You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng Lungsod ng Rosario
Teodoro M. Luansing College of Rosario
Namunga, Rosario, Batangas

Masusing Banghay-Aralin sa Pakitang-Turo sa Major 19

I. Layunin
a. Nailalahad ng mga mag-aaral ang kanilang pag-unawa sa paksang ang Tayutay.
b. Naiisabuhay ng mga mag-aaral ang mga aral sa paksang tatalakayin.
c. Naiipahayag ang kaalam tungkol sa paksang ang Tayutay.
d. Naisasaalang-alang at naisasadamdamin ang kahalagahan ng Tayutay.
e. Nakikilahok ang mga mag-aaral sa anumang aktibidad na gagawin.
Nilalaman
Paksa: Tayutay
Sanggunian: https://www.slideshare.net/johndeluna26/tayutay-
46977850?fbclid=IwAR2RPB05kA4dtHTzjqPfdFWECw6Lno_bESjjQ40i6Ltfbieo_L6UxrCTCtw
Kagamitan: Biswal, sampayan, at laptop
Kahalagahan Pangkatauhan: Pagpapahalaga sa paksang Tayutay na makakapagpalawak sa kaalaman ng mga
mag-aaral
II. PROSESO NG PAGKATUTO
Gawain ng Mag-aaral

Panimulang Gawain
1. Panalangin
Mangyari tumayo ang lahat at damhin natin ang (Yuyuko at taimtim na magdadasal ang mga mag-
presensya ng Panginoon. aaral)

Sa ngalan ng Ama, Nang Anak at nang Espiritu Santo.


Amen.
Panginoon, marami pong salamat sa panibagong araw
na binigay ninyo sa amin. Maraming salamat din po sa
lahat ng biyaya na pinagkakaloob Ninyo. Patawad po
sa mga kasalanan na aming ginawa at patuloy Ninyo po
kaming protektahan at gabayan patungo sa Magandang
kinabukasan. Amen.
2. Pagbati sa Klase
Magandang araw sa inyong lahat mga butihin Magandang araw din po Sir JM.
kong mag-aaral.

3. Pagsasaayos ng Silid-Aralan
Bago tayo magsimula nais kong ayusin ninyo muna
ang inyong mga upuan at pulutin ang mga kalat na
makikita ninyo sa inyong paligid.

4. Pagtatala ng Liban
Sa kalihim ng klase, mangyaring isalaysay mo ang
mga mag-aaral na wala sa mga oras na ito.
Maraming salamat.

5. Pagbabalik-Aral
Bago tayo tuluyang magbukas ng panibagong
talakayan, tayo muna ay magbalik-aral sa ating
pinagtalakayan noong nagdaaang araw.

Ano ang tinalakay natin noong nakaraang araw? Ang tinalakay po natin noong nakaraang araw ay
Tekstong Naratibo.
A. Aktibiti
“PANGUNGUSAP KO, KOMPLETUHIN MO”

May ipapakita ako na mga pangungusap. Ang bawat


pangungusap ay may kaukulang tamang sagot na kailangan
ninyong mapunan. Pipili ng limang mag-aaral na bubunot
ng tig-iisang salita. Pagkatapos makabunot ng mag-aaral ay
kailangan ninyong suriin ang salitang inyong nakuha at
hanapin ang angkop na pangungusap. Pupunta ang mag-
aaral sa napili nitong pangungusap at susuriin ng guro kung
tama ang napiling pangungusap ng mag-aaral at kapag
tama ang napili, ibibigay ninyo ang kahulugan ng
pangungusap.

Maliwanag ba mga mag-aaral? Opo, malinaw po.

1. Humagulgol ang ______. 1. Hangin


2. Lumilipad ang _______. 2. Oras
3. Nagkasakit ang ______ ko. 3. Kotse
4. Napangiti ang _____ sa aking pagdating. 4. Bulaklak
5. Kinindatan ako ng _______. 5. Araw

B. Analisis
- Ano ang masasabi ninyo sa mga pangungusap na Ito po ay nagsasaad ng mga matatalinhagang
sinagutan ninyo? pagpapahayag ng damdamin.

- Ano ang naramdaman ninyo ng matapos ninyo ang Masaya po ang naramdaman naming.
aktibidad?
C. ABSTRAKSYON (TALAKAYAN)
Ngayon dadako na tayo sa ating talakayan.

- Tungkol saan ang pag-aaralan natin ngayon batay Ito po ay maaaring patungkol sa paksang tayutay.
sa ginawa nating aktibidad?

MAHUSAY!

TAYUTAY- Ito ay sinadyang paglayo sa karaniwang


paggamit ng salita upang gawing mabisa, matalinhaga,
makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag.

MGA URI NG TAYUTAY


SIMILI O PAGTUTULAD – Di tiyak na paghahambing
ng dalawang magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga
pangatnig. Hal: tulad ng, paris ng, kawangis ng tila, sing,
sim, magkasing, magkasim, at iba pa. Ito ay tinatawag na
simili sa ingles.

Halimbawa:
1. Tila yelo sa lamig ang kamay ng nenenerbyos na
mang-aawit.
2. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituin sa
ningning.
3. Tila maamong tupa si Juan kapag napapagalitan.
METAPORA O PAGWAWANGIS – Tiyak na
paghahambing ngunit hindi ginagamitan ng pangatnig.
Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga
pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na
inihahambing. Ito ay tinatawag na metaphor sa ingles.

Halimbawa:
1. Siya ay langit na di kayang abutin nino man.
2. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.
3. Ahas siya sa grupong iyan.
PERSONIPIKASYON O PAGSASATAO -
Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga
katangiang pantao-talino, gawi, kilos, ang mga bagay na
walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang
nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiriwa, at
pangngalang-diwa. Personification sa ingles.

Halimbawa:
1. Hinalikan ako ng malamig na hangin.
2. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin.
3. Sumayaw ang mga dahoon sap ag-ihip ng hangin.
APOSTROPE O PAGTATAWAG – Isang panawagan o
pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.

Halimbawa:
1. O tukso! Layuan moa ko.
2. Kamatayan nasaaan kana? Wakasan mo na ang
aking kapigtahian.
PAGMAMALABIS O HYPERBOLE
(EKSAHERASYON) – Ito ay lagpalagpasang
pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao,
bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang
katangian, kalagayan o kalayuan.

Halimbawa:
1. Namuti ang kanyang buhok kakahintay sayo.
2. Abot langit ang pagmamahal niya sa akin.
3. Nabiyak ang kanyang dibdib sa sobrang
pagdadalamhati.
PAGPALIT SAKLAW O SINEKDOKE – Isang bagay,
konsepto, kaisipan, isang bahagi ng kabuuan ang
binabanggit.

Halimbawa:
1. Hingiin mo ang kanyang kamay.
2. Isang Rizal ang nagbuwis ng buhay alang-alang sa
inang bayan.
PAGHIHIMIG O ONOMATOPEYA – ito ang mga
paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog ay isang
kahulugan onomatopoeia sa ingles.

Halimbawa:
1. Ang lagaslas nitong batis, alatiit nitong kawayan,
halumigmig nitong hangin, ay bulong ng kalikasan.
2. Humalinghing siya sa sakit ng hagupit na
tinanggap.
PAG-UYAM – Mga pananalitang nangungutya sa tao o
bagay sa pamamgitan ng mga salitang kapag kukunin sa
tiyakan ay tila kapuri-puring mga pananalita ngunit sa
tunay na kahulugan ay may bahid na pang-uyam.

Halimbawa:
1. Kay kinis ng mukha mong butas-butas sa kapipisil
mo ng tigyawat.
2. Talaga palang masipag ka, wala kang ibang ginawa
kundi ang matulog maghapon.

D. APLIKASYON
Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa dalwang grupo
upang magsagawa ng pangkatang gawain at
bibigyan lamang ng sampung minuto upang
isagawa ang pangkatang gawain.

UNANG PANGKAT
(Shyra, Jaira, Monica, Jessa)
Magbigay ng sampung pangungusap na may
personipikasyon.

PANGALWANG PANGKAT
(Josue, Princess, Cyril, Arabella)
Magbigay ng sampung pangungusap na may
pagmamalabis.

Ang bawat pangkat ay mamarkahan batay pamantayang


inihanda ng guro.
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

MGA PAMANTAYAN PUNTOS

Presentasyon 25

Nilalaman 15

Partisipasyon 10

Kabuuan 50

Pagpapahalaga
1. Bilang isang mag-aaral, gaano kahalaga sayo ang Para po sa akin, mahalaga po ito sapagkat nailalahad
tayutay sa pang araw-araw mong gawain. po natin ang ating mga saloobin o nais sabihin sa
pamamagitan ng iba’t-ibang salita na hindi tayo
nakakagamit ng hindi kaaya-ayang salita.
2. Nagagamit ba ninyo ang tayutay? Sa anong Opo, nagagamit po namin ito sa tuwing nakikipag-
pagkakataon ninyo ito nagagamit? usap kami sa aming kapwa.

Paglalahat
1. Ano muli ang tayutay? Ang tayutay po ay ito ay sinadyang paglayo sa
karaniwang paggamit ng salita upang gawing mabisa,
matalinhaga, makulay at kaakit-akit ang
pagpapahayag.
2. Ano ang pinagkaiba ng Simili at metapora? Ang simili po ay di-tiyak na paghahambing na
ginagamitan ng mga pangatnig at ang metapora naman
po ay tiyak na paghahamabing ngunit hindi
ginagamitan ng pangatnig.
Pagtataya
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila


ito ay isang tao.
A. Metapora o Pagwawangis
B. Apostrophe o Pagtawag
C. Pagpalit Saklaw o Sinekdoke

2. Ito ay sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit


ng salita upang gawing mabisa, matalinhaga,
makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag.
A. Tayutay
B. Paghihimig o Onomatopeya
C. Simili o Pagtutulad
3. Isang bagay, konsepto, kaisipan, isang bahagi ng
kabuuan ang binabanggit.
A. Personipikasyon o Pagsasatao
B. Tayutay
C. Pagpapalit Saklaw o Sinekdoke

4. Mga pananalitang nangungutya sa tao o bagay sa


pamamgitan ng mga salitang kapag kukunin sa
tiyakan ay tila kapuri-puring mga pananalita ngunit
sa tunay na kahulugan ay may bahid na pang-uyam.
A. Pang-uyam
B. Pagmamalabis o Hyperbole
C. Simili o Pagtutulad

5. Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin


ng mga katangiang pantao-talino, gawi, kilos, ang
mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng
mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng
pandiwa, pandiriwa, at pangngalang-diwa.
A. Personipikasyon o Pagsasatao
B. Pang-uyam
C. Tayutay

Susi sa Pagwawasto
1. B
2. A
3. C
4. A
5. A

Bahagdan ng Pagkatuto:_____________

Takdang Aralin: Gumawa ng isang tula na may gamit na


tayutay.

Inihanda ni:
John Michael A. Hornilla
Gurong Nagsasanay
Binigyang Pansin ni:
Bb. Zophia Marie Faye M. Atienza, LPT
Gurong Tagapagsanay

You might also like