sa paghahambing ng iba’t
ibang katangian o paghahalintulad sa
dalawang bagay o tao sa pangungusap.

Ito ay ginagamitan ng mga salitang


kaysa, higit, di hamak, di gaya, labis, di
gaano, at lalong-lalo.

Halimbawa:
Mas mahusay sumayaw si Sarah “Si Sarah po at si Regine”
kaysa kay Regine.

Sa pangungusap sinong pinaghambing? “Kaysa po, ma’am”

Very good! Anong ginamit na salita


para maghambing?
“Opo”

Mahusay! Ngayon mga bata


naiintindihan ba kung ano ang mga uri
ng pang-abay?

Kung gayon ay magpatuloy na tayo sa


ating activity ngayong araw.

F. Paglalapat
Upang makagawa tayo ng grupo
bumilang ng 1-4.

Ngunit bago gumawa mayroon akong


hinandang pamantayan sa paggawa:

1. Tumulong at makipagpartisipasyon
sa mga kagrupo.
2. Panatilihing tahimik sa paggawa.
3. Maging creative sa bawat activity na
ginagawa.

Maaari ninyo bang basahin kung ano


ang ating pamantayan sa paggawa?
“Opo”

Ulitin mo ngang basahin? Francis?


(Babasahin ang pamantayan)

Maraming salamat!

Ngayong alam ninyo na ang ating


pamantayan. Maaari na tayong
magsimula.
“Opo, ma’am”
Para sa mapupunta sa GROUP 1:
Kailangan ninyong gumawa limang (5)
pangungusap na may pang-abay na
pamanahon.

Para sa GROUP 2:
Kailangan ninyong gumawa ng maikling
tula na may pang-abay na ingklitik.
Maaari ninyong gamitin sa tula ang
salitang ba, nga, yata, pala, daw/raw,
kaya, kasi, man, muna, lang, pa, na, at
iba pa.

Para sa Group 3:
Iakto ang senaryo na mayroong pang-
abay na panang-ayon at tukukin kung
ano ang mga salitang ginamit dito.

Para sa Group 4:
Iguhit ang nasabing pang-abay na
panlunan sa pangungusap.

Hal.
Si ana ay namasyal sa bukid.

Ang lugar o pook sa pangungusap ay


ano?
“Bukid po”
Tama! Kung kaya’t idodrawing ninyo ay
bukid.

Naiintindihan ba mga bata?


“Opo”

Mabuti kung ganon. Ngayon ay mag-


umpisa na tayong gumawa ng grupo.

Magsisimula ang pagbilang kay Jelaine


rose.

Okay, umpisahan na.

(Bibilang ang mga mag-aaral ng 1-4)

Ngayong mayroon ng kanya-kanyang


grupo. Nais kong pumili kayo ng isang
lider, na kung saan ay mamamahala sa
inyo.

Naiintindihan ba mga bata?

“Opo, ma’am”
Kung gayon ay umpisahan na. Mayroon
lamang kayong limang minuto upang
tapusin.

G. Paglalahat
Mahusay ang ipinakita ng lahat!

Ngayon mga bata, sino ang


makapagbibigay kung tungkol saan ang
piang-aralan natin ngayong araw?
“Ang pinag-aralan po natin ngayong araw ay tungol
sa mga uri ng pang-abay”
Very good! Ilang uri nga ng pang-abay
mayroon tayo? “Mayroon po tayog pitong uri ng pang-abay”

At ano-anu nga ang mga uri ng mga


pang-abay?
“Pamaraan, pamanahon, panlunan at iba pa”

Mahusay! Kapag sinabi nating pang-


abay na pamanahon, ito ay sumasagot
sa tanong na ano? “Ito po ay sumasagot sa tanong na kailan”

Very good! Sa pang-abay naman na


panlunan? “Sumasagot po ito sa tanong na saan”

Very good! Sumasagot ito sa tanong


kung saan nangyari ang kilos o aksyon.

Sa pang-abay na pamaraan? Ito ay


sumasagot sa tanong na?
“Sumasagot po ito sa tanong na paano”

Mahusay! Ang pang-abay naman na


panang-ayon?
“Ito po ay pagsang-ayon”
Tama! Ito ay pagsang-ayon sa isang
bagay.

Ano naman kapag pananggi?


“Ito po ay pagtutol”
Ito ay pagtutol sa usapan o sa isang
bagay. Ito ay kabaliktaran ng
pangsangayon.

At ang pinakahuli ay ang pang-abay na


paunlad. Ano ito?
“Nagsasaad po ito ng paghahambing ng dalawang
tao o bagay”.

Very good! Ang pang-abay na paunlad


ay nagkukumpara sa bagay o tao.

Mga bata sa aking nakikita ay sapat na


ang inyung mga kaalaman upang tayo
ay magkaroon ng pagtataya.

H. Pagtataya
Kung talagang naunawaan ang ating
naging talakayan ngayon araw. Kumuha
ng papel at sagutan ang pagtataya
bilang isa.
Maaari mo bang basahin ang panuto,
Jelaine Rose?

Panuto: Isulat ang PM kung


pamanahon, PN kung panlunan, PR
kung pamaraan at PS kung pagsang-
ayon ang may salungguhin na salita.

1. Pupunta kami sa Fiestahan sa 1. PM


Martes. 2. PN
2. Sa Luneta Park kami namasyal. 3. PS
3. Oo, bumili ako ng bagong cellphone. 4. PR
4. Mabagal lumakad ang pagong. 5. PM
5. Kaarawan ko na ngayon.

Sagot na lamang ang isusulat sa inyong


kwaderno.

Mayroon lamang kayong limang (5)


minuto upang tapusin.

Umpisahan na.

I. Takdang aralin

Bago matapos ang aralin natin ngayon


araw, kuhanin ang kwaderno at
kopyahin ang inyong takdang aralin.

Takdang-Aralin:
Sumulat ng limang (5)
pangungusap at gamitin ang mga uri ng
pang-abay tulad ng
pamanahon,pamaraan, panang-ayon,
at iba pa.

1. (Isusulat ang takdang aralin sa kwaderno)


2.
3.
4.
5.

Dito na natatapos ang ating aralin.


Tumayo para sa ating pangwakas na
manalangin.

https://youtu.be/YABDElWYQFs?si
=zN1Gvy8mXFxTZQXu (Tatayo upang manalangin)

Paalam mga bata.

Prepared by:
ANGELINE L. MABUYO

Checked by:

Mrs. LORADEL DELAS-ALAS QUINICIO

CPL = ________

You might also like