You are on page 1of 7

Detalyadong Banghay Aralin sa Filipino IV

Nagagamit ang uri ng pang-abay (panlunan, pamaraan, pamanahon) sa pakikipag-usap sa ibat-


ibang sitwasyon.

I. Mga layunin

a. Nasusuri ang pang-abay na pamaraan sa pangungusap na nabasa;


b. Nakabubuo ng pangungusap na may gamit ng pang-abay na pamaraan; at
c. Nakasusunod sa pagbuo ng pangungusap gamit ng may pang-abay na pamaraan.

II. Paksang aralin

 Paksa: Pang-abay na pamaraan


 Sanggunian:
 Kagamitan: PowerPoint presentation, TV.

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng mga mag-aaral

A. Panimulang gawain

1. Panalangin Manalangin tayo... Amen


2. Pagbati
Magandang umaga!
3. Pagtala ng liban Magandang umaga guro!

May lumiban ba sa klase?

Mabuti kung ganon. Wala Guro.

4. Pamamahala sa silid-aralan

B. Panlinang ng gawain

1. Pagganyak

Atin munang balikan ang inyong nakaraang aralin


tungkol sa Pang-abay.

Ano na nga ulit ang Pang-abay?


Ang pang-abay ang nagbibigay turing o ito'y
inilalarawan ang pandiwa o pang-uri na ginagamit sa
pakikipag-usap.

Mahusay!

Ibigay ang dalawang uri ng pang-abay na inyong

1
napag-aralan. Pang-abay na Pamanahon

Pang-abay na Panlunan

Napakahusay!

Sa isang 1/4 na papel ilagay ang mga salita na


mabubuo sa mga letrang ito:

AAPMRNAA

Oorasan ko lamang kayo ng dalawang minuto.

Ano ang Pamaraan?


Ito ay ang paraan kung paano gawin ang isang
bagay.

Tama!

2. Paglalahad ng paksa

Ngayon ay ating pag-aralan ang Pang-abay na


Pamaraan.
Kailan guro.
Ano ang katanungan na sinasagot ng pang abay na
pamanahon?

At ang pang-abay na panlunan? Saan guro.

Tama!

Kung ang pang-abay na Pamanahon ay sumasagot sa Paano guro.


katanungan na 'Kailan' at ang pang-abay na
panlunan ay 'saan' ano naman sa Pang-abay na
pamaraan?

Mahusay!

3. Pagtatalakay

Ang pang-abay na pamaraan ay? Naglalarawan kung paano ginawa, ginagawa, o


gagawin ang isang pandiwa.
1. Ibinalik nang maayos ni Kim ang hiram na
pandikit.

Ano ang pandiwang ginamit?

Paano ibinalik ni kim ang hiram niyang pandikit? Ibinalik.

Tama! Maayos.

Ang maayos na salitang ginamit ay inilalarawan ang


pandiwang ibinalik.

2
Kaya ang pang-abay na pamaraan sa pangungusap
ay?

Magaling!
Maayos.
Pakibasa: Ginagamit ang panandang 'nang' o na/ -
ng.

Ginagamit ang 'nang' bago ang pang-abay o 'na'


pagkatapos ng pandiwa o di'kaya ay letrang -ng sa
Ginagamit ang panandang 'nang' o na/ -ng.
hulihan ng salita.

Pakibasa ang pangalawang pangungusap.

2.Malakas na bumuhos ang ulan dala ng habagat.


Ano ang pandiwang ginamit?
Bumuhos.
Ano ang bumuhos?
Ang ulan guro.
Ay pagbuhos ng ulan ay paano?
Malakas guro.
At ang panandang ginamit ay?
Salitang 'na'
Mahusay! Ang panandang ginamit ay salitang 'na' at
matatagpuan ito pagkatapos ng pandiwa.

Tukuyin naman natin ang pang-abay na pamaraan


sa pangatlong pangungusap.

Ano ang pandiwang ginamit sa pangungusap?


3. Ay mga bata ay masayang naglalaro.
Paano? Paano inilarawan sa pangungusap ang
paglalaro ng mga bata?

Tama! Paano niyo nalaman na ito ang pang-abay na Naglalaro?


pamaraan?
Masayang
Pakibasa ang huling halimbawa:
Dahil sa panandang -ng sa hulihan ng salitang
masaya guro.

Ano ang pandiwang nasa pangungusap? 4. Si Jasmin ay nag-aaral nang mabuti para sa
pagsusulit.
At ang panandang ginamit upang matukoy ang pang
-abay na pamaraan ay?

Tama ang salitang 'nang' . Nag-aaral.

Pakisagutan ang nasa pisara Aldrich, Keithlyn at 'nang'


Den. Bilugan ang pandiwa at salunggunitan ang
pang-abay na pamaraan.

1. Kailangang ipahayag nang mahinahon

3
ang ating saloobin.
2. Masusing tinitigan ni nanay ang isda sa
palengke.
Maraming salamat. Bumalik na kayo sa inyong 3. Mahimbing na natutulog ang sanggol.
upuan.

Ating suriin ang kanilang sagot.

Sa unang pangungusap ano ang pandiwang ginamit?

At base sa pangungusap pano natin ipahayag ang


Ipahayag guro
ating saloobin?
Mahinahon.
Tama salunggunitan pati ang panandang ginamit,
'nang' mahinahon.

Palakpakan natin si Aldrichng tatlong beses! 1,2,3.

Sunod naman ang pangalawang pangungusap.

Ano ang pandiwang ginamit?

Paano tinitigan ng nanay ang isda?

Tama ngunit ito'y ginamitan ng pananda,


dinagdagan ng letrang -ng ang hulihan ng salita kaya
naging ? Tinitignan.

Bigyan ng tatlong palakpak si Keithlyn. 1,2,3.! Masusi.

Ang pangatlong pangungusap. Ano ang pandiwang


ginamit?
Masusing.
Paano inilarawan ang pagtulog ng sanggol?

Napakahusay!
Natutulog
Bigyan ng tatlong palakpak si Den. 1,2,3.

Ngayon naman ay dumako tayo sa Pang-abay na


pamaraan na walang pananda. Mahimbing guro.

Pakibasa: Masipag mag-aral ang mga magkakapatid.

Ano ang pandiwang ginamit sa pangungusap?

Paano mag-aral ang mga magkakapatid?

Mahusay . Isa pang pangungusap bago tayo dumako Masipag mag-aral ang mga magkakapatid.
sa inihando kong aktibidad.

4
Ano ang pandiwang ginamit sa pangungusap? Mag-aral

Ilarawan niyo nga kung paano hinanap ni Angela Masipag.


ang kanyang alaga.

Bigyan natin ng tatlong palakpak ang ating sarili


kung inyo ng naiintindihan ang pang-abay na Nawawala ang alagang ibon ni angela kaya mabilis
pamaraa. niya itong hinanap.

4. Paglalapat Hinanap.

Ang klase ay mahahati sa apat na grupo. Mabilis.

Ang gagawin niyo lamang ay paramihan ng


mabubuong pangungusap na may gamit ng pang-
Palakpak 1,2,3.
abay na pamaraan. Ang may pinaka konting
nabuong pangungusap ay sasayaw.

Mabibigyan lamang kayo ng 15 na minuto upang


gawin ang aktibidad

5. Paglalahat

Ano na nga ba ang pang-abay ?

Ibigay ang tatlong uri ng pang-abay :

Ito ay salitang naglalarawan sa pandiwa.

Pang-abay na Pamanahon
Anong uri ng pang abay ang sumasagot sa
katanungang 'kailan'? Pang-abay na pamaraan

Tama! Pang-abay na panlunan.

Anong uri ng pang abay ang sumasagot sa


katanungang 'saan'?

Tama!
Pang-abay na pamanahon.
Anong uri ng pang abay ang sumasagot sa
katanungang 'paano'?

Mahalaga ba na mailarawan nang maayos ang ating


mga sinasabi? Pang-abay na panlunan.
Bakit?

Maraming salamat. At napakahusay niyo. Pang-abay na pamaraan

5
Opo

Para malaman ng kinakausap mo ang totoonng


nagaganap.

C. Pagtataya.

Salungguhitan ang pandiwa at bilugan ang pang-


abay na pamaraan.

1. Maligayang binabati ng mga mag-aaral


ang kanilang guro kapag 1. Maligayang binabati ng mga mag-aaral
nakakasalubong ito. ang kanilang guro kapag
2. Sina Gian at Den ay maliksing naglalaro nakakasalubong ito.
ng basketbol. 2. Sina Gian at Den ay maliksing naglalaro
3. Nakaupo nang maayos ang mga mag- ng basketbol.
aaral habang nagtuturo ang kanilang 3. Nakaupo nang maayos ang mga mag-
guro. aaral habang nagtuturo ang kanilang
4. Palihim na naghahanda ng sorpresa si guro.
Jarell para sa kanyang ina. 4. Palihim na naghahanda ng sorpresa si
5. Nakikinig nang mabuti si Reign sa Jarell para sa kanyang ina.
kanilang Guro. 5. Nakikinig nang mabuti si Reign sa
6. Magaling sumayaw si Angel. kanilang Guro.
7. Inihayag ni Atheena ang kanyang 6. Magaling sumayaw si Angel.
saloobin nang mahinahon. 7. Inihayag ni Atheena ang kanyang
8. Mahusay kumanta si Aldrich. saloobin nang mahinahon.
9. matamlay siyang kumilos dahil sa 8. Mahusay kumanta si Aldrich.
masamang balita na inihatid ng kanilang 9. Matamlay siyang kumilos dahil sa
kapitbahay. masamang balita na inihatid ng kanilang
10. Tumakbo nang matulin si Agnes upang kapitbahay.
hindi siya mahuli sa klase. 10. Tumakbo nang matulin si Agnes upang
hindi siya mahuli sa klase.

D. Takdang aralin

Gumawa ng pangungusap na may pang-abay na


pamaraan.

1. May panandang 'nang'

Halimbawa: Natulog siya nang patagilid.

2. May panandang '-ng'

Halimbawa: Sa mahinang boses ko siya tinawag.

3. May panandang 'na'

Halimbawa: Ang nakababata kong kapatid ay

6
MALAMBING na nanghihingi ng bagong sapatos
kay nanay.

4. Walang pananda

Halimbawa: Mahusay sa pagpinta si Kristine.

You might also like